ViceRylle Collectanea Fandonie

By RuinousMystery

27.4K 745 150

This collections are for the fans and supporters of vicerylle loveteam where you can feel different feelings... More

KUNG MALAYA LANG AKO
THE BIRTHDAY GIFT
HOW CAN I TELL HER
PHOTOGRAPH
DANCING WITH YOUR GHOST
GOODBYE
VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)
VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK
TO MY PARENTS
DOPPELGANGER
ALMOST OVER YOU
HUSBAND AND WIFE
FATE
VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB
THE ONE THAT GOT AWAY
CAN WE GO BACK?
HULING GABI
SOMEDAY
GIVING UP
DARKEST SECRET
LETTING GO
KARYLLE IG STORY
DARKEST SECRET II
ORGAN
IF TOMORROW NEVER COMES
HAPPIER
AKLAT
THE GIRL
VK HOME DATE
ECQ
I NEED YOU MORE TODAY
DEJA VU
SANTOL ART
DADDY
THAT GUY
SMILE IN YOUR HEART
EX
OFFCAM
LETTER E
CRUSH
LAST CHRISTMAS
KURBABE
SIR
LOVE YOU MOST
BEST FRIEND
SA'YO NA LANG AKO
PRETTY WOMAN
HIS GUARDIAN ANGEL
SHOWTIME BABIES
BABY KO SI KULOT
UNFAITHFUL LOVE
TAHANAN
DECADES
LEAVES
SHE LEFT
SHE LEFT (2)
BEST FRIEND
KUMPAS
STUCK WITH YOU
DADDY'S SECRETARY
DADDY'S SECRETARY II
DADDY'S SECRETARY III
MY CONSTANT
STUCK WITH YOU
IKAW AT SILA
OLD LOVE
I LOST HIM
TATAY
(UN)LABELED
NATATANGING LIHAM
NATATANGING LIHAM
THE GOLD DIGGER
MY TEACHER, MY MOM
RIGHT PERSON, WRONG TIME
HIS WIFE
THE CORPSE
TRAVEL WITH YOU
BINALEWALA
CONSTANT & BUKO
REUNITED
THE OFW
ALMOST HEAVEN
MAID MAIDEN
WAITING SHED

BUWAN

295 7 0
By RuinousMystery

"Tagu taguan, maliwanag ang buwan.. wala sa likod,wala sa harap. Pag bilang kong nakatago na kayo.. Isa.. Dalawa.. Tatlo."

Yan lagi ang naririnig niya sa kaniyang bakuran tuwing ala una ng madaling araw.

May mga batang nag lalaro ng ganoong oras?

Bumangon siya at lakas loob niyang tinignan ang mga ito sa bintana.

Kakahawi niya lamang ng kurtina ng may naka dikit na mukha ng babae sa glass ng bintana niya.

Maputi. Naka ngiti sa kaniya.

Maging siya ay napa iktad at agad na lumayo sa bintana ng makita niya ang babaeng yon.

Kinakatok nito ang glass ng bintana habang naka titig sa kaniya. Naka ngiti pa rin ito.

"Halika ka na. Mag laro tayo sa ilalim ng buwan." wika nito.

Biglang nag bukas ng kusa ang bintana at hinila siya.

Malamig ang mga kamay nito,siya man ay pinag pawisan bigla.

"Ana." Maikling sabi nito sa kaniya at nilingon siya.

"Ikaw anong pangalan mo?" mahinang tanong nito sa kaniya.

"Ahm J-Jose." nauutal niyang sagot.

Hindi niya namalayan na nasa terrace na sila ng kaniyang kwarto. Bigla siyang tinulak ni Ana hanggang mahulog siya sa ibaba.

Mabuti na lamang mga dahong tuyo ang kaniyang binagsakan na nasa mga garbage plastics.

Habang nag aalis siyang dumi sa kaniyang damit, namalayan na lamang nya na nasa tabi niya si Ana.

"Bilisan mo dyan, para makapag laro na tayo sa ilalim ng buwan." Saad nito at inakbayan siya.

Ramdam nya na nagsitayuan ang kaniyang mga balbon sa katawan.

Hinawi niya yon at pinaka titigan ang babae. Maputla ang labi nito, maging ang mga mata nito ay malamlam.

