Peculiarity In Her Eyes

By Luni_Solace

8.4K 1.5K 317

"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will... More

Disclaimer
Peculiarity In Her Eyes
Prologue
[ 1 ] Not A Reverie
[ 2 ] Irksome Guy
[ 3 ] Nigh Demise
[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear
[ 5 ] Coincidence
[ 6 ] Atrocious Bruises
[ 8 ] Inscrutable Letter
[ 9 ] Head-Scratcher
[ 10 ] Undone
[ 11 ] Bizarre Happenings
[ 12 ] The Outré
[ 13 ] The Shindig
[ 14 ] Death Is Roaming
[ 15 ] Rummaging Pieces
[ 16 ] End Of Friendship
[ 17 ] Death Color #2: Red Signifies Warning
[ 18 ] Top of the Roof
[ 19 ] Off-The-Wall
[ 20 ] Strange Vision
[ 21 ] Omit The Last Breath
[ 22 ] The Anonymous
[ 23 ] Uneven
[ 24 ] Vizard
[ 25 ] Doomed In Three
[ 26 ] What Time Is It?
[ 27 ] On One's Last Legs
[ 28 ] Outlandish
[ 29 ] Pretty Bizarro
[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck
[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1
[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2
[ 33 ] A Sleuth's Job: Part 3
[ 34 ] A Sleuth's Job: Part 4
[ 35 ] Vendetta's Mask
[ 36 ] Unaccustomed
[ 37 ] Square of Threat
[ 38 ] Two At Once
[ 39 ] Calling On Their Way
[ 40 ] Gotcha
[ 41 ] Easily Caught
[ 42 ] Truth's Unfold
[ 43 ] Past Life
[ 44 ] Dr. Luo
[ 45 ] New Recruit
[ 46 ] Years Passed
[ 47 ] A Stole Away
[ 48 ] Newest Member
[ 49 ] The Double
[ 50 ] Her Truth Behind Why
[ 51 ] H2P

[ 7 ] Death Is Undisguised

233 64 10
By Luni_Solace

- - • • •

KYSTELLA’S POV (the day of the murder)

She left me, dumbfounded. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa lahat ng sinabi niya. After she said those words, the system of my body is overwhelming. Paniniwalaan ko ba? Oo o hindi? Seryoso kasi ang pagkasabi niya. Parang pinapakonsesnya niya rin ako.

At paano niya nalaman ang tungkol kay Dalia? Did she really got inside of the orphanage? Bakit kaya sinundan ako ng babaeng ‘yun? Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang pakialam sa iba, lalo na sa mga katulad ko.

Or maybe, she’s just like me? Covering my face with a mask. Pretending to the other people when you know to yourself that you’re not like that. Nah, malaki ang agwat namin sa isa’t isa.

Sinabunutan ko ang aking buhok. Ugh! That girl. Is she trying to scare me? Wala ba ‘yun magawa sa buhay niya? Psh! Mailap lang ‘yan si Rosella sa ibang tao, palaging seryoso ang mukha, hindi nakikipagbiro sa iba. Hindi ko pa nga ‘yan nakikitang ngumiti. Para siyang robot kapag nasa classroom siya. Kadalasan ay mapag-isa siya pero itong si Kylie ay hinahabol at kinukulit siya.

Napakamot ako saking ulo. Bahala nga siya, hindi ako naniniwala sa kanya. Pero first time na lang ulit ako nakarinig na may nag-aalala sakin. Bukal ba sa puso niyang sinabi ‘yon? Psh. Bakit ko ba ‘yun iniisip? Bahala na.

Umalis na ako sa playground at pumasok sa bar. Pagpasok ko ay agad bumungad sakin ang nakakabinging music ng bar. Bar pa ba talaga ‘to? Parang club na eh.

“Tel, sa wakas, nakita na rin kita.” Pagpasok ko pa lang ay sinalubong kaagad ako ni Lilian na may hawak na tray, isa sa mga nagtatrabaho dito pero graduate na siya. I mean college graduate na.

