Kleiy: Thorns Of Roses

By queenluvi

338 18 0

Roses are loved. But, how about the thorns of it? More

notenotenote
PROLOGUE
1. How life goes
2. A Good Place
3. Hello little Girl
4. Sh1ts in disguise
6. Three is to Two
7. Something Treasurable

5. Man Ground

14 2 0
By queenluvi

Nang magising ako ay dumeretso agad ako sa bintana gaya ng palagi kong ginagawa kada umaga. Hinawi ko ang kurtina at madilim ang aking nakita, pahiwatig na hindi pa sumisikat ang araw.





Himala ata at hindi ako ginising ni inay...





Winalang bahala ko na lamang iyon at lumabas na ng kwarto.





Walang iniutos si inay, ano naman kayang gagawin ko ng ganito kaaga?





Pungay pa ang aking mga mata ngunit sigurado akong kahit pa mahiga ako ulit ay hindi na'ko makakatulog pa.





Napagpasyahan kong lumabas na lamang ng kwarto at maghahanap ng gagawin. Hindi ako sanay na sa ganitong kaaga ay hindi pa ako inuutusan ni inay na mamalengke.





Ahh, naalala ko na nagkaaway nga pala si inay at aling pasing kaya hindi na'ko pwedeng bumili sa kanila kaya sa Sebastian Market na'ko namalengke. Kakakaba nga at may nabunggo akong isang matanda, ang akala ko makikipag kwentuhan lang s'ya sa'kin, hindi pala. Hinatid ako sa bahay at inampon ako..........





o_o





O_O





O__O





O___O





WALA AKO SA BAHAY!!!





Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at doon ko napatunayang wala nga ako sa bahay.





Muli kaming nagkita ng napakaraming pinto, kasabay noon ay naalala ko na ang mga nangyari nang nakaraang araw. Mula sa palengke hanggang sa bahay at... hanggang dito.





Napagpasyahan kong maglakad lakad muna dahil laging wala naman akong ibang magagawa. Alam ko ding hindi na'ko makakatulog.





Nilibot ko ang pasilyo malapit sa kwarto ko. Pinaka titigan ko ang malalaking larawang nadaanan namin kanina ng don.





Napansin kong anggulo pala nang mga iyon pag pinakatitigan halimbawa na lamang ng nakita kong isang malaking larawan hindi malayo sa aking kwarto sa unang tingin ay isa lamang itong simpleng bulaklak ngunit 'pag pinakatitigan ay makikitang mukha ito ng isang babae.





Kahit ako ay natutulala habang iniisip ko ang tunay na itsura ng larawan. Matagal-tagal ko pa itong tinitigan bago ako naglakad muli.





Ang sunod na larawang tinigilan ko ay puros itim ay parang natapunan lang nang mga puting tinta. Ngunit nang pagmasdan ko ay isa pala itong lalaking inaayos ang kaniyang pormal na kasuotan.





Labis akong namangha sa aking mga nakita. Lumiko ako sa isa pang pasilyo. Sa 'di kalayuan ay may nakita akong bintanang malaki. Tingin ko ay daanan din iyon palabas.





Madilim ang buong paligid kaya naman liwanag lang ng buwan ang tanging liwanag ko. Nang malapit na'ko sa salaming pintuan ay may nakita nanaman akong likuan. Hindi ko iyon nakita dahil sa madilim nga.





Nang aking sinipat ang likuang aking nakita, napansin kong may ilaw ngunit maliit lamang iyon at malayo layo sa kinaroroonan ko.





Inilibot kopa nag aking mga mata, madilim ngunit sinikap kong hindi na lang lumapit dahil sa masyado nang madilim doon. Nang wala padin akong nakita ay napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto.





Naglalakad na'ko patungo sa kwarto nang may narinig akong ingay. Bumalik ako sa gilid ng nilikuan kong pasilyo kanina at nakita kong bukas na ang pintuang salamin at....





May nakatayo doon....





Nakasandal ito sa gilid ng salaming pinto at tahimik na pinapanood ang buwan na tila ba binabantayan ito.





Isang lalaki, at... bata-bata ito ng kaunti...





Nahihiwagaan na'ko kung sino ang lalaking iyon. Ngunit mas lalo akong naguluhan nang sinagot ang aking tanong.





Pinagmamasdan ko padin ang lalaki nang biglang humangit ng malakas. Dahil doon kaya sya lumingon ng bahagya sa aking direksyon upang salubungin ang malamig na simoy ng hangin.







