TNPR Book 2: Love will lead u...

De Mjlovesberry13

217K 4.7K 472

What will you do if both of you will see each other again? Aminadong hindi ka kinalimutan ng taong minsan ka... Mais

TNPR Book 2: Love will lead us Back
Chapter 1. [She's back]
Chapter 2.[The feelings]
Chapter 3.[Reunited?]
Chapter 3.1 [Drunk]
Chapter 4.[The Decision:Gonna win her back]
Chapter 5.[The Call: Date me or i'll blackmail you]
Chapter 6.[The Date]
Chapter 7.[Unwanted]
Chapter 8.[Terrence]
Chapter 10.[Burst out]
Chapter 11.[flashbacks]
Chapter 12. [He still loves me]
Chapter 13.[kidnapping]
Chapter 14.[Confessions]
Chapter 15.[Day1/Explaination]
Chapter 16.[In the right time]
Chapter 17.[Third day]
Chapter 18.[The wish]
Chapter 19.[Complicated]
Chapter 20.[Sparks]
Chapter 20.1 [A day with kian]
Chapter 21 [Not giving up]

chapter 9.[Him or Him?]

6.8K 159 8
De Mjlovesberry13

Terrence POV

"Oh andiyan na iyong hinihintay ko."

"Ha? Sino?" tanong ni Pam sa kabilang linya.

"Iyong malaking flappy bird.hahahaha Sige I'll hang up now." Kahit ako natawa sa sinabi ko kay Pam. Iyong malaking flappy bird na tinutukoy ko eh yung eroplano na sasakyan ko papuntang pilipinas. Dalawang araw ang biyahe. Last week lang ako nagpa book ng flight sa pilipinas for a vacation. Ang sadya ko lang naman talaga is makita si Pam o di kaya makuha ang pag-ibig nito. Ganun naman talaga, Pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para makita lang siya. Iyon nga lang hanggang tingin lang ako pero hindi pa rin ako sumusuko kahit sabihin sakin ni Pam na ayaw niya sakin pero susubukan ko pa rin. Napabilang na talaga ako sa kasamahan ng mga martyr.Kahit patuloy niya ako pinagtatabuyan, andito pa rin ako sakanya na umaasa.

Wala pa naman siyang boyfriend, Wala ring asawa. Single siya, Single ako. Wala rin akong karibal sa atensiyon niya. Wala naman nanliligaw sakanya ako lang ang nagpaparamdam.Makulit kasi talaga ako.Siya kasi iyong naiimagine ko na maging future wife. Bagay naman kami ah!

"Please fasten your seatbelt sir." sabi nung magandang stewardess. Nginitian ko lang siya.

--

Kian POV

"H-ello dad?"

"Kian. I want to talk with you. Where are you?" sa tono pa ng boses ng ama niya ay alam niyang importante ang sasabihin nito.

"I'm right now at the office." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na nito binaba ang telepono sa kabilang linya.Isinantabi niya ang kanyang cellphone at muli inaasikaso ang mga hawak na papeles.Habang busy siya sa mga ito ay siya naman ang bukas ng pinto sa kanyang opisina at walang anumang katok na pumasok si Carlos Monticillo.Pawisan naman ang sekretarya niya na nakasunod sa ama niya.

Sa tingin ni kian baka pinipigilan ito ni Lanie na wag pumasok dahil alam lahat ng tao rito sa opisina na pag nasa loob siya ng office niya ay walang sinuman ang may karapatan na mang istorbo sakanya pero labas na dun ang daddy niya,lalo't ito talaga ang may-ari ng kompanya. Ang totoo lahat ng shares niya sa kompanya ay hindi pa lubos ibinigay ng daddy niya.Mas malaki pa rin ang shares nito kaysa sa kanya. Pag nakapag-asawa na raw siya ibibigay na lahat nito ang 60 % stock of shares nito sa kompanya.Iyon ang kasunduan nila ng daddy niya a year ago pero he wasn't a desperate man para makuha ang lahat ng iyon. When time comes, it will come.

