THE BADBOY'S FIRST KISS

By jhuennstorm

361K 12.9K 1.4K

let's find out the story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 23

6.8K 318 49
By jhuennstorm

[Aika]

Halos hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip kay Ryuuji, alam ko kasing binalikan niya ang mga taong humarang sa'min kahapon. Kilala si Ryuuji bilang estudyante na mahilig sa gulo kaya sa tuwing may gulo sa school palaging si Ryuuji ang bukang bibig ng mga estudyante kahit hindi naman siya ang nagsisimula sa gulo.

"Bakit ganyan itsura mo?"tanong sa'kin ni Mama habang kumain kami ng almusal.

Umiling ako. "Hindi lang po ako nakatulog ng maayos,"

"Hays! sabihin mo diyan kay Ryuuji 'wag kayong magpupuyat sa pagte-text or tawag may mga pasok pa kayo," sabi ni Mama.

Sumimangot ako. "Hindi naman po kami nagpuyat, hindi nga siya nagparamdam sa'kin,"

"Ayun! Kaya ka napuyat kakahintay mo na tawagan ka ni Ryuuji."

Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Mama. Hindi ko muna sa kanya sasabihin ang totoong dahilan.

"Mag-iingat ka sa pagpasok, parang hindi ako sanay na makita kang nagco-commute,"

"Papasok na po ako," sabay halik ko kay Mama sa pisngi.

Nag-arkila si Mama ng trcycle papunta sa school namin ngunit hindi pa kami nakakalayo sa bahay namin nakita ko ang kotse ni Fujima na papunta sa bahay kaya pinahinto ko ang tycycle sa gitna ng dadaan ng kotse ni Fujima. Nang huminto ito ay bumaba ako ng trycycle at hinintay itong lumabas.

"Fujima!" tawag ko nang lumabas ito ng kotse. Nakangiti siya sa'kin habang papalapit.

"Nahuli na pala ako," sabi niya. Tumingin si Fujima sa tycycle driver. "Hindi pa ba siya bayad?" tanong ni sa driver.

"Ay! Oo nga sorry!" nakalimutan ko pa lang mag-bayad.

"Here, keep the change." sabay abot ng  five hundred pesos ni Fujima sa trycycle driver. Ang lapad ng ngiti ng trycycle driver nang tanggapin ang five hundred pesos.

"Maraming salamat po," sabi ng driver bago tuluyang umalis.

"Let's go!" ani Fujima.

"Nasaan si Ryuuji?" tanong ko kay Fujima.

Sumeryoso nag mukha ni  Fujima. "Walang nakakaalam kung nasaan si Ryuuji."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Lalo na't sinabi niya kahapon na susundan niya ang mga taong humabol sa'min.

"Baka sinundan niya ang mga lalaking humahabol sa'min kahapon."

Muntik na akong lumusot sa salamin ng kotse nang biglang nag-preno si Fujima.

"Sinabi niya 'yon?" ani Fujima.

Tumango ako. "Sinabi niya kahapon hindi nga ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanya."

Dinukot ni Fujima ang cellphone niya sa loob ng bulsa niya at pagkatapos ay tumawag ito.

"Dan, magkita tayo ngayon sa school." narinig kong sabi ni Fujima.

Gusto ko sanang pakinggan ang pinag-uusapan nila ngunit hindi naman naka-loud speaker, ngunit kahit gano'n alam kong tungkol iyon kay Ryuuji.

"Alam n'yo ba kung nasaan si Ryuuji?"

Tinitigan ako ni Fujima. "Mas magandang 'wag ka ng makialam dahil baka madamay ka pa." Pagkatapos pinatakbo ulit ni Fujima ang kotse niya.

Hindi na niya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa university. Hinanap ko si Ryuuji sa classroom niya ngunit hindi siya pumasok. Mas lalo akong kinabahan nang malaman kong hindi na pumasok si Fujima at Dan. Hindi na ako makapag-hintay na na matapos ang subject namin ngayong araw. Gusto ko na kasing hanapin si Ryuuji.

"Bakit hindi ka mapakali diyan, Aika?" tanong sa'kin ng kaklase kong si Kimmy.

"Huwag mo akong intindihin may iniisip lang ako."

"Dahil ba kay Ryuuji?"

"Alam ko kung nasaan si Ryuuji?" Napahawak pa ako sa braso niya.

