Before I Choose (DLC Series #...

By girlikeher

624K 16.9K 5.8K

De la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law s... More

Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue I
Epilogue II
Afterword
Special Chapters

Chapter 4

10.5K 408 216
By girlikeher

Chapter 4


Nakapikit ako habang mahinang binubulong ang buong Article 3 ng Constitution. Tuwing napapatigil ako ng at least 5 seconds, umuulit ako sa simula. Hindi ako papayag na hindi tuloy-tuloy ang pag-banggit ko ng mga section. Kailangan maiperfect ko ito, lalo na't nag shoshow off ako kay DLC. Sobrang perfect pa naman no'n kaya dapat perfect din ako for him para bagay kami.

"Hoy,"

"Ay butiki ka!"

"Makabutiki ka naman. Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Fletcher bago umupo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa sahig sa labas ng room namin. Wala pa naman si Atty. at ayaw kong mag-memorize sa loob dahil maging sila ay nag mememorize. Hindi ako makaka-focus.

"Nag mememorize. May recitation tayo sa ConsLaw I," paalala ko sa kanya.

"Ahh. Akala ko may kinukulam ka na dyan. Kung ano-ano binubulong mo e. Muntik ko nang isipin na sa sobrang desperado mo ay kinukulam mo na si DLC para maging mutual iyong feelings niyo." Pang-aasar niya.

Napairap nalang ako at hindi siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagmememorize hanggang sa makita ko si Atty. na papalapit. Tumayo kami ni Fletcher at binati siya bago kami pumasok sa classroom.

"De la Cerda."

Muntik ng maputol ang ulo ko sa sobrang bilis ng paglingon ko. Nakatingin ako kay DLC habang kalmado lang siyang nakatayo. Lagi namang kalmado 'yan tuwing tinatawag, para bang never siyang kinabahan. Tapos tuwing sumasagot, laging tama.

'Di ba, ang perfect?

"State all sections of Article 3. Verbatim." 

Nag-simula nang mag-recite si DLC. Habang nag-rerecite siya ay sinasabayan ko siya sa utak ko hanggang sa matapos siya.

Grabe, hindi man lang siya tumigil o nag-isip. Tuloy-tuloy lang ang pag recite niya na para bang saulong-saulo niya na iyong Article 3 simula nung baby palang siya. Siguro nung pinanganak siya, imbis na 'mama' o 'papa' ang una niyang sinabi, ang sinabi niya ay 'constitution' o 'batas'.

"Veneracion."

Ako pa talaga ang kasunod ni DLC? Kikiligin na sana ako kasi parang meant to be kami dahil magkasunod, pero na-intimidate lang ako kasi masyado niyang ginalingan. Nakakahiya naman na ako ang sumunod sa kanya! Masyado na tuloy mataas ang expectation ni Atty.

I stood up. Inuulit-ulit ko ng sabihin sa utak ko ang buong Article 3 nang bigla namang magsalita si Atty.

"State the case of Perfecto v. Meer. From the facts until the Court ruling."

Fuck.

Buong week, nag-memorize lang ako ng Article 3 dahil akala ko iyon ang ipaparecite saamin ni Atty. Pinarecite niya na iyong cases saamin last week pero hindi ko inaasahan na magtatanong ulit siya ngayon. Nabasa ko naman iyong case pero medyo nakalimutan ko na.

I tried to rack my brain for the answer.

I heaved a deep breath. "In April 1947, the Collector of Internal Revenue required Mr. Justice Gregorio Perfecto to pay income tax upon his salary as member of this Court during the year 1946. After paying the amount of 802 pesos, he instituted this action in the Manila Court of First Instance contending that the assessment was illegal, his salary not being taxable for the reason that imposition of taxes thereon would reduce it in violation of the Constitution."

I continued with the issue until the ruling of the Supreme Court. Nang matapos ako ay nakahinga ako ng maluwag.

