Something Great (Valdemora Se...

Від anchoraigee

13.7K 570 152

Tania Shiraz De Acosta is an ultimate fangirl of the band called Labyrinth.She likes attending some of their... Більше

Something Great
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Lorenzo Miguel
Author's Gratitude

Chapter 1

1K 27 11
Від anchoraigee

"Stop dragging me anywhere," naging reklamo ko nang hatakin ako kaagad ng mga kaibigan ko papunta sa isang store, the branded one.

Halos hindi na magkasya sa mga kamay ko ang lahat nang pinamili. Iyong mga paper bags ay unti-unti nang dumarami. At pinangako ko naman talaga sa sarili na panghuli na iyong Gucci na nabili ko.

"Ano ba 'yan. Sige na. Sasamahan mo lang naman kami at girl, take note, gusto kong mapansin mamaya," Reese said while holding my arm, already entering the store. Sabay silang napatawa ng dalawa ko pang kaibigan bago ako napairap sa kanila.

We're attending a  concert later and we've planned to shop while waiting for the time. Siguro ay idadaan ko na lang ito sa bahay mamaya bago pumunta doon.

Nakasunod lamang ako sa kanila, hindi na pinilit pa ang sariling maengganyo sa kung anumang mga bagay na maganda sa paningin ko.

And they got each other a paper bag when they found something they want. Binigyan nila ako ng tingin na para bang kinukumbinsing bumili.

I shrugged my shoulder and then showed them my paper bags, mas marami kumpara sa kanila.

Binayaran nila iyon at tuluyan na kaming lumabas.

I actually want to be with them when this time comes. Kapag kasi nagkakaroon ng concert iyong banda na gusto namin ay lagi kaming present. Hindi kami absent at laging VIP section ang nagiging pwesto namin.

Reese Lauren. A friend of mine which is closest to me. Sa aming magkakaibigan ay siya iyong pinaka close ko at laging nag u-update sa akin tuwing may pupuntahan.

I don't really open my phone. Binubuksan ko lang iyon kapag may mga messages na nagno-notify sa akin, lalo na kapag tungkol sa banda.

Aaliyah Emerald but we prefer to call her Emerald. Siya iyong laging umaasa na balang araw ay magiging boyfriend ang isa sa myembro ng bandang lagi naming pinupuntahan lalo na iyong drummer.

Summer Freyja. Ang hindi mahilig sa banda pero dahil sa impluwensya namin ay natutong magustuhan iyon.
She's fair when it comes to like the members of it. Para sa kanya ay pare-pareho naman ang mga talento nila. She likes all of them, bagay na magkaiba sa amin.

I have a huge crush on their lead singer. Bawat attend ko ng concert nila ay hindi ko nakakaligtaan ang pagdala ng banner na may nakasulat doon na pangalan niya.

He's actually really handsome. Halos lahat ng pictures niya ay nandirito sa phone ko at iyong iba ay siya ang nagiging wallpaper.

Well, I'm a die hard fangirl.

"Wow. Look! Instagram update ni Finn!" Emerald exclaimed. Naroon iyong tili niya na dahilan kung bakit napatingin sa amin ang ibang tao.

Agad kaming nagtumpukan doon sa phone niya. I craned my neck to see what is it. Syempre dahil siya ang patay na patay iyong kay Finn ay hindi niya nakakaligtaan basta tungkol sa kanya.

"Uy, nasa venue na sila! Can we go there now?" si Reese.

"Tanga kayo? VIP na nga tayo tapos aagahan niyo doon? We can go there anytime," ani Summer.

Binatukan ni Reese si Summer saka sinumbatan ito. I rolled my eyes as I watched Emerald being teary eyed while watching the photo.

Ugh. Bakit ganito ba 'tong mga 'to? Alam kong pare-pareho kaming fangirls pero bakit mas malala yata iyong sa kanila?

"We shoud eat. It's almost time," untag ko sa kanila bago nagpatiuna. I chose the Japanese restaurant. Kahit kumakain na kami ay todo usap sila tungkol sa concert.

Isinalpak ko ang earphones saka nakinig sa kanta ng Silent Sanctuary. Now, my ears are filled by their music. Hanggang sa matapos na kami sa pagkain ay alam kong tungkol lang doon ang pinag-usapan nila.

We parted our ways. Sa aming apat ay iyong kotse ko ang minsang ginagawang sasakyan ni Reese. Iyong tatlo naman ay may kanya kanyang sasakyan.

I've got no choice for that since she's saving her money for the best. Mas pinapaboran nga lang kapag mayroong concert na pupuntahan.

