"Mukhang idol ka nun ah" sabi ni Kuya
"Naks nemen ate ghorl HAHAHA" sabi ni Fairen
"Ang iingay ng bunganga nyo! Pag may nakarinig nyan at nalaman kung sino ako! Pag bubuhulin ko kayong dalawa" mataray kong sabi
Bumalik nalng ako sa pag iiscroll sa totoong account ko ng biglang may nag add sakin. Tinignan ko kung sino to. Ngumise ako sa nang makita ko kung sinong nag add sakin. Si Keifer at sumunod naman si Yuri,Marco,Josh at pang last si Khian. Hindi ko sila inaccept at narinig ko silang nag uusap.
"Gago pre! Hindi tayo i aaccept nyan kasi famous yan!" sabi ni Marco
"Edi mag hintay tayo kung kelan nya tayo i aaccept. Naka follow naman na yung account nya ihh" sabi ni Keifer
"If you say so" sabi nmn ni Khian
"Naks, may bago kanang followers HAHAHA" sabi ni Jiro
"Isa! Pag di kayo tumahimik ibabalibag ko kayo!?" sabi ko
Bumalik ako sa pag iiscroll ng bigla ko maisip mag post ng picture ko. Nagpost ako ng dalawang picture ko sa fb at ang caption ay.
Caption: -be like a butterfly, beautiful to see. Hard to catch-
Ang itsura ko sa picture ay naka dalawang bun, naka sando na may cross sa bandang dibdib at naka short ng high waist. Naka tuck in. Naka fears ako at nakikita rin ang kulay pula kong mata.
"Ayy wow madam kelan toh?" tanong sakin Rhaine
"Last week pa yan bago ako umuwi dito sa Pinas" sabi ko
"So kelan ka ulet mag po-photo shoot?" tanong sakin ni Fairen
"I dont know and plss wag tayong mag usap tungkol dyan dito sa school" sabi ko
Nag nod lng sila at dumating na si Sam at Lhianne.
"Oh ayan na queen" sabi ni Sam
"Bat antagal nyo? Naunahan nyo pang pumila si Josh tapos kayo pa nahuli?" sabi ko
"Queen naman sorry na. Andami kasi naming dala kaya hindi namin nabilisan" sabi ni Lhianne
Nag nod nlng ako at nag umpisa ng kumain. Habang kumakain ay biglang dumating si Larissa. Yung nerd na tinulungan ko non.
"Hi Khira, p-pwedeng ma-maki t-table?" tanong nya
Nag nod lng ako kaya nmn dali dali syang umupo sa tabi ko. Tinignan ako nila Fairen, Lhianne,Sam,Rhaine at Jiro nang confuse. Kinunutan ko sila ng nuo at nag roll eyes. Napatigil ako sa pagkain at tsaka nagsalita.
"Ano?" sabi ko
"Hindi mo manlang ba sya ipalakilala samin?" tanong ni Sam
"Tanungin nyo kaya" sabi ko
"Eto na nga madam tatanungin na nga" sabi ni Lhianne "Hi I'm Lhianne Camello, what's your name?" dagdag nya
"Sam Margareth Dela Cruz"
"Fairen Martinez"
"Jiro Vargaz"
"Rhaine Fuentes kapatid ni Josh Fuentes"
"I-im L-larissa Diaz, nice m-meeting you"
Nakipag shake hands sya sakanila at ngumiti. Nagsimula na silang kumain habang nagke kwentuhan habang ako naman ay kumakain at nakikinig lng sakanila. When we finished our meals. Tumayo na kami at sabay sabay na lumabas ng cafeteria. Nang makalabas sa cafeteria ay tsaka na nagpaalam si Larissa samin.
"Hmm,mauuna na ako sa inyo. Salamat and I hope we can be friends" sabi nya habang nakangiti
"Sure, pero sana patunayan mong tunay ka" sabi ni Lhianne
"Oo naman" sabi ni Larissa
Pagkatapos non ay umalis na sya at naglakad narin kami papuntang room. When we reach our room, nandoon na ang Black Dragon. Umupo na kami sa upuan namin habang ang ibang members ko naman ay sa tabi din namin.
