Prequela

Autorstwa fackenbtch

457 35 24

The Prequel Hangarin ni Kalesi Mambituin ang palayain ang nabihag na Inang Bayan. Ngunit upang maisagawa iyon... Więcej

Paalala
Prologo
I
II
III
IV
V
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XV (Ikalawang Parte)

VI

15 2 0
Autorstwa fackenbtch

Sa sinag ng araw na tumama sa mukha ng dalaga, unti-unting naging malinaw ang kaniyang kinaroroonan. Nang bumangon ito upang ilibot ang paningin sa silid, napagtanto nitong nasa silid ito na kaniyang tinutuluyan sa hacienda Anastasia. Bumalik sa kaniya ang mga sumunod na mga tagpong nangyari kagabi matapos makita ng binata ang hubad na balikat nito.

Sandaling namuo ang katahimikan sa namataang malinis na balikat ng dalaga, walang kahit anong paso o bahid ng paghihirap. Tanging ang mahinang paghikbi lamang ng dalaga ang naririnig sa pagitan ng apat maliban na lamang sa ingay na naililikha ng mga guardia civil sa likod na kasalukuyang inaasikaso ang mga utos na inibibigay ng Don Hidalgo.

Lumambot ang ekspresyon ng dalawang guardia civil na hawak ang magkabilang braso ni Kalesi na kasalukuyan pa ring humihikbi habang nakaluhod sa lupa. Ang hikbing iyon lamang ang narinig ng binatang paulit-ulit sa kaniyang tainga- bagay na naghatid sa kaniya ng matinding galit.

Tumayo ito mula sa pagkakaluhod sa isang tuhod saka hinarap ng matalim na tingin ang dalawang guardia civil na kasalukuyang binabalot ng kaba at takot ang mga ekspresyon. Batid nila kung gaano karahas at kalupit ang heneral at ang katotohanang namali nila ang kinikilalang kasintahan nito ay sapat na upang matakot ang mga ito sa kahihinatnan ng kanilang pinakamamahal na buhay, kasama na ang sa mga pamilya nila.

Tumawag pa ang binatang heneral ng dalawa pang guardia civil na agad namang tumugon at lumapit. "Enciérrelos. No habrá movimiento hasta que dé una orden. No podrán hacer nada hasta que yo lo diga. (Lock them up. There will be no movement until I give an order. They won't be able to do anything until I say so.)" Sumaludo ang mga ito sa kanilang kinikilalang heneral bago dukutin at sapilitang hilain ang dalawang guardia civil paloob ng bilangguan. "Por favor, general! ¡Perdonanos! ¡No queríamos nada! (Please, general! Spare us! We didn't mean anything!)" pagmamakaawa pa ng mga ito.

Ngunit hindi ito binigyan ng pangalawang tingin ng binata at muling lumuhod sa harap ng dalaga. Kinuha na niya ang kahihiyan na hawakan ang mukha ng dalaga at punasan ang mga luha nito. Ipinatong nito ang ulo ng dalaga sa malapad nitong dibdib saka hinagkan ng marahan. Sa kilos na ginawa ng binata lalo lamang lumakas ang paghikbi ng dalaga, kasabay ng paglubog ng mukha nito sa dibdib ng binata.

Hindi ito nagsalita maging si Marcelino. Hinayaan niya lamang umiyak ang dalaga sa uniporme utang sa ama at simbolo ng kaniyang kapangyarihan.

Napatalon ang dalaga nang makarinig itop ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto. "Sino iyan?" tanong nito habang isinusuot ang alfombra na sapin pampaa. "Si Esraela ho ito, binibini Maaari po ba akong pumasok?" nakahinga naman ng maluwag ang dalaga sa narinig at binuksan ang pinto para sa dalagitang tagapagsilbi.

"Maayos po ba ang inyong naging tulog, binibini? Naihanda na ho ang inyong gagamitin para sa inyong pagligo sa palikuran ng inyong silid. Ihahanda ko na lang ho ang inyong sayang susuotin ngayong araw." nagbigay-galang pa ito sa dalaga bago tuluyang pumasok sa silid at dumiretso sa aparador ng kinaroroonan ng kaniyang mga sayang bagong bili ng señorito.

Dumiretso na rin ito sa palikuran at bumungad sa kaniya ang mga gamit panligo na inihanda ni Esraela. Matapos nitong maligo ay sinalubong ito ni Esraela na hawak ang pinakasimpleng sayang kulay puti na mayroon siya, at inalalayan ito mag-ayos.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ng buhok nito, tatlo ulit na magkakasunod na katok ang narinig mula sa labas. "Ako na ho," inilapag ni Esraela ang gamit na suklay sa pag-aayos sa buhok ni Kalesi at binuksan ang pinto. Hindi na ito tinugon ng dalaga at pinagmsadan ang repleksyon nito sa salamin sa harap niya.

Napahawak ito sa kanang balikat niyang nakita ng tatlong kalalakihan sa isang gabi- nakakahiya, nakakadiri. Isang bahid ng kahihiyan sa pagkatao ng ninumang binibini.

"Binibini," napintig ang tainga nito sa malalim na boses na bumungad sa kaniya. Napatayo ito sa kinauupuan sa harap ng salamin nang magtama ang tingin nila ng se;orito ng pamilya. Wala na rin sa loob ng silid si Esraela kung kaya't kinabahan na ito sa motibo ng binata. "B-Binibini, w-wala akong masamang intensyon. Nais ko lamang humingi ng tawad sa nangyari kagabi," ngunit hindi nawala ang bahid ng takot sa mukha ni Kalesi at bahagya pang itinulak ang upuan upang magtago sa likod nito.

Wala nang nagawa pa ang señorito kundi magpakawala ng malalim na hininga saka muling buksan ang pintuan. "Maaari ka nang pumasok muli, Esraela," ani nito sa dalagitang naghihintay lamang sa tapat ng silid. Muli itong humakbang papasok ng silid ngunit tumigil sa gilid ng pinto.

Muling humarap ang senorito sa dalaga, "Maaari na ba kitang makausap?" Hindi umimik ang dalaga. Batid niyang kahit gaano niya gustuhing iwasan ang binata, wala siyang nakikitang rason o palusot kung bakit.

"T-Tungkol sa nangyaring tagpo kagabi... p-patawad sa aking kapusukan," nanlaki ang mata ni Esraela nang marinig ang salitang 'kapusukan' ngunit hindi matutumbasan ang pagkagulat nito nang marinig ang salitang hindi nito aakalaing mababanggit pa ng señorito-ang salitang patawad- ngunit nanatili itong tahimik. "G-Gagawin ko ang lahat, marinig ko lamang ang iyong pagpapatawad. Kung iyong nanaisin, luluhod pa ako sa iyong harapan-" nagulat ang dalawang binibini nang makita ang señorito na handa nang lumuhod kung hindi lang naagapan ni Kalesi at sinalo ang binata.

"H-Hindi na kailangan. P-Pinapatawad na kita." Kahit gaano pa man nito naising makita ang binatang lumuhod sa kaniyang harap ay hindi pa rin nito maisusugal ang imaheng ipinapanatili sa harap ng Anastasia. Sa isang iglap ay napalitan ng isang malapad na ngiti ang mukha ng binata. "Talaga?!" Ang labis na ikinagulat ni Kalesi ay ang biglaang pagyakap sa kaniya ng binata ng mahigpit. Nang mapagtanto naman ang inasal ay kusang bumitaw sa yakap ang binata.

"P-Pasensya. H-Hindi ko lang mapigilan- ang ibig kong sabihin ay- ah, natutuwa lang ako 'pagkat- patawad muli." Napatawa na lamang ang dalaga sa inasta ng binata na ikihawa na maging ni Esraela. Hindi aakalain ng tagapagsilbi na masisilayan niya ang makulit at tagong asal ng masugit at malupit na señoritong nakasanayan.

***

Nakakaasiwang katahimikan ang bumalot sa silid-kainan sa pagitan ni Kalesi, Marcelino at ng Don Luis. Ito ang kauna-unahang beses na magsasama silang tatlo sa hapag kainan 'pagkat lagi itong nagpapahuli at nagdadahilan noong mga nakaraang araw na pamamalagi niya sa hacienda. Idagdag pa ang nakakapanunaw na titig ng Don at ng matandang mayordoma.

