With All Might

By Thinkerbil

145K 4.5K 733

Tanya Zaccary Fuentabella grow up in a rich and respected family. Her great-great grandfather establish the p... More

With All Might
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Note

Kabanata 10

2.7K 103 13
By Thinkerbil

Mercilessly

Napasinghap ako ng makaramdam ng malamig na tubig. Napa-ubo pa ako ng pumasok ang malamig na tubig sa ilong ko.

"Ayan, gising na! Tawagan mo na, Bert."

Nag angat ako ng mukha habang panay parin ang ubo. Unang bumungad sa'kin ang mukha ni Jack.

"Kamusta ang tulog mo, binibini?" naka ngisi niyang tanong habang nakatingin siya sa dibdib ko.

Agad akong nag pumiglas pero hindi ako maka galaw. Napatingin ako sa sarili ko. Kaya pala hindi ko magalaw ang buo kong katawan dahil naka tali ako sa isang upoan.

"Pakawalan niyo 'ko!" sigaw ko at nagpumilit uli na kumawala ngunit kahit anong gawin ko'y nasasaktan lang ang katawan ko dahil sa higpit ng tali.

"Sshhh... Ang ganda ganda mo sanang bata kaso ang ingay mo... Gusto mo, patahimikin kita?" ani Jack sabay dinilaan nito ang ibabang labi.

Para akong masusuka sa pandidiri sa kanya. Nag-iwas ako ng mukha ng akmang hahawakan niya ito.

"Jack! Sabi ng huwag mo na e..." bulyaw no'ng isa pang lalaki.

Sinamaan lang ito ng tingin ni Jack saka ito lumayo at lumapit sa isang lamesa saka nag salin ng inuming alak.

"Hindi ba't sinabing huwag mag lalasing? Paano kong matunton tayo ng mga Fuentabella? Paano ka makakapag-isip at kilos ng maayos kong lasing ka?" anang lalaki.

"Pwede ba Gelo? Huwag mo akong pakialaman!" bulyaw pabalik ni Jack.

"Magsitigil kayo kung ayaw niyong malintikan sa'kin! Tumatawag na ako sa mga Fuentabella. Mga disturbo kayo!" sigaw naman ni Herbert.

Nanahimik ang dalawa hanggang sa biglang ni loud speak ni Herbert ang cellphone niya.

"Hello? Hello? Sino 'to?" sigaw nong nasa kabilang linya.

Sa baritonong boses pa lang nito, alam ko agad kung kanino ito. "Dad! Daddy! Help me!" pagsisigaw ko habang tumutulo uli ang mga luha ko.

Agad tinakpan no'ng Gelo ang bibig ko ng suminyas si Herbert sa kanya.

"Zaccary? Anak? Anak, ikaw ba yan?" tarantang sabi ni Daddy.

"Oh, kalma lang Antonio..." sabay halakhak ni Herbert.

"Sino 'to? Walang hiya ka, pakawalan mo ang anak ko! Sino 'to?" ramdam ko ang galit ni Daddy. Parang kulog ng malakas na kidlat ang boses niya sa sobrang lakas ng bulyaw niya.

"Hindi na mahalaga kung sino ako, Antonio. Hindi narin ako magpapaligoy-ligoy pa. Sampung milyon para sa ulo ng nag-iisang anak mong babae." sabi ni Herbert.

Gusto kong sumigaw pero masyadong mahigpit ang pagkakatakip ng kamay ni Gelo sa bibig ko. Hindi rin ako makakilos dahil sa tali!

"Hayop ka kung sino ka man! Ipakiusap mo sa'kin ang anak ko! Hayop ka!" sigaw ni Daddy.

Humalakhak uli si Herbert saka siya suminyas kay Gelo. Lumayo naman bahagya si Gelo at ngayon naman, si Herbert ang lumapit sa'kin habang hawak ang cellphone nito na naka loud speak.

"Daddy...." humahagulgol kong sabi.

"Anak, Zaccary? Ayos ka lang ba diyan? Anong ginawa nila sa'yo?" sigaw uli ni Daddy. Narinig ko rin ang boses ni Mommy sa likod niya, at katulad ni Daddy, bakas din ang pangamba nito sa kalagayan ko.

"Tulongan mo ako, Daddy... Get me out of this place..." panay ang hikbi ko hanggang sa inilayo uli ni Herbert ang cellphone at tinakpan ni Gelo ang bibig ko.

