KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 25

11.6K 312 53
By Zoenia_01

Paint Cenery

NANDITO na kami sa van ni Captain Bato habang tinatahak namin ang daan papunta ng location ng event. Kasama na namin ngayon ang mga kapatid ko pati na rin sina Roi at Gracielle.

Nakisama rin ang mga kapatid ni Roi na may iba't bang lahi na sina Treyton, Dwei at Zyaire. Nakasay sila pati na rin si Roi at Hanz sa kabilang Van habang kami nina Cielle, Coco, Rhyka, Hannah, Ella at ni Roks ay magkakasama.

Balita ko bibigyan din ng scholarship ng AKG Charity Foundation ang mga kapatid ni Roi na talagang ikinatuwa ko. Sayang nga't walang kapatid si Gracielle para mabigyan din ng scholar. Ayaw niya nga rin tanggapin ang scholar na ino-offer sakaniya dahil may nag t-tustos pa naman sa pag aaral niya kahit pa-paano. Mas gusto niya raw na ibigay ang scholarship sa nangangailangan.

Ayon pa sa kwento nila, pinagaaralan at nag s-survery raw ang tauhan ng AKGCF sa lugar namin para tignan kung sino ang karapat dapat na bigyan ng scholarship kaya sobrang taas ng tingin ko kia Atarah at Rare dahil sa taglay nilang kabaitan.

"Kuya Roks, ang takaw takaw na ni Roksie. Tignan mo po nagkakalaman na." saad ni Rhyka habang nakatingin kay Roks na nilalaro ngayon ang anak naming unggoy.

Pagkatapos ng halikan session namin kanina napagkwentuhan namin kung anong pinagusapan nila nila nina Tita Hera, Ate Paper at Derin. Ang sagot niya ay tungkol sa trabaho at business na Montego Intelegence Security Agency. Hindi ko na siya inusisa ang tungkol do'n dahil alam kong pribado kaya tinanong ko nalang kung anong napagusapan nila tungkol saakin.

Ayon sakaniya, wala siyang sinambit na kasinungalingan. Sinabi niya lang daw ang mga nangyari kagabi pati na rin ang salitang 'I trust her' at matic na nagets na agad ng Mommy niya na wala ako masamang intensyom at reputasyon. Walang kahit anong tinanong na dahil naniniwala raw na 'to sa anak. Gano'n naman daw talaga ang tatag ng tiwala ng pamilya nila sa bawat isa.

Hindi raw siya nagsisinungaling sa parteng pinagkakatiwalaan niya ako kaya sana h'wag ko raw 'tong biguin. Katulad ng sinabi ng Mommy niya bihira lang mag tiwala si Roks sa kung sino sino kaya napaka swerte ko at isa ako sa nakakuha nun.

Sa ngayon wala naman akong dahilan para sirain ang tiwalang 'yun, malaki na masyado ang utang na loob ko sakaniya kung hindi dahil sakaniya hindi namin matatamasa ang gan'tong kagaan na buhay at ang maganda pa rito, hindi lang kami ang nabibiyayaan kung hindi pati ang mga kaibigan ko.

"Uy ano lutang forever ghorl? Kanina ka pa kinakausap ni Ella." napatingin ako kay Cielle ng bigla niya akong sikuhin dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

"Sorry naman, may iniisip lang. Ano nga ba ulit sinasabi mo Ella?" tanong ko sa kapatid ko. Napatingin pa ako kay Roks na sumulyap din saakin pero agad akong nagiwas ng tingin.


"Sus, paniguradong 'yung iniisip mo nandito lang sa loob." mahinang bulong ni Gracielle at dahil nga katabi ko lang siya ay narinig ko pa rin 'to kaya sinamaan ko siya ng tingin at kinurot.

"Aw!" reklamo niya kaya napairap nalang ako at nilingon si Ella na pangisi ngisi pa dahil mukhang narinig niya rin ang sinabi ni Gracielle.

"Ano na?" nakataas kilay kong turan dahil mukhang aasarin na naman ako nito.

"Malapit na graduation ko Ate pati na rin ang moving up ni Hanz at Rhyka. Ikaw a-akyat saamin ha? Sana 'di ka busy nun. Paniguradong hindi makakapunta sina Nanay." natigilan ako sa sinabi niya. Patapos na nga pala ang February at malapit na ngang matapos ang klase.

"Oo naman pupunta ako no! Aba, hindi ako pwedeng mawala dun no. 'Di ba pwede naman ako mag leave, Captain?" baling na tanong ko rito kaya napatingin siya saakin.

"Ofcourse anytime, can I go too?" mahinahon na tanong ni Roks kaya pinagtaasaan ko 'to ng kilay. Iniwas niya naman ang tingin niya at tumingin 'to kay Ella.

"Opo Kuya! Pwedeng pwede, mas masaya nga po pag sumama kayo. 'Di ba Ate Gracielle?" tuwang tuwa na sagot ni Ella habang nakatingin kay Cielle at halata namang may kalokohang tumatakbo sa isipin nila.

"True! Pwede ngang kayong dalawa ni Paint ang umakyat sa stage para pagsuotan ng medal 'tong si Ella, running for Valedictorian o with highest honor, 'tong si Ella kaya dapat samahan n'yo siya para style proud parents ang dating!" tumawa ng pagkalakas lakas si Gracielle na sinabayan din Ella at ni Rhyka kahit wala naman alam sa topic.

"Shh, ang ingay n'yo natutulog si Coco at Hannah." lumingon ako sa likuran kung saan mahimbing na natutulog ang dalawa kong kapatid.

"It's fine with me but the question is that, papayag ba ang Ate mo?" mababang boses na tanong ni Roks habang nakatitig saakin ang mga kulay abo niyang mata.

"Oo naman po 'di ba Ate? Ako rin po may award na n'yan. Gusto ko kayo ni Kuya magsuot." napaawang ako ng labi nang pati si Rhyka ay nakisali na sa usapan at gustong gusto isama si Roks sa gaganapin na moving up and graduation nila.

Bumuntong hininga na lang ako saka tumango nalang tutal wala naman akong magagawa dahil paniguradong si Hanz gano'n din ang gusto mangyari.

"Ang mahirap baka biglang mag sabay sabay. Hahaha. Ano hatiin natin katawan ng Ate n'yo?"  natatawang komento pa ni Gracielle.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan sa buong byahe hanggang sa makalipas ng 30 minutos ay nakarating na kami sa lokasyon ng event na isang private resort.

Pagbaba namin ng van ay tumambad saakin si Sam na naghihintay saamin. Mukhang siya ang mag aassist saamin ha. Nag text kasi ako kay Mamsh Jorgie na abangan dapat kami sa labas.