"Ama," Tila napansin ng binata ang matalim na pagtitig ng ama nito sa dalaga. Tumikhim na lamang ang Don sabay kagat sa pandesal na hawak saka inilihis ang tingin sa 'kasintahan' ng anak nito. Bahagya namang napahinga ng maluwag si Kalesi sa pagsalba sa kaniya ni Marcelino sa nakakaasiwang tensyon dahil maging ang titig ng mayordoma ay nawala na rin kasunod ng sa Don.

Napansin nitong kumuha ng isang pirasong pandesal si Marcelino. "Ako na ang maglalagay para sa 'yo. Anong gusto mong palaman?" Sinubukan pang agawin ni Kalesi ang pandesal na iyon ngunit inilayo lang ito sa kaniya ng binata. Wala na itong nagawa kundi pasadahan ng tingin ang mga garapon ng mga palaman at mantikilya. Walang pamilyar sa dalaga kundi ang maning mantikilya kung kaya't iyon ang itinuro niya na malugod namang ipinahid ng binata sa pandesal na hawak saka inilahad sa dalaga.

Hindi nito inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makakagat na ito saka ito nagpatuloy sa kaniyang pinggan. Nailibot ni Kalesi ang paningin sa silid hanggang sa dumako muli ito sa matanda na nakatayo sa likod ng Don. Nagulat ang mayordoma nang isinukli ng dalaga ang matalim na tingin na binibigay nito sa kaniya. Ngunit mukhang natuwa pa si Kalesi dahil pag-iintimida nito sa mayordoma. "Elepante." bulong pa nito sa sarili.

"Ano iyon?" napalingon ito sa binata saka umiling at ngumiti ng matamis. "Akala ko'y mayroon kang sinasabi. Siya nga pala," tinapos niya ang huling pandesal na hawak bago magpatuloy. "Lilisan ako ngayong umaga, mayroon lamang akong patutunguhan ukol sa paghahanap." Hindi na nito binanggit kung sino 'pagkat nasa harap sila ni Don Luis at siguradong magtataka iyon kung bakit nawawala ang ama ng dalaga. "Maiiwan ka na muna dito," doon nakuha ng binata ang buong atensyon ni Kalesi.

"Iiwan mo ako dito?" kunot-noong tanong nito sa binata. "Huwag kang mag-alala, mahal. Sandali lamang ako, pangako. Naririyan si Esraela upang maging pangunahing tagapagsilbi mo. Ama, nawa'y huwag niyong masyadong pag-initan si Kalesi," napairap si Don Luis sa paalala ng sariling anak. "Maging ako ay magiging abala sa mga papeles sa aking opisina. Hangga't sa hindi niya ako ginagambala sa aking mga ginagawa, hindi kami magkakaroon ng kahit anong pag-iinitan." bale-walang tugon nito saka binigyan ng huling tingin ang dalaga.

"Sasama na lang ako. Hindi ko nais na maiwan dito, Marcelino. Baka ako'y pag-initan ni Don Luis, mailibing pa ako ng buhay. Tingnan mo naman ang tingin niya sa akin. Ayoko pang maranasang maging uod, Marcelino, pakiusap." bulong pa nito sa binata na lalo lamang nitong ikinatawa na ikinalaki ng mga mata ng mga kasambahay at tauhan na nakarinig ng malakas na pagtawa ng señorito. Maging si Don Luis ay nagulat rin sa biglang paglapad ng kurba ng labi ng sariling anak. Samantalang napasimangot lamang ang dalaga.

"Pinapatawa mo talaga ako, Kalesi. O siya, mauuna na ako. Ama," Hindi na nagkaroon ng pagkakataong umangal si Kalesi nang biglaan nang tumayo si Marcelino at dumiretso kalesang sakay si Mang Baldo sa tapat ng mansyon. Muling nagtama ang tingin ni Don Luis at Kalesi sa huling pagkakataon kung kaya't dali-daling sinundan ng dalaga ang binata palabas ng mansyon na ikinatawa lamang ng mahina ni Don Luis.

"Marcelino!" habol pa nito sa binata na aakyat na sana sa kalesa. Napangiti ito sa nasaksihang pilit na pagtakbo ng dalaga sa suot na saya. Halata nito ang hindi pagkabihasa ng dalaga sa sayang suot.

Tumigil ito sa pagtakbo sa harap mismo ng binata. "Sigurado ka bang hindi ako maaaring sumama?" Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ng binata lalo na nang ipasada niya ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng dalaga na ikinalaki ng mata nito.

"Kahit gaano ko naising isama ka sa akin, hindi ko na kakayanin pang isugal ang iyong kaligtasan sa aking patutunguhan. Mas ligtas ka rito sa loob ng hacienda. Ngunit huwag kang mag-alala, magiging mabilis lamang ako't babalik rin ako kaagad. Sa mga oras na wala ako'y si Esraela ang pinakamagpkakatiwalaan mo rito sa loob. Naiintindihan mo?" Wala sa sariling tumango ang dalaga. Natulala ito dahil sa pagbilis ng tibok ng puso nito na sanhi ng paghawi ng binata sa ilang hibla ng buhok nito. Ngunit tila hindi nagagambala ang binata doon at lalo pang lumapad ang ngiti.

"Pumasok ka na sa loob at ako'y lilisan na." Nagpaalam na ito saka tuluyan nang umakyat sa kalesa. Wala sa sariling kumaway ang dalaga sa papalayong kalesa. Matagal-tagal rin itong natulala sa kawalan matapos mawala sa paningin nito ang kalesang lulan ang binata bago napagdesisyunang pumasok sa loob ng mansyon.

Wala na itong naabutan sa hapag-kainan kundi ang isa pang dalagitang tagapagsilbi na animo'y kaedad lamang ni Esraela nagpupunas ng mahabang lamesa. "Binibini, nais niyo pa ho bang kumain? Magpapabili pa ho kami ng pandesal sa panederia," alok nito sa dalaga ngunit ngumiti lamang ito at magalang na tumanggi kung kaya't bumalik na sa paglilinis ang dalagita. Napansin nitong wala na na ang Don Luis, marahil nasa kaniyang opisina na ito.

'Sa tingin ko'y kailangan ko nang gawan ng paraan upang makuha ang tiwala ng Don.'

"Ah- ano nga pala ulit ang iyong pangalan?" tanong nito sa dalagita. Napatigil naman ito sa pagpupunas nang mabigla sa tanong ng binibini. Tama ang tsismis ni Esraela na mabait ito. "Manuela po, binibini." yumuko pa ito bilang pagbibigay-galang sa dalaga. "Ah, Manuela, batid mo ba ang paboritong putahe ni Don Luis? O kahit anong paboritong bagay niya na maaaring magpapakalma sa kaniya?" bigla namang napaisip ang dalagita sa biglang tanong ng binibini.

"Ang pagkakaalam ko po'y paborito niya ang putaheng Paella Valenciana," napalunok ang dalaga sa hindi pamilyar na putaheng binanggit ni Manuela. Hula niya'y isa itong putaheng Kastila. "Ngunit ang paborito niya sa lahat ay isang mainit na kape," biglang naliwanagan ang mukha nito sa pamilyar na pamilyar na bagay na ikinatutuwa ng Don. "...na timpla mismo ni Doña Mariana," bumalik sa pinagsakluban ng langit at lupang mukha ang nasilayan kay Kalesi. Paano niya maititimpla ang kapeng iyon na galing mismo na ngayo'y patay nang tao?

"Sa tingin ko nga ho'y lahat ng gawin ni Doña Mariana ay paborito ni Don Luis. Maski sa pagluto, paggawa ng gawaing bahay, ni simpleng paghawak ni Doña, agad na lumalambot ang Don Luis. Hindi naman nakakapagtaka iyon 'pagkat hindi rin maitatangging mayroong ginintuang puso si Dona Mariana, tulad niyo binibini," pilit lamang na ngumiti ito sa dalagita sa ibinigay nitong papuri.

