Behind My Canvas

Por gal_hermit

4.4K 1.1K 568

Madieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a c... Más

BEHIND MY CANVAS
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 14

109 31 6
Por gal_hermit

"Mom? Dad?" pagtawag ko sa kanila.

"Totoo na naging miyembro ng sindikato ang isang 'yon, Madie." si Mom ang nagsalita.

"Hindi naman sigurado 'yon Allison. We just assume things back then," si Dad na sumalungat. Ang gulo nila.

"Ako ang nag file ng kaso sa lalaking 'yon, duda ako sa kanya."

"Seriously mom? Sana kasi hinintay niyo muna akong magpaliwanag. Kung hindi dahil sa kanya baka bangkay ko na ang nagtagpuan niyo."

"Madie," pagsaway ni Dad.

"Haha you know what? Lagi na lang lalaki ang dahilan ng sagutan natin. So, sino naman ngayon ang Matthew na 'yon sa buhay mo?"

"Allison, Madie? Tigilan nyo na nga 'yan. Tapos na nangyari na."

Nanahimik na lang ako dahil mag uumpisa na naman kami, ayoko ng makipagtalo sa kanya. 

"Sige na, magpahinga ka na muna." pagpapatuloy ni Dad.

Bago pa ako tuluyang makahiga ay bumukas ang pinto.

"MADIE! OMG!" may dala siyang kahon ng pizza at gulat na natulala ng makita akong nakatayo. Patakbong lumapit sa akin si Arley at agad akong niyakap.

"Ang oa mo naman, bitaw na. Hindi ako makahinga." reklamo ko.

"Akala ko huling pag uusap na natin 'yong binabaan mo ako..." nakasimangot na aniya at parang maiiyak pa kaya napangiwi nalang ako sa pag iinarte niya. Hindi ko inaasahan na hahagulgol nga siya sa harap ko kaya tinapik ko nalang ang likod niya, hindi ko alam ang gagawin ko eh.

Lumabas muna sila at naiwan kami ni Arley sa kwarto. Marami akong gusong itanong pero abala ang utak ko sa ginawa ni Matthew.

Bakit kung kailan ako 'yong nandun tsaka siya nagising? Sinadya niya ba o nagkataon lang? Bakit ako ang una noyang tinignan at hindi ang babaeng 'yon? Para saan yung sinabi niya? Your confusing me, Matthew. 

"Hoy Madie, tapos na akong umiyak pero tulala ka pa din. Mukha ko na ang tinatapik mo gaga ka. Kanina ka pa tulala dyan. May problema ba?" nabalik ako sa wisyo sa pagtawag ni Arley.

Sasabihin ko ba sa kanya? Kung sasarilihin ko 'to ay masisiraan ako ng bait sa sobrang gulo. Tumango ako at bumuntong hininga. "Ano 'yon?"

"Kasi..." seryoso siyang nag aantay ng sasabihin ko.

"Kasi?" naiinip na pag uulit niya.

Matagal akong hindi nagsalita, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

"Kinakabahan naman ako sayo, Madie. Ano ba kasi 'yon?" seryosong dagdag pa niya.

"Tungkol kay Matthew..."

Sandali siyang napaisip. "Matthew?"

"Mm, siya 'yong kasama ko noong napadpad kami sa isla." kumunot ang noo ni Arley.

"Isla?"

"Oo, isla na parang...hindi isla." naguguluhan siyang nakatitig sa akin. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang totoo dahil ayoko ng may malaman siya tungkol sa pinagdaanan ko, at sa kung anong klaseng lugar 'yon.

"Sandali ah, bago yan. Hindi mo pa ba alam?" kinabahan ako ng ilabas niya ang cellphone niya.

"Hindi alam ang alin?" takang tanong ko.

"Ang weird kasi...look panoorin mo 'to." sabay bigay nya sa akin ng cellphone.

Pinapanood nya sa akin ang balita kung kailan nai-report ang eroplanong sinasakyan namin na nag crash. Seryoso at tahimik naming pinanood 'yon. Namuo ang kaba sa loob ko at lalo ng nagulo ang utak ko matapos naming mapanood ni Arley.