"Uy, Kopkop Samantha. Na miss kita ha? Long time no see. Nasaan si Danice at Mamsh Jorgie. Miss ko
pokpoknians squad." agad akong lumapit sakaniya at akmang makiki apir pa ako pero inirapan niya lang ako.

"Tigilan mo 'ko Pintura, ayokong makipag away sa'yo lalo pa't malakas 'yang kapit mo sa mga boss dito. Ang galing mo rin mang uto no. Nyeta ka." natawa naman ako dahil sa sobrang inis ng tono nang pananalita niya.

Napatingin ako kina Roks na nakatingin din sa gawi namin habang buhat buhat niya si Roksie na ang gwapo at cute sa suot na damit na binili nmin ni Capatain noong isang araw. Samantalang ang mga kapatid ko ay busy sa pagsipat at pagpapapuri ng kagandahan sa paligid ng private resort na 'to.

Mabilis ko rin namang inilapat ang tingi ko sa kabilag van kung saan pababa sina Roi. "Pasalamat ka ngang nabiyayaan ka, magkano sweldo? Kamusta mga sugar daddy mo? Meron pa ba?" pangaasar ko. Ngayon ko lang siya nakita na nakasuot ng gan'to ka disenteng damit. Ibang iba na siya Samantha na bayaran. Laki na ng pinag bago niya simula nang magtrabaho siya sa AKG Charity Foundation.

Gusto ko na tuloy makita si Danice at Mamsh Jorgie na nakasuot ng gan'tong ka disente. Aba, ngayon ko nalang ulit sila makikita. Ewan ko ba bakit na namiss ko sila kahit naman kas olagi ko silang inaaway ay natutuwa rin ako sa mga pagbabago at mga tinatamasa nila ngayon.

"H'wag mo 'kong kausapin 'di tayo close." iritado niyang saad. Ang sungit naman ngayon nito parang dati nakikipag asaran pa siya.

"Aba, attitudenism ka na ngayon? Mana ka na sa bestfriend mong si Danice the kopkop." sinamaan niya ako ng tingin, namumula ang pisnge niya dahil sa pagpipigil na patulan ako.

"Hi Samantha! Awitize, mukhang matino ka na ngayon ha." naramdam ko ang presenya ni Gracielle sa tabi ko kaya mas lalong umasim ng expresyon ni Samantha.

"Tss, nagsanib pwersa pa kayong mga bruha kayon. Tara na nga." nauna na siyang maglakad saamin kaya nailing iling akong sinenyasan ang mga kasama namin na sumunod.

"Captain, patanggal mo nga 'tong babaitang 'to sa trabaho attiude amp." mapang asar na sambit pa ni Gracielle kaya nilingon siya ni Samantha.

"Hoy Gracielle tigilan mo 'ko! Imbento ka!" nagsitawanan sila kahit ang mga kapatid ko bukod tanging si Captain na ngumiti lang at si Roi na blanko ang expresyon ang naiba.

"Coco at Hannah tara a. Hawak kayo ni Ate." sambit ko saka lumapit sakanila para alalayan. Nagsimula na kami maglakad sa pinaka lugar kung saan pag dadausan ang birthday ni Atarah.

"Uy, tahimik ka?" tanong ko kay Roi nang makasabay kami sa paglalakad. Nasa hulihan kami dahil masyadong excited ang mga bata na pumasok sa loob at si Roks naman ang umaalalay kina Hannah at Coco pati na rin sa iba habang patagong sumusulyap sulyap sa gawi ko pero nahuhuli ko.

"Katamad magsalita." napakunot ang noo ko at napanga nga dahil kahit minsan hindi pa sinabi ni Roi Gin ang dalawang salitang 'yan simula bata pa kami.

"Awit, Roi Gin? Uso pala sa'yo 'yung kinatatamaran na magsalita. May lagnat ka ba?" hinawakan ko ang leeg at noo niya bilang pagbibiro pero blanko pa rin ang mukha niya habang nakatingin ng diretso sa daan.

Nung bumisita siya huli sa hospital madaldal pa 'tong ulol na 'to. Ngayon nalang ulit kami nagkasama kaya naninibago akong tahimik 'tong ulolen na 'to.

"Wala." tipid na sagot niya kaya nagtiim ang bagang ko at seryoso siyang tinignan.

"May problema ka ba? Galit ka saakin?" bumuntong hininga siya at sinalubong ang mga titig ko.

"Hindi, wala. Puyat lang ako dahil sa raket kagabi, h'wag ka ng maingay." iritado niyang saad at binilisan ang paglakad habang nakapamulsa kaya hinabol ko siya at hinila ang damit niya kaya natigil kami sa paglalakad.

"What do you want?" nanlaki ang mga mata ko nang pa English niya akong signinghalan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong may mali sakaniya at nakumpirma kong galit nga 'to saakin.

"Ba't dati kahit wala ka pang tulog at pagod ka sigla mo pa rin lakas mo pangang mang asar e, no? May problema ka talaga. Alam ko, first time mo 'kong sinungitan ng gan'to." madiin na saad ko pero ipinakikita ko sa mga mata ko ang matinding pagaalala. Hindi ko inaalis ang mahigpit na hawak ko sa damit niya habang hindi pa niya ako sinasagot ng ayos.

"Badtrip ang kulit mo." malamig niya akong tinignan habang pinapagalaw ang kaniyang panga, huminga siya ng malalim at siya na mismo ang nagalis ng kamay ko.

"Issa pakeneng prank!" tumatawa niyang saad habang hawak hawak ang kaniyang tyan kaya napatingin saamin ang kasama namin na nagtataka bakit tumatawa si Roi.

"Anak ng shooting star ka! Ano naisipan mo at nag p-prank ka ng masungit na gano'n hindi kaya bagay kaya pala nung sinundo namin kayo 'di mo 'ko pinansin." kahit sinabi ko 'yun ay binabantayan ko ang mga mata niya dahil madalas dito ko nakikita kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
"Wala lang, hindi ba talaga bagay? Balak ko sana magsungit sungitan kasi gano'n gusto ng mga babae. Gagawa ako ng research tungkol dun 'Di ko kasi maunawaan bakit mas gusto ng girls ang masungit at cold na lalaki. Ayaw sa mga katulad kong madaldal eh ang gwapo ko naman. Mga babae nga naman.." nakangisi na sambit nito habang akbay akbay ako.

Napakagat ako sa labi dahil kitang kita ko ang ngiti sa labi niya habang ang saya sa mga mata niya ay peke at pilit. Kumpirmadong may problema siya pero ayaw niyang sabihin saakin kaya nag papanggap siyang nag prank 'to. Nakakapanibago lang na nagtatago siya ng problema, hindi siya gan'to kahit nga maliit na problema sinasabi niya saamin pero ngayon mukhang wala siyang balak.

