Scarlet Eyes [Completed]

NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... Еще

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 85

2.8K 100 11
NhamiTamad

Chapter 85
      
      
         
    
Adi's POV
 

   
    
Nakaupo na lang kami sa sahig ngayon, naghihintay ng mahihingan ng tulong. Bwisit din kasing Leo na to! Magtatago na lang, dito pa sa sirang silid. Walang ilaw pero may konting liwanag mula sa maliit na bintana sa taas.

"It's all your fault" sisi ko sa kanya. 30 minutes na kasi kaming na stuck dito, at wala paring tao na dumadaan. At kung minamalas talaga, hindi ko pa nadala ang cellphone ko, at etong Leo naman ay lowbat.

"Hindi ko kasalanang bulok ang paaralan na ito." Inis na sagot niya.

Masikip ang silid na ito kaya halos magkadikit na kami ni Leo nag umupo kami. Nakapatong ngayon ang magkabilang kamay ko sa mga tuhod ko habang nakatunganga lang ako sa maliit na liwanag na nanggaling sa labas. Kabilugan ng buwan ngayon, at sa tuwing ganito ay naaalala ko na naman ang gabing iyon. Yung mga sinabi niya, na puro kasinungalingan lang pala. Siguro nga ay malas ako sa tuwing bilog ang buwan. Sa tuwing may magagandang nangyari sa'kin sa mismong gabing bilog ang buwan ay mapapalitan agad ito ng sobrang sakit na pangyayari, hindi lang doble kundi triple ang kapalit.

O sadyang malas lang talaga ako, wala naman kasing totoong magandang nangyari sa buhay ko maliban lang sa mga Kuya ko, sila lang ang dahilan ko kung bakit pinipilit ko parin mabuhay sa kabila ng sitwasyon ko. Lahat ay hindi na totoo, puro na lang kasi may kapalit, kaya ayokong maattach sa ibang tao, dahil alam kong masasaktan at masasaktan lang din ako.

"You're crying" narinig kong ani Leo na nakatitig lang sa'kin. Hindi ko masyadong kita ang mukha niya dahil madilim at isa pa ay may mask siya kaya balewala din kahit maliwanag pa.

Agad akong yumuko at pinahiran ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala. Pero wala din silbi ang pagpahid ko dahil patuloy lang ito sa pagbuhos. Nakakainis!

"Mind sharing your problem?" Aniya kaya takang nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Well, we're both strangers to each other, so it's okay to say all your rants to me, I don't mind listening to it" sagot niya ng mapansing nagtataka ako.

He's somewhat right. Maybe if I say all my rants out loud, baka mabawasan ang bigat ng loob ko. Hindi naman kami magkakilala, kaya hindi rin niya maiintindihan ang mga sasabihin ko.

Bumuntong hininga ako bago ako tumingala ulit sa bintana.

"My parents named me Selene, which means moon. Pinili nila ang pangalang iyon dahil ako daw ang nagbigay ng liwanag sa madilim nilang gabi. At first, I can't understand that, not until now." I paused when I felt my tear's welling up.

"Ngayon ko lang napagtanto ang totoong ibig sabihin ng pangalan ko. Our life was messed up before I was born. Pero nung pinanganak ako ay mas lalo lang gumulo ang buhay namin. Their night was dark but when I came, I just lighted up an even worst conflict that's been hiding in the deepest part of it." I smiled bitterly reminiscing all the bad things that happened because of me.

"Maybe the moon doesn't like me. It hates me because I don't suit it's name. Hindi nababagay sa'kin ang pangalan niya dahil puro problema lang ang dala ko imbes na katahimikan. Kaya siguro pinaparusahan niya ako, na sa tuwing may magagandang nangyari sa'kin sa tuwing kabilugan ng buwan ay may kapalit. Kinuha niya si Dj sa'kin, kinuha niya ang bestfriend ko, at ngayon ay ang taong mahal ko ay pinaglaruan lang ako at ikakasal na sa iba. Ang saya ng buhay ko diba?" Tumawa ako kahit ang mga luha ko ay nag uunahan na sa pagbuhos, para na akong baliw na tumatawa habang umiiyak. Siguro nga ay baliw na talaga ako.

Nakayuko na ako ngayon ng naramdaman kong lumapit siya sa'kin at niyakap ako na mas lalong nagpaiyak sa'kin sa hindi ko malamang dahilan. Parang ang gaan ng yakap niya at gusto kong hindi na bumitaw dito. His hug is making me feel better. Para bang ang tagal kong inasam ang yakap na ito at ngayon ay ayaw ko ng pakawalan.

