Black Mafia 5: Zeff Lendez

By RHNA24

40.2K 1.3K 7

-Nightmare was the worst part of me. How could I escape it when my nightmare is infront of me?- Zeff Lendez i... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
EPILOGUE

CHAPTER 13

1.3K 52 0
By RHNA24

Jeralyn

"Wife, are you okay?"

Napabuntong hininga ako bago itigil ang ginagawa. Wala na naman ako sa sarili dahil sa nalaman ko.

How could I don't remember anything? Dahil ba ang bata ko pa noon?

"Yeah. I'm fine Zeff."

Nandito siya sa kompanya ko kasama ang mga bata. Though napag-usapan na namin na kumuha ng kasambahay para bantayan ang dalawa naming anak pero hindi siya pumayag.

Aniya gusto daw niyang kami mismo ang mag-aalaga. Sumang-ayon na din ako. Wala naman akong magagawa.

"You don't look fine in me. Tell me, is there any problem?" Usisa niya habang nakasandal sa lamesa ko.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nag-iisip kung dapat ko bang sabihin.

"I'm really fine Zeff. May iniisip lang ako." Tugon ko na lamang.

"Hmm. I think you wouldn't tell me what your thinking even if I force you." Napabuntong hininga siya. "I'll just wait for it." Aniya bago umuklo at hinalikan ako sa noo.

Napatango lang ako habang tinatanaw siya na puntahan ang mga bata sa sofa na kumakain. Lunch time na ngayon at kahit anong pilit ko sa sarili ko na kumain ay wala talaga akong gana.

Kanina pa din ako pinipilit ni Zeff pero sa huli sumusuko na din siya. Kaya hindi din siya kumain hangga't hindi ako kakain.

My mind is in turmoil. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong resolbahin. Ang dami ko ng nalalaman na mas lalo lang nakakapagdagdag ng bigat sa aking ulo.

I need to seriously talk to that girl named Eunice. Alam kong marami siyang alam.

Matapos kasi naming mag-usap ay mabilis akong umalis. Lumipas na ang isang araw at pakiramdam ko parang kanina ko lang nalaman ang balitang sinabi niya.

"Mommy."

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang kinalabit ako ni Nicole. Umayos ako ng upo sa swivel chair at tinutukan siya.

"May kailangan ka ba baby?"

Nanulis ang kanyang nguso at napatungo. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba dahil malungkot ang kanyang mukha.

Binuhat ko siya saka paharap na pinaupo sa aking hita. Nanatili lang siyang nakatungo kaya napabuntong hininga ako.

Something is wrong with my baby.

"Ano po kasi.."

Hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sinasabi. Mukhang kinakabahan siya at base na din sa kanyang pagtungo ay hindi niya kayang sabihin ito.

Inangat ko ang kanyang mukha gamit ang hintuturo ko. "Tell me. May gusto ka bang sabihin kay mommy? Wag kang matakot baby. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong sabihin sa akin."

Nanulis ang kanyang nguso bago nagsalita. "Kasi po, may kaibigan ako and she said na kapag ampon daw, hindi daw sila totoong mahal nung nag-ampon sa kanila. Totoo po ba yun mommy?"

"Of course not." Mabilis kong sagot nang mapansin ko ang namumula niyang mata. She's close to tears. "hindi yan totoo baby. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo. Wag mo yang intindihin, okay? Always put in your mind na kahit hindi ka namin totoong anak, pero dito sa puso't isip namin, anak ka namin. Mahal ka namin. Walang basehan sa pagmamahal. Wag mo yan yung isipin ang ngumiti kana lang. Okay?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Kagaya ng pagmamahal sa akin ng mga magulang ko kung totoo nga ba akong ampon. Then I won't regret even a single thing na inampon nila ako. Dahil ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin.

Nakangusong tumango siya. "Opo mommy. Natakot lang naman po ako sa sinabi nung kalaro ko. Baka po kasi totoo."

Aww, my baby.

Hinalikan ko ang kanyang noo saka siya pinakatitigan sa mata. "Wag kang matakot anak. Nandito lang naman kami ng daddy mo. Saka palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mahal na mahal ka namin. Kayo ng kuya niyo. Kaya wag ka ng matakot, okay? Kung natatakot ka, sabihan mo lang si mommy. Aalisin natin ang takot mo."

