Peculiarity In Her Eyes

By Luni_Solace

8.4K 1.5K 317

"We all have a secret we could never tell." A girl with a spectacular ability but with a miserable life will... More

Disclaimer
Peculiarity In Her Eyes
Prologue
[ 1 ] Not A Reverie
[ 3 ] Nigh Demise
[ 4 ] Death Color #1: Yellow Signifies Fear
[ 5 ] Coincidence
[ 6 ] Atrocious Bruises
[ 7 ] Death Is Undisguised
[ 8 ] Inscrutable Letter
[ 9 ] Head-Scratcher
[ 10 ] Undone
[ 11 ] Bizarre Happenings
[ 12 ] The Outré
[ 13 ] The Shindig
[ 14 ] Death Is Roaming
[ 15 ] Rummaging Pieces
[ 16 ] End Of Friendship
[ 17 ] Death Color #2: Red Signifies Warning
[ 18 ] Top of the Roof
[ 19 ] Off-The-Wall
[ 20 ] Strange Vision
[ 21 ] Omit The Last Breath
[ 22 ] The Anonymous
[ 23 ] Uneven
[ 24 ] Vizard
[ 25 ] Doomed In Three
[ 26 ] What Time Is It?
[ 27 ] On One's Last Legs
[ 28 ] Outlandish
[ 29 ] Pretty Bizarro
[ 30 ] Death Color #3: Violet Signifies Luck
[ 31 ] A Sleuth's Job: Part 1
[ 32 ] A Sleuth's Job: Part 2
[ 33 ] A Sleuth's Job: Part 3
[ 34 ] A Sleuth's Job: Part 4
[ 35 ] Vendetta's Mask
[ 36 ] Unaccustomed
[ 37 ] Square of Threat
[ 38 ] Two At Once
[ 39 ] Calling On Their Way
[ 40 ] Gotcha
[ 41 ] Easily Caught
[ 42 ] Truth's Unfold
[ 43 ] Past Life
[ 44 ] Dr. Luo
[ 45 ] New Recruit
[ 46 ] Years Passed
[ 47 ] A Stole Away
[ 48 ] Newest Member
[ 49 ] The Double
[ 50 ] Her Truth Behind Why
[ 51 ] H2P

[ 2 ] Irksome Guy

542 135 29
By Luni_Solace

• • - - -

Agad akong namulat at bumungad sakin ang cellphone kong nasa nightstand na katabi lang ng kama ko. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at hinarap ang kisame ng kwarto ko.

Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya doon? Kahit wala na siya ay nag-aalala pa rin ako sa kanya.

Napaginipan ko na naman. Paulit-ulit ko nalang ito napapaginipan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na. I'm still haunted of what happened that day. May pag-asa pa ba o panghabang buhay na itong gambalain ako? Pinatong ko ang braso ko saking noo.

"Ma,"

Tumingin ako sa bintana. Madilim pa pala. Inabot ko yung cellphone ko sa nightstand at in-on ito. Bumungad sakin ang nakakasilaw na screen nito kaya bigla akong napalayo at napapikit. Nang mahimasmasan ako ay tinignan ko ang oras nito, 4:49 pa lang ng umaga. Kaya pala medyo madilim pa. 7:30 pa ang klase ko at ala singko y medya ako bumabangon.

Binalik ko na ulit sa pwesto ang cellphone ko tsaka bumalik sa paghiga— thinking about the day when 'that' happened. Kung hindi sana kami sumakay sa bus na 'yun, kung sana ay sinunod niya ang sinabi ko, sana buhay pa siya ngayon. Sana ay ligtas pa kami ngayon at masayang namumuhay bilang isang pamilya.

Mom, I miss you.

Doon ko nalaman na may kakayahan pala ako makakita ng pagkamatay ng isang tao. Kung ano ang dahilan ng pagkamatay nila, kung paano sila mamamatay.

This ability of mine is a curse. I am cursed.

Isn't ironic? Makikita ko kung paano mamatay ang iba pero sarili kong kamatayan ay hindi ko malaman kung kailan at paano ito mangyayari.

