Napapangiti sa sarili si Nathan sa kabila ng matinding traffic sa daan. Pabalik-balik kasi sa kanyang isipan ang pagbanggit ni Larina sa kanyang pangalan.
Tila ba musika iyon sa kanyang pandinig habang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan. Kahit pa sinambit nito ng may galit at pagkamuhi ay napakasarap pa rin sa kanyang pandinig.
Hindi niya inaasahang ganun kaganda ang kanyang pangalan kapag si Larina na ang sumasambit.
Hindi rin niya maipaliwanag kung anong magneto ang humihigop sa kanya upang tuklasin ang misteryo nito na kung tutuusin ay dapat na niyang iwaglit at magpatuloy sa dating nakasanayang pamumuhay.
Ni hindi nga niya maintindihan ang lumukob sa kanya upang puntahan ito kaninang umaga dahil maaari naman niyang iutos sa tauhan ang pagsosoli ng gamit nito at sasakyan ngunit iprinisinta niya ang kanyang sarili na personal na gawin iyon.
Women pass him by without his notice. Pero ibang klase si Larina dahil nagkaroon na ito kaagad ng malalim na impact sa kanyang dibdib.
Ni kahit ang kababatang si Paloma na kanyang pinakahuling naging nobya ng halos tatlong buwan lamang ay hindi nagkaroon ng ganoon kabigat na impact sa kanya.
Ni hindi nga siya nalungkot ng sinabi nitong kailangan na nilang magkalayo upang tanggapin ang international offer ng isang malaking modelling agency sa Europe at walang pagdadalawang-isip na iwanan siya.
Marahil dahil abala din siya sa pagmamaniobra ng kanilang business kung kaya’t hindi man lang niya naramdaman ang pagkawala nito.
Marahil din ay nasanay na rin siyang mawala at sumulpot sa kanyang buhay si Paloma kung kailangan siya nito at kaya lamang siya nahikayat na maging nobya ito ay dahil na rin sa kanyang mga magulang dahil kilala na nila ito mula’t sapul sa pagkamusmos.
Ni hindi nga niya maituturing na nobya ito sa pormal na salita dahil kapwa naman nila alam na wala silang mabigat na commitment sa bawat isa.
Ni wala nga siyang maramdamang malalim na pagtatangi dito maliban sa isang apeksyon ng isang kaibigan na matagal ng magkakilala.
They go together when Paloma is around or when he is around. Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagtatali sa bawat isa na may serious bond sila sa isa’t isa o bumabanggit ng mga bagay na may kinalaman sa damdamin.
Kaya nga napakadali nitong magpasyang tumungo sa Europe at natitiyak niyang naputol na rin ang lahat sa kanila dahil alam niya kung gaano kahalaga ang career nito sa kanya kesa sa pag-ibig.
Ngunit ang masagwang paghihiwalay nila ni Larina kagabi ay tila dumurog sa kanyang puso ng umalis itong galit na galit sa kanya dahil sa kapangahasan niya na sa tanang buhay niya ay hindi pa niya nagagawa sa kaninumang babae.
Sa panandaliang pagkakakilala pa lamang niya dito ay tila naging obsesyon na niya ito at sa tuwing nakikita ito ay nagbibigay ng ibayong kaligayahan sa kanyang dibdib na hindi niya kayang pangalanan o maipaliwanag.
Kahit pa sin-lamig ng matigas na yelo sa north pole ang pakita nito sa kanya ay hindi siya natitinag dahil habang inilalayo nito ang sarili sa kanya ay mas lalo lamang siyang nagiging agresibo na tunawin ang nagyeyelo nitong damdamin at palambutin ang bakal nitong puso.
Alam niyang nasaktan niya ito kanina ngunit hindi niya sinasadyang mabuksan ang anumang itinatago nito at hindi siya titigil na tuklasin ang misteryo ng pagkatao nito.
Dahil gusto niyang siya ang magprotekta at magtanggol dito. Gusto niya itong alagaan, sambahin at mahalin. Ipalimot at pahilumin ang anumang dinadalang sugat nito.
Gusto niyang tanggalin ang maskara nito at makita ang tunay na anyo nito. At kapag nagawa niya iyon siya na ang pinakamaligayang lalaki sa mundo.
Natuturol niyang matindi ang pagiging man hater nito. She must have a painful experience with a man? Ngunit sino? Hindi naman maaaring namolestiya ito o napagsamantalahan dahil sigurado siyang hindi dahil nabubuking niya ang kainosentehan nito sa bawat pagtugon nito sa kanyang mga halik dito.
