San Vicente Series #1, Moon E...

By 4ofheartx

974 71 37

Ilios Dom Masandro, a serious type of guy and can be goofy sometimes, who always bond with his friends, met a... More

MOON EMBRACES THE SUN
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Epilogue
Author's Note
SPECIAL CHAPTER

Fourteen

14 2 0
By 4ofheartx

"Yes daddy, on duty ako ngayon" i said between our call.

"You sure? Just call us if you need anything okay?" Daddy said.

Kinamusta ko si mommy kanina, and they said na bisitahin ko daw si zonne, I'll probably go there next week, since maluwag luwag naman yung sched ko.

Mahigit Isang buwan na rin kasi na hindi ko nabibisita si Zonne sa Katipunan, isa pa matraffic din. Andito ako ngayon sa Ash Ward, itong ward na to ang pinangalan kay Ashia dahil isa sya sa mga Doctors na nagdonate para sa renovation ng kabilang building.

May nakita akong mga pasyente na natutulog, nakahiga at ang iba ay nakikipagusap sa pamilya, they probably enduring their pain in front of their loved ones, i studied everything about Human Body and for sure i know how it hurts when you're sick or anything, sa description pa lang ng book masakit na, paano na lang kung maramdaman na.

Andito ako ngayon sa labas ng opisina ni ashia, hindi ako pinapasok ng isang nurse dahil may appointment daw ito, maybe it's Ilios dad, like what ashia said yesterday.

Ilang minuto na ang lumipas ay nanatili pa rin ako sa labas, nilabas ko yung phone ko at nag scroll scroll na lang sa Ig. Masyadong maraming posts na ang namiss ko kaya puro like nalang ako sa posts na napapadaan sa feed ko.

I even saw tyrone's post, he was enjoying his vacation in Siargao, he's holding a surfboard and it was a silhouette one. With a caption 'Charaught'

'Is that how people spell 'charot' na? I am so late" i commented on his post.

A few minutes after, i saw damon's post. It was a photo of him holding his guitar, they broke up with faith when we're in college. Yun lang ang narinig ko sa kanila.

Naitago ko kaaga yung phone ko nang bumukas ang pinto ni ashia, there i saw Mr. Dominic Masandro. Despite of what he did to me, i stood up and showed him respect, he's the father of tha love of my life after all.

Tiningnan lang ako ni Mr. Dominic at umalis na ito, nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis na sya, sinundan ko sya ng tingin at matipuno syang naglalakad palabas ng hospital, wearing his Suit and Tie.

"Oh zanne, andyan ka pala, pasok ka" ani ashia.

Sinundan ko naman sya papasok ng opisina nya at sinabi sa kanya na mag le-leave ako sa trabaho starting next week, i told her this para mapagisipan nya na rin na mag leave. Para naman sabay sabay kaming umuwi sa San Vicente.

"Uuwi din pala si Tyrone" sambit ko pa.

Tinanguan lang ako ni ashia at nagpatuloy sya sa pagsusulat sa isang blankong papel.

"Ashia Come on! Hindi ko na mapipilit si sun dahil kung anu-ano nanaman ang lumalabas sa bibig ng babaeng iyon" sabi ko at inayos ang upo sa sofa ni ashia.

Ashia chuckled when i told her that, totoo naman hindi na makausap yang si suinnee dahil lahat lahat na lumalabas sa bibig nya at lahat nirerelate nya through Legal Reference.

Wala naman kaming alam sa Law, when it comes to medicine, hindi nila na kailangan pang mag tanong, kami lang to. Char.

"Ashia! Come onnnn Uuwi silang lahat, pati kami ni ilios uuwi din, ayaw mo bang pumunta ng San Vicente?" Tanong ko ulit kay ashia.

Itinigil ni ashia ang pagsusulat, tumayo sya at tumikhim. Paikot ikot sa opisina nya, sinusundan ko naman sya ng tingin kahit saan saan syang magpunta.

"Fine..." Ani ashia, napatayo ako sa kinauupuan ko at masayang niyakap sya. "But only for one week okay? I have too much concerns right now" aniya

Umupo ako sa sofa at pinagkrus ang mga binti ko, kumuha ako ng magazines sa tabi ng sofa. "Tulad ng?" tanong ko.

