Their Complexities (Book 3 of...

By keeperofsins

46.2K 1.4K 401

What happens when you're both at your ends More

FOREWARNING
Prologue
Is there a difference?
Best dad ever!
Clarity
Flicker
Invasion
The boy in the middle
Concerns
Strucked
It begins
In motion
Revelation
Gifts
Good surprises
Spotted
Having it
Clearing things
Importunate
Let's get it on!
Pulling out
Cornered
Try
Hooking it
Who to pick?
In the red corner
In the blue corner
Plan
Fall of the figure
Confrontations
Hunches
Enticing
A possible sidetrack
What is the surprise?
Surprise, surprise!
Another test
Face-off
Comfort
Disturbance of comfort
Disturbances
Fate and its consequences
Is it too late to apologize
For them
A request
Compromise
Final Decision

Entanglement

1.3K 34 4
By keeperofsins

 "Weee!" Masayang saad ng binata habang pinapaikot ang hawak nitong paslit.

Kita ang galak ng mga ito habang naglalaro sa labas ng tahanan. Maingat na pinapaikot ni Mikael ang kambal niya sa mga bisig nito.

"Mama!" sigaw ng munting paslit na lalake nang bigla itong bumitiw at tumakbo papunta sa kanya.

Mabilis naman na sumunod dito sina Mikael na karga ang kakambal ng paslit. Buong lakas ang hagikgik ng mga ito habang patungo sa kanya.

"Oh, pawis na pawis ka na, tama na," sita niya nang yumakap ito sa kanyang binti.

"Nagplay pa po kami eh," napakagat na lamang ito sa labi habang pinapapungay ang mga mata sa kanya.

"Enough na, pagod na si kuya Mikael niyo oh," lambing na saad ni Lucy nang makalapit na ang binata sa kanila habang buhat pa ang kakambal ng anak.

Buong ingat na yakap ng lalake ang paslit at kinikiliti-kiliti pa ito sa leeg kaya naman ganoon na naman ang walang patid na hagikgik nito.

"Ayos lang naman po ako mam Lucy," sambit ni Mikael nang madinig iyon.

Naroon ang buong tamis ng ngiti nito habang mas inilalapit ang pisngi sa mukha ng paslit upang itoy lambingin, yumakap naman dito ang bata na halatang masaya sa atensyon.

Batid ni Lucy ang pagnanais at pagkasabik ng binata ng isang buong pamilya, dahil na rin sa inaasal nito at mga nakaraan na kwento sa kanya.

Hindi tuloy siya matahimik dahil sa inaasal nito at mga ipinapahiwatig, nais niya man itong pagbigyan ay alam niyang impossible na iyon.

Naroon tuloy ang lungkot niya para sa binata dahil tila siya ang dahilan ng hindi pagkakatupad ng pangarap nito, mabigat ang kanyang pakiramdan sapagkat wala siyang maisip na pwedeng gawin ng kung paano ito mapapabitiw sa kung anong meron sila ng hindi ito nasasaktan.

Sabay-sabay silang natigil sa ginagawa at napatingin sa taas nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Lawndalion mula sa taas.

"Mikael, pabantayan muna sila." Agad na abot ni Lucy ng anak dito.

Naroon kasi ang panginginig ng dalawang paslit nang marinig ang tuloy-tuloy na alingawngaw ng boses ng nakatatandang kapatid.

Mabilis kumaripas ng takbo si Lucy papunta sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng kuwarto ng anak nang makarating dito, nadatnan niya itong nakasubsob sa sahig at hindi magkandamayaw sa paggapang.

"Lawn!" gulat na sambit niya pakadapa sa tabi nito. "Ano bang ginagawa mo?" sita niya sa anak habang inaalalayan ito pabalik sa higaan nito.

Nanatili lamang tahimik si Lawn habang ngiwing napapahagulgol sa paghawak sa mga paa nitong hindi maigalaw.

"Mam Lucy, ako na po!" agad na saklolo ni Mikael pakapasok doon.

Halos hindi na kasi maiangat ni Lucy ang anak sa bigat at laki nito sa kanya, kung kaya naman dali-daling sumaklolo ang binata.

Sabay nilang iniangat si Lawndalion pahiga muli sa kama nito, pagkatapos noon ay agad na minasahe ni Mikael ang paa nito.