" Bakit ganitong oras kayo nag lalaro? Ala una ng madaling araw." saad niya. Ngumiti lang ito sa kaniya at iniwan siya.

"Tagu taguan, maliwanag ang buwan. Wala sa likod..wala sa harap. Pag bilang kong tatlo, nakatago na kayo.."

Pinag mamasdan niya ang mga lalaki at babae na naglalaro

"Isa.."

"Dalawa"

"Tatlo"

May isang babaeng tumulak muli sa kaniya hanggang sa mahulog siya sa isang bangin.



"AHHHHH!!!"

Humahangos siyang napabangon. Pawis na pawis siya.

Alas otso na rin pala ng umaga, tirik na ang araw at may sinag na nito na tumatama sa kaniyang mukha.

"Panaginip?" bulong niya sa kaniyang sarili.

Ngunit parang hindi.

Tinignan nya ang kaniyang bintana, wala namang kahit anong bakas ang mayroon doon.

Napa iling siya at napa pikit ng mariin.

Nag aalmusal na siya ng makarinig siya ng mga taong nagkaka ingay sa labas.
At dala ng kuryusidad, siya ay lumabas at naki tingin sa kung ano man ang nangyayari.

Tinignan nya ang mga taong naka uniform, may mga dala itong camera.

Naka guwantes ang mga ito.

Naka face masks sila.

Mga nag iimbestiga.

"Parang kahapon lang, nakasalubong ko pa si Anne na may hawak na mga folder. May aasikasuhin daw siya sa pag alis niya ng bansa."  sabi ng isang babae.

"naka usap ko pa rin siya kahapon. Ang saya saya pa naman niya." saad pa ng isa.

Sinilip niya ang bangkay na nasa bakanteng lote.

Patay na si Anne. May naka baon na kutsilyo sa kanyang puso.

Binalikan niya ang panaginip.

Si Anne!

Siya ang nag tulak sa kaniya sa isang bangin!


Gabi na naman. Inayos niya ang kaniyang higaan. Nakapag palit na rin siya ng kaniyang pantulog. Hanggang sa nakatulog habang nanunuod ng tv.

"Tagu taguan, maliwanag ang buwan.. wala sa likod,wala sa harap. Pag bilang kong nakatago na kayo.. Isa.. Dalawa.. Tatlo."

Heto na naman, napa mulat na naman siya. Pakiramdam nya, ang katawan nya ay hindi naka sayad sa kaniyang kama.

Para siyang lumulutang.

Matinding kaba na naman ang kaniyang nararamdaman.

Pinipilit niyang maka tulog, ngunit ang mga boses na yon ay ina anyaya siyang magising.

Ina anyaya siyang sumali.

Natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili sa kaniyang bakuran.

Nakikipag habulan at nag tataya tayaan. Masaya siya.

Pakiramdam nya, bumalik siya sa pagkabata..

"Ana!" tawag niya dito at nginitian siya. Kapansin pansin pa rin dito ang maputla nitong mga labi.

Kinabukasan, nagising siya na may ibon na itim sa kaniyang kwarto. Maging ang kaniyang higaan ay may dumi nito.

Pinakawalan niya ang ibon.

Nag tataka siya kung paanong nagkaroon ng ibon sa kaniyang silid, naka sara naman lahat ang kaniyang mga bintana.

Ganoon na naman. Umaga. May mga tao sa bakanteng lote.

May nag iimbestiga.

May isa na namang patay.

Ayon sa mga nag imbestiga, binaril daw ito habang naglalakad papauwi ng bahay at tinapon na lamang ang katawan sa bakanteng lote..

Ngunit walang makitang finger print sa katawan nito.

Napaisip siya..

Ang lalaking yon, si Vhong.

Siya ang nasa panaginip niya.

Sinasakal siya nito hanggang sa hindi na siya makahinga.

Naulit pa ng ilang beses ang pangyayaring yon.
Si Teddy, may hiwa sa leeg.

Si Jhong nakita na naka bitin sa puno. Patay na pero dilat ang mga mata.

Para siyang nababaliw na sa kaniyang mga nakikita.
Hindi na siya makatulog ng maayos gabi gabi dahil sa mga ito.

