Princess Of Darkness (On Goin...

By TitoRudy1953

14.2K 1.1K 264

Mula sa Mundo ng Kadiliman ay isinilang si Maria Luna ang Prinsesa ng mga Aswang na nakatakdang labanan ang... More

Part 1 "ULN*KEIF*UDLN"
Part 2 "Debut"
Part 3 "First Kill"
Part 4 " Gundina"
Part 5..."Nabighani ang Aswang"
Part 6 "Pulang Lupa"
Part 7 "CAIN"
Part 8 "All For One One For All"
Part 9 ... "Pangamba ng Dalagang Aswang"
Part 10 "Ikalawang Buhay"
Part 11 ..."Cain v/s Maria Luna"
Part 12 . . . "Paghahanda"
Part 13 " Pagtatagpo"
Part 15 "Bagong Taong Dating Aswang"
Part 16 ...."Psychokinesis Power"
Part 17 .... Remuel
Part 18 ... Evacuation
Part 19 . . . "Don Ranilo De Vega"
Part 20 ... "Nabunyag na Katotohanan."
Part 21 . . . "Hiwaga ng Tatlong Salita"
Part 22 . . . "Liwanag"
Part 23 . . . "Unang Halik"
Part 24 . . . Kamatayan ng Unang Pag-ibig
Part 25 . . . "Kulong"
Part 26 . . . "Malphas ang Diyablo
Part 27 . . . "Pagwasak ng Moog na Gusali"
Part 28 . . . "Huling Pagtatanggol ng mga Tao"
Part 29 . . . "Sheol"
Part 30 . . . "Prinsesa ng Kadiliman"
Part 31 . . . "Asmodeus"
Part 32 . . . "Ang Pagbabalik ng mga Demonyo"
Part 33 . . . "Paghahanda sa Pulang Lupa"
Part 34 . . . "Ang Dayuhan"
Part 35 . . . "Mga Higanteng Demonyong Sawa"
Part 36 . . . "Simula na ng Paghihiganti"
Part 37 . . . "Mga Dugo ni Romano"
Part 38 . . . "Mga Higanteng Demonyo"
Part 39 . . . "Duelo Hanggang Kamatayan"
Part 40 . . . "Samurai Ninja"
Part 41 . . . "Gang War"
Chapter 42 . . . "Ninja Mantra"
Part 43 . . . "Unang Pagniniig"
Part 44 . . . "Mga Ninjang Kakayanan Ni Zeno "
Part 45 . . . "Shintaro Hanzo"
Part 46 . . . "Bagong Anak ni Toshiro"
Part 47 . . . Ang Demonyo
Part 48 . . . "Ang Pagbabalik Ng Samurai Ninja"
Part 49 . . . "Tandem Maria Luna at ang Samurai Ninja"
Part 50 . . . Malphas Ang Prinsipe ng Impiyerno
Part 51 . . . Belial Ang Demonyo

Part 14 "Sagupaan..Cain at Remuel vs Maria Luna"

344 26 7
By TitoRudy1953

"Cain at Remuel vs Maria Luna

Nagtagpo ang tatlong makapangyarihang nilalang sa unang pagkakataon. Umatras si Maria Luna at humanda sa pag atake nina Remuel at Cain.

"Cain sabi mo nasa kanya ang itim na aklat. Paano mo mababawi iyon kung mapapatay natin siya?"

"Hindi ko na kailangan ang hawak niyang itim na aklat Remuel. Higit na makapangyarihan ang bago kong isinulat kaya pwede na nating siyang patayin. Balakid siya sa ating dalawa."

"Kung mag-usap kayo ay parang papatay lang kayo ng aso. Simulan na natin." Gumalaw ang dalawang kamay ng dalaga. Nabunot ang isang matalas niya sa ulo ng isang patay na alagad ni Remuel. Lumipad ito patungo sa kamay niya. Umangat mula sa lupa ang isa pang matalas. Lumipad at sumakamay rin ng dalaga. Iniwasiwas na niya ang dalawang matalas at nanlaki kapwa ang mga mata nina Remuel at Cain.

