Raid Boys Series 1: Taming Mr...

By Lemonade_Aion

180K 9.7K 1.2K

Andy Domingo was a simple and discreet gay. He has quite and good personality na gustong-gusto ng ibang tao... More

Introduction
Taming Mr. Seven
Prolouge
Taming 1
Taming 2
Taming 4
Not Update
Taming 5
Taming 6
Taming 7
Taming 8
Announcement
Taming 9
Taming 10
Taming 11
Taming 12
Taming 13
Taming 14
Taming 15
Taming 16
Taming 17
Taming 18
Taming 19
Taming 20
Taming 21
Taming 22
Taming 23
Taming 24
Taming 25
Taming 26
Taming 27
Taming 28
Taming 29
Taming 30
Taming 31
Taming 32
Taming 33
Taming 34
Taming 35
Taming 36
Taming 37
Taming 38
Taming 39
Taming 40
Taming 41
Taming 42
Taming 43
Taming 44
Taming 45
Taming 46
Taming 47
Taming 48
Taming 49
Taming 50
Taming 51
Epilogue
Thanks Letter
Side Stories!
Announcement!
Notice

Taming 3

4.3K 259 48
By Lemonade_Aion

T a m i n g  3: Meet the two brothers

ANDY'S Point Of View


Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang mga empleyadong may kanya- kanyang ginagawa. Mayroon sa desk, mayroon namang janitor na dalawa  na naglilinis ng sahig. Mayroon ding mga empleyadong parito't-paroon. Mga abala sa kanilang oras.




"Ah sir? Empleyado po ba kayo dito? Kung hindi, ano po bang kailangan niyo?" Tanong ni Manong Guard sa akin. Tumabi naman ako sa gilid dahil baka makaabala ako sa mga papasok sa pintuan.


"Mag-aapply sana ako dito..ito oh," saad ko sabay labas ng papel na kanilang karatula. Ipinakita ko sa kanya na kanya namang sinuri.



Matagal naman siyang tumitig dito pagkatapos ay sandaling tumitig sa akin saka muling bumalik sa papel na hawak ko. "Sure ka sir? Nako," aniya. Ikinuot ito ng aking noo. "Kung mag-aapply kayo, doon ka pumunta muna sa desk na babae," dagdag niya pa sabay turo sa babaeng abala sa pagsusulat.



Mabilis akong lumapit sa babae. Medyo nahiya pa ako dahil mukhang pressured siya sa sinusulat. "Miss? Miss mag-aapply sana ako," tawag ko dito.



Umangat ang kanyang ulo at diretso akong tinignan. "Ayy hi, ano uli yun?"



"Mag- aapply ako sana bilang assistant...nakita ko kasi na naghahanap kayo?"



Tumango siya. "Ahh oo, pero.. sure ka? Hindi ka na aatras?" Paninigurado niya. "May pagkakataon ka pang umatras." Isinayos niya ang kasuotan na butones pati na ang suot niyang salamin sa mata. Nagtaka ako sa kanyang sinabi dahil parang ayaw niya akong mag-apply sa kanilang kompanya.



"Ahmm hindi na ako aatras..bakit? May mga nauna na ba sa akin?" Tanong ko. Kumalabog din ang aking dibdib dahil mukhang hindi na naman ako matatanggap sa trabaho.



Wag naman sana..arghh!



"Ay oo pero umatras din sila, kaya tinatanong kita dahil baka mamaya eh kung kailan nasa loob na tayo ng office ni sir ay umatras ka," aniya. Sinuri niya din ako mula hanggang ulo. "Well, hindi ka namang mukhang aatras eh."



Tumango ako. "Kailangang-kailangan ko talaga ng trabaho kaya kahit anong mangyari titiisin ko na lang."



