Midnight Angels: The War

By SinisterSnow

347K 16.2K 6.8K

[COMPLETE] "Welcome to the war." [Team Alpha: Second Generation Part 2] More

Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Special #1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Special #2
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Special #3
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Special #4
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Last Chapter
Epilogue
Special Scenarios
NOTE

Chapter 59

3.4K 213 67
By SinisterSnow

'Rebellion Party'


Parang tumigil ang mundo ni Reed dahil sa narinig niya. Zia saw how Reed's arms started glowing into an azure glow. Hinawakan niya nalang ang balikat ni Reed nung akma itong kikilos at parang may balak na puntahan kaagad si Uno.


"You'll have your turn, Reed,"
sabi ni Zia sa kanya at tinapik muli ang balikat nito.


Walang ibang nagawa si Reed kundi ang bumalik sa tabi nina Audin. Agad na humawak si Audin sa braso ni Reed at tiningnan ito. Reed didn't say a word but his expression already gave a hint kung ano man ang ginawa ni Uno.

Wilder was still in the battlefield, dodging Five's fire at pinagkumpas ang mga kamay niya para bugahan ng malakas na hangin si Five. Five was almost blown away when Wilder attacked her and Five's fire also went out because of Wilder's wind.


Habang naglalaban naman sina Wilder ay tumatakbo si Ten papunta sa gilid ni Four kung saan siya sinalubong ni Blu at isang simpleng galaw lang ay sinuntok ni Blu ang sikmura niya. Ten had to pause for a second as he coughed out blood tsaka siya napaluhod.

Blu slowly guided her body on the ground dahil nakahawak parin si Ten sa braso ni Blu.


"A little bit harsh, Van Saint."
Archer commented.


Tinapik ni Blu ang likod ni Ten at hinila ito papunta sa gilid nung nagpalit na ng anyo sina Four at Ash.


"Fuck, I'm sorry,"
sabi ni Blu at pinasandal si Ten sa malaking bato dun sa gilid. Lucas and the others got weirded out when Blu apologized to Ten at dun lang nila nalaman na pati pala spinal cord nito ay naabot ng suntok ni Blu dahilan para mabali ito.

Nine and others gasped at what they saw.


Ten, their fastest and strongest member got taken down by Dimitri Blu Van Saint within seconds using a single punch.


"I'm really sorry,"
sabi ulit ni Blu at tiningnan si Audin na nakatingin sa kanya. Agad na kumilos si Audin kaya mas lalong kumunot ang noo nina Lucas. Audin ran towards their direction at tiningnan ang kalagayan ni Ten.

Nine also arrived at nagdadalawang-isip pa kung lalapit siya dahil baka mangyari sa kanya ang nangyari kay Ten.


"I-It's okay. I'm really sorry. I couldn't control my strength,"
sabi ni Blu at ginulo ang buhok dahil sa inis.

Nine looked confused. Blu was their enemy and he just apologized for not controlling his strength and for hurting Ten. Nine didn't know what to do kaya tumingin siya sa gawi ni Uno na nasa unahan lang ang tingin.


"Bakit kasi nilakasan mo? Alam mong babae ang kaharap mo,"
sabi ni Audin at hinawi si Blu tsaka tiningnan ang katawan ni Ten.


"Gusto mo pa bang makalakad?"
Tanong ni Audin sa kanya pero hindi na nakasagot si Ten dahil parang nawalan na ito ng malay at iba narin ang hugit ng spinal cord nito. Blu palmed his face while Audin looked at the Elenor guards on the side.

Tinawag niya ang apat sa mga 'to at naguguluhan naman itong sumunod sa kanya papunta dun sa gilid kung saan nandun si Ten.


"Her spinal cord is broken. Sir Milo and King Duke once mentioned that if we need immediate medical assistance, Elenor can help. Dalhin niyo po siya sa Elenor."
Dahil sa sinabi ni Audin ay nagsidatingin narin sina Eleven at Eight sa tabi ni Nine.


"What is going on here?"
Agad na pinigilan ni Nine si Eleven nung naglakad ito papunta sa harap. Nine looked at Audin who was currently running Ten's data on his smart watch. Audin scanned Ten's face, Ten's blood and her name.


