Loving The C.E.O.

By urprttygrl

98.9K 2.2K 70

"I needs space, Warren." - Lara. I don't know what to do now. All I know is, I love them both. ------ Date S... More

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48: FINAL CHAPTER
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 14

1.8K 61 0
By urprttygrl

Lara Leigh

"Take your dirty hands away from her."

Tumawa ang dalawang lalaki pero binitawan rin ako ng isa. May humawak sa magkabilang balikat ko at tinulungan akong tumayo. Ni head to foot niya ako at pinapunta sa likod niya pagkatapos.

"What right do you two have to hurt her?" kalmado ngunit sa galit na tonong tanong ni Mr. Khan.

"Englishero pala puta! Mapapalaban tayo dito, brad!" Natatawang saad ng isa.

"Kaya natin 'yan! Tapang 'kala mo kung sino, e," sinamaan ko ng tingin ang nagsalita.

Narinig ko ang matunog na pag-ngisi ni Sir. Napalunok ako. These guys are in trouble.

"Do you know who I am, morons?"

Tumingin ako sa paligid para manghingi ng tulong pero bakit walang mga tao? Gano'n ba kalayo nalakad ko?

"Paki namin kung sino ka? Gusto namin 'yang babae. Kaya kung ako sa 'yo, umalis ka nalang."

Hinawakan ko sa braso si Sir ng akmang sasapakin niya na ang lalaking nagsalita. Tumingin siya sa akin at agad nanlambot ang tingin.

"I'm sorry..." Marahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya at mabilis na sinapak ang dalawa. Napaupo ang mga ito. "Do you think I'm that dumb to leave my girl alone?"

My Girl? What does that mean? My girl secretary?

Nanlaki ang mga mata ko ng masapak din si Sir. Agad akong lumapit sa kanila at hinila siya palayo.

"Tama na. Umalis nalang po kayo para matapos na. Naiinis ako sa ginawa niyo sa akin, oo, lalo na dahil kayo pa ang matapang! Hindi niyo kilala 'to kaya please, tumigil nalang kayo." Hahawakan na dapat ako ng lalaki ng iharang ni Sir ang braso niya sa tapat ko. Natuwa ang puso ko sa simpleng bagay na 'yon.

"Alam mo, Miss, maganda ka, e. Alam ko namang gwapo 'yan pero, mayabang 'yan. Maniwala ka sa akin---"

"Pwede bang umalis nalang kayo? Dami pang sinasabi, wala namang kwenta!" Pasigaw kong saad.

Magsasalita pa sana sila ng sabay namin silang inambahan ni Sir. Umalis na rin sila. Hay! Buti naman.

"Ayos ka lang--- Hala! Dumudugo labi niyo." Gulat kong sabi sa kaniya pagkalingon ko. Hinawakan ko siya sa wrist at pinaupo siya sa sementong upuan. "Masakit ba?" tanong ko.

"Hindi naman. Ikaw? Are you okay?"

Kumunot ang noo ko. Naiinis ako! Bakit kasi kailangan niya pang makipag-sapakan sa mga ngayon? Ayan tuloy may sugat s'ya sa labi!

"Okay lang, po,"

"I'm sorry. I left earlier to go to the comfort room." Yumuko siya pero hinawakan ko siya sa baba at pinatingin sa akin. Tinignan ko ang sugat niya. Hindi naman gano'n kalala.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at marahan 'yong pinunasan.

"Ouch,"

Naangat ko ang tingin ko sa mata niya ng umaray siya. Dahil doon ay nagtama ang mga mata namin.

"Sorry," sabi niya ulit. Huminga ako ng malalim bago ngumiti.

"Ayos lang..." Huwag lang sana 'to makarating kay Kuya dahil for sure, magagalit 'yon. "Sa atin nalang po 'to, ha? Hmm?"

Tinitigan niya ang buong mukha ko saka ngumiti. "If that's what you want."

Naputol ang tinginan namin ng may maramdaman kaming pumatak. Sabay kaming tumingin sa langit saka muling tumingin sa isa't-isa.

"Umuulan / It's raining." Natawa kaming dalawa.

Tumayo ako at mabilis na kinuha ang plastic ng barbeque. Nakalimutan ko kanina 'to, ah!

Inabot ko sa kaniya ang isang isaw at muling umupo ss tabi niya.

"Make sure it's delicious, Ms. Reyes if it's not..." Tumingin ako sa kaniya.

"Ano, Sir?" nakangiting tanong ko.

"I'll kiss you."

Ilang beses akong napakurap. Gulat sa sinabi niya. Lumunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Kumain na siya kaya kumain nalang din ako. Sure naman akong masarap ang barbeque pero bakit sa mga oras na 'to hinihiling kong hindi? Jusko, Lara! Iwaksi ang landi!