“Bakit?”

“Anong bakit? May naghahanap sayong customer,” huh? At sino na namang customer ang tinutukoy niya?

“Sa’n ba?”

“Doon, sa table 15.”

“Pass ako d’yan kapag matanda,” seryosong saad ko. Hindi ko na maitatanggi na maraming naghaharass sakin dito. Lahat sila ay mga mamayamang matatanda, mga 50 pataas ang edad nila. Pucha pre, eh 16 pa lang ako. Sinong hindi madidiri do’n?

“Gaga! Hahaha! Hindi matanda, gwapo teh! Siguro mga mid 20’s. Bet ko siya, gosh!” inirapan ko siya. Kung bet niya naman pala ay bakit hindi niya ito nilandi?

“Eh bakit hindi mo landiin? Bet mo naman pala siya, dapat gumawa ka ng move.”

“Ginawa ko na ang aking Lilian Damoves 101 pero walang talab eh. Ikaw talaga hinahanap.”

“Table 15 ba kamo?” tanong ko at tumango naman siya.

“Siya sige, ikaw na bahala kay pogi. Ingatan mo siya ah? Baka maagaw ko siya sayo, hihi.” Sabay alis niya na. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Tinignan ko kung saan ang table 15, mula doon ay may nakita akong lalaki, mag-isa lang siya sa table at tumutungga ng alak.

Tss, siya na naman? Nakasuot siya ng simple black v-neck shirt, pinatungan niya ng gray jacket at pinaresan ng putting urban shorts. Kahit na simple lang ang damit niya ay maappeal siya tignan. Wala akong oras lumandi. Hindi ko feel ngayon, binabagabag pa rin ako sa sinabi ni Rosella. Kakausapin ko nalang siya kung bakit hinahanap niya ‘ko.

Lumapit ako sa table niya na nakangiti. A playful smirk arch on his lips when he finally saw me.

“At last, you finally manage to get here Kystella,” sambit niya.

“Good evening sir, pinapatawag niyo daw ako?” umusog siya ng kaunte and he patted the seat. Nawala bigla ang ngiti ko. Alam ko na kung ano ang gagawin ng manyak na ‘to. Gwapo nga, manyak naman. Ekis siya sakin.

“Sorry po sir pero hindi ako pwede eh. Medyo rush ako ngayon dahil maraming customers at hindi makayanan ng ibang staff dito.” Totoo naman na maraming customers ngayon. At wala akong tiwala sa lalaking ‘to. Tingin palang ay alam kong may gagawin ng masama sakin.

“Come on Kystella, noon pa kita hinihintay na makausap and today’s the right time. Come here and sit beside me.” He crossed his legs at ipinatong ang kamay sa sandalan ng pabilog na upuan. May talk talk pa siya d’yang nalalaman. Talktokin ko kaya ulo nito?

“Sorry po talaga sir pero hindi pwede, siguro sa susunod nalang kapag maluwag ang sched ko. Thank you po.” Nakangiting sambit ko sabay bow. Aalis na sana ako ng malakas niya akong hinila paupo katabi niya.

“I said sit with me,” he said in a husky low voice tone. Kinilabutan naman ako nung hinaplos niya ang legs ko. Hindi nga ako nagkamali. Manyak nga siya. Pucha naman kasi, bakit shorts pa kung pwede namang jeans? Irereklamo ko talaga ito kay Boss Paul.

“Sir, bitawan niyo ko.” Pigilan niyo ko. Masusuntok ko talaga ang lalaking ‘to.

“I just want to mingle with you,” he put traces of kisses from my ear down to my shoulder. Iniahas niya rin ang kamay niya sa bewang ko. Ahh, gusto mo pala ng ganito ha. Sige, pagbibigyan kita.

Humarap ako sa kanya saka hinaplos ang dibdib niya. Ipinatong ko rin ang legs ko sa kanya. Hindi ko mapigilang ngumiti nung hinayaan niya akong gawin ang gusto ko. Paano niya ko pipigilan eh nasasarapan pa nga siya sa ginagawa ko. Humiga ako saka siya hinila papalit sakin, sinimulan niya na ring halikan ang leeg ko.

