Something Great (Valdemora Se...

By anchoraigee

13.7K 570 152

Tania Shiraz De Acosta is an ultimate fangirl of the band called Labyrinth.She likes attending some of their... More

Something Great
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Lorenzo Miguel
Author's Gratitude

Chapter 4

329 14 4
By anchoraigee


My teeth gritted, staring at the screen of my laptop intently.

Ipinikit ko ang mata saka huminga ng malalim, pinapakalma ang sarili dahil sa nabasa mula sa kanya.

Do I look like thirsty to the point that I'm asking him for a sex? Does he even know how much I hate him?

Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon? Akala mo kung sino porque't nakuha ang simpatya ng mga estudyante sa school.

Kung hindi lang sana ako nanghihingi ng tulong niya ay hindi ko rin naman gagawin iyon. If it's not because of Isaac, I won't talk to him nicely. Siya lang naman kasi ang nag-iisang choice ko.

I didn't replied him because of anger. I scrolled down on my facebook and saw some related posts about him. I rolled my eyes and turned it off.

Puro na lang siya.

Siya ang laman ng social media, bukambibig ng mga estudyante rito tapos siya lagi ang trending. The only man I hate.

Kinabukasan,pagkatapos ng klase namin ay pinapunta kami kaagad sa club. Halos lahat nandoon na at may mga hawak na instrumento. Mostly guitars. Nagtutumpukan sa gawi ni Enzo ang mga babae at nag-uunahan kung sino ang pwedeng turuan.

"Makisali ka do'n," utos ni Reese at siniko ako. Umiling ako saka kumuha ng extrang gitara. Nahawakan ko pa lang iyon ay nangiwi na ako dahil hindi ko alam kung paano gamitin.

"It's better to learn on your own. Tingin mo ba makakasiksik ako dyan?" Inginuso ko ang gawi niya. He's just sitting while strumming the guitar, not paying attention.

Marami naman ang members na naririto pero sa kanya talaga nagtumpukan iyong mga estudyante. Ewan ko ba sa mga dyan. Masyadong choosy.

"Sabagay. I have an idea," she said while getting the guitar and sat next to me. "This weekend, magpaturo ka sa kanya. Spend your Saturday and Sunday to him tapos tanungin mo kung pwedeng i-invite naman niya sina Isaac. Invite mo rin kami para sama-sama tayo."

"Ano? 'Di ba may lakad tayo?"

"Tsk. Syempre kaming tatlo muna. Alam naman ng dalawang 'yon na kasali ka sa club."

"Eh ikaw? Kasali ka din, ah?"

"Ano ka ba. Alam mo namang wala rin akong talent dyan kaya sigurado akong hindi ako makakapasok. Ikaw na nga tinutulak ko sa grasya, aayaw ka pa?" she hissed while trying to strum the guitar. Wala sa tono iyon at mukhang kailangan pang palitan iyong gitara.

"Samahan mo na lang ako sa sabado," kumbinsi ko pero kaagad siyang umiling.

"No ,no, no. Balitaan mo na lang kami."

Pumayag ako. Since aside from going out together with them on weekend, wala na rin naman na akong gagawin pa. So, call it a day with Enzo. Sana nga lang ay hindi mauwi sa sumbatan at away iyon.

Nagpaturo ako sa available na members nila. Good thing they agreed to teach me. Kahit iyong basic chords na lang muna dahil wala naman akong alam. Where to place my fingers and the proper way to hold the guitar also.

Iyon pa lang ay parang suko na ako. Ni hindi ko alam kung may matututunan ba ako dito. Napilitan lang akong sumali, eh. Kung hindi lang dahil sa kaibigan kong magaling, hindi ako nandito.

"Practice lang. Kapag napansin kasi ng head ng club na nagpupursigi ka tapos naibuhos mo lahat ng natutunan sa performance day ay tanggap ka. You don't need to feel scared and nervous."

Tumango ako.

"Kailangan ba talagang may gitara ka? I don't have one so I guess, I'll borrow this?" tanong ko.

"No, you can't borrow that. Property ng school kasi tapos minsan hindi maiwasang may masira. But don't worry. As long as mayroon nang budget, we can buy another guitar."

"Oh. Okay. I guess I'll be practicing here, then?" Tumango ito saka iniwan kaming dalawa ni Reese. I tried remembering on how to play that chord. Pakiramdam ko'y kumapal agad iyong daliri ko.

We've been practicing here for an hour. At sa aming dalawa, mukhang ako lang ang sumeryoso sa naging turo sa amin.