Gusto ko pa sana siya usiain sa problema ang kaso tinawag na kami nina Cielle. "Uy, bilisan n'yo na!"

Hinila ako ni Roi Gin patungo sa loob habang patuloy pa rin ang peke niyang tawa. Hahayaan ko na muna siya baka hindi pa talaga 'to handa sabihin saakin.

Pumasok na kami sa venue, maganda at malawak ang lugar na 'to. Maganda rin ang mga dekorasyon ang kaibahan lang ay halos pang bata ang dekorasyon kumpara kahapon na elegante dahil sa nakikita ko ngayon mas maraming bata ang bisita.

At ngayon may buffet na akong nakikita sobrang daming pagkain.
P

inaupo kami ni Samantha sa isang mahabang table kung saan sakop na namin lahat bago niya kami iniwanan para raw tawagin si Mamsh Jorgie. Agad namang nasipag upo ang mga kapatid ko at ni Roi lalo pa't may mga candy at chocolate na nakahapag sa lamesa.

Napalingon ako nang maamoy ko ang halimuyak ng pabango ni Roks. "I'll talk to Rare first. I'll take our son with me." bulong Roks na ngayon ay katabi ko habang buhat buhat pa rin si Roksie.

"Oh sige, ingat ka 'yung paa mo ha. Kanina ka pa lakad lakad baka mapano ka." saad ko habang hinahalikan at inaamoy ang mabalahibong kamay ni Roksie.

"Anak, behave ka lang ha?" sambit ko naman kay Roksie na busy sa paglalaro ng damit ng Daddy Roks niya. Tuwang tuwa ang mga batang nandito habang nakatingin sa gawi namin dahil may kasama kaming baby monkey.

"Hindi kami mag tatagal." tinaguan ko siya at nginitian niya naman ako bago tuluyang naglakad ito palayo.

Inilipat ko ang atensyon ko kay Coco na nasa tabi ko na busy sa pagbukas ng candy kaya kinuha ko 'to para ako na ang gumawa para sakaniya.

"Mag behave kayo, h'wag kayong masyadong kumain ng candy maraming pagkain mamaya." nilingon ko ang mga kapatid ko pati na rin ang kapatid ni Roi.

"Opo Ate." sabay sabay na saad nila. Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita si Roi Gin sa lamesa namin.

"Nasaan si Roi?" tanong ko kay Gracielle na nasa aking kaliwa habang maloko ang tingin saakin. Sinulyapan ko si Ella na nasa harap ko at parehong pareho ang tingin nila saakin.

"Ehem ano 'yung 'our son' wanna be? Ha? Talagang pinandigan n'yo na ang pagiging mag asawa." sinundot sundot ni Gracielle ang beywang ko kaya pinalo ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Oo nga Ate tapos bakit kailagan pang mag paalam sa'yo. Misis talaga ang peg, yiee ang sweet!" panggagatong na pangaasar ni Ella kaya naki yiee na rin ang mga kapatid ko.

"Isa ka pa Janella, tigilan n'yo nga ako ang issue n'yo! Kumain kayo d'yan. Tss, nasaan ba si Roi Gin?" 'tong dalawang 'to ang hilig akong asarin kay Roks kahit malinaw naman na hindi namin type ang isa't isa.

"Nag CR lang. Mabalik tayo kay Daddy Roks." nakangising usal ni Cielle na nagpapabebe pa habang lumalamon ng chocolate.

Hindi ko pinansin ang pangaasar niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid bago binalik ang tingin kay Gracielle. "May nakwento ba sa'yong problema si Roi Gin?" Ang akala ko mag seseryoso siya pero ngumingiti ngiti pa siya habang ang nakakainis niyang mata ay inaasar ako.

"Wala, wala iniiba mo ang usapan ni Mommy Paint." nagtiim ang bagang ko at matalim siyang tinignan.

"Seryoso ako Cielle. Hindi ako nakikipag biruan. " inirapan niya nalang ako at ibinaling ang atensyon sa pagkain ng chocolate.

"Wala naman, bakit ba?" nagtataka niyang saad kaya napakunot ang noo ko.  Ang ibig sabihin lang ay hindi lang saakin niya tinatago ang problema niya kung hindi pati kay Gracielle. Bakit naman kaya?

"Noong mga araw na wala ako gan'yan na ba katahimik si Roi Gin? Parang ang sungit sungit lagi." sambit ko saka nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng venue para tignan kung may kakilala ba ako ako at isa pa may kung anong hinahanap hanap ang mata ko.

" Ah 'yun pala. Nakapag usap na kami tungkol d'yan. Oo, gusto niya na nga kasi mag seryoso sa buhay niya.  Kailangan niya na raw maging matured lalo na papasok na siya sa law world parang engot no? " napakagat ako saaking labi at pinag aaralan ang sagot niya dahil parang hindi naman akong kumbinsado na gano'n ang dahilan niya para kasing may iba kay Roi yung tipong ang lalim lalim ng dinadala niya.

"Treyton, may problema ba Kuya mo, sa trabaho o sainyo?" tanong ko sa kapatid ni Roi na half korean. Kasing edad niya lang si Hanz parehong sixteen years old.

"Wala naman Ate pero ang alam ko 'yung crush na taga kabilang kanto ni Kuya hindi gusto ang ugali niyang masyadong kalog, masiyahin at madaldal. Nabasted ata kasi mas gusto raw ng babae 'yung masungit at cold." nagtiim ang bagang ko at napasuklay sa buhok ko gamit ang kamay ko.

Eto ba ang problema niya?  Napakababaw naman?  Naalala ko ang nabangit niya saakin kanina kaya siya umastang tahimik at masungit.

"Ah, oo naalala ko 'yun tinanong niya ako kung type ko ba si Deam na kanang kamay ni Captain kahit na masungit at tahimik sabi ko Oo kasi mas turn on ako sa gano'n parang fictional character lang sa libro tapos sabi niya ang korni ko raw, ang panget daw ng taste ko." mukhang tama nga naman na nag survey si Roi tungkol sa mga babaeng mahilig sa masungit at cold.

"Kailan niya tinananong? Kilala n'yo ba 'yung crush niya?  Nililigawan niya na ba? So broken siya? " sunod na sunod na tanong ko dahil nag aalala ako kay Roi Gin. Hindi pangkaraniwan ang pagbabago niyang gan'yan at ramdam ko talagang may problema siyang mabigat na pasan pasan niya mag isa.

" Crush lang yata, si Kristine 'di ba 'yung nag m-model at nag p-pageant na inasar natin lagi sakaniya." potakte?  'Di ko naman alam na seryoso siya doon. Eh dati nga patawa tawa pa siya kapag inaasar namin siya do'n 'yung tipong walang malisya.

