My Super Boyfriend

By toneewritestragedies

218K 3.8K 398

It was Sami's 18th Birthday-nakatanggap siya ng package mula sa tita niya bilang regalo. Pagbukas niya - BOOM... More

My Super Boyfriend { Pre-Parade }
2.**Sushi**
3.1. **The Date**
3.2. **The Date**
4.**Meeting the Family**
5.**Mood Swings**
6.**V-Day**
7.**My Girl.. For Real**
8. **Hanky, Caution, Bloods**
9.1. **His Real Identity**
9.2.**His Real Identity**
10. **Her Love**
11.**Choose**
12. **If We Ever Meet Again**
12.2. **If We Ever Meet Again**
13.**The Last Chapter **
My Super Boyfriend: **EPILOGUE**
My Super Boyfriend Sequel: Keeping Up With You

1. **My Boyfriend?!**

20.7K 353 54
By toneewritestragedies

Chapter One

My Boyfriend?

Sami.

"Happy 18th Birthday Sami! We love you!"

Birthday? Anong date ba ngayon? Ah. January 26 na pala. Tama. Birthday ko nga. Di naman ako madalas magcelebrate ng birthday ko simula ng magkaisip ako e. Ewan ko ba sa mga pasaway kong mga magulang kung bakit naisipan nilang maghanda ngayon? Anong special sa araw na to bukod sa birthday ko aber?

Napanguso na lang ako, di ko na lang sila pinansin. Dumirecho ako sa ref para kumuha ng malamig na tubo. Magparty na ang gustong magparty, wala akong pakialam!

"Ate Sami, birthday mo nga ba ngayon?" sabi nung 5 year-old kong kapatid na si Gummy. Mukha kasi siyang gummy bear nung pinanganak siya. At saka mas mature pa sa akin umasta kahit maliit pa lang siya.

Tinignan ko siya, tapos sina Mama at Papa na nakatayo sa may tapat ng sala. Napailing na lang ako. Meron kasing mga pink balloons sa paligid. Tarpaulin ng mukha kong nakakahiya at sa mga petals ng mga rosas sa sahig. Hay, nakakasuka lang. Pakiramdam ko magkakasore eyes ako sa mga bagay sa paligid ko e. Ayoko ng pink. Ayoko ng kakikayan! Ayoko ng kulay ng biik!

"Birthday ko nga pero wala akong debut." Sagot ko kay Gummy, lumapit naman saken sina Mama at Papa.

"Anak naman. Debut mo nga ngayon hindi ba? Kaya eto, naghanda kami ng Papa mo ng salu-salo."si Mama.

"Tama si Mama, anak. Bakit? Ayaw mo ba nito? Di nga namin binonggahan itong debut mo para magustuhan mo e. Ayaw mo pa rin ba maghanda?" tanong naman ni Papa saken.

"Ma, Pa, ayoko po ng birthday party. Lalo na tong mga nakikita ko. Luluha na nga ng dugo itong mga mata ko dahil sa mga kulay baboy na mga yan sa paligid e!"

Bakit ba hindi nila ako maintindihan na ayoko ng party!

Wala na akong nagawa nung hinila na nila ako paupo sa may upuan sa dining table. Okay. Birthday ko nga daw. Tss.

Masasarap nga yung mga nakahanda. Mga favorite foods ko. Pero parang hindi rin ako nasarapan sa mga kinain ko dahil sa badtrip ko dito sa bahay.

"Ate! Smile ka naman dyan! Pipicture-an ka ni Papa. Para pang-DP mo sa Facebook oh!" sabi naman ni Gummy sa akin. Sinimangutan ko naman siya.

"Tigilan niyo nga ako. Camera shy ako e." sagot ko naman sa kanila.

"Camera shy daw pero nakita ko sa may cellphone mo na may mga pictures kayo ng crush mo eh.-"

"Hoy!" tinakpan ko yung bibig ni Gummy. Ang daldal! Paano niya nakita yung mga pictures naming ng crush ko?! Eh may password yung cellphone ko ah! Argh! Pakialamerong bata! "A-ano ba 'yang mga pinagsasabi mo ha bulinggit?! W-wala kaming mga pictures ng crush ko ano!"