"Tulad ng tatay ng boyfriend mo" ashia answered me. Nagalala naman ako ka agad sa lagay ng tatay ni ilios, ilios isn't that in a good relationship with his dad, nagaalala lang ako na baka may sakit nga iyong papa nya tapos hindi parin sila okay ni ilios.

Days passed by quickly, andito ako ngayon sa condo ni zonne sa katipunan, napansin kong wala na syang grocery stocks at napagisipan ko na ako na ang gagawa nun, masyado kasi syang busy sa law school, minsan noon nakakabisita ako dito gabi na sya nakakauwi at pagod na pagod ito.

Dumiretso na ako sa grocery at nilalagay lahat sa cart ang iba't ibang klaseng pagkain, as much as possible good for 1 month, i took some kilos of meat, beverages, snacks, Vegetables, dairies and everything, lumagpas pa ng 25k yung bayarin. Napagisipan ko rin na bilhan ng appliances si zonne dahil hindi ganoon karami ito, hindi naman sa tinitipid sya nina papa, tutal binibigay sa kanya lahat ng kailangan nya sadyang wala sigurong oras ang kapatid ko.

Tulak ko na ngayon ang cart papuntang parking, idedeliver din daw mamaya sa condo yung ibang appliances na binili ko tulad ng microwave, coffee maker and other essentials.

I was looking for my car keys when suddenly someone pushed tha cart, nabigla ako at nataranta na syang ikinalaglag ng mga susi ko, gosh hindi pwedeng basta basta nalang mawala yung higit na Dalawampu't walong Libo na Grocery ko.

Nung tiningnan ko yung taong nagtulak noon, napahinga nalang ako dahil si ilios ito, yes i told him to wait for me in the parking are nung tumawag sya kanina, he was pushing the cart around like a kid, waiting for me to unlock my car.

Lumapit sakin si ilios at hinalikan ang pisngi ko, tumulong ako sa kanya sa paglagay ng mga pinamili ko sa likod ng kotse ko.

"Ang dami naman nito, may fiesta ba?" Sabi nya sabay buhat ng malaking supot.

"No, since we're going back to San Vicente I thought na bilhan si Zonne ng groceries para naman kahit yun ay makatulong ako sa kanya"

"2 weeks lang naman tayo dun ah, bat parang pang 6 months tong mga pinamili mo." Aniya sabay tingin sa mga supot.

Pinabayaan ko na lang si ilios at sumakay na sa sasakyan ko, may dala din syang sasakyan kaya nakasunod lang sya sakin, hindi naman ganoon ka layo yung condo ni zonne kaya madali lang kaming nakarating doon.

Nagpatulong kami sa mga workers ng condo na idala yung mga pinamili ko, tawang tawa naman si ilios ng walang dahilan, good mood ata to e.

Pumasok na kami sa condo ni zonne dahil may spare key naman ako, para namang nakakita ng multo si zonne at dali daling nagtaklob ng twalya at nagdamit, para namang hindi na namin nakita yung upper body nya.

"Zonne i bought some grocery supplies for you so that you dont have to worry about this" sigaw ko.

Lumabas na si zonne at inaayos na ang eye glasses nya, sabay sila ni ilios na pakealaman yung mga pinamili ko.

Inarrange ko naman lahat ng pinamili ko at di nagtagal ay dumating na ang mga appliances.

"Zonne.. wala ba talagang fiestang magaganap?" Tanong ni ilios kay zonne.

"Hindi ko alam kuya, baka nga magpapafiesta si ate" sabat naman ni zonne, gosh, boys.

Nagluto ako ng dinner around 9+ i know masyado ng late pero nagutom kami bigla, kaya nagluto na ako, sinabi ko naman kay zonne na uuwi ako ng san vicente at sabi nya gusto nya daw na sumama pero hindi nya magawa.

Umuwi kami ni ilios around 12 am, maluwag naman yung daan kaya nakauwi kami ng mabilis, dumiretso sya sa Dasma At ako naman Sa QC. Napagplanuhan na namin na sabay sabay kami nina ashia bumalik sa San Vicente.

Naghintay pa ako ng tatlong araw bago makauwi na ng san vicente, gladly mamayang ala singko na yung uwi namin.

Nagiimpake na ako ng mga gamit dahil mamayang 5 am yung flight namin papuntang San Vicente. Wala na akong balak na matulog pa dahil 1 am na rin, nagmamadali na ako sa pagiimpake ng mga gamit, hindi na ako nagdala ng marami at isang trolly lang na maliit at isang shoulder bag ang dala ko.