Ang kaso mukhang tinamaan siya
do'n kay Kristine para mag iba siya ng gan'to pero hindi niya naman niligawan at crush lang naman daw pero bakit gan'to nalang mukhang kaproblemado 'tong si Roi Gin.

"Hala, tinanong din ako ni Kuya kung anong gusto ko sa lalaki nasabi kong bet ko rin 'yung lalaking tipid magsalita, cold at masungit kasi sila madalas masarap magmahal tapos nung sinabi ko 'yun iniwanan niya ako agad. So broken nga si Kuya? " sambit ni Janella kaya nagkibit balikat ako saka ngumuso.

"Siguro, kanina nga trying hard siya manahimik at mag sungit.
Nicomfronta ko siya sabi niya tinatry niya raw maging gano'n kasi lahat daw ng babae mas gusto ang mga masusungit, aba ibahin n'ya ako.  Ayoko sa masungit at pacold. Potek kalalaking tao pabebe. " nawala ang seryosong expresyon nina Ella at Cielle, sa isang iglap napalitan 'to ng isang mmalokongmga tingin.

"Weh?" makahulugan na saad nila kaya inambaan kong sasampalin ko sila ang kaso naramdaman kong may humila sa buhok.

"Hoy bruhilda." inis naman akong tumingin sumabunot saakin pero nawala agad ang inis na nararamdaman ko nang makita ko kung sino 'yun.

"Anak ng shooting star, Mamsh! Ang manang mo na ha. Halatang laspag ka na. " tawang tawa kong sambit kaya kinurot niya ako sa tagiliran. Paano kasi, naka t-shirt siya na may kwelyo tapos naka pans siya na hindi pang karaniwan sakaniya dahil madalas kita kaluluwang damit ang outfit niya lagi

"Hambog ka talaga porket nakabingwit ka ng mayaman na pogi." inis na inis na sambit niya pero akp tawang tawa pa rin sa itsura niya na nakakapanibago. Lipstick lang ang suot niyang kolorete ngayon.

"Tanungin n'yo si Mamsh. Dali " biglang sabat ni Janella kaya pinagtaasan ko 'to ng kilay.

"Ang alin ba? " nagtatakang sambit ni Mamsh. Paniguradong wala namang makukuhang matinong sagot dito.

"Mamsh ano gusto mo sa isang lalaki?" tanong ni Cielle kaya malaking ngisi ang sumilay sa labi ni Mamsh.

"Wild, rawr." napailing iling nalang ako dahil alam kong 'yun ang isasagot niya ang kaso may kulang lang.

"Wild na mayaman at kayang sustentuhan ang pagpaparetoke niy---Aw!" napabusangot ako dahil ang hilig na ginagawa ni Mamsh ang pagkurot sa tagiliran ko.

Nagusap usap pa kami hanggang sa bumalik na sina Roks at Roi sa upuan namin. Unti unting nagsimula ang party, may kaunting speech si Atarah pati na rin si Rare bago nag tuloy tuloy ang program kung saan may mga pa games.

Nagpaalam na muna kami kina Cielle at Roi na sila muna ang tumingin sa mga bata dahil pupunta lang kami sa table nina Atarah at pumayag naman agad ang mga 'to.

"Ebarg ang bongga pa rin talaga ng party na 'to no?" hindi ko inaalis ang tingin ko sa stage kung saan nagsisimula na ang mga palaro at kalahok do'n sina Hanz at Treyton.

"Yeah, are you hungry? " tanong niya pero umiling lang ako at hinahalik halikan si Roksie na ngayon buhat buhat ko at busy sa pagkain ng saging.

"Nabusog ako sa mga snack na nasa table natin, 'yung kahapon puro wine lang ang sinseserve at kung mag s-serve sila ng food ang kaunti. Partida hindi masyado marami bisita kumpara ngayon sobra sobra sa isang daan ata ang katao rito pero 'yung pagkain eat all you can." hindi ako nagbibiro napaka dami talagang pagkain ngayon kahit pa napaka daming tao.

"Yeah, the elites much love to drink wine rather than to eat more foods. Kahit saang party na dinadaluhan nila gano'n ang  madalas na ginagawa ng mga 'to. Ni wala silang pakialam sa pagkain ang focus nila ay ang inumin." sambit niya habang diretso ang tingin niya sa stage.

Pansin ko nga lang din dahil kahapon puro inumin ang sineserve ng waiter kaya naging dahilan upang malasing ako.

"Kahit kailan talaga ang weirdo n'yong mga mayayaman no." nagulat naman ako ng hapitin niya ang bewang ko at inilapit sakaniya.

"Careful." bulong niya kaya napatingin ako sa iniwasan namin. May matandang naka wheel chair ang muntik ko ng mabanga dahil hindi ako tumitingin sa daan.

"Sorry po. " pagpapaumahin ko saka yumuko at gano'n din naman ang ginawa ni Captain.

"Allow me to hold your waist if you don't want to look in front." maotoridad na saad niya at hindi pa rin inaalis ang braso niya sa beywang ko kaya napanguso nalang ako ag tumango para payagan siya na hawakan ako sa beywang.

Iginiya niya ako papunta ng table nina Atarah kung saan nando'n sina Mikee, Kenji, Amirah, Primch, pati ang isang babae at lalaki na hindi ko kilala.

"Hello Paint!" agad naman akong binesohan nina Mikee, Amirah at Atarah samantalang si Primch at Kenji tinanguan lang ako saka nakipag usap na sa kasama ko.

"Can I borrow Roksie. " nakangusong saad ni Mikee kaya tumango ako at ibinigay sakaniya alam ko naman na 'di mapapahamak sakaniya ang anak ko dahil doctor nga siya ng mga hayop.

"Where's Rare?" tanong ni Roks habang nakatitig kay Atarah. Pakiramdam ko may kung anong kumurot sa dibdib ko sa paraan na paninitig ni Captain kay Atarah. Parang gusto ko kasi ako lang ang tinitigan niya, anak ng shooting star ano ba 'tong sinasabi ko.

"May chini-check siya, hinika kasi isa sa mga visitor ngayon. Kaya kailangan bigyan ng paunang lunas."

"How about the kids?" tanong pa ni Roks kaya tinuro ni Atarah ang kinaroroonan nina Ranch na masayang nakikipaglalaro sa ibang bata.

"They are playing with the other kids." sagot ni Atarah bago ibinaling ang tingin saakin saka nginitian ng malaki.

"C'mon ipakilala kita sa Ate ko. " hinila ako ni Atarah palapit sa pwesto nung taong hindi pamilyar saakin. Kaya napangiti nalang ako sa mga ito nang nginitian nila ako.

"Ate Akisha and Charl this is Paint and Paint this is my sister and her husband. " masayang sambit ni Atarah kaya hindi ko nalang inaalis ang ngiti sa labi ko.

