The Bad Boy's Love (Published...

By blue_maiden

88.2M 2.1M 751K

[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo... More

Prologue
Chapter 1: City of love
Chapter 2: Dream or love?
Chapter 3: J's Graduation
Chapter 4: And she's back
Chapter 5: Long time no see
Chapter 6: Papa Jeydon
Chapter 7: Inuman session
Chapter 8: Going back
Chapter 9: The party
Chapter 10: Hello wedding bells
Chapter 11: Under the moon
Chapter 12: Job hunting
Chapter 13: First Night
Chapter 14: If only
Chapter 15: For a change
Chapter 16: Bridal Shower
Chapter 17: Dark past
Chapter 18: One step closer
Chaptet 19: Stag Party
Chapter 20: Changes
Chapter 21: Hold on
Chapter 22: Day to Forever
Chapter 23: The Wedding
Chapter 24: Secret House
Chapter 25: Premonition
Chapter 26: Best Friends
Chapter 27: Sayang
Chapter 28: Hindi itinadhana
Chapter 29: Welcome
Chapter 30: Bye Jeydon
Chapter 32: In laws
Chapter 33: Hongkong Part 1
Chapter 34: Hongkong Part 2
Chapter 35: My boo
Chapter 36: Come back home
Chapter 37: Welcome home
Chapter 38: Someone like you (Part 1)
Chapter 39: Someone like you (Part 2)
Chapter 40: He's coming
Chapter 41: Being a daddy
Chapter 42: The Player's wedding
Chapter 43: The Fighter's battle
Chapter 44: Rest in Peace.
Chapter 45: Goodbye and Hello
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note
TFBBAM BOX SET PRE-ORDER

Chapter 31: Durian

1.4M 41.5K 14.4K
By blue_maiden

TAHIMIK LANG KAMING lahat na kumakain. Aaminin ko naiilang pa rin ako kapag magkakasama kami lalo ka wala na si Jeydon sa tabi ko. Buti na nga lang talaga mabait na sila sa 'kin.

"Candice, kumain ka ng madaming gulay," sambit ni Tita Janice. Kinuha niya 'yong asparagus soup at saka niya nilagyan 'yong bowl ko. "Dapat maging malakas ka para maging malakas din ang apo ko," nakangiti pa niyang sabi. Isa lang nararamdaman ko ngayon.

Awkward.

"Thanks po, Tita Janice," sagot ko.

"Hindi ba sabi ko sa 'yo, mommy na rin ang itawag mo sa 'kin. Ako ang nanay ng asawa mo kaya parang nanay mo na rin ako," masaya niyang sabi.

Another awkward moment, pero nakaramdam ako ng kakaibang saya.

"Sige po, Mommy," sabi ko. 'Yong ngiti ko abot na hanggang buwan.

Puro gulay ang kinain ko ngayong dinner. Hindi ako mahilig sa gulay, pero para sa baby ko kahit ampalaya kinakain ko na ngayon.

"Noona, sasamahan na kita sa kwarto mo," alok sa 'kin ni Jayshin pagkatapos ng dinner.

"Jayshin, ingatan mo si Candice. Okay?" paalala ni Tita este ni Mommy. "Good night Candice." Lumapit siya sa 'kin pagkatapos hinawakan niya ang tiyan ko. "Good night apo, 'wag kang makulit sa tiyan ng mommy mo, ha? I love you." Humarap pa siya sa akin at niyakap niya pa ako.

"Kapag may kailangan ka, kunin mo lang 'yong telepono sa tabi ng kama at i-dial mo 'yong extension four," singit ni Dave Lopez. "Matulog ka nang maaga," paalala pa niya.

"Sige na, Jayshin, ihatid mo na si Candice."

Inalalayan pa ako ni Jayshin sa braso ko habang naglalakad kami. Grabe 'yong trato nila sa 'kin dito. Unexpected lahat.

"I'm glad maganda na ang trato nila sa 'yo," sambit ni Jayshin no'ng makarating kami sa kwarto ko. "Kahit ako namamangha sa pinapakita ni Mom at Dad. Sabagay, unang apo nila 'yan eh."

"Si Marion ang unang apo nila," paalala ko sa kaniya. "Anak siya ni Troy at Jaycee kaya apo nila si Marion," pagdidiin ko pa.