"DinDin, what are you doing?"
Tanong ni Lucas na lumapit narin sa kanila dahil natatagalan na sila dun sa gilid.


"Making her profile on Elenor para makapasok siya sa gate,"
sagot ni Audin habang nakatingin parin sa smart watch niya. His little hands were already covered with Ten's blood pero wala na siyang pakialam rito.


"W-Wait, we are not allowed to take an enemy into our Kingdom. King Duke—"


"She needs help!"
Agad na napapitlag ang mga Elenor guards dahil sa sinabi ni Audin. Tumingin narin si Audin kina Nine at hinarap narin ito ng tuluyan.

"Are you also evil enough to watch your sibling die?" Tanong niya at hindi nakasagot ang mga 'to kaya humarap muli si Audin sa mga kawal ng Elenor. "Take her to Elenor. She's injured at hindi siya makakagawa ng gulo. I just want her injury to be treated. You can isolate her after that but please, prioritize her recovery." Wala nang nagawa ang mga Elenor guards at tumango nalang sa sinabi ni Audin.

They started wrapping Ten's unconscious body with their capes and immediately brought her to Elenor.


"Bakit? Bakit mo ginawa 'yun? Kalaban kami,"
sabi ni Eight kaya dahan-dahan namang tumingin si Audin sa kanila habang pinupunasan ang dugo sa kamay niya.


"Enemy?"
Audin's one-word question brought confusion to everyone hanggang sa tumingin sila sa gawi nina Wilder at Five.


Biglang napalakas ang pagtulak ni Five kay Wilder kaya gumulong ito sa lupa. Everyone can see the fear in Five's eyes pero pasimpleng tumayo si Wilder at tumakbo kaagad papunta kay Five. Sinalubong siya nito ng apoy pero sinipa lang ni Wilder ang panga ni Five at tumilapon narin ito sa ilog na nasa gilid lang ng North border.

Wilder's eyes widened after seeing Five landing on the water.


Agad na naalala ni Wilder ang nakita nila noon, kung paano namatay si Five dahil nilunod siya ng sarili nitong ina. Agad na tumakbo si Wilder papunta sa ilog at dali-daling hinila si Five na umuubo na ng tubog at umiiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod niya.


"S-Shit. I'm sorry."
Agad na tinanggal ni Wilder ang suit niya at tinakip ito kay Five. Wilder used the ability that he rarely uses as his hands lit up with fire tsaka niya hinawakan ang likod ni Five para pakalmahin ito.

Because of that, Audin looked back at Nine and the others and smiled.


"Zia, Uno and Reed are the ones in a fight. We're just chess pieces so let's not take things too seriously. Zia befriended everyone, even her enemies so there's still a possibility that we'll be friends too. After all, you're all just misunderstood."
Blu and Lucas looked at Audin in disbelief at kahit nasa malayo si Reed ay narinig parin siya ang sinabi ni Audin sa mga kapatid niya.


"What Kuya Blu did to Ten was a mistake. Ibabalik namin siya sa inyo kapag napagaling na siya sa Elenor. And don't worry, mabait ang hari nila. They won't hurt her."
Nakangiting sabi ni Audin at hindi alam ni Eleven kung bakit bigla-biglang tumutulo ang luha sa mga mata niya.

She touched her cheek and was confused because she hasn't cried for a while now at parang nakalimutan na niyang may luha pa pala siya.


"We'll try our best not to kill anyone during the match. But if we get hurt too, expect us to fight back. So, it's good if we agree on our own terms."
Tumingin narin ang iba kina Shinshi at Atlas na naglalakad narin papunta sa tabi nila.

Six and Seven also arrived dahil nagtataka narin sila kung ano ang pinag-uusapan nina Nine at Audin.


"Wala naman tayong galit sa isa't-isa. Sila lang."
Singit narin ni Archer nung naglanding na siya sa gilid ni Lucas.


Archer was referring to Reed who was so ready to rip-off Uno's head and to Zia who was acting unusual since the start of the war.

Walang umimik sa kanila at umirap pa si Archer bago pinalabas muli ang pakpak niya para harangan ang apoy na paparating sa kanila galing kina Ash at Four.