"Mag papakilala pa kame?" tanong ni Sam
"Bat ako tinatanong mo? Ako ba prof dito?" sarcastic na sabi ko
"Easy Queen HAHAHA. Bad mood ka nanaman" sabi ni Sam
"Wag na kayong ma ingay andyan na si Prof" sabi ni Ethan
"Tologo bo?" sabi ni Lhianne
"Tatahimik kayo o papatahimikin ko kayo sa paraang masasaktan kayo?" sabi ko
Tumahimik sila at tumingin nlng sa harap. Pumasok si Ms. Andrea na prof namin sa fucking Science na akala mo naman kung sinong magpahiya ng istudyante.
"Good morning class" bati nya
"Walang Good sa Morning" bulong ni Fairen
"Good morning maam" bati ng mga kaklase ko at mga kaibigan ko.
Naiwan akong naka upo dahil tinatamad ako. duuzzh. Nakakabagot sa room pucha. Pagkatapos bumati ay umupo na sila. Pagka upo ay napansin ni Ms. Andrea ang mga members ko.
"New students?" tanong nya
"Mukha ba silang luma?" tanong ko
Napatingin ang lahat sakin at natawa. Tinaasan ako ng kilay ni maam pero tinignan ko lng sya ng walang emosyon. Inirapan nya ako at nabasa ko bibig nya ang salitang 'walang modo,bastos na bata'.
"Would you like to introduce yourselfs?" tanong ni maam
Pumunta ang members ko sa harap at nagsimulang magpakilala.
"Hi everyone, my name is Lhianne Mary Camello. Plss take care of me" sabi nya habang ngumunguya ng bubble gum
"Lhianne penge ng bubble gum" sabi ni Ethan
"King ina, nikuha mo na sakin yung dalawa kanina!" sagot ni Lhianne
"Maramot kang babae hmmp. Hindi na kita jojowain" sabi ni Kuya
"Ayieee HAHAHA" sabi ng mga kaklase namin
"Rhaine Vanessa Fuentes, kapatid ako ni Josh Michael Fuentes. Kung ayaw nyo mapalapa sa aso, wag nyo ko gugulhin"
"Anak ng! Ano bang sinasabi mo dyan sis! Umupo kana" sabi ni Josh
"What ever you say my dear brother" sagot ni Rhaine at hinila si Lhianne para maupo
"Lash Jiro Vargaz, special someone of Ms. Ven Khira"
"Apaka tapang mo Jiro! Bigwas na kasunod nyan HAHAHA" tawang tawang sabi ni Fairen
"Tuleg, baka di papasukin sa bahay yan mamaya HAHAHA" sabi naman ni Rhaine
"Plss keep quite and continue" sabi ni Maam
"Tuktukan mo mamaya Nice HAHAHA" sabi ni Sam
"Shh! Mag pakilala ka nlng ang ingay mo" sigaw ni Marco
"Aba! Hoy mister na akala mong gwapo na mukha namang unggoy! Manahimik ka" sigaw pabalik ni Sam
"Bulag ka ba? Ako unggoy?" tanong ni Marco
"Ulit-ulit? Unlimited?" sabi ni Sam
"ENOUGH!" sigaw ni maam
"Sandali lng miss! Aba hoy babaeng mukhang baboy! Manahimik ka" sabi ni Marco
"Kinginang yan! Ikaw na unggoy ka manahimik-" si Sam
Hindi natuloy ang sinasabi nya dahil ipinalo ko ng malakas ang dalawang kamay ko sa lamesa.
"Pag hindi kayo tumigil lalagyan ko ng stapler yang mga bunganga nyo! King inang yan! Andito tayo sa school para mag aral hindi para mag sagutan kayo!" sigaw ko
Matahimik ang lahat dahil ngayon lng ako sumigaw. Tinignan ko ng makahulugang tingin si Sam saying 'continue introducing before i lose my patience here' look. Napa nod sya ng mabilis at itinuloy ang pagpapakilala.
"Sam Margareth Dela Cruz, and im scared to death now that im losing you im scared to death kwowing i cany get through🎶"
Napa iling ako sa inasta nya habang nagpapakilala.
"Taena may saltik" rinig kong sabi ni Khian
"Will you shut up? Or you want me to sew your mouth?" sabi ko habang tumingin sa kanya sa likod
Natahimik sya at sinamaan naman ako ng tingin ni Keifer. Tusukin ko mata mo dyan ih! Kagigil ka GhOrL?
"Fairen Ayesha Martinez, i dont do friends cause im already contented to my friends"
"Nakaka touch naman yan babe HAHAHA" sabi ni Rhaine
"Atleast di ako nautal! Kabado ako Ghorl HAHAHA" sagot nmn ni Fairen
"Plss sit down miss Martinez" sabi ni maam
Pagka upo ni Fai sa tabi ni Sam ay nagsimula na si maam mag discuss tungkol sa Psychology.