Kung alam ko lang na case ang ipaparecite saakin, sana nakapagbasa ulit ako. Mas naging maganda siguro ang sagot ko kung nagkataon.

Atty. Mencio nodded and allowed me to sit down.

Muntik na akong hindi makasagot. Ayaw ko namang hindi makasagot dahil grade ko ang nakasalalay doon. Isa pa, mapapahiya ako kay DLC.

"Wow, memorize mo parin iyong cases?" Bulong ni Fletcher.

I shrugged. "Hindi na nga e, buti nalang isang week palang ang nakakalipas. Kung tumagal pa ay paniguradong hindi ko na maaalala."

"Ako nga eh hindi ko na maalala," sabi niya naman. "Nga pala, Heaven, pwede mo akong samahan sa bookstore mamaya?"

"Sure. Anong gagawin mo doon?"

"Magsu-swimming." I gave him a blank look. Natawa naman siya. "Joke lang. Syempre bibili ng codal, ano pa ba?"

My forehead creased. "Pero kumpleto na codals mo diba?"

He sighed. "Nawawala 'yong sa StatCon ko."

"Saan mo ba kasi nilagay?"

"Gamit ko iyon nung nag lib ako. Nag-CR lang ako saglit tapos pag-balik ko, nawala na."

"Hala. Chineck mo na ba iyong lost and found?"

"Oo. Wala daw doon eh."

Napailing nalang ako. "Burara naman, Fletch."

He made a face. Nang matapos ang klase ay sinamahan ko siya sa bookstore. May fifteen minute break kami bago iyong susunod na klase. Buti nalang at nasa loob lang ng university iyong bookstore kaya hindi namin kailangang mag-madali. 

Dahil ayaw ko namang mainip, sinuri ko rin iyong bookstore. Kumislap naman ang mata ko nang makakita ng iba't ibang kulay na mga highlighters. Mayroon naman ako kaso dalawang kulay lang―yellow tsaka orange. Eh halos magkakulay lang iyon kaya naduduling ako. 

I decided to get three more colors―blue, pink and green. May nakita rin akong book holder kaso meron naman ako no'n, naiwan ko nga lang sa bahay. Baka pwedeng kunin ko nalang sa Sabado pag bumisita ako kina Mama. Mag-isa lang kasi akong naka-condo malapit dito sa university. Medyo may kalayuan kasi iyong bahay namin, mga isang oras mula dito.

"You done?"

Napalingon ako at nakita si Fletcher. My eyes scanned the codal he was holding. Binalik ko ang tingin sakanya at tumango.

Matapos mag-bayad, imbis na dumiretso kami sa classroom ay dumaan muna kami sa mga food stalls. Nag-crave kasi ako bigla sa hotdog. May ibang sinilip na stall si Fletcher kaya nag-order na ako ng hotdog ko. Nang isang kagat nalang natitira, biglang dumating si Fletcher at nag-order rin ng para sa kanya dahil nakakainggit daw. By the time he got his order, we were already running late.

"Bilis, Heaven! Papagalitan talaga tayo no'n ni Atty. Alam mo namang ayaw nun ng late." Wika niya habang tumatakbo kaming dalawa pabalik sa room. Hawak niya iyong paperbag na may lamang codal niya at mga highlighters ko, samantalang hawak ko naman iyong inorder niyang hotdog.

"Baka wala pa siya, late din naman lagi 'yon," pagpapagaan ko naman ng loob niya.

Pag-dating namin sa room, nakita namin si Atty. sa harap. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa hotdog na hawak ko kaya sa sobrang gulat ko ay sinubo ko iyon ng buo. Nakita kong napalingon saakin si Fletcher na nanlalaki iyong mga mata. Nanlaki din iyong mata ko habang pilit na nginunguya iyong hotdog.

Ang hirap kasi ang laki-laki pa naman nung hotdog!