"Alas Aurum!"
He chanted as his wings turned pure gold, catching the fire that was coming to them at dun niya lang din nakita si Six na nakataas na pala ang kamay at pinaligiran narin ng iron wall ang gilid na hindi na naabot ng pakpak ni Archer.


Agad na inalis ni Six ang iron wall niya at nag-iwas ng tingin at parang galit pa ang mukha niya pero hindi rin naman siya umalis sa munting pagtitipon na nangyari dahil sa injury ni Ten.

Naningkit narin ang mga mata nina Seven nung makita nila si Wilder na naglalakad palapit sa kanila habang karga-karga nito si Five na parang wala parin sa sarili.


"She can't fight anymore. She's too.. traumatized,"
sabi ni Wilder at binigay si Five kay Nine na agad naman nitong tinanggap at tiningnan si Five na tulala na at basang-basa.

Binigay nila muli kay Wilder ang upper suit niya at sinuot naman niya ito kaagad at tumingin kina Ash at Four na nasa mga ulap na at puro apoy nalang nila ang makikita.


"So, ano 'to? Rebellion party?"
Tanong ni Wilder dahil nandito 'yung mga kapatid ni Uno at 'yung team niya kahit magkalaban naman sila.


"Nandito lang naman tayo kasi na-one hit ni Blu 'yung kapatid nila,"
sabi ni Lucas at tiningnan si Blu na nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib niya at nakatingin sa baba, probably replaying his mistake in his mind over and over again.


"Hindi ba magagalit si Zia na nandito tayo?"
Tanong ni Atlas sa kanila.


"Galit na 'yan, kanina pa."
Agad na lumayo sina Eleven nung makita nilang naglalakad narin pala si Xy papunta sa kanila.


"Tingnan mo, mukha mo palang natatakot na sila. Unattractive ka kasi,"
sabi ni Archer kaya agad na hinila ni Xy ang pakpak niya at nginitian ito.


"Baka gusto mong ikumbinsi ko si Tito Milo na hindi ka magandang impluwensiya kay Celise?"
Nakangiting tanong ni Xy sa kanya dahilan para ngumiti narin si Archer at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak ni Xy sa pakpak niya at tinapik ang balikat nito.


"Joke lang, pre. Sabi ko nga ang pogi mo kaya nga may gusto ako sa 'yo diba? Pre."
Hinilamos nalang ni Xy ang kamay niya sa mukha ni Archer at tinaboy ito. Archer just chuckled and then looked at Uno's siblings.


"Baka naman magalit si Uno na nandito kayo,"
aniya kaya tumingin narin sila sa direksiyon ni Uno na nakatingin lang ng diretso kay Zia.


"He's preoccupied,"
sagot ni Third na kararating lang. The whole team looked at Uno's siblings and scanned them. Despite being siblings of a King, they're pale and skinny, a sign that the underworld they live in doesn't really offer much food.

It came to Audin's knowledge after reading Third's mind that Uno has the ability to create wine, but not food. Food was scarce in their kingdom after Reed left. Uno wasn't able to provide enough food to them like how Reed does.


"Kumain kami bago lumaban,"
sabi ni Wilder.


"Pinagluto kami ni Zia."
Dagdag niya kaya hinampas na siya ni Lucas at sinamaan naman siya ng tingin ni Shinshi. Ngumiti nalang si Wilder at kinamot ang batok niya.


"Siguro naman alam niya na birthday na ni Reed bukas. Birthday rin ni Zia. May cake dun sa Elenor. You can also visit Ten after she recovers."
Nakangiting sabi ni Audin kaya saglit na nawala sa alaala nina Nine ang seryosong mukha at boses nito kanina.


"Strict rin ba si Reed sa inyo? Bawal ba kayong magmura? Ako kasi bawal. Pinapakain niya ako ng salad kapag nagmura ako. Kasalanan ko bang puro masasamang salita ang naririnig ko mula sa bibig ni bobong Wilder? Isang slice nga lang ang pwede kong kainina mamaya. Hangin nga sana 'yun, mabuti nalang talaga marupok si Reed. Hehe~"

Everyone looked at Audin's smiling face as he babbled on and on at habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ang mga kapatid ni Uno sa kanya.