"Hmmm." Saglit siyang nag-isip saka tumingin sa kanyang relo. "Ahh it's 7:45 pa naman, wait ka lang doon sa upuan." Sabay turo sa isang upuan na malapit sa kanya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanyang sinabi. Pagkaupong-upo ko ay napahinga ako ng malalim atsaka tumingala sa mataas na chandelier.



Sana matanggap na ako dito...



"Bukas ang bar ko kung hindi ka man tanggapin sa kompanyang iyan." Naalala kong sabi sa akin ni Alex bago ito umalis. Sa totoo lang muntik na akong maiyak sa kanyang sinabi dahil hindi pa naman kami ganoon ka-close pero parang matagal na kaming magkaibigan. Napakabait niyang tao. Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at binuksan. Agad kong pinindot ang Mobile Data at nagbukas ng Facebook account. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa ganito.



Si Kuya lang naman nagturo sa akin dahil noong nagtatrabaho siya ay nakikipag-video call siya sa akin gabi-gabi bago ako matulog. Nagscroll-down ako ng nagscroll-down. Wala akong ibang makita kundi ang mga picture ng mga dati kong kaklase na may kanya-kanya nang trabaho. Ang iba sa kanila ay nasa abroad habang ang iba naman ay dito lamang sa pilipinas.



Napabuntong-hininga ako.




Bigla namang may nag-pop up na number 1 sa aking friend request ko. Agad ko itong pinindot at nakitang nag send sakin ng friend request si Sir Alex. Napangiti ako dahil Alex Jules pala ang buo niyang pangalan. Pinindot ko naman ito at inistalk. Hindi kasi ako nang-aaccept agad kung hindi ko gagawin. Isa kasi  ito sa mga turo ni kuya nang turuan niya ako sa social media.



Pinindot ko muna ang mga pictures. Nakita ko ang mga picture niya sa isang beach. Compile iyon at iisa lang ang caption na may nakalagay na "I'm ready to go in your heart baby". Wala siyang pang-itaas na suot kaya kita ang abs na halatang alagang-alaga. Sakto lamang iyon pero sobrang bagay sa kanya. Pinindot ko ang accept button dito bago magsara muli ng data at muling itinago ang cellphone sa aking bulsa.


"Ay Mr. 8:00 na tara na po," rinig na tawag sa akin ng kaninang babae sa desk. Tumango ako at tumayo. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Naglakad kami sa isang hallway kung saan sa bawat gilid ay may mga opisina at laman nu'n ang mga empleyadong nagtatrabaho sa kanilang kompanya.


"Like we said sa paper, kailangan namin ng iyong bio-data at long patience, so you're ready na?" Tanong niya.



"Yes Miss."



"Ahh! before i forgot, I'm Miss Alice and you are?" Inabot nito ang kanyang kamay. Mabilis ko naman itong tinanggap at nakipagshake-hands sa kanya.


"Andy po."


"So Andy, you're ready na ha?" Tanong niyang muli. Nasa tapat na kami ng isang elevator. "Nako wag mo sanang isipin na ayaw ko sayo dahil unang-una mukha ka namang may potential, pero i'm warning you lang kasi."



Bumukas ang pintuan ng elevator at agad kami sumakay doon. Kumunot naman ako sa kanyang sinabi dahil mukhang napakaseryoso ng pagkakasabi niya. Hindi naman siguro nangangain ang boss nila dito hindi ba?. "P-po?"



Huminga muna siya bago ako hinarap. "Sana ikaw na yung magtatagal kay Boss bilang assistant, kaya nga kailangan namin ng long patience," Huling saad niya bago bumukas ang pintuan. Naalala kong 3rd floor nga pala gaganapin ang pag-aapplyan ko. Napapikit ako't bumulong ng..


"Lord, Tay..gabayan niyo ho ako.."



Mabilis ang lakad na aming ginawa kaya narating namin agad ang sinasabi nilang office ng kanilang Boss. Tinignan ko ang kulay gintong bakal na nakadikit sa pintuan. Nakalagay doon ang pangalang 'Mr. Seven's Office'. Sigurong siya ang magiging boss ko, yun ay kung matatanggap niya ako. Kumatok muna si Ms. Alice.