"Were going to discuss Psychology understanding the self today" sabi ni maam
"Halla maam diba pang college yan?" sabi nung kaklase kong lalaki
"Yeah, sinabi ko kasi sa principal na i aadvance ko kayo at pumayag naman sya" sabi ni maam "so what is the definition,nature and scope of psychology? Anyone?" dagdag nya pa
"Halla maam hindi mo pa naman na didiscuss pano namin masasagot?" sabi nung isang babae
"Tinatanong ko lng kung sino may alam. Khian?" tawag ni maam
"I dont know maam" sabi ni Khian
"Mr. Fuentes?" Maam
"Ndi ko alam maam" sagot nya
"Ms. Martinez?"
"Nakalimutan ko maam" sabi ni Fai
"Mr. Kim?" sabi ni maam
"Nan molla" sagot nya
(Nan molla-I dont know)
Tumawag pa ng tumawag si maam pero hindi nila nasasagot. Yung mga kaibigan ko at si Kuya naman ay hindi talaga alam dahil nga ayaw nila sa Science lalo na sa teacher.
"Ms. Nerdy Lopez?" sarcastic na sabi ni maam
"Yes Ms. Andrea Pepito?" mas sarcastic na aniya ko
"Can you answer the Question?" mapang asar na tanong nya
Tumayo ako at tinignan naman ako ng mga kaklase ko at syempre nila Kuya, my members and Black Dragon.
"Hmm, Pyschology derived from two greek words: "Psyche" means mind and soul and "Logos" means knowledge or study. Its definition is "study of the mind and soul". Psychology can be define as the "the scientific study of human behavior & mental processes." sabi ko "Psychology not only pertains to what people do, but includes their thoughts, feelings,perceptions,reasoning, memories, as well as the biological processes that our body keep functioning. Behavior involves feelings, attitudes,mentalcprocess or events of organism that can obseverb by another. Mental processes refer to our thoughts,feelings,private sensations, and various internal processes that a person experiences privately but cannot observed directly" dagdag ko pa
Nakatingin silang lahat sakin at lahat sila ay nakatulala,naki kinig,nakanganga at syempre naka kunot ang noo dahil siguro hindi nila maintindihan.
"Magaling. Siguro baliw ka kaya mo nasagot yan noh?" sabi ni maam
Tignan mo to. Sinagot na nga yung tanong mang iinsulto pa. Untog kita you like maam?
"Ikaw ang may ganon maam, wala akong sakit. I want to be a psychologist para malaman kung baliw ka talaga maam" sarcastic kong sabi
Kinurot ako sa tagiliran ni Kuya kaya napa sigaw ako.
"King inang bakla ka! Ansakeet" sabi ko
"Yang bunganga mo Khira! Isusumbong kita kay ano!" pananakot ni kuya
"Edi isumbong mo ko syempre dapat isumbong mo rin si maam! Hindi unfair sakin yun! Ako isusumbong mo kasi bastos ako tapos sya hindi?" sabi ko
"Shut up and sit down princess" sabi ni Kuya
Tumingin ako kay maam at umirap. Umupo na ako at nagsulat nlng sa notebook habang tumitingin sa projector. Nagsimula na ulit mag discuss si maam kaya tumahimik nlng kami.
~after 40 minutes~
"Tommorow we'll be discussing about Psychology vs. Pseudopsychology. You may wait your next teacher" sabi ni maam at lumabas na ng room
"Khira! Pwede mo ba kaming turuan kung pano maging matalino?" Nathan
"Kaya nyo maging matalino, pero ayaw nyong makinig at intindihin ang mga naririnig nyo sa mga lecturer naten. I dont have time para turuan kayo" sabi ko at kinuha ang phone ko
"Hindi kasi namin naintindihan kanina plss" Joao
"Fine, ipapa intindi ko sainyo. Do you have a book about Psychology?" tanong ko
Umiling lng sila nang biglang mga salita ang kaklase naming lumabas kanina.
"Wla yung susunod na lecturer natin" Sofia
"Bakit daw Sofia?" tanong ni Yuri
"Ahh kasi daw baby nag patawag yung dean natin ng meeting para mapag usapan yung tungkol sa try outs sa mga sports at ang sasali sa pageant next month" sagot nya sa malanding tono
"Landi" bulong ni Fai.
-------------------------♡-------------------------
;)