UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

130K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 42- Meeting his Parent 2}

339 13 3
By Vis-beyan28

Jami's POV

"So, you're the grand daughter of Mr. Santillan hija?"- nakangiting tanong ni Mrs. Vellarde habang nakaupo ito sa harapan ko.

Sa gitnang dulo ng lamesa ay nakaupo ang daddy ni skyler na ngayon ay naka formal suit. Siguro pupunta siya sa kanilang companya.

Samantalang katabi ko si skyler na kaharap naman nito ay ang kaniyang ate.

Pakiramdam ko mahihimatay ako ng wala sa oras dito. Yung tipong bubulagta na lang ako sa harapan nila sa sobrang kabang nararamdaman ko. Malapit na talaga.

Lumunok ako ng mariin at pinilit ang sariling ngumiti sa harapan ng mommy ni skyler.

Syempre, kailangan kong maging magalang sa kanila.

"Opo."- sagot ko habang nanatiling nakapaskil ang ngiti sa labi ko ngunit ramdam ko ang namumuong pawis saking nuo.

Ewan ko ba kung bakit ganito na lang ako kabahan sa harapan ng pamilya niya. Kung wala lang sanang namamagitan samin ng anak nila baka chill lang ako pero hindi eh.

Natatakot ako na kapag nasabi na ni skyler na nililigawan niya ako ay baka may masabi silang hindi maganda. Sa nangyari ba naman kagabi na gulo. Tapos ako pa ang gumawa nun baka mas lalo silang umayaw.

Pero teka nga. Bakit ba ako nababahala sa mga sasabihin nila? Para namang may relasyon na kami diba? At saka isa pa may balak ba akong sagutin siya pag nagkataon?

"Oh, your jami!"- bulalas ng mommy niya na para bang ngayon lang niya naalala ang pangalan ko.

"Yes Mom. She's one of my classmates."- wika ni skyler habang kalmadong kumakain ng kaniyang agahan.

Hindi ko man lang magalaw ang pagkain ko dahil sa kabang nararamdaman.

Bwisit talaga na lalakeng to. Bakit sobrang kalmado niya?

"Oh."- tumango siya at saka marahang sumubo ng kaniyang pancake.

Pati pala pag subo eh napaha hinhin niya? Ganun ba talaga ang mommy niya? Sa aura palang niya ay napaka bait na niya.

Naalala ko tuloy si mommy.

"Eh bakit sa kwarto mo siya pinatulog kung classmate mo lang siya?"- mapang asar na tanong ng ate ni skyler.

Nasamid ako bigla sa sarili kong laway.

Sa dinarami ng pwedeng itanong, yun pa talaga! Naman oh!

"Skylein."- may banta sa boses ni Mr. Vellarde.

"What dad? I'm just asking. Ang daming guest room diyan. So it means..."- naningkit ang mga mata ni skylein at mapang asar na napatingin samin. "Something."- dagdag niya at napangisi.

Bagay nga talaga sila ni jeigh. Parehong pareho sila. Tss.

"Pinatulog mo siya sa kwarto mo Skyler?"- gulat na tanong ng mommy nila.

"Skyler, son. Why?"- takang tanong na din ng daddy niya.

Ba't ang issue nila?

Hindi na ako magkandaugaga sa kakailing dahil baka may kung ano na silang iniiisip. Gusto ko silang linawin ngunit inunahan ako ng kaba.

"Mom relax okay?"- naiiling na bulals ni skyler at kalmado pang sumandal sa upuan ang hudas.

Tangina niya.

Tangina niya talaga.

"The thruth is..."- humalukipkip siya at nagpandekwatro bago sumulyap sakin.

Nilingon ko siya na may nagbabantang titig ngunit parang hindi niya naintindihan ang tingin ko.

Shit niya. Argh!

"I'm courting her."- deretso niyang tugon habang titig na titig pa saking mata.

"OMG."- may nanlalaking matang bulalas ni skylein samantalang napanganga ang mommy nila.

Sabi na nga ba..

"Told ya! Sabi na nga ba eh! Kagabi pa lang alam ko ng may something sa inyo!"- napapa palakpak pang dagdag ni skylein my na para bang hindi nahahalata ang katahimikan namin.

Napayuko na lang ako at tahimik na bumuntong hininga.