The mindset of a fangirl. Hindi makabili ng ibang gusto pero kapag concert ticket ay walang pagdadalawang isip.

She sat on the front seat and played a music. Tinodo niya ang volume kaya parang may party kami sa loob.

"Ihatid mo 'ko sa bahay. Tapos pasundo na rin ako mamaya, ah?" she said while banging her head.

"Driver mo ba ako?" asik ko kaagad, tumututol na sa sinabi niya.

"Engot naman. Sa ating dalawa, ikaw ang may kotse tapos sa'yo lang ako nakakasakay. Kaya sa'yo ako magpapasundo."

"Bakit ba lagi na lang ako? You can ride on Summer or Emerald's car. Abuso ka na, ah?"

"Ito naman," she smiled and then held my arm. Tinanggal ko kaagad iyon. "Grabe. Hindi mo ba ako mahal?"

"Ano? Hindi tayo talo 'wag kang ano dyan."

"Fine! Magco-commute na lang ako mamaya. Naku, 'pag nagkakotse lang talaga ako, hinding hindi ka makakasakay!"

I didn't listen to her litany. Hinatid ko siya sa bahay niya saka ako dumiretso sa condo ko.

Nilapag ko sa kama iyong mga pinamili ko. Naligo na ako kaagad saka tinignan ang oras. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang concert.

I wore my outfit and then curled my green hair. Hanggang balikat lang ang haba niyon at kung hindi dahil sa kulay ay hindi kapansin pansin.

My phone's ringing. Isinusuot ko pa lang ang hikaw nang tumunog iyon ulit. I finished doing it before answering.

Iyong nakakabinging sigaw kaagad ang narinig ko, namumutawi iyong mga kilig.

"Hoy! Ano na? Kinain ka na ba dyan at hindi ka pa nakakarating? Dalian mo na!"

"Wait up. On the way na,"
pampalubag loob ko kahit paalis pa lang. I grabbed my bag pack which contains water, umbrella, wipes, perfumes and my other valuable things. Hindi kasi ako nakukuntento kapag iyong simpleng hand bag lang. It doesn't fit anything for me.

Nang natapos na ay bumaba na ako saka pinaharurot iyong sasakyan papunta ng venue. They're still calling me so I turned my phone off.

Tanging nagpainit lang ng ulo ko ay iyong traffic. I got stuck, until half an hour passed, I am still in the middle of the traffic.

Walang hiyang traffic!Nakakaimbyerna! Kung kailan binalak kong ma-late, tinodo pa yata. Halos lahat ng concert ay hindi ko naranasang ma-late tapos mangyayari ngayon?

I really hate this.

Nakailang mura ako sa loob ng sasakyan bago nakaalis doon. I immediately went to my seat. At talagang nag-uumpisa na nga ang concert.

"Late ka?" tanong ni Summer, nag-aalala sa akin.

"Obvious ba?" Napairap ako saka kinuha ang banner, isinigaw ang pangalan ni Isaac, ang lead singer ng banda.

My frustration quickly turned into screams. Dahil nasa harap kami ay talagang namutawi iyong sigaw namin. I keep on shouting Isaac's name until he pointed me!

Wait. He pointed me! He fucking pointed me!

"Tangina. Tinuro niya ako! Tinuro ako ni Isaac! Shit!" tili ko habang niyuyugyog ang mga balikat nilang tatlo na ngayon ay mukhang naiinis sa ginagawa ko. "Hoy Isaac! I love you!Sa'yo lang ako kakalampag!"

And my screams continued like without an ending. Kahit namamaos na iyong boses ko ay hindi ko mapigilang hindi mapasigaw.

The hell I care. Basta para kay Isaac, sisigaw ako.

The Labyrinth.

That's the name of their band. At kahit ilang beses na kaming pabalik-balik sa concert nila ay ngayon lang ako napansin.

Hindi ko nga alam kung namumukhaan ba nila kami o ano. All I know is that we're the fangirls who always attends their concerts. Kahit nga sa social media ay hindi ako fina-follow back. Kainis.

I sang with them. Halos nagtatatalon na ako para lang mapansin nila.

They're consist of three members: Isaac Xavier who is the lead singer and the one I really admire. Sa kanilang tatlo ay siya ang habulin ng kanilang fangirls and I admit, isa na ako roon. Sino ba naman kasi ang tatanggi sa kanya na bukod sa gwapo ay mabait pa?

Finn Avery, the drummer who has a curly hair. Iyong tipong mag-post lang sa IG ng kanyang kulot na buhok ay inaabot na ng milyon-milyong likes. And Emerald is one of his admirers.