Pucha, nakakadiri. First time kong gawin ito. Promise, nagsasabi ako ng totoo. Ganito pala ang feeling? Yikes, lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan.

Sinimulan ko na ring haplosin ang likod niya paibaba sa pants nang may nakapa ako.

W-what? Ano ‘to? What the—

“Tulong! S-sir! Wag po!”

“W-what the?”

“Tulong! Wag po sir! Please po!” agad-agad na lumapit samin si Boss Paul at isang bouncer. Walang kahirap-hirap na hinila ng bouncer ang lalaki.

“Get your fvcking hands off me!” galit na sabi niya. Dali-dali naman akong tumayo at niyakap ang sarili. Kunwari akong maiiyak, hinubad ni Boss Paul ang suot niyang blazer saka ito ipinatong sa magkabilang balikat ko.

Hah! Success! Ang galing ko talagang umakting.

“Ano nangyayari dito?” sabi ni Boss Paul. Nagpupumiglas naman ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya ng bouncer.

“B-Boss, pinapatawag niya daw a-ako. Gusto niya daw akong kausapin at makasama pero wala akong oras lalo na’t maraming customers. Mabait ko siyang t-tinanggihan pero nagulat ako nung hinila niya ‘ko pahiga at… at.” Naiyak na nga ako.

“Nasarapan ka naman sa ginawa ko ah?!” giit niya pa kaya mas lalo akong humagulgol. Marami na ring customers ang nakukuha naming atensyon.

“Sir, I’m sorry but you’re now forbid to come in my bar. Hindi ito isang club para gawin mo ang mga kalokohan na gusto mong gawin. Magkaiba ang club sa bar, Sir. Hinding hindi ko hahayaan na bastusin mo pa ulit ang mga waitress ko.” Seryosong sabi ni Boss Paul saka pakaladkad na pinaalis ng bouncer ang nagwawalang lalaki.

“Hay nako, Kystella.” Sambit ni Boss saka inalis ang blazer niya sakin. Inayos ko ang sarili ko.

“You’re such a good actress, you know that?” I flipped my hair.

“Shempre Boss Paul! Ako pa na isang Kystella Castro?” pagmamayabang ko. Shempre, pati si Boss Paul ay umakting rin. It’s a scripted act. Matagal na kasi akong hinahanap ng lalaking ‘yon. Palagi niyang tinatanong ang ibang kasamahan ko dito. Sinuot na ni Boss ang blazer niya.

“And another customer had been down. Ikaw rin ang may pinakamaraming gulo na nagawa sa bar ko. Bakit kasi lapitan ka ng mga gulo?”

“Kasi Boss, maganda ako. Duh? Hindi pa ba halata?” natawa naman siya sa sinabi ko.

“I’m wondering that too, maganda ka nga pero wala namang boyfriend.”

“Bakit Boss? Mag-aaply ka?” natatawang sabi ko. Joke lang naman ‘yon eh. Magsasalita pa sana ako ng mabilis niya akong pinutulan.

“Hindi ako pumapatol sa mga teenagers na katulad mo.” 29 na kasi itong si Boss at wala pa ring asawa at mga anak.

“Kasalanan niyo rin naman kasi. Hindi mo pa hinahanap ang ‘the one’ mo kuno kaya ka gurang ngayon eh.” Saka ko siya tinawanan. Sumimangot naman ang mukha niya sa sinabi ko. Close kasi kami nitong ni Boss, lahat naman ng staffs dito ay close sa kanya at para ko na ring silang tunay na pamilya. Pinaramdam nila ito sakin nung pagtapak na pagtapak ko palang dito.

He pat my head and walk out. Sinabi niya rin sakin na umuwi daw ako agad ako ng maaga dahil baka gagawa lang ulit ako ng gulo dito. Psh! I don’t care. Speaking of, agad kong tinignan ang oras ng relos ko, 10:08.