"Sami naman, kelan ba tutuwid yang kukute mo? O sige, mamaya na kita pipicture-an. Pagsasabihan muna kita okay." Daming alam ng mga parents ko ano? Kaasar.

"Alam naming bata ka palang, one of the boys ka na. Por Dios por Santo, Anna Samantha Cinderella Lorenzie Marie Adachi! Kelan ka ba magpapakababae ha?! Gusto naming magkaroon ng manugang na lalake! Yung magkakaanak ka ng galing sa tyan mo!" naglitanya na naman ang Nanay ko. Pati whole name kong nakakasuka, isinali rin! Hay. Walang kwentang usapan. Kelan ba nila matatanggap na hindi ako tunay na babae?

"Ma, Pa. Pasensya na talaga pero di ko pa talaga debut sa ngayon. Hindi ba, pag ang lalake, nagde-debut pag 21 years old na sila?"

"Oo na Ate Sami. Ikaw na ang That's My Tomboy." Si Gummy. Isa pang singit nito e, papakain ko sa kanya diaper niya.

"Nako. Wala na talaga tayong magagawa kung yan ang sexual preference ng anak natin Mama. Suko na ako kay Sami."

"Ako rin Papa. Diyos ko po. Ikaw na sana ang bahala sa unica hija namin."

Unica Hija in their dreams. Makaalis na nga muna! Iinom ako mag-isa!

"Sami! Saan ka pupunta ha?"

"Gusto ko mapag-isa. Uuwi na lang ako sa apartment ko. Next week na ako babalik dito. Bye." Yan ang huli kong sinabi bago ako umalis ng bahay namen.

Kung matanggap sana nila kung sino ako, baka patusin ko pa ang cheap na birthday party na 'yan.

***

[[The Light]]

Tumambay muna ako sa paborito kong bar. O eto, wala ng daya ang pagkakapasok ko rito. Certified eighteen years old na ako. Dito ako madalas uminom kapag bad trip ako sa bahay o sa eskwelahan. Nakikipag-inuman ako sa sarili ko. Mga saktong tequila lang. At saka sa mismong bar counter ako pumupwesto para anytime e makaorder agad ako. Kaya nga close na kami nitong barista dito.

"Ano namang pinunta mo rito Sami? Bad trip ah." Si Carlo. Yung barkada kong barista.

"Birthday ko ngayon pre"

"Uy! Happy birthday! Dalaga na siya. Yipee!" bigla ko siyang sinamaan ng tingin. Anong dalaga ang pinagsasabi niya? Suntukan pa kami e! "Ay joke lang! Binata pala hehe. Oh eto para sa binatang katulad mo, scotch whiskey para sayo 'tol!" Binigyan niya ako ng dalawang shot.

"Shut up ka nga muna. Makinig ka muna kasi saken! Di pa nga ako tapos magsalita, umeentrada ka pa. Customer mo ako rito!"

"Yes sir! Oh, ano ba iyong problema mo kasi? Birthday na birthday mo e. Tapos busangot yang pagmumukha mo."

"Eh paano ba naman kasi tol, sina Mama at Papa, pati yung si Gummy, gumawa ng birthday party para saken. Tapos puro mga kalandian ang decoration! Nakakasuka! Kulay pink! Kairita nga e. At saka alam naman nilang ayokong naghahanda pag birthday ko, ginawa pa nila. Habang kumakain naman kami, in-open ulit ni Mama na magpakababae na raw ako. Gusto daw nilang magkamanugang at apo!" di ko mapigilang lumagok ng tatlong shot sabay sabay ng whiskey ng walang chaser. Nakakaasar naman kasi itong buhay na 'to!

"Naku, mahirap nga ang ganyan 'tol. Kung ako sayo, para di na kayo magkagulo, sundin mo na lang sila."

"Anong sabi mo? Sundin ko sila? Hibang ka na ba Carlo? Ako? Mag-aasawa? Magkaka-anak? Magpapakababae? No thanks. Di na lang ako uuwi sa bahay namin kung yun ang gusto nila." Akala ko makakatulong to si Carlo. Di naman pala.

"Okay. Okay. Panalo ka na Sami. Ang saken lang, ayusin mo yang gusot mo sa pamilya mo."

Hindi ko na lang pinansin yung mga sinasabi niya sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pag-iinom. Wala talagang makakatulong sa problema kong ito.

