Athena Guevara Series: Cruel...

By bad_bloodSucker

170K 9.2K 2.8K

Athena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
AUTHOR
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
♥️♥️♥️♥️♥️

Chapter 4

4.2K 247 39
By bad_bloodSucker

Athena

"Could you please...." Nawawalang pasensiyang utos ni Althea sa akin. "Just please sitdown, nahihilo ako sayo Athena!"

Agad naman ako hinila ni Arabella paupo sa tabi niya para di lang ako masabunan ni Althea,

"Umupo kana, kanina pa yan nagtitimpi sa kaka ikot mo." Bulong sa akin ni Arabella.

Napatingin muli ako kay Althea ng inirapan ako nito at muling tinuloy ang pag babasa niya ng dyaryong hawak.

Tsk... Napaka maldita talaga minsan ng babaeng ito.

Halos di kasi ako mapa kali sa papa rito't paroon dahil sa kaka hintay na matapos nilang paliguan si Valerie sa itaas.

Mag iisang oras na sila ngunit hanggang ngayon ay di pa sila tapos. Ganon ba ka dumi si Valerie?

Nanumbalik lang ako sa katinuan ng naramdaman kong isinandal ni Arabella ang ulo niya sa balikat ko na bakas ang pagod.

"Tired?" Tanong ko dito.

"Sobra." Sagot nito na habang naka pikit.

Nakangiting tinuloy ko na lang ang pag basa sa magazine na hawak ko, ngunit napatigil ako ng mapansin ko ang kaseryosohan ng mga titig ni Althea sa akin.

Galit nga talaga.....

Nilihis ko na lang muli ang paningin ko para maiwasan ang init ng ulo nito.

Gustuhin ko man siya pasalamatan dahil inuwi niya si Valerie, but I think this is not a good time.... Mainit ang ulo kanina ko pa napapansin.

"Excuse me po,"

Sabay-sabay kameng napatingin sa kanan namin ng lumitaw ang kasambahay.

"Pinatatawag na po kayo ni Madam Sandra."

Unang tumayo si Althea at nauna ng naglakad patungo sa hapag kainan. Sabay naman kameng napatayo ni Arabella ngunit napatigil ako sa bandang hagdan ng di parin bumababa si Valerie.

Puntahan ko kaya?

Nakaka isang hakbang pa lang ako ng mapansin ko ang pag pasok nila Ayesha at Zoe, na kadadating pa lamang....

"Hi Athena." Bati agad sakin ni Zoe pagkakita nito sa akin.

Ngumiti ako dito at hinalikan ang pisngi nito,

"Sila Mama Ofelia at Mommy Sandra?" Hanap naman ni Ayesha kina Mama.

"Nasa hapag na, tamang-tama lang dating niyo dahil kakain na tayo."

"Ano nga pala ung sinasabi mo kanina na ipapakita niyo sa amin ni Zoe? At first time kong narinig na bakas ang tuwa sa iyong tinig Athena."

"I found her Ayesha...." Masayang sabi ko dito.

"Who?" Kunot noo nitong tanong sa akin.

"I mean, Althea found her..... At nandidito na siya."

"Sino nga." Nawawala din nitong pasensiya.

Sasagutin ko sana ito ng napanhito ako ng may napansin akong babaeng nakatayo sa itaas ng hagdan.

Kung kanina ay na e-excite akong makita siyang matapos at bumaba, ngunit bakit ngayon parang bigla ako nakadama ng kaba at takot ng masilayan ko na ang kalinisan ng babaeng pinaka mamahal ko, ngunit di bilang wangis ni Valerie... Kundi ang isang wangis ng Rachel Villamor.

"Ate/Rachel?!" Sabay na sabi nila Ayesha at Zoe na bakas ang gulat sa kanilang mga mata.

Napabaling muli tingin ko kay Valerie ng mapansin kong nasa harapan ko na pala na nakatitig sa akin.