“Sasabihin ko na sayo lahat. Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo mamayang 10:23. May lalaking lasing na pipilitin kang makipagtalik sa kanya pero umayaw ka dahilan ng pagkainis niya. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok na hindi napapansin ng bouncer ang baril na tinatago sa likod niya. Tinutok niya ito sa ulo mo at binaril ka. Kaya kung ako sayo, umuwi ka ng maaga bago mangyari ‘yan.”

Totoo kaya…. Totoo kaya ang sinabi niya sakin kanina? Pero 10:08 na, wala pa ring may nangyayari dito sa loob. Dapat nagkakagulo na dahil malapit na ang oras. Psh! Sabi na nga ba at ginu-good time lang ako ng babaeng ‘yon.

Agad kong sinunod ang sinabi ni Boss sakin. 11 pa dapat ang out ko pero siya na mismo nagsabi na umuwi ako.

Pumunta ako sa locker room namin. Pumunta ako sa sariling locker ko saka nilabas ang damit ko at nagbihis. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko saka umalis na.

Wala naman sigurong masama kung… kung paniniwalaan ko ang sinabi ni Rosella diba? At isa pa, pinapauwi na rin ako ni Boss.

Nilakad ko ang daan patungo sa unit ko. Hindi ko mapigilan na maisip ang nangyari kanina. Napalunok ako. Ang lalaki kasi, may nakapa akong kakaibang bagay. Hindi ko alam kung ano ‘yon pero nang mahawakan ko ito ay parang kurba ng baril. Ang hawakan ng baril. Nakalagay at nakaipit ito sa pantalon niya. Hindi ko na mabilang kung ilang lunok na ang ginawa ko.

Umiling ako, hindi ko na iisipin pa ‘yun. Baka fake naman siguro ang baril niya.

Binuksan ko kaagad ang pinto pagdating ko sa inuupahan kong unit at tsaka ito pinasukan. Nilock ko ito at nagtungo sa kusina. Hindi pa ako nakakapagdinner pero hindi naman ako gutom. Bibigyan ko lang kahit kaunting laman ang tyan ko.

Pumunta ako sa ref at kumuha ng dalawang cupcake. Nanggaling ito sa locker ko kahapon, may kasama pa itong note. Kulay pink pa ang papel na sinulatan nito.

“Gusto pa rin kita kahit maldita ka.”

‘Yan ang nakasulat sa kulay pink na papel. Ayaw ko sana itong kainin, kulay pink rin kasi ang icing nito with rainbow heart toppings at kulay red velvet ang cake nito kaso aarte ba pa ‘ko? Ako na nga itong binibigyan ako pa itong pihikan. At tsaka, masama itanggi ang grasya.

Habang sinusunggaban ang cupcake ay nakatitig lang ako sa sulat. Ang pamilyar talaga eh, parang nakita ko na ang sulat na ‘to. Ay ewan, hindi naman importante. Tinignan ko ang likod ng papel, may drawing ito. Teka, ngayon ko lang ito nakita. Tinitira ng babae gamit ang bow and arrow ang lalaki. Heart-shaped pa ang dulo ng bow nito. Tss. Malalaman mo talaga na drawing dahil hindi ito tugma sa papel at lapis pa ang ginamit.

Bow and arrow huh?

Wait, bow and arrow?

“Sasabihin ko na sayo lahat. Mamamatay ka sa loob ng pinagtatrabahuan mo mamayang 10:23. May lalaking lasing na pipilitin kang makipagtalik sa kanya pero umayaw ka dahilan ng pagkainis niya. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok na hindi napapansin ng bouncer ang baril na tinatago sa likod niya. Tinutok niya ito sa ulo mo at binaril ka. Kaya kung ako sayo, umuwi ka ng maaga bago mangyari ‘yan.”

Napalunok ako at nahulog ang hawak na papel. 10:23? Patakbo akong pumunta sa salas at tinignan ang oras ng wall clock na nakadisplay sa itaas ng pinto. 10:35 na. I sighed in relief. Psh! Hindi naman pala totoo eh.