"Dad." napatayo naman si kian sa kinauupuan nito.

Tumikhim muna si Carlos bago magsalita sa harapan ng anak.

"Hindi mo lang ba ako pa uupo-in?" sinenyasan muna ni kian na umalis muna si Lanie, itong sekretarya niya minsan hindi ma alog iyong utak. Tama bang pigilan tatay niya na wag pumasok sa opisina niya eh opisina rin ito ng daddy niya.

"Oh have a seat dad. Doon tayo sa sofa, we'll discuss your here abouts there.Wine or coffee?" alok niya.saka sabay na sila umupo sa sofa.

"No thanks.Hindi rin ako magtatagal."

"You'd really suprise me dad, nasa labas ka lang pala naghihintay.anong meron at tinangay kayo ng hangin amihan papunta sa opisina ko? Hehe."Pagbibiro niya.

Napansin naman ni kian na parang namumutla ang daddy niya.Hindi ito mapakali at hinawakan nito ang magkabilang tuhod na para bang nag-iisip kung itutuloy pa nito ang sasabihin.

Something's isn't right *sa isip ni kian*

"Dad? Are you okay?"Tinapik pa niya ito sa balikat para matauhan.

"Ah Y--es. I'm alright.I guess this is not the right time to say those things right now." tumayo naman si Carlos at ganun din si kian. Nagtataka siya sa kinikilos ng ama niya? Parang may mali kasi.

"Dad. Binibitin mo naman ako eh.Just spill it out." sabi ni kian.

"This is not the right time iho but i'm gonna say it as soon as possible." saka nagmamadali tumalikod ang daddy niya at sumunod naman ang mga bodyguards nito saka iniwan siya nito sa opisina na nag-iisip? What could that be? His dad is weird. I'm gonna find it out sooner.

---

3 days later......

Bago mag alas ocho ng umaga ay umalis na si kian sa bahay. Sakay ng kanyang kotse ay tinungo niya ang pinakamalapit na Flower shop. Hininto niya ang kotse niya at lumabas doon. Pumasok siya sa naturang flower shop at agad naman siya sinalubong ng may ari na iyon.Si Nanay Inez.

"Goodmorning kian.Napadaan ka ata ngayon sa shop ko?"Nakangiting bungad nito.

"I went here to buy bouquet of flowers."

"Girlfriend?"Tanong nito.

"Sana."Saka nagtawanan sila.

"This young lady must be so lucky then."

"Iyon na nga ang problema nanay inez, ayaw sakin."

"Talaga? Baka naman iniinis mo rin." Sabi nito habang inaayos ang bulaklak na napili niya at si nanay inez na ang bahala mag disenyo nito.

"Hindi naman po. Nakokornihan na nga ako sa sarili ko.kung anu-ano na po kasi ang nasasabi ko sakanya."

"Malay mo gusto ka rin niya pero hindi pa siya handa." Sabi nito sakanya.Napabuntong hininga naman siya.

"I hope so.I really love her." Sabi pa ni kian.

"Ipaglaban mo ang nararamdaman mo sakanya iho.Wala naman mawawala sayo basta ipakita mo sakanya na sobrang imporante siya at iparamdam mo sakanya na napakahalaga niya sa buhay mo." Sabi nito ng matapos na idisenyo ang bouquet. Binayaran naman ito ni kian.

"Thankyou nay. Di bale ho, I'll do everything for her."Nakangiti niyang sabi saka nagpaalam na siya sa matanda. Ngayon papunta naman siya sa bahay nila Pam. Bibisitahin niya ito.Para sakanya ang tagal ng apat na araw na hindi nakikita si Pam. Naging busy kasi siya sa opisina ng mga nakaraang araw.

Ilang sandali ay nakarating na siya sa bahay nila Pam.Binubuksan na ng gwardiya ang malaking gate na iyon na biglang may bumusina sa likuran ng kotse niya. Tiningnan niya naman ito sa side mirror. May isang kotse na nakasunod sakanya. Hindi pa naman niya mapansin kung sino ang nagmamaneho dahil tinted ang salamin ng kotse nito.