Can I consider my self fortunate? No. Para sakin malas ako. Malas ako dahil sa takteng kakayahan ko na ito. Dahil may ganitong kakayahan ako ay nakikita ko kung paano mamatay ang isang tao.

Sa dinami-dami ba naman ng tao sa buong mundo, bakit ako pa? Ako pa yung napili na binigyan ng ganito kakayahan. No, this is not a gift. Okay sana kung makita ko ang future, o kahit na mabasa ko ang isip ng isang tao pero ito pa? Ito pa na makikita ko kung paano sila mamamatay? Kung paano magkalusog-lusog ang mga kawawang katawan nila?

Kaya simula noon, hindi na ako tumitingin sa mata ng mga tao. Nakakatakot. Baka maulit na naman aksidenteng 'yun.

Sana pala ay sumunod nalang ako sa kanya. Sana pala ay kinuha nalang rin ni kamatayan ang kaluluwa ko. Minsan pumapasok sa isip kong magsuicide. Sa rooftop ng school ako nagpaplano.

But everytime I go there, I was mesmerized by the view. Lalo na ang langit at ang mala-cotton na mga ulap. Sabi ko, siguro ayaw pang bawiin ng kalikasan ang sarili ko kaya niya ito pinapakita sakin.

Maybe that's why, life is beautiful they said. Only the society makes the world ugly.

Kahit anong limot ko, kahit anong baon ko, I'm still haunted by that nightmare. Ang palangiti at masayahin kong loob ay parang naglaho bigla. In just a flick and swish, wala na akong nararamdam kundi lungkot at kadiliman. I'm a mama's girl at close na close kami ni mama.

I turned into a cold person. A loner, weird and a freak.

If I will see death, hindi ako magdadalawang isip na itrade ang kaluluwa ko kapalit ang pagkabuhay ni mama. But I know, it will never happen.

Sa totoo lang, maganda ang magiging combination naming dalawa ni kamatayan. Isang tao na may kakayahang makita ang mga kamatayan ng iba samantalang siya ay kukunin at kokolektahin ang mga multo ng mga namatay na tao.

And it happened again. Unfortunately, another member of the family died. Yes, it's dad. Ten wheeler truck kasi daw ang nabanggaan niya. Walang araw na binibisita namin ni ate si papa.

Déjà vu.

Yan ang naramdaman ko nang nakatapak na naman ako sa ospital. Parang umulit ang nangyari katulad kay mama.

Dalawang mahal ko sa buhay na ang nawala. It was like, I'm in a big and deep ocean. Just silently floating, thinking about the next thing I'm going to do. Pero tila nablangko ang isip ko dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari.

*KRRRRIIIIINNGGGGGG*

Agad kong pinatay ang alarm ko na nasa nightstand. 5:30 na pala. Hindi ko namalayan dahil sa sobrang lalim ng iniisip.

Tumayo na ako tsaka pumasok sa cr. Tinukod ko ang dalawa kong kamay sa malawak na lababo. Nakipagtitigan sa sarili. Hinawi ko sa kanan ang bangs ko at nakita ang tinatago ko.

Bumungad sakin ang mahabang peklat ko na nasa kaliwang bahagi ng noo ko. Ito ang nagbunga sakin pagkatapos ng aksidenteng 'yun. At kada magpapakita ito sakin ay hindi ko maiwasan na maisip si mama.

Inayos ko na ulit ang bangs ko na hanggang sa mata ko. Cold eyes, expressionless face, lips not arcing. Nawala na rin ang mga wrinkles sa mata at cheeks ko. Marahil ay hindi na ako ngumingiti. Nakalimutan ko na rin kung ano ang pakiramdam na maging masaya. I sighed.

Pumasok na ako sa shower partition at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng uniform. Inayos ko ang sarili sa malaking salamin sa harap ko, sinusuklay ang hanggang sa dibdib ang haba kong buhok.