Dahil sa hangin ay nakita ko ang kalahati ng kaniyang mukha. At, hindi s'ya kung sino lang. S'ya.





Dahil sa gulat ay naestatwa ako. Nanginig naman ang buong katawan ko dahil sa takot. Lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa nakita.





Hindi ako pwedeng magkamali, s'ya yun siya talaga yun!!





Dahil sa takot ko ay napatakbo na pala ako pabalik sa kwarto, isinarado ko ang aking pinto at inilock sabay takbo sa kama at nagtalukbong ng kumot.





Hindi ako pwedeng magkamali s'ya yung nakita ko. Nakita ng dalwang mata ko! Malayo pero, kabisado ko ang hugis ng kaniyang mukha kaya hindi ako pwedeng magkamali..





Sa halo-halong kaba, nerbyos, takot at samahan mo pa ng labis na pag-iisip ay bumigat nang muli ang aking mata at napahikab na, ngunit ang nakita ko kanina ay hindi padin mawala sa aking isipan.





Ang lalaking iyon...





ay si Don Joaquin.......















KINABUKASAN...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Hindi na'ko nakatalukbong gaya ng una kong posisyon kagabi.





Pagkatayo ko ng kama ay bigla kong naalala ang nakita ko nang nakaraang gabi. Muli na naman akong ninerbyos at kinabahan.





"Whooooooooooo....... Kleiy may araw na, umaga na, walang multo sa umaga tandaan mo 'yan. Namamalengke ka nga ng madilim pa ang daanan tapos matatakot ka lang don sa multo na'yon. Sus..." pagpapakalma ko sa sarili ko.





Nang pumayapa na ang sistema ko ay napagpasyahan ko nang maligo. Pagpasok ko sa banyo ay napanganga ako.





Hindi ito ang tipikal na banyo sa bahay, iyong tipo bang may timbang malaki tapos andun yung tubig, sa taas non may gripo kung saan nalabas yung tubig. Tapos tapo ang pagsalok ng tubig.



AUTHOR'S POV

(okay, si author muna ha. Hehe ang hirap kase mag explain si Kleiy ngayon e tutulungan ko lang hehe.)

Ang banyong pinasukan ni Kleiy ay hindi katulad nang banyo nila sa bahay. As in malayong malayo mga 10 miles. Charot lang hehe. Balik tayo sa banyo.

Sa bahay nila Kleiy ang meron sila ay balde, tabo at gripo para sa paliguan. Sa banyo dito sa bahay ng don ay iba, wala ang timba dahil may bathtub na s'yang magsisilbing ipunan ng tubig kung sakaling trip mong magbabad hanggang mapasma. Hehe joke lang.

Imbis na tabo ay may mataas na shower, may tatlong gripo ang isa ay para sa cold water ang isa ay para sa warm water at ang huli ay para sa tap water.

Ang sahig ay firm at naka tiles kumpara sa nakasanayan ni Kleiy na patag ngunit batong sahig ng banyo. Imbis na twalya ay shower robe ang nandoon.

(Bukod sa mga inexplain ko ay wala nang ibang pinagkaba ang banyo nila Kleiy sa banyo sa mansyon. Read well guys tapos na pakikiepal ko hehe.)



Nang sumampa ako sa parang lapad na batyang kulay puti ay may nakita akong tatlong gripo akong nakita hindi ko alam kung anong pinagkaiba ng mga ito pinihit ko ang unang gripo.



"GRRRR ANLAMEEEEEEEGGGGGG" Halos mapatalon ako sa sobrang lamig ng tubig galing sa unang gripo.





Agad kong pinihit pabalik ang gripong pinihit ko kanina.





Nang maubos na ang natulong tubig ay napatingin ako sa katabing gripo noon. Pipihitin ko na ito nang maalala kong sobrang lamig ng tubig sa unang gripo.





Umalis ako sa tapat ng pinanggagalingan ng tubig at tsaka pinihit ang ikalawang gripo. Pinakiramdaman ko ang tubig at naramdaman kong hindi na ito malamig.





Hay salamat naman...





Matapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo suot ang twalya ngunit para s'yang damit. Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa aparador na tinuro sa akin ng don.





Nang buksan ko iyon ay nagulat ako sa nakita ko...





WALANG GANITO SA MGA DAMIT KO!!!