Napataas ang kilay ko sa pagkakita ko kung sino ang nasa Caller ID ng cellphone ko.

Calling...

Auntie Elisse

Bakit tumatawag ang tiyahin kong loka-loka? Problema nito?

"O Auntie, napatawag ka. Hello." Medyo nilakasan ko yung boses ko dahil nga maingay dito sa The Light.

"Sami!!!!!!" A-aray! Mas malakas pa sa disco ng The Light yung boses ni Auntie! Ang sakit sa tenga! Aww! Abnormal talaga tong old maid na 'to eh.

"Auntie Elisse naman! 'Wag niyo naman ako sigawan ng ganyan! Ano bang meron ha?"

"Ay hehe. Excited lang ako Sami. Bwahahahaha. Nga pala, birthday mo ngayon hindi ba?! Happy birthday aking pamangkin!" Loka talaga itong si Auntie. Hay Panginoon ko! Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong klase ng mga kamag-anak?

"Excited saan? 'Nga pala Auntie, kung pinatawag ka ni Papa para pauwiin ako sa bahay, pakisabing 'di ako uuwi hangga't ganyan pa ang mentality nila sa akin."

"Di yun ang itinawag ko okay? Wala akong pake kung ayaw mong umuwi sa inyo ano. Dahil 18 ka na ngayon, may regalo ako sa'yo okay?"

REGALO? Uy ayos ah.

"Regalo? Paano ko makukuha yun e di ko nga alam kung saang lupalop ka ng Jupiter e. Nasaan ka ba ngayon Auntie Elisse?"

"Che. Di na mahalaga kung nasaan ako ngayon noh! Ang mahalaga matanggap mo yung birthday present ko para sayo! Aba Sami, matagal kong pinag-ipunan yung pambili ko ng regalo mo ah. Special yun! At sana magustuhan mo." at tumawa siya ng malakas. Yung parang pang-witch.

Magustuhan ko? Hmm, ano naman kaya 'yun? PSP? Laptop? X-box? Nintendo Wii? PS4? Ano kaya?

"Ano nga ba 'yun Auntie? At saka saan ko makukuha yung regalo mong yun?"

"Ipapadeliver ko na lang sa apartment mo dear. Okay lang ba?"

"Sure. Buti na lang sa apartment ko pinadala mo. Kung sa bahay pa yan e baka mapilitan pa akong umuwi at saka pakialaman pa yun nina Gummy." pag sang-ayon ko naman.

"Very good ka Sami. O sige, kapag natanggap mo na  'yung regalo ko sayo just drop a call alright dear?" 

Ayos! Mukhang magugustuhan ko yung padala ni Auntie ah? Excited na tuloy ako umuwi! 

"Baka mamaya nandyan na yung padala ko. Pag natanggap mo na, walang balikan ah."

 Ano raw? Walang balikan? Ano yun?

"Anong ibig mong sabihin Auntie Elisse—"

"Bye Sami! Happy birthday dear!"

"Teka lang, Auntie."

**End of Call**

Ay potek. Bad trip! Anong ibig sabihin ni Auntie na walang balikan? Ano 'yun? No return, no exchange?

Ahh basta! Bahala na! At least may regalo ako galing kay Auntie Elisse! 

Good. That's so good.

***

[[Sami's Apartment]]

Hindi na rin ako nagtagal sa The Light dahil nga doon sa sinabi ni Auntie Elisse, nagmadali na rin akong umuwi dahil mukhang hindi maganda ang kutob ko sa sinabi niya sa akin sa cellphone. Parang ang strange kasi e!

Madami-dami rin ang nainom ko kanina sa The Light. Sabi ko kasi kay Carlo e wag niya akong pipigilan. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong bukas na yung mga ilaw. Teka nga, iniwan ko namang patay ang mga to ha?

Naloko na! Sinasabi ko na nga ba eh! Talagang hindi maganda ang kutob ko sa sinabi sa akin ng Auntie. Loka-loka talaga ang babaeng iyon! Nakakainis!

Paanong may nakapasok sa apartment ko na wala naman akong iba pang taong binibigyan ng duplicate copy ng susi ko! Arrgh! kriminal ang taong binabanggit ni Auntie Elisse! Hindi talaga ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya!

