Something Great (Valdemora Se...

By anchoraigee

14.2K 571 152

Tania Shiraz De Acosta is an ultimate fangirl of the band called Labyrinth.She likes attending some of their... More

Something Great
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Lorenzo Miguel
Author's Gratitude

Chapter 5

307 20 19
By anchoraigee


Weekend came and I was really getting excited for this. Dalawang gabing inukupa ni Isaac iyong isip ko pagkatapos niyang gawin iyong bagay na iyon.

Being followed by someone you admire the most in social media is a big thing for me. For years that being their fan is one the greatest highlights in my life. Bawat concert at ganap nila ay lagi akong nandoon.

It's my first time experiencing this and still looking for some better days for something good.

Sa loob rin ng ilang araw ay nagawa kong mag-ensayo sa club paminsan. So I learned a bit of chords. Iyon nga lang ay hindi ako tinuturuan ni Enzo kapag nandoon sa club at maraming estudyante.

He always chose to teach me when dark took its place. Mas pinipili niyang gabi ako turuan dahil walang masyadong maingay raw at magulo. And no one can interrupt him.

Umasa din akong matutulungan ako ng mga kaibigan ko pero hindi na nangyari pa. Akala ko ay may dala talaga silang gitara para sa akin kaso wala.

When they reached my condo, I expected something but I saw nothing. Dalhan ba naman ako ng tablet na mayroong guitar app? Sinong hindi maiimbyerna doon lalo pa't umasa kang may dala sila?

And I chose not to practice anymore. Tanging sa club lang ako nagkakatyempo. So far ay medyo nakakabisado ko na since next week na iyong performance.

I bought some fast foods and drinks for us. Na-email niya na rin sa akin ang address ng kanyang condo kaya doon ako papunta ngayon.

Nakakapagod dahil minsan ay hindi pa naman ako nakakapagbukas ng email ko. I should suggest him to have an account. Mahirap siyang ma-reach.

I parked my car and then went to his unit. Dala ko iyong mga pagkain na ni-request niya saka kumatok sa pintuan. Ilang beses akong kumatok hanggang sa buksan niya iyon.

"Hi. Pwede nang pumasok?" Nilakihan niya iyong bukas ng pinto saka ako pinapasok. Nilapag ko sa table niya iyong pagkain saka napatingin sa loob.

His room is quite big. Painted with color gray and other things are on the same color. Pati iyong sofa niya ay gray din.

I noticed some posters of Coldplay displayed on the walls. Hindi masyadong marami pero maganda naman tignan.

"Fan ka ng Coldplay?" tanong ko at nilapitan ang isa sa mga posters.

"Yeah," he shortly replied while getting his guitar. Naupo siya sa bakanteng space saka inayos iyong gitara.

He has two guitars which I think the other one is for me to practice. Naupo ako sa tabi niya saka siya pinagmasdan. I watched him do something on guitars.

Iyong daliri niyang mukhang daliri ng isang babae. His nails are clean and the way he moves it in a subtle way makes me to stare at it more.

Ibinigay niya sa akin iyong isa. Saglit na ininspeksyon muna bago naman hinawakan iyong sa kanya.

"Siguro naman familiar ka na sa itinuro ko sa'yo?" Humarap ito sa akin.

"Ah, yes of course. Well, kinda." Nagkibit balikat ako. Napailing ito saka nagsimulang magpatugtog.

"For now, let's do this chord. Follow me." At sinunod ko nga siya.

For times that we've been practicing about chords I'm not familiar with, I noticed that he's just being patient to me. Alam ko naman kasing mahirap akong turuan pero lagi niyang pinapahaba ang pasensya dahil nga desidido ako rito.

There was a time when we got home around 9 pm. Late na 'yon. Kung hindi dahil sa guards na naglilibot sa school tuwing gabi ay hindi namin namalayan ang oras.

He taught me slowly until I memorized it. Ang kaso, bigla kong nakakalimutan kapag nasa bahay na.

"Pwedeng magtanong?" Tumigil ito.

"You went here for practice, not for your curiosities. Save that for later. You should practice more." Napasimangot agad ako. Lagi naman kasi akong tinatapunan ng seryosong sagot.

Magtatanong lang, eh.

I tried strumming the guitar, playing the chord he taught me earlier. Agad na naman itong tumigil, nangunot ang noo saka napabaling sa akin.

"Mali. Sabi na ngang diinan, eh," he scolded me. Itinabi niya iyong gitara saka lumuhod sa harapan ko at ibinigay ang atensyon sa kamay ko.

"Dinidiin ko naman. Baka sa gitara talaga 'yong may problema. Sa akin mo sinisisi palagi," I fired back and harshly strummed again. Napakamot ito sa ulo saka naman hinawakan ang mga daliri ko at idiniin iyon.