She is so inexperienced with a man. And he knows that. Every seasoned man knows that.
At kung mayaroon ngang masamang nangyari kay Larina sa nakaraan nito ay wala siyang pakialam.
Ang gusto lamang niya ay maalagan at maprotektahan ito sa kung sino o ano mang bagay na makakasakit dito.
Alam din niya sa sariling hindi na siya makakawala pa dito dahil pakiramdam niya ay nahanap na niya ang matagal na niyang hinanahap at nasa katauhan iyon ni Larina.
Walang ibang makakapuno o makakakumpleto sa kanyang pagkatao kung hindi ito lamang.
Bawat oras ng pagdaan ng mga araw ay inaasahan niya ang pagsulpot ni Nathan.
Dahil mula ng ideklara nito ang pagma-may-ari sa kanya ay hindi na niya ito muli pang nakita. Ni anino nito ay hindi na nagpaparamdam sa kanya.
Hindi kaya niloloko lang siya nito? Napapikit siya, ang konsentrasyon sa trabaho ay iwinaglit ng binitawan ang technical pen at hinagod ang sumasakit na ulo. Hindi niya kayang tanggapin na maloloko siya nito.
Dapat niyang ikatuwa na hindi na siya nito muli pang inabala dahil ito naman ang kagustuhan niya hindi ba?
Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakaganito at umaasam siya sa pagbabalik nito.
Parang ang yelo sa kanyang dibdib ay unti-unti ng natutunaw at lumalambot sa bawat pagdaan ng araw sa kaiisip dito.
Namamayani ngayon ang pagkabalisa sa kanyang dibdib. Parang sa isang pitik ng daliri ay bigla siyang napagod sa dinadalang mabigat na nakalipas na matagal ng pinapasan ng kanyang dibdib at ngayon ay gusto na niyang maghilom.
Dapat na nga ba siyang mag-move on? Ginising siya ng ibang klase ng pag-asa sa deklarasyon ni Nathan sa kanya na hindi niya matukoy hanggang ngayon.
Dapat siyang magalit sa sarili sa isiping naghihintay nga siya dito. Bawat sandali ay katumbas ng isang taong pagkainip.
Tila siya isang buwang na hintay ng hintay. Ang hindi maipaliwanag na pangungulila para dito ay patindi ng patindi habang tumatagal.
Too powerful to set aside.
Kaparis na niya ang ibang mga babaing luka-luka na napaniwala sa isang pangako na madaling baliin.
Ano nga ba ang halaga ng salita ni Nathan? Hindi niya alam.
Hindi alam? Dati ay siguradong-sigurado siya sa sagot. Ngayon ay nalilito na siya. Nawawalan ng direksyon.
Ano na ang nangyayari sa kanya? Nasaan na ang matigas at masungit na Larina? Hindi niya dapat kalimutan ang nakaraan ng ganun na lamang. Dapat niyang ipasok ang kawalanghiyaan ng bawat lalaki.
“Dahling,” ang panggugulat sa kanya ni Albert na maingat na nakapasok sa kanyang opisina na walang ingay.
Mabilis niyang itinago ang naglalarong damdamin sa kanyang mukha at nagkunwaring abala sa ginagawa.
Napangiti lamang ng malandi si Albert sa ginawa niya na tiyak niyang hindi nakaligtas sa matalas nitong mga mata.
“Hindi mo na kailangang itago ang dreamy face mo hija, dahil kanina pa ako dito at minamasdan ang pagkakatulala mo.”
Nilabian niya ito bilang tugon ng sumandal sa kanyang swivel chair.
“At sino naman kasi ang may sabi sa inyong basta na lang kayo pumasok ng walang kaabog-abog sa aking opisina? Kundi ang mga taong may nais lamang hulihin?”
“I maybe the boss here pero hindi ako ganyan trumabaho sa mga tauhan ko. It just so happened that I was so intrigued, kaya tama ka may gusto nga akong hulihin, meron nga ba?” matalinghagang sabi nito.
“Ano ang kailangan mo Albert?” Sumeryosong sabi niya. Hindi uso sa kumpanya ni Albert ang formalities sa mga big bosses. Mababa man o mataas ang posisyon mo lahat ay nagtatawagan on a first name basis.
“Kanina meron pero ngayong nakita ko ang softer side mo, na-curious akong malaman.”
Nangunot ang kanyang noo.
“Is that a love sickness painted on your face a while ago?” nanunudyong tanong nito. “Is my man-hating tigress finally tamed?’
Bahaw na napatawa si Larina.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo. At pwede ba iniistorbo mo ang pagtatrabaho ko.” Pagtataboy niya dito.