Tumalikod na ito nang bumalik sa pagpupunas ng lamesa si Manuela saka napapikit ng mariin. Napabunutong-hininga na lamang ito. Hindi man siya ang Doñang minahal ng malupit na Don ay mayroon siyang maipagmamalaki sa larangan ng pagtimpla ng isang mainit na kape.

***

Dahan-dahan humakbang paakyat ng hagdan at kumanan sa ikalawang palapag ng mansyon si Kalesi habang hawak sa magkabilang kamay ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng isang maliit na platito. Linagpasan nito ang kwarto ni Marcelino bago makarating sa pintuan ng opisina ni Don Luis.

Mistulang kinausap pa nito ang sarili upang makalikom ng lakas ng loob saka tuluyang kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opisina. "Sino iyan?"

"Si Kalesi po, maaari po ba akong pumasok, D-Don?" Iyon ang kauna-unahang beses na tawagin niya ang Don sa nakakataas na katawagan, at tila hindi siya makapaniwala sa lumabas sa sariling labi.

Maya-maya lamang ay bumukas ang pinto mula sa loob at bumungad sa dalaga ang seryosong mukha ni Don Luis. "Hindi ba't sinabi kong huwag kang lalapit sa aking opisina?" napalunok doon ang dalaga at nanatiling nakayuko sa harap ng Don. Napatingin ito sa kapeng hawak saka inilahad sa ginoo.

"Tila may nagpupursigi sa akin na dalhan ka ng isang tasang kape kung kaya't... ito ho," nakayuko pa rin ito nang nagpalipat-lipat ang tingin ni Don Luis sa tasa ng kapeng inilalahad ng dalaga saka sa kaniya mismo. Narinig pa nitong tumikhim ang ginoo bago magsalita, "Hindi ako umiinom ng kape." madiin nitong saad. Isasarado na sana ang pintuan nang iharang ng dalaga ang paa niya sa natitirang uwang.

Ngiting matamis lamang ang isinukli nito sa gulat na mukha ng Don. "Nais ko lamang naman ho kayong makausap. Sa tingin ko ho kasi ay hindi pa tayo nagkakaroon ng pagkakataong magkakilala. Saka... hindi man ako si Doña Mariana ay aking ipinapangakong mayroon akong ipagmamalaki sa pagtimpla ng isang tasa ng kape," matamis na ngiti ang kaniyang ipinasilay para sa Don ngunit hindi nagbago ang eksresyon nito. Tumalikod ito sa dalaga, hinayaang nakabukas ang pinto upang bigyan ng permiso ang dalaga pumasok kahit na ito'y labag sa kaniyang kalooban. Para lamang matapos na ito dahil wari niya'y hindi siya titigilan ng dalaga.

Malugod namang pumasok si Kalesi at inilibot ang paningin sa silid. Mayroong malaking eskritoryo sa gitna ng silid sa baba lamang ng napakalaking obra ng isang napakagandang ginang na wari ng dalaga ay nasa kalagitnaan na ng limampung taong gulang. Kahit ganoo'y kita pa rin ang pagkislap ng kagandahan nitong pang-mestiza.

Dumiretso si Don Luis sa likod ng eskritoryong iyon at muling isinuot ang salamin nito saka nagpakaabala muli sa pinapabasang papeles. Inilapag ni Kalesi ang tasa ng kape sa harap ng Don. "Mahal niyo ho talaga ang Doña Mariana, ano?" saad nito habang nakatingala sa malaking obra sa ibabaw ng kinauupuan ng Don. "Nakikiramay ho ako sa pagkawala niya," yumuko pa ito bahagya sa harap ng Don upang iparating ang taos-pusog pakikiramay nito.

"Iyon lang ba ang iyong ipinunta dito? Kung oo'y pakisarado na lamang ang pinto sa paglabas." napangiti ang dalaga sa angking pagkasungit nito na siyang minana ni Marcelino at bagay na hindi namana ng bunso. Napatawa pa ito nang maalala ang pagkapangit-yari nito noong sayawan sa gitna ng siga kagabi.

"Sa tingin ko ho'y napakaswerte ng Doña sa inyo," doon nakuha ng dalaga ang buong atensyon ng Don. Ngumiti lamang ito ng napakalapad. "...dahil ipinaglaban niyo ho siya hanggang dulo. Isa kayo sa mga ginoong handang isugal ang lahat para lamang sa bagay na itinuturing nilang sa kanila." saad nito habang nakatingin sa obra ng yumaong Doña. "... katangiang namana ni Marcelino." Tumingin ito sa Don na kasalukuyang nakakunot-noong nakatingin sa dalaga.

"Gaya niyo'y kinasusuklaman rin ninuman ang makasal at matali sa taong hindi nila minahal. Kaya nakikiusap po ako sa inyo, kahit na hindi sa akin piniling ikasal ni Marcelino, may kalayaan ho siya. Nawa'y hayaan niyo ho siyang mamili ng kaniyang mamahalin sa pang-habang-buhay. Nasasaktan ho siya gaya niyo ngunit isa kayong ama, iyon ang inyong pinagkaiba." yumuko ito pagkatapos bilang pagbibigay-galang sa Don na natigilan sa kaniyang isinaad.

Ngumisi ito sa kaniyang isipan, "Tila nagiging madaldal na ho ako, patawad. Mauuna na po ako." dahan-dahan itong naglakad paatras saka tuluyang binuksan ang pinto ng silid saka lumabas.

Napangisi ito habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ikalawang palapag ng mansyon. Ano pang mas mabuting paraan upang makuha ang tiwala ng isang tao kundi ipagtanto sa taong iyon ang isang bagay na kailanman ay hindi niya aakalaing magkakamali siya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad sa pasilyo ay nakasalubong nito ang isang tagapagsilbing nagmamadaling tumakbo patungo sa opisina ng Don. "Ano ang problema? Bakit tila ika'y nagmamadali? Nariyan na ba si Marcelino?" Hindi niya rin batid kung bakit nasama ang binata sa kaniyang pagtanong ngunit hindi niya na iyon pinansin pa at hinintay na ang sagot ng tagapagsilbi.

"Nasa silid-tanggapan ho ang mga Diaz, binibini." yumuko pa ito ng bahgaya bago dumiretso sa opisina ng Don na agad namang pinapasok.

"Pamilya Diaz?" bulong pa ng dalaga sa sarili saka humakbang upang magtago sa pader sa tabi ng hagdan. Sumilip ito sa silid-tanggapan sa ibaba. Naupo roon ang isang matipunong ginoo kasama ang isang binibini sa magkabilang upuan. Ang mag-amang Diaz.

Napatalon ito nang makarinig ng malakas na pagtikhim mula sa kaniyang likod. Napayuko ito nang makitang si Don Luis iyon na diretso ang tingin sa kaniya. Linagpasan lamang siya nito saka dire-diretso pababa ng hagdan. Napatayo naman ang mag-amang Diaz upang batiin ang kinikilala nilang gobernadorcillo.

"Luis, amigo!" yakap ni Don Alvaro Diaz sa kaibigan nito. "Nakikiramay ako sa pagkawala ni Mariana. Patawad kung hindi ako nakadalo pa sa libing sa España," ngiti lamang ang naitugon ni Don Luis. "Ayos lang iyon, amigo. Naiintindihan ko namang marami kang inaasikaso. Siya nga pala, bakit tila naparito kayo nang biglaan?"

"Ah! Oo nga pala. Ang aking unica hija," sinenyasan nito ang anak na lumapit. "Si Catalina, batid kong nakilala mo na siya?" Inabot ni Don Luis ang kamay ng binibini saka marahan itong hinalikan bilang paggalang sa dalaga. Nanatili naman ang ngiting suot ni Catalina. "Naparito kami para sa kasalan ng ating mga anak sa darating na Agosto. Isasabay na ba natin ang kasalan sa kaarawan ni Milandrino?" Ngunit tila naestatwa si Don Luis sa isinaad ng kaibigan.