Dumating ako sa Airport around 4 am. Nakita ko agad si ashia at ilios na naguusap sa labas ng entrance, nung nakita nila ako, bigla silang lumapit. Nagbayad muna ako sa cab at lumabas na.

Finally, we're going back home, sadly wala si suinnee at yung iba pa kaya kami nalang muna yung uuwi. I was just wearing a white loose pants and white blouse, and ilios was wearing a shorts and white button down top with hairbands on his hair, ilios wasn't like this, it's because of Yiannis and Ashton, they taught my boyfriend to wear this kind of clothes. While ashia was just wearing her joggers and white t shirt paired up with a sandals.

We checked in and went directly to the boarding gate around 4:30, tumigil muna ako at pumasok ss mga designer stores dito para mabilhan yung mga pamilya ko na andun sa san vicente as my pasalubong for them.

Hinanap na namin yung boarding gate namin at naghanap ng upuan, nung lumapit kami sa isang flat screen machine na naka details kahat ng flight, may narinig kaming nagsalita sa likod.

"Ang tagal nyo naman, hindi nyo ba alam kung gaano ka mahal yung appearance fee ko?" Sabay alis ni sun sa shades nya, natatawa kaming lumait sa kanya.

"Kanina pa ako nandito, akala ko nga mauuna pa yung flight ko kesa sa inyo" sabi nya pa.

"Bat ka pa kasi hindi nalang nagsabi samin?" Sabi ni ashia.

"Then it isn't a surprise anymore" ani sun.

"You're ridiculous sun" ilios muttered and sat on my side.

"You're hairband looks more ridiculous" sun fired back.

Napahawak tuloy si ilios sa hair band nya, at tumawa naman si ashia kaya inalis na lang ni ilios, these two, such a bullies.

"Bullies" ilioas told them, napatingin naman ako kay ilios dahil parehong Bullies yung nasa isip namin, my gosh ganito ba talaga pag true love hehe.

"Okay naman ah! Promise love, bagay sayo" sabi ko at sinuklay suklay pa ang buhok ni ilios.

"Restroom lang ako" sabi agad ni sun, looking so disgusted sa ginawa ko kay ilios.

"Ako rin" sabi pa ni ashia.

"You're friends are insane, yiannis and ashton taught me this, they said maangas daw pag ganto" ano ba naman yang tinuturo ni yiannis at ashton kay ilios, tapos ito namang jowa ko susunod sunod sa dalawang sira ulo nyang kaibigan.

Hindi nagtagal ay tinawag na rin ang flight namin, sabay sabay kaming sumakay ng eroplano, 1 hour and 45 minutes ang tagal ng flight dahil nasa Mindanao ang punta namin.

Dumating kami sa San Vicente na tumitirik ang araw, pagkalabas namin ng airport, dire diretso lang kami hanggang sa mahanap na ang sari sariling sundo, isinabay ko na sakin si ashia at sun dahil madadaanan din namin sila, pero nagtext sakin si ilios na andito daw si yiannis at si yiannis ang sumundo sa kanya, napalingon ako sa sasakyan na nasa tabi namin.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong natulog, pagod na pagod ako kaya natulog muna ako, saka ko na lang ibibigay yung pasalubong sa kanila.

Nagising ako around 6 pm na, kaya dumiretso na ako sa ibaba, pagkarating ko sa baba ay wala pa rin sina mommy at daddy, alam nila nang ngayon ako uuwi pero busy parin sila sa pag mamanage ng company. I understand pero sana naman kahit ngayong paguwi ko lang dito after 13 years ay salubungin man lang nila ako. Nakikita ko naman sila sa loob ng 13 years, bumibisita naman sila kaya it's okay, they're just busy and i know how it feels.

"Ma'am zanne welcome back po!" Bati sakin ni Manang Tessa, isa sa mayor doma ng bahay namin at dito rin sya noong mga bata pa kami ni zonne. Ibinigay ko sa kanya ang designer bag at perfume na binili ko sa kanya, tsaka na rin yung mga perumes na binili ko sa iba na nandito sa bahay.