Nagmadali kaming pumunta sa pwesto namin habang nagshushuffle pa ng index card ang prof namin. Siguradong mukha akong chipmunk ngayon dahil iyong hotdog hindi ko parin manguya ng maayos.

Nang makaupo na kami sa pwesto namin, narinig kong nagpipigil ng tawa si Fletcher. At dahil hindi ako makapag-salita, tinapunan ko nalang siya ng masamang tingin.

Tinatawa-tawa mo d'yan?

Napakagat pa siya sa ibabang bahagi ng labi niya para pigilan iyong tawa niya.

"Gago ka Heaven. Ba't mo sinubo iyong hotdog ko?" 

Mas sinamaan ko siya ng tingin. Kita niyang hindi ako makapag-salita ng maayos! Isa pa, parang ang bastos pakinggan nung pag-sabi niya ng 'hotdog ko'.

Mabuti nalang at hindi ako natawag. Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako sa condo. Hindi ganun kalaki iyong condo unit na nirerentahan ko. Sakto lang iyong laki para sa isang tao. Wala namang issue saakin na hindi malaki iyong unit ko dahil ang importante lang naman saakin ay iyong may matutulugan akong maayos. Isa pa, sobrang convenient for me ang condong ito dahil halos sampung minuto lang ang layo mula sa university. Hindi ko na kailangang gumastos para sa transportation.

As for my tuition and allowance, si Kuya iyong nagpo-provide nun para saakin. Hindi ko alam ang trabaho niya pero grumaduate siyang engineer so there's that. Sila ni Mama iyong magkasama sa bahay dahil wala pa namang asawa o girlfriend si Kuya kaya sinasamahan niya si Mama sa bahay. 

Bago akong pumasok ng law school, nag-trabaho ako kaya may ipon naman ako kahit papaano. Balak ko nga lang iyon gamitin in case of emergencies. Pinag-iisipan ko nga kung mag papart time ako para hindi na ni Kuya kailangan na mag bigay ng allowance for me. Kahit Kuya ko siya, nahihiya parin naman ako. Imbis na mag-ipon siya para sa future niya, saakin niya pa binibigay para makapag-law school ako.

Di bale, pag ako grumaduate na, babayaran ko siya sa lahat ng ginastos niya para saakin.


"Kuya Arthur?"

"Heaven?" Gulat niyang tanong. Bigla naman siyang ngumiti. "Heaven, ikaw nga."

I smiled and he immediately pulled me into a hug.

"Ano ang ginagawa mo dito, Kuya Arthur?" Naka dark gray na suit and tie kasi siya tapos ang pormal ng dating. Siguro galing siya sa law firm na pinagtatrabahuan niya.

He gave me a look. "I told you, Kuya Art is fine. You can also drop the Kuya if you like."

I wrinkled my nose. "Sus. Feeling bagets ka lang kaya gusto mong hindi kita kinu-kuya eh." Natawa naman siya sa sinabi ko. "See, guilty."

Best friend ni Kuya si Kuya Art. Parehas silang limang taon ang tanda mula saakin. Bago pa siya maging lawyer, Kuya Art ang tawag ko sakanya. Pero nung pumasa na siya ng BAR, pakiramdam ko ay ang bastos kung iyon ang tawag ko sa kanya, kaya simula non ay Kuya Arthur na ulit ang tawag ko sa kanya. 

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" He asked.

"Hey! I asked you first!" Parang bata kong maktol.

He chuckled. "Nakipagmeet ako sa isang client kanina and since nandito narin naman ako, nagpasya na akong dumaan dito. Kaibigan ko kasi iyong may ari ng coffee shop na 'to. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" He gave me a pointed look. "You're not cutting classes, are you?"

I frowned. "Grabe naman maka-judge. May three hour break kasi ako since nag freecut iyong isa kong subject kaya naisipan kong dito nalang tumambay since nag-crave din ako ng coffee."

"May kasama ka?"