"Ukol sa kasalan," nabasa ang bahid ng lungkot sa mukha nito. "Kasunod ng pagkawala ni Mariana ay ang pagkawala sa paligid ni Milandrino," nanlaki ang mata ni Don Alvaro maging ang kay Catalina na nabagsakan ng langit at lupa sa narinig na sinapit ng kababata nitong una niyang pag-ibig. Napasapo ito sa dibdib at bumagsak sa isa sa mga upuan sa salas. Agad naman siyang liningon ng ama nito ngunit ngumiti lang ito at nag-iwas ng tingin sa ama. Pilit niyang isinisiksik sa isip ang isinaad ng ninong.

Bumalik ang atensyon ni Don Alvaro sa kaibigan nitong gobernadorcillo nang magpatuloy ito sa pagsasalita. "Isinasagawa pa lamang ang paghahanap sa kaniya, at lingi ito sa kaalaman ng nakararami kung kaya't nais ko munang ipagpaliban ang kasal. Patawad, amigo." yumuko ito bilang simbolo ng paghingi ng tawad sa kaibigan ngunit dali-daling inalalayan ito ni Don Alvaro patayo. "Nako, amigo, huwag ka nang humingi pa ng tawad 'pagkat mayroon pa tayong isang sulusyon," kita sa ngising suot nito na desindido ito sa sulusyong kaniyang iniisip ngunit tila hindi na pabor si Don Luis sa sulusyong hindi pa naririnig.

"Si Marcelino," agad napintig ang tainga ni Don Luis maging si Kalesi na taimtim na nakikinig sa kanilang usapan mula sa itaas. "...ngunit ipagpaliban na muna natin ang usapang iyon. Maupo ka na muna, amigo," inalalayan nitong umupo ang kaibigan sa sariling salas at inilibot ang paningin sa mansyon kung kaya't hindi pa nagkaroon ng pagkakataon pang umangal ang gobernadorcillo.

Nagulat na lamang si Kalesi nang iduro siya ng ginoong Diaz. "Ikaw, bumaba ka rito. Hindi 'yung pinapanood mo lamang ang iyong amo," sa pagtataka ay itinuro pa ni Kalesi ang kaniyang sarili para masiguro na siya nga ang tinutukoy ng Don.

"Aba! Bobo! Oo, ikaw!" Kahit pa nagtataka'y dali-dali itong bumaba sa kinaroroonan nila. Napagtanto nitong suot niya ang pinakasimpleng puting saya na mayroon siya kung kaya't hindi mapagkakaila ang pagmumukha nitong tagapagsilbi sa unang tingin.

Magsasalita na sana si Don Luis upang linawin si Don Alvaro ukol sa paghihinala nitong tagapagsibi si Kalesi ngunit naitulak na ni Don Alvaro si Kalesi upang utusan. "Ikuha mo ng baso ng tubig ang iyong amo! Bilis!" tulak nito sa dalaga.

Kung hindi lamang sa kamay na siyang sumalo sa kaniya ay siguradong sumubsob na ito sa sahig. Napatingala ito sa malalim na boses na siyang pagmamay-ari rin ng kamay na sumalo sa kaniya. "Hindi niyo kasambahay si Kalesi."

Maging si Catalina ay napako ang tingin kay Marcelino na kasalukuyang hagkan ang inakala nilang tagapagsilbi. Hindi nga maitatanggi ang kakisigang taglay ng binata sa suot nitong asul na uniporme, sapat na upang mapamahal at mahumaling lahat ng binibining makakasalamuha nito sa isang iglap. Sandali namang natigilan si Don Alvaro nang madako ang tingin sa binatang heneral bago kalauna'y ngumiti at sinalubong ito.

"Marcelino! Matagal-tagal na rin noong huli nating pagkikita! Kamusta ang iyong pamamalagi sa Maynila nitong mga nakaraang taon?" isang malaking yakap ang salubong niya rito ngunit itinaas lamang ni Marcelino ang kaniyang kamay at iniharap sa Don ang palad nito.

Hindi matutumbasan ang pagkagulat ng Don sa napakabastos na asta ng binata. "Hindi ako tumatanggap ng kahit ano mula sa sinumang bumabastos sa aking kasintahan." madiing tugon nito na sanhi ng paglingon ng lahat sa kaniya. Gulat na napatingin si Don Alvaro at Catalina kay Kalesi habang sumilay naman ang isang maliit na ngiti mula sa labi ni Don Luis.

"Kasintahan?" Hindi nawala ang tingin nito sa dalagang hagkan ni Marcelino. Napayuko na lamang si Kalesi sa mga tingin na binibigay ni Don Alvaro sa kaniya. "Oo, Don Alvaro. Sigurado akong hindi niyo pa nakikilala ang napakagandang dilag na ito. Ang ngalan niya'y Kalesi, Don Alvaro, ang aking nag-iisang kasintahan." Sa pagtataka ay lumingon na ang Don sa kaibigan nitong gobermadorcillo upang ipaliwanag ang tagpong nagaganap maging ang bastos na makikitungo ng binatang heneral.

Naabutan nitong tumayo mula sa pagkakaupo si Don Luis at pinapagpag ang suot nitong barong. "Tama siya, amigo. Si Kalesi ang aking hinaharap na manugang." maging si Marcelino ay napalingon sa ama. Hindi niya aakalaing ipagtatanggol niya ang dalaga at papanig ito sa kaniya. "Patawad muli, amigo ngunit sa tingin ko'y kinakailangan nating ipagpaliban ang kasal hangga't hindi ko pa namamataan ang aking bunsong anak o kung mapagpapasiyahan niya kung sino ang babaeng kaniyang papakasalan sa pang-habang-buhay," sa pagkakataong iyon ay ang dalaga ang napalingon sa Don Anastasia. Ang mga katagang binitawan nito'y tila ipinapakita ang mga katagang binitawan sa kaniya ng dalaga mismo.

Tila naman nawalan ng salita si Don Alvaro kung kaya't, sa hiya'y inayos nito ang tindig at ang barong suot saka linabanan ng tingin si Don Luis na taas-noo, animo'y walang pinagsisisihan sa kaniyang sinaad. "Bueno, kung iyan ang iyong desisyon, Don Luis. Huwag mo lamang isasawalag-bahala- at ipapaalala ko na rin sa iyo, bilang isang kaibigan- ang kasunduan pagitan sa ating mga pamilya. Ang kasunduang inilikha mo mismo, amigo. Catalina, tara na." madiing saad nito, binibigyang diin ang pangalan ng kaniyang amigo. Sandali pang nanatili ang mata ng Binibining Catalina sa dalagang hagkan ng panganay na Anastasia. Hindi niya man ito tunay na kilala, ramdam niyang hindi magiging maganda ang takbo ng istorya kung nasa larawan ang dalagang iyon.

Sumunod na ito sa amang palabas ng mansyon at pasakay ng kalesang lulan paparito mula sa kabilang bayan ng Clarin. Sandaling nanatili sa kinatatayuan si Don Luis na mayroong mabigat na hininga. Ilang beses ito napalunok dahil sa sinaad na paalala ni Don Alvaro. Batid niya ang kasunduang iyon- ang kasunduang nalikha para sa sarili.

Unti-unti iyong napalitan nang madako muli ang tingin niya sa panganay nito. Marahan nitong pinapasada ang sariling kamay sa buhok ng kinikilala nitong kasintahan habang tinatanong ang kalagayan nito. "Marcelino," sabay itong napalingon sa kinaroroonan niya. Pasimpleng humakbang palapit si Marcelino upang itago sa likod nito ang dalaga, bagay na ikinatawa lamang ni Don Luis.

"Huwag kang mag-alala, Marcelino, hindi ko sasaktan ang Binibining Kalesi." Naestatwa ang dalawa sa pagtukoy ng Don kay Kalesi. "Maaari ko bang maagaw muna saglit ang binibini, Marcelino? Mayroon lamang akong nais banggitin sa kaniya. At huwag kang mag-alala, pakikitunguhan ko ang binibini tulad ng iyo." Tinitigan pa muling sandali ni Marcelino ang ama. Naputol lamang ang titignag iyon nang maramdaman ng binata ang pares ng kamay sa kaniyang braso.

