If we fall in-luv

By SirIncredible

26.1K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 2

418 3 0
By SirIncredible

"Anong Yes?!", tanong ng babaeng propesor na hindi naman katandaan habang nagsusulat ng lectures sa isang malaking whiteboard sa classroom.

Tatayo ng dahan-dahan ang isang lalaking estudyante sa dulo ng ikalawang row at magpapaliwanag.

"Ah, Ma'am.. Yes... Yesterday po yung adverb of time diyan!", sambit ni Leo habang may ibinubulsang cellphone sa likod ng pantalon niya

"Very Good! Now...", patuloy ng guro

Habang nagtuturo ng Verbal Languages na subject ang propesor ay sabay namang nakikipagdaldalan sa katabi niya si Leo.

"Pre! Ano ba naman kasi iyan? Sigaw ka kasi ng sigaw kanina eh!", banggit ni Alvin na kanina pa tumitingin sa pagtetext sa cellphone ni Leo

"May girlfriend na ako!", sambit ni Leo

"Ha? Anu?", pabulong na sabi ni Alvin ,"Sino naman?!"

"Si Virgo!", sasabihin ng may pagtawa, "Sinagot na niya ako sa text!"

"Ah? Sigurado ka bang si Virgo ang nagtext sa'yo?"

"Siyempre naman noh!",may kaunting lakas na tinig na nakatawag ng pansin sa abalang guro.

"Yes, Mr. Gabales?"

Civilian day.

Ang buong unibersidad ay puno ng iba't ibang kulay ng pananamit. Sa mga estudyanteng babae...

may naka-high heels, may astig na varsity shirts, ang mga punkista ay todo sa itim na disenyo sa kanilang katawan, ang mga brainy type ay simpleng dating lang na may mga hawak na libro at

pansulat, iba rin naman ang trip ng mga nakatambay muna sa canteen habang walang klase at ang mga pasosyal na puro selfie o groufie sa kanilang mga smartphones ang inatupag.

Ang grupo ng mga barako ay may style na maong at t-shirts naman, may mga nagsuot din ng org shirts na proud na proud sa kanilang samahan.

Ang mga nag-aaral sa engineering ay bitbit pa ang t-square at mga laptop sa eskuwela, may mga nag-polo rin na fit para mapinahan ng kaunti ang kanilang mga muscle sa katawan na kinahuhumalingan ng mga homosexual.

Ang mga weird na estudyante ay suot ang mga salamin na nililinisan ng panyo kapag nadudumihan ng alikabok at mayroon ding nakaupo sa mga nakatumbang puno para kumanta at laruin ang mga kuwerdas ng gitarang dala.

Hindi rin magpapahuli ang mga magkasintahang may love shirts na kapag pinagtabi ay gagawa ng iisang kahulugan habang sweet na sweet na naglalakad sa mga daan.

Sa kabilang banda, sa isang sementadong inuupuan ay may Chinitang babae na nagsusulat ng kanyang asayment sa notebook sa ilalim ng mayabong na punong akasya. Malapit ito sa isang classroom na nang matapos ang klase ay nagsipaglabasan ang mga estudyante kabilang si Leo na nakasuot ang bag sa balikat.

Pumunta ito sa babae.

"Huy!", binanggit ni Leo pagkatapos tapikin sa likod ang babae at tumingin sa sulat kamay nito ,"Alam mo ba na kapag maganda ang sulat ng isang tao ay maayos daw ito sa sarili? Ha?"

Magsasalita na sana ang kausap ngunit didiretso pa rin si Leo.

"At! kapag may gusto kang sabihing masama, sabihin mo na lang sa akin kaysa sa ibang tao ko pa marinig 'di ba?"

"Oo nga..." ,napaisip na sambit ni Virgo na kanina pang abala sa kanyang mga asayment, "Wow! Very well said, ang dami mo namang baong quotable quotes!"

"Nyeks! Turo lang iyan ng prof namin sa Verbal Languages and Philosophy! Musta ka na Love?!", wika ni Leo habang itinatapat ang mukha sa mukha ni Virgo

"Love ka diyan!", banggit ni Virgo na inalis ng kamay ang mukha ni Leo sa pagkakatitig sa kanya. May kukunin mula sa bag si Leo.

"Nagugutom na ako!", dagdag ng dalaga

Bibigyan ni Leo ng isang pulang mansanas si Virgo, "An apple a day..."

"Keeps the doctor away!", kukunin ni Virgo ang mansanas at kakainin, "Ewan ko sa'yo!"

Kahit na may sundo na limousine ang dalaga, ginawan na lamang niya ng paraan upang makasama ang kasintahan. Liligpitin ang mga gamit at aalis na ng punong akasya.