"I'm glad to meeting you." mahinahon na bati ni Ate ni Atarah saka ako kinamayan gano'n din ang ginawa ng asawa niyang si Charl.

"Nagagalak ako na nakilala ko rin po kayo." magalang kong sambit dahil nahihiya na naman ako sa taglay na kagandahang babae ni Akisha pati na rin ang kagwapuhan ni Charl.

Mabuti nalang at nag dress ako ngayon dahil alam kong makikita ko sina Amirah dito. Nagayos ako ng kaunti kasi naman simula nang makasalamuha ko sila ang gusto ko ay h'wag ako mag mukhang basahan.

"Pasensya na pala kung hindi na ako nakapag paalam sa'yo kagabi ha." sambit ko kay Atarah habang sumusulyap kina Roks na inaasar ngayon dahil kapangalan niya si Roksie.

"Ok lang naman ang mahalaga nakauwi ka ng ligtas,  siya nga pala nakita ko na 'yung regalo mo.  E-ebar--ebarg ang ganda!  Thank you so much! Gusto ko sanang magpagawa ulit ng paintings sa'yo if ok lang? Name your price please." hinawakan niya ang kamay ko at parang biglang kumislap ang mga mata niya habang nakatingin saakin.

Nakakatuwa lang sa part na ang cute niya habang sinasabi ang salitang 'Ebarg' jusmiyo goku, legend na ba ang tawag saakin dahil nagawa kong pagsalitain ng pang kalyeng salita ang dyosang si Atarah.

Umiling lang ako at nginitian siya. "H'wag na. Libre kitang bibigyan ng painting bilang kabayaran sa mga tulong n'yo saamin. " totoo naman kasing kulang pa ang mga gagastusin ko sa pagpipinta ng isang katutak na painting bilang bayad sa tulong nila Atarah saamin.

"No,  I'll not accept if it's free.  Kailangan mabayaran ang serbisyo mo, hindi biro na ang pagpipinta. Hindi mo kailangan bayaran ang ginawa naming tulong sa pamamagitan ng pera at materyal na bagay, sapat ng kabayaran na makita namin kayo na nag grow up at maging succesful sa buhay." nakangiting sambit niya. Ang gifted ni Atarah, siya ang karapat dapat idolohin.

Bukod sa maganda't matalino ay napakabuti pa ng puso kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nahulog sakaniya ang maraming kalalakihan at isa na roon si Captain Bato.

"Ate siya 'yung nag paint ng photorealism art ko. 'Di ba want mo rin na magpagawa sakaniya ng paintings sakaniya." tumango ang Ate Akisha niya saka nginitian ako ng matamis.

"Yeah, What's your specialty by the way? Like I mean is 'yung style  o 'yung genre of art mo? Photorealism lang ba umiikot? How aboutImpressionism, Expressionism Fauvism or Abstract Art and Painterly na explore mo na ba?" sa totoo lang madalas ko lang talaga gawin ang photorealism para saakin 'yun ang pinaka madaling gawin at 'yun ang forte ko talaga.

"Realism o 'yung naturalism din po." napatango tango ito na animo namamangha kaya kumalabog ang puso ko lalo pa't nasa saakin ang atensyon nilang lahat na nasa table na 'to.

"Ah, that's regarded by most as 'real art' the accurate, detailed, unembellished depiction of nature or of contemporary life, am I right?" saad ni Charl kaya napatango tango ako. Mukhang marami sila alam tungkol sa Painting ha, kung sabagay halos talaga ng mayayaman mahilig sa mga gano'n klase ng art.

"Yes." napatingin ako kay Captain Bato na nakatitig na saakin ngayon kaya nabuhayan na naman ang sistema ko at parang may bumubulong saakin na dapat lang daw na ako lang ang titigan ng gan'yan ni Roks. Paksyet 'tong demonyong sumusulsol sa isipan ko sarap hambalusin ng dospordos.

"Ano ba 'yung Painteryly? P-tangina 'di akoma relate sa topic n'yo. " kunot noong saad ni Kenji. Napansin ko ngang kanina pa siya nakanganga at tulala,  lol.

"The Painterly style appeared as the Industrial Revolution swept Europe in the first half of the 19th century. Liberated by the invention of the metal paint tube, which allowed artists to step outside the studio, painters began to focus on painting itself. Subjects were rendered realistically, however, painters made no effort to hide their technical work." sagot naman ni Primch kaya nalaglag ang panga niya at napakamot nalang sa pisnge.

Gusto ko nalang matawa sa reaksyon niya dahil sa totoo lang kung wala akong alam sa arts ay 'di ko rin maiintindihan ang sinabi ni Primch sakit sa ilong, e.

"Edi sana all may alam sa Painting, wala naman akong nagets amp. Ang panget ng topic palitan niyo ang boring!" iritado niyang saad kaya naisip ko na parang nanalamin ako dahil madalas gan'yan ang reaksyon kapag nag spokeneng dollars ang mga taong nakapaligid saakin tapos kapag biglang sinagot ako nina Rare at Roks na pemedical terms saka pabatas.

"Napaghahalataan na hindi nakikinig ng lesson 'to noong high school. " nakangising komento ni Amirah.  Tama naman siya sa mapeh tinuturo ang gan'yan klase kaya paborito ko 'tong subject.

"Iba ang curriculum namin sa Japan. Hindi namin pinagaaralan 'yan!" sigaw ni Kenji kaya mabilis na tinakpan ni Mikee ang bibig  niya.

"Ga,  you're too loud.  So annoying. " inis na sambit ni Mikee kaya napanguso si Kenji saka tumahimik na dahil halata namang under sa asawa.

Si Mikee ang magpapatunay na hindi lahat ng babae ay gusto ang cold and masingit type na lalaki kasi naman
mas maingay at madaldal pa ata 'tong
si Kenji kay Roi at mas lalo sa mga chismosa sa baranggay namin.

"What's your painting techniques?" tanong pa ni Atarah. Sumulyap ako kay Roks ngayon na tahimik at
taimtim na tumititig saakin simula
kanina pa.

"Oil, Watercolor, pastel and acrylic painting. Kung anong available na gamit, na try ko na rin ang tinunaw na krayola, charcoal at iba pa. " sagot ko saka iniwasang tingin kay Captain at ibinaling kay Atarah na sobrang namamangha ngayon saakin.

"Amazing! Hindi na ako magtataka kung bakit Paint ang pangalan mo. " rinig kong komento  ni Mikee kaya napangiti ako.

Pinagpulahan ako ng pisnge dahil hindi ako sanay na gan'tong napapansin nila ang mga gawa ko at pinupuri. "Pinaglihi ka siya sa Paint!" sagot ni Atarah.