Tumambad sa binata ang maliwanag na ngiti ni Kalesi. "Ayos lamang ako." ngumiti ito sa binata upang ipahiwatig na panatag ang loob niya sa Don kahit na mayroon itong pangamba. Maaaring oportunidad iyon upang mas mapalapit sa Don. "Kita mo, Marcelino? Panatag ang loob ni Kalesi sa akin." Hindi nawala ang pagdududa ng anak nito kung kaya't sinenyasan niya ang dalawang sundalong nakatayo sa may pinto ng mansyon na lumapit.

"Bueno, ama. Sumasang-ayon na akong sumama sa iyo si Kalesi ngunit..." sinulyapan niya ang dalawang sundalo. "...isasama ninyo ang dalawang ito."

***

Umalingawngaw sa buong pasilyo papasok ng mansyon ang tawanan ng Don at ng Binibining Kalesi habang inaalalayan ni Don Luis ang dalaga pababa ng kalesang lulan. Kita ang mainit na atmosperang bumabalot sa kanilang dalawa dulot ng kanilang pagkakasunduan. Maging si Mang Baldi ay nakikisali rin sa kuwentuhan mula pa noong nagsimula ang kanilang paglalakbay pauwi ng hacienda.

"Ama! Kalesi!" Agad na lumihis ang tingin ng dalaga sa ginoong Anastasia na tumakbo papalapit sa kanilang kinaroroonan. Tinulungan nito ang mga hardinero ng haciendang magsibak ng kahoy para sa gagamitin sa kusina.

Malugod itong sinalubong ng kaniyang ama ng isang yakap na ikinapagtaka ng binata 'pagkat hindi naman iyon gawain ng sariling ama. Bagama't nagtataka'y iniwaksi na lamang niya ang malapad na ngiti ng ama sa isip at idinako ang tingin sa binibini.

Malikot ang mga mata nito lalo na nang tawagin ng binata. Dumako na ang mata nito kung saan saan, maiwasan lamang ang pagtingin sa binata. Iti ang bagay na ikinakunot ng noo ni Marcelino. "Kalesi? Bakit tila namumula ang iyong tainga?" Agad na napatakip ang dalaga a magkabilang tainga gamit ang sariling mga kamay. Narinig ang pagtawa ng Do dahil sa asta ng dalaga ngunit binigyan siya ng matalim na tingin ng anak.

"Anong ginawa niyo kay Kalesi, ama?" nagsisimula na ang pagtaas ng boses nito ngunit nagkibit-balikat lamang ang Don. "Wala akong ginagawa. Nagkaayos na kami ni Kalesi, hindi ba, binibini?" napalingon dito saglit ang dalaga saka pilit na ngumiti at tumango ng mabilis.

"Hmm! O-Oo, nagkaayos na kami n-ng Don. K-Kung maaari, m-mauuna na ako sa loob." Mabilis itong naglakad patungo sa likod, linalagpasan ang binata at ang ama nito. Hindi man lang binigyan ng anumang tingin si Marcelino.

Sinundan lamang ng tingin ni Marcelino ang dalaga na mabilis na naglalakad papasok ng mansyon habang tinatakpan pa rin ang magkabilang tainga. Halata ang pagkabalisa nito. Bumaling muli ang tingin nito sa amang hindi mapigilan ang pagngiti maging si Mang Baldo.

HindiMatalim na tingin ang kaniyang ibinigay rito ngunit hindi iyon inalintana ni Don Luis 'pagkat iyon rin ang parehong matang ibinigay nito sa sariling ama noong kabataan. Nagsimulang sundan ni Marcelino ang dalaga papasok ng mansyon, hindi man lang makuha ang paksa.

"Siguro'y kung nagsuot lamang si Señorito Marcelino ng damit pantaas bago lumapit sa inyo'y hindi na mamumula ang tainga ni Binibining Kalesi." patuloy na pagtawa ni Mang Baldo sa sitwasyon.

"Kalesi, sandali lamang," sa braso ang ginawa nitong paghawak sa dalagang papaakyat na sana sa ikalawang palapag. Hindi ito humarap sa binata kahit pa hawak nito ang kanang braso niya.

"May ginawa ba sa iyo sa ama? Maaari mong sabihin sa akin." Halata ang pagkaseryoso sa tono at tindig nito ngunit napapikit lamang ng mariin si Kalesi at napamura sa isipan. Lalo lamang dumadagdag ang malalim at brusko nitong boses sa kaniyang pisikal na anyo. Hindi maitatanggi na maganda ang pagkahubog ng katawan nito gaya ng sa bunsong Anastasiang kapatid nito, lalo na't namataan niya ang binatang walang saplot pang-itaas.

"H-Hindi. Walang ginawa sa akin ang Don, mainit ang kaniyang pakikitungo sa akin. Kung i-inyong mamarapatin, mauuna na ako sa aking silid." pilit na binawi ni Kalesi ang brasong hawak ng binata, hindi pa rin ito binibigyan ng kahit anong tingin ang binata- bagay na lalong ikinainis nito.

Inunahan niya ang dalaga ng ilang yapak pataas ng hagdan at hinarangan ito. Sa ginawa nito ay lalo lamang naging malikot ang paningin ng dalaga. Nakipagpatintero pa ang dalawa sa isa't isa 'pagkat walang balak ang senoritong tumabi upang padaanin ang dalaga. "Harapin mo ako, Kalesi. Hindi tugma ang iyong mga kataga sa iyong ikinikilos. Hindi ako naniniwala sa iyong sinasabi! Maaari mong sabihin sa akin- hindi, inuutusan kitang sabihin sa akin bilang senorito ng pamamahay na ito-" naestatwa na lamang ito biglaang sumigaw ang dalaga ng bagay na ikinaguat nila pareho.

"Pakiusap! Layuan mo ako! Nahuhumaling ako sa iyong katawan!" Napamulat ag dalaga upang bumalik lamang sa pagpikit ng mariin dahil sa katangahang lumabas sa kaniyang bibig. Isinapal nito ang sarili sa kaniyang isip at ibinulong, "Taksil na labi!" Sa hiya'y dali-dali itong tumakbo paakyat ng hagdan at gumawa ng napakabilis na pagliko tungo sa silid na tinutuluyan nito.

Malakas nitong isinarado ang pinto na may mabilis na paghinga. Inilapat pa nito ang tainga sa lapad ng pinto upang mawari kung sinundan pa ito ng binata. Huminga ito ng maluwag at napaupo nang walang marinig na kahit anong yapak papalapit. Napahawak ito sa kaniyang nag-iinit na pisngi at sinampal itong magkabilaan para lamang pagsisihan sa huli dahil sa mabibigat nitong kamay.

Nadako ang kamay nito pababa, sa kaniyang dibdib kung saan ramdam ang pagkabog ng puso nito mula sa loob. Ilang beses niya itong sinuntok, inaasahang mawawala ang hindi pankawanirnag pagkabog nito. "Bakit ka ba tumitibok? Patayin na kaya kita? Hindi, 'wag. Kailangan ko pang balikan si ama."

***

Sa pagsapit ng oras ng hapunan, tahimik at nakakaawisang atmospera ang bumalot sa hapag-kainan na pinagsasaluhan ng tatlo ngunit tila hindi iyon nakakaapekto sa walang sawang ngiting ipinapakita ni Don Luis.

Ipinagtataka rin ng ilang mga tagapagsilbi sa loob ng silid ang dahilan ng hindi pangkawanirang pagngiti biglaan ng Dong laging nakasimangot o diretso ang mukha. Naninibago ito sa mga kaganapang nangyari lamang matapos tumuloy rito ng binibining Kalesi, tulad ng malakas na pagtawa ng señorito Marcelino, ang pagbaba ng mga tauhang napaparusahan ng señorito sa mga nagdaang araw, at ngayon ay ang biglaang pagngiti ng Don ngayong nasa harap ng hapag kainan. Sigurado ang mga ito na konektado ang lahat sa binibini.

Nakatitig lamang sa platong may laman na putahe ng kaldereta si Kalesi, minsa'y napapalunok pa ng palihim. Hindi pa rin mawala rito ang pigura ng binata na walang saplot pang-itaas. Tulad ng sa kapatid nitong bunso ay kita ang pagkadepina ng mga masel nito sa bandang tiyan. Animo'y mga pandesal na hindi pa naluluto sa maganda't maaliwalas na umaga-

"Kalesi?"

