Tips in Writing Dialogues
— by Hanzel Writes, via Khayri Rednaxela Retsaoroz Woulfe
Ano nga ba ang dapat tatandaan kapag magsusulat ng dialogue? Isa sa common mistakes sa pagsusulat ng dialogue ay ang ideya na dapat ay tulad din ito sa normal conversations sa totoong buhay. Wrong.
Kapag nakasakay ka sa bus o sa jeep, maririnig mo ang mga pasahero na:
• Nagsasabatan
• Madalas may ‘um’ o ‘ano’ (fillers)
• Papalit-palit ng topic kahit hindi pa tapos ang isa
Okay naman ito sa real world conversations pero sa novel writing, hindi puwede.
Ang pagsusulat ng dialogue ay hindi ang paggaya sa isang real life conversation. Ang role mo bilang writer ay tanggalin ang mga hindi kailangan sa pag-uusap ng characters nang sa ganoon ay hindi maging boring ang nobela at manatiling hooked ang readers.
Tips in Writing Dialogues
1. Dialogues must be in conflict
Kapag ang dialogue ay walang context, wala itong kuwenta—patapon, kumbaga. Kapag ang characters mo ay nag-uusap na wala namang patutunguhan, huwag mo na lang isama sa kuwento.
Isipin mo na lang na nakikinig ka sa usapan ng kapit-bahay mo tungkol sa sirang washing machine o kung anong ulam mamaya... boring, hindi ba? Ganoon din ang mararanasan ng readers mo kapag walang kuwenta ang dialogues.
Paano mo gagawing interactive ang usapan? Simple lang. Bigyan mo ang characters ng conflicting goals. Kung hindi didiretso ang dialogue nila sa away, ma-e-entertain naman nang sobra ang readers mo at patuloy lang na magbabasa.
For example:
“Anong dinner natin?” tanong ni Jane.
Binuksan ni Bill ang ref at sinuri ang laman nito. “Gusto mo ng steak?”
“Sige.”
“May adobo rin kung gusto mo,” sabi niya.
“Okay na ‘yong steak, samahan mo na rin ng mashed potatoes.”
Anong mali rito? Maganda ang conversation pero dull ang dating at walang relation sa plot. Subukan mong lagyan ng conflict at...
“Anong dinner natin?” tanong ni Jane.
Binuksan ni Bill ang ref at sinuri ang laman nito. “Gusto mo ng steak?”
“Steak na naman?”
“Sabado pa noong nag-steak tayo,” sabi niya.
“Alam ko. Pati noong nakaraang Sabado, at Sabado nang nakaraang buwan! Steak na lang ba palagi, Bill?”
Mas interesting, hindi ba? Bakit? Dahil in conflict ang dialogue. Dahil dito, siguradong may consequence na made-develop.
Wala namang masama sa pagkakaroon ng every day conversations sa kuwento, but for the most part, go for tension and conflict between the characters. Masaya kayang pinag-aaway ang main characters ng kuwento!
2. Dialogues must have a purpose
The dialogue should drive the story forward. Paano mo malalaman? Tanungin ang sarili:
• May sense pa rin ba ang kuwento kahit wala ang dialogue? Kapag oo, tanggalin ito.
• Nakakadagdag ba ng suspense ang dialogue? Kapag may nasabi ang character na nagpakaba sa readers tungkol sa kung ano ang susunod na mangyayari, huwag itong tanggalin.
• Binago ba ng dialogue ang sitwasyon ng character either for better or for worse? May natanggap ba silang mabuting/masamang balita na makaka-apekto sa istorya? Kung oo, panatilihin ito.
Marami pang criteria na puwedeng gamitin. Tandaan na kapag ang dialogue ay related sa goals at conflicts ng characters, it means it’s moving the plot forward.
3. The dialogue should characterize
Advancing the plot is just one way of giving dialogue a purpose. Adding to the readers’ understanding of a character’s personality is another way.
Maaari mong ilagay sa dialogue ng isang character ang mga formative event na nakatulong sa pagkatao niya. For example, instead na ilagay sa narration ang past life niya, why not hayaan siyang ikwento ito nang sa gayon ay mas kapani-paniwala? Hindi man makakaapekto sa plot ang mga maaaring i-reveal ng character sa past niya, makakatulong pa rin ito sa pag-e-explain sa development ng kanyang personality.