Nilibot kopa ng tingin ang mga damit na nasa aparador. May nakita akong isang puting t-shirt medyo maluwag ang buong katawan nito pero sakto lang naman ang manggas at isang maong na short, medyo nakakapagtaka na andami nitong butones at nang maisuot ko ito ay hanggang tiyan ko na ang maong na shorts pero hindi pa nangangalahati sa aking hita ang haba.





Tumingin ako sa salamin at ppinagmasdan ang sariling repleksyon. Ganito ba ang damit mayaman? Bagaman ang tela ay halos pareho lang ang pagkakagawa naman ay talagang iba. Hindi man ako kumportable ay wala naman akong magagawa.





Pinunasan ko ang aking buhok gamit ang twalyang parang damit na ginamit ko kanina. Nang hindi na nagtutulo ang aking buhok ay sinuklayan ko na ito. Tuwid na tuwid sa ngayon ang kulot kong buhok, medyo kulay itim din ito dahil basa pa ngunit pag natuyo na ay nag-iiba na ang kulay nito.





Nang maayos na ang aking itsura ay lumabas na'ko ng kwarto ngunit ng buksan ko ang pintuan ng aking kwarto ay halos mapatalon ako ng may nakitang lalaki sa harap ng aking kwarto.





Nanlaki ang aking mga mata nang mapansing tinititigan n'ya ako. Yumuko na lamang ako at naglakad na parang hindi s'ya nakita. Malalagpasan ko na sana s'ya nang hawakan n'ya ang braso ko at tsaka nagsalita.





"Do you know how to close a door. You know for uhmm... Some privacy?" Iba ang tono ng sabihin n'ya iyon.





Napatingin ako sa kaniya at yun na lamang ang aking nagawa. Napailing-iling s'ya at tsaka isinara ang pinto ng kwarto ko.



"Dad is waiting for you. Whoever the hell you are." Sabi ng lalaki habang nakatingin padin sa'kin.

Abot langit ang kaba ko dahil sa presensya ng lalaking nasa harap ko, nagkakabuhol-buhol na ang aking paghinga dahil sa nerbyos. Ngunit ng titigan ko s'ya ay nahinuha kong nakita ko na s'ya dati, hindi ko lang alam kung kailan at saan.

Maya-maya pa ay binitawan n'ya na ako at naglakad na palayo. Nang makaliko na s'ya ay tsaka napayapa ang aking sistema, nakahinga narin ako ng matiwasay.

Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng ginhawa dahil nakalayo na ang kakaibang presensya ng lalaking kumausap sa akin kanina. Ang mga mata n'ya ay sobrang seryoso para bang imposibleng ngumiti. Ngunit kahit ganoon ay hindi maikakaila na magandang lalaki s'ya.

Nagbalik din sa utak ko ang kaniyang postura at amoy. Ang tindig n'ya, nakakatakot at ang amoy n'ya ay lalaking-lalaki. Mainit ang katawan n'ya kahit na hindi naman s'ya ganoon kalapit sa akin ay ramdam ko ang init ng kaniyang katawan.

Napangiti ako ng manumbalik sa akin ang mga pangyayari kanina at bigla naman kong napailing ng hindi makapaniwalang pumapasok ang mga ganoong bagay. Idinilat ko ang aking mata at mas lalong hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

NAKATINGIN S'YA SAKEN!!!!!



Nakita kong nakahilig s'ya sa kanto ng likuan at nakatingin sa akin na parang hinihintay ako.





"D'yan mo ba trip kumain? Tsk tsk tsk." Iba nanaman ang tono ng kaniyang pananalita.





Bigla na lang kumalam ang aking sikmura tsaka ko naalalang hindi na pala ako nakakain kagabi.





"A-ahh... H-hind-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang umalis na s'yang muli.





Ngunit nakita ko ang anino n'yang pabalik kaya ikinalma ko ang sarili ko.





"Sumunod ka sa'ken." Sambit n'ya at tsaka umalis ulit.





Gaya ng sinabi n'ya ay sinundan ko s'ya. Malayo s'ya ng kaunti sa'kin ngunit sapat na para hindi ako maligaw sa laki nitong bahay.





Nang lumiko s'ya sa isang pisilyo ay binilisan ko ang paglalakad dahil baka maligaw na ako. Ngunit ng makaliko ako ay nanlaki ang aking mga mata at naestatwa sa nakita ko.





Nadatnan ko ang don na may kasamang tatlong lalaki kasama na doon ang nakatayo kanina sa harap ng kwarto ko.