"Kakaiba nga ang lakas mo. TIgnan natin kung hanggang saan ka tatagal sa aming dalawa ni Remuel. ULN* KEIF*UDLN*"

Nagbago ang anyo ni Cain. Namula lahat ang kanyang balat. Tumubo ang mahaba niyang buntot na matulis ang dulo. Umurong ang kanyang mga buhok at nakalbo. Ang pulang mga mata ay naging itim lahat. Walang makitang puti. Humaba ang kanyang dalawang pangil at mga kuko sa mga daliri na nagkulay itim. Lumabas ang kanyang dalawang malaking pakpak. Umuusok ng buo niyang pulang katawan na tanda ng nananalaytay sa kanya ang dugo ng Diyablo.

"Hark! Hark! Hark! Masdan mo akong mabuti Maria Luna. Malaki na ang aking pinagbago at lalong lumakas hindi kagaya noong una mo akong nilabanan. Ngayon ay kukunin ko ang kaluluwa mo at gagawin kitang alipin sa habang panahon. Papatayin ko ang katawan mong lupa!"

" Nagbago ka na nga Cain. Hindi ka na isang ordinaryong bampira. Isa ka ng demonyo. Hindi madali ang binabalak mong gawin akong alipin. Tignan natin Cain kung ano ang magagawa mo."

"Hindi ka rin mayabang pala Maria Luna. Nakalimutan mong kasama ako ni Cain."

Nagbago na rin ang anyo ni Remuel. Tumangkad siya at lalong lumaki ang katawan. Umumbok ang mga tadyang niya sa dibdib na tinubuan ng makapal na buhok. Humaba ang kanyang buhok sa ulo at tumulis ang mga tenga. Pumula ang mga mata at humaba ang tumulis na mga ngipin. Katulad ni Cain ay humaba ang kanyang mga daliri kasabay ng mga maiitim na mga kuko. Kumintab ang buo niyang katawan ng lumabas ang langis sa kanyang balat. Lumabas na rin ang dalawa niyang malaking pakpak na tulad ng sa paniki. May matutulis na butong naka-usli sa dulo. Ganap na siyang isang taong aswang.

Dalawang makapangyarihang kalaban ang kaharap ngayon ng dalagang aswang.

"ULN*KEIF*UDLN! MULA SA MAKAPANGYARIHANG LIWANAG IBIGAY MO SA AKIN ANG KAILANGAN KONG LAKAS UPANG SUGPUIN KO ANG MGA NILALANG NG KADILIMAN!" Sigaw ng dalaga.

Nagbago ang kanyang anyo. Pumula ang kanyang mga mata. Lumabas ang dalawang pangil. Katulad nila ay humaba ang kanyang mga kuko sa mga daliri. Wala nang nagbago pa sa kanya.

"AH! Taglay mo na nga ang kapangyarihan ng liwanag mula sa itim na aklat. Nabuksan mo ang lihim ng tatlong salita. Mahusay ka Maria Luna at hindi ka pangit na katulad ng aswang na si Remuel. Hark! Hark! Hark! Hindi lang kita gagawing alipin ko! Ang ganda mong iyan ay aangkinin ko at gagawin kitang ina ng aking mga magiging anak. Paghaharian namin ang buong mundo!"

Umangat si Cain mula sa lupa. Marahan ang pagkampay ng kanyang mga pakpak at naglalaro ang mahaba niyang buntot sa likod.

"Cain! Walang nangngarap na demonyo!"

"TAMA NA ANG MARAMING SATSAT!" Sigaw ni Remuel at bigla na siyang sumugod sa dalaga. Tumakbo siya ng mabilis at biglang lumipad na parang sibat na limang piye lang ang angat sa lupa.