"Your fingers are doing it wrong. Hindi masyadong madiin ang ginagawa mo. Give some force. Huwag mong masyadong lambutan."

"Okay po."

And he let me tried it again. Iyon naman talaga ang nagiging problema niya sa akin. Sa diin. Laging iyon ang napupuna.

"We've been playing several chords and yet, you can't play without having some mistake. Paano ka makakapasa niyan? Tss."

"Oo na. Sinusubukan na nga, oh. High blood mo naman. Lalo kang pumapayat."

Napatingin siya sa sarili. Napangisi ako.

"Stop giving some attention to my body."

I ignored him and tried playing the chords again and again until I already got familiar with it. Pagkatapos niyon ay dinaluhan ko siya sa pagkain.

It's so unbelievable seeing him eating a lot with that body. Marami nga ang kinakain pero hindi naman tumataba.

I tried having some updates with my friends, but to my surprise, our group chat is silent now.

Nakakapanibago dahil hindi iyon nag-iingay. Alam ko naman kasing magkasama silang tatlo tapos heto ako, kasama ang hindi ko nagugustuhang tao.

"How did you know my email?" he asked out of the blue while eating the fries.

"Ah. Syempre, member ako ng Lorenzo's Wives—" natigil ako. Ibinunyag ko ang sarili sa mismong harapan niya.

Gosh. I should've not said that! Hindi ko dapat nilaglag ang sarili.

He boredly looked at me. Napakagat ako sa labi at awkward na ngumiti sa harapan niya.

"Uh... ano... kasi."

"Sumali ka rin doon?"

"Alam mo?" gulat kong tanong.

"Sabi ni Isaac. You joined there?Bakit? Gusto mo rin ba akong maging asawa?"napangiwi agad ako.

Siguro iyong iba ay oo, ako lang hindi. Ni ayoko ngang maging parte siya ng banda kahit wala akong magawa.

Seryoso niyang tinanong iyon sa akin na para bang walang pakialam. Lagi naman kasing walang reaksyon iyong mukha niya. Kung hindi mukhang bored ay parang walang nakikitang tao naman lagi kung umasta.

"Well, gusto ko lang malaman ang tungkol sa'yo. Kung bakit ka kinababaliwan ng karamihan."

"May nakuha ka?"

"A bit," sagot ko. "Since na dito ka na rin lang, sasagarin ko na. Bakit ka nag-transfer sa school? For music?"

Inayos niya ang upo habang patuloy na ngumunguya ng fries. He cleared his throat and licked his lips.

"Not really. I just want to see someone."

"Someone? May kakilala ka ba sa school?" To think na hindi siya palaging nakikipag communicate sa iba ay nakakagulat naman talagang malaman na may kakilala ito. And who's that unlucky someone he's talking about?

Tumango siya. Now, this is really insane.

"Anong pangalan?" kuryuso kong tanong, nagiging tsismosa na sa lagay ko.

Isinandal niya ang likod sa upuan saka ipinagkrus ang braso. His eyes went straight on me.

"Who do you think?"

"Malay ko ba? Saka bakit ka naging parte ng banda?"

"The members are my closest friends."

"Weh? I mean, bakit hindi ka nag-join noon? Bakit ngayon lang?"

"None of your business?"

I rolled my eyes and glared at him. Isang tanong, isang sagot. Wow. Nakakaubos ng laway kausap.

We continued eating. Hindi rin syempre nawala ang pakikipag-usap ko sa kanya tungkol sa sarili niya.

I also asked him why he's an introvert. Kung bakit hindi siya nakikipag-usap sa iba kung hindi niya gugustuhin.

And his answer is it's not a problem to him anymore. Mas gugustuhin niya raw na tahimik ang buhay at kahit walang masyadong ka-close sa school ay okay lang.

Tinanong ko rin sa kanya kung bakit wala siyang social medias. And he said that he don't need too much attention. He want to be lowkey, not being known and having his own life.

"Gumawa ka na kasi ng account. A lot of people are curious about you. Bakit hindi mo subukan?" I convinced him.

"You can tell them right away about what we've talked here. That will do." Napairap ako.

And I guess, I can't have a serious answer from him anymore. Mukha kasing ayaw ring pag-usapan ang tungkol doon.

I took that as a cue to ask him about Isaac.

"Diba close kayo ni Isaac?"

Tumuwid ang kanyang upo. Agad na napainom bago napahilamos sa mukha iyong kamay niya.

"Why?"

I cleared my throat. Napahawak sa leeg saka napapahiyang nagsalita.

"Ano kasi... since Isaac followed me back on IG, gusto ko lang magtanong kung uh... is he doing great? Baka pwede mo akong isama sa kanya one of these days?"