"No...." Pakuway sagot ko sa mag asawa habang di inaalis ang mga titig ko kay Valerie. "She's not Rachel, wala na siya.... She never exist in my life anymore." Nakangiting inabot ko ang kamay nito at inaya siyang makababa hanggang sa huling baytang ng hagdan.

"She's Valerie, ang babaeng pinaka mamahal ko, ang babaeng nag patino sa sa akin at nag pa bago.... And she's my real Wife."

Tama.... Dahil sa pag kakataong ito ay wala ng Rachel na hahadlang pa sa pag iibigan namin.

Wala na.... Wala na....
______________________________________

Pag kadating namin sa hapag ay nandodoon na rin nag hihintay ang pamilya ko, andodoon na din si Mommy Sandra na bakas ang gulat sa kanyang mga mata ng makita niya ang babaeng nasa tabi ko.

Naramdaman kong napahigpit ang pag ka hawak ni Valerie sa kamay ko kaya napatingin ako dito, nakatingin pala siya may kabisera kung nasaan prenteng naka upo si Althea.

Seryoso kasi itong nakatingin kay Valerie na parang mga katanungan sakanyang mga titig.

"Valerie, iha." Masayang salubong ni Mommy Sandra sakanya at niyakap pa ito ng mahigpit. "Thank God at andidito kana and good thing na kay Althea ka lumapit anak."

"Thank you Mama." Nahihiyang sagot ni Valerie kay Mommy Sandra.

"Anong nangyari sayo anak? Anong ginawa sayo ng Rachel na yon? Napaka hayop niya para gawin to sa iyo at lalong lalo na ang panlilinlang niya sa amin at sa anak kong si Athena."

Pasimple akong tumingin kay Zoe na parang na nasaktan ito sa sinabi ni Mommy.

"Mommy," pag pipigil ko dito dahil baka ano pa masabi niya at masaktan pa si Zoe.

"Oo nga naman, napaka walang puso ng babaeng yon." Biglang singit ni Althea.

Kaya napalingon kameng lahat sakanya.... At doon ko lang napansin na until now she still looking at Valerie ng sinabi niya ang mga katagang yon, Bakit pakiramdam ko ay para kay Valerie niya ito sinasabi....

"Buti pa kumain na tayo, di maganda pinapahintay ang pagkain." Natatawang alanganin ni Ayesha at nauna ng umupo habang inaalalay niya si Zoe umupo.

Sumunod naman kameng lahat at pinag hila ko si Valerie ng upuan, para akong timang na laging nakangiti sa twing titigan niya ako.

Buong kainan ay may kunting kwentuhan at minsan ay katanungan kay Valerie na agad naman nita itong sinasagot.

"Siya nga pala Althea, bakit di mo kasama si Jade ngayon?" Tanong ni Mama Ofelia dito.

"Nasa Hacienda siya ng mga Tanchingco Ma," simpleng sagot nito.

"Nag away ba kayo?" Di mapigilan tanong ni Arabella.

"No... But we have a little misunderstanding."

"Like what?" Tanong naman ni Ayesha.

Napabuntong hininga naman si Althea habang nililinis ang bibig nito bago sumagot.

"Honestly, Jade wants to have a baby again."

Halos sabay kameng napatigil mag kakapatid sa pag subo at sabay sabay napatingin kay Althea.

"Talaga anak? That's a good news for our family if naisipan niyong sundan si Abby." Masayang pahayag ni Mama Ofelia.

"Pero bakit nag karoon kayo ng mis understanding ni Jade if yun naman ang pinag plaplanuhan niyo?" Tanong din ni Mommy Sandra.

"Ayaw mo bang mag ka anak pa Althea?" Tanong ni Sophia rito.

"Actually, having a new baby in my bloodline ay ok lang for me."

"Oh.... Eh ano ang problema niyo ni Jade?"

"Jade want to have a baby, but this time..... I'm the one who will conceive the Tanchingco bloodline."