Eustace, who plays the bass is the serious among them all. Siya iyong laging nagpopost pero tungkol lang sa schedule ng concerts nila. Kung hindi naman ay iyong mga destinations ng concert.

Sa kanilang lahat, siya lang ang may kaunting posts. He got 9 posts only in Instagram! And take note, tatlong taon na silang nagbabanda pero ganoon kaliit ang posts niya! Mukhang nagtitipid. But he's cute.

Naalala ko pa dati na nag DM sa kanya si Reese na nagsasabing gusto niya raw makama si Eustace. To think that Reese typed it incorrectly! Imbes na makasama ay 'makama' iyong na-type niya.

The worst part is Eustace added it on his story and even wrote 'flirt'. Hindi ko nga alam kung bakit humahanga pa rin ito doon hanggang ngayon.

"Beh, look oh! May gwapo doon sa gilid!" Summer said to me, almost shouting. Napatingin ako doon sa gilid at nakita iyong naggigitara.

"Ha? Gwapo? Gwapo na 'yan?" Napangiwi ako. He's playing the guitar seriously and not minding the shouts. Alam kong malakas iyong ingay pero parang hindi niya natutuunan iyon ng pansin.

All he did was just strumming the guitar, moving his head to the music played by the singer and nothing more.

Ang boring. And wait. Bakit nasa entablado 'yan?

"Siya raw ang gitarista at bagong member. Kaya nga mas lalong umingay ang venue ngayon dahil sa kanya!" I narrowed my eyes. Sinubukan kong titigan ito ngunit kahit isang beses man lang ay hindi lumingon.

Paano nakahakot ng atensyon 'yan eh hindi nga lumilingon? Isa pa, hindi ko nga masyadong kita iyong mukha niya.

"Mukhang suplado. Ah basta. Kay Isaac lang ako," sabi ko bago bumalik sa pagsasabay sa kanta nila. I jumped higher to let them notice the banner I am holding.

Habang ginagawa iyon ay kinukuhanan ko ng video iyong performance nila. I focused the camera more to Isaac who's now cheering and making us scream by winking only.

Isang kindat lang, parang nahihimatay na ako. He's really the great singer for me.

Dahil asang-asa sa kanya, wala akong nababalitaang may girlfriend o dini-date ito. Even on his posts. Hindi siya nag u-upload ng litrato ng girlfriend niya kung meron man.

And I think that's right. Mas nabuhayan ako lalo ng pag-asa para sa kanya. We can work to let our feelings fall on the trap.

The concert lasted for about an hour. We went to backstage to see them. Gaya namin ay nakigaya rin iyong ibang tagahanga nila.

Sorry. We got passes so we came in. Madali lang para sa amin na makapunta kaagad sa kanila kaya we grab the chance to take a picture with them.

We did a little chit chats. Ang kaso nga lang ay mukhang pagod sila kaya hindi masyadong nakakapagbigay ng exact answers sa tanong namin. And it's okay. At least, we got to see them.

Madali rin naman kaming pinalabas ng guards dahil mukhang tapos na raw iyong oras namin. I smiled widely as I stared at my photo together with Isaac.

"Grabe! Ang gwapo ni Finn! He's extremely hot and gorgeous. Ugh!Gawin ko kaya siyang sperm donor sakali? Nakakamatay iyong visuals niya!" Emerald, on the other hand said excitedly. Napairap si Reese dahil sa aming apat ay siya iyong hindi napagbigyan ni Eustace.

Paano ba naman kasi. Noong nag-request na ay tulugan ba naman. Sinong hindi maba-badtrip doon?Besides, I know that Eustace is tired too so we understood him. Sadyang hindi lang matanggap ni Reese ang sinapit niya.

"Quit that crap. Palibhasa napagbigyan kayo."

"Ang bitter mo. We have some other time pa naman," Summer entered, stopping the coming fight between them.

Nagpaalam akong pupunta ng CR, iniwan silang nag-uusap doon. I'm still smiling while entering the bathroom. I posted it on my Instagram and tagged Isaac.

Uupo na sana ako ng bowl nang marinig ang ungol sa kabilang cubicle. It doesn't sound like someone's fucking here. I'm sure it's from a video!

Idinikit ko ang tenga sa nakaharang sa pagitan namin. Pinakinggan kong mabuti ang tunog niyon pero hindi na naulit pa.

I bet that's porn! At sino namang babae ang maglalakas loob na manood dito? Is she horny or something?

Umihi ako ng madalian at lumabas agad. I washed my hands until someone slammed the door on the next cubicle.