"Kaya naman pala. " nagsitawanan sila kaya nakitawa na rin ako. Hindi talaga sila mahirap pakisamahan kahit na mayayaman ang mga 'to.
Wala kayabangan at kaartehan ang dumadaloy sa dugo nila kaya gan'to nalang kagaan ang ko sakanila.

"Sino sa family mo ang mahilig magpinta?" tanong ni Akisha at natigilan. Si Hanz  ang na-inpluensyahan ko sa pagdrawing dahil madalas siya sumasali sa poster making kapag may event sa school nila pero wala sa kahit sino sa magulang namin ang may hilig do'n.

" 'Yung kapatid ko mahilig gumawa.
Pero sa magulang walang may hilig." napa 'ahh' nalang siya saka tumango.

"Much better if sakaniya nalang tayo kumuha ng paintings, pang international naman kasi ang galing niya, e." natutuwang sambit ni Mikee kaya napayuko ako dahil nahihiya ako na makakuha ng gan'tong compliment mula sakanila.

"Uy 'di ko nakita 'yung painting. Patingin nga."  tanong ni Amirah kaya nilabas ni Atarah ang phone niya para ipakita ang litrato.

"Why don't we organize an Art Gallery  for her.  I'm sure maraming magkakaroon ng interes sa gawa niya. Dito maguumpisa ang career niya makakakuha tayo ng maraming client para sakaniya. " napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Akisha.

Agad naman silang sumangayon sa suhestiyon ni Akisha. 'Di ko inaasahan na sasabihin niya 'yun saakin at gan'to nalang talaga sila ka supportive.

Pangarap ko na magkaroom ng art viewing and art gallery ang kaso satingin ko hindi pa ako ready ngayon. Alam kong kailangan ko pang mag aral at matuto para makipag sabayan na ako sa mga international artist.

"Don't pressure her, she's not ready with that." napatingin ako kay Roks na nakakunot na pinapagalaw ang panga habang nakatingin sa kasamahan namin. Mukhang napansin niyang ang reaksyon ko na may alinlangan pa.

"Yeah, Roks is right. Mag aaral pa si Paint and mas pinupurso niya talaga ang film making, right? " sambit ni Atarah saka hinaplos haplos ang likod ko.

"Opo, mas gusto ko munang maging Director talaga mas focus ko muna kasi talaga 'yun," sagot ko sakanila kaya napangiti ang mga 'to sadyang ang hindi lang nagbago ng reaksyon ay si Primch at Roks.

"Kung sabagay marami pa siyang matutunan. Kami na muna ang gawin mong client bibilhin ko kahit 'yung pinag praktisan mo lang." nagkamustahan at nagkwentuhan pa kami nina Mikee, Akisha, Amirah at Atarah tungkol sa mga nangyari kagabi samantalang ang mga lalaki ay may sariling mga pinaguusapan.

"May tanong ako." sambit ko ay Atarah nang magkaroon ako ng tyempo nang na kay Roksie na ang atensyonnina Akisha, Amirah at Mikee.

Hinila ko siya ng bahagya palayo ng table dahil gusto ko tanungin ulit ang tungkol sa sinabi niyang nakakatakot daw ang family ni Roks.  Habang nakatingin ako sakaniya kanina gustong gusto ko siya usisain.

"What is it? " nagtataka niyang saad dahil inilayo ko pa siya ng kaunti sa table.

"Paano mo nga ba ulit nasabing nakakatakot ang family ni Roks?" diretsong tanong ko kaya napaawangang labi niya sa gulat.

Hindi siya nagsalita ng ilang saglit na para bang may iniisip pero hindi nagtagal ay bumuga siya ng hangin at nagsalita na.  "Uh--sa madaling salita hindi sila marunong ngumit, cold and nababalutan sila ng black aura. " napahawak ako sa baba ko nang mapansin kong nauutal siya.

"Kahit si Sizer?" kitang kita ko ang gulat sa mga mukha niya kaya nagtataka ako kung anong ibig sabihin nun.

"Oh you know him already na pala,  except lang sakaniya,madalas ipinakikita niya ang light aura niya at mabait siya makitungo kumpara sa Ate nila. " agree naman ako sinabi niya dahil totoo 'yun. Hindi mapag kakaila na si Ate Paper ang nagpapatunay sa sinabi ni Atarah na nakakatakot ang Montego.

"Unang meet ko sa sa pamilya ni Roks hindi nila ako tanggap, I mean hindi nila ako ka vibe kahit anong gawin ko. Sa lahat naman kasi ng tao gano'n sila makitungo 'yung paparamdam nilang ayaw nila sa'yo kahit hindi nila sinasabi." natahimik ako at inalala ang mga senaryo kaninang umaga. 

Si Ate Paper bagama't seryoso at tahimik ay hindi ko naman nararamdaman na ayaw niya saakin.  Gusto niya pa ngang maging cook noya din ako, e. Samantalang si Tita Hera ay sobrang bait naman ng pakikitugngo sa una lang nakakasindak.

'Di hamak na maganda at mayaman si Atarah naka level ng Montego pero bakit hindi siya tanggap ng pamilya ni Roks? "Kahit Nanay ni Roks? " nagtataka ko pang sambit.

Napalunok pa siya bago dahan dahan na tumango. "Especially her. Mas nakakatakot ang Mommy niya kaysa sa Daddy niya. " bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.  Kung gano'n posible kayang nip-plastic lang ako Tita Hera? Bakit niya naman gagawin 'yun?

"Bakit? Paano? " gulong gulo kong tanong saka sumulyap sa pwesto nina Roks at mukhang hindi pa nila napapansin na wala kami ni Atarah dahil busy pa sila sa kaniya kaniyang mundo.

"B-bakit ba gusto mo malaman." pinanliitan ko siya ng mata dahil na uutal 'to.  Kinakabahan ba siya?  Siguro sinisiraan niya lang ang pamilya ni Roks saakin pero bakit niya naman gagawin 'yun?  Naguguluhan ako syet anak ng shooting star naman.

"Mahirap makipag salamuha sakanila,  pili ang mga taong nagugustuhan nila pakisamahan madalas ang mga taong 'yun ay kamag anak pa nila o 'yung mga pamilya ng magiging asawa ng mga bawat isa sa Montego. " mahirap makisalamuha?  Pili ang taong pinakikisamahan pero bakit ako nagawa kong makipag biruan pa sa Mommy ni Roks.

"May mali. " sambit ko kaya napakagat siya sa labi niya at kinunotan ako ng noo. Base sa mga reaksyon ni Atarah ngayon mas lumalakas ang kutob kong may mali talaga.

"Bakit?"

" 'Yung Mommy kasi ni Roks sobrang bait saakin 'yung tipong hindi malamig ang pakikitungo saakin nagawa ko pa kasing makipag biruan at makipagtawanan. " nanlaki ang mga mata niya ng ilang saglit bago ito bumalik sa normal na expresyon dahil mukhang may napagtanto siya.

