Love Passed By | BTS Tagalog...

By WorldwideJin_

49.3K 1.9K 5.1K

Welcome, first time with BTS? highest rankings: #1 - tagalogfanfiction #1 - sajin #1 - twicemomo #3 - btsta... More

AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
▪1
▪2
▪3
▪4
▪5
▪6
▪7
▪8
▪9
▪10
▪11
▪12
▪13
▪14
▪15
▪16
▪17
▪18
▪19
▪20
▪21
▪22
▪23
▪24
▪25
▪26
▪27
▪28
▪29
▪30
▪31
▪32
▪33
▪34
▪35
▪36
▪37
▪38
▪39
▪40
▪41
▪42
▪43
▪44
▪45
▪46
▪47
▪49
▪50
hi ? hehe

▪48

629 34 207
By WorldwideJin_


Miyen's POV

"Nasaan na ba 'yun?"

Kanina pa 'ko hanap ng hanap kung nasaan yung jacket ko. Hindi ko na maalala since masyadong puno ang utak ko kahapon.

I deeply sighed. Umupo naman ako sa kama ko at sinubukang alalahanin ang mga pinuntahan ko bago umuwi.

"Lumabas... tapos, pumunta ako sa shop ni--"

Natigilan ako nang marealize ko na. I groaned. "Seriously? Doon pa sa café na malapit sa building? Ayoko na bumalik doon!" sigaw ko. I facepalmed. Wala akong choice kung 'di, balikan 'yun.

Tumayo na ako at agad nag-ayos, baka mainip na sila Caitlyn kakahintay sa'kin. Sigh.

Pagkababa ko ng taxi ay kinabahan pa ako. Sana walang staff na makakita sa'kin dito. Ayoko na nga sanang bumalik. Kung hindi ko lang talaga kaibigan yung manager dito.

Sumilip muna ako sa glass wall kung si Aera nga yung nasa counter para sure. Nang makita ko siya doon ay agad na akong tumungo papuntang entrance.

Nakangiti akong pumasok sa café, nang biglang may nabangga ako.

She groaned. "Ouch!"

My eyes widened. "H-Hala sorry--"

"Kapag natapon talaga 'tong-- wait, Miyen?" she glared. "O-Oh, Shinyoung. Ikaw pala." I softly said.

She scoffed. "Nandito ka rin? Bakit?" tanong niya. "Ah, w-wala. May naiwan ako, babalikan ko lang." I stuttered.

"Eh, si sir Jin? Babalikan mo rin ba?"

Nanlaki na naman ang mata ko. "H-Ha? Shinyoung naman." I awkwardly laughed.

Wait, paano niya nalaman?

"So that's a no? Buti naman." she smiled.

I frowned. "Hindi kita... maintindihan." Umirap naman siya. "Don't act as if hindi mo alam. Alam kong may tinatago kayong dalawa." she whispered.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. "S-Shinyoung, please. Ayoko nang pag-usapan--"

"Hindi ka na nagta-trabaho 'di ba? Serves you right, you flirt."

My eyebrows furrowed. I scoffed. "Ano? Flirt? Excuse me, hindi ako malandi. Shinyoung? Ikaw ba talaga 'yan?"

She chuckled. "You're funny, and yes ako 'to. Seriously, Miyen? Do you think I'm one of your friends? Pathetic."

I'm speechless, nanatili akong nakakanganga. Unbelievable. "Tinuring kitang kaibigan, Shinyoung." I whispered.

"Well ako, hindi. Malas ka naman." she cheekily smiled. I shaked my head. I can't believe this. Dito niya pa talaga nagawang sabihin lahat ng kaplastikan niya.

"Great, mas lalo mo nang sinira ang feeling ko sa lugar na 'to." I sarcastically smiled. "Oh, okay nga 'yun para hindi ka na bumalik pa." sagot niya.

I curled my fists. Ayoko nang magsimula ng away dito. Nakakahiya. I sighed. "Shinyoung, please, ayoko ng away."

She rolled her eyes. "Okay. Pero before I go, gusto ko lang na malaman mo, ako na ngayon ang key makeup artist. Wow, amazing isn't it? Napalitan ko na yung dating head, which is you."

I glared at her. Wala na akong pakialam kung siya ang pumalit sa pwesto ko. Hindi na rin naman ako babalik.