Nauuna ang mga kamay ni Remuel upang wakwakin ang dalaga ng matutulis niyang mga kuko. Ilang dipa na lang siya sa dalaga ng biglang umigkas si Maria Luna. Nag summer sault ito sa ere at nauna ang balawang paang isinipa sa likod ni Remuel. Sumadsad sa semento ang lalakeng aswang na nabigla.

Sumugod na rin si Cain. Pasibad ang lipad na handa ang mga kamay upang sunggaban ang dalaga. Nagtago ang kanyang buntot na mahaba at nakahandang tuhugin ang dalaga.

Tumalon ng mataas ang dalaga at sinalubong si Cain. Sa likuran niya ay mabilis na nakatayo si Remuel at umigkas na rin upang sundan siya. Paikot ang pagside view habang na ere si Maria Luna. Sinampal niya gamit ang isang matalas sa kaliwang kamay ang kanang kamay ni Cain. Palapad itong tumama sa braso. Kasabay na iwinasiwas ang isang matalas sa kanan niyang kamay.

"TSAK!" "INNNGGG!"

Tapyas ang kanang tenga ni Cain na tumalsik. Lumampas siya kay Maria Luna. Nang maka-ikot na ang dalaga ay biglang sinipa ang likod ni Cain. Nawalan ng balanse ito at pasadsad na sa semento nang biglang mabunggo siya ni Remuel na mabilis ang lipad. Kapwa sila hindi na naka-iwas.

"POK!"

Nag untugan ang kanilang mga ulo at parehong bumagsak sa semento.

"Ahhhhhh! Ang tenga ko!"

Napa-upo sa semento si Cain at tinakpan ng kanyang palad ang sugat na sinisiritan ng itim niyang dugo.

"IMPAKTA KA MARIA LUNA. MAGBABAYAD KA NG MAHAL SA GINAWA MO SA AKING TENGA! AHHHHHH! Remuel sabay tayong umatake sa kanya."

"Oo Cain!"

Tumayo silang dalawa at muling hinarap ang dalaga na iniwawasiwas ang hawak na mga matatalas.

Magkasabay na silang dumaluhong. Patakbo ng matulin si Remuel at palipad naman si Cain. Sa isang iglap ay nakalapit si Remuel. Hinawi niya ang kanang kamay ng dalaga sa pataga nito sa kanya. Nadakma niya ang braso at bumaon ang kanyang mga kuko. Hinila niya si Maria Luna at biglang niyakap ng kanyang kaliwang kamay. Nakatayo siya sa likuran ng dalaga.

"Ngayon na Cain!"

Palapit si Cain na nauuna ang mahabang buntot. Nakita ito ni Maria Luna. Mahigpit ang pakakayakap sa kaniya ni Remuel pero nagawa niyang umilag.

"TSUK!" "AYEEIII!"

Tusok ang kaliwang tagiliran ni Maria Luna na tumagos ang buntot at natuhog rin si Remuel. Sumigaw sa sakit ang lalakeng aswang pero hindi niya pinakawalan ang dalaga. Bubunutin na ni Cain ang kanyang buntot upang muling tuhugin ang dalaga ng biglang umikot ng isang matalas sa kaliwang kamay ng dalaga.

"KATSAK!" "ARGHHHHH!"

Putol ang buntot at napaatras ng lipad si Cain. Galit na si Remuel at ngumanga upang kagatin ang leeg ng dalaga. Naramdaman ito ni Maria Luna. Bigla siyang umupo at humulagpos siya sa pagkakayakap sa kaniya ni Remuel na nagulat. Umikot siya habang naka-upo at sa kanyang pagtayo ay iwinswas ng isang matalas.

"KATSAK!" "WARRGGHHH!"