Tumabi siya sa 'kin. "Hindi mo pa rin maaalis ang katotohanang ampon lang siya. Walang dugong Lopez na nananalaytay sa kaniya, kaya hindi mo sila masisisi kung hindi sila excited kay Marion. I feel sorry for that kid. Para sa akin ampon man o hindi si Marion, anak pa rin siya ni Noona Jaycee at Hyung Troy. Ang problema hindi kami pareho ng pag-iisip ng parents ko."

Napabuntong hininga na lang ako. Lahat ng sinabi ni Jayshin totoo. "Hindi ko masisisi si Ate Jaycee kung naiinis siya sa atensyon na nakukuha ng baby namin ni Jeydon. Kaya nga hanggang ngayon ang sungit pa rin niya sa 'kin."

"Magiging okay din ang lahat sa inyo kagaya kina Mom at Dad. Isa pa, intindihin mo na lang si Noona dahil malala na ang sakit siya." Natigilan ako at napatingin ako kay Jayshin. "I shouldn't tell you this, but you're now part of the family so I think it's all right for you to know."

"To know what?" tanong ko. Kinakabahan ako.

"Kasi.." Natigilan siya sa pagsasalita kasi naiyak na siya. Agad kong hinawakan ang kamay ni Jayshin. Mas lalo akong kinabahan sa inaasal niya ngayon. "Hindi na rin magtatagal si Noona. Malala na ang sakit niya sa puso kaya nga hindi na sila nag-anak pa ni Hyung Troy kasi 'pag nabuntis siya, ikakamatay niya 'yon at ng baby dahil hindi kakayanin ng puso niya."

"Ha? Ang alam ko hindi malala ang sakit niya. Wala namang nababanggit sa 'kin si Jeydon," nagtataka kong tanong.

"Sinabihan na siya ni Noona. Ayaw niya kasing ipaalam kahit kanino kahit sa 'yo."

"How about an operation?" tanong ko.

"Ayaw ni Noona na magpa-opera dahil sa operation, 50/50 ang chance mo na mabuhay. Ayaw niyang i-risk ang buhay niya dahil mas gugustuhin pa daw niya ang kasiguraduhan na makakasama pa niya si Hyung Troy kahit na ilang taon lang," paliwanag niya.

Natahimik na lang ako. Gano'n na pala ang lagay ni Ate Jaycee. Kahit kailan hindi ko siya nakitaan ng kahinaan. Hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kaniya. Naging mabait siya sa 'kin no'n at naiintindihan ko namam kung bakit hindi maganda ang pakitungo niya sa 'kin ngayon. Sana maging maayos pa ang lahat dahil iniisip ko hindi lang si Troy pati si Jeydon dahil alam ko na sobra siyang masasaktan kapag nawala ang ate niya.

"Sorry Noona, dapat hindi ko na sinabi sa 'yo baka mag-alala ka lang at hindi ka pa makatulog nang maayos," singit ni Jayshin.

"Ayos lang ako Jayshin." Ngumiti ako sa kaniya.

"Sige, na matulog ka na." Lumapit pa siya sa 'kin para mahawakan ang tiyan ko. "Good night pamangkin." Tumayo siya at inalalayan pa niya ako na makahiga sa kama. "Just call us if you need anything. Sleep well, Noona." Pinatay niya ang ilaw pagkaalis niya.

Tiningnan ko ang cellphone ko at saktong tumatawag si Mama. Sinagot ko agad ang tawag niya. "Hello, mama," bati ko. "Kamusta na kayo diyan?"

"Ikaw ang dapat tanungin namin niyan. Kamusta ka diyan? Pinapahirapan ka ba nila diyan ha, anak? Sabihin mo lang at pupuntahan talaga kita diyan."

"Mama! Okay lang po ako dito. Mabait sila saking lahat dito para nga akong prinsesa dito eh," depensa ko. "'Wag kayong mag-alala sa 'kin dito."

"Hindi mo naman maalis sa 'kin ang mag-alala eh, mama mo ako. Dapat lang talaga na ituring ka nilang prinsesa diyan 'no, eh reyna ang turing sa 'yo ni Jeydon." Biglang tumahimik. Tiningnan ko kung naputol ang call pero hindi naman. "Hello, Candice? Sorry si Skie kasi inaagaw sa 'kin 'yong cellphone ko."

"Ibigay mo sa kaniya ang phone, Mama. Gusto ko siyang makausap."

"Nakaakyat na sila ni Serina eh. Bukas na lang at matutulog na rin 'yong batang 'yon. Namasyal kasi sila ng papa niya."