"Have a great day, Miyen. Bye." she waved. Shinyoung smirked before turning around to leave the shop. I deeply sighed, closing my eyes.

May naramdaman akong tumapik sa likod ko kaya agad akong lumingon. "Ayos ka lang Yen?"

"Oh! Aera!" I cheered. Yinakap ko siya at yumakap naman siya pabalik. "Ang tagal ng pag-uusap niyo ni Ms. Shinyoung. Tatawagin sana kita kanina." she chuckled.

I shaked my head. "Huwag mo na isipin 'yon. Bumalik nga pala ako dito kasi, may naiwan ako."

Her eyes widened. "Ay! Oo! Ikaw talaga, yung jacket mo teka kukunin ko." she smiled. Tumango naman ako at pumasok muna siya sa room nila.

Umupo muna ako malapit sa may bintana, well transparent naman yung buong bintana pero whatever. Tumingin naman ako sa labas at nasa harap lang yung building. I sighed.

Kinuha ko na lang ang phone ko para i-chat si Caitlyn na papunta na ako.

Seokjin's POV

Habang nagbabasa ng libro bigla akong nakaramdam ng gutom, as usual.

Hindi pa ako nakain ng almusal, masyadong puno ang utak ako. Hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos. Everything is so fucked up.

Isinara ko na ang libro ko and sighed. Doon na nga lang ako kakain sa café. Malapit lang naman.

Nag-ayos na ako at agad na lumabas para bumili ng makakain.

Nasa hallway na ako papunta sa labas nang makita kong pumasok si Shinyoung.

Tumango naman ako sa kanya pero agad niyang hinawakan ang braso ko. I looked at her. "Wait, saan ka pupunta sir?" tanong niya.

"Uh, doon." turo ko sa café na nasa harap. "Hindi pa ako nakakain eh." dagdag ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya kaya kumunot ang noo ko.

"W-Wait, huwag." aniya. "Huh? Bakit?"

"A-Alam mo sir, sabay-sabay na lang po tayong kumain. Kami rin mga staff kakain pa lang. S-Sige na po." she pleaded.

Nakahawak pa rin siya sa braso ko kaya dahan-dahan ko itong inalis. "Sir, mas makakatipid kayo kung sasabay na lang kayo sa amin. Meron na rin naman doon sa loob." dagdag niya.

I looked down and sighed. "Sige."

Napangiti naman siya. "Great. Ihahanda ko lang po, sasabihan ko na sila." Agad siyang pumunta sa room nila at naghintay naman ako doon sa hallway.

I crossed my arms. Napatingin naman ako sa labas at sa loob ng café.

Napatitig naman ako sa babae na nasa salamin. I frowned. She looks familiar.

Agad akong napa-ayos ng tayo at mas lumapit sa pintuan para mas makita ko kung sino 'yun.

Bigla naman siyang lumingon sa gilid niya dahil may lumapit sa kanya. Si Aera yata. Pinakilala din sa akin ni Miyen dati.

Hindi kaya, si Miyen 'yun?

Lalabas na sana ako nang bigla namang may pumigil sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Shinyoung na may hawak na meal box, ramen specifically.

"Sir, kakain na po." aniya. I slowly nodded. Binitawan na niya ako at nauna na sa akin maglakad papasok.

I looked down, lumingon naman ako ulit sa pintuan at nakita ko wala na yung babae doon sa loob ng café. I sighed. Baka gutom lang 'yan Seokjin.

"Sir? Tara na?" she called. I looked at her and slightly smiled. Tumango na ako at sumunod sa kanya.

Caitlyn's POV

"Wait, nandito na daw siya!" sabay tayo ko. Napa-upo naman si Hyesoo. "Teka, salubungin ko lang sa labas." paalam ko. She nodded.

Lumabas ako ng kwarto at agad na pumunta roon sa elevator. Sakto namang bumukas ito at nandoon si Miyen na may mga bitbit.

Her face lit up nang makita niya ako. "Ay, akin na muna 'yan." ani ko at kinuha ang hawak niya. She chuckled at sabay na kaming pumunta sa kwarto.

Pagpasok naman namin at nakangiti naman si Hyesoo sa kanya. Ibinaba ko ang hawak ko. "Uhm, Miyen si Hyesoo, bestfriend ko." wika ko.

Yumuko naman si Miyen kay Hyesoo at ganoon din siya. They both chuckled dahil ang awkward.