Pagkatapos kong ayusin ang itsura ko ay lumabas na ako para pumuntang kusina. Nagluto ako ng fried rice, dalawang scrambled eggs at bacons. Kumain agad ako pagkatapos kong magluto.

Ito na palagi ang routine ko simula nung namatay si papa. Buti nalang at nakapagtapos na si ate ng college kaya ayun, todo hanap siya ng trabaho at hindi siya nabigo. Nakahanap siya at naging stable agad ang first try nito sa kompanyang inaplayan niya. Kaso nga lang, baliktad ang schedule ng working days niya.

Hindi tulad ng ibang kompanya, sa gabi siya pumapasok at sa umaga siya natutulog. Kaya wala siya ngayon dito. Maganda at malaki ang sweldo ng kompanyang tinatrabahuan niya. Hindi ko nga lang alam kung anong kompanyang 'yun dahil hindi niya naman kinukwento sakin.

Pagkatapos ay hinugasan ko ang mga pinagkainin ko. Kumuha ako ng sticky note at sinulatan ito.

Your breakfast is on the table

Tsaka dinikit ko ito sa ref at nilagyan pa ng pabilog na magnet. Para hindi na siya magluto pa kapag nakita niya ito. Kinuha ko na ang bag ko at umalis na sa apartment na tinitirhan namin.

Tama, nagrerenta lang kami ng apartment. Magfo-four years na kami dito sa apartment na ito. Pagtungtong ko kasi ng high school ay lumipat na kami dito. Aayaw sana ako dito dahil nandito siya. Ang awkward minsan kapag nagkikita kami. Pero hindi ako pinakinggan ni ate, wala na rin akong choice dahil siya ang mas matanda at siya ang batas saming dalawa.

Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad papuntang hagdanan. Pababa na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang dalawang paa sa di kalayuan. Tinaas ko ang tingin at nakita siyang nakatayo, nakatitig sakin pero nasa crest ng uniform niya ako nakatingin. Unti-unting umarko ang isang ngiti sa labi niya sabay kaway sakin. Makikita mo talaga na masaya siya nang makita niya ko.

Hindi ako kumaway, kahit ngiti ay hindi ko ginawa. Iniwas ko na ang tingin ko at pinagpatuloy ang lakad paibaba. Bago ako tuluyang makababa ay nakita ko sa tabi ng mga mata ko na nawala ang arko sa labi niya at unti-unting bumaba ang kamay niya dahil sa ginawa ko.

Siya.

Siya ang dahilan kung bakit ayaw ko dito. She's my— I mean she was my best friend but I always ignored her after what happened to me back then. Ilang taon ko na yan ginagawa sa kanya pero ito pa rin siya, hinahabol ako.

I'm not worth it to be her friend, I know. Ang sama ko sa mga nakaraang taon sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang pag-iwas sa kanya at hindi pagpansin.

Na parang she didn't exist ever in my life.

Habang naglalakad sa walang taong daan ay may naramdaman akong tumulo sa pisngi ko. Pinahiran ko ito at nalamang mula pala ito sa mata ko.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Basta ang alam ko, hindi ako nakaramdam ng lungkot ngayong oras. Bigla nalang itong tumulo na walang pasabi. Bumuntong hininga ako.

Nakatungo akong naglalakad sa tahimik at walang taong kalsada. This is my kind of place, walang tao, walang ingay, walang sabagal. I like how peace comforting me. Sa ilang taon kong naging loner, hindi ko naramdaman ang pag-iisa. It's because peace is always there with m-

"Haaayy ano ba yan! Bakit ngayon ka pa nawalan ng signal?!" Tinaas ko ang aking tingin at huminto sa paglalakad. May nakita akong isang lalaki, nakatalikod siya habang winawaygay ang cellphone sa ere.

Right, peace huh?

"What the hell? Nakakainis ka na ah,"

Binaba niya ito at tinignan. Ang uniporme niya, katulad rin ng paaralang pinapasukan ko. Tinaas niya ulit ang cellphone sa ere at winawaygay ito.

Parang timang.

Pumunta ako sa kabilang kalsada. Sana hindi niya ko makita, sana hindi siya tumingin sa direksyon ko.