Putol ang dalawang pakpak ni Remuel. Bumulwak ng dugo sa dalawang sugat. Aringking sa sakit ang lalakeng aswang. Bigla siyang napalit ng anyo. Isa na siyang malaking pusang itim na duguan ang likod at tiyan. Humarap siya sa dalaga upang sagpangin ito.

Tumalon ng mataas si Maria Luna at naka-iwas kay Remuel. Habang nasa ere pa siya ay biglang lumabas ang dalawa niyang malalaking puting pakpak.

Sa galit na rin ni Cain ay muli siyang sumugod sa dalaga kahit sumisirit ang itim niyang dugo sa naputol na buntot. Bigla rin siyang nagpalit ng anyo. Naging isa siyang napakaraming paniki na kasing laki ng mga bayakan. Umatake sila ng sabay-sabay sa dalaga na iniwasiwas ang dalawang hawak na matatalas.

Bawat makalapit na paniki sa dalaga ay nahahati ang katawan at ang iba ay natitigpas ang mga pakpak. Gaano man sila kabilis sa paglipad ay hindi sila ligtas sa mga mata ng dalaga. Iilan na lang ang natitira ng muli silang magsama-sama at nabuo ang anyong tao ni Cain. Bumagsak siya sa semento na putol ang isang pakpak at sugatan ang buong katawan. Lumapag na rin si Maria Luna at umurong na ang kanyang mga pakpak. Kapwa duguan ang dalawang kalaban ng dalaga. Maging siya nakaramdan ng panghihina sa tinamong sugat sa tagiliran pero hindi nagpahalata sa kanila.

"Ngayong gabi ay tatapusin na natin ang ating laban." Sabi ng dalaga. Nagbagong bigla ang kanyang anyo. Isa na siyang higanteng pusa.

Napaurong sina Remuel at Cain nang makita nila gaano kalaki ang higanteng pusa na naghahanda na upang sila ay sagpangin.

Mula sa istasyon ng subway ay lumabas ang maraming kakaibang bampira. Sila ang mga dating tropa ng Special Forces ng Army at Swat teams ng pulisya na bagong likha ni Cain.

"Panginoon! Naririto na kami!" Sigaw ng namumuno sa kanila.

"Salakayin ninyo ang dambuhalang pusa at patayin. Ang iba sa inyo ay tulungan kaming makalayo rito." Atas ni Cain na nanghihina.

Kakaiba ang liksi at lakas ng mga bagong bampira. Namula ang kanilang mga mata, lumabas ang mga pangil at humaba ang mga kuko sa mga kamay. Sa dami nila ay hindi umurong si Maria Luna. Wala ring takot sa kanya ang mga bagong alagad ni Cain. Sinugod nila ang dalaga.

Nagtatalunan ang mga bampira para sunggaban ang higanteng pusa at maitumba ito. Bumabaon ang kanilang mga kuko sa katawan ng dalaga na iniwawasiwas ang katawan. Sa bawat masakmal niyang leeg ay putol agad at tumitilapon ang ulo ng bampira. Sa bawat bigwas ng kanyang paa na may mahabang mga kuko kung hindi man nahahati ang katawan ng kalaban ay nawakwak naman. Pero ramdam na ang panghihina dahil sa dami ng dugong nawawala sa kanya. Hindi siya makabuwelo para lumipad sana. Nakalayo na sina Remuel at Cain sa tulong ng mga alagad niya. Pumasok na sila sa istasyon ng subway upang tumakas.

"Praaartttt! Bang! Bang!" "Arghh! Ughhh!Aghhh!"

Bawat tamaan sa mga bampira ay biglang nagliliyab ang katawan at nagiging abo. Patakbong lumalapit kay Maria Luna habang bumabaril sina Dexter, Ka Paeng, Nolan at Romano.

Ang ibang natitirang bampira ay tinapos na ng higanteng pusa bago ito napahiga.

"Luna!" Sigaw ni Dexter at lumapit siya sa dalaga.

"Apo!" Sigaw na rin ni Ka Paeng.