Tumaas lang ang kilay nito at hindi na iginiit kung ano man ang nakita sa kanya. Ngunit may sariling pamamaraan ito upang matukoy ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya.
“By the looks of you, wala naman sa loob mo ang pagtatrabaho at dahil doon wala akong naabala sa iyo. Anyway, why don’t you go home early. A very close and special friend of mine requested-- actually commanded me to let you go home early. Hindi kaya ang taong ito ang dahilan ng pagiging love sickness mo ngayon?” muling matalinghagang panunudyo nito sa kanya.
“Albert, please stop teasing me.” Napipika na siya.
“Hindi ako nagbibiro loka.” Inginuso nito ang malaking kahon na nakasandal sa malapit sa kanyang pinto.
Napatunganga na siya ng tuluyan. Ganun ba siya ka-absorb sa pagkakatulala kanina at hindi niya talaga namalayan ang pagpasok ni Albert dito at ng kahon?
“Ayan o padala sa iyo, it came with my invitation and personal instruction that I will deliver this myself to you. That Nathaniel boy is really something saan mo ba siya nakilala? At ni hindi ko man lang nabalitaan kahit sa kanya? Ano, saan kayo nagtagpo ng landas ng special boy ko? Bakit wala akong kaalam-alam? Kakaloka ka, sobra kang misteryosa, akala ko ba man hater ka?”
Ngunit hindi naririnig ni Larina ang mga huling tanong nito.
“Nathaniel as in Nathan? Kaano-ano mo siya?” ang napatayong tanong niya na biglang sumigla ang pakiramdam niya.
“Who else my dear? At sinong hindi makakakilala sa taong iyon, our biggest clientele at close friend of mine. I’m surprised you don’t know pero may something na kayo.” Tuluyan ng tumirik ang mga mata nito ng makitang hindi nga niya alam at ng walang makuhang sagot mula sa kanya ay nagpatuloy ito.
“Anyway, ano ba ang meron at may surprise party si Nathan? At pinaka-bilin bilinan na kailangang matanggap mo ito.” Tukoy nito sa malaking kahon.
Hindi na niya ito sinagot bagkus ay hinablot ang kanyang bag at nakipag-beso beso sa nababaghang si Albert bago dinampot ang malaking kahon.
“Hindi ko rin alam.” Ang nagmamadaling sabi niya. “At sabi sa instruksyon sa iyo pauwiin mo ako ng maaga.”
“Teka hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko tungkol sa inyo ni Nathan. At kung ano ang laman ng kahon na iyan.”
“I want to keep it very private. At hindi ko rin alam kung mag-ano kami ni Nathan. Maybe masasagot yan pagpunta mo sa kanyang surprise party.” Ang tuwang-tuwang sabi niya bago halos magkumahog sa pagmamadaling makauwi.
“Bye Albert, see you tonight or whatever.” Ang pahabol pa niya bago tuluyang lumabas ng opisina.
“Akala mo palalagpasin ko ang misteryong ito. Maaga pa lang naroon na ako loka!” ang narinig niyang pahabol nito sa kanya.
Muli niyang binasa ang maikling mensahe nanakasulat sa tarheta.
Napapangiti na nag-iinit ang kanyang mukha sa tuwing paulit-ulit na binabasa ang nakasulat doon.
Lari,
Come with me tonight. Pick you up at eigth. And wear this.
Nathaniel
Wala namang napaka-romantikong nakasulat doon pero dumadagundong ang kanyang dibdib sa pagkabog. Ni hindi pa nga niya nabubuksan ang kahon dahil para siyang baliw na paulit-ulit na binabasa ang nakasulat doon.
Come with him? Walang pakiusap. Nag-uutos. Nakatitiyak siyang si Nathan nga ang sumulat niyon.
Dapat nga siyang magalit sa kaarogantehan nito ngunit mas bumabaha sa kanyang dibdib ang pagkasabik at excitement imbes na mairita sa maawtoridad nitong tono sa sulat.
Wala pa sa loob na dinala ito sa kanyang labi at dinampian ng halik. At sa ginawang iyon tila ba si Nathan ang kanyang hinalikan.
Oh, how she missed him!
Nababaliw na nga siya. Crazy in love?
Tila nangarap ang kanyang mga mata sa pangingislap ng ihiga ang katawan sa kanyang kama dala-dala ang tarheta sa dibdib.
Kaya nga ba niyang lunukin ang lahat ng sinabi niya dito? Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata.
Ganun kadali?