"Oo nga pala, okay na ba si Kuya at Ate Serina?" tanong ko.

"Sinusuyo ni Charles si Serina, pero nasaktan talaga si Serina sa ginawang pag-iwan ni Charles sa kanila dati kaya ayon, malamig pa rin siya sa Kuya mo." Bigla tuloy akong sumimangot. Hindi ako sanay na hindi maayos 'yong dalawa na 'yon. "'Wag mo na isipin 'yon, gumagawa naman kami ni Yaya Linda ng paraan. Isipin mo ang baby mo, okay? Sige na, matulog ka na. Tatawagan na lang kita bukas. Good night anak, i-kiss mo na lang ako sa apo ko ha?"

"Opo, mama. Good night."

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko pero bigla ulit siyang tumunog. Tawag galing kay Jeydon. Sinagot ko naman siya agad.

"Yah! Kanina pa kita tinatawagan pero palaging busy. Sinong kausap mo, ha?" pag-uusisa niya.

"Seriously, Jeydon?" mataray kong tanong. "Pinaghihinalaan mo ako hanggang ngayon?"

"Aish, naglalambing lang ako, asawa ko. Bakit hindi ka naman sumakay? Ganyan ba kapag nabubuntis, nagiging slow?" tumaas bigla ang kilay ako. "O, joke lang. Miss lang kita kaya inaasar kita. Kahit hindi kita nakikita ngayon alam ko 'yang kilay mo aabot na ng Mars 'yan, Baka nga hampas hamapasin mo pa ako kapag nandiyan ako," natatawa niyang sabi.

Hindi ako nakasagot ako. Naiyak kasi ako bigla at ayokong marinig 'yon ni Jeydon. I miss him so badly.

"Asawa ko?" tanong niya.

"O?" tipid kong sagot.

"Umiiyak ka ba?" Dinig ko sa boses niya ang pag-aalala. Kaya nga ayokong iparinig sa kaniya na umiiyak ako kasi alam ko na mag-aalala lang siya. "Tahan na. Sige ka, papangit ka niyan. Kapag nakita ka ng anak natin na umiiyak, baka mag-alala din siya katulad ko kaya tahan na."

"Miss lang kita," naiiyak ko pa ring sabi. "Miss na-miss."

"I miss you too, sobra sobra. Konting panahon na lang at makakabalik na rin ako. May surprise ako sa 'yo pati sa baby natin kapag nakabalik na ako diyan."

"Ano naman 'yon?" tanong ko.

"Surprise nga eh. Secret muna," pilyo niyang sagot. "'Wag ka nang malungkot, ha? Kakantahan ko na lang kayo ng anak natin para makatulog na rin kayo."

"Okay.."

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na si Jeydon na ihele ako sa pagtulog kagaya ng gabi gabi niyang ginagawa. Kahit papaano nararamdaman ko na nasa tabi ko lang siya.

Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako.

---

Pagbangon ko akala ko alas sais na ng umaga na, pero alas tres pa lang pala. Napahawak ako sa tiyan ko. Nakaramdam ako ng gutom at gusto kong kumain ng durian.

Tumayo ako at naglakad papuntang kusina. Tinginan ko ang refrigerator pero walang durian do'n. Puro pinya ang laman no'n dahil kadalasan naman pinya lang ang hinahanap ko pero hindi ko alam kung bakit bigla akong naghanap ng durian.

Bumalik ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong gisingin ang mga in-laws ko pati na rin si Jayshin para lang ikuha ako ng durian. Nahihiya ako.

Habang tumatagal, mas lalo akong nag0crave sa durian. Naiyak na lang ako. Ano bang gagawin ko?

Sa oras na 'to siguradong may therapy session si Jeydon at ayoko siyang istorbohin.

Ilang minuto na akong umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maya-maya nagulat ako no'ng bumukas ang pintuan. "Candice?" tanong niya at binuksan niya ang ilaw sa kwarto ko.

"Tito Dave," sambit ko.

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong. Lumapit agad siya sa 'kin. "May masakit ba sa 'yo?" tanong niya ulit. Kitang kita ko sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

Pinahid ko ang mga luha ko. "Kasi po.. gusto ko pong kumain ng durian kanina pa pero ayoko kayong gisingin."

"Hindi ba sabi ko sa 'yo, kapag may kailangan ka tumawag ka lang? Buti pala at tiningnan kita dito. Halika." Inalalayan niya akong tumayo. "Doon ka muna sa sala, nando'n sila grandma."