"Sir? Sir andito na po yung mag-aapply," tawag niya. Ngunit walang sumasagot. Umulit siya ng katok ngunit wala pa ring sumagot kaya dahan-dahan niyang pinihit pabukas ang pintuan. Bumukas iyon. Bahagya siyang sumilip at tuluyan nang pumasok. Sumunod naman ako sa kanya at sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng panlalaking body spray. Mukhang katulad ng kay Alex.



Lumapit si Ms. Alice sa desk ng kanilang Boss. May sulat doong naiwan bukod sa mga papel na may patong na mabigat na bagay upang hindi liparin. Kinuha niya ito at binasa ng malakas.





"Dear someone.

I'm leaving office early because of some important things. Kung may may pupunta o what ever na mahalaga, pakisabing i'll be right back in 10:00 am.

Mr. Seven.




Tumingin sa akin si Ms. Alice. "Ohh, wala pala si sir..pero don't worry babalik siya so may time ka pang mag ikot-ikot muna kung saan-saan dahil baka mabored ka dito, pero bumalik ka ng 10 ok?" Saad niya.



Tumango na lamang ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman. Mukhang may oras pa ako para pag-handaan ang mangyayaring interview mamaya. Muli kaming naglakad patungo sa elevator at bumaba sa ground floor. Pinaalala muli ni Ms. Alice ang time sa akin bago ito bumalik sa kanyang desk habang ako ay lumabas muna dala ang ngiti sa aking labi.



Muli akong naglakad-lakad dahil nais kong magpunta muna sa mall kung saan madalas akong dalhin noon ni Kuya at doon bilhan ng mga gamit o di kaya'y mga luho kong bagay. Nadaanan ko pa ang mga establishimentong pinasukan ko kahapon. Sa Tastely ay nakita kong punong-puno ito ng tao ngayon. Naisip kong baka kung ako ang pumasok diyan ay nalugi na sila. Siguradong magaling na chef ang natanggap sa pinag-applyan kong trabaho.


Nadaanan ko din ang Moonstruck bar. Nalaman kong wala doon si Alex dahil akmang papasok ako at kakamustahin sana siya. Ang tanging andoon ay ang kanyang mga empleyado na naglilinis at nag-aayos ng  mesa't upuan. Muli akong naglakad hanggang sa madaanan ko ang huli kong pinasukan. Nagulat ako ng may nagsisigaw na lumabas mula roon. Siya ang babaeng ngumisi sa akin. Gulo-gulo ang kanyang buhok na halatang nakipagsabunutan. Gusot din ang kanyang suot na unipormeng pangtrabaho.


"Hinding-hindi na ko babalik sa bulok niyong opisina!" Singhal niya dito bago lisanin ang lugar na iyon. Nahuli niya naman akong nakatingin sa kanya. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?!"



Umiling na lamang ako at naglakad na muli upang makapunta na sa Mall.




***



SEVEN'S Point Of View


"Sir? Saan po ang susunod nating pupuntahan?" Tanong ng driver ko. Nakatingin lamang ako sa labas habang walang reaksyon na tinitignan naman ang mga building na naglalakihan.



"Sa Mall nalang muna gusto ko magrelax," saad ko. Nakita kong tumango siya at binilisan pa ang pagda- drive.  Gustong-gusto ko magalit ngayon at manapak, that's because gusto ko muna maglibang. Naalala ko na naman ang nakakalokong mukha ng magaling kong Kuya. Damn! He like a demon who came from fucking hell!


Nakikiepal na naman siya sa business ko. Kahit alam niyang pinaghirapan ko ito nang hindi humihingi ng tulong sa magagaling kong magulang ay pinakielama niya pa rin. Ayokong magkaroon ng eskandalo kanina sa restaurant na pinuntahan ko kaya umalis na lang ako at hindi na siya sinagot. Dahil masisisi na naman ako sa bahay pag nagkataon.