Iyong tanging ginawa lang ng kaibigan ko ay ang magkunwaring nahihirapan kahit na ayaw sa ginagawa.

"Ay wait. May pupuntahan pala ako. Naku sorry, Tan. Una na ako sa'yo, ah? Importante lang." Kinuha niya ang bag saka tumayo at inilapag ang gitara sa pwesto. Hinigit ko siya.

"Iiwan mo ako dito?" Kahit na ayaw ko namang makasabay siya minsan ay hindi naman yata tyumempo ngayon.

I need her here.

"Oo. Saka marami naman kayong estudyante rito. Magpapaalam lang ako."

"Teka naman. Ikaw nagdala sa'kin dito tapos mang-iiwan ka?"

"Oo nga pero kasi Tan, importante lang. Sorry, ah? Bawi ako sa susunod, promise!" she said before getting an approval to some members and then walked away, leaving me with no choice.

Naiwan akong nakasimangot doon habang hawak ang gitara. Ano pa nga bang magagawa ko? Pumayag ako sa kagustuhan.

Instead of whining there, I continued learning how to play it. Buong oras ay iyon ang napagtuunan ko ng pansin. Hindi pa rin masyadong nakabisado kung saan dapat ilalagay ang mga daliri para umayos ang tono ng bawat chord.

Nagsipag-uwian na rin iyong ibang estudyante. It's nearly dark here. Tila naaliw ako sa paggigitara nang hindi man lang namalayan ang oras kaagad.

"You staying here?" tanong ng member, iyong nagturo sa akin kanina.

"Uh, oo. Pwede naman siguro?"

"Sure. Hanggang 8 pm ka lang pwede dahil iniikot ng guard ang school 'pag may naiiwan pa bang estudyante rito."

Napatango ako bago siya umalis. Iilan na lang ang nakakasama ko rito.

I roamed my eyes. Wala na rin iyong si Enzo at mukhang umuwi na rin.

Tumunog iyong tiyan ko, nagpapahiwatig na gutom na ako.

I stood up and placed the guitar. Agad ring nakuha ang atensyon ko ng mga pagkaing nakapatong sa iisang mesa.

Halos lahat nang iyon ay curls, o 'di kaya mga fast food. May mga drinks din na tingin ko'y para sa mga members na narito.

Nilapitan ko iyon saka sinipat. There's a sticky note placed on the other food. May nakasulat na 'eat well'.

I shrugged my shoulder and then took a bite from the burger. Napatingin din ako sa ibang pagkain na naroon at mukhang alagang-alaga talaga ang mga members dito. Siguro para sa mga nag o-overtime mag-practice rito.

Uminom rin ako ng soda sa katapat. I almost choked when I saw Enzo already standing in front of me wearing his poker face while deeply staring.

Napaubo ako ng kaunti saka inilapag iyong burger. I glared at him but he just remained serious.

"Akala ko ba nakauwi ka na? Ba't ka nandito?" asik ko kaagad, hindi matanggap na narito pa rin siya.

His eyes went directly to the foods on the table. Nangunot ang noo niya nang mapansin iyong burger na kinain ko.

"You ate something that doesn't belong to you," sabi niya at ibinalik ang tingin sa akin.

Napahawak ako sa burger saka kinagatan ulit iyon.

"Bakit? Gutom ang tao tapos para naman 'to sa mga nag o-overtime rito, ah?"

"That's mine. See this?" He pulled another sticky note and held it in front of me, letting me to read it. Binasa ko iyon at mukhang gusto kong isuka ang nakain.

It's from his admirers! Of all the sticky notes placed here, iyon pa ang hindi ko nakita!

And why they put it in here? Kung saan nakikita ng ibang tao tapos pwedeng mapagkamalang para sa iba iyon at hindi kay Enzo?

Agad kong nilapag ulit iyong burger saka hindi na nag-abala pang kumain ulit. I didn't dare drinking the soda again.

"Edi sorry. Hindi ko naman nakita. Damot mo naman." Bumalik ako sa pwesto ko kanina saka hinawakan ang gitara. I started strumming again when he stood near me and motioned to me his guitar.

Napatungo ako sa kanya saka nagtatakang tumingin doon.

He's handing it to me and yet, here I am, staring at him curiosly. Nang napansing hindi ko tinanggap iyon ay siya na ang kusang bumawi ng gitarang hawak ko at ipinahawak sa akin iyong kanya.

Umupo siya sa tabi ko kaya napausog agad ako. I keep distancing myself when he tried sitting near me. Muntik na akong mahulog nang nasa dulo na ako ng upuan ngunit agad niya akong nahawakan.