Kumain muna ako ng dinner at hinintay sina mommy at daddy sa sala, kinuha ko ang phone ko at lumabas papuntang garden area. Doon ako umupo at gumamit ng phone. Nakita ko ka agad ang text ni ilios sakin.

From Ilios: Love saan ka? andito kami food hub

From Ilios: I think you're sleeping, sleep tight. I love you

That was 6 hours ago, so that means around 12? Or 1 sila pumunta ng food hub, seriously hindi ba sila napagod sa byahe?

I saw ashia posted a silhouette photo of her at silisad, one of the best seaside here in san vicente.
'nothing feels like home' yung caption nya.

I saw a lot of comments from people i knew but i just scrolled more to see anything interesting, then something really interesting came up. I saw yiannis posted a photo, it was the sun. Not sun my friend, the Sun.

Wow i find it interesting kasi masyadong pa mysterious tong lalaking to ha, and one thing's for sure, sun was thinking na yiannis was referring to her.

Then after a moment i saw a call from ashia. I answered it and saw her too close to the camera, she was ringing suinnee then suinnee answered while combing her hair. Deja vu.

Parang kailan lang ay dito rin ako nakikipagtawanan sa kanila through chat, video call at iba pa, that was when we were in highschool, kung maibabalik lang ang oras babalik at babalikan ko parin ang mga nagawa namin noon.

"Bakit hindi ka sumama zanne?" Bungad sakin ni sun.

"Wow, akala mo kung sino yung sumama ah" singit naman ni ashia.

"Nakatulog ako kaya hindi ko nasagot yung tawag nyo" sabi ko sa kanila at pumipikit naman silang dalawa dito sa screen ko.

"Alam mo ba zanne.." simula ni ashia.

"Alam mo rin ba ashia na gago ka?" Sagot ni sun sa kanya, nagtawanan kami sandali at sinabi kong ituloy ni ashia yung sasabihin nya.

"Alam mo ba kanina... Pagkapasok namin ng foodhub bigla akong kinurot ni sun sa likod, tapos syempre winelcome nila kami at tinawag kami ni ilios na sumali sa table nila, andoon sina kuya, tyrone, Bryan, cj at syempre si yiannis..."

Nanatili kaming nakinig sa kanya habang si sun naman masama yung tingin kay ashia na nagsasalita. Nagpatuloy naman si ashia sa kwento nya.

"Tapos alam mo ba yung ginawa ng isang yan?" Dagdag pa ni ashia.

"Malamang hindi nya alam wala sya doon tanga" sabat naman ni sun.

"Yung ginawa nyan, pagkaupo pa lang namin hindi na maalis yung tingin kay yiannis, tapos ang ginawa nagpaalam pupunta lang daw ng restroom, pero yung ginawa umuwi" sabi ni ashia.

"Talaga?? Buti hindi nagtaka yung mga kasama nyo" sabi ko naman.

"Oo, kung hindi pa ako inutusan ni tyrone sundan si sun sa banyo hindi ko pa malalaman" sabi ni ashia na natatawa na.

"Ano kasi yun, sinabi ko kina papa na sandali lang ako" ani suinnee

"Magaling kang abogado pero hindi ka magaling mag sinungaling" komento ni ashia.

Pagkatapos namin nagusap nina sun at ashia, ay napagisipan ko nang matulog, almost 11 pm na wala pa rin sina daddy, inantok na ako at umakyat papuntang kwarto ko para maligo kahit ayaw na ayaw ko, dahil gusto ko nalang na matulog.

Nagising ako around 6, kaya napagdesisyunan ko na mag bike muna dito sa village namin. Umuwi rin ako around 7:30 siguro, pagkauwi ko ng bahay i saw mommy preparing breakfast.

Tumakbo ako ka agad sa kanya at niyakap sya. "Zanne you're sweaty go and take a bath muna" mom said pero hinalikan pa rin ang pisngi ko. Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at naligo para makababa na ako agad.

Sakto naman na kumain na kami ni mommy sa hapag. "Saan si daddy mommy?" Tanong ko, uminom naman ng tubig si mommy. "Work pa, you're daddy told me to go home to you, sya na yung trumabaho ng work ko" mom said.

"Mommy I bought this for you" I told mommy at ipinakita sa kanya ang iba't ibang klase ng designer bags na binili ko sa kanya.