"A-ang sakit sakit kasi. Yung akala mong totoo ay palabas lang pala, yung akala mong mahal ka ay pinaglalaruan ka lang pala. I love him, mahal na mahal ko siya, pero kung kelan sigurado na akong mahal ko siya ay saka ko lang malalaman na laro lang pala ang lahat....I-I tried not to believe him, but all his actions are proving me that all of it was true. Masakit...masakit palang makita ang taong mahal mo na may kasamang iba, masakit palang makita na yung dati niyang ginagawa sa'yo, ay sa iba na niya ginagawa ngayon. Para akong pinapatay sa tuwing nakikita ko sila, na imbes galit ang maramdaman ko ay selos." Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa'kin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko sinasabi sa kanya ang lahat ng ito. Hindi ako nagkukwento ng lahat ng problema ko sa ibang tao, pero, bakit sa kanya ay parang ang gaan gaan ng loob kong sabihin lahat ng nararamdaman ko.

"I'm sorry, baby"

"Adrianne!" Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa malakas na boses nina Kuya Ali na tinawag ang pangalan ko galing sa labas, kaya agad akong bumitaw sa yakap niya at tumayo ako. Pinhiran ko ang mga luha ko at inayos ang sarili bago ako sumigaw pasagot.

"I'm here, Kuya" pinilit kong itago ang hikbi sa boses ko.

"Dun" boses ni Kuya Josh bago ko narinig ang mabibilis nilang mga yapak para buksan ang pinto. Pero gaya nina Bulldog ay hindi nila mabuksan ito.

"Okay ka lang ba jan, Adi?" Tanong naman ni Kuya Xander.

"Y-yeah, I'm fine" sagot ko na lang.

Maya-maya ay narinig namin ang malakas na tunog mula sa labas. Siguro ay sisirain na nila ang pinto para makalabas na kami. Ng masira ito ay tumamabad sa'kin ang magugulong itsura nina Kuya. Mukhang napalaban pa sila.

Hindi ko naman na malayan na umalis na pala si Leo, pagkabukas lang ng pinto ay tumakbo na siya habang hindi pa siya nakikita ng iba.

"Are you crying?" Nag-aalalang niyakap ako ni Kuya Ali.

"I-I'm just scared" pagdadahilan ko para hindi na nila ako tanungin.

Nakita ko pa si Leo na nakatanaw di kalayuan bago siya nawala.

Sino ka ba talaga Leo?
  
 
Natapos ang gabing iyon nang si Leo lang ang nasa isip ko. Bakit niya alam ang tungkol sa blade gangs? Bakit niya alam kung nasa ako? Alam kong estudyante siya ng AU at myembro ng Empire, pero hindi gaano magkakilala para alam niya lahat ng mga nangyari sa'kin.

"Are you okay?" Naupo si kuya Magnus sa tabi ko, nasa paliparan na kami, hinhintay ang private plane na magsusundo sa'min papuntang japan.

"Yeah"

"Are you sure? If you want, i cancel na muna natin ang flight natin ngayon" nag-aalalang aniya. Hindi parin nila inaalis ang pag-aalala nila sa nangyari sa'kin kagabi. Natatakot sila na baka bumalik yung trauma ko dahil nakulong ako sa masikip at madilim na lugar. Takot ako sa dilim, pero kagabi ay parang nabalewala iyon, dahil kay Leo. Gumagaan lang kasi ang pakiramdam ko pag may kasama ako sa isang madilim na lugar, lalo na pag sina kuya ang kasama ko. Pero kagabi, akala nila ay wala akong kasama, kaya ganun na lang ang pag-aalala nila. Ayokong magsinungaling sa kanila, pero hindi ko namam alam ang sasabihin ko.

"I'm fine kuya. Inaantok lang siguro ako" palusot ko bago ako yumakap sa braso niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Asan na ba ang ibang nga kuya mo?" Naiinip na ani Kuya Magnus, hinahanal sina kuya Ali.

Wala pa kasi dito sina Kuya Ali, Kuya Xander Kuya Kurt at Kuy Peter na siyang kasama namin. Dapat ay kasama si Kuya Josh, kaso sinama siya nina tita Lea sa probinsya nila, ayaw ni Kuya Peter sumama dahil boring daw dun, kaya si Kuya Josh lang ang kasama ni Tita Lea papunta dun. Sina kuya Levi naman ay may trabaho kaya hindi makakasama. Malungkot nga ako dahil hindi na naman kami kumpleto ngayong holiday season.

"They're here" sabi ko habang tinatawa ang mga kuya kong pinaglihi sa sobrang kayabangan. Feeling nila ay Artista sila habang naglalakad dala ang nga maleta nila. May suot silang shades at mask, na para bang may pinagtataguan sila.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa niyo at ganyan ang itsura niyo?" Seryosong tanong ni Kuya Magnus na makalapit na sila sa'min.

"Ask Xander" tamad na sagot ni Kuya Ali bago naupo sa tabi ko.

"Ano'ng ako? Wala naman akong ginawa ah! Si Peter kaya, siya sungaw eh!" Pangangatwiran ni Kuya Xander na mukhang hindi parin mapakali.

Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ng mga baliw na'to?

"Let's go. Nakahanda na ang erplano" tumayo na si Kuya Magnus at saka binitbit pareho ang bagahe namin bago nagpaunang naglakad. Patakbong sumunod naman ako kay Kuya dahil ayokong makasabay yung apat, baka may ginawa pala silang kasalanan, madamay pa ako. Hahaha

Nang makaakyat kami ng eroplano ay natulog agad ako, hating gabi narin kasi kami nakauwi kagabi, kaya ngayon at maaga din akong nagising kanina.

Nagising nalang ako dahil naramdaman kong may tumusok tusok sa pisngi ko. Bumangon ako at inalis ang tinanggal ang airpods ko.

"Nasa Japan na tayo" malawak ang ngiti ni Kuya Peter na siyang gumising sa'lin.

Kami dalawa ni Peter ang pinakaexcited sa papunta namin dito dahil plano naming puntahan agad ang Naruto theme park dito.

Nang makarating na kami sa hotel ay agad na nagyaya si Kuya Peter na magpunta ng Naruto theme park.

"Bukas na Peter! Magpahinga na muna tayo" sagot ni Kuya Magnus sa nagmamaktol na si Kuya Peter. Daig pa ang bata na hindi nasunod ang gusto, tsk tsk..

Pumasok na si Kuya Peter sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto na para bang nasa bahay lang siya.

Malaki ang hotel room na ito, at may mga maliliit na kwarto siya na kasya ang dalawang tao sa loob. Apat na kwarto meron ang malaking silid na ito, kaya magkakasama sina Kuya Peter at Kuya Ali, Si Kuya Xander naman at si Kuya Kurt, habang kami ni Kuya Magnus ay tig-isang kwarto.

"Adi!" Tumalon si Kuya Peter pa kama ko pagkapasok niya sa kwarto.

Sinara ko ang laptop ko bago ko siya hinarap.

"Ano na naman kailangan ko?" Nakataas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya na nagpapagulong gulong sa paanang ng kama ko.

"I have a question" nakangising umupo siya at hinarap ako.

"What is it?" Walang ganang tanong ko. Alam ko kasing kalokohan na naman ang itatanong niya.

"May nakita akong lumabas mula sa storage room kung saan ka na stuck, sino yun?" Nanlalaki ang mga mata niya habang nag ngisi ay abot hanggang tenga.

Nabigla ako at agad na nag-iwas ng tingin mula sa kanya. Ang akala ko ay walang nakapansin kay Leo nung lumabas siya.

"Bakit hindi ka makatingin? Sino yun ha? Si......Zach ba?"

"Shut up!" Inis na nilingon ko si Kuya Peter na nakangisi pari  hanggang ngayon.

Pabagsak siyang humiga ulit at nilagay ang magkabilang kamay niya sa ilalim ng ulu niyo bago niya ako nilingon.

"Nag-usap ba kayo? Kaya ka umiyak kagabi?" Naging seryoso na ang tono ni Kuya Peter at nawala narin ang ngisi sa labi niya.

"Hindi si Zach ang kasama ko. Si Leo"sagot ko kaya gulat na napaupo siya.

"Hinila niya ako papasok doon para hindi kami makita nina Bulldog." Dagdag ko pa kaya mas lalong kumunot ang noo niya.

"Then, Why did you cried? M-may sinabi ba siya sa'yo?"

Hindi ko maintindihan ang tono ni kuya, naguguluhan na parang may tinatago siya sa'kin.

"Maybe out of stress, ikaw ba naman makulong sa isang madilim at masikip na silid at hindi mo pa kilala ang kasama mo. At isa pa, nagkahalo halo na ang emosyon ko kagabi, hindi ko na maintindihan ang lahat" sagot kp na lang, para hindi na siya magtanong pa.

Lumapit si Kuya sa'ki  para yakapin ako."You can tell me anything, you know that I'll listen, gaya ng dati" aniya habang yakap yakap parin ako.

Kahit palagi kaming nag-aaway, si Kuya Peter lang ang nakakpagsabihan ko ng problema ko, lahat ng sikreto namin ay alam ng isa't isa. Siguro dahil halos magkaedad lang kami at kami palagi ang magkasama.

"Don't cry. Come on, tell me" nakangiting ani kuya ng humiwalay na siya sa yakap at nakita niya akong umiiyak na naman.

Kinuwento ko kay kuya Peter lahat ng problema ko hanggang sa nakatulog na ako, at pati siya ay dito narin nakatulog.

Kinabukasan ay nangyari na nga ang pinaka-inaasam niya. Ang pumunta ng Naruto theme park.

"Kunan mo kami ng picture ni Saske, tignan natin kung sino mas gwapo sa'min" mayabang na ani Kuya peter bago binigay sa'kin ang camera niya at tumakbo palapit sa standee ni Sasuke at inakbayan to.