Pumunta kami sa sala at nando'n nga sila grandma at nagkakape.

"Grandma, bantayan n'yo muna si Candice. Maghahanap ako ng durian." Sinuot niya ang jacket niya at kinuha niya rin ang susi ng kotse niya.

"Sandali, Sir Dave, gusto mo bang tawagin ko si Baron para ipagdrive ka?" nag-aalalang tanong ni Grandma.

"Ayos lang ako. Bantayan n'yo na lang po si Candice." Tiningnan niya ako. "Candice, magtiis ka muna sandali. Babalik ako agad."

Tumango ako. "Mag-ingat po kayo."

Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin si Tito Dave. Kinabahan tuloy ako. Sana walang mangyaring masama sa kaniya. Nagkwento na lang nang nagkwento si Grandma tungkol kay Jeydon para malibang ako.

"Alam mo, pasaway na talaga 'yan dati si young master dati pa." Hindi pa man din siya nagsisimula sa kwento niya ay natatawa na siya. Naiisip ko kung anong kalokohan kaya 'yong ginagawa ni Jeydon. "Isang araw noon, ihahatid na sana siya ni Baron sa school, pero hindi namin siya makita. Halos lahat kami sa mansion ay hinahanap siya. Halos sumakit na nga ang ulo ko no'n kakahanap sa kaniya at 'yon pala nando'n lang siya sa tabi ng refrigerator at kumakain siya ng ice cream. Tinatamad daw siyang pumasok." Natawa si Grandma pati na rin ako. Kahit kailan talaga pasaway siya.

"Close po ba sila ng papa niya dati?" tanong ko.

"Oo naman, halos hindi na nga sila mapaghiwalay dati. Iniidolo ni young master si Sir Dave noon pa. Hindi ko nga lang alam kung anong nangyari at lumayo na ang loob ni young master sa daddy niya. Nakakalungkot, pero at least ngayon ay maayos na sila."

"Oo nga po," sagot ko. "Sana nga bumalik na rin 'yong dati sa kanila kasi alam kong mahal ni Jeydon ang daddy niya dati pa lang."

Halos isang oras na rin kaming naghihintay kaya naidlip ako sa balikat ni Grandma.

"Candice," bulong sa 'kin ni Grandma. "Nandiyan na si Sir Dave."

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at narinig ko ang kotse ni Tito Dave.

Sinalubong namin siya at may dala dala siyang dalawang supot ng durian. Bigla na naman tuloy akong natakam sa durian.

"Buti nakahanap ako. Kumain ka na," bungad niya. "Halika na sa kusina. Grandma, matulog ka na, alam kong puyat ka. Ako na ang bahala dito."

Tumango lang si Grandma.

Sinundan ko si Tito Dave sa kusina habang dala dala niya 'yong dalawang supot ng durian. No'ng makarating kami do'n, pinaupo niya agad ako habang binabalatan niya 'yong durian.

Napasigaw ako no'ng mahiwa niya ang daliri niya, pero agad din naman niya tinakpan ng tela ang sugat niya. Ginamot niya 'yon gamit ang first aid kit na meron sila sa kusina. Pagkatapos no'n, binigay niya sa 'kin ang isang buong durian na hiwa na at ready nang kainin.

"Kumain ka na," sambit niya.

"Thank you po, Tito Dave," sagot ko.

"From now on, call me Dad." Muntik akong mabulunan sa sinabi niya. Natawa pa nga siya at for the first time ngayon ko lang siya nakitang tumawa.

Isa itong himala. Natawa din tuloy ako.

"Technically, tatay mo na rin ako dahil father-in-law mo na ako. Mas magandang pakinggan ang dad kaysa sa Tito Dave."

"Okay po, Tito—ay este, Dad pala.

Tumawa ulit siya at kumuha siya ng gatas sa refrigerator. "Mukhang mag-eenjoy akong makipagkwentuhan sa 'yo. Do you mind?" tanong niya.

"Hindi po, Dad," sagot ko.

Mukhang mahaba habang usapan ito.


Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 715K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
8.3K 316 7
Ellyze Alvarez is a one of a kind girl. She's all beauty and brains. Raised by her mom alone, natuto na siyang maging independent at a young age. Giv...
12.7K 366 17
Six years is enough for Lance to accept how things turn out for him and for Cahriya. The love is still there but he already moved on. He already acce...
4.8M 135K 74
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...