"It hurts, why does it hurt!" angil ni Lawn na walang patid sa pagkapa sa mga hita.

"Huwag mo muna kasi pilitin na maglakad ng mag-isa," sita ni Mikael habang pinipisil-pisil ang sakong nito.

"Damn it!" Napahampas na lamang si Lawndalion sa kinahihigaan sa sobrang inis, naroon na ang walang patid nitong pagluha.

"Anak tama na, hindi ka aayos niyan kung palagi kang magpupumilit," sermon niya sa anak dahil sa walang patid nitong pagsuntok sa sariling hita.

"I'm not even sure if I can walk again," daing nitong hikbi.

Basang-basa na ang mukha nito ng luha, pero naroon na ang pagpipigil nito sa pag-iyak.

Agad niyakap ni Lucy ang anak nang magsimula na itong magawala. "You will! The doctor said so, you just need to continue with your therapy," alo niya sa anak habang hinahaplos-haplos ang likod nito.

"I fucking hate this!" sigaw ni Lawndalion na humihikbi pa rin.

Mas hinigpitan na lamang ni Lucy ang pagkakayakap sa anak upang mas mapigilan ito sa ginagawang pananakit sa sarili.

Nabalot tuloy ng kakaibang bigat at sakit ang kanyang dibdib dahil sa dinadanas ng anak ngayon. Hindi niya naman malaman ang dapat sabihin dito sapagkat hindi niya naman alam ang puno't dulo ng galit na nadarama nito.

Inabot ng ilang oras sa pagbabantay si Lucy sa anak upang mapakalma ito, kaya naman hindi niya na nabalikan pa ang dalawang kambal.

Naabutan niya na lang si Mikael na lumalabas na sa kuwarto ng mga anak, dala ang isang tray na may laman na platito at dalawang baso na parehas ng walang laman.

"Ano nangyari sa kambal?" Napatawa na lamang siya nang masilip ang mga anak na parehas ng lagapak na sa kanya-kanyang higaan at humihilik pa.

"Nakatulog na po sila noon basahan ko ng bed time story," magiliw na sambit ni Mikael habang isinasarado ang pinto.

"Pasensya ka na, ginabi ka na tuloy sa pag-uwi," ngiwing saad na lang niya habang kinukuha ang hawak nitong tray.


Kanina pa kasi ito dapat nakauwi kung hindi nagprisintang magbantay sa kambal na nangungulit.

"Okay lang naman po mam Lucy, akinse rin naman po ngayon kaya inabangan ko rin po kayo para sa bayad ko," ngiting-ngiti nitong sabi habang bumababa na sila ng hagdan.

Napalingon tuloy siya ng wala sa oras dito. "Ngayon ba iyon?" Napakunot na lamang siya ng noo dahil hindi niya na namalayan ang petsa."Pwede bang pass muna?"

Napamadali na lang tuloy siya sa pagpunta sa kusina sa hiya sa binata dahil nakakaligtaan niya ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya tuloy nasabihan ang ibang anak kaya naman hindi siya makakaalis ngayon dahil walang maiiwan sa kambal maliban kay Lawndalion.

"Mam Lucy naman, ang tagal ko pong hinintay ito eh." Napanguso na tuloy si Mikael habang napapakamot sa ulo nito.

"Sa susunod na lang, wala kasi maiiwan na magbabantay sa mga bata at tsaka anong oras na rin naman," pakiusap na lang ni Lucy sa lalake.

Minabuti na lamang ni Lucy na huwag ng humarap dito at pagtuunan na lamang ng pansin ang paghuhugas ng mga pinggan na nasa lababo.

"Mam Lucy, okay lang naman po kahit hindi buo iyong bayad," maloko nitong sambit.

Nahigit na lamang ni Lucy ang kanyang hininga nang madama ang naghuhumindig nitong pagkalalake sa kanyang pwetan nang bigla na lang siya nitong yakapin mula sa likod.

"Mi...Mikael, huwag naman dito, baka magising iyong mga anak ko!" sita niya sa lalake habang pilit na tinatanggal ang mga kamay nito na nakapulupot na sa kanyang baywang.