"Honestly, we don't have hard feelings for you except dun sa kinidnap niyo ako, but that's on Reed. We're just fighting right now because it's our job to protect the realm. I'm afraid to fight and I honestly don't know kung bakit pinili ako para sa team. Siguro dahil ang lakas ko." Nakangiting sabi ni Audin.

He was talking fast like himself, cocky like Wilder and cutely like Hoshi. Audin instantly became a mixture of everyone.


"Do you really think we can still be friends after all of this?"
Walang emosyong tanong ni Third sa kanya kaya sandaling tumigil si Audin at tumingin sa kanya.


"Bakit? Ayaw mo?"
Pagtataray niya kaya tinaasan lang siya ng kilay nina Two pero ngumiti kaagad si Audin.


"I don't really know. But what I know is that this realm is weird with weird creatures on it. Nakita niyo naman siguro nung nagparty pa 'yung Team Alpha kahit nasa inyo si Zia,"
sabi ni Audin at itinaas ang kamay niya habang nakatingala siya kay Lucas.


"What?"
Lucas asked him.


"Tubig."
Audin said in a small voice at napairap nalang si Lucas pero iginalaw rin naman ang kamay niya. A small bottled water appeared on his hand at binigay niya ito kay Audin. "Daldal mo kasi. Ayan," sabi ni Wilder sa kanya.


"I'm just cleaning everyone's mess. Pasalamat kayo mabait at matalino ako,"
sagot ni Audin at uminom na ng tubig.


"Kid, don't hang out with Wilder too much."
Advise ni Archer kay Audin.


"To be honest, UHT students' manners are worse than yours,"
sabi ni Lucas kaya tinaasan agad siya ng kilay ni Audin dahil hindi nito inexpect na sasabihin iyon ni Lucas dahil alam naman niyang may pagkasungit ito.


"Oh, wait. Why don't we kidnap students from UHT tapos ipalit natin sa kanila? Dude! We should take those who spread Zia's photo!"
Natatawang sabi ni Archer kaya hinampas agad siya ni Xy.


"Sorry about him. Tamad talaga 'yan kaya kung anu-ano na ang naiisip para lang matapos na 'tong laban na 'to,"
sabi ni Atlas at nagkatinginan naman sina Nine at ang mga kapatid niya.


"Y-You're.. not mad at us?"
Mahinang tanong ni Eight sa kanila. Kumunot kaagad ang noo nina Wilder.


"Mad? At first, yeah. Kasi akala namin mga siraulo lang kayo na gusto manggulo. But we saw what shit you had to go through. Honestly, fuck Xavier. Fuck Zeus. Fuck the gods. Fuck everyon—"
Tinakpan narin ni Blu ang bibig ni Lucas at inakbayan nalang ito tsaka siya ngumiti kina Nine.


"Sorry about him too. He was born this way,"
aniya at hindi tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig ni Lucas kahit pilit nitong tinatanggal.


"Kakasabi nga lang ni Reed na 'wag magmura sa harap ni Audin. Baliw ka?"
Sabay na bulong nina Wilder at Blu sa kanya. Lucas just rolled his eyes at tinapik na ang kamay ni Blu na siya namang pinakawalan kaagad.


"Magpapanggap akong walang narinig dahil gusto ko pang kumain ng cake mamaya,"
ani Audin at inubos na ang tubig na binigay ni Lucas sa kanya.


"I hope you like strawberry flavor,"
sabi ni Xy pero biglang naglakad si Six papunta sa harap at inis silang tingnan.


"Do you really think you can fool us with your kindness? Alam naming may ibang plano kayo. You're gonna take us there at dun niyo kami papatayin. Tama ako diba? You're just fooling us!"
Sigaw ni Six sa kanila at bumuntong-hininga nalang si Xy at dahan-dahang naglakad palapit kay Six.

Umalerto kaagad sina Nine hanggang sa makarating si Xy sa harap ni Six at nakatingin ito ng diretso sa kanya.


Xy's hands lit up and his eyes shone in a bright red color as he chanted something and wrote something on his arm.


"Xy, what the hell?"
Tanong ni Wilder nung makita ang ginawa ni Xy. "Bakit? Anong nangyayari?" Tanong ni Audin.


"He's making a demon's promise,"
sagot ni Lucas at tiningnan ang braso ni Xy na nagliliwanag kung ano man ang sinulat niya dun.