Ipinarada ni kian ang kotse nito sa malaking solar. Ganun din ang kotseng nakasunod sakanya pero sa kabila ito ipinirada ang kotse.ang naging set nila Yung kotse sa left ipinirada at pinagitnaan naman sila ng malaking water fountain at sa right side naman si kian.

Kinuha ni kian ang mga bulaklak at lumabas siya ng kotse. Lumabas din ang tao sa kotseng iyon. Lalo iyong ikinanoot ng noo ni kian dahil lalaki rin ang lumabas ng kotse at may dala rin itong bouquet kagaya ng sakanya. Napansin niyang kumunot rin ang noo ng lalaki. Nagkakatitigan sila. Hinawakan ni kian ng mahigpit ang bouquet niya.

"Sino ba tong lalaking to? Manliligaw ba to ni Pam? Psh! Nakakasira ng araw! Parang gangster! Walang panama sa kagwapohan ko!" sa isip ni kian.

--

Terrence POV

Kahapon lang ako dumating sa pilipinas at naka check in ako sa isang Hotel. Sa Monticillo Hotel. Dito kasi ako dinala ng taxi driver. Ang sabi kasi nito sakin, ito raw ang pinaka class na hotel sa buong pilipinas. Nagkibit balikat lang ako. Wala naman kasi akong pakielam basta may matirhan lang ako pansamantala habang nagbabakasyon rito sa pilipinas. Nang makapag check in na ako sa hotel. Bumili agad ako ng kotse.Siyempre brand new.

Every month Malaki kasi ang dinedeposito ng daddy ko sa bank account. Mayaman kasi siya dahil sa mga negosyo nito na hindi ko alam at isang amerikano ang tatay ko. Ang mommy ko pinay at middle class lang ang family nila noon. Sinusustentuhan niya nalang ako simula naghiwalay sila at namatay ang mommy ko sa sakit na lung cancer. Ang daddy naman ay may iba na rin pamilya. So I decided to live on my own. Bumili lang ako ng townhouse sa states.

Kanina pa siya paikot ikot at nagtatanong sa ipinakitang address niya sa nadaraanang tao.Eksakto naman na may dalawang ale ang naglalakad kaya hininto niya ang kotse.Binaba niya naman ang bintana ng kanyang kotse.

"Excuse me ho, where can I find this address?" tanong niya sa matanda at ipinakita ang address.

"Aba dong, hapit naka maabot siguro ani na address gamay na metro nalang imong padaganon sa sakyanan nimo maabot naka sa pamilya chua.kilala sa mga tao diri ang ilang pamilya kay---"

"Ho?"Nalilito niyang sabi.Damn! Ni isang binitiwan ng mga salita nito hindi niya man lang naiintindihan! Ano bang ibig sabihin nito? Anong lenggwahe ba ang ginagamit nito?

"Day, murag wala ka niya nasabtan. Siguro amerikano ang bataa na ni. Tan awa ra gud sa itsura ana. Ako nalang I translate imong iingon ha. Englishan nako."

(Tagalog translate: Mare, Parang Hindi ka niya naintindihan. Siguro amerikano ang batang to. Tingnan mo naman sa itsura niyan. Di bale, Ako nalang ang magtatranslate sa sinabi mo. Ieenglishan ko."

"Ah iho, she said that this address that you are looking for is not yet that far.You know, just a little meters away okay? Just drive straight and turn left and you will see a big gate and big house and there you are there. Day tama ba akong pagka translate?(tagalog translate: Mare, tama ba iyong pagka translate ko?") Tanong nito sa babaeng kasama.Nalilito man si Terrence ay pilit naman niya inintindi ang sinasabi nito. Susundin nalang niya ang sinabi nitong straight nalang raw at turn left.

"Ah, Salamat po." Nagkatinginan naman ang dalawang matanda ng maka alis ang lalaki.Marunong naman pala ito magtagalog.Pinahirapan pa sila nito.Nagtawanan nalang ang dalawang matanda.