Subalit sadyang dalubhasa na ang binata sa mga kilos nito, mabilis ang naging paglipat noon sa ibang parte ng kanyang katawan na mas sensitibo at madaling kapitan. Maliban doon ay nagawa na nitong ipitin siya sa pagitan ng lababo at mas maiparamdam sa kanya ang matingin pagnanasa kanya.

Ganoon na lamang tuloy ang gulat ni Lucy nang madama ang pag-iinit ng kanyang katawan dahil sa galing at ingat ng haplos ng lalake, hindi niya lubos akalain na magagawa nitong gisingin ang nanahimik niyang pagnanais.

"Tayo lang naman dito mam Lucy," hangos na bulong ni Mikael habang inilalapat ang mga kamay sa kanyang hiyas.

Nagawa na nitong maipasok iyon sa ilalim ng kanyang palda kaya malaya na nitong nagagawa ang nais doon, habang ang isa pa nitong palad ay nakalapat at buong lambing ni minamasahe ang kanyang isang dibdib.

Pikit matang napakagat tuloy siya ng labi dahil sa pakiramdam ng pagkalutang mula sa mga pinaparanas nito at mas nag-aalburoto pa ang kanyang pakiramdam sa kaalaman siya pa rin ang talagang ninanais ng lalake.

Katibayan na noon ang mahaba, matigas at bakat na bakat nitong ari sa pantalon na walang patid na ikinakaskas sa kanyang likuran, upang ipadama sa kanya kung ano ang bagay na matatanggap sa oras na ibigay niya ang ninanais nito.

"Uhn, Mikael, sa susunod na lang, pagod din ako ngayon," hangos niyang pakiusap at tanggi dito, kahit unti-unti na siyang nanghihina dahil sa kakatwang sensasyon.

Walang patid na ang naging pagpapaulan ng mga labi nito sa kanyang leeg ng matatamis at mapaglarong mga halik, kaya unti-unti ng tumatakas ang kanyang wisyo dulot ng nakakakiliting kuryenteng bumabalot sa kanyang buong katawan, hindi na tuloy siya magkandamayaw sa paglilikot.

Naroon ang paglalaban ng kanyang katawan at isipan ng mga sandaling iyon, dahil na rin sa mga ilang mga bagay na bumabagabag sa kanya.

"Bibilisan ko lang po," buong lambing nitong sambit bago siya yakagin paharap.

Natuod na lamang si Lucy nang magtama ang kanilang mata ni Mikael, naroon ang kung anong lalim sa mga titig nito sa kanya, kung kaya wala na siyang nagawa nang sunggaban na nito ang kanyang mga labi at buhatin na siya paupo sa counter.

Tuluyan na siyang nawala sa sarili dahil sa walang patid na panunuyo at panunukso ng lalake, kaya nagpaubaya na siya.

Hindi sila magkandamayaw sa paghawak sa damit ng isa't-isa, pilit na tinatanggal iyon upang madama ang kani-kanilang mga balat.

Halatang parehas na silang wala sa sarili kaya naman sabay silang napapitlag sa gulat nang bigla na lamang madinig ang malakas na sigaw ni Lawndalion mula sa taas.

Tila ba binuhusan silang parehas ng malamig na tubig sa kung anong kaba dahil sa kung anong hinagpis sa hiyaw nito.

Naitulak niya tuloy ang binata sabay ayos ng sarili, ganoon din naman ang ginawa ni Mikael. Nag-uunahan pa silang tumakbo papunta sa silid nito dahil sa taranta at takot sa kung anong pwedeng dahilan ng malakas nitong pagdaing.

Ganoon na lamang ang pagsigaw ni Lucy nang madatnan ang silid na puno ng nakakalat na pulang likido sa sahig, kama at hita ng anak. Bahagya tuloy siyang nanghina at hindi makapag-isip dahil sa mga nasilayan. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita ang umiiyak na anak.


"Mommy!" hagulgol ni Lawndalion nang makita siya.

Dali-dali na lang silang napatakbo papalapit dito upang siyasatin ang lagay ng binata.

"Lawn, ano bang ginawa mo!" tiling sita niya sa anak habang naluluha nang makita ang matinding pighati at luha ng anak.

Naroon na ang pagkataranta niya dahil sa dami ng dugong nakakalat sa higaan ng anak, kaya naman ganoon na lamang ang paghanap niya sa kung saan nagmumula iyon.