Napaisip ako, hindi nagkatotoo dahil dumiretso agad ako ng uwi. Sinabihan kasi ako ni Boss, kung hindi niya ginawa ‘yun paniguradong tigok na ako. Ganon rin ang sinabi ni Rosella sakin.

Sumandal ako sa door frame ng kusina. Siguro kung nandon pa rin ako, makikita ko kung paano ako pinatay. Teka nga, ba’t parang naniniwala ako? Umiling ako, hindi dahil hindi naman totoo. As if naman.

Pumunta na ‘ko sa kwarto, naghalf bath muna ako tsaka nagbihis ng pantulog. Pinatay ko na yung ilaw saka humiga sa kama at nagkumot. Ilang sandali pa ay unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko kaya wala na akong nakita kundi kadiliman.

Nagising nalang ako sa maingay na tunog ng alarm ko sa cellphone. Agad ko itong kinuha sa side table tsaka pinatay. Sandali, ano?

Kinuha ko ito ulit at tinignan ang oras. Automatic na lumaki ang mga mata ko. Nagising na rin ang diwa ko sa nakita ko. Hah?! Alas kwatro?! Eh ala singko ang sinet kong alarm! Aba ‘tong— sira na ba cellphone ko?

Letse! Matutulog ulit ako. Sinet ko ang alarm ko sa ala singko saka nagtalukbong. Weird. Wala akong naaalala na may sinet akong alarm na alas kwatro sa cellphone ko. O baka nakalimutan ko lang?

Tumagilid ako sa kabila. Tinatry kong matulog ulit pero hindi na kaya ng katawan ko. Gusto na niya itong bumangon. Haaayy! Babangon na nga lang, letse kasi itong alarm ko. Nagising tuloy ako ng maaga.

Kinuha ko ang cellphone ko tsaka lumabas sa kwarto, pinaandar ko ang TV saka dumiretso sa kusina.

Nagsaing ako sa rice cooker. Habang hinihintay ang paghuman ng kanin ay nagluto ako ng itlog para sa breakfast ko at pritong isda para sa lunch ko mamaya. Bibili nalang ulit ako sa caf kapag kulang ito sakin.

“Dalawang babae, patay matapos pagbarilin ng isang lasing na lalaki sa labas ng isang bar. Tinangka raw na dalhin ng lalaki ang babae para makipagtalik pero umayaw ito. Dahil sa labis na pagkainis ng lalaki ay sinimulan niyang saktan ang babae at hindi na siya pumiglas pa pero nang makita siya ng isang kasamahan niyang sinasaktan siya ay pilit na inaagaw niya ito mula sa lalaki. Hindi na nakapagtimpi ang lalaki at hindi nag-atubuling binaril silang dalawa.”

Automatic akong napatigil sa pagluluto. Nahulog ko ring yung spatula na ginagamit ko pangluto.

T-totoo ba itong naririnig ko? Dali-dali akong pumunta sa kusina at lumuhod sa harap ng TV. Hindi ko maiwasan na takpan ang bibig ko nang makita ang dalawang pamilyar na imahe sa harap ko. Nagsimulang manginig ang buong sistema ko. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon pero lamang ang takot na pumapalibot sa katawan ko.

Si Sasha at Loree.

Ba’t nandyan sila? Sila ba ang pinatay? Umiling-iling ako. H-hindi maaari ito. Hindi pwede. Nagkatotoo ang sinabi ni Rosella. Namatay ba sila dahil sakin? Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw pero nablangko ang utak ko sa nakita ko.

A-ang lalaki, ang sinabi ni Rosella na ikakamatay ko. Totoo, nagkatotoo ang lahat ng sinabi niya. Lumunok ako.

Siguro… siguro kung nandon pa rin ako, kung hindi ako umuwi sigurado pa ako sa sigurado— patay na ‘ko sa mga oras na ‘to.

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...