I shook my head. Balak ko sanang guluhin sina DLC pero naisip kong baka need rin nilang mag-aral kaya hindi ko na tinuloy iyong balak ko. Si Fletcher naman, hindi ko alam kung saan nagsusuot iyong lalaking iyon.

"Do you mind?" he asked, signaling to the chair across me. I shook my head kaya ngumiti siya at naupo doon. Kinalas niya ng kaunti ang suot na tie at binaba ang briefcase na hawak niya sa sahig. May hawak rin siyang kape. Paalis na kasi ata siya nung tinawag ko siya.

"Grabe Kuya Art, mukha ka na talagang lawyer. Parang dati lang nung naghihiraman pa kayo ng brief ni Kuya."

Muntik niya nang maibuga iyong kape na iniinom niya. Nanlalaki iyong mga mata niyang nakatingin saakin.

I laughed. "Bakit? Totoo naman ah?"

"Paano mo nalaman? Sinabi sa'yo ni Van?" 

I shook my head and snorted. "Mukha bang sasabihin iyon saakin ni Kuya? Nung college pa kayo, napadaan ako sa kwarto ni Kuya nung nandoon kayo tapos narinig ko lang," sagot ko. "Aray!" Bigla niya kasi akong pinitik sa noo!

"Heaven Amore, eavesdropping is not a good habit." Naiiling niyang pangaaral.

"Hindi ako nag-eavesdrop! Sadyang malakas lang iyong boses niyo." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Isa pa, wala ka bang sariling brief? Hindi ba awkward humihiram ka pa sa―"

"Shhhhh," tinakpan niya iyong bibig ko gamit ang kamay niya kaya dinilaan ko iyon. "Heaven!" Gulat niyang bulalas.

"Yuck. Ang alat," biro ko.

He glared at me. Kumuha siya ng panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan iyong kamay niya. Nag-alcohol pa siya as if sobrang nandidiri siya sa laway ko.

"Grabe naman, germ-less kaya iyong laway ko."

Kuya Art made a face. "Germ-less daw. Kung sino-sino kaya hinahalikan mo nung college ka pa."

My jaw dropped. Inabot ko siya at hinampas ng malakas sa braso. Hindi ko pinansin iyong pag-hiyaw niya. 

"Ang kapal mo naman Kuya Ar―"

"Hey, mas matanda parin ako sa'yo. Show some respect." Kunwaring pag-seseryoso niya.

"Ang kapal mo naman po Kuya Art," pagbabago ko. "Hindi lang kung sino-sino iyong hinahalikan ko nung college ano! Mga naging boyfriend ko iyon!"

Napangiwi naman siya. "Oo nga, pero ilan ba ang naging boyfriend mo?"

Napaisip naman ako. Ilan nga ba?

"Mga apat lang naman."

He snorted. "Yeah, right."

My eyebrows furrowed. "Teka nga, bakit alam mo iyan? Graduate na kaya kayo nung naging college ako!"

He rolled his eyes. "Malamang nakikita ni Van. Kanino ba iyon mag-rereklamo? Syempre saamin. Kinikilabutan daw siya tuwing nag-uuwi ka ng lalaki. Matapos mo daw ipakilala, after two months eh break na kayo."

Napanguso naman ako. Kasalanan ko bang mabilis akong mag-sawa? Ang pinakamatagal ko atang naging boyfriend ay seven months lang, at iyon pa ang una kong boyfriend. Habang patagal ng patagal, mas umiikli ang haba ng relationship namin ng mga nagiging karelasyon ko.

Hindi ko alam bakit. Siguro hindi lang talaga sila ang para saakin.

"Ano? Idedeny mo pa?" Mapang-asar niyang wika.

Akmang magsasalita ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Heaven."

***

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
940K 13.7K 45
Selena Laurentyne Gonzales has always dreamed of a fairytale---that she wanted a life like in a fairytale where she'll marry her prince charming-but...
2.7K 83 4
Solana Annia Guevara. Photo not mine credits to the owner of it.