"Hindi ba ang weird? Lahat ng sakay ng eroplano namatay sa pagsabog dahil naglanding 'yon sa isla..." muli nyang dagdag. "Hindi yung nakaligtas kayo ah? I mean...paano kayo napunta sa isla na 'yon, Madie." napaisip din ako sa sinabi nya. Nakita niyang gulong gulo na ako kaya pinakita niya ulit ang cellphone niya. Sa pagkakataong 'to ay mapa na ang nakita ko. "Tignan mo 'to...dito nag crash yung eroplano," pinakatitigan ko yun. "Tapos eto... dito kayo natagpuan." bakit ang layo? Paanong nangyari 'yon?

"Hindi ko alam, nagising nalang din ako at nandyan na ako sa isla na 'yan." nasapo ko ang noo ko dahil sobrang daming tanong na naman ang nadagdag sa isip ko. Hindi ko na kaya 'to. Tumayo ako.

"Oh? Saan ka pupunta?" agad naman na tanong ni Arley.

"Maghahanap ng sagot. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng posibleng sagot sa mga nangyari," naglakad ako papunta sa pinto.

Napa-atras ako ng makitang may lalaking nakatayo dito, naka cap ito at face mask na itim maging ang mata ay natatakpan ng suot niyang salamin.

Bigla ay pumasok sa isip ko ang itsura ng mga taong humahabol sa amin sa lugar na walang katapusang daan lang ang makikita. Sumikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.

Ganun na lang ang gulat ko ng humakbang ito papalapit sa akin.

"Wahhh! Wag kang lalapit! Lumayo ka dito! Ayoko na!" sa takot ko ay napapikit ako. Para akong masisiraan ng bait ng marinig ko ang pagtawa ng lalaking bumaril kay Matthew. "Ayoko na! Ayoko na!" paulit ulit kong sabi at sunod sunod na yabag na naman ang narinig ko na nagtatakbuhan papalapit sa akin kaya wala sa sariling napatakbo din ako.

Nagpumiglas ako ng maramdaman kong may humawak sakin sa braso. "Madie?! Anong nangyayari sayo?" pero ang boses niya ang nakapag pabalik sa akin sa wisyo. Unti unti akong kumalma at nagmulat ng mata. "Bakit ka sumisigaw?" bakas sa mata ni Dad ang pag aalala. Nangilid ang luha ko habang nakatitig sa kanya.

Ano bang nangyayari sakin?

Nakahinga ako ng maayos dahil sa presensya ni Dad. Lumingon ako sa kanila pero nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking 'yon. Aatras sana ako pero tinanggal nya ang suot nya.

"Bakit naman kasi naka disguise ka ogag!" naglakad papalapit sa kanya si Arley at binatukan dahilan para malaglag ang cap nito.

"Sorry Madie, hindi ko naman alam na nakakatakot na pala ang ganitong outfit," pagpapaliwanag niya.

Tristan Reese. Isa siya tinuring ko na ring pamilya, kagaya ni Arley ay matagal na din kaming magkakilala. Halos silang dalawa ang naging kaibigan ko simula pa noong nag aaral pa lang kami.

Napahilamos ako sa mukha ko at dahang dahang binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Dad.

"Ikaw pala," sabi ko nalang at pilit na ngumiti. Inayos ko ang sarili ko dahil lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin. "Ahh ano, magpapahangin lang ako saglit, labas muna ako." pagpapaalam ko at nagmamadaling lumabas.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Gusto ko lang ng kapayapaan, paano naging ganito kagulo ang simple at blanko kong buhay dati?

Pumikit ako at dinama ang hangin sa rooftop. Ang daming tanong na gusto ko ng masagot pero natatakot akong malaman ang totoo. Natatakot ako sa magiging reaksyon ko kapag nasagot lahat ng tanong ko.

Paano mo ipapaliwanag sa akin ang lahat, Matthew? Magpapasalamat ba ako sayo dahil nakaligtas tayo? Gulong gulo na ako sa katauhan mo. Hindi ko na alam kung tama ba ang hinala ko sayo. Hindi ko alam kung paano ko itatanong sayo ang lahat.

"Itanong mo na lahat, sasagutin ko." napalingon ako sa kanya ng bigla siyang magsalita mula sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakita ko lahat...I'm sorry, Madieson."

"Nakita ang?" kunot noong tanong ko.

"Kung paano ka natakot kanina," tumingin lang ako sa kawalan at hindi na sumagot sa kanya. "Kung ang mga sagot ko ang ikatatahimik ng isip mo, magsasalita na ako." hindi ko pa rin sya nililingon.