Hindi kumikibo ang dalaga at hindi rin nagbabago ang anyo. Lumuhod si Dexter at hinagod niya ng kanyang kamay ang ulo ng pusa. Nakita niya ang sugat sa tiyan na dumudugo pa rin. Hinubad niya ang kanyang damit at itinapal sa sugat.

"Mabuti at naisipan mong balikan natin siya Dexter. Romano tawagin mo ang drayber at ilapit dito ang van. Dalian mo!"

"Oo lolo."

Ilang saglit pa ay dumating ang van. Nagmadali silang maisakay ang dalaga. Nagtulungtulong sila sa pagbubuhat. Halos hindi na sila magkasya sa loob. Pinahiga na lang nila ng ibang upuan para maipwesto ang higanteng pusa.
Pagdating sa tower ay naghihintay na sa labas ng gusali ang mga gwardiya. Nakahanda sila sa ano mang mangyayari. Kasama nila si Yaya Metring na nag aalala kay Maria Luna. Isang malaking rolling bed ang itinabi sa van. Inihiga nila rito si Maria Luna na gising pa rin pero hinang hina na.

"Naynay Metring saan ho ba natin pwedeng magamot si Luna?" tanong ni Dexter kay yaya.

"Sa basement natin siya dalhin!"

Ipinasok nila ang dalaga sa gusali. Sa isang elevator ay si Yaya Metring ang nagbukas gamit ang kakaibang susi. Nang maipasok na ang dalaga sa loob ng elevator ay pinigilan na sila ni Yaya Metring na sumama pa sa ibaba.

"Dexter, Ka Paeng ako na ho ang bahala sa aking alaga. Kaya ko na ho mula rito. Hintayin na lang ninyo siya sa itaas."

"Sige ho Nanay Metring."

Pagkasara ng pinto ng elevator ay nagbago na ang anyo ng dalaga. Hubo't hubad siyang nakahiga. Dumudugo ang kanyang tagiliran. Marami siyang mga sugat sa katawan na likha ng mga kuko ng mga nakalabang bampira.

"Salamat yaya."

"Kaya mo pa ba Luna?"

"Opo yaya pero bilisan natin."

"Sige. Mahiga ka lang muna."

Pagkabukas ng elevator ay itinulak na ni Yaya Metring ang rolling bed. Nasa ikatatlong palapag sila sa ilalim ng lupa. Huminto sila sa isang makapal na pintuang bakal. Ito ang lihim na silid na tanging si Maria Luna at ang kanyang ama lang ang nakapapasok. Umupo ang dalaga sa gilid ng kama. Pinindot niya ang password sa isang parang monitor at inilapit ang mga mata sa isang eye scanner. Bumukas ang makapal na bakal na pinto.

Ipinasok siya ni Yaya sa loob. Isang mahabang mesa lang ang nasa loob. Nasa ibabaw ang pitong puting kandila na nakatirik sa isang kandelaria. Ang itim na aklat ay nasa gitna ng mesa na nalalagay sa isang patungan ng aklat.

"Yaya paki sindihan ho ang mga kandila.

Sumunod si Yaya Metring. Nang matapos ay nagpaalam na siya kay Maria Luna para sa labas na lang sana maghintay.

" Dumito na ho kayo yaya."

"Sige Luna!"

Umatras si yaya at tumayo sa isang tabi. Pinanood na lang ang dalaga sa gagawin nito.

Tumayo si Maria Luna at lumapit sa itim na aklat. Binuklat niya sa may gitna ng mga pahina. Sa pahina ng tatlong mahiwagang salita ay binasa niya ng matahimik ang mga ito. Lumiwanag ang tatlong mahiwagang salita. Ngayon lang napansin ng dalaga na medyo kakaiba ang kapal ng pahina. Sinalat niyang mabuti. Doble ito na magkadikit. Gamit ang matalas niyang kuko ay hiniwa ang gilid ng pahina. Naghiwalay ang dalawang pahina. Binuklat niya. Lumiwanag bigla ang magkabilang pahina. Maging si Yaya Metring ay nasilaw sa liwanag. Binalot ng liwanag ang buong katawan ni Maria Luna. Naghilom ang kanyang mga sugat. Parang walang nangyari sa kanyang katawan.