Sa sinabi ni Althea ay daig pang may dumaan ng isang libong anghel sa sobrang katahimikan, kahit sila Mama at Mommy ay napahinto sa pag inom ng tubig sa sinabi ni Althea.

Hanggang sa napunuan ng tawa ang hapag na siyempre sa paninimula ko.

"Walang nakakatawa," inis na may kasama pang pag irap na sagot ni Althea.

"Anak, ano naman masama kung ikaw ang mag dadala ng bata? Anak pag bigyan mo na si Jade,"

"Di ko kaya mag buntis Ma, natatakot ako."

"Anak, pag usapan niyo muna ito ni Jade ng mabuti. Para hindi matampo ang asawa mo."

"Kakausapin ko na lang siya mamaya pag uwi ko."

"Pag isipan mo ito ng mabuti anak, masarap maging Ina, pero mas masarap kung sayo lumabas bata, para ma experience mo naman mabuntis."

"Thanks Mom, pag iisipan ko muna."

Nag ka tinginan lng kame tatlo nila Arabella at Ayesha, dahil kilala namin si Althea....

Wala talaga siyang balak mag buntis, hindi niya pinangarap mag dala ng bata sa loob ng siyam na buwan.......

"Bakit tina-tabi mo ang mga beans Valerie?"

Napatigil ako sa pangunguya ng tumingin ako sa plato ni Valerie. Isa-isa kasi nitong itinatabi ang mga green beans sa pinggan niya.

"I'm not fun of beans."

I'm not fun of beans....

I'm not fun of beans....

I'm not fun of beans....

Those words.... I've heard it before,

"Para pala siya yung kababata mo noon sa kumbento Athena, remember Carmela? Ung batang inakala natin na isa siya sa mga batang nakatira sa orphanage pero anak pala siya ng Madre Supeyora sa pag ka dalaga."

Pansin ko ang pag tigil sa pag hihiwalay ni Valerie sa mga green beans at biglang inangat ang tingin kay Mama Ofelia.

"Anak  ng isang Madre?" Muling tanong ni Sophia.

"Oo, kawawa nga ang batang yun dahil inaabuso siya ng sarili niyang Ina. Naalala ko nga nung pumunta kame ni George at ni Athena sa kumbentong nun ay naabutan naming sinasaktan ng Madre ang batang yun."

"Bakit naman niya ginaganon ang sarili niyang anak?"

"Dahil kinahihiya niya na nag ka anak siya sa pag ka dalaga-----."

Biglang napatigil si Mama sa pag kuku-wento ng biglang bumagsak ang kutsara at tinidor ni Valerie sa pinggan.

"I'm sorry, nadulas kasi." Hinging paumanhin nito sa amin.

"It's ok, I think pagod kana... Gusto mo mag pahinga kan--"

"No...no..." Iiling iling nitong sagot. "Tapusin ko na lang ito tapos aakyat na tayo."

"Hhhhmmm.... Ok." Hinalikan ko pa ito sa noo at muling tinuloy ang pagkain ko.

"May mga tao talagang pihikan paggating sa pagkain.......gaya ni Ate Rachel."

Napatigil ako sa pag subo ng marinig ko na naman ang pangalan ng babaeng kinamumuhian ko.

"What about her Zoe?" Dinig kong tanong ni Althea kaya napatingin ako rito.

"Because Ate Rachel also hate beans." Sagot ni Zoe kay Althea bago ibaling sa akin ang paningin nito. "Like your childhood friend Athena,"
___________________________________
To be continued........

Continue Reading

You'll Also Like

151K 31.3K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
Burn Marks By Icecold101

Mystery / Thriller

5.2K 241 7
My TikTok - E.writer🖤 (whteverwhnever) I've just started the Hierarchy Kdrama And I love it !! ( I will definitely be editing this story a lot se...
28.9K 4.7K 14
In the elite ranks of DRDO, Ardik Rajwasnhi, a young prodigy, is fueled by ambition to secure a coveted position among the legendary Team Phoenix. Ho...
105K 3.5K 57
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...