"H-hey!"

Tsk.

Hindi ako lumingon. Narinig ko ang bawat pagtapak ng sapatos niya sa kalsada, papalapit siya sakin.

"Hey, wait," naramdaman ko nalang ang kamay niya sa balikat ko kaya agad akong napaaksyon- winakli ko ito at tumingin sa ibang direksyon. Matangkad siya, hanggang leeg niya lang ako.

Parehong pareho ito sa uniform ng mga lalaki sa school. White polo, gray vest with a hallmark of our school on the upper left side, a maroon necktie, black pants and black shoes. Ang pinagkaiba lang ay three-fourth sleeves ang sa babae at connected ang vest at palda, parang jumper kumbaga. Pinaresan ito ng white knee socks and black shoes.

"Woah, easy. Don't be so hard on me miss. I just want to ask you." Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumigilid ang ulo niya, tila nagtataka kung saan ako nakatingin.

"Uhm, my eyes are up here." Sabay turo sa mata niya at humarang ang ulo niya sa tinitignan ko. Iniwas ko ulit ang tingin ko sa ibang direksyon.

"Bulag ka ba?" hindi ko siya sinagot.

"Pipi ka ba?" napahilamos ako sa mukha.

"If you want to ask something, just ask it." Diretsong sabi ko sa kanya. Natawa siya, akala niya natutuwa ako? Naiinis ako.

"Ang sungit mo naman miss," tumalikod na nga ako. Magtatanong na nga lang, dami pang satsat.

"Teka lang! Ito naman hindi mabiro," nagcross arms ako at tinignan ang crest ng school namin sa kaliwang bahagi ng vest niya.

"Oy, pareho pala tayo ng uniform. Naks." Ngumisi siya at umirap ako. Ngayon niya lang napansin eh kanina pa kami nag-uusap.

"Can I come with you? Naliligaw kasi ako at nawalan pa ako ng signal. O baka wala talagang signal dito?" sambit niya. Napabuntong hininga ako. Is it rude to say no? And in the first place, he's a stranger. Hindi ko ugaling makipag-usap sa mga hindi ko kilala.

Hindi ko siya sinagot at naunang lumakad. "Oy, hindi mo pa sinasagot tanong ko," sumunod siya sakin. Tumigil ako sa paglalakad.

"I'll take that as a yes." 'yun naman pala eh. Nakuha niya rin ang ibig kong sabihin. Akala ko kailangan ko pang iexplain sa kanya.

Tahimik lang kaming naglalakad, walang imikan. Good, nakikiramdam din pala ang isang 'to. Alam niya siguro na hindi ko rin sasagutin ang mga tanong niya. May mga nakakasabay na rin kaming ibang estudyante, parami ng parami. And I hate it.

I hate in a place where some people are around. Kahit na kaunti pa ito o marami. I'm anti-social and an introvert. Nasanay na akong mag-isa. I started relying on myself when mom died. Been standing on my own feet.

I heave a sigh. Kaya hindi ako sanay na may kasama o sumasabay sakin. And worse, it's a guy. Paniguradong bagong rumor na naman ito sa school. Tss.

Nakarating na kami sa school. Sabi na nga ba. I was right. Ang daming mata nakatingin samin, mga bibig na nagbubulungan. Mga tao nga naman, ang hihilig sa mga hot news.

"Sino yang kasama niya?"

"Oh my gosh, ang gwapo niya."

"He's new to my eyes, is he a transferee?"

"That girl, is she his girlfriend?"

"No way!"

"Baka kaibigan lang,"

"She's a loner, how come she can be with anyone?"

"At sa isang lalaki pa ha."

"Wow, mga bulong ba talaga 'yun? Grabe ah, naririnig ko pa." He sarcastically said. I silently hissed. I agree with him. Mga estudyante talaga dito, mga dakilang chismosa. Baka ang iba ay story maker pa. Tiyak, makakarating ito sa ibang building.