How ironic tsk!



Well, it is because of the good images. "Good personalities" ang gusto nilang ipakita sa publiko. Baka raw bawiin ang  award na " Most Good Personality". Ibinigay iyon kay Daddy nang minsan siyang makipag-kita sa mga CEO ng malalaking company sa Asia Continent. Napaka-plastic naman kung ganun.


Napa-iling na lang ako.


Bigla akong nagulat nang mapapreno ng malakas ang  Driver ko. Napasubsob naman ako sa back seat niya kaya lalong nag-init ang ulo ko. Lumabas naman si Manong upang sabihan ang lalaking muntik nang mabangga ng kotse ko. Bigla rin akong lumabas at hinarap ang lalaking balak atang magpa- kamatay. Nakasuot ito ng pangtrabaho at halatang gulat na gulat sa nangyari.




"Hey! What's your fucking problem?! Kung balak mong mag suicide wag dito, doon sa mall sa rooftop tumalon ka!" I shouted. Napayuko ito sa hiya. Bigla kong naalala na ayoko pa lang gumawa ng eskandalo. "Next time, don't push yourself sa mga gantong suicide dahil may maabala ka pang tao ok?!"


Tumango ito ng dahan-dahan at tumabi na lamang habang nakayuko pa rin.



Damn! Mas lalong nag-iinit ang ulo ko.



"Manong pakibalik na lang sa office nawala ako sa mood."




Agad namang iniliko ni Manong ang Kotse sa daanan papunta sa company ko. "Ok sir."






ANDY'S Point Of View




Hiyang-hiya ako sa aking nagawa. Dahil sa excited kong makita muli ang mall ay hindi ko na natignan na may paparating pa lang kotse. Muntik na akong mamatay sa takot dahil doon. Pero mas mamamatay ako sa lalaking minura at minaliit ako. Akala niya pa na magpapakamatay ako dahil sa nagawa ko. Hindi na lamang ako sumagot dahil mukhang mayaman ito. Baka mamaya ay ipapulis pa ako.



Tumingala ako sa Mall at nagpasyang bumalik na lamang sa pinag-applyan ko dahil nawala ang nararamdaman kong excite nang dahil doon. Tahimik akong naglakad pabalik. Balak ko sanang sumakay na lamang dahil nakaramdam din ako ng pagod at hingal  pero pagkakasyahin ko pa ang baon ko.



Mabuti na lang at naging mabilis ang oras ng makabalik ako. Sa dami ng taong nasalubong ko ay medyo napawisan din ako kaya agad ko itong pinunasan dahil baka bawal ang ganoong itsura lalo na't haharap ako sa mayamang tao. Pagkapasok ko doon ay saktong palabas na si Ms. Alice.



"Hey, saktong-saktong andito ka na..andito na din si Sir," saad niya. "Pero mukhang mainit ang ulo kaya sana ihanda mo na ang long patience mo," dagdag niya pa.



Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam sa dibdib ko. Parang may nag-uunahang kabayo sa loob nu'n. Naglakad kaming muli sa kanina naming dinaanan. Hindi ko alam pero parang hinihila ako ng opisina ng kanilang boss kaya medyo nauuna akong maglakad sa kasabay ko.




Nang makarating ay muling kumatok si Ms. Alice. This time ay may sumagot na.



"Pasok!"



Bahagyang binuksan nito ang pintuan. Nakatalikod ang  swivel chair ng Boss nila kaya medyo kinabahan na ko lalo. Parang aatakihin ako sa puso.



"Don't worry sasamahan kita," pabulong na sabi ni Ms. Alice. "Sir andito na po yung mag-aapply sa inyo bilang assistant."



"Sure na ba siya sa napili niyang position Ms. Alice?" Tanong nito. Napatingin ako sa kasama ko dahil mukhang pamilyar ang kanyang boses. Mukhang narinig ko na.