"Luna aking apo!"

"Lola Gundina!"

Lumitaw ang espirito ni Gundina na nasa anyong kabataan pa niya sa harap ng dalaga. Nakangiti ito.

"Nabuksan mo na ang pinakalihim ng itim na aklat apo. Pinakawalan mo na ang natitirang kadiliman na lumulukob sa itim na aklat. Dahil sa ginawa mo ay wala na ang sumpang ilang daang taon ding nagpahirap sa ating lahi. Hindi ka na isang asuwang ngayon apo maging ang iyong mga tagasunod. Pero mananatili sayo ang lakas at kapangyarihan ng puting aklat. Hindi ka na magbabago ng anyo. Gamitin mo ang iyong kaisipan na naisalin ko na sayo at magagawa mo ang nais mong gawin. Ngayon ay doble na ang iyong lakas. Lipulin mo ang mga natitirang asuwang at mga likhang halimaw ng itim na aklat ni Cain. Mananatili akong sumusubaybay sayo apo."

"Salamat po lola. Asahan po ninyo na tutuparin ko ang inyong utos."

"Salamat din aking apo. Dahil sayo ay ganap na rin akong malaya."

Naglaho si Lola Gundina. Tinignan ng dalaga ang tatlong mahiwagang salita na kulay ginto na. Wala na ang dugo ni Cain na ginamit sa pagsulat ng aklat noon. Isinara na ni Maria Luna ang aklat na ngayon ay puting kulay na.

"Tara na ho Yaya Metring. Naghihintay na sila sa itaas."

"Teka muna Luna. Magdamit ka muna bago tayo umakyat."

"Hi hi hi! Oo nga pala yaya. Nakalimutan ko ho kasi na wala pala akong damit na. Hmmmm. Yaya! Hindi kaya ako nakitaan nina Dexter kanina sa labanan namin nina Cain at Remuel? Hindi ko napansin na bumalik pala sila. Makikita niya!"

"Hala! Bakit naman kasi nag anyong pusa ka pa. Alam mo naman na mawawarak ang suot mo."

"Hayaan mo na yaya. Hindi na mangyayari pa yun. Tara na at magdadamit pa ako."

--------

Sa mansyon ni Cain ay galit na galit siya sa nangyari sa kanila ni Remuel. Napahiya siya dahil muli siyang tinalo ni Maria Luna at kasama pa niya si Remuel.

"Gaganti tayo Remuel. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nakapaghihiganti."

"Lubha siyang malakas Cain. Hindi natin siya nakaya. Ano ba talaga ang lihim ng itim na aklat at napalakas niya si Maria Luna?"

"Malalim ang lihim Remuel. Kahit ako pa ang sumulat ay iba ang nagdikta sa akin kaya hindi ko alam lahat ang lihim ng itim na aklat. Pero may isang paraan pa na tatalo kay Maria Luna."

"Ano Cain? Sabihin mo! Magtulungan tayo."

"Gagawin kitang bampira Remuel. Sa taglay mong lakas bilang asuwang ay lalo ka pang lalakas kung kaisa na kita ng dugo."

"Ha ha ha! Sige Cain! Sumasang-ayon ako sa gusto mo. Maging ang mga alagad ko ay gawin nating mga bampira!"

"Kung ganoon ay humanda ka Remuel dahil magiging kakaiba ka ng nilalang. Tara na at may ritual tayong gagawin bago kita gawing isang bampira. Hark! Hark! Hark!"

***********















Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 74.7K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
207K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
588K 25K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...