"Ah, may dala pala akong drinks galing doon sa café na dinaanan ko." aniya habang kinukuha ang nasa plastic na dala niya kanina.

"Thank you~" I cooed. Inabot na niya ito sa amin at nagpasalamat rin si Hyesoo.

"By the way, bakit kayo... nasa ospital?"

Nagkatinginan naman kami ni Hyesoo. I sighed. "Long story. Kwento ko?"

Tumango siya. "Kung okay lang sa kanya." turo niya kay Soo. Hyesoo nodded, smiling.

Jungkook's POV

I sighed for the fifth time today. Pinapatawag nanaman kami ni PDnim. Hindi pa ba matatapos ang mga problema ha?

"Ggukie, nakikinig ka ba?"

I snapped out of my thoughts. "H-Huh?" sabay hawak ko sa kamay niya. He rolled his eyes. "Tinatanong ko kanina kung tungkol kaya sa atin or sa grupo yung pag-uusapan mamaya." aniya.

I pouted. "Hindi ko alam, bub."

He sighed. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto ko. Nakasandal naman ako sa headboard ng kama habang siya nakayakap. I softly played with his hair.

"Natatakot ako Jungkook." he whispered. Nakabaon pa rin ang mukha niya sa dibdib ko. I loudly sighed.

"Taehyung." I called. Umangat ang tingin niya sa akin. "Pinag-usapan na natin 'to, 'diba?"

"Pero, hindi mo naman ako masisisi. Kahit na alam kong mahal mo ako, at hindi mo 'ko iiwan, natatakot ako sa pwede nilang gawin." he pouted.

"Natatakot rin ako para sa ating pito. Marami nang nagsesend ng hate towards our group. Lalo na kay Jimin." dagdag niya.

I held his cheeks and locked eyes with him. "Nandito ako, okay? Huwag kang matakot. Please." I softly said.

Ngumiti naman siya. "Okay." he whispered. "I love you."

"I love you too." I whispered back and pecked his lips. Ako naman ngayon ang yumakap sa kanya. He giggled.

Sana hindi na lumala pa ang lahat.

Caitlyn's POV

"Ano?!"

"Teka kalma." saad ko. "Medyo maayos na rin naman ang pakiramdam ni Hyesoo. Pero hindi ko pa rin mapapatawad kung sino man ang gumawa noon sa kanya." dagdag ko.

She sighed. "Sorry sa nangyari, Soo." Hyesoo shaked her head. "No! Ayos lang, bakit ka nagso-sorry?" she chuckled.

"Eh kasi nakaka-trauma rin yung nangyari sa'yo 'no. Bakit ba kasi nangyayari lahat ng 'to?" tanong niya. "Hindi ko rin alam, Yen." sagot ko.

Tumagal naman ang pag-uusap namin. Pati na rin yung tungkol sa nangyari sa amin ni Miyen at sa pito.

"Wait, kailan nga pala yung nangyari sa'yo Soo?" tanong ni Miyen. "Noong birthday rin ni JK." biglaan kong sagot.

She frowned. "Wait-- Wait, bakit.. halos lahat ng kamalasang nangyari sa atin, sa saktong araw pa ng birthday ni Jungkook nangyari?"

"Baka malas si Jungkook? Joke lang." Hyesoo giggled. I chuckled and shaked my head.

"Or malas yung nagpa-birthday kay Jungkook?"

Miyen knowingly looked at me. I frowned. "Anong ibig mo sabihin?"

"Si bruha, Seoyeon. Tingin ko siya may pakana ng lahat ng 'to." she seriously said.

My eyes widened. "W-Wait, grabe. Huwag muna tayong mag-judge agad." I awkwardly laughed.

"Hindi, Cait. Ang lakas ng feeling ko." aniya. "Uhm, yung Seoyeon ba na pinag-uusapan niyo.. yung bagong manager na nagtanggal sa inyong dalawa?" tanong ni Hyesoo.

"Kay Caitlyn." pangongo-rrect ni Miyen. "Ako yung mismong umalis sa trabaho."

"Oh.." she trailed off. "Sorry." Umiling naman si Miyen. "Hindi, ano ka ba."

"Yen, impossible namang si Seoyeon ang may pakana ng lahat. Sa tingin mo pagsasayangan niya talaga tayo ng oras? Mayaman na siya, may maayos na trabaho, bakit niya pa papakialaman ang mga buhay natin?" tanong ko.