Nakaupo sila sa harap ng isang bilog na mesa. At ang lamesa ay puno ng ibat-ibang pagkain!





Iba't-ibang klase at luto ng pagkain ang nasa lamesa, nanlaki ang aking mga mata kailanman ay hindi kami nagluto ng ganito kadaming pagkain.





"You look simple but elegant." Nakangiting sabi ng don.





Bagaman hindi ko s'ya naintindihan ay ngumiti na lang rin ako.





"Are you gonna stand there all day?" Tanong ng lalaking nasa harap kanina ng kwarto ko.





"Dude, you're so harsh." Sabi ng katabi n'ya.





Nang mabaling ang paningin ko sa lalaking iyon ay nakita kong hindi nagkakalayo ang itsura nila mas maputi lamang ito at mas bata ang itsura.





Ngunit hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ko kundi ang katabi n'yang isa pang lalaki. Ilang beses nagpabalik-balik ang tingi ko sa kanilang dalawa.





Magkamukha sila!

"Tch, ngayon ka lang ba nakakita ng kambal?" sabi ulit n'ya





"A-ahh, oo eh. Yung mga ate ko kambal pero hindi naman sila magkamukha."





"Pwede bang maupo ka nalang! Gutom n---"





"Gavin, manners." Saway sakanya ng don. "Kleiy? Sit here." Sabay turo ng don sa upuan katabi ng kamukha nung tinawag niyang Gavin. Tumango naman ako at sumunod.







Gavin pala ang pangalan n'ya.





"Boys, this is Kleiy. Kleiy pakituloy..." sabi ng don.





"Kleiy M-moureese Antagle G-garcin ang buo kong pangalan. Disi-otso na'ko at, aaminin ko w-wala akong naintindihan sa mga sinasabi n'yo maliban sa mga tagalog na salita. N-no r-read no write ho kasi ako." Napatungo ako dahil sa nahihiya ako sa aking sarili.





Pinangilidan din ng luha ang aking mga mata dahil kung tignan ako ni gavin ay parang titig ng panghuhusga kung nararapat ba ako o hindi sa isang bagay na iniisip n'ya. Tinignan ko si Gavin kahit may luha sa mga mata ko.





Nang tignan ko s'ya ay nakatuon ang mata n'ya sa kinakain.





"G-gavin...." tawag ko sakanya. "P-pasensya kana sa nangyari kanina. Hindi ko kasi ang maintindihan ang mga sinasabi mo kaya titig lang ang kaya kong isagot." At doon na tuluyang bumagsak ang tig-isang butil ng luha galing sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid at tsaka tumungo muli.





"Kleiy dear, 'wag mong isipin yang si kuya gavin. Pinaglihi kasi yan sa sama ng loob." Pabulong ang huling pangunugusap na sinabi n'ya na s'ya namang nagpatawa sa akin.





Nagulat ako nang bitawan ni Gavin ang kubyertos n'ya at umalis sa hapag kainan.







"I'm Luke. Identical twin of the one who walked out earlier. Oh sorry, I mean, ako si Luke Velik Rellish Sebastian. Pero para mas maiksi Luke nalang." Sabay ngiti n'ya sa akin.







Hindi gaya ni Gavin ay mas maaliwalas ang itsura ni Luke. Nginitian ko din s'ya bilang tugon.





"WAIT... Ako naman hehehe. Aian Cedean Rellish Sebastian pwede mo akong tawaging pogi kase yun naman ang ibig sabihin ng pangalan ko." Napatitig naman ako sa kaniya. Pwede palang gawing pangalan ang mga yun?





"Hehehe. Joke lang ito naman makatitig. Aian or Ced nalang." Sabay ngiti n'ya sa akin. Nginitian ko din si'ya pabalik.





Ngunit nawala ang ngiti sa aking mga labi nang mapatingin ako sa upuang inalisan ni Gavin.





"Huwag mo na siyang alalahanin. Sa'ming tatlo s'ya ang may pinaka malalang trust issue. Akala mo lahat ng tao gaya ng ex n'yang sagad sa buto kung manloko." Sabi ni Luke. Marahil ay nahalata niyang nakatitig ako sa pwesto ni Gavin.



Tumango na lang ako at itunuloy ang aking pagkain.





"Mamaya dadating na ang magiging teacher mo sa math english at writing. Iyon muna sa ngayon para maintindihan mo na sila. Hindi kasi sila sanay sa tuwid na tagalog." Sabi ng don.