"Wow. Hindi ka na totoy son."- natatawang biro ni Mr. Vellarde na kina angat ng tingin ko sa kanila.

Napanganga ako ng makitang nakatawa silang lahat.

A-ano pong nakakatawa?

Gusto ko sana yun itanong pero bigla atang naputol ang dila ko.

Taka akong napasulyap sa katabi ko at dun ko lang nalaman na naka kunot nuo na ang hudas.

Pasimple ko siyang siniko na mabilis naman niyang kinalingon.

"Bakit sila tumatawa?"- pabulong kong tanong para hindi kami nila marinig.

Bumuntong hininga lang naman siya at di pinansin ang tanong ko.

Aba at! Gago talaga siya! Bwisit!

"Skyler! Bakit ngayon mo lang sinabi samin ha?"- biglang tanong ng mommy niya na kina buntong hininga lang ng katabi ko.

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagsulyap sakin ni skyler pero hindi ko siya nilingon dahil nanatiling nakatitig ako sa kawalan na para bang ngayon lang nag sink in sakin ang nangyari.

Totoo ba to? Hindi ba ako nananaginip? P-paanong nangyari na hindi sila tumutol?

"Mom, ngayon lang kase tayo nagkakasamang lahat. Kaya ngayon ko lang nasabi na liniligawan ko siya."- pakinig kong paliwanag niya bago sumulyap sakin.

Hindi naman yun nakatakas sa paningin ko kaya alam ko ang iniisip niya.

Siguro nasa isip na niya na kaya hindi niya masabi sabi na liniligawan niya ako ay dahil sa ayaw ko pang ipaalam sa ibang tao.

Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para sabihin sa pamilya niya ang namamagitan samin.

Baka dahil sa sinabi kong gusto ko rin siya?

Kung tatanungin ko ang sarili ko, kaya ko na bang sabihin kina jovan na liniligawan ako ni skyler? Kaya ko na bang pakinggan lahat ng mga sasabihin ng ibang tao? Ang sasabihin ng pamilya ni vin?

"Alam na ba to nila jeigh?"- parang kinikilig pang tanong ni skylein.

Dun lang naputol ang iniisip ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi pa."- sagot ko kaya napatingin sila sakin.

Natigilan naman si Mrs. Vellarde sa pag subo bago uminon ng tubig.

"Bakit hindi niyo pa nasasabi hija?"- maalumanay niyang tanong. Yung hindi naman siya galit o nainis sa narinig.

Napalunok naman ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ni skyler. Nagawa ko nang guluhin ang party nila kagabi, dadagdagan ko pa ba ang mga maling nagawa ko?

"S-sa totoo---"

"Gusto kasi ni jami na sasabihin lang namin yun kapag sinagot na niya ako."- putol ni hudas sa sasabihin ko.

At hindi lang yun ang kinagulat ko kundi dahil sa huling sinabi niya.

"S-sasagutin kita?"- bulong ko sa kaniya habang may nagtatakang mukha.

Pinanlakihan naman niya ako ng mata bago humarap sa mommy niya.

Kumunot lang ang noo ko.

May sinabi ba akong ganun? Parang wala naman ah.

"Ganun?"- untag ni skykein at ngumuso.

"Wait nga. Ano bang nagustuhan mo sa anak ko hija?"-  may tinig pang aasar pang tanong ng mommy niya.

Gulat naman akong napa turo sa sarili ko.

"H-ho? Nagustuhan ko po sa kaniya?"- gulat kong tanong. "Eh siya po ang may gusto sakin. Hindi ako."- dagdag ko na malakas na kina singhal ng katabi ko.

Taka akong napatingin sa kaniya.

"Hoy sungit!"- pabulong ngunit inis na singhal niya sakin. "Anong hindi mo ako gusto? Kakasabi mo lang kagabi sakin yun tapos ngayon tinatanggi mo?!"

Napangiwi ako sa akto niya at akmang susumbatan din sana siya ng magsalita ang daddy ni skyler.

"Son, why are whispering? Care to share us?"- tanong niya at sumandal sa kaniyang inuupuan habang hawak nito ang isang baso ng juice.

"Oo nga."- tatangong dagdag naman ni skylein habang nanatili ang mapang asar niyang ngisi.