"Kasi hindi pa sapat sa kanya lahat ng 'yon." she simply answered.

"Eh?" sabay naming sambit ni Hyesoo. Miyen sighed. "Cait, nakita mo naman kung gaano siya ka-obvious. Yung obssession niya kay Yoongi, hindi pa ba 'yun sapat na dahilan para magmukha siyang psychopath."

"Grabe yung psychopath." sabay tawa ko.

"Eh, totoo naman. Obssessed siya kay Yoongi, wala siyang pakialam nung mapahiya ka or kung may masaktan siya, kulang siya sa aruga. Ay, certified psychopath ang puta."

Hyesoo chuckled. "Ganyan pala siya. Buti na lang wala na kayo doon."

I pursed my lips. "Nakakalungkot rin 'no."

"Bakit? Kasi hindi mo na makikita si Yoongi--"

Agad naman akong napatingin kay Hyesoo na natigilan. "Uh.."

"Wait, bakit? Ya! Caitlyn! May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" tanong ni Miyen. I facepalmed.

Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa mga  mata niya. She frowned. "Tama ba yung naiisip ko?"

I nodded. Alam ko naman na gets na niya. Sigh, dalawa na silang mangangasar sa akin. "Oh my gosh, true ba?" tanong ulit niya.

"Oo nga." I rolled my eyes. Bigla naman siyang napatayo at tumili. "Hoy! May makarinig sa'yo!"

Umupo naman siya sa tabi ko. Sobrang laki ng ngiti niya akala mo nanalo ng lotto. "Sabi na magkakaroon ka ng feelings para kay Yoongi eh! In denial ka pa nung una."

I sighed. "Hindi naman gaano ka-seryoso ang feelings ko 'no. Sabing may crush lang. Tsaka, wala na akong chance at hindi ko na rin siya makakasama kaya mawawala rin 'to." ngiti ko.

They both frowned and glared at me. "Ano? Totoo naman--"

"Shut up. Alam mo ang corny mo, hanggang ngayon pa din ba magde-deny ka ha? Caitlyn naman." Hyesoo said. I pouted.

"Bahala na. Kung magkikita kami ulit, edi destined. Pero kung hindi, edi wow." saad ko. They both chuckled. "Kayo 'yan, pustahan pa." ani Miyen.

I shaked my head and giggled. "Nga pala, Cait. Uuwi ako ng Daegu kapag na-discharged na ako dito." biglang sabi naman ni Hyesoo kaya nanlaki ang mata ko.

"H-Huh? Sa Daegu?" tanong ko. She nodded. "Uhm, sasama ka ba?"

I looked down. Ayoko na sanang bumalik doon. Pero wala naman akong choice, wala na rin naman akong trabaho dito sa Seoul.

I sighed. "Sasama ako." Her eyes widened. "Sure ka ha?" I nodded. "Ikaw Yen? Gusto mo sumama?" tanong sa kanya ni Soo.

"Uh, sige. Pero hindi rin ako magtatagal ah. Nakakahiya sa inyo." aniya. Hinampas ko naman siya. "Gaga, nahiya pa. Okay lang! Para tatlo tayo doon sa apartment ni Hyesoo."

"Pumunta kasi parents ko sa Japan, doon nagtrabaho." pagpapaliwanag ni Hyesoo. "Kaya kung uuwi tayo doon, tayo na lang tatlo." dagdag niya. I smiled.

"Exciting." saad ni Miyen. I chuckled. "The best talaga kayong dalawa."

"Sus." sabay nilang sabi. Tumawa naman kaming tatlo.

Siguro mas maganda na rin bumalik ako. Kailangan ko rin mapalayo sa pito. Kahit na may masamang past ako sa Daegu, babalik na lang ako.



••••

oh God seriously, 10 days? simula noong last update ko? HAHAHA omg istg I'm the worst.

so sorry ulit sksjsjsj kasi I'm really busy these days (paulit-ulit amp) pero don't worry I'll try my best to update as many as I can this month. birthmonth ko eh uwu.

and this book is coming to an end na rin, malapit na aww mamimiss ko magkaroon ng writer's block kapag nagsusulat lmao.

anyway, love y'all thanks for all the sweet messages and the support. stay gold and ofc, stay safe! ❤

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 787 150
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
39.1K 1.2K 75
Compilation of Vhoice stories.
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.1K 268 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...