Tuwang tuwa naman si mommy sa mga binili ko sa kanya, lumabas kami at nagusap sa may garden, kinakamusta nya sakin si zonne at sinabi ko naman sa kanya na parang hindi na namamanage ni zonne yung oras nya ng mabuti, sinabi ko rin kay mama na binilhan ko ng appliances si zonne.

"Kumusta naman yung lagay nya doon? Okay lang naman ba? Kailangan kong bumisita doon" mom said.

"Okay naman ma, nakikipagtawanan pa nga pero sadyang busy talaga sa pag aaral"

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni mommy, "Hahanap ako ng oras anak, bibisitahin ko sya" aniya.

"Sige mom"

I kinda felt something stinging on my chest, mom never made time for me in Cebu, she never made time to visit me, but it's okay i understand maybe zonne needs mom and dad more than me.

Pagkatapos namin magusap ni mama, umakyat na ako sa kwarto at naligo, ngayon kami pupunta sa Salisit falls. Sinabi sakin to ni Ilios kanina sa text.

Nakasuot ako ng bath robe at inilibot ang tingin sa kwarto ko, nothing changed, ganito pa rin tulad noong umalis ako for college, the light pink walls look new, the pictures i put in the walls are still here, kahit yung mga notebooks ko noon ay naanigan ko sa ilalim ng kama ko.

Andito na ako ngayon pinapatuyo ang buhok ko sa harap ng electricfan ko tulad lang ng dati, it feels good to be back.

I just wore my biker's shorts at brallete top, doon na lang ako magpapalit kung maliligo ako sa falls, nilagay ko lahat ang kailangan ko sa leather bag ko at naglagay ng liptint. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, mas lalo akong tumangkad ngayon at pumuti, ang mga singkit kong mata ang napapansin ng lahat, mahaba na rin ang buhok ko at abot na nito ang pwetan ko.

Naramdaman kong nagvibrate na ang phone ko at siguro hudyat na ito na nasa ibaba si ilios. Kinuha ko muna yung scarf ko para ipangtakip sa mukha ko.

Pababa na ako ng narinig si mommy na tumatawa, sinundan ko ang naririnig kong tawa at nakita ko si ilios at mommy na tumatawa, nakaupo si ilios sa silya sa labas habang si mama hawak naman ang water hose sa garden. Naguusap sila tungkol sa experience ni ilios sa europe tour nya.

"I always wanted to go to europe" mommy said habang hawak ang hose.

"Maganda doon Tita, besides you can afford to go, oras na lang ang kailangan" ilios said. Palapit na ako sa kanila nung lumingon sakin si ilios he gave me a sweet smile and i smiled back.

"Oh zanne andyan ka na pala" ani mommy.

"Kayo talaga, kailan na ba ang kasal?" Mommy asked out of nowhere.

Namula ako sa hiya, plus my skin is fair kitang kita ang pamumula ko, ilios and i never talked about marriage, oo napagusapan namin na ang gusto naming mangyari sa buhay namin pero hindi pa yung kasal, matagal na kami ni ilios pero ni minsan ay hindi ako nagsawa sa kanya. Sinong magsasawa kung araw araw ma slalong pumopogi yung jowa? Char.

"Mom!" Suway ko kaagad kay mommy, tumawa naman si mommy at nagpatuloy sa ginagawa nya.

"Soon po...tita..." ilios answered.

Tumigil muna kami ni ilios sa isang grocery store para may dala naman kaming pagkain. Iniwan ko ang gamit ko sa loob ng sasakyan at wallet ko lang ang dinala ko. Naglakad na kami ni ilios sa grocery store, nakahawak sya ngayon sa baywang ko.

Naka beach shorts lang sya ngayon at sleveless white top, which made his body more beautiful.

"Ano yung dadalhin natin? Snacks lang ba?" Tanong nya, itinuro ko sa kanya ang pushcart at diretso naman nya itong kinuha sabay tulak.

"Hindi ko alam, bumili na lang tayo ng anu-ano yung makita" sabi ko at nangunguna ngayon sa paglalakad, naririnig ko naman ang ingay na binibigay ng pushcart na ito, pumunta kami sa beverage section.

Kumuha ako ng isang dosenang canned soda at water. Kumuha narin ako ng iba't ibang klaseng canned drinks.

We bought fresh fruits and ilios texted a restaurant to buy some pizzas para daanan nalang namin ito mamaya, we bought ready to eat foods and chips. "Mauubos ba lahat ng 'to?" Tanong ko kay ilios.