"Ah--oo gano'n si Tita masungit sa una pero sa huli magiging maayos ang pakikitungo niya siguro kaya noong una ayaw nila saakin dahil may nagawa kasi kaming kasalanan ni Roks noohn na sobrang ikinagalit ng pamilya niya at isa pa dahilan ay hmm dati kasi may gusto si Roks saakin ayaw saakin ng pamilya kasi Nurse ako e,  nakasanayan na dapat ang mapapangasawa ng pamilya nila ay katulad lang ng mga trabaho nila, halimbawa pulis, sundalo,  abogado at iba pa. " magtatanong pa sana ako sa kung ano ang kasalanan nila nang biglang may tumawag sakaniya.

"Ath,  Rare is here na. " sabay kami napatingin ni Atarah sa table at kumpirmadong nando'n na nga si Rare na ngayon pareho sila ni Roks na nakatingin saamin.

"Wait lang, ha? " mukha siyang nakahinga ng maluwag nang dumating ang asawa niya at nagkaroon 'to ng pagkakataon na makalayo saakin.

Sinalubong ko ang tingin ni Roks pero hindi ako gumagalaw sa pwesto ko.  Kung sabagay,  tama nga naman si Atarah kung may kasalanan siyang malaki sa pamilya ni Roks ay tiyak hindi maganda ang pakikitungo nila sa kaniya kasi nga noong una medyo masungit sila saakin nung naabutan nila kami ni Roks na magakasama sa kama, nawala lang noong nag paliwanag na ako.

At isa pa,  malaking impact siguro kaya hindi siya gusto ng pamilya ni Captain Bato 'yung hindi naka allign ang trabaho niya sa trabaho ng family ni Roks. Katulad ng sinabi niya nakasanayan na dapat ang magiging girlfriend o asawa nila ay ka allign
ng mga trabaho nila. Madalas naman sa mga mayayaman gano'n ih, 'yung tipong ang mga magulang
ang masusunod sa kung sino ang maaring mapangasawa ng anak nila
para sa Business.

Wala namang dahilan ang pamilya ni Roks para magalit saakin at ipakitang panget ang pakikitungo saakin dahil hindi naman ako gusto ni Roks at mas lalong hindi pa nila alam ang kasalan ko. Siguro magagalit lang sila kapag nalaman nila ang background ko, sa kung ano ano ang ginagawa ko kay Captain at lalo na 'yung pagiging Kiss slave ko.

Napansin kong palapit si Roks sa pwesto ko at sakto naman na biglang
tumunog ang Cellphone ko. "Wait lang  ha." inilabas ko ang cellphone ko at sinenyasan si Roks na lalabas ako dahil tiyak hindi ko maririnig ang kausap ko rito dahil masyadong maingay.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad agad na akong naglakad palayo para makahanap ng tahimik na lugar.

Tinignan ko kung sino ang tumawag at napangiti ako nang makumpirmang si Direk Atlas 'yun
kaya agad ko nang sinagot ang tawag.

"Hello Direk!" napangiwi ako at agad na nilayo ang telepono dahil ang ingay sa kabilang linya. "Bakit ang ingay d'yan?  Nasa shooting ka ba?"

[ Guess what? ]

Malokong sambit niya sa kabilang linya. Nagpunta ako sa isang gilid kung saan hindi masyado maingay.
"Shooting---Teka bakit parang  pareho ang tugtog dito pati d'yan hwag mong sabihing.."

[ Yes, I'm here. I saw you from here.]

Natatawa niyang saad kaya agad kong inilbot ang mata ko sa kabuuan ng venue pero wala akong makita.
"Nasaan ka Direk?" nagtataka kong tanong.

[ Go to the backstage. ]

Malalim na saad nito kaya napaawang labi ko dahil ngayon ko lang napansin na malapit pala ako sa
backstage at mula rito ay nakita ko na siya.

Nakangisi siya saakin habang hawak hawak niya ang telepono kaya hindi na ako nag patumpik tumpik pa at nag tungo na ako sa pwesto niya.
"Direk Atlas!" excited na sambit ko kaya napatingin ang ibang staff saakin.

Anak ng shooting star ang gwapo niya sa suot niya itim na turtle neck long sleeve at nakasumbrero pa, 80s o 90s style niya.

"Ano ginagawa mo rito?" puno nang pagtatakang tanong ko habang inililibot ang tingin dito sa backstage

"I'm the Director of the suprise film for Mrs. Grison, may isinagawa kaming short film nitong mga araw. Isa rin 'yun sa mga pinagkakabalahan ko." natuwa naman ako at gusto ko ng mapanood ang film na 'yun tiyak napakaganda.

"Seryoso? Si Rare may pakana no?"
Tumango siya.  Naks,  napaka swerte naman nga talaga ng mag asawa na 'yun isa't isa.

Ebarg isang internarional award winning director ang may hawak ng isang shortfilm na inaalaya kay Atarah, sa pagkaalam ko mahirap makuha ang serbisyo ng isang Director Atlas Rehan.

"Hindi naman sana ako dadalo rito pero dahil alam kong pupunta kaya ngayon nandito na ako. "

"Actually,  I don't have plans to go here but because I know that you'll be here, nagpunta na ako. I want to see you and I want to talk to Mr. and Mrs.  Grison regarding your school. I really want you to study at UP and teach you. " ramdam ko ang pag init ng pisnge ko dahil sa sinabi niya kaya agad akong napaiwas ng tingin.

Nakwentuhan pa kami sa kung anong content nung short film. Umiikot pala ang contet sa mga natulungan na tao ni Atarah, parang documentary na film siya.  Ang astig nga pinakita niya saakin ang preview.

Sa kaligtaan ng paguusap namin ay
biglang may nagsalita kaya napatingin kami sa pumasok dito sa loob. "Paint?"nakataas na kilay na saad ni Rare habang salit salit ang tingin saamin ni Atlas.

"Hi doc!  Hahaha,  magkakilala kami ni Direk." pagpapaliwanag ko agad baka magisip pa siya ng kung ano ano.

"I know. " tipid na saad niya saka ibinaling ang tingin kay Atlas at ako naman napanganga nalang.

Ang sungit!

"After 3 minutes the film will showing." lumayo ako ng bahagya sakanila dahil mukha may importante silang paguusapan.

"Babalik na muna ako sa labas. " sinenyasan ko si Atlas at tumango naman siya pero bago pa ako tuluyang lumayo ay pinigilan na ako ni Rare.

"Before you leave, just wan't to tell you that Roks is not here anymore." napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Ha? Umalis na siya?  Saan siya nagpunta? Iniwan niya ako hindi siya nagpaalam? " may kung anong bumara sa lalamunan ko habang lukot ang expresyon ko.