"Shit! Nasaan iyong sugat!" agad saad ni Mikael na pilit na hinahanap kung saan lumalabas ang dugo nito.

"Why the hell won't it move even if it hurts!" daing ni Lawndalion na iniyuyogyug ang mga paa.

Napapangiwi na ito at naluluha na ito sa pagpupumilit at pagnanais na igalaw ang mga paa, kaya naman walang tigil ito sa pagwawala sa kinahihigaan.


"Anak naman!" napahagulgol na si Lucy sa pagyakap sa anak nang makita ang hawak nitong kutsilyo, agad niyang inagaw iyon sabay palo sa kamay nito.

"Dadalhin ko na po siya sa hospital!" sabi Mikael nang makitang namumutla na si Lawndalion.

Pare-parehas na silang balot sa dugo nito kaya naman wala na siya naging pagtanggi nang buhatin ito ng lalake at ilabas doon.

Nanatili naman siyang nakasunod dito hanggang sa mabatid niya ang mga nakasilip na bunso sa kuwarto na walang patid din sa pag-iyak, kaya naman agad niya na lang muna tinungo ang dalawa.

Mabilisan at pasimple niyang ipinunas ang kamay sa likod upang tanggalin ang namuong dugo doon, bago lumuhod sa harap ng kambal upang haplusin ang mga ito.


"Mommy, ano po nangyari kay kuya?" hagulgol ni Jurius.


"It's nothing serious babies," malumanay niyang sambit habang pinipisil ang pisngi ng bata at pilit na ngumingiti.

Pilit niyang pinipigilan ang sarili na mapahikbi dahil sa matinding pag-aalala para sa panganay.

"Will kuya be alright?" hikbing sambit naman ni Jeric.

"Yes baby, he'll be fine, don't worry," baling niya dito sabay halik sa noo nito."You stay here lang muna okay, sisilipin lang ni mama sina kuya mo," paalam niya sa mga anak.

Mabilis siyang kumaripas pahabol sa mga dalawa nang tumango na ang mga ito. Naabutan niyang siniseatbeltan na ni Mikael ang anak sa kotse nito.

"Can you take care of the kids Mikael, while we go to the hospital?" doon na napahikbi si Lucy nang masilayan ang halos wala ng malay na anak.

"Ako na po magdadala sa kanya," agad na saad nito nang makalapit na sa may drivers seat ng sasakyan.

"Pero...."

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil buong ingat na siyang hinawakan ni Mikael sa balikat upang pakalmahin.

"Huwag po kayo mag-alala kay Lawn, ako pong bahala sa kanya, bantayan niyo na lang po iyong mga bata," ngiting sambit nito, matapos noon ay dali-dali ng sumakay ang binata sa kotse.

Muli niyang sinilip ang anak sa bintana ng sasakyan, nakadilat pa naman ito at wala pa rin tigil sa pag-iyak, iyon nga lang unti-unti na itong napapapikit.

"Lawn anak, tatawagan ko lang ang tito mo, tapos susunod ako kaagad sa inyo okay," paalam niya ito.

Kahit halos wala ng lakas ay pilit pa rin bumaling sa kanya ang anak upang tumango, kita ang matinding panghihina nito kahit pa walang patid sa pag-iyak.

Agad pinasibad ni Mikael ang kotse paalis doon nang umatras na siya, ilang saglit pa siyang nanatili upang pagmasdan ang mga ito dahil hindi siya mapalagay ng mga sandaling iyon, kaya naman ganoon na lamang ang pagmamadali niyang pumindot sa kanyang telepono habang nakatingin pa rin sa lumalayong sasakyan.

"Hello!" agad niyang bungad ng madinig ang pagsagot sa kabilang linya.

"Sis, gabi na, why call so late?" namamaos na saad ng kapatid na halatang natutulog na.

"Luke si Lawn," napahagulgol na lamang siya dahil sa matinding sakit at takot dulo't ng sinapit ng anak.

Ilang saglit din ang kanyang kinailangan upang upang makabawi at makakuha ng lakas upang maisalaysay ng maayos ang lahat sa kakambal.

Gulong-gulo tuloy siya ng mga oras na iyon sa kung bakit ba nagkakaganoon ang anak, nais niya man magalit ay hindi niya magawa dahil hindi niya alam ang puno't dulo ng nangyayari dito.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...