Agad naman kaming napaayos ng upo ni skyler.

"Ah kase dad, nahihiya daw siyang aminin sa inyo na gusto niya ako."-  sagot niya habang nakangisi pa.

Nanggitgit ang ngipin ko sa inis at napahinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Kanina ko pa talaga nahahalata ang hudas na to. Nanggigigil na ako.

"No hija. Don't be! Ano ka ba. Tayo-tayo lang naman ang nandito."- iiling na katwiran ng mommy niya.

Wala na lang akong nagawa kundi ang ngitihan siya.

"Oo nga naman."- kunwari pang sabi ng hudas kong katabi.

Inirapan ko na lang siya bilang tugon.

"You know what. Let's eat na lang dahil baka hinahanap na nila si Jami. Huwag niyo na po siyang tanungin."  - sambit ni skylein na mabilis naman nilang sinang ayunan.

Ng simulan kong kainin ang laman ng plato ko ay naging komportable na ako sa harapan ng pamilya ni skyler. Hindi ko naramdaman na hindi ako kabilang sa kanila. Parang biglang naalala ko ang pamilya ko.

Sina mommy, daddy si tanda at ang dalawa kong kapatid. Sa simpleng kainan namin ngayon ay parang bigla ko silang namiss.

Nakikita ko ang pamilya ni skyler sa pamilya ko.

Kaya swerte siya dahil may magulang pa siya.

Pagkatapos ng masayang kainan namin ay nauna ng magpaalam ang daddy ni skyler bago kami.

"Salamat po sa breakfast tita."- Sabi ko ng makaharap ko siya. Si skyler naman ay kausap lang ang ate niya sa labas samantalang nasa loob pa din ako.

"Naku! No worries! You can come here as long as you want."- masigla niyang sambit at kinindatan pa niya ako dahilan para matawa kami.

"Ahm...sa nangyari po pala kagabi---"

"It's okay dear. Hindi ko man alam ang nangyari, I know that you're a good a person."-  nakangiting niyang wika at saka hinaplos ang pisngi ko.

Wala sa sarili akong napangiti sa kaniya. Ang bait ng mommy ni skyler. Sobrang swerte niya talaga.

"Maraming salamat ho talaga tita. Aalis na po ako."- paalam ko at marahan siyang niyakap na mabilis naman niyang tinugon.

"You're welcome hija. Anyways ingat kayo okay? Just bear with my son when it comes to his childish acts."- natatawang niyang saad sabay tawa.

Hindi ko napigilang mapangisi dahil sa sinabi niya. Buti na lang talaga at nasanay na ako sa kakulitan ng hudas na yun. Kung hindi baka basag na bungo nun.

Nang makapag paalam ay agad na akong lumabas ng mansion nila bitbit ang heels ko at suot ang malaking tsinelas ni skyler.

Nakakatawang tignan na Ang laki ng tsinelas niya at ang liit ng paa ko.

"Ang tagal mo. Siguro nagpapa impress ka kay mommy no?"- asar niyang pambungad sakin ng mkalabas ako.

Wala na din si skykein. Siguro'y pumasok na ito kanina pa.

"Impress mo mukha mo gago!"- inis na mura ko habang bumaba sa hagdan ng porch nila.

"Uy! Lumabas na ang kaninang nakatagong sungit. Parang maamong tuta lang kanina ah."

Mas lalo akong nainis sa pangalawang asar niya kaya inirapan ko siya at linagpasan na lang para hindi na lumala ang pang aasar niya sakin.

Mas lalo lang siyang ginaganahan kapag nakikita niya akong naaasar sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siya.

Ako na ang nagbukas ng pintuan sa shot gun seat bago pumasok dun. Hinintay ko na lang siyang makapasok at ng mapansing kong nakanguso siya ay nagsalita ako.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?"- tanong ko at saka nag seat belt.

Wala naman akong narinig na tugon Kaya taka akong napatingin sa kaniya. Dun lang naman niya pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

Hinintay ko siyang sagutin ako ngunit nakalabas na kami ng gate nila ay hindi pa rin siya umimik.

Bumuga ako ng hininga bago humalukipkip.

"Kung hindi mo ko sasagutin edi huwag---"

"Tss."- sambit niya na kinatigil ko. "Ang bilis mo talagang mapikon."