"Sinasabi ko na nga ba at si Ryuuji ang hinahanap mo, hindi mo ba nabalitaan na na-aksidente si Ryuuji kagabi, kawawa nga siya kakagaling lang no'n sa aksidente—hoy! Saan ka pupunta!"

Tumakbo kasi ako palabas ng classroom namin. Wala akong pakialam kung bigyan ako ng punishment ng professor namin ang mahalaga sa'kin ay si Ryuuji. Pumara ako ng taxi papunta sa mansyon nila Ryuuji. Habang nasa loob ako ng taxi hindi ko maiwasan na hindi umiyak dahil sa pag-aalala ko sa kanya. Ilang beses na rin akong umusal ng dasal para iligtas si Ryuuji.

Nakarating ako sa mansyon nila Ryuuji ngunit kinakailangan kong humingi ng permiso sa loob ng tao sa mansyon para maka-usap ang mga tao roon.

Kumatok ako upang marining ng tao sa loob. Agad naman lumabas ang isa sa mga katulong ni Ryuuji. Lumapit ako sa kanya.

"Magandang tanghali po, alam niyo ba kung saan hospital si Ryuuji?" tanong ko.

"Si Sir Ryuuji? Hindi ko alam," sabay pasok nito sa loob.

"Sandali lang po," isasarado na sana nito ang gate ngunit pinigilan ko siya.

"Hindi ko alam kung saan. Makaka-alis ka na,"pagkatapos ay sinarado niya ang pinto ng gate.

Muli akong kumatok ngunit hindi ako pinagbuksan. Hindi ko maintindihan bakit pinagkakait nilang malaman ko kung nasaan si Ryuuji. Bagsak ang balikat ko na hindi ko man lang nalaman kung anong nangyari kay Ryuuji. Hindi ko na rin makontak ang mga kaibigan ni Ryuuji.

Hindi na ako bumalik ng school sa halip ay umuwi ako ng bahay namin.

"Aika?" Takang tanong ni Mama sa'kin

"Mano po, Mama." sabi ko pagkatapos ay dumiretso na ako sa loob ng bahay. Sinundan naman ako ni Mama.

"Maaga ka yatang umuwi?" takang tanong ni Mama.

Umupo ako sa sofa at yumuko. Hindi ako pumasok."

"Bakit naman anak?" Tumabi pa siya sa inuupuan ko.

Huminga ako ng malalim. "Mama, hindi kasi pumasok si Ryuuji ang sabi na-aksidente raw siya kaya pinuntahan ko siya sa kanila para alamin kung saan siyang hospital dinala. Pero hindi naman alam ng katulong na nakausap ko kung nasaan siya." Tumulo ang luha ko. "Sobrang nag-aalala na ako kay Ryuuji."

Hinawakan ako sa balikat ni Mama. "Huwag kang masyadong mag-isip ng masama malakas si Ryuuji. Hintayin mo na lang na tumawag siya sa'yo."

Umiyak ako sa balikat ni Mama. Pakiramdam ko kasi hindi ko na makikita ulit si Ryuuji. Hindi ako sanay na wala siya.

Kinagabihan hindi rin ako nakatulog kakaisip sa kanya ilang beses akong nagtext at tumawag sa kanya at kahit sa social media account niya ay nag-chat na rin ako ngunit sa lahat ng ginawa ko kahit isa wala siyang naging reply.

Kinabukasan nag-commute na talaga ako papasok ng university dahil hindi na ako sinundo ni Fujima o kahit si Dan. Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa loob ng univeristy napansin kong sa'kin lahat nakatingin. Ang weird pero parang may mali sa itsura ko ngayon. Imbes na dumiretso ako sa classroom namin dumaan muna ako comfort room upang tingnan ang sarili ko. Baka kasi may kung anong mali sa sarili ko.

Wala namang mali sa itsura at suot kong damit.

Isang minuto ko pa'ng tinitigan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng comfort room. Paglabas ko may lumapit sa'kin na babae.

"Aika, wala na pala kayo ni Ryuuji?" tanong nito.

Kumunot-noo ako. "Ano?"

"May kasamang babae si Ryuuji nang pumasok ngayon, Nagpakilala ang magandang babae na siya raw ang bagong girlfriend ni Ryuuji at ang sweet nila dahil enggange na sila. Pinakita pa nga nila ang rings nila." kinikilig pa ito habang nagku-kwento.

Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tumakbo ako papunta sa classroom ni Ryuuji nang nasa tapat na ako ng classroom niya may humarang sa'kin na dalawang lalaki na nakasuot ng white polo at black pants.

"Bawal po kayong lumapit kay Sir Ryuuji."

"Kakausapin ko lang siya." Pakiusap ko.

"Hinila nila ako palayo sa pinto ng classroom ni Ryuuji.

Anong nangyari bakit bigla nawala na ako sa buhay niya. Bakit biglang nag-bago siya.

"Huds!" Huds!" sigaw ko sa pangalan niya.

Lumingon siya at nagkatitigan kaming dalawa. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin sa'kin.

"Huds! Mag-usap naman tayo," sigaw ko ulit.

"Huwag kayong maingay dito," sapilitan akong hinila ng dalawang lalaki.

Nagpumiglas ako. "Kakausapin ko lang siya wala naman akong gagawin masama sa kanya,"

"Hindi nga kayo pwedeng lumapit sa kanya."

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga estudyante ang mahalaga sa'kin ay makausap ko si Ryuuji. Pero dahil malalaking tao sila at malalaki ang katawan wala akong nagawa nang buhatin nila ako palayo sa classroom ni Ryuuji.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa klase pero wala naman akong ginawa sa loob ng klase kung hindi ang umiyak. Alam kong nagmumukha akong kaawa-awa sa paningin ng lahat pero anong magagawa ko nasasaktan ako.

"Aika, 'diba kaibigan ni Ryuuji ang nasa may pinto?" ani Kimmy.

Tiningnan ko ang sinasabi nila at nakita ko si Fujima at Dan nasa may pinto ng classroom namin. Tumayo ako upang lapitan sila.

"Excuse me Sir." sabi ko nang dumaan ako sa harapan ng professor namin. Tumango ito bilang pagsang-ayon.

"Aika, pwede ka ba namin maka-usap?" tanong ni Dan.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at pagkatapos ay nauna akong naglakad sa kanilang dalawa. Lumabas kami ng school at sa isang coffee shop na 'di kalayuan sa university kami pumunta.

"Siguro naman alam mo na ang tungkol kay Shantal at Ryuuji?" panimula ni Dan.

Bumagsak ang luha ko. "Ano ba'ng nangyayari? Bakit biglang iniwan ako ni Ryuuji? Hindi na ba niya ako mahal?" Pinunasan ko ang luha ko gamit ang daliri ko.

"Aika, alam mo naman na hindi basta-bastang angkan ang pamilya ni Ryuuji. Ang nangyayari sa kanya ay kagustuhan ng Daddy niya. Arrange married ang dalawa at isa sa pinagbabawal kay Ryuuji ang makausap ka, hindi ka niya
Pwedeng lapitan." ani Fujima.

Humagulgol ako ng iyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko inisip na mangyayari sa'min 'to, nakilala ko si Ryuuji bilang isang hard headed na lalaki. Bakit ngayon kabaliktaran ang nangyayari.

"A-Ang hirap talagang maging dukha. Pati pag-ibig pinagkakait sa'yo. Iyon pala ang dahilan nila. Sana pala naging mayaman na lang ako para pantay kami ni Ryuuji."

Hinimas ni Fujima ang likod ko dahil sa lakas ng iyak ko.

"Kilala ko si Ryuuji, hindi niya gagawin ang isang bagay na ayaw niya kung walang mabigat na dahilan. Alam kong may mabigat na dahilan si Ryuuji kaya niya tinanggap iyon."

"Mahal na mahal ko si Ryuuji," sabi ko.

"Alam namin at mahal ka rin niya. Kahit kaming mga kaibigan niya ay pinagbabawalan rin na makita siya."

Tumingala ako "Kahit kayo bawal din?"

Tumango si Dan at Fujima.

"Pero hindi kami papayag na hindi namin malaman ang totoong dahilan ni Ryuuji at kapag nalaman namin 'yon ay sasabihin namin sa'yo," ani Dan.

Tipid akong ngumiti. "Maraming salamat sa inyo,"

Hinawakan ni Fujima at Dan. "Nandito kami para sa'yo, Aika, kakampi mo kami." sabi nila.

Muli akong nagpasalamat sa kanilang dalawa. Napaka-bilis ng pangyayari. Kahapon lang magkasama kaming dalawa ngayon tinatanaw ko na lang ang lalaking mahal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1M 81.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
5.3M 273K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...