Tumango-tango siya saka yumakap sa akin. Hinaplos ko ang kanyang likod upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

Ayokong ganito ang mga anak ko. Pakiramdam ko pati ako ay nalulungkot. Though, malungkot naman talaga ako pero kapag nakikita kong ganito ang aking anak, parang mas malala.

Napatingin ako sa aking phone ng mag beep ito. Kinuha ko ito at binasa ang isang text na galing kay.. Zeff?

From: Zeff

What's wrong?

Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa sofa habang katabi si Kenneth n kumakain. Nasa kamay niya ang kanyang phone.

Mabilis ko siyang nireplyan. Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

To: Zeff

I'll tell you later.

Then I hit the send button.

Napatingin ako sa kanya na may binasa sa kanyang phone. Saka siya kunot noong tumingin sa akin.

I just smiled at him to reassure him. Napabuntong hininga siya bago pagtounan ng pansin si Kenneth.

"Baby, hindi kaba nagugutom?" Tanong ko sa aking anak na nakayakap parin sa akin.

"Hindi po mommy. Kanina pa po ako busog." Tugon niya.

Hindi na ako nagsalita at patuloy lang na hinahaplos ang kanyang likod o kaya ang kanyang buhok.

Ilang minuto kong ginagawa yun nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya. Natawa ako ng mahina bago dahan-dagan na kinarga si Nicole.

Inilipat ko siya sa kama kung saan kasya siya. Mabuti nalang at hindi nagising ang bata. Gumalaw lang ito ng kaunti pero hindi nagising.

"She looks tired." Narinig kong sabi ni Zeff na nasa tabi ko.

Pareho naming pinagmamasdan ang natutulog na si Nicole.

"She really is." Sagot ko.

Ilang minuto pa namin siyang pinagmasdan nang mapagpasyahan kong umupo sa pang-isahang sofa at kinuha ang order ni Zeff na pagkain na para sa aming lahat.

"Kumain kana Zeff. Sana hindi mo nalang ako hinintay kanina." Ani ko sa kanya na katabi si Kenneth na tahimik na naglalaro sa cellphone niya.

"It's okay. Hindi pa naman ako nagugutom. Kahit naman akong gawin mong pilit sa akin, hindi ko gagawin hangga't hindi ka din kumakain. Didn't you get it? I'm worried."

Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Nakatitig siya sa akin at matiim na nakatingin sa aking mga mata.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Tipid akong napangiti kahit sa loob loob ko ay para na akong mag ha-hyperventilate.

"Nag-alala ka pa talaga sa akin." Tatawa-tawang ani ko habang ang paningin ay nasa pagkain ko.

"Of course I do. Your my wife after all."

Muntik ko ng hindi malunok ang kinakain ko. Kahit ilang beses na siyang nagsasalita ng mga ganung bagay sa akin, hindi ko parin maiwasan na magulat.

I'm just not used to it. Hindi lang ako sanay sa pagiging.. sweet niya.

Pwes masanay kana ngayon.

Yeah right. Mukhang simula ngayon sasanayin ko na ang sarili ko.

Hindi na ulit ako nagsalita at mabilis na inubos ang kinakain ko. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko.

Na gi-guilty tuloy ako dahil hinintay pa ako ni Zeff. I'm sure gutom na gutom na din siya.

Kasalanan ko bang na mo-mroblema ako?

Kaya hangga't maaga pa, babalik ako sa ampunan at tatanungin si Eunice kung ano ang totoong nangyari.

Pakiramdam ko may alam din ang mga madre duon. Lalo na si mother Lucita.

Nang matapos ako sa pagkain ay ako na mismo ang nagligpit ng mga kalat. Napatingin ako kay Kenneth na ngayon ay natutulog na at nakaunan sa hita ni Zeff. Hinahaplos ang ulo ng bata upang maging mapayapa ang tulog.

Hindi ko sila inistorbo at nilinis nalang ang kalat sa lamesa. Itinapon ko ito sa trash bag bago naghugas ng kamay.

"Zeff, pwede bang maiwan muna kita dito kasama ang mga bata?" Hingi ko ng pabor kay Zeff nang lumapit ako sa kanya.

Sinadya kong hinaan ang aking boses dahil baka magising ang mga bata.

"Why? Saan ka pupunta?"