"Ay, pandesal!" agad napatakip ng bibig ang dalaga. Napapikit ito ng mariin nang madako ang paningin ng lahat ng nasa silid-kainan sa kaniya. Maging si Marcelino na katabi lamang niya ay nabaling na rin ang atensyon sa kaniya.

"Pandesal? Anong pandesal?" takang tanong ng Don na ikinataranta ng dalaga. "Ah, hindi ho. Ang ibig ko pong sabihin ay- 'yung pandesal kaninang umaga! Masarap ho 'yung pandesal kaninang umaga." tumawa pa ito ng mahina upang itago ang hiyang kumakain sa kaniya. Simple pa itong tumingin sa katabi niyang binata ngunit nakita niya itong ngumiti marahil siguro'y dahil sa katangahan niya.

"Gusto mo ba ng pandesal ngayong hapunan? Maaari namang-" naiwagayway pa ni Kalesi ang kamay nito sa harap ng Don. "Ah, hindi na ho! Ayos lang ho! Ahm... ano nga ho ulit ang pinag-uusapan?" subok nito sa paglilihis ng paksang iyon.

"Ah!" Napahinga naman ito ng maluwag nang mabaling muli ang atensyon ng Don sa usapan nila kanina ni Marcelino. Kinuha na lamang nito ang baso ng tubig sa harap niya saka iyon paunti-unting ininom. "Sa aking darating na kaarawan, nais ko sanang magkaroon ng sayawan kung saan imbitado ang lahat. At nais ko ring sa araw na iyon ka ipapakilala bilang kasintahan ni Marcelino." Halos maibuga ng dalaga ang iniinom nitong tubig nang mabanggit ang planong nakalaan para sa kaarawan ng Don.

Marahan namang hinagod ni Marcelino ang likod ng dalaga habang umuubo ito dahil sa pagkasamid. "Ayos ka lamang ba?" pilit na ngiti at tango lamang ang tinugon nito bago bumaling ang tingin sa Don. "K-Kailangan ho bang ako'y ipakilala sa maraming tao?" kabang tanong nito. Hangga't maaari ay binilinan ito ni Ca Kirong na huwag gagawa ng malaking senaryong maaaring ikakapahamak niya.

"Aba, oo naman, hija! Magiging manugang na kita! Nararapat lamang na makilala ka ng nakararami. Nang matigil na rin ang mga tsismis na kumakalat ukol kay Marcelino," agad itong dinugtungan ng anak na binagsak biglaan ang gamit nitong kubyertos nang hindi na maituloy pa ang sasabihin ng ama.

"Ama, hindi ako bakla." madiing saad nito ng may nag-iinit at namumulang pisngi. Umalingawngaw ang tawa ng Don Luis sa buong silid-kainan ngunit hindi niya maaaring suwayin ang sariling ama. Minataan na lamang ni Marcelino ang ilang mga tagapagsilbi na pasimpleng nagtago ng kanilang tawa't ngiti dahilan ng biglaang pagtiklop ng mga ito. Maging si Kalesi ay nagpipigil ng tawa ngunit napatigil rin nang lingunin ng binata. Ibinaling na lamang nito muli ang tingin sa Don na tumawa.

"Don Luis-" inunahan ito ng Don magsalita. "Ama na ang itawag mo sa akin, hija." sanhi iyon ng pamumula ng pisngi ng dalaga, wala na siyang magagawa. "A-Ama, k-kailan ho ba gaganapin ang pagdiriwang ng inyong kaarawan?"... at ang unang paglusob ng rebelyon. Ang pagdiriwang ng kaarawan ng Don Anastasia ang napagdesisyunan ng rebleyong ganapin ang unang paglusob sa gitna ng pag-eespiya ni Kalesi sa loob.

Kada taon ay nagpapalipat-lipat ang araw ng pagdiriwang ng kaarawan nito ngunit maasahan ng lahat na ito ang pinakamagarbo at pinakamalaking selebrasyon sa buong lalawigan at minsa'y ang mga taong malalaki lamang ang katayuan ang siyang nakakapasok sa mismong tahanan ng mga Anastasia. Ngunit sa iniisip na tema ngayon ng Don ay marahil magiging iba ang kaarawang ito kumpara sa mga nakalipas na taon.

"Ah! Buti ay naitanong mo, hija. Nais ko sana ngayong taon ay isabay ito sa darating na pista ng Bolibong Kingking-" naputol ang pagpapaliwanag ng Don ng napasigaw sa gulat ang dalaga. "Sa pista sa kabilang bayan ng Loboc?!" Ilang sandali ito nanatiling nakatayo sa harap ng hapag-kainan, mga kamay sa lamesa, attinitingnan ng hindi makapaniwala si Don Luis. Nang mapagtanto ang nagawa ay bumalik sa kaniya ang hiyang agad kumain sa kaniya. "May problema ba, hija?"

Napalunok ito ng isa pang beses bago pilit na ngumiti saka umiling-iling. "Wala ho. K-Kung inyong mamarapatin, mauuna na po ako." yumuko ito sa harap ng mag-ama saka dahan-dahan humakbang patungo sa pinto ng kusina. "Kalesi? Dito ang daan patungo sa iyong silid." liningon nito ang binata na dinuro pa ang daan tungo sa hagdan.

"Ah, magpapahangin lang ako saglit saka ako tutungo sa aking silid." saka mabilisang naglakad sa kabilang panig ng kusina. Hindi na niya inalintana ang mga titig na binibinigay sa kaniya ng mga kusinera at tuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas ng mansyon sa pamamagitan ng pinto sa pinakalikod. Sumandal ito sa kahoy na pader ng mansyon hawak-hawak ang kaniyang dibdib.

Napasampal ito sa kaniyang noo dahil sa katangahang nangibabaw at ipinakita niya sa harap ng mag-amang Anastasia. Mabuti na lamang ay ang pagkakakilala sa kaniya ng binata ay isang malambot at mahinhing dalaga, hindi ito ganoon kadaling magsususetsiya sa mga ikinikilos nito, iyon ang panalangin niya.

"Masakit ba ang iyong ulo?" Napatalon ito sa malalim at tila pamilyar na boses ang kaniyag narinig na bumulong sa kaniyang likod. Nanlaki ang mata nito nang mapagtanto na ang ginoong bumulong niyon ay ang bunsong dayo. Agad napatingin sa paligid ang dalaga, sinisilip kung mayroong indibiduwal na nakakita sa binata.

Nang mamataang walang anumang pigura ay hinawakan nito ang binata sa kamay saka hinila patungo sa kumpol ng mga puno sa likod ng artipisyal na lawa- bagay na siyang ikinagulat ng binata.

Nang masiguradong nasa pinakalikod na silang parte ng hacienda ay hinarap ni Kalesi ang binata. "Ano ang ginagawa mo rito? Sabi kong delikado, hindi ba? Papaano na lamang kung mahuli ka ng mga guardia personal na rumoronda as loob ng hacienda?" tila bumalik sa ulirat ang binata dahil sa biglaang paghawak ng dalaga sa kamay nito.

Ngunit hindi pa rin nawala ang pagkapilyo nito at ang kaniyang kilalang pilyong ngiti na agad ding bumalik matapos ng ilang sandali. "Huwag kang mag-alala, binibini. Kabisado ko ang oras ng pagronda dito sa hacienda. Ako ata ito, ang nag-iisang makisig na Kiandro." sabay pakita nito sa bruskong braso nito na ikinailing lamang dalaga. "Masyado kang puno sa iyong sarili," sabay tawa nito ng mahina. "Paano mo makakabisado, e, pangalawang araw mo pa lamang na makita ang hacienda maging ang mga guardia personal?" dugtong pa nito na biglang nawala ang pagiging mayabang ng binata at napakamot na lamang ng batok.

"Oo na. Nakita ko silang naghahapunan doon, malapit sa tarangakahan ng hacienda," ikinangiti na lang ng dalaga ang pagkahuli nito sa pagsisinungaling ng binata. "Pakita ka pa ng iyong braso, mas brusko naman sa iyo si Marcelino." pangangasar pa nito sa kaniya na halos bulong na lamang ngunit sapat na upang mapalingon sa kaniya si Kiandro na may kunot sa noo.