"Oo mauubos yan, maraming pupunta mamaya" sagot nya habang nakatingin sa mga price ng kinuha namin, he's always like that, lagi nyang tinitingnan lahat ng price tapos bibilhin nya, hindi naman sa nagtitipid sya sadyang habit nya na iyon.

"Ano ba meron? Party ba o outing lang?"

"Sa tingin ko hindi ko alam" he chuckled

Inirapan ko sya at pumunta na sa wine sections, siguro may bibili na ng alcohol drinks kaya dinaanan ko na lang ito.

"Hindi, seryoso na to, nalaman ng iba na andito na kami nina ty kaya yung ibang batch namin ay pupunta din"

Tumango tango ako sa kanya at inilagay sa pushcart ang isang twalya. "So marami nga talaga" tugon ko bilang pagsagot sa kanya.

Pumila na kami sa counter at isa isa ng pinunch ang pinamili namin, biglang binigay ni ilios and credit card nya, inabot ko pa ang credit card ko pero ibinaba ito ni ilios.

"Half-half" sambit ko

"No, it's okay I can pay for it" aniya

"Galanteng galante ah" i teased him.

"Hindi naman, pero parang ganun na nga" he chuckled.

Ang hangin nun ah, tinatawanan ko si ilios habang tulak nya ang pushcart papuntang parking. "Get inside, ako na ang bahala dito" Sabi nya at unti unting pinapasok ang ang mga binili naming pagkain.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan nya at inabot ang phone ko na nasa dashboard, i saw sun sent me a photo of her and ashia, ashia wearing her shades at may malawak na ngiti habang si sun naman ay nakabukas ang bibig at nakataas ang kamay, nasa mukha nya na ang buhok nya.

I sent them a photo of me, na nakatingin lang sa camera, i bursted out laughing when ashia replied.

@ashia.s : Gamit na gamit ah

@alora.sun: Mainit ba ang mga gabi na kasama mo sya?

@zansoleil: LOL, MGA GAGO KAYO!

Ibinaba ko agad ang phone ko ng pumasok si ilios, i looked at him at nakatingin sya sa phone ko.

"What's that?" He asked.

"Huh? Wala" sabi ko at inilagay sa dashboard ulit ang phone ko.

"Come on, let me see" he insisted.

Inabot ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang pucture ni ashia at sun. Sumingkit pa ang mata nya nung nakatingin sa phone ko, sumilip pa ako sa phone ko bago ito nilagay sa dashboard.

"Ganda ni suinee ah" he said at pinatakbo na ang sasakyan.

"Oo nga noh" i said ang glanced back at their photo "maganda din naman si ashia" sabi ko pa.

"Oo, both of them, Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ni yiannis" he chuckled.

I chuckled with that thought. "Isn't yiannis together with altheya?" I asked.

"Uh, oo ata, sila na" aniya.

Malapit na kami sa salisit falls ng nakita namin ang isang Wrangler rubicon na nakahinto sa Valencia Bridge. "Si Suinnee ata oh" ilios pointed at the girl na pinipicturan ang isang babae, inilapit ni ilios ang sasakyan at namataan ko na si ashia at suinnee, luh pupunta na lang magpipicture pa.

"What's up" ilios greeted them at lumabas na ako, patungo sa kanila, lumabas din si ilios to admire the Bridge, pinicturan kami ni ilios dito, at may picture din kami ni ilios dito.

Sabay na kami pumunta sa falls, nakasunod si ashia at sun sa likod namin. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin kami, may mga motor at sasakyan na narito, siguro mga sampung motor at apat na sasakyan, ika tatlo kami at ika apat sina suinnee.

Sabay kaming apat dumiretso sa isang malaking resthouse. Maraming andito ngayon sa falls and they were all familiar, parang dati lang. Naka akbay sakin si ilios hanggang sa pumunta kami sa crowd.

"The doctors are here!" Sigaw ng iba.

Nagtawanan kami sa Puri nila.

"Im not a doctor" sun fired back. "Eh hindi naman ikaw yung pinuri e" sabat naman ni tyrone, lumapit sya samin at nakipag kamayan kay ilios, bumeso naman kami ni ashia sa kanya bago sya lumapit kay sun at niyakap ito, they're bestfriends and buddies sa manila kaya they were so close to each other.