"Ang hilig mo ding asarin ako."- sumbat ko naman dahilan para lingunin niya ako.

Hindi naman ako nag iwas ng tingin sa kaniya bagkus ay sinalubong ko ang titig niya.

"Psh."- ismid lang niya sabay iwas ng tingin. "Pasalamat ka hindi ko kayang magalit sayo."- bulong pa niya na dinig ko naman.

"Nagalit ka na nga sakin noon."- saad ko.

Naramdaman ko ang pagbagal ng pagpapatakbo niya ng sasakyan ngunit nanatiling nasa harapan ang paningin ko hanggang sa tumigil kami sa gilid ng kalsada.

Dun na ako napatingin sa kaniya.

"Nagalit?"- tanong niya at saka bumaling sakin. Nanatiling nasa manibela ang kaniyang mga kamay.

"Nuong hinabol kita sa quadrangle...alam kong galit ka sakin."- mahina kong paliwanag na kami lang ang makakarinig.

Katahimikan ang sumunod na bumalot samin. Tanging mga ingay lang sa labas ang naririnog namin.

Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang pinagsalikop ang akin na nakapatong sa aking hita.

Nagtatakang bumaba ang tingin ko dun bago sa kaniya.

"Tandaan mo to."- panimula niya at marahang sinukbit ang buhok kong nakaharang saking kaliwang pisngi.

Nagtama ang mga paningin namin at dun na naman ako nalunod sa kaniya.

"I will never, ever get mad at you. Always remember that."- mariin niyang wika na naging dahilan kung bakit bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko.

Sobrang lakas na halos dinig na dinig ko na.

"S-skyler..."

"Kahit saktan mo ako jami. Kahit ipamukha mo saking mahal mo pa din siya. Kahit na paulit ulit mo akong inisin...hinding-hindi ako magagalit sayo."- bulong niya habang mariing nakatitig saking mga mata.

Pakiramdam ko sa sinabi niyang yun para akong napaka espesyal sa kaniya. Na may magkakagusto din pala sakin kahit na marami na akong nagawang mali. Na may tao palang pinapahalagahan ako kahit minsan ay sumosobra na ako.

Skyler...bakit ganito ka sakin? Bakit imbes na hindi kita magustuhan ay mas lalo lang akong nahuhulog sayo? Ano bang ginawa mo sakin?

"Naintindihan mo?"- malambing niyang tanong na mabilis ko namang tinanguhan.

Parang hipnotismo ang kaniyang mga mata dahil hindi ko siya kayang suwayin habang nakatitig sa kaniya.

Napalunok ako ng bumaba ang paningin niya saking mga labi. Para akong na estatwa sa kaba habang nakatitig pa din ako sa kaniya ngunit wala sa sariling bumaba din ang mga mata ko sa kaniyang labi.

Hindi ko maipagkakailang malambot ang mga labi niya. At habang tumatagal ay mas lalo lang akong nahihipnostismo sa uri ng mga titig niya.

Napapikit na lang ako ng unti unti niya sinara ang espasyo namin sa isa't-isa hanggang sa maramdaman ko ulit ang malambot niyang labi sakin.

Nahalikan na niya ako ng dalawang beses ngunit hindi ko siya tinugon nuon pero ngayon parang may nag udyok sakin na igalaw ang mga labi ko sa kaniya.

Mas lalong humigpit ang pagkakasalikop ng kamay namin sa isa't-isa habang hawak ni skyler ang batok ko upang hindi ako makalayo sa kaniya.

At kasabay ng paggalaw ng mga labi namin ay ang pag kapit ko sa kaniyang braso habang dinadama ang maalumanay at nakakahilo niyang halik.

Sa oras na yun napagtanto kong hindi pala simpleng pagka gusto lang ang nararamdaman ko sa kaniya.

Sa pagkakataong yun mas naging malinaw lang sakin na hindi ko na siya kayang mawala sa buhay ko.

At kapag nangyari yun baka hindi ko na kayanin pa.

~vis-beyan28

Continue Reading

You'll Also Like

154K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
188K 6.7K 24
"I am protecting you not because you're weak!" His jaw twitched as his eyes turned bloody red. He stepped forward as I stepped back. His eyes softene...
20.9K 855 71
Bella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Qu...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...