"Ano? Marcelino? Iyong kumag na iyon? Ha! Kung alam ko lang ay itinatago ng lalaking 'yon ang mga taba't bilbil niya sa ilalim ng barong na kaniyang suot!" masungit pa nitong saad, bahagyang nasaktan sa pagkukumpara sa kaniya ng dalaga sa isa pang ginoo. Isa sa mga ipinagmamalaki ng isang ginoo ay ang katawan nito at ang pakiramdam na mayroong nakakalamang sa iyo ay tunay ngang nakakahiya at nakakababa ng tingin sa sarili lalo na't naharap ka ng isang binibining napupusuan.

Napansin ni Kiandro ang biglang pakaestatwa ng dalaga sa sinaad nito. Nang sinubukan niyang silipin ang mukha ni Kalesi ay umiwas lang ito at pinipilit na itago ang namumulang tainga't pisngi sa binata na dahilan ng pagbabalik ng pigura ni Marcelino na walang saplot pang-itaas. "Bakit tila namumula ang iyong tainga? Kinikilig ka ba, binibini? Masama iyan, hindi pa ako napapakita ng katawan ngunit-" napatigil ito sa sariling mga kataga nang mapagtanto ang posibleng dahilan ng pamumula ng pisngi't tainga ng dalaga.

Gulat itong napalingon sa dalaga at bumulalas, "Nakita mo na ba ang katawan ng kumag na iyon?!"

"Hindi ah!" pinanlakihan nito ng mata ng binata upang patunayan ang kaniyang tugon ngunit hindi nawala ang pagkakunot ng noo ni Kiandro. Kita ang pag-igting ng panga nito at ang mistulang pag-angat ng isang gilid ng kaniyang labi, animo'y isang ngisi. Namuo rin ang pagiging kamao ng dalawang palad nito.

"Hindi nga!" pagpupumulit ng dalaga sa kaniyang panig.

"Sige! Hindi na! Ano namang pake ko kung nakita mo na ang katawan ng kumag na iyon? Ako pa rin naman ang pakakasalan mo." bulong lamang ang huling pangungusap na iyon at tulad ng inaasahan, hindi iyon nakaabot sa pandinig ni Kalesi. "Ano iyon?" ngunit pinasadahan lamang siya ni Kiandro ng sandaling tingin bago walang-pasabing hinawakan ito sa kaniyang pulsuhan.

"Anong ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" tanong nito nang hilain siya ng binata patungo sa pader na humahati sa hacienda at sa labas. Hindi ito pinansin ng binata at diretsong lumuhod lamang sa isang tuhod. Tinapik niya ng kaniyang hita bilang paghihiwatig na iyon ang gamitin ng binibini sa pag-akyat.

"Nais kong makasama ka kahit ng ilang oras lamang sa gabing ito. Sasamahan mo ba akong tumakas?"

***

Kahit pa lumalalim na ang gabi ay buhay pa rin ang parte ng bayan na ito, ang paligid ng simbahan ng San Pablo. Mula sa mga makukulay na ilaw na nakapaligid ng simbahan at mga kuwadra ng mga paninda, sa dagsa ng madlang namimili at nag-aalok pa rin ng mga paninda sa talipapa, napakagandang pagmasdan. Bumabalik sa dalaga ang pag-uusap na naganap sa pagitan ni Don Luis at siya kanina.

Inalalayan pababa ng isa sa mga sundalong ipinadala ni Marcelino ang binibini pabba ng kalesa. Sumunod ito sa yapak ng Don patungo sa tapat ng simbahan ng San Pablo. Wala itong suot na talukbong ngayon hindi tulad dati upang maitago ang pagkakakilanlan nito. Simbahan ang patutunguhan nito at walang dapat ikahiya doon.

Tiningala nito ang kabuuan ng gusali. "Alam mo, tama ka." napalingon sa kaniya ang dalagang tumigil sa tabi nito. "Siguro abala ako sa pagiging isang asawa, nakalimutan ko nang maging isang ama sa sariling mga anak. Buong buhay nila, pinilit ko silang maging sunud-sunuran ko. Para lang rin sa kapakanan ko at ni Mariana. Ngunit kahit kailan, hindi ko sila narinig na nagreklamo," humarap ito sa dalaga. "... ang unang beses ay si Marcelino. Noong ipinakilala ka niya bilang kaniyang kasintahan." napaiwas ito ng tingin sa Don, sa halip ay ibinaling na lamang ang tingin sa istruktura ng gusali. Maging siya ay hindi rin batid ang paksa o patutunguhan ng usaping ito.

"Batid mo ba ang katangahang nagawa ko noon?" isang mapait na tawa ang pinakawalan nito na muling ikinalingon ng dalaga. "Ang kasunduang inilikha ko sa pagitan ng pamilya Anastasia at ng pamilya Diaz." Ang kasunduang tinutukoy ng Don Alvaro Diaz. "Tulad ni Milandrino ay nararapat din akong ikasal sa pamilya Diaz noon... ngunit nagmatigas ako. Ayokong mawalay kay Mariana at sa katangahang iyon, nailikha ang kasunduang ipapamigay ko ang aking tagapagmana ng posisyon sa pamilya Diaz para lamang makasama ko si Mariana." isang butil ng luha ang tumulo mula sa kaliwang mata ng Don ngunit hindi niya iyon pinansin o pinunasan.

"Ngunit tama ka, nasasaktan rin sila. Sa tingin ko'y panahon na para ibigay sa kanila ang kalayaang ipinagkait ko sa kanila noon pa lang." Hindi nito inalis ang tingin sa gusali habang nakangiti at pinagmamasdan ng dalagang palihim na napapangisi. 'Hindi ko inaasahang madali lamang kumagat sa patibong ang mga ito.'

Agad na iniwaksi ng dalaga ang pagkaangat ng isang gilid ng labi nito nang bigla itong liningon ng Don na may ngiti sa mga labi. "Pasok tayo?" Napatingin ito sa loob ng simbahan. Kita rito ang kagandahan ng altar ng Panginoon sa loob ng gusali- iyon ang bagay na ikinalunok ng sariling laway ng dalaga. Unti-uting namuo ang pag-iling niya at liningon muli ang Don. "Ayoko pa. Nais ko sanang harapin ang Diyos na malinis. Sa ngayon, marami pa akong kasalanan at magiging pa lamang."

Bagama't nagtataka ay napangiti na lamang ang Don sa sinaad ng dalaga. Hindi niya inaasahang ang isang mahinhing dalagang kinikilala niya'y mayroong malalim na pananaw ukol sa mga bagay na ito. "Magaling rin pumili si Marcelino."

Pilit pa ring itinatago ni Kalesi ang mukha nito sa nakararami 'pagkat batid niya ring kumakalat na ang balita sa buong nayon na may kasintahan na ang panganay na Anastasia at batid niyang mayroong nakakita sa kaniyang mukha noong panahong una siyang namataang kasama nito. Magiging isang malaking kwento ito sa oras na makilala siya ng kahit sino na may kasamang ibang lalaki.

"Sandali lang, binibini. Diyan ka lamang, babalik ako." Hindi pa nagkaroon ng pagkakataong sumagot ang dalaga 'pagkat humakbang na palayo si Kiandro. Nanatiling nakatayo sa gitna ng madla si Kalesi, pinagmamasdan kung ano ang gagawin ng binata. Nanlaki ang mata nito nang lumapit ito sa isang ginang na mayroong nakasabit na tampipi sa kanang braso. Nakalawit mula sa tampiping iyon ang isang kulay rosas na talukbong na siyang mabilis ngunit maliksing hinablot ng binata. Muli itong pumanhik sa kinaroroonan nito sa tabi ng dalaga saka ipinatong ang talukbong sa ulo ng dalaga. Hindi niya inaasahang matututunan ng isang binatang anak sa layaw na tulad niya, isang Anastasia, ang pagnanakaw.

"Batid kong kumakalat na rin ang balita ukol sa pagiging magkasintahan niyo ni Marcelino kung kaya't hindi ka maaaring mamataan ng iba," siya pa mismo ang nag-ayos nito upang hindi liparin ng gano'n-gano'n na lamang ng hangin. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ng dalaga saka nakihalo sa dagsa ng tao sa loob ng talipapa, animo'y magkasintahan.