Tahimik ito at hindi kumibo. I watched his reaction but nothing happened. His signature bored look is still at it again.

And aside from that, I want to meet the other members personally. Alam kong sobra-sobra pero sinusulit ko lang ang pagkakataon.

"You... like him?" He used his soft voice.

I smiled and then nodded. Saglit itong nag-iwas ng tingin saka kinusot ang mata saka napasinghot na para bang nakakabaho iyong nasabi ko.

"And he just greeted me 'hi' on IG. Achievement na sa akin iyon bilang fangirl niya," dagdag ko pa na mas lalong ikinaseryoso niya.

Bumuntong hininga siya saka nilaro iyong pagkaing nasa harapan niya.

"Okay. I'll see. I'll let you meet him if that's the thing that can make you happy." Lumapad ang ngiti ko. Tumayo ako saka niyakap siya.

He sat still. Nanigas iyong katawan niya kaagad nang dahil sa gulat.

I was surprised too. Nilayo ko agad ang sarili sa kanya saka ngumiti na lang.

"Sorry. Uh, nadala lang," pagpaumanhin ko. "Pero sabi mo, ah?"

He nodded and then went to his sofa again. Inubos namin ang oras sa pag-eensayo ngunit hindi na katulad kanina.

He's quiet and too serious. Kahit na alam kong medyo may mali sa ginagawa ko ay tahimik niyang tinatama ako sa pamamagitan ng paghawak sa mga daliri ko. Hindi na ako sinusuway o di kaya ay punain ang nagawa ko.

If I'm one of his admirers, I would be really glad on this opportunity. Na nakakasama ko siya nang dahil sa musika. We practice together and got a chance to be on his condo with him only.

May kaunting nalalaman tungkol sa kanya at nagkaroon pa ng pagkakataong mahawakan ang isa sa paborito niyang bagay. I even talked to him face to face!

But the sad is, I'm not into him. Sadyang tahimik akong nagmamahal sa isang taong parang ang hirap malapitan. Kung sino iyong gusto kong makasama, hindi ko naman nakakasama.

He's just an instrument.

Instrumento na magiging daan ko para kay Isaac.

After the practice, he hurriedly packed his things. Nagtataka akong napatingin sa kanya dahil mukhang talagang nagmamadali ito at parang may hinahabol.

I asked him if I can borrow his guitar. Pumayag siya nang hindi man lang nagdadalawang isip na baka masira ko iyon kapag ako ang gumamit. He even handed it to me together with its case.

"Saan punta mo? Gabi na, ah?" tanong ko habang inaayos iyong naging kalat ko kanina. He's packing some things.

"Football." Natigil ako. Football?Ngayong gabi?

Binilisan kong kumilos at agad na inayos iyong gamit ko kaagad. Dahan-dahan kong hinawakan iyong guitar case at maingat na ipinasok sa kotse ko.

"Pwedeng manood?"

He halted and then stared at me. Mukha pa lang ay alam kong may bahid ng pagtututol doon.

"No. Go home. I don't need your presence there," sabi niya pa.

"Sige na. Uwi lang ako agad. Hindi ko naman papatapusin iyong game mo."

"Practice playing that guitar. Don't waste your time watching me." Snundan ko ang kanyang bawat galaw hanggang sa naipasok niya iyong bag sa loob ng kanyang kotse.

"Game mo naman ang papanoorin ko, hindi ikaw. Assuming naman," asar ko pa sa kanya. Padabog niyang isinara ang pinto niyon saka nakapameywang na nakaharap sa akin.

I blinked many times and gave him my cute face. As usual, bored na naman iyong mukha niya kahit na mukhang galit. All of his expressions were being hid by his bored look!

Napailing ito saka walang nagawa kundi ang mapa-oo sa sinabi ko. I jumped and then waved at him as he started to enter his car.

"Huwag mong patapusin ang laro ko. Go home early."

Sumaludo ako bago pumasok ng sasakyan. I followed his car. Alam ko namang nagmamadali ito kanina pero medyo mabagal iyong pagpapatakbo niya.

Gusto ko nga sanang unahan kaso baka maligaw lang ako.

When we arrived, he finally went to the team he's in. Mukhang siya na lang ang hinihintay at agad na nagsimula iyong game.

I sat on the available space.

Nakakapanibago dahil mukhang walang may alam na nandito siya ngayon. I can't see any trace of his admirers here. At hindi naman kasi puno iyong venue. Kaunti lang masyado ang tao at gabi pa.

ReeseHatesEustace: @TaniaNaLoyalKayIsaac hoy! Asan kana? Kamusta practice?

TaniaNaLoyalKayIsaac: I'm here watching him playing football. Uwi din ako mamaya.