Hindi niya dapat na isipin iyon ngayon dahil purong kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon at wala ibang bumabalakid sa kanyang dibdib kundi kakuntentuhan.
Ngayon lamang niya naranasan ang ganitong uri ng kaligayahan na nakayang tabunan o pagtakpan ang anumang sugat o pilat na nakabaon sa kanyang dibdib.
Nililipol nito ang mapapait niyang karanasan.
Wala pang sampung minuto bago mag-alas-otso ay handang-handa na siya.
Muli niyang hinagod ang kabuuan sa salamin. Satisfied na napangiti siya sa sarili.
Tila siya nagliliwanag sa kagandahan. Dulot ba iyon ng pagkikita nila ni Nathan. Muli siyang napangiti ng maluwang.
Bagay na bagay sa kanya ang golden beaded silk gown. Strapless ito na may katernong wrap around na inilagay niya sa kanyang balikat na ang kanang bahagi ay hindi niya tinakpan upang magkaroon ng mas seksi ngunit sopistikada pa ring effect. Humahapit ang hanggang talampakang gown sa kanyang katawan na lalong nagpakitid sa maliit niyang beywang.
Kasama sa gown ang katernong high heeled sandals na nagpadagdag sa kanyang tangkad.
She was so alluring and so chic.
At lalong naging seductive sa buhok nitong malinis na nakataas upang mas lalong tumingkad ang makinis at mala-dapit hapong kulay niyang balat sa batok.
Wala siyang ibang adorno sa katawan kundi isang simpleng dangling earrings.
She is like a goddess. A real heavenly golden beauty.
Tumunog ang door bell. Napahugot siya ng malalim na hininga bago dinampot ang kanyang matching purse. At muling sinulyapan ang sarili sa salamin bago tinungo ang pintuan.
Pareho silang napatda sa pagkakatingin sa isa’t isa ng pagbuksan ito ni Larina. Ni isa sa kanila ay hindi nakapagsalita.
Nakasuot ng mamahaling kulay itim na ternong suit ito at binagayan ng gintong kurbada na katulad na katulad ng sa kanya.
Tila lalong naging enigmatiko ang dating nito sa kanya. Nagpadagdag sa kapangyarihan at awtorisasyon ang midnight black suit nito ngunit hindi naman nagpapingas sa kakikisigan nito dahil mas lalo lamang lumakas ang dating nito.
“You are stunning. No, you are a heavenly temptress.” Namamalikmatang unang nagsalita ito bago ginagap ang kanyang kamay at dalhin ito sa kanyang labi.
Ngumiti siya ng mas nakakaakit na lalong ikinasiya ni Nathan.
“Thank you. You’re not so bad yourself.”
Nagsalubong ang kilay nito.
“That’s all you can say?”
“Shouldn’t you be thankful that I accepted your invitation without a fight?” ang panunudyo niya.
“Because you very well knew that I would dress you up myself if you will not.” Ang sagot nito sa nangingislap na mga mata. “But then again that’s not enough reason to insult me like this.”
“Actually, there is more…” ang pabulong niyang sabi ng ikawit niya ang kanyang kamay sa batok nito at dampian ito ng halik na siyang unang-una niyang dapat na ginawa kung hindi lamang siya napatulala dito kanina.
Alam niyang hindi iyon inaasahan ni Nathan ng mapatigil ito ngunit ng maglaon ay mahigpit na siya nitong niyakap at tinugunan ng mas mainit ang kanyang halik.
Sobra siyang nasabik dito kung kaya’t nakalimutan na niya ng tuluyan ang sarili.
She kissed him with familiar passion and without qualms.
At ng bumitaw siya dito ay mabibigat ang bawat pagpapakawala nila ng hininga.
“If you did not stop I’m afraid we can’t make it to the party.” Ang humihingal nitong sabi.
Hindi siya bumitaw sa pagkakakapit dito. Ang kanyang mga mata ay tila nasa limbo ng kawalan at nangangarap.
“Para saan ba ang party at bakit kailangan pa nating dumalo?” Ang tanong niya sa paraang tamad na tamad dahil gusto niyang mapagsolo na lamang sila nito.
Pilyong napangiti si Nathan na nahuhulalan ang iniisip niya.
“Don’t tempt me, my queen.” Parang nahihirapan ding sabi nito ng tanggalin ang pagkakawit ng kanyang kamay sa batok dito. “This isA very important event kailangang naroon tayo.”
“Para saan ba talaga?”
“It’s a surprise.” Misteryosong sabi nito ng hilahin na siya nito papalabas bago pa man magbago pareho ang kanilang isip.