"How can I teach you if you keep distancing yourself?" reklamo niya saka ako napausog malapit sa kanya. I can smell his perfume invading my nose.

"Teka lang. Okay na 'yong gitara kanina. Ikaw na gumamit nito."

"That guitar is too old. Notice that the sound is out of tune. C'mon. Play the chord you've learned." Yumuko siya ng kaunti saka itinutok ang mata sa mga daliri kong nagsisimula nang pumwesto.

He was just silent and I couldn't concentrate because his head is focused on what I'm doing. Hindi siya nag-abalang gumalaw man lang kahit kaunti.

Now, I can clearly see his perfection at the near site. Iyong buhok niyang laging sumasabay sa pagbaba tuwing yumuyuko siya. His perfect heart shaped red lips gave justice to his face. Na para bang kahit hindi man lang igalaw iyon ay nagagawang makakuha ng atensyon. And his lip ring that looks sexy on him.

His adam's apple that moves everytime he's swallowing got more defined. Iyong kilay niyang halos magdikit na kahit hindi naman mukhang galit ay parang ang gandang titigan.

"Mali." Napakurap ako saka ibinalik ang tingin sa ginagawa. Good thing he didn't notice me staring at him.

"Tama naman, ah? Ito ang tinuro sa akin kanina," depensa ko habang nakayuko. Inayos nito ang upo saka tumingin sa akin.

"Idiin mo ang hawak. Kanina pa mali ang ginagawa mo."

"Madiin naman, ah?"

"Strum again." And as what he said, I started strumming. Kaagad naman siyang nagreklamo kaya pinagawa iyon ulit sa akin hanggang sa hindi na nakapagpigil pa at hinawakan iyong daliri ko, dinidiin iyon.

His cold fingers touched mine. It was so cold that it made me to not focus on what I'm doing.

"Now, strum," he ordered me while still holding my fingers. Ginawa ko ang sinabi niya at doon lang siya napahinga ng malalim. "That's it. Always remember to do that. You've been doing it the wrong way since you started practicing."

Nagulat ako.

"Ano? Tama naman iyong kanina, ah?"

"No. It's totally wrong."

"Edi sorry," sabi ko saka inulit iyong ginawa. This time, he nodded. Ilang beses kong ginawa iyon ulit hanggang sa malapit nang mag alas otso ng gabi.

Kinuha niya iyong gitara niya sa akin saka nilagay sa case niyon. Tumayo na rin ako at inayos ang bag.

"You can have those." Napalingon ako sa kanya saka napansing tinutukoy niya iyong mga pagkain kanina. Agad na bumalik sa akin ang kahihiyan kanina.

"Ha? Sa'yo 'yan, eh," tanggi ko.

Nagkibit balikat ito saka na binitbit ang gitara.

"I can share those. I don't eat that much."

"Kaya ka payat, eh."

He shook his head and started going out of the room. Napasunod ako sa lakad niya.

He walked like I'm just nothing here. Madilim na sa hallway at kakaunti lang ang ilaw na nagsisilbing liwanag namin.

"Free ka ba sa weekend?" agaran kong tanong habang inaayos iyong buhok kong nagulo. Mabilis talaga iyong paglakad niya!

"Why? Asking for a sex?"

"Of course not! Mali ang ibig mong sabihin sa na-email ko sa'yo kagabi! I am not into sex, goodness!" I exclaimed while we're walking that fast.

"Why did you asked me if I'm free?"

I paused for a bit. Naghanap kaagad ako ng magiging boses ko. Matiyaga itong naghintay ng magiging sagot ko.

"Well... I was just thinking if you could teach me? Since hindi naman kayo masyadong busy," sabi ko. He stopped and then his eyes bore into me. Napahinto rin ako, sumabay sa kanya.

"Busy ako," agaran niyang sabi at nagpatuloy sa lakad. Napasunod agad ako sa kanya saka hinawakan ang braso niya.

Wala naman silang rehearsals, ah? Bakit naman yata busy siya? Isa pa, importante naman ang gagawin namin lalo pa't isang linggo lang naman ang ibinigay sa amin. Alangan namang tumunganga ako sa performance?

"Teka naman. Dalawang araw lang naman 'yon, ah? Saka ikaw na nga lang ang ka-close ko sa club, eh. Sige na."

"I have an important matter this weekend."

"Baka ayaw mo lang akong turuan?Damot naman," I pouted. Nakarating na kami sa parking lot ngunit mukhang ayaw niya talagang pumayag sa gusto ko.