SummerLovesLabyrinth: Hala. Sama kami! We wanted to see him, too!

EmeraldNiFinn: He's playing football?!I'll post it on on facebook🤩

TaniaNaLoyalKayIsaac: Nah, don't post it. He'll get mad if that happens.

ReeseHatesEustace: Ay wow. Close na kayo?🤔

TaniaNaLoyalKayIsaac: Duh? Maybe that's the only thing he can relax😒

SummerLovesLabyrinth: Yes. Let him have his private moment.

EmeraldNiFinn: Okay. Sayang naman💔

ReeseHatesEustace: So anong sabi niya?Nakapag-usap kayo tungkol sa Labyrinth?

TaniaNaLoyalKayIsaac: He'll see daw. Pero payag 'yon. Update ko lang kayo.

EmeraldNiFinn: Seryoso??? Omg😧Makikita ko na rin si Finn🥰

SummerLovesLabyrinth: Looking for that💖

ReeseHatesEustace: Ulol. Kung hindi dahil sa'kin, di niyo makikita idol niyo😤

I put it down and continued watching. Malayo iyong pwesto ko dahil gusto kong patapusin iyong laro niya. I want to watch how he run and moves his body while playing.

He's standing while roaming his eyes. Tingin ko'y inaalam nito kung nandito pa ba ako o wala na. But I guess, he didn't see me so he went back to his game.

I took a photo of him and sent it to our group chat. Sinabihan ko rin sila na huwag ikalat iyon dahil ako ang mapapagalitan ni Enzo kung sakali.

Sa buong oras ng kanilang laro ay siya ang nakakapagbigay ng puntos sa team nila. He played neatly and professional. Iyong paraan niya kung paano sipain ang bola ay nakakapanindig balahibo. He's too good for that.

They won on the game. Tumayo ako at pumunta sa pwesto nila. His jersey is wet. Bumabakat ang katawan niyang hindi masyadong kalakihan nang dahil sa sobrang pawis.

Basa rin ang kanyang buhok dahil sa kanyang pawis. I watched him drinking the water. Mas lalong naging matangos iyong adam's apple niya dahil sa nakatungo itong uminom.

Tuluyan na akong lumapit sa harapan niya. I smiled and then waved at him.

"Congrats. Galing mo pala," sabi ko at pinatapos itong uminom bago niya nilapag sa bench ang bote.

He wiped his face with a towel and then brushed his hair with his fingers.

"I thought you went home?"

"I watched your game and you're doing good. Pauwi na rin ako."

He nodded and then changed his shirt right in front of me. Hinubad niya iyong basa niyang jersey saka pinalitan ng bagong damit habang nandito ako sa harap niya.

Wala namang konsiderasyon.

"Oh," iminuwestra niya sa akin iyong jersey niya.

"Bakit?"

"Binibigay ko lang 'to sa nakaka-appreciate ng laro ko."

"Eh basa naman 'yan, eh? Anong gagawin ko dyan?" tanong ko.

Hindi naman sa maarte ako pero jersey niya 'yon saka mayroong pangalan niya. Alangan namang angkinin ko?

"Labhan mo saka patuyuin at gawing remembrance. Consider it as a souvenir since you watched my game." At tuluyan na niyang ibinigay iyon sa akin bago kinuha ang bag at naunang maglakad palabas.

Continue Reading

You'll Also Like

124K 7K 44
When she wants to go to her dad's house as she was missing them!! Her husband who was searching online how to "stop your wife from going away from yo...
499K 36.6K 38
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
386K 40.3K 22
ุงู†ุง ุงู„ุนุงุตูุฉ ุงู„ุญู…ุฑุงุก ุฃู„ุชูŠ ุชุฑุงู‡ู† ูˆุชุฑุจุญ ุงู†ุง ุงู„ู‚ูˆุฉ ุงู„ุนุธูŠู…ุฉ ุงู„ุฐูŠ ุณูˆู ุชู†ู‡ูƒ ูƒูู„ ุงู„ุงุฑูˆุงุญ ุงู„ุฌู†ูˆู† ูˆุงู„ุชู„ุงุนุจ ุจุญุฏ ุฐุงุชู‡ ู‡ู†ุง ุฃุณุชุทูŠุน ุงู† ุงุชู„ุงุนุจ ุจุนู‚ู„ูƒ ุญูŽุฏ ุงู„ุฌู†ูˆู† ุงู…ุฑ...
15.5M 440K 73
"๐–๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ ๐ก๐š๐ฏ๐ž ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐›๐ž๐ž๐ง ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฆ๐ฒ ๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ž?" "๐๐จ๐ญ ๐ข๐ง ๐ก๐ž๐š๐ฏ๐ž๐ง, ๐ญ๐ก๐š๐ญ'๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž." Nothing in life...