"Opo." Sambit ko at tsaka itinuoy ang pagkain.





Nang matapos kaming kumain ay iniligpit iyon ng dalawang kasambahay nila, bukod pa ito sa huling dalawang nakita ko kagabi.





"Cecile. Pakitawag lahat ng katulong na mayroon tayo at ipapakilala ko ang bago nilang pagsisilbihan." Sambit ni don Bernardo sa isang babaeng naglilinis ng mesa. Tumango naman ang babae at tsaka umalis.





Ilang saglit pa ay nagsidatingan ang bulto ng mga tao pareparehas ang kanilang mga uniporme nagkakaiba lamang sa terno ng kulay.





Isa-isa silang nagpakilala sa akin at kung ano ang kanilang gawain dito sa bahay. Tumatango naman ako habang kinakabisado ang kanilang mga paliwanag.





Alin kaya ang magiging gawain ko sa mga 'to? Tagahugas kaya? O baka naman tagaluto? Tagalaba? Sa mga halaman ba?





"Alin ho sa mga iyan ang magiging trabaho ko don?" Tanong ko sa don.





Nanlaki ang mata ng don maging ang mga taong pinatawag n'ya. Ako naman ay nagtaka dahil sa mga titig na ibinato nila sa akin.





"HAHAHA. Don? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na dad. Dad na ang itatawag mo sa akin?" Sambit ng don na s'ya namang nagpaestatwa sa akin. Hala oo nga pala! Bat ko ba yun nakalimutan. "At hindi ka magiging katulong anak" HA? A-ANAK?! Nanlaki ang mga mata ko sa sinambit ng don.





"Oh, gulat na gulat na ata?" halukipkip ng Don.





"T-tinawag n'yo ho kasi akong a-anak." Nauutal kong sabi sa don.





"Ahh. Nakalimutan kong sabihin sa iyo, aampunin na kita at magiging lehitimong De Venecia kana. SURPRISE!!! Mamaya ay may darating na abogado para asikasuhin ang mga papeles mo." Nakangiting paliwanag ng don at tsaka umalis sa hapag kainan.





"Alam mo ba? Boring ang homeschooling. Wala kang ibang makikita kundi ang mukha ng magtuturo sa'yo." Pailing-iling na sabi ni Aian habang abala sa hawak nyang cellphone.





"Aian she's not like you. Tsk. 'wag kang makinig d'yan wala kasi yang hilig sa pag-aaral sayang ang namanang katalinuhan." Sabat ni Luke.





"Uhmm, I gotta go Kleiy dear." Si Aian.





"Me too see you soon Kleiy." Si Luke.





Tumango lang ako at pinanood silang lumakad palayo. 'di rin nagtagal ay nabagot ako sa kinauupuan ko kaya naman napagpasyahan kong maglakad-lakad muna. Ang bilin kasi ng don ay wala akong ibang agagwin kundi antayin ang magtuturo sa'kin.





Naglakad-lakad muna ako sa loob at labas ng mansyon. Nakarating ako sa bakuran, hardin, garahe, at basement ng bahay. Naikot ko na rin ang una at ikatlong palapag ng mansyon. Tumigil ako saglit sa terrace sa ikatlog palapag para magpahangin.





Pababa na sana muli ako ng unang palapag nang may marinig akong tumutugtog ng gitara at sinasabayan pa ito ng magandang boses.

Maaari bang





Makita kitang muli





Bago matapos ang lahat ng ito





Habang papalapit ako sa pinanggagalingan ng tinig ay paganda ito ng paganda at palakas ng palakas.

Saglit lang ng





Yakap mong kay higpit





Alam kong 'dina mararamdamang muli





Bawat alaala





Ay ibabaon ko na sa lupa





Bawat masasayang araw na kasama ka





Bawat ngiti na kay tamis





Ngayo'y walang kasing pait





Bawat mahal kita sa isa't-isa maririnig pa ba





At nang matunton ko kung saan nanggagaling ang boses ay nasa isa iyon sa mga kwarto at nang tignan ko kung sino ang nakanta. Ito ay walang iba kundi si Gavin.

Hawak at tinutugtog ang gitara habang nakasalampak sa sahig. Bakas sakanyang itsura ang lungkot at pighating sa kanta n'ya ibinubuhos.



Ngayong wala na tayo





Saan na pupunta kung ikaw ang mundo?





'di ba't sinabi mo na tayo hanggang dulo?