He opened the door of his car and then placed his guitar inside. Nakamasid lang ako sa kilos niya at desidido pa ring pilitin siya.

"Please? Isa pa, wala kasi akong gitara. I was planning to borrow yours," pangungumbinsi ko.

Sumandal ito sa kanyang kotse saka ipinagkrus ang braso. I waited for his response but he was just busy eyeing me. Kung hindi pa ako tuluyang nakalapit sa pwesto niya ay hindi pa siya magsasalita.

"Uh... okay. Just bring food. Your choice of food will do."

Gulat akong tumingin sa kanya. His bored look appeared again but it won't fade the little happiness I felt inside of me.

"Sure na 'yan, ah? Wala nang bawian!" Pagod itong tumango saka tuluyan nang nakapasok sa kotse niya. Pinaharurot niya iyon at hindi man lang nakapagpaalam sa akin ng maayos.

I immediately opened my phone and started a conversation on our group chat.

TaniaNaLoyalKayIsaac: Guys! I'll practice this weekend with Enzo.

ReeseHatesEustace: Kita mo na. Sinasabi ko sa'yong papayag 'yan, eh.

SummerLovesLabyrinth: Wowww😧Sana all.

EmeraldNiFinn: Lol. Akala ko tungkol kay Finn. Anyways, congratsss. Itanong mo kung nakahubad bang matulog si Finn sa gabi, total close naman sila😂

SummerLovesLabyrinth: Ay gaga. Hindi ka lang baliw, napakamanyak mo na kay Finn😑

ReeseHatesEustace: Ampota😂 Anong akala mo, tabi silang matulog?

EmeraldNiFinn: Hoy. Tatanong lang naman, eh. Hmp.

TaniaNaLoyalKayIsaac: Ah basta ako, tatanong lang ako tungkol kay Isaac. I might get the chance to have an updates from him na😝

ReeseHatesEustace: Sabihin mo, salamat ng napakarami Reese. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako makakalapit kay Enzo at makichismis tungkol kay Isaac😌

TaniaNaLoyalKayIsaac: Ulol. Pakyu.

SummerLovesLabyrinth: Pakyurselp daw Reese. HAHAHAHA.

EmeraldNiFinn: Oh edi tatlo nalang tayo sa weekend?

ReeseHatesEustace: @TaniaNaLoyalKayIsaac gago ka😂Hindi ka marunong bumalik sa pinanggalingan.

ReeseHatesEustace: @EmeraldNiFinn ilan ba tayo? Invite mo lahat ng kaklase mo if ever. Bobo naman. Apat lang tayo, malamang 'pag hindi kasama ang isa, tatlo tira🥴

EmeraldNiFinn: Ha?

SummerLovesLabyrinth: Hahatdog 'yan. HAHAHA.

ReeseHatesEustace: Hawit sa'yo. Bala ka dyan. Ayusin mo buhay mo.

TaniaNaLoyalKayIsaac: Pahanap naman ng guitar😣

SummerLovesLabyrinth: Bukas, punta kaming condo mo. Dalhin namin dyan. Diba @ReeseHatesEustace?

ReeseHatesEustace: Oh? Ba't ako?

SummerLovesLabyrinth: Ngina naman. Bukas yung gitara dalhin natin.

ReeseHatesEustace: Gege.

TaniaNaLoyalKayIsaac: Wow.Thanks guysss! Love you all!

I watched some youtube tutorials on how to play guitar. Mahirap nga lang dahil wala akong sariling gitara. I can't play it personally. Mahirap pang tandaan kung saan nakalagay talaga ang daliri.

Ilang oras ang nilaan ko para doon pero hindi man lang ako natuto kahit isa. So I just browsed on IG. I checked some notification when something caught me.

Nagdalawang isip pa ako kung totoo iyon o hindi kaya kinurot ko ang sarili, naghihinalang baka panaginip lang ito. But myself says that it was true.

I screamed and rolled over on my bed. Nakailang talon ako at parang hindi pa rin makapaniwala.

"Shit," I cussed when I literally saw that Isaac followed me back on IG and sent me a message!

Continue Reading

You'll Also Like

69.5K 580 58
The story where Italian model Amara Bianchi has a rather fateful yet unpleasant meeting with Spanish footballer Pablo Gavi. At first she thinks he's...
1.7M 141K 65
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
2.7K 88 33
(A Stand Alone) Vioreliese La Clava Del has no idea as to why she seems to be spoiling her grandfather's whims. Masyado niyang kinukunsinti ang hilin...
364K 12.7K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...