--

Ilang sandali naman ay nakarating siya ngunit may isang kotse ang naka una sakanya. Hindi niya naman maanigan kung sino ang nagmamaneho dahil tinted ang salamin nito. Binusinahan niya naman ito.Nang magbukas ang gwardiya ng gate hindi lang naman siya pinahinto nito.Sinundan niya lang kotse na nasa harapan niya at ipinarada nito ng mabilis ang kotse nito sa kanan kaya doon nalang siya sa kaliwa.

Kinuha niya ang bouquet na binili niya kanina.Lumabas siya ng kotse gayon din ang tao na nasa kabilang kotse. Lalaki rin ito at may dala rin bouquet tulad niya.Nagkatitigan silang dalawa.

"Akala naman nito gwapo siya? Wala naman siyang binatbat sa kagwapohan ko. Teka sino ba ang lalaking to? Boyfriend ni Pam? Wala sa itsura eh!" sa isip ni terrence.

--

"Elaine. Gisingin mo nga anak mo." Utos ni Vien sa asawa.

"Ah anak, Gising ka na. "yugyog ni elaine sa anak.

"Mmmmmmmm."

"Vien, Hayaan mo muna nat- - - "

"I said wake her up." Makapangyarihang sabi nito.

"Anak gising na.nagagalit na ang daddy mo."

"Mmmm mamaya na po mom---"

"PAM CHUA GET UP NOW!" halos lumundag ang puso ni Pam sa sobrang gulat sa lakas ng boses ng daddy niya.

"M-om, dad? W-hy are here in my room?" nagtatakang sabi ni Pam. Anong nangyayari? Bakit mukhang galit na galit si daddy?

"Anak kasi.."

"They are two men waiting for you in the living room. Hindi ko alam sa dalawa kung ano ang motibo nila. Ang sabi eh gusto ka nila makita dalawa. Iyong isa kilala ko, iyong pangalawa naman hindi ko kilala, Sinabi pa nitong boyfriend mo raw siya sa states.Is that true?!"

"Ho?!" nalilito siya ng mga oras na iyon.may possibility kaya tumuloy talaga si terrence sa pilipinas? Pero paano—teka wala naman akong boyfriend ah!

"Mabuti pa harapin mo muna ang mga bisita mo."Bumangon naman siya . Akmang lalabas na sana siya sa kwarto niya na marinig niyang tumikhim ang daddy niya. Nilingon niya naman ito.

"Hindi ka ba maliligo muna?" tanong ng mommy niya sakanya.

"Ay! Hehe oo nga po pala!" saka dali dali siyang pumasok sa banyo.

Matapos niyang maligo agad na siyang bumaba at nakita niya ang dalawang bisita niya na agad tumayo. Halos sabay sabay pa itong tumayo na makita siya.

"K-ian? What are you doing here?" nagtatakang tanong niya.Binalingan niya naman si Terrence! Shit! Hindi nga nagbibiro si Terrence sakanya. Pumunta talaga ito sa pilipinas!

"T-errence? What are you doing here too? Hindi ka nga pala nagbibiro na pupunta ka talaga sa pilipinas."Shocks! ano ba ito! Bakit naman sabay sabay pa silang pumunta rito sa bahay! Nilapitan niya naman ang dalawang bisita.

"I'm visiting you. By the way, Flowers for you."Tinanggap naman iyon ni Pam.

"Thanks for this."Nakangiti sabi ni Pam kay kian.

"Magbabakasyon ako rito sa pilipinas.Pwede mo naman siguro ako samahan mamasyal? Here, flowers for you." Saka tinanggap din iyon ni Pam.

"Ah kasi---Ah oo, ma upo kayo. Ah kian si Terrence. Terrence ito naman si kian."Pakilala ni Pam sa dalawa.

"What's up bro." sabay lahad ni terrence sa kamay nito.

"Yow." Sabi naman ni kian pero hindi nito tinanggap ang kamay ni terrence para makipag kamay.