Importante rin ang dialogue sa pag-demonstrate ng relationship sa pagitan ng mga character. Ang manner ng pakikipag-usap nila ay isang paraan para kilatisin kung ano ang namamagitan sa bawat character. Halimbawa, kapag formal ang paraan ng pananalita, maaaring ibig sabihin nito ay respeto sa nakatataas, at kapag informal naman ay closeness between characters.
4. The dialogue should provide information
Anong uri ng impormasyon? Anything that is crucial to the understanding of the story. Bawat nobela ay mayroong “dry facts” na kailangang malaman ng readers tulad ng importanteng pangyayari sa nakaraan at iba pa.
Ang mga detalyeng hindi parte ng istorya pero importante pa rin sa pag-intindi ng kuwento ay tinatawag na ‘exposition’.
Dito madalas nagkakaproblema ang mga historical romance, science fiction, at crime writers dahil kailangan nilang mag-provide ng historical dates and events, scientific terms, at police jargons na maaaring magtulak sa reader na i-skip ang parteng iyon. Huwag mong ilalagay sa narration ang mga nabanggit kung maaari.
Ang technique dito ay ang pag-iwas sa pagbibigay ng ganitong impormasyon sa isang bagsakan dahil kung ako ang reader, hindi ko na itutuloy basahin ang kuwento mo.
5. Dialogue Tags
Alam naman siguro ng karamihan kung ano ang dialogue tags: sabi ko, aniya, at iba pa.
Yes, useful sila pero huwag i-overuse. Hindi magandang basahin ang kuwento kapag bawat dialogue ay may ‘sabi niya’ sa huli.
On the other hand, iwasan din ang hindi masyadong paggamit nito para hindi malito ang readers kung sino na sa characters ang nagsasalita. Look at these examples:
A) “Mary?” sabi ni John. “May gusto sana akong itanong.”
“Ano ‘yon?” tanong ni Mary.
“Will you marry me?” tanong ni John.
B) “Mary?” mahinang bigkas ni John. “May gusto sana akong itanong.”
“Ano ‘yon?” Nanlaki ang mga mata ng babae.
Lumuhod si John at kinuha sa bulsa ang isang singsing. “Will you marry me?”
Saan ang mas effective?
Kung mapapansin, hindi lang puro dialogue tags ang ginamit sa pangalawang example. Gumamit din ng action tags na nagde-describe kung ano ang ginagawa ng character habang nagsasalita.
6. Dialogues must be different for each character
Unique ang bawat character, maging ang pananalita nila. Dito papasok kung gaano mo kakilala ang mga character mo.
Who are they?
Dapat alam mo ang bawat personality ng characters. Alam mo kung sino sila at kung ano-ano ang mga bagay na ikakagalit nila.
What is their vocabulary?
Ibig sabihin, dapat ang vocabulary nila ay fit sa kanilang background/occupation. Ang edukadong karakter ay gumagamit ng malalalim na salita; ang isang physics professor ay madalas magsama ng scientific terms kapag nakikipag-usap... you get the idea. Tandaan na okay lang din gumamit ng wrong grammar paminsan-minsan sa dialogue kung kinakailangan.
7. Punctuations in Dialogue
Kapag gumagamit ng dialogue/action tags, palaging comma ang ilalagay bago ang quotation mark. Tandaan, kapag comma ang ginamit, palaging small letter magsisimula ang tag.
Wrong: “Nagugutom ako.” Sabi niya.
Correct: “Nagugutom ako,” sabi niya.
Kapag naman complete sentence ang nasa loob ng quotation marks, period ang ilalagay at capital letter na ang susunod na salita matapos ang quotation marks. Hindi na rin kailangan ng dialogue tag dito.
Bottom line? Revise. Revise. Revise. Importante ring pahalagahan ang mga dialogue sa kuwento dahil ang mga ito ang boses ng characters, hindi lang ang narration. Magbasa nang magbasa at obserbahan ang tamang gamit ng bawat dialogue.