Some were at the falls na and yung iba naman ay naguusap usap, umupo ako sa may kahoy at nakita ko na magkasama si tyrone at sun, and bryan with ashia buhat ang isang malaking icebox, nilapag nila ito sa gitna at binuksan naman ni bryan.

Naghiyawan ang lahat sa saya sa dala nilang icebox, laman ang maraming alak na nasa loob noon.

"Glad we're here, bryan needs some stomach pump later siguradong maglalaklak yan sa alak"

Nagtawanan kami ni ilios at nag asaran, sumasabay kami sa saya, nagpalit na ako ng damit at sinuot ang beach attire ko, a one piece burgundy swimsuit.

Maingay ang falls at may mga music ito, maraming taga atoma na nandito ang nakikilala ko, ilios was holding my waist and pushing me closer to him.

"Tangina walang landian dito" asar ni yiannis at umakbay kay ilios, nakipagkamayan sakanya si ilios pero nilagay din ni ilios ang kamay nya sa baywang ko.

"Ilios! I missed you!"

Napalingon kami sa likod at nakita si Vira na naka navy blue swimsuit, were both flat so it's a tie.

Pinasadahan nya ako ng tingin bago bumeso kay ilios, her hand held ilios arms kung kaya't naialis ni ilios ang kamay nya na nakahawak sakin, pero pilit nyang inaabot ang baywang ko.

Nakipag usap pa sa kanya si Vira, umalis nako at lumapit kina ashia, andito kami ngayon nagbabasaan sa falls, at may mga ibang magjowa na kinakantyawan na maghalikan, nakikisabay kami ni ashia sa kakasigaw.

"Sana all!" Sigaw ni ashia. "Dito ka sakin, hinding hindi ka magsasana all" banat ni bryan.

"Kadiri ka" sabi ni ashia sa kanya.

Nagtawanan naman kaming tatlo bago lumapit si Bryan sa direksyon nina ilios na ngayon ay nagpicture na.

"P*tangina!"

Isang malakas na sigaw na syang ikinatigil ng lahat, napatingin kaming lahat sa direksyon ng sumigaw at nakita kong si sun iyon na buhat ng mga kaibigan nya at ihuhulog sa falls, isang malakas na ingay ang nangyari nang naihulog sya doon dahil natahimik ang lahat sa sigaw nya, nanatiling musika ang naging ingay.

Nagtawanan ang lahat ng nasa falls na sya, isa isa naman tumalon ang iba pang nandito.

Nagpumiglas ako ng may humawak sa magkabilang braso ko, nakita kong si Bryan ito at Ilios, tangina nila, buti ayokong maging kj. Nakitawa nalang ako at nagpupumiglas pa rin, sila kayavang ihulog ko dito, talagang mabibiyak yang ulo nila ihuhulog ko sila sa bato.

"Ilios! Isa Ibaba mo ako kung ayaw mong bibiyakin ko yang ulo mo" banta ko sakanya.

Tila napa 'ohhhh' naman ang lahat sa sinabi ko pero nanatili pa rin akong buhat ng dalawang hunghang na to.

Ibinaba nila na ako at hawak na ni ilios ang baywang ko, mahigpit nya akong hinawakan at bigla ko nalang naramdaman ang pagdampi ng malalambot nyang labi.

Napapikit ako sa nangyari, naririnig ko ang iba sa kakahiyaw, dinig na dinig ko ang boses ni sun kahit nasa falls na sya.

Niyakap ako ni ilios at naghuhumentarado akong yumakap din sa kanya, kay bilis ng pangyayari, kumalas sya sa kakayakap sakin at maganda ang ngiti nya ngayon at bigla na lang ako tinulak ni ilios pauntang falls, parang naiwan pa ata yung soul ko sa kinatatayuan namin ni ilios kanina, ilang sandali umahon na ako at kita ko si suinnee na pinagtatawanan ako.

_____
Kindly follow me! You can comment down your usernames so that i can follow you back! :)

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 377 33
#2: "She let me enter her life as someone who'll teach her academically, but I ended up making things with her romantically. She was my student, my f...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

323K 11.8K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
46.8K 587 24
"That mistake.... ruined the years we had together"
11.5K 82 8
this is a spicynoodles fic I made and I was planning on writing a full story but I couldn't think of anything half way through so I will just post on...