Inilabas niyon ang isang lalaking may nakasabit sa balikat na guitar case, bitbit ang phone na may tinitignang kung ano at mukhang hindi napansin ang presensya ko.

I raised my brow and then eyed him. Bakit nga ba naisip kong babae ang nanonood ng ganoong video?

"May I ask why are you here in female's comfort room?" Napaangat ang tingin niya sa akin. I almost dropped my jaw when I finally got a glimpse of his face.

He's wearing a loose white long sleeve and black slacks. He's thin but not that scrawny type. Sakto lang sa katawan niya iyong suot habang malayang nililipad ng hangin.

Kaagad na sumabay sa pagbaba ang kanyang buhok sa unahan nang yumuko ito at ibinalik ang tingin sa phone saka naghugas ng kamay sa kabila ko.

He faced the mirror like I am something that cannot be seen here. Naghilamos siya saka kumuha ng hand sanitizer.

"Nanonood ka ng porn ano? And worse, dito pa talaga sa CR ng babae?Tigang ka?" tanong ko na may halong pang-iinsulto.

And once again, he ignored me. Hinugasan niya ulit ang kamay saka pinatuyo iyon.

"Ah, that? I just pressed the wrong video so you heard a moan. It's not my nature to watch pornographic video in public places, especially in this comfort room." He once again did something on his phone while I am here, not convinced of what he said.

Siguro dahil napansin niyang hindi ako kumbinsido, iniharap niya sa akin ang phone at nadinig ko iyong ungol na narinig ko kanina. I widened my eyes when I saw that he's finding a full movie and yet the sound's like that!

"See?"

"Eh bakit dito ka? Namboboso ka ano? You're waiting for someone here to do your plan?" I accused him, not being sure of it.

Ilang saglit itong natahimik, hindi mawari kung ano bang isasagot.

"'Di ba? Sinasabi ko na nga ba. Porque't gwapo ka at gitarista, hindi mo ako maloloko. I can call some police right now." Kinuha ko ang phone, dialed the police's number. Ngunit hindi pa iyon nagri-ring ay kaagad niyang inagaw at binagsak sa sahig, nabasag at nagkahiwa-hiwalay ang parte niyon.

I was shocked. Matagal bago napaangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang prente nitong mukha na hindi man lang nakokonsensya.

"I'm not creating a crime here so that's better," he weakly said. Isinukbit niya iyong guitar case niya saka ikinaway ang kamay, nagpapaalam at lumabas na.

Sinubukan kong pigilan. I gritted my teeth when I held his arm.

"Are you nuts?! That's my phone!Hindi mo man lang ipapaayos?!"

He faced me again using his bored look. His lip ring really stole my attention. Kahit na nababagay iyon sa kanya ay hindi mawawala sa akin ang sama ng kanyang ugali.

"You can buy another phone."

"Nandoon ang picture namin ni Isaac! Why the hell would you do that?!"

His hands went to his pocket. Mukhang hinang-hina ito at walang interes sa pakikipag-usap sa akin.

"That's just a picture."

"Kahit na! Kung bakit kasi hindi mo na lang aminin na may plano ka nga?Stop acting like innocent! Dinamay mo pa ang phone ko!"

He sighed and then took his phone out. Inilahad niya iyon sa akin na may hindi pag-aalinlangan.

"You can have mine as long as your phone's broken."

I chuckled, losing my patience already. Nakakabili ng gitara tapos phone hindi? What does he think of me?Madaling palipasin ang isang bagay?

"I want my phone, not yours."

He sighed again, still handing me his phone. Nanatili iyong pagmamatigas ko at tinibayan ang loob, siya lang ang magpalit ng nasira niya.

Lumapit ito sa akin. Namumungay iyong mata niya hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin. I gulped not because of what he's doing but because of his face nearing on me.

Siya iyong gitaristang nasa entablado kanina na walang ginawa kundi ang yumuko. At hindi ko naman inaasahang ganito pala ang itsura nito sa malapitan. He's handsome but Isaac's more handsome for me.

Tapos ngayon ay magkukrus ang landas naming dalawa rito at masisira ang phone ko?

"Kung ayaw mong kunin, hahalikan kita. You choose," he boredly said, reason why I grabbed his phone immediately and glared at him before leaving.

Продовжити читання

Вам також сподобається

489K 17.3K 195
(Fan TL) Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of...
Ace Від Antonia

Романтика

192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
The lost triplets Від Rebecca

Сучасна проза

1.7M 55.5K 75
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...
15.3M 435K 73
"𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐥𝐥 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞?" "𝐍𝐨𝐭 𝐢𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧, 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐫𝐞." Nothing in life...