Ramdam kong nakatingin siya sa'm akin pero nagpapanggap nalang ako busy sa pagkain.

'Yung puso ko lalabas na ata sa sobrang bilis ng tibok! I'm not good at hiding my emotions kaya siguro nahahalata niya ito.

Ikaw ba naman kasi titigan habang nakangiti, sinong hindi magkakaganito?!

Inubos ko na agad ang pagkain ko at sumugod sa malakas na ulan. Masarap maligo dito.

Marami akong masasayang memories kasama ang ulan.

"Ms. Reyes, what are you doing? Come back here!"

Ngumiti lang ako at kumaway sa kaniya.

Tuwing umuulan ng malakas naliligo kami palagi ng pamilya ko. Bantay sarado nga lang ako ni Papa't Kuya dahil makulit din ako lalo na kapag masaya ako. Madalas ding umuulan kapag birthday ko, na blessings daw ang meaning.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang bawat patak ng ulan.

In my life, I am happy. Meron akong pamilyang alam kong mahal ako, at hindi ako papabayaan. May pinsan akong handang makipag-away mapagtanggol lang ako.

I am content with my life.

But sometimes, I can't help but wonder what it would be like if my Grandmother was still alive? Paano kaya kung....

I bit my lower lip when I felt the tears fall.

What if Ren-Ren doesn't leave? Kami na kaya ngayon?

Malalim akong bumuntonghiniga at pinahid ang luha.

"Are you okay?"

Dumilat ako at nakita ko si Sir na nakatayo sa harap ko habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako at tumango.

"What are you doing here? Hindi mo ba alam na pwede kang magkasakit?"

Tumawa ako. "Kayo nga rin po, nandito, e. Alam ko pong malungkot kayo pero kalimutan mo muna po 'yun ngayon."

Pinagdikit ko ang mga palad ko at parang tangang sinahod sa ulan. Nang magkaron na ng laman pabiro kong binuhos 'yun sa kaniya.

"Oops, sorry po," natatawa kong saad.

Nakita ko ang unti-unting pag-arko ng ngiti sa labi niya. Ginaya niya ang ginawa ko. Bago pa niya maibuhos 'yon sa akin tumakbo na ako.

"Come back here!" Sabi niya habang hinahabol ako.

Nang mahuli niya ako hinawakan niya ako sa baywang at muling nagsahod sa isang palad. Binuhos niya sa akin saka natawa. Natawa na rin ako.

Naglaro lang kami na parang mga bata sa ilalim ng ulan. Hindi alintana kahit pareho na kaming basa.

Medyo tumila ang ulan, nagpapahinga ata. Napagkasunduan namin na maglakad na rin para makahanap ng pwedeng mahingian ng tulong.

Sa mga nangyari, nakalimutan kong na siraan pala kami kanina. Ang saya kasi, e.

"Uh, Sir... Kamusta na po si Ma'am Hailey?" maingat kong tanong. Feeling ko, asking him about his family members or family are kinda awkward.

"Fine? I guess." Nagkibit-balikat siya.

Tumango ako at hindi na muling nagtanong ng kahit anong pwedeng masali ang pamilya niya.

"Masarap po kaya ang mga street foods!" Pagtatanggol ko dahil sabi niya hindi daw. Maka hindi 'kala mo hindi umubos ng dalawang dugo.

"Yeah. But, I don't like them."

"Nako, Sir! Kapag nakapag-asawa kayo ng hindi gano'n ka, alam mo na, mayaman, kakain at kakain ka talaga ng mga ganyan. Mapapalunok ka nalang ng very hard!" 'Yung pananalita ko ngayon para kaibigan ko sa kanto, e.

Mahina siyang tumawa. Ilang beses ko nang nakikita 'yon, ah? Nag i-improve ba pagiging mabuting secretary ko today?

"Actually, yes, she likes street foods. One of the reasons I don't eat that kind of food is because of her. I remember her. My first and last love."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nalungkot. My first and last love? So, hindi na siya magmamahal ulit? Ha?

Edi don't. Who cares naman 'di ba?

May nakita akong tindahan na nagpapagamit ng telepono. Kailangan mo lang magbayad. Inaya ko si Sir roon.

"Hello po. Magkano po isang tawag?"

"Sampu, hija." Tumango ako at kinuha ang sampu'ng piso na nakita ko sa daan.

Tumingin ako kay Sir at sinabing tatawag ako sa police para matulungan kami pero sabi niya sa kaibigan niya na nalang daw. Wait, meron ba siya n'on?