Nginisian niya lang ako. "Emergency, he doesn't want to bother you cuz you seems so busy. " makahulugan niyang saad saka lumingon kay Atlas na blanko lang ang mukha.

°°°

KAKAPASOK ko lang sa mansion ni Roks ngayon pero wala naman siya ngayon.  Simula kahapong pag alis niya hindi na siya nag paramdam saakin, 'di na siya bumalik sa party.  Nagtanong nga ako kina Atarah
kung anong emergency ang sagot nila sa work daw.

"Busy ba talaga si Roks?" saad ko kay Deam na siyang sumundo saakin dahil nga wala si Captain at busy daw ni hindi nga raw 'to umuwi kahapon dito sa mansion niya.

"How many times should I tell about that?" iritado niyang saad.  Nandito ako sa mansion para paglutuan si Captain kahit wala naman siya.

"E, ano ba kasi 'yung emergency!" nandito na kami ngayon sa sala ng mansion ni Roks habang nagbabangayan kami.

"I don't know. " tamad na sagod niya saka naupo sa malambot na sofa at binuksan ang television dito.

"H'wag mong hintayin ko 'yung nabasag sa mukha 'yung vase na 'yan."inis kong planata habang tinuturo ang mamahaling vase na nasa babasaging lamesa.

"It's private. I'm sure you know what is privacy, right? Tss. Just cook for him, I'll deliver it." nginiwian ko siya at inambaan siya ng suntok pero pinigilan ko dahil ayok poo namamg mapurwisyo si Captain Bato.

"Ikaw wala ka bang trabaho? Bakit ba ikaw ang kailangan mag deliver ng pagkain kay Captain, ano ka delivery boy? Ano ba trabaho mo? 'Di ba 'yung kambal mo sundalo din. Ano yung position mo?" sunod sunod na tanong ko para maibsan ang inis ko at h'wag ng patulan ang lalaking 'to.

"Guess what? " nagtiim ang bagang ko at kinuha ang isang unan na nakalagay sa sofa at binato sakaniya.

"Alam mo ang panget ng ugali mo! Mag break sana kayo ng girl friend mo!"

"Who say that I have a girlfriend?" pinagalaw niya ang panga niya at salubong ang kilay nito habang nakatingin saakin.

"Sabi ni Roks!" pinaikot niya lang ang mga mata niya may kung ano pa siyang binulong bulong at 'di ko narinig 'yun.

"Ano? " singhal ko kaya madilim na mata niya akong nilingon.

"Psh, I don't have. Go,  h'wag mong sayangin ang oras at magluto ka na. "hindi na ako nakipag talo sakaniya at iniwanan na siya saka nagtungo sa kusina.

Nagdesisyon ako na magluto ng  chicken curry dahil alas dyis na rin kaya pang lunch nalang ang lulutuin ko.  Lumipas ng halos 40 minutos ang ginawa kong paghahanda ng pagkain.

Maayos kong nilagay sa mga tupperware ang mga niluto ko. Naglagay din ako ng maraming kanin prutas at ang paborito naming lemon mint juice dahil healthy nga raw katawan 'yun. Inilagay ko ang lahat ng 'yun sa isang paper bag at isiniksik ko rin ang gamot ni Roks do'n.

Lumabas na ako ng kitchen at nagtungo sa sala kung saan pretendeng nakaupo do'n si Deam.  "Oh eto na, sabihin mo h'wag niyang kalilimutan uminom ng gamot at h'wag na rin siya masyadong magpagod baka lumala ang mga injury  niya. " tumayo siya at pinatay ang TV saka kinuha ang hawak kong paper bag.

"You can now go home." pagkasambit niya nun ay nagtaka na ako at nagsulubong ang kilay ko.

"Ha? Bakit? Paano 'yung mamayang gabi niyang kakainin?" ayoko pang umuwi,  sa totoo lang may parte saakin gusto ko siyang makita dahil 'di na nga kami nakapag usap pa kahapon.

"I think this is enough until dinner,  Hindi naman siya uuwi dito but it's up to you if you want to sleep here." natahimik ako para magisip kung dito ba ako matutulog ang kaso hindi naman pwedeng makitulog na naman ako dito ng walang malalim na dahilan.  Kagabi nalang ulit ako natulog sa bahay at nakasama ang mga kapatid ko.

"Ah,  gan'to nalang.  Uuwi nalang ako mamaya kapag gusto ko." bumuntong siya saka tumango.

"Ok, ibibilin nalang kita sa driver na ihatid ka. " pagkasambit niya nun ay tinalikuran niya na ako at naglakad na palayo pero bago pa siya tuluyang makalayo ay tumigil siya saka nilingon ako.

"And one more thing h'wag ka ng umasang uuwi siya ngayon. " natulala naman ako sa sinabi niyang 'yun dahil ramdam ko ang lungkot na namumuo sa sistema ko.

Lumipas ang oras at wala akong ginawa dito sa bahay ni Roks kung hindi, kumain,  manood ng tv, mag swimming at makipag kwentuhan sa mga kasambahay hanggang sa 'di ko namalayan na inabot na pala ako ng alas sais ng gabi sa paghihintay kay Roks.

Wala pa rin si Captain hanggang ngayon.  Pasilip silip nga ako sa telepono ko para tignan kung nag text siya para manganga musta,  nagbabakasali na iu-update niya ako sa kung anong ginagawa niya at higit sa lahat sasabihin niya kung gaano nito ka miss ang labi ko kahit pa napaka imposible dahil wala naman
siyang number ko saka isa pa hamak na cook niya at kiss slave lang ako kaya hindi niya ako kailangan itext,  lol.

||Hindi ka ba uuwi ngayon? Oras na hinahanap ka na ng mga kapatid mo.||

Basa ko sa message ni Gracielle kaya napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng mansion. "Manong pahatid na po ako sa bahay."

"Sige po. " pinagbuksan niya ako ng pinto at bagsak balikat akong pumasok sa loob ng kotse pakiramdam ko hindi buo ang araw ko ngayon dahil buong araw kong hindi nakita at nahalikan si Captain Bato.

_____________________________________

Nyang note: Don't forget to vote and leave a comments.

Continue Reading

You'll Also Like

18M 146K 64
"Marunong ako mag-seryoso ng babae....... At yun ay pag nasa kama kami." -Bryan Cortez
4.4K 54 6
Meet Aya, ang misteryosang librarian na may ginagawang kababalaghan sa library tuwing gabi.
2.2M 10.3K 12
Cathy Xyrene Garcia is a girl who only wants Grey Sanford to recognize and love her. She did everything for him but unfortunately, her love is unrequ...
5.4M 33.3K 97
Strong Parental Guidance! Contains scenes not suitable for readers aging below 18. The Perfect Seduction is about fantasy tales with erotic twist...