Bahagya kong kinagat ang aking labi dahil sa seryosong boses ni Zeff. Pakiramdam ko kapag hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo ay hindi niya ako papayagan.

"Ahm.. kasi. May pupuntahan ko sa bahay ampunan. May kailangan lang akong malaman." Tugon ko. Though totoo naman talagang may kailangan akong malaman.

Dahan-dahan niyang inalalayan ang ulo ni Kenneth paalis sa kanyang hita. Saka niya maayos na ipinahiga ang bata sa sofa.

"Anong gusto mong malaman?" Tanong niya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.

Hindi ko pwedeng sabihin sayo ngayon. Kailangan ko pang makasiguro.

"Saka ko na sasabihin sayo kapag alam ko na ang totoo. Sa ngayon kailangan ko ng umalis."

Hindi siya tumugon at nanatiling nakatingin sa akin. Mukhang hindi talaga siya papayag sa gusto ko. Sa bagay, may trabaho din naman kasi siyang tatapusin at kail—

"Okay. Just be back safely." Putol niya sa akmang sasabihin ko saka ako hinapit palapit sa kanya upang halikan ako sa noo.

Tumango ako s kanyang sinabi. "I will. May kailangan lang talaga akong kompirmahin. Don't worry, sasabihin ko din naman sayo." Soon.

Bumuntong hiningang tumingin siya sa akin. "By the look in your eyes, I know it's important." Aniya saka tipid na ngumiti. "and I don't want to stop you from doing this. Just come back to me. Understood?"

Napapangiting tumango ako sa kanya. "Hindi ko pababayaan ang sarili ko para sayo. I will keep my self away in danger, Zeff. Promise, babalik ako sayo ng walang gasgas."

Mahina siyang natawa sa aking sinabi pero napangiti naman. "I know you will."

I slowly smile a little when he claim fully my lips. I instantly wrap my hands on his neck and respond to his hot kiss.

At bago pa lumalim ang halik namin ay ako na mismo ang pumutol nito. Natawa nalang ako dahil nanulis ang nguso ni Zeff. Para talagang bata.

"Control your self Zeff. Kailangan ko ng umalis." Pigil ko sa kanya.

Napabuntong hiningang hinalikan niya ako sa noo. "Fine. But, can I have it later?" Naka pout na wika niya.

Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Bakit ba hindi ako maka hindi sa kanya kapag ganito siya?

"Fine." Pagpayag ko nalamang.

"Yes!"

Tinawanan ko lang siya na parang bata na binilhan ng maraming chocolate ng kanyang magulang.

Napapailing na kinuha ko ang aking bag at phone bago lumabas sa opisina.

Wala na akong sinayang na oras dahil gusto ko ng malaman ang totoong nangyari. Ang totoong ako. Ang totoong pinagmulan ko.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na din ko sa bahay ampunan. Dere-deretso lang ako sa pagtakbo sa loob at hindi na pinansin ang mga batang tinatawag ang pangalan ko.

I'm sorry kids. Nagmamadali kasi ang ate niyo.

Huminto ako sa pagtakbo nang may makasalubong akong isang madre. Hindi ko siya kilala at mukhang bago lang siya dito.

"Excuse me mother. May kilala po ba kayong Eunice dito? Matanda po siya sa akin ng isang taon." Hinihingal na tanong ko sa madre.

"Kung hindi ako nagkakamali, mukhang nasa silid aklatan siya ng mga bata."

Napatango-tango ako at agad na nagpasalamat bago tumakbo sa library ng mga bata.

Duon ay naabutan ko siyang nagbabasa ng libro na tumigil din dahil sa pagpasok ko.

"Jeral—"

"Eunice. Sabihin mo sa akin ang totoo.  Ang lahat-lahat. Mula nung bata pa tayo." Pagputol ko sa kanya saka naglakad palapit sa kanya at naupo.

Napabuntong hininga siya bago isinara ang librong binabasa niya.

"Sa tingin ko mukhang wala ka talagang alam." Panimula niya. "gusto mo ba talagang malaman ang totoo?"

Mabilis akong tumango sa kanyang sinabi. "Yes. Gusto kong malaman ang katotohanan. Kahit masakit tanggapin at kakayanin ko."

Napabuntong hininga ulit siya bago ibinuka ang bibig upang magsalita.