Aakyat na sana ako nang pinatigil niya ko, hahawak na sana ako sa hamba ng hagdanan ng napatigil ako. He said, he need my help, again. Kung pwede ko ba daw siyang isama sa bulletin board dahil titignan niya kung saang room at section siya.

May sariling paa at mata naman siya. Bakit pa niya kailangan ng tulong ng iba?

"Oh yeah, you have a class to attend to. Sorry if nakakasabagal ako sayo. Sige, salamat!" At narinig ko ang ingay ng bawat hakbang ng sapatos niya papalayo. Tinignan ko ang relos ko, may 10 minutes pa naman ako bago malate.

Bumaba ako at sinundan siya ng tingin, tinitignan ang likod niyang papaalis sakin. Nakalagay pa ang mga kamay niya sa kanyang ulo na parang chill lang. Wala ata to pakialam malate. Tss, the hell I care with him.

"Hey," tawag ko sa kanya at agad siyang napalingon kaya automatic na napaiwas ako ng tingin. Pero aba, ang tibay niya ah, relax na relax pa rin.

"Hmmm?" may nginunguya siyang gum. Yeah, it's pretty obvious that he doesn't care if he's late.

Bumuntong hininga ako kasabay ang pagbagsak ng balikat ko, nagkukunwaring wala akong choice. Sa totoo lang may choice naman ako, I could just leave him there, chillin' pero parang wala kasi ako sa mood pumasok ngayon lalo na't pakiramdam ko ako ang magiging bida sa mga bibig ng iba.

I gestured my head, inaaya siyang sumama sakin. Nakita ko ang pagngiti niya at patakbong lumapit sakin kaya agad akong tumalikod at lumakad.

"Haaay! Alam kong hindi mo talaga ako matitiis." Wow, ang yabang naman pala nito.

"What made you change your mind? Is it because I'm irresistible?" ang hangin pa. Wow, what a combination. Hindi ko siya pinansin, tuloy pa rin sa paglalakad.

"Don't you have any friends? Even one or two?" Meron pero ayaw ko silang mapahamak.

Tila, may nagflashback sa utak ko dahil sa sinabi niya. Kung paano kami nagkakilala ni Kylie.

That moment was one of my treasured scenarios. Hinding hindi ko yun makakalimutan. She was the first who made a move and made friends with me, to a freak like me. Palagi kasi akong tinutukso ng mga classmates ko dahil sa bangs ko. Para daw akong nerd at manang magsuot.

Nagpabangs lang naman ako dahil ayaw kong tumingin sa mga mata nila, I don't want to see their awful deaths.

And that very exact day, Kylie saved me. Nakita niya akong binubully ng mga classmates namin kaya hindi agad siya nagdalawang isip na magsumbong.

Yun rin ang araw na inalok niya ko maging kaibigan. Para daw poprotekhan niya ko kada may magtangkang mag-aaway sakin.

I was happy, very very happy, jubilant, joyful. Maybe happy isn't enough to express the real feelings I've got that time. Kasi siya ang kauna-unang naging kaibigan ko, sa isang katulad ko.

But it changed, I am the one who protects her now. Not from anybody but from me. Hindi ko kaya kapag napahamak siya nang dahil sakin.

"Okay ka lang?" napagtanto kong may kasama pala ako. Nawala yun sa isip ko. Tulad ng ginagawa ko palagi sa iba ay hindi ko siya sinagot.

Narating na namin kung saan nakadisplay ang malaking bulletin board. Sinimulan na niyang hanapin ang room at section niya kaya napagdesisyonan kong umalis na dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase. Ayoko pa naman malagyan ng pulang ballpen ang pinag-iingatan kong record. I'm one of those students who is grade conscious.

"Wait," napaface palm ako at irita ko siyang nilingon, nakatingin siya sa bulletin board at may patango-tango pa. Pagkatapos ay lumapit siya sakin.

"Can you help find my room? Please?" aba't- nakakainis na siya. Ano pang silbi ng mata at paa niya? Hindi rin niya naman ito ginagamit ng tama.