Parehas na nasa First Year sa kilalang unibersidad sina Leo at Virgo. Noong high school pa lamang ay nagkakilala na ang dalawa nang maging Mr. and Ms. JS Prom sila mula sa magkaibang section.

Lalo pa silang nagkamabutihan nang magkasama silang dalawa sa isang seminar na ginawa para sa mga Class President ng klase at sila ang naging hosts nito. Naudlot ang gagawin sanang panliligaw ni Leo kay Virgo noong magkaroon sila ng graduation at tiyempong nagkasakit si Virgo kaya hindi ito nakapunta sa petsa ng pagtatapos.

Hindi naglaon, nagkasabay silang nakapag-enroll sa parehas na unibersidad upang ipagpatuloy ang pangarap na maging Chemist ni Leo at Hotel and Restaurant Management naman kay Virgo alinsunod sa mga istrikto niyang magulang na may lahing Intsik. Ngunit hindi ito naging sagabal sa pagkagusto nina Virgo at Leo sa isa't isa... hanggang sagutin ni Virgo ang panunuyo ni Leo sa kanya.

Date ng dalawang mag-syota.

Galing sa eskwela ay pumunta sila sa sikat na mall at saglit na kumain sa KFC. Sa pagdidilim ng langit at paglantad ng mga nagkikislapang bituin, sumakay sila ng jeep pauwi ngunit maiipit sa matinding katrapikan sa isang kalsada kaya't nagpasya ang dalawa na bumaba at maglakad na lamang.

Habang may nginangatang sweetcorn si Virgo, mapapadaan sila sa isang squatter's area at makikita ang ale sa gilid ng kalye.

"Ano pong meron at bakit matrapik?", tanong ni Virgo sa Ale

"Raid! Yung mga gatas na pambata daw na galing pang abroad! Ang dami kasing binebenta ngayong mura at binabagsak dito sa amin."

"Ah, ganun ba?", sabay tingin kay Leo na pumupungay na ang mga mata dahil sa antok , "Tara! Uwi na tayo!", yaya niya kay Leo

"Kiss muna...", sabi ni Leo at itatapat ng pisngi sa labi ni Virgo

"Muwah!", kinurot sa pisngi si Leo, "Oh ayan! Masarap ba?", banggit ni Virgo nang mahimasmasan si Leo at nagsimula muling maglakad

Sa Broadcasting Company, madalas mapuno ng tawag ang Concerns Section para sa mga nais paimbestigahan at mga nagbabagang balita na ipinapasa naman sa News Room o Broadsheet Area kung ito ay kailangang mabasa sa tabloid o sa mga kilalang newspaper editors ng bansa.

Sa Broadsheet Area rin temporary na ina-assign ang mga stories na hindi pa masyadong nalilinawan o may matinding pananaliksik muna ang dapat isaalang-alang kung saan kabilang sina Janice at mga kaibigan.

Sa pagtatapos ng sandamakmak na trabaho, oras na muli para magpahinga.

"Hey mga Sis!", banggit ni Rubie pagkatapos mabasa ang text sa cellphone na 3210, "Tara na! punta na tayo! Nandun na raw si Cesar!"

"Okay! Pero saglit lang ako Sis kasi may project pang pinapatapos si Manager sa akin eh!", sambit ni Janice

"Me too!", dagdag ni Rhyna na magkakatabi lang ang mga cubicle sa section nila

"Ayos!", wika ni Rubie na excited na excited na umalis at nagmamadali sa pagliligpit ng mga gamit. Ilalabas ni Rubie ang kanyang maliit na make-up kit at mag-aayos habang nakatingin sa maliit na salamin.

Habang naglalagay ng lip gloss ay biglang darating sa lugar nila ang lalaking matipuno na sundo ni Rhyna

"Oh! nandito na pala si Cous eh! Ano? sasama ka sa amin?", tanong ni Rhyna

"Sige ba!", banggit ng pinsan ni Rhyna na si Rhino at pinagmamasdan ang kagandahan ni Janice, "Ikaw Janice, sasama ka ba?"

"Oo naman!", pa-sweet na banggit ni Janice na nagsusuklay ng buhok... feeling mahaba. Mag-uuy ang dalawa niya pang kaibigan sa kilig na napansin sa dalawa.

Titingin si Janice sa kanila at magyayaya.

"Tama na nga 'yan! Tara na!"

Sa Batanes ipinanganak si Rubie. Sa lugar kung saan ang bagyo ay madalas kung dumalaw. Ang ikinabubuhay ng pamilya ni Rubie doon ay pulos pangingisda dahil malapit sila sa laot na nakatapat sa Pacific Ocean.