"Dalawang taon ka palang noon nang mapunta ka dito sa bahay ampunan. Tatlong taon palang ako noon pero sariwa parin sa isip ko ang nangyari. Ayon kay mother, namatay ang totoo mong mga magulang dahil sa sunod. Ikaw lang ang naisalba. Ako palagi noon ang nagbabantay sayo. Close na close tayo noon na minsan ay hindi mapaghiwalay. Hanggang sa mag three years old ka, dumating si Mr. and Mrs. Cuevas. Inampon ka nila dahil may problema sa matris si Mrs. Cuevas kaya wala silang anak. Matinding lungkot ang naramdaman ko noong mawalay ka sa amin. Sa akin. Agad ka kasing kinuha at mula noon ay hindi na kita nakita. Na ampon din kasi ako ng isang mayamang pamilya at ngayon lang ako nakabalik ulit dito." Mahabang litanya niya bago napabuntong hininga. "may gusto ko pang malaman?"

Unti-unti, napatungo ako sa kanyang sinabi. Hindi ko ma absorb ang lahat ng katotohanan tungkol sa akin. Pero tanggap ko. Tanggap ko ang lahat. Hindi ko inaakala na ito talaga ang totoong istorya ng buhay ko.

Napapalunok na tumingin ako sa kanya. "K-Kung namatay ang totoo kong mga magulang sa sunog, wala ba silang ibang kapamilya na balak na umampon sa akin? Kung sakali?"

Malungkot na umiling siya sa akin. "Nakakalungkot mang aminin, pero iyon ang sinabi ni mother. Kaya ka nga napunta dito sa bahay ampunan."

Pakiramdam ko may malaking nakabara sa aking lalamunan kung kaya't hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi.

Naging malabo ang paningin ko at batid kong naluluha na ako.

Should I thank them dahil na ngayon ay na ampon ako?

Yung mismong kadugo at kapamilya ko pa, sila pa ang tumangging' ampunin ako. Ang sakit lang isipin.

"M-May alam ba si mother.. kung saan nakatira ang relatives ng totoo kong pamilya?" Tanong ko kahit nahihirapan akong magsalita.

"Sa tingin ko may alam siya. Pero para makasiguro ka, tanungin mo nalang siya." Sagot niya saka pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang ginawa. Kahit ilang taon na ang lumipas ay alam kong sariwang-sariwa parin sa isip niya ang memorya naming dalawa noon.

Hindi ko man ito maalala, atleast nalaman kong may maituturing akong ate katulad niya.

"Salamat Eunice. Kung hindi ka dumating, baka hindi ko pa malalaman ang katotohanan." Usal ko nang hindi na ako umiiyak.

Ngumiti siya sa akin ng matipid. "Walang anuman yun Jeralyn. Mukhang hindi sinabi ng iyong Ina ang katotohanan tungkol sayo. I think iniiwasan lang nilang masaktan ka."

Napatango-tango ako sa kanyang sinabi. "Mukhang tama ka. My family is overprotective in me. They love me and I know they can't stand seeing me hurting."

"Kaya wag ka ng malungkot. Sa tingin mo matutuwa ang magulang mo sa heaven?" Tanong niya.

Sang-ayon ako sa kanyang sinabi. Alam kong hindi matutuwa ang mga magulang ko kapag nakikita nila akong nasasaktan.

That's the last thing they wish to see me.

At hindi na din nakakapagtaka na alam ni Eunice ang tungkol sa pagkamatay ng magulang ko.

"Tara na. Kailangan kong tanungin si mother tungkol dito."

Tumango siya sa akin bago kami tumayo at naglakad palabas.

Konti nalang. Kapag may lakas na ako ng loob. Malalaman ko na din kung sino ang nagtapay sa mom at dad ko.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

07-21-20

Continue Reading

You'll Also Like

61M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
208K 3.4K 41
Scarlet Ashley Marion Mosley Ysidro known as Scarlet Fontanilla. A girl lost in the middle of nowhere, undefined. *Scarlet* I don't know who I am, W...
104K 2.5K 27
Ang kwentong ito ay hango sa kathang isip lamang at kung sakali mang may pagkakahawig ang mga karakter sa kwentong ito sa ibang kwento ay hindi po si...
2.3K 110 23
[Sequel story of I'm inlove with my boss] [Zaina and Prince Story] [Another Love Story] May iba't-ibang para...