Ito na ba ang sinasabi mong dulo





Matapos ng linyang iyon ay tanging tunog nalang ng gitara ang maririnig. Ako nama'y nagtitiyaga pading sa maliit na siwang lamang s'ya panoorin ngunit laking gulat ko nang bigla s'yang tumingin sa direksyon ko.





Tumigil ang tunog mula sa gitara at ako naman ay napasandal sa dingding katabi ng pintuan.





Nang may marinig akong yabag ng paa ay dali-dali akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na pinto at pumasok don.





"You're spying Gavin, don't you?" nagulat ako nang biglang nagsalita si Luke.





Patay! Nasa kwarto ako ni Luke!





"A-ahh... H-hindi ahh... Pabalik na ako n-ng kwarto pero naking pintuan yata ang napasok ko. Heheh. Sige na hahanapin ko pa ang kwarto ko." Sambit ko at kinapa ang doorknob ng pinto.





Nagmamadali akong inikot ang doorknob at binuksan ngunit kung gano ako kabilis kanina ay s'ya namang tigil ko ng makita si Gavin sa labas ng pinto ni Luke.





Hilig ba nitong tumambay sa harap ng kwarto?





Nakatayo lang s'ya doon at tila hindi nagulat nang makita ako sa silid na iyon.





Seryosong-seryoso siya, ang mga kamay n'ya at nakapamulsa habang nakatayo sa labas.





Naestatwa naman ako ng makita ko s'ya nagkagulong muli ang aking sistema. Ang wirdong pakiramdam kapag malapit s'ya ay nariyan nanaman.





"I thought hahanapin mo ang kwarto mo?" Sambit ni Luke na s'ya namang nagpagising sa sistema ko.





"Is that so?" Sabat ni Gavin. Sabay ngiti at taas ng isang kilay ngunit ang kapansin-pansing ang mga mata ay matatalim parin.





"O-oo y-yon nga. T-tama yung sinabi ni L-luke hahanapin ko yung kwarto ko. Maling kwarto kasi ang napasukan ko." Bulalas ko.





"Eh, bakit ka nauutal? Bakit parang uhm... what do you call on that thing? Balisa? Or should I say kinakabahan?" iba ang tono ng kaniyang pananalita ng sabihin n'ya iyon.





"H-ha? B-ba't naman ako kakabahan?" pangangatwiran ko.





"Kase siguro hindi mo napansin iba ang disenyo ng pinto ng kwarto mo kaysa sa mga kwarto namin kaya pano ka mamamali ng papasukan. Ang sabi ni tito ay mag photogaphic memory ka? Nakalimutan mo ba? O, nagmamadali ka?" muling sambit n'ya





Nadali ako dun ah. Anong ipapalusot ko? Kleiy isip!





"N-nakakalimot din naman ako. S-sige na h-hahanapin ko pa ang kwarto ko." At nilagpasan ko s'ya.





"The floor is yours gold digger bitch." Sambit ni Gavin at tumabi sa daraanan ko.





"In a few time she well knows what's the meaning of your shitty sentence Gavin. So, you better watch your words. Ikaw den, baka magsisi ka." Dinig kong sabi ni Luke.





"The hell I care." Walang ganang sabi ni Gavin.







Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa marating ang aking kwarto. Tinandaan ko ang pinto ng kwarto ni Luke at nang tignan ko ang pinto ng kwarto ko ay wala naman akong nakitang pagkakaiba.



Ilang saglit kopang tinitigan dahil baka nga may pinagkaiba ngunit wala. Hanggang sa nakita ko ang anino ng isang lalaki sa di kalayuan. Nang sipatin ko ay nakita kong si Gavin ito.



"Idiot gold digger bitch... What a beautiful moron. Tsk tsk tsk." Sabi ni Gavin at naglakad na papalayo.



Wala akong naintidnihan sa lahat ng sinabi n'ya. Ako naman ay pnabayaan na ang pintuan at pumasok ng kwarto ko.



Tinitigan ko ang mga gamit sa kwarto ko. Naglinis din ako sa kwarto, nang apagpasyahan kong mahiga muna para sana magpahinga ngunit hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

----------------

Names pronunciation

De Venecia - De vinisha

----------------

1st painting

2nd painting

•| Kayka |•

Continue Reading

You'll Also Like

27.1K 1.9K 48
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...
47.7K 2.7K 65
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
26.5K 44 10
just a bunch of random one-shots of smutt🤭
92.7K 221 20
just some of my horny thoughts;) men dni