Dahan-dahan akong pumasok ng tuluyan sa apartment ko at kinuha ang panungkit sa sampayan na nakalagay sa gilid ng pinto. Mabuti na at handa ako sa ganitong pagkakataon.

Nagmasid-masid ako sa buong kabahayan pero walang anino ng tao ang nakita ko. Ang weirdo lang talaga. Lasing ba ako o sadyang may nangtitrip lang sa akin ngayon?!

Di na talaga to nakakatuwa—

Huh?

Ewan ko kung tanga lang ba ako o malabo ang mata dahil may isang malaking balikbayan box ang nasa gitna ng living room. Kinukutuban na naman ako ng matindi.

Hindi kaya may tao o bagay sa loob nito?

Di ko rin alam kung sinong may katawang lupang nilalang ang naglagay nito rito. Hay, di na talaga nakakatuwa to. Ito na ba ang tinatawag nilang hallucination? Lango sa alak?

Kumuha ako ng cutter tas dahan dahan kong binuksan yung itaas ng box, kelangan ko pang tumuntong sa bangkito para lang maabot yung taas. Paano ba naman kasi ang laki eh,

Nagbilang ako ng 1 to 1 million. Syempre isang malaking joke lang yun dahil di ko alam kung paano magbilang ng ganoon karami!

1.

2.

3.

100.

"Hi Girlfriend! Good morning! I am your Super Boyfriend. How are you?"

EH?!

Super boyfriend?

Ako?

Girlfriend?

"Lasing ba ako? S-sino ka? Anong klaseng hayop ka?" teka, ano ba tong nakikita ko. Lasing ba ako? Ito na ba ang tawag nilang hallucination? Sa pagkakaalam ko uminom lang ako ng alak eh. Parang nawala yung pagkalasing ko dahil sa nakita ko, parang tao e. gumagalaw, nagsasalita. Anong klaseng kulam to?

"I'm your boyfriend."

Natawa ako bigla. "Boyfriend? Di tayo talo pre. Pero kung isa tong modus operandi at gusto mong magnakaw rito sa apartment ko. Sige lang. Kung may makukuha ka. Walang kwenta mga gamit ko rito e." tinalikuran ko siya. Kung Wow Mali to, sasabihin ko, "Ma, Pa, Gummy, nasa TV na ako! Artista na ako! Yey!" psh.

"Magnanakaw? Oo, magnanakaw nga ako. Ako ang nanakaw sa puso mo, Girlfriend."

Humarap ako sa kanya tas lumapit, "Kulto ka! Lumayas ka bahay ko! Anong girlfriend ang pinagsasabi mo? Abnormal! Baliw! Wag ka rito manggulo! Layas! Susuntukin kita pag di ka umalis rito!" tinutulak ko siya palabas ng bahay ko pero masyado siyang malaki at malakas kaya kahit gaano ko siya itulak, nakakadalawang hakbang pa lang siya sa tulak ko.

Teka, ito ba yung sinasabi ni Auntie Elisse na bakasyunista na makikisilong sa apartment ko? Yung totoo, naka-drugs ba ang taong 'to? Saka, boyfriend?! Ano bang klaseng joke time ito ha? Wala na talaga sa hulog ang tiyahin ko!

"Girlfriend naman, don‟t be rude at me okay? I love you!"

Waaaaaaahhhhhhh!!!

Sinampal ko ang mukha ko. Yung malakas. Sami relax, tripper lang yan. Di mo siya kilala hindi ba. Kumalma ka lang. Mamaya mo siya sapakin.

"Teka! Wag ka muna magsalita dyan boyfriend—este! Ano nga ba ang pangalan mo ha?" pwe. Masuka suka tuloy ako sa sinabi ko. Tinawag ko siyang boyfriend eh! Eh paano, wala kasing pangalan!

"I don‟t have a name, but you can give me whatever name you wanted. Girlfriend." Nginitan niya ako ng sobra. AWOOOOO! Di ko na to kaya! Uuwi na ako samen!

Napa-face palm ako. Ano ba tong napasok ko!?

Teka, si Auntie Elisse!

"Auntie!!!!!!!!!!!" mabuti na lang at sinagot agad ni Auntie yung tawag ko sa kanya.

"Oh hello, Sami! Natanggap mo na ba ang regalo ko sayo ha?"