"A demon's promise happens when a demon makes a promise at kailangan niyang tuparin ito para mawala 'yung marka sa braso niya. If the demon ever breaks that promise, he'll suffer great pain and stuff. Death even, depende sa bigat ng pangako."
Dagdag ni Lucas.


"I promise that you'll be safe once you get to Elenor. At kapag may nangyaring masama sa inyo, ako ang mananagot. I, Xy Allison Wen, give you my word. You'll have the Midnight Angels behind your back."
Confusion was visible on the Golden Dozen's faces.

Xy, the enemy's leader, just made a promise to protect them. Everything was a mess and extremely confusing.


"Why are you being nice to us?! You hate us. The realm hates us at kahit sabihin na nating tanggap niyo kami, hindi na kami matatanggap ng realm. Galit na ito sa amin."
Giit ni Seven kaya humugot ng malalim na hininga si Xy at tiningnan sila isa-isa.


"Don't get offended but the realm doesn't even care about this war."
Agad na natigilan ang Golden Dozen dahil sa sinabi ni Xy.


"The attacks you made? We cleaned it up. No signs from you. The attack at UHT? They don't even care. Ilang beses na kasing inatake ang UHT kaya hindi na ito bago sa kanila. And besides, your faces weren't recognized that time dahil kami lang ang nandun sa field. Zia and Team Alpha decided to keep this 'war' a thing between us at hindi na pinaalam sa realm."
Parang bibigay na ang tuhod ni Eight dahil sa narinig niya kaya saglit siyang napaupo at sinapo ang mukha.


"So, trust me when I say that you'll be fine in this realm no matter what the outcome of this war is. We're from this realm, and we accept you. That means you're already accepted in this realm too."
Hindi na napigilan nina Seven ang sarili at napaupo narin sa tabi ni Eight.


"You've suffered enough. Time to rest. Let them settle this."
Matapos sabihin 'yun ni Xy ay tsaka siya tumingin kay Zia na nakatingin na pala sa kanila at nakita niya ang patagong ngiti ng kapatid. Ngumiti narin si Xy at namulsa.


"Baka naman gusto niyo akong tulungan?"
Biglang lumitaw si Ash na bumalik na sa dating anyo niya at hinahangos na. Tumingin kaagad sina Lucas sa likod ni Ash at dun nila nakita na nag-iba narin pala ang anyo ni Four.

Just like Reed said before, Four can turn into a three-headed dragon.


Agad na tinakpan nina Xy ang tenga nila nung naglabas ng nakakabinging ingay ang isang ulo ng dragon habang bumubuga naman ng apoy at yelo ang dalawa pang ulo nito pero agad na kumilos sina Six at Eleven.

Eleven chanted something and created an illusion to distract the first dragon head. Seven stopped the fire breathing one at si Eight naman ang humarap sa isa pang ulo nito.


Six then made an iron wall around the dragon at pinalibutan nila ito hanggang sa nakulong na si Four sa loob ng iron wall. Eleven enchanted something at makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang ingay sa loob ng iron wall kaya binuksan na ito ni Six at dun nila nakita si Four na nakahiga na sa lupa at wala nang malay dahil sa pagod.

It was a bit impressive in Xy's point of view. How they started casually talking to each other just because of Blu's mistake and Audin's words and how they somehow started a rebellion party and are now low-key helping each other.


When Six and the others helped Four to calm down, malinaw na para kay Xy na ang laban sa pagitan nila ay tapos niya. What's left is Reed's anger to whatever Uno did to Twelve and how Zia would handle her last chess piece.

It's a war between brothers not bound by blood but bound by hatred.


A war between Uno and Reed.





❅ Snow ❅

Continue Reading

You'll Also Like

44.1K 1.4K 7
Izuku is a recent graduate from 3-e so what happens when Mr. Aizawa decides to rent out a mountain? Specifically, one where class 3-E had planned to...
1.4M 97.3K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
1.3M 44.2K 30
Ace's life is a shade of grey. Depressing, upsetting, painful and what not. Until Venus shows up and paints it colorful... quite literally. [ #7 in t...
1.4K 98 5
Do birthday wishes really come true? A birthday tribute to our dear Third. A short story written in drabbles.