Hinila nito ang dalaga tungo sa isang kuwadrang bantay ng isang matandang ginang. Nakabalandra sa kuwadrang iyon ang mga alahas, porcelas, hikaw at mga kuwintas na gawa sa kahoy at pilak. Mistulang sumalamin ang pilak sa mata ng dalaga, dahilan ng pagningning ng mga ito- bagay na ikinangiti ni Kiandro. Batid niya ang pagkahilig ng dalaga sa mga porcelas na gaya ng mga ito. "Magagandang kalidad ang mga iyan, hijo, hija. Ako at ang asawa ko mismo ang gumawa ng lahat ng iyan bago pa siya yumao." matamis na ngiti nito sa dalawa. May Colorata na nag isang mata nito kung kaya't hindi na nag-alala pa masyado ang dalaga kung sakaling mamukhaan siya nito.

"Mayroon ka bang napupusuan?" Pinasadahan ni Kalesi lahat ng mga panindang alahas. Dinampot nito ang isang kahoy na kuwintas na mayroong disenyong puso at ipinakita ito sa binata. "Masyado iyang karaniwan para sa mga magkasintahan," nawala ang ngiting suot ng dalaga sa sinaad na komento ni Kiandro. "Bakit? Hindi naman tayo, ah?" hiyang napangiti na lamang ito sabay kamot sa batok 'pagkat maging ang mahinang pagtawa ng matandang ginang ay kaniyang narinig.

Ibinalik ni Kalesi ang kuwintas na iyon sa pinanggalingan at muling pinasadahan ng tingin ang ibang paninda. Sa pagkakatong iyon, ang sunod na pumukaw sa kaniyang atensyon ang ang isang pilak na kuwintas na mayroong palawit na buwan. Muli niya itong ipinakita sa binata ngunit iling lamang ang isinagot nito. "Hindi ako masyadong pabor sa buwan," muli itong napasimangot at muli, dumampot ng isa pang kuwintas.

Sa pagkakatong iyon, ang isa sa mga nabibilang na gintong kuwintas na makikita sa mga paninda ng matanda ang pumukaw ng kaniyang buong atensyon. Lumawit dito ang isang bituin na siya namang nagniningning pa nang tumama ang ilaw dito. Isang palatandaan ng kaniyang pangalan at apelyido, Mambituin.

Nang ipinakita niya ito sa binata ay bumagsak ang balikat nito nang iling na naman ang matanggao nitong tugon. "Bakit mo pa ako pinapili nito kung wala ka rin naman palang napupusuan?" iritadong tanong nito sa binata habang ibinabalik ang gintong kuwintas na iyon.

"Nais mo bang malaman kung ano ang aking napupusuan?" hinarap nito ang binata upang hinatayin ang sagot nito. HIndi nito inaasahang ngingiti ito ng malapad. "Ayoko ng puso 'pagkat, gaya ng sinabi ko kanina, iyon ang karaniwang hugis para sa mga magkasintahan. Hindi rin ako masyadong pabor sa pilak na buwan, lalo na sa isang bituin. Batid mo pa ang aking napupusuan?" Hindi umimik ang dalaga at tahimik lamang hinintay ang susunod na sasabihin ng binata na may kunot sa noo.

"Isang Mambituin." Tila tumigil ang pagpintig ng puso nito habang nakikipaglaban ng titig sa binata. Kahit gaano pa nito nais iwaksi ang tingin ay hindi niya magawa sa hindi malamang pwersa. Idagdag pa ang napakalapad na matamis na ngiting ipinasilay ng binata kasabay ng paghila nito sa kamay papalabas ng talipapa. Tumigil sila sa tapat ng simbahan kung saan napapalibutan ng mga ilaw at karamihan ng mga magkasintahan na palihim na naglilibot sa paligid ng talipapa. Ito ang bagay na matagal nang hinahangaang tanawin ng dalaga mula sa malayo.

"Kalesi," nang lingunin nito ang binata'y bumungad sa kaniya ang ngiti nito. Hindi ito ang pangkaraniwang malapad na ngiting madalas sumisilay sa mga labi ng binata, sa halip, isang limitado ngunit tunay. Pinagmasdan ni Kalesing may dukutin si Kiandro mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Nanlaki ang mata nito nang mamataang isa itong gintong hibla.

"Ginto? Saan mo- hindi, kanino mo iyan nakuha?" gulat na tanong ng dalaga na ikinasimangot lamang ng binata. Humawak pa ito sa tapat ng kaniyang dibdib, animo'y kurmikirot ito.

"Aruy, binibini. Ako'y nasaktan sa iyong madaling paghuhusga." ngunit tumaas lamang ang isang sulok ng labi ng dalaga saka mahinang sinuntok ang braso nito. Agad itong tumayo ng tuwid at hinarap ang binibini. Hindi ito tuluyang tumingin sa dalaga, sa halip ay sinundan ang pag-angat nito sa gintong kuwintas na mayroong palawit na simbolo ng walang hanggan.

Sa wakas, muli niyang tinitigan ang dalaga na naktitig sa kuwintas na hawak nito. Hindi p rin nawawala ang angking kagandahan nito, kahit anong anggulo niya pa tingnan. "Hindi ko masasabi sa iyo ang pinagmulan ng kuwintas na ito 'pagkat nasa akin na ito mula pa noong gumising ako sa kampo ngunit... nais ko itong ibigay sa iyo sa ngayon," lumipat ito sa likod ng dalaga at hinawi ang suot na talukbong. Isinuot niya ang kuwintas na iyon sa dalaga saka muling bumalik sa harap nito.

Pinagmasdan nitong tingnan at hangaan ng dalaga. Napangiti ito. "... bilang simbolo ng aking pag-big." bagay na ikinalaki ng mata ng dalaga. Tumingala ito upang tingnan sa mata ang binata, nagbabasakaling rumaragasa na naman ang pagkapilyo nito. "R-Rumaragasa naman ang iyong pagkapilyo." kahit na wala itong makitang ni isang bahid ng pagbibiro sa mga mata ng binata.

Nagulat ito nang kunin ni Kiandro ang kanang kamay nito. Sinundan niya ang sariling kamay na igaya ng binata sa labi nito saka ito hinalikan. Tumitig ito sa magaspang na kamay ng dalaga. Hindi iyon ang sinasabing kamay ng isang binibini 'pagkat ibang-iba ang naging buhay ni Kalesi sa loob ng kampo, hindi tulad ng sa isang pangkaraniwang binibini. Sinubukan pa nitong bawiin ang kamay sa hawak ng binata ngunit hindi iyon pinakawalan ni Kiandro at patuloy na tumitig.

'Ano ba itong kabang inihahatid ng magkapatid na Anastasia? Hindi ko mapigilan ang pagpintig nito, ano bang dapat kong gawin? Kinamumuhian ko kayo dahil dito. Kalaban ngang tunay.'

"Marahil isang kahibangan lamang ang iyong tingin sa ating kasal ngunit mula pa noong nadako ang tingin ko sa iyo, batid ko... ito lamang ang kamay na nais kong hawakan hanggang dulo," sa wakas ay sinalubong muli nito ang tingin ng dalaga saka ngumiting tunay.

"Gusto kita." Dalawang katagang sandaling nagpatigil ng paggalaw ng mundo ng dalaga.

***

P. S. Ang simbahan ng San Pablo po ay totoo at matatagpuan sa bayan ng Inabanga, Bohol.

San Pablo Church

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

3.2M 136K 32
Harry the virgin Duke of Somerset knows little of love, while Louis the sly Duke of Warwick knows too much. When the two dukes come together for the...
11.5K 409 8
Welcome to the Mystery profile! Discover our fellow ambassador-run profiles, how to submit your story to us and what our reading lists mean. Your jo...
1.7M 69.2K 29
After a disastrous first season in London, Rose Wilde finds herself torn between two men who love her -- but who both hide secrets that could ruin he...
251K 16.4K 145
The Divine woman Draupadi was born as the eternal consort of Panadavas. But we always fail to treasure things which we get easily. Same happened with...