"Yes sir, sure na daw siya."




Mabilis nitong inikot paharap ang kinauupuan at tumambad sa akin ang lalaking kanina lamang ay muntik nang makabangga sa akin. B-bakit sa lahat siya pa ang makakasalamuha ko? Hays.



Tumingin ito sa akin na bahagyang nakakunot ang mga noo pero nawala din ito. Walang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Kaya naman yumuko ako dahil alam ko na ang isasagot niya sa akin.




"Well, pakisabi dyan sa kasama mo Alice..ayoko ng tatanga-tanga at walang utak kaya i'm sorry hindi ko siya tatanggapin." Walang gana niyang sabi. Napapikit ako habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.




"O-ok sir.." saad ni Ms. Alice saka ako inalalayang palabas ng kwartong iyon. "Pasensiya ka na Andy.." pabulong na dagdag nito sa akin.




***




Malungkot akong naglalakad papunta kung saan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Basta ang alam ko'y muli akong pinanghihinaan ng loob. Parang gustong-gusto kong umiyak dahil sa nangyari. Naiisip ko na naman sila Nanay at Kuya.



Paano na? Nagsinungaling ako sa kanila na may natanggap akong trabaho kahit na wala. Parang ayaw na talaga sa akin ng tadhana, mukhang hindi ko maipapagamot si Kuya.



Uuwi pa ba ako sa bahay? May maihaharap pa ba akong mukha sa kanila?




Hindi ko alam pero nakarating pala ako sa Mall na dapat kong pupuntahan kanina. Naalala ko na naman ang senaryo kung paano niya ako murahin hanggang sa pag-asa ko'y nawala.


Ang tanga-tanga mo Andy! Ang tanga-tanga mo kahit kailan! Hindi ka na bata kaya umakto ka sa totoo mong gulang!




Napaupo ako sa isang bench doon at hindi ko na napigilang umiyak habang nakayuko. Wala na akong pake sa mga makakakita sa akin. Basta ang alam ko, wala na kong pag-asa. Mukhang umaayon na lang ang panahon sa kagustuhan ng Kuya ko.



Natahimik ako ng biglang may panyong tumapat sa akin. Sakto namang tumulo doon ang luha ko kaya agad ko itong kinuha at ipinampunas sa mata ko. Nang maging ayos na ay ininangat ko ang aking mukha at nakitang pagmamay-ari iyon ng isang lalaki na nakapormal din tulad ng kaninang lalaki na nangreject sa akin.



Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil mayaman pala ang nag-abot sakin ng panyo na hawak ko. "H-hala pasensiya na po, ahmm bibili na lang po ako ng bago mukhang nadumihan ko na po itong mamahaling scarf."



"No, no it's ok," saad niya. Napatingin ako sa kanyang mukha at nakita kong ngumiti ito sa akin. "Why are you crying? Kanina pa kita napapansin."





Mabilis akong umiling. "Nireject lang po ako sa trabaho..pero ayos na ko." Sagot ko.




"Are you sure? By the way I'm Rico..Rico Corporal..And you are?" Iniabot nito ang kanyang kamay sa akin.





"A-andy po," sagot ko sabay tanggap ng kanyang kamay.





Natulala ako. Ano? Corporal? Teka..hindi kaya..








Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1K 21
Started writing April 10,2023 Finished writing April 12, 2023 AUGUST SEASON 2 (BXB) Napatunghay ako sa papalayong tren. Sa mga luntian at tuyong da...
1.6K 100 23
Lucas Ariston Del Fuego is not just a typical famous actor, Not just a businessman, but an asshole who force to become a Jonvince Kim husband Vince i...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
63.7K 3.4K 28
[BXB] [MPREG] [COMPLETED] Si Cryle ay hamak na bakla lamang, mahirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ano ang mangyayari sa kanya? Paano kung mala...