Tinignan ko ulit yung lalake, nung nginitian niya ako. Sinimangutan ko siya. BWISET!

"Ito ba yung regalo mo Auntie?! Saan mo ba nakuha ang abnormal na to? Naka-drugs ata to e! ayoko nito Auntie! Bakit niyo ba ako binigyan ng lalake! Nakakainsecure!"

"BWAHAHAHA. Hindi siya basta lalake lang Sami, he?s your boyfriend!" 

Kaunti na lang, masusuka ko na yung ininom ko kanina. Anong boyfriend ang pinagsasabi ni Auntie Elisse!?

"Auntie naman. Adik ba kayo? Gusto niyo isama ko kayo sa Rehab? Bakit kayo nagdala ng ganitong alien sa bahay ko!? Di ko to matatanggap! Sayo na to. Di bale na lang." 

"Ayaw mo ba saken girlfriend?" pagtingin ko, nasa may likuran ko na siya at yung baba niya, nakapatong pa sa balikat ko.

Yuck!

"Oy! Wag na wag kang didikit saken! K-kadiri!!"

"Kadiri? Ang ganda nga tignan e, bagay na bagay tayo Girlfriend! Pwede pa-kiss!"

Nyay. "Saan ka bang galing na planeta? Ano ba yang mga pinagsasabi mo ha!"

Hindi niya pinansin yung sinabi ko, bigla na lang siya pumikit at saka ngumuso. Yung tipong gusto magpahalik?! Waah! Manyak!!

"Lumayo ka saken! Bumalik ka na sa Pluto! Manyak! Durugista! Abnormal! Baliw! Layas!!!" pinagbabato ko sa kanya yung mga throw pillows sa couch at tumakbo. Pero hinahabol niya ako! Ano bang klaseng bangungot to?! Pakigising na ako

"Like what I've said dear, alagaan mo ng mabuti yang boyfriend mo ha?!! Enjoy your boyfriend! Happy birthday Sami! Love you my pretty niece!" yun ang huling sinabi ni Auntie, saka biglang nawala. Arrgh!!

Shet, ito na nga ang regalo. Ayoko na magbirthday! Peahinging blade. Maglalaslas na ako ng pulso. Papakamatay na ako.

"Girlfriend."

"Di mo nga ako girlfriend! Naintindihan mo ha?!"

"Hindi. Ikaw ang girlfriend ko." Nginitian niya na naman ako. Nakakapang-init ng ulo ang ngiti niya!

"Lumabas ka rito!"

"Sige na nga, hihintayin kita rito bukas Girlfriend ha. 'Love you." Kusa na siyang lumabas sa apartment ko pero di pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Manigas ka! Baliw!" isasara ko na yung pintuan pero bigla niyang hinarang yung braso niya at dumungaw siya sa pinto. Pangit!!

"May sasabihin pa ako sayo Girlfriend."

"Ano?!!"

"I love you."

Kinilabutan ako. Kadiri. Tsktsk. "Punyeta. Kadiri ka. Umalis ka na rito." Sinara ko ulit yung pinto pero humarang na naman siya. Ang lakas na nang pagkakasara ko ah. Di pa rin siya nasasaktan? Si IronMan ba siya?! Ah bwiset!

Ngumiti siya. Imbis na matuwa ako ay nakaramdam ako ng pikon.

"Ano namang kagaguhan ang sasabihin mo ha?!"

"Gawa tayong baby, Girlfriend."

"Manyak!!" sinaraduhan ko siya ng pinto. Narinig ko siyang umaaray dahil nauntog lang naman siya sa pintuan. Talagang sinadya kong lakasan ang pagtulak sa pinto. Gagawa daw kami ng baby? Mukha niya. Bwisit. Baliw na lalake yun!

Pag nandito pa siya mamayang paggising ko, isasauli ko siya sa pinagmulan niya. Isa pang ayain niya ako gumawa ng kalaswaan, paduduguin ko mukha niya. Kadiri. Manyak.



Continue Reading

You'll Also Like

110K 9.2K 44
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.6M 15.1K 8
Ang pag-aasawa ng maaga ay hindi parang Online games. Na kapag nagsawa ka na pwede kang mag Leave.. At maghanap ng iba. Dahil ang pag-aasawa ay isang...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...