Kuwento pa ni Rubie noong araw na ipinanganak siya ng kanyang ina ay sobrang lakas ng hangin at pilit na winawasak ang kanilang bahay na bato. Sa tulong ng kanyang tiyahin na kumadrona, lumabas siya sa sinapupunan ng kanyang ina at isinunod ang pangalan sa pangalan ng Bagyo noong araw ring iyon.

Doon na lumaki at nagtapos ng hayskul si Rubie sa maliit na nayon at dahil sa scholarship, nagpasya siyang lumuwas ng Maynila upang magtapos ng pag-aaral sa Broadcasting at makatulong na rin sa pamilya niya. Pang-apat siya sa sampung magkakapatid at ang bagong balita na nasagap niya sa pamilya ay may ikalabing-isa na rin siyang kapatid mula sa anak ng nanay at ng bagong tatay niya mula nang malunod ang tunay na ama sa dagat noong kasagsagan ng bagyo na ipinanganak siya.

Hindi man direktang tumama sa probinsiya nila ang bagyo, isinunod pa rin ang ngalan ng kanilang bunsong babae kay YOLANDA.

Isang Koreano na naka-chat niya lang sa Skype ang unang naging kasintahan ni Rubie. Hirap man magtagalog ang Koreano ay sinisikap naman nitong maging malapit sa dalaga. Nang minsang umuwi rito sa Pilipinas ang dayuhan upang mag-aral, nagkita sila ni Rubie sa paliparan hanggang sa madalas na rin silang nakapag-usap at nakakapasyal.

Sobrang bait ang ipinakita ng Koreano sa kanya hanggang sa napamahal na ng husto ito sa dalaga. Ngunit hindi kalaunan ay nalaman ni Rubie na balak pala nitong mag-pari kaya pumasok siya sa missionary school sa may Makati. Dahil dito, nadurog ang damdamin ng dalaga na inaakala niyang mapapangasawa na niya ang dayuhan na mas minahal ang Diyos at mga turo sa Bibliya.

Isang hatinggabi pa ay mag-isang nagpunta ng bar si Rubie para uminom at magpalipas ng problema. Dito niya nakilala si Cesar na ngayon ay labinlimang buwan na niyang karelasyon.

Umuupa ng dormitoryo si Rubie sa Makati. Sa isang gusaling may sampung palapag, nakuha ni Rubie ang isang espasyo sa pinakadulong itaas. Sa hindi kaliitang kuwarto ay may limang lalaki sa sala na nagsisipag-inuman ng beer. Nagsisipagsayawan sila sa tugtog na rock habang may kaisa-isang babaeng naka-two piece ang kumekembot at nakikipag-flirt sa mga lalaki.

Nakaupo sa couch na nakatapat sa pintuan ang isang lalaking maskulado na nakasandong gray na may butas sa likod. Nakatsinelas at nakashort na maong na tastas pa ang paligid. May tattoo rin siya sa braso at hikaw sa kaliwang tainga. Tatayo ito sa kinauupuan nang mapansing bumukas ang pintuan at sasalubungin ang sabik na sabik na si Rubie.

"Oh, heto na pala ang honey ko! Pa-kiss nga!", banggit ni Cesar habang inaakbayan ang kasintahan. Magpapahalik si Rubie sa labi at sa paligid ng leeg nito. Amoy ni Rubie ang alak na bumabalot sa katawan ng lalaki.Ipapakilala isa-isa ang bisita.

"Hon!", habang hawak ni Cesar ang beer, "Mga katrabaho ko sa bar!", tinuro ang ibang mga lalaki sa sala at tinuro ang babae "At si Anne... Ex-girlfriend ko!"

Napansin ni Cesar ang pagtatampo ni Rubie ngunit nagpatuloy ang lasing sa pambobola.

"Oh! Don't worry, break na kami! Ikaw na kasi ang loves ko eh!", sambit ni Cesar sabay yakap kay Rubie at kikindat kay Anne na nakatingin sa lambingan ng dalawa.

Mamumula ang mga bisita sa salas na tuloy pa rin ang inuman at sayawan. Makikita ni Cesar ang unti-unti namang pagpasok ng mga katrabaho ni Rubie mula sa pintuan.

"Oh! Papasukin mo na sila!", at itataas ang bitbit na beer , "Inom Tayo!"

"Sige po!", wika ni Rhyna

"May pagkain pa sa mesa, Sige! Punta lang kayo!", sa pagbabalik ni Cesar sa mga inanyayahang bisita ay inasikaso naman ni Rubie ang mga kaibigan

"Sis, hindi ba groom's party ang napuntahan natin? Ang liberated eh", tanong ni Janice

"Hay naku! Ganyan talaga iyang si Cesar, palabiro! Tara! Dito tayo sa kusina!", banggit ni Rubie


"Okay...", buntong hininga ni Rhino habang pinapansin ang ingay sa kabila.

Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...