"Hindi ko kasi alam kung nasaan ang R3-S1," napasalubong ng kaunti ang kilay ko, buti nalang hindi niya nakita dahil sa bangs ko.

"Pero okay lang kung hindi mo na ako sasamahan, just me tell the directions how to get there." Bumuntong hininga ako- don't stop me, this is my habit. I can't believe this. After hundreds of years, ngayon na lang ulit ako pupunta sa room na may kasama.

Again, I gestured my head to him to come with me. Bigla ulit lumiwanag ang mukha niya na tila parang bata nakakita ng kendi. This is the third time that he made me helped him. At ngayon na lang ulit ako tumulong sa kapwa estudyante ko. Nakalimutan ko na ang feeling na 'to. I don't know why but it somehow, made me happy. But ¾ of it irritates me.

"Ang bait mo naman pala eh. Ba't wala kang kaibigan?" napakadaldal talaga nito. It is illegal to zip his mouth with barbed wires? Kung pwede ko lang sana gawin yun.

Tinignan ko ang relos ko, may 3 minutes pa 'ko bago malate. Arrgg, nakakainis naman ito. Dahil sa kanya ay malalate ako. Kung ibang daan nalang sana tinahak ko ay hindi pa 'to mangyayari sakin. Hindi rin sana ako malalate.

Huminto ako sa harap ng pinto ng room nang makarating kami. "Is this my room?" sabi niya at walang pahintulot na binuksan ang pinto. Napaawang ng kaunti ang bibig ko pero agad akong umayos nang tuluyan nang bumukas ng malaki ang pinto.

What the heck did he just do? Hindi ba 'to marunong kumatok muna bago buksan ang pinto? Hindi yata 'to naturuan ng tamang manners.

Bumungad samin si Ma'am Eril na nakatayo sa gitna habang nakakrus ang dalawang braso at nakalingon ang ulo samin. Lahat rin ng kaklase ko ay nasa aming dalawa ang atensyon.

"Miss Rosella, you're 2 minutes late." Bati agad sakin ni Ma'am kaya nagbow ako at nagsorry. Oo nga, dalawang minuto akong late pagtingin ko sa relos ko. Haaayy, first time kong malate sa buong buhay ko.

"Classmate tayo?" gulat na may halong pagka-excited na tanong ng lalaking katabi ko. Hindi ko siya pinansin, nakatuon lang ang tingin ko sa bintana.

"And you, are you Mr. Idionel?"

"Yes ma'am,"

"Rosella, you can take your seat. Mr. Idionel, please introduce yourself."

Agad kong sinunod ang sinabi ni Ma'am. Sabay pa kaming pumasok ng lalaking kasama ko. Pumunta ako saking upuan at siya naman ay sa gitna. Bago makaupo ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Kylie nang nilampasan ko siya. Nakangiti siya- hindi yung nanunukso na ngiti kundi ngiting may pag-asa. At alam ko kung ano ang ibig sabihin ng ngiting yun pero mali ang iniisip niya.

Wala na akong balak na baguhin ang sarili ko. Wala akong balak na buksan ulit ang puso ko para makipag-kaibigan.

"Good morning. My name is Eros Mev Idionel. 17 years of existence. You can call me Mev. I'm pleased to meet you everyone. I hope we can all be friends and be one as a family." Nakangiting pakilala niya. Hindi na bago sa pandinig ko ang mga bulungan sa loob. Parehong pareho rin ito sa mga bulungan na narinig ko sa hallway.

"You can sit at the back of Miss Suarez."

Kung minamalas ka nga naman. Hindi pala, napakaswerte ko. Ugh! Tinitignan niya ang bakanteng upuan mula sa likod ni Kylie sabay baling ng tingin sakin. Ngumiti siya at dali-daling pumunta sa bakanteng upuan.

Naiinis man ay hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ang pansin sa blackboard. Minsan naririnig ko pa siyang sumisitsit at alam kong ako ang tinatawag niya dahil ako lang naman dito ang kilala niya.

Bahala siya sa buhay niya. Wag na wag na ulit siyang lumapit sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...