"Sino po, Sir?"

"Harvey. Memorize ko number ng telephone sa office niya."

Sinabi niya sa akin ang number at ilang ring lang sumagot ito agad.

"Hello, Who's this? Kung isa kang na-wrong number lang, tama na. Please lang." Medyo nabigla ako sa boses niya. Galit ata 'to, e.

"Uh, Mr. Harvey? Si Lara po 'to. Mr. Khan's secretary----"

"Ikaw pala! Bakit? May problema ba? Nasaan na nga pala kayo? Iba pa number. 'Nyare?" daming tanong, ah!

"Ahm, kasi po, nasiraan kami kaya napadpad kami dito sa isang lugar na...." Tinakpan ko ang ibabang bahagi ng telepono at nagtanong sa tindera kung ano pangalan ng lugar na 'to.

"Ah, kaya pala. Hindi ko ma-contact si Warren. So, ano? Gusto niyo bang sunduin ko na kayo diyan? O gusto niyo pang mag spend time together?"

I giggled. "Hindi po. Sunduin niyo na kami."

"Sige. Pagkakaalam ko, may terminal ng bus sa lugar na 'yan, e. Punta kayo r'on. Doon namin kayo hihintayin."

"Okay po. Salamat."

Ibinaba ko na ang tawag at nagbayad sa tindera.

"Anong sabi?" tanong ni Sir. Sinabi ko naman sa kaniya ang napag-usapan namin ni Mr. Harvey. "Good. Let's go."

Nagsimula na muli kaming maglakad para hanapin ang terminal na sinasabi ni Mr. Harvey. Mabilis lang siguro namin mahahanap 'yon dahil may mapagtatanungan naman kami. Hindi kaya kanina, may mga tao na akong nakikita.

Muling bumagsak ang ulan. Natawa ako pero napatigil ng mapatingin kay Mr. Khan. Kumunot ang noo ko ng makitang nakayuko siya habang nakapamulsa.

"Sir, ayos lang po kayo?"

Nag-angat siya ng tingin at sabay ngiti. "Yeah."

Lumapit ako sa kaniya dahil hindi ako convince sa sagot niya. "Nagugutom ka po ba? Or, may masakit ba sa 'yo?" tanong ko. Patuloy lang ang bagsak ng ulan.

Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya. Bahagya akong napalunok dahil r'on. Bakit ang gwapo?

"Give me a hug," kumunot ang noo ko. "I, I just need it. It's fine kung---"

Hindi ko siya pinatapos. Niyakap ko siya. Sabi nila kapag malungkot ang isang tao, huwag kang humingi ng dahilan para bigyan sila ng yakap. So I did.

Akmang aalis na ako ng yakapin niya ako sa baywang. Nanlaki ang mga ko dahil r'on.

"S-Sir," bumitaw ako at tumingin sa kanya. Nakayakap parin siya sa akin. "Sir,"

I swallowed again when he looked at my lips.

I felt the voltage of electricity flow through my body as he put his head on my shoulder.

Masama bang sabihin na, kinikilig ako sa pwesto namin ngayon. Sorry na agad.

Dumapo ang kamay ko sa leeg niya at nagulat agad ako.

"S-Sir, ba-bakit ang init n'yo?"

"Huh? Am I?" tanong niya. At jusko, bakit ang cute pakinggan?

"Opo Sir. Tara---"

Inangat niya ang ulo niya. "No... Let's stay here... kahit minutes lang,"

"Pero---"

"Just a minutes,"

"Mainit po kayo kailangan--"

"I don't care,"

"Kahit po ayaw niyo. Kailangan." Matigas kong saad. Tinanggal ko ang yakap niya sa akin. Kanina kasi mapilit, e. Parang tanga.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya. Nagulat ako ng hilahin niya ako pabalik. Tumama tuloy ako sa dibdib niya.

"I said, I won't."

I looked up and my eyes literally widened as I felt his lips touch mine.

Nagdala 'to sa katawan ko na panibagong boltahe ng kuryente. Sinabayan pa ng puso kong naghuhumerantado!

Marahan ko na dapat siyang itutulak ng humiwalay na siya.

Weird pero, parang nalungkot ako? Anak ng tinapa.

"Speak again for the second kiss." He said with a wide smile.

-----------------------------------------------------------

Medyo matagal ud :)

Sorry na agad.

Votes are highly appreciated..
Gomawo..

Continue Reading

You'll Also Like

24.9K 922 41
Akala ni Hyannis buong buhay na siya magiging single kasi wala na siyang ibang pinagka-abalahan pa kundi puro trabaho, trabaho, trabaho para lang mak...
356K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...