Jusko po! Hindi ko na alam ano gagawin ko sa dalawa na to Lord! Mukhang nag iinitan eh!

"May i invite you for a dinner tonight?"Agad siya tinanong ni kian na kahit katabi nito si terrence sumige pa rin!

"Ah kian kasi—"

"Pasyal naman tayo mamaya Pam.Namiss kita eh!" sabi pa ni terrence.

Shit! Sino ba pipiliin ko sa dalawang to? Kian or Terrence? Terrence or kian? Waaah! Ang gulo talaga! Sumasakit ulo ko!

Si kian nakasama naman niya ito pero disaster naman iyong date nila. Si Terrence? Uh kasi first time nito sa pilipinas nakapunta at hindi pa siya nakapaglilibot rito.

Be wise in making decision Pam.

Hinihintay naman ng dalawa kung ano ang sasagutin ni Pam.

Kian wishes it was him.

Terrence also wishes na sakanya sumama si Pam.

Huminga naman ng malalim si Pam.

"S-ige terrence sasamahan kita."Nanginginig na sabi niya. Eksakto naman na napatingin si kian sakanya dahil sa sinabi niya.

"Yes! Pare, narinig mo sinabi niya? Sasamahan niya raw ako! Thanks Pam, I just really miss you."

"Psh. Babaw ng kaligayahan ng baklang to." Mahinang sabi ni kian sa sarili.

"Did you say something pare?"

"Ako ba kausap mo?"Pagsusungit ni kian.

"Ah nevermind." Saka ngumiti si Terrence at binalingan si Pam.

Tumayo naman si kian.Napatayo naman agad si Pam.

Gosh! Ang bilis ko naman napatayo! Kinakabahan kasi ako kay kian eh! T__T ewan ko ba

"I guess I'm going now." Sabi ni kian saka agad tinalikuran ang dalawa.Nababadtrip talaga siya sa unggoy na terrence na iyon! Tama bang ipamukha na sakanya sasama si Pam?

"Kian.." habol ni Pam. Tinawag niya si kian na mapansing papasok na sana ito sa kotse nito.Hindi niya rin alam sa sarili kung bakit hinabol pa niya si kian sa labas.

"Yes?" napansin naman ni Pam na parang malungkot ang mga mata ni kian. She can feel it. Galit kaya ito sakanya dahil si Terrence ang pinili niyang samahan?

"Are you mad at me?"Shit! ano ba tong tinatanong ko sa haparan niya ako pa yung nakokonsensiya eh!

"There's no reason for me to get mad.Alam ko naman siya ang pipiliin mo over me. Ewan ko ba bat ang unggoy na iyon ang pinili mo."

"Ano?!Pwede ba hindi unggoy si terrence!" inis na sabi niya.

"Psh.Babaw ng kaligayahan ng isang iyon eh."

"Naiinis ka lang dahil hindi ikaw iyong pinili ko!"

"Actually hindi rin dahil alam ko pag nagkasama na kayo, ako ang maiisip mo at hindi siya." At binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti at talagang nilapit pa nito ang mukha nito sakanya! Napa atras tuloy siya sa sobrang gulat! Muntik na siya ma out of balance pero mabilis siyang nahapit ni kian sa beywang.

"Be careful."

"P-aano ka naman nakakasiguro na ikaw ang maiisip ko habang kasama ko si terrence?"

"This." Then kian sealed her with a kiss! Nanlaki ang mata niya! Kian deepen the kiss at parang mababaliw na siya ng mga oras na iyon! Agad rin siya binitawan ni kian.Siya naman ay parang baliw na napalinga sa paligid dahil baka may nakakita sa paghalik ni kian sakanya! What if nakita iyon ng daddy niya at nakasilip pala ito sa veranda!

"That's what I called "A kiss to Remember." Then kian winks at her.Natatawa pa itong pumasok sa kotse at iniwan siya nitong balisa dahil sa halik nito.

Kian just kissed her again!

"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon para halikan ako ulit!"     

Continue lendo

Você também vai gostar

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...