Hanggang sa isang umaga, pumunta siya sa kaniyang bakuran. May naamoy syang malansa at amoy patay!

Hinanap nya ito ngunit hindi niya makita. Napadpad siya sa kaniyang stock room.

Nandoon ang isang bangkay.

Bangkay ni Ana na inuubos na ng mga insekto.

Wala na ang mga mata nito, ang tyan nito ay butas na. Litaw na ang kaniyang mga bituka.

Halos masuka siya sa kaniyang nakikita.

Bilang nagsara ang pintuan ng kaniyang stock room.

"Tulong! Tulungan nyo ako!"

Ngunit walang nakaka rinig sa kaniya. May narinig siyang tawa na hindi naglaon ay naging palahaw.

Halos mabingi sya dahil dito.

"Tama na ana! Tama na!" sigaw niya habang tinatakpan ang kaniyang mga tainga.

"Paano mo nagawa sa akin to Jose?!" sigaw muli ni Ana.

Umiiyak ito. Nakaka takot na iyak.

Naramdaman nya na lumapit ito sa kaniya at sinakal siya.

"Paano mo nagawa sa sarili mong asawa na ipagahasa siya sa mga kalalakihan?!" Sigaw ni Ana sa kaniya.

Nag sisigaw siya.

"Paano mo nagawang ipa sunog ang likuran ko kay Anne?!"

"Patawarin mo ako Ana! Patawarin mo ako!"

Lubog na sila noon sa utang dahil sa kaniyang pagka hilig sa casino, sa pag susugal.

Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Kaya upang magkaroon pa siya ng bahay at lupa, maging ang magara niyang sasakyan ay naisipan na lamang niya na gamitin ang kaniyang asawa.

Si Anne at Vhong ang unang naka talo sa kaniya. Mag asawa ito. Balak nitong itaya niya ang kaniyang bahay at lupa.

Habang si Jhong naman ang may ari ng casino.

Si Teddy naman, balak nitong itaya ni Vice ang kaniyang kompanya.

Nangako siya sa mga ito na babayaran niya ang lahat ng utang nya matapos ang isang buwan. Ngunit natapos ang isang buwan pero hindi pa rin siya nakakapag bayad. Pinag bantaan ng apat ang buhay niya.

Nadedepress na siya. Araw araw kinakagalitan na siya ng kaniyang asawa.

Kaya naman naisip niya na may silbi ito.

Bilang kapalit, sina Vhong, Anne, Teddy at Jhong ang nagpahirap dito.

Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng buwan, sa bakanteng lote.. Katabi ng kaniyang bahay ay doon naganap ang krimen.
Pinagahasa niya ito sa tatlo matapos sunugin ni Anne ang likuran nito.

Upang walang kumalat na balita at hindi sila maipakulong, tinago niya ang katawan nito sa stock room.

"Hindi kita mapapatawad! Mag sasama tayo sa impyerno!"

Sinakal pa siya nito hanggang sa hindi na siya makahinga.

Matapos ang gabing yon, wala ng natatagpuang patay sa bakanteng lote. Tanging ang nakita na lamang ay ang bangkay ni Jose na nasa gitna ng daan.

"Tagu taguan, maliwanag ang buwan.. wala sa likod,wala sa harap. Pag bilang kong nakatago na kayo.. Isa.. Dalawa.. Tatlo"





A/N
Tatlong araw ko siyang sinulat. Pati ako natatakot na ko sa mga sinusulat ko. Nakakaloka.

Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 1K 22
(c) 2017 | I want you forever, forever and always. Through the good and the bad and the ugly. We'll grow old together, forever and always. Book 2 of...
90.7K 3K 49
pls. try to understand experiment lng to if kaya ko din gumawa ng story...kaya mo ba isakripisyo ang kaligayan mo para lng makumpleto ang pagkatao ng...
4.9K 103 48
This is a Caitlin Viray, CaitBea, JhoBea and CMFT fanfic. Disclaimer: I started writing this before Cait moved to the Foxies. What if as a fan bigla...
1.7K 102 6
This is a compilation of One Shot AU's nang GaWong Madadagdagan lamang po ito sa tuwing magkakaroon si Author nang mga WHAT IF's para sa GaWong