Natatakot ako, kinakabahan. At ayoko ng marinig kung ano man ang sagot niya. Hindi ko alam, gulong gulo na din ako kung bakit bigla nalang akong nagka-ganito?

Rules. Snowstorm. Bella and everything, sobrang gulo. Lahat walang linaw. Muling bumalik sa isipan ko ang lahat ng nasaksihan ko sa isla na 'yon.

"Iwanan mo muna ako, hindi ako handa makinig sa paliwanag mo." hindi ko pa din siya nililingon, pumikit nalang ako para ipakita sa kanya na wala akong interes sa sasabihin niya.

"Madies--"

"Umalis ka na muna." putol ko sa kanya.

"Dito lang ako, hihintayin kitang magtanong." pagpupumilit niya pa.

Hindi ako handa sa mga sagot mo, Matthew, pero kung iyon lang ang paraan...

"Sige," nagmulat ako at tumingin sa kanya. "Ipaliwanag mo kung paanong nangyari na hindi tayo kasama sa mga biktima na namatay?"

"Dahil walang naglakas loob na tumalon, Madie. Wala ka ng malay noon at konsensya ko kapag iniwan kita sa nagliliyab na eroplano na 'yon." ramdam ko ang sinseridad nya pero bakit ganito? Hindi ako kontento.

"Ang layo ng isla na binagsakan ng eroplano sa isla kung saan tayo napadpad. Paano mo ipapaliwag 'yon? Ikaw na rin nagsabi sa akin na kuta yon." parang gusto kong bawiin ang tinanong ko.

What the heck? Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito. Hindi ako yung tipo na pinagsisisihan yung tinatanong o sinasabi?

"Kung pinagdududahan mo ako, hindi kita masisisi. Hindi ako kagaya nila. Yan pa din ang sagot ko kahit paulit ulit mo kong tanungin." isa ka nga sa kanila... pero paano nalaman ni Mommy 'yon? Paano siya nakasigurado na kasama ka sa kanila? At kung hindi ka kagaya nila...anong pinagkaiba mo sa kanila?

"Tapos na. Pwede ka ng umalis." pagtataboy ko at tatalikod na sana ako pero nagsalita siya.

"Ako naman," kunot noo ko siyang tinapunan ng tingin. "Tungkol sa nangyari..." nangyari?

WTF?! Pati ba naman yun uungkatin niya pa?!

"Ha?" painosenteng sabi ko pa.

"Should I apologize?"

The hell with this disappointed feeling. What's wrong with me?

I know he didn't mean what he did. It's fine, Madie. Para lang manahimik ka kaya niya ginawa 'yon. No other feelings. Stop assuming things. Stop! Just stop!

"Yeah, you should." sabi ko nalang at mataray na tumingin sa kanya.

"Or...should I confess?"

C-confess? Anong aaminin niya? Tama ba ang narinig ko? Gusto ko ulit itanong pero wala ng salitang lumalabas sa bibig ko.

Para akong napako sa posisyon ko. Wala akong makitang pagbibiro sa mukha niya. Ramdam na ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko, at ayoko nito. Ayoko ng nararamdaman ko. Wake up, Madie.

Walang nagsasalita sa amin pagkatapos noon. Nabasag lang ang katahimikan ng mag-ring ang cellphone niya. Nakita ko sa screen na si Daphne ang tumatawag sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na.

"Sagutin mo na. Bababa na ako, hinahanap na din ako nila Dad." diretso na akong bumaba at pumunta sa kwarto ko.

Papasok na sana ako ng makita kong may tao sa loob. Hindi pamilyar sa akin ang suot niya kaya tinitigan ko siya. Para siyang may hinahanap sa mga mesa na nandoon. Nilibot ko ang tingin ko sa ibang bahagi ng kwarto pero nakita kong walang tao dito. Saan naman nagpunta ang mga 'yon?

Lumingon ako sa hallway nagbabakasakali na makikita silang padating pero walang tao at malinis ang hallway. Paglingon ko ay halos mapatalon ako sa gulat ng bumukas ang pinto.

"Madie?" gulat na gulat din ang mukha niya at akala mo ay nakakita ng multo. Nakita ko ring napalunok siya dahil sa pag-salubong ng mga kilay ko at titig kong nang-huhusga.

"What are you doing here?"

Seguir leyendo

También te gustarán

11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...