"Ang pangit mo Kuya!" Sigaw ko kaya sumimangot siya. Agad kong clinick ang camera habang ganun ang itsura niya.

Tawang tawa ako ng tignan ko ang litrato, nakanganga si Kuya Peter dahil sinigawan niya pa ako.

"Ang sama mo talaga, Adi!" Sigaw niya habang tumatakbo ako.

Hindi ko na mahagilap sina Kuya Ali, paniguradong iba na naman ang pakay nila dito.

Naging masaya ang araw namin dahil halos napuntahan na namin lahat ng magagandag lugar dito sa Japan. Mas masaya sana kung kumpleto kami.

Mabilis na lumipas ang mga araw at New year's eve na. Kami kami lang ang magmakasama dahil hindi pa kami nakakuwi ng pilipinas. Ang dami din kasing inaasikaso dito si kuya Magnus.

Nasa may veranda kami nina Kuya Ali, naghihintay sa mga Fireworks. Nasa loob pa si Kuya Magnus at mukhang busy na naman sa trabaho. Nasa japan nga siya, pero parang nasa pilipinas parin ang isip.

"I hope this new year will be nice to us" nakangiting ani Kuya Kurt habang nakatingin sa maliwananag na siyudad. Hawak niya sa kanang kamay niya ang baso ng alak at nakahawak naman sa railings ang isang kamay niya.

"Wala namang magandang taon para sa'tin" sagot ko.

"Maybe this year, Adi. Everything has an end. Hindi dahil hindi maganda ang taon natin ngayon, ay ganun na rin ang susunod na taon. Let's be positive" inakbayan ako ni Kuya Xander bago siya uminom sa alak niya.

"Sana sagutin na niya ako" sigaw ni Kuya Peter kaya tumawa kaming apat.

"Nakuu, mukhang hindi na tumatalab ang karisma mo ngayon, Peter ah!" Natatawang sagot ni Kuya Ali sa kanya.

"Mukhang lumabas na ang totoo na hindi ka talaga montreal, dahil ampon ka lang nina tita lea" lumapit sa kanya si Kuya Kurt at inakbayan to.

"11:58 na, malapit na ang bagong taon" tumayo si Kuya Ali at lumapit narin sa dalawa bago kami sumunod ni Kuya Xander.

"Adrianne" sabay sabay kaming napalingon kay Kuya Magnus ng tawagin niya ako.

Seryoso siya ngayon kaya bigla akong kinabahan.

"Yes, Kuya?"

"We should head back now" seryosong sagot niya. Napunta ang paningin ko sa kamay ni Kuya na nakakuyom kaya mas lalo lang akong kinabahan.

"Malapit na ang fireworks display, hindi naman delikado dito" naguguluhang ani Kuya Xander

"No, uuwi na tayo ng pilipinas" deretsong sagot ni Kuya na ikinagulat naming lahat.

"Why? Ngayon? As in ngayon?" Gulat na tanong ni Kuya Peter.

"Is there any problem, Kuya?" Seryosong tanong ni Kuya Ali na mukhang naramdaman din ang kakaibang awra ni Kuya Magnus.

Hindi sumagot si Kuya Magnus dahil nagring ulit ang cellphone niya. Sinagot nita ito at mas lalo lang akong kinabahan dahil na sa'kin ang tingin niya.

"Levi wants to talk with you" agad akong lumapit para kunin ang cellphone.

"Kuya?" Sabi ko pagkatanggap ko ng cellphone.

"Adi" Seryosong tawag sa'kin ni Kuya Levi mula sa kabilang linya.

"May...problema ba?" Kinakabahan na tanong ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya Levi bago siya sumagot.

"Lester...

"Why? What about lester?" Mas lalong lumakas ang kaba ko sa tono ng pananalita ni Kuya Levi.

"Adi...Lester is gone"

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Kuya Levi, hindi ako makapagsalita at kasabay ng maingay na Fireworks ang pagbuhos ng mga luha ko.

Please tell na panaginip lang to, na hindi to totoo. Please...please...

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa harap na ng malamig at nakahigang katawan ni Lester.
    
    
    
---------------------

Продолжить чтение

Вам также понравится

Dangerous Beauty Red Rose

Подростковая литература

191K 4.4K 49
(Alferez Series 2) (Agent Series 1 ||Part 1|| ) Started Writing:June 22,2019 Finish Writing:Sept.30,2019 Written By:Shireroseee
Living With The Contejo Brothers [Completed] Luscence Lee

Подростковая литература

110K 3.3K 50
Highest rank achieved: #1 Servant Category ❤️ #1 FUNFICTION #68 watty What does it feels like to be trapped in your own cage? Must be hard isn't it...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
10.2M 144K 25
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...