"Ayan, Antonio. Narinig mo na ang boses ng anak mo. Mamayang gabi, ibigay mo sa'kin ang sampung milyong peso. Isesend ko sa'yo ang detalye pagkatapos nitong tawag." sabi ni Herbert.

"Sige, gagawin ko ang gusto niyo. Magbibigay ako basta huwag niyo lang saktan ang anak ko!" ani Daddy.

Humalakhak lang si Herbert. "Kapag hindi ka sumunod sa kasunduan, tandaan mo, pahihirapan ko muna ang anak mo saka ko ipapadala sa'yo ang pugot niyang ulo."

Naputol din ang tawag at ang sumunod na nangyari ay hindi ko na maalala dahil nakaramdam uli ako ng pagkahilo matapos na takpan ni Gelo ng panyo ang ilong ko.

Nagising ako dahil sa tapik mula sa'king pisngi. Napasinghap ako at agad na napatingin sa paligid.

"Oras mo na, hija..." naka ngising sambit ni Jack.

"Huwag po! Huwag po! Maawa po kayo!" panay ang iwas ko sa mukha ng pilit na hinahawakan ni Jack ang aking pisngi.

Sa pagpupumiglas ko ay napugto ang kanyang pasensya dahilan para sampalin niya ako ng malakas. Sa sobrang bigat ng kamay niya at sa sakit ng kanyang pagkakasampal ay parang nanghina ako.

Hindi ko na malaman ang sumunod na nangyari dahil bigla niyang tinanggal ang mga tali sa katawan ko saka niya ako binuhat.

"Na sa'tin na ang pera. Iwan na natin 'yan! Wala ng pakinabang."

Napakurap-kurap ako. Hindi malinaw sa'king paningin ang lugar kung nasaan kami. Sinanay ko ang aking mga mata sa pagkurap hanggang sa may maaninag ako.

"Tang ina, hindi pa ako nakaka score!" bulyaw ni Jack.

"Gago, sapat na ang sampung milyon para makabayad ka ng kahit sampu sampu pang bayarang babae. Iwan na natin 'yan dito at malapit na si Herbert dala ang pera. Kung dadalhin natin 'yan, hahabolin lang tayo ng mga Fuentabella." giit nit Gelo.

"Siraulo ka ba? Ito na't naka hain na ang swerte, huhubaran mo nalang tapos tatanggihan mo pa? Kung ayaw mo, huwag mo akong paki alaman! Diyan ka lang! Bibilisan ko lang 'to." sagot ni Jack saka ko naramdaman na nag iba ng direksyon ang kanyang nilalakaran. Ngayon ko lang din napagtanto na karga-karga niya ako.

Hindi ko alam kung anong mayroon doon sa panyo at hanggang ngayon nanghihina parin ako. Marahil sa sobrang sakit din ng buo kong katawan sa paghila nila sa'kin kahapon at buong magdamag akong nakaupo lang sa silya habang nakatali kaya wala akong lakas ngayon. Hindi ko rin maalala kung pinakain ba nila ako o pinainom man lang ng tubig.

"Please... pakawalan niyo na ako... Please..." bumagsak uli ang mga luha ko ng marahas na inihiga ako ng demonyong Jack sa isang papag.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil naka tali ang mga kamay ko. Pilitin ko man mang laban ay useless rin dahil sa malaki at malakas na tao si Jack samantalang hinang-hina ako dahil sa nakakahilong gamot na nilagay nila sa panyo.

"Huwag kang mag-aalala, binibini... Hindi ka masasaktan. Masasarapan ka lang." aniya saka hinubad ang suot niyang t-shirt at sinturon.

Nanghihina man ay pinilit kong magpumiglas para makawala ngunit inundayan niya lang ako ng suntok sa tiyan.

I feel like all my sense stops functioning because of the pain. The next thing I knew ay inisa-isa ng tanggalin ni Jack ang butones sa uniporme ko.

Napapikit nalang ako kasabay ng pag-agos ng luha ko. Akala ko ito na ang kataposan ko hanggang sa makarinig ako ng mga kalabog. Napamulat ako ng mga mata at mas lalong bumuhos lang ang mga luha ko ng makita ang lalaking pumasok.

"Kuya Hex..." I cried hard as I saw him punching Jack mercilessly.

Mga ungol lang ni Jack at ang walang kataposang pagmumura ni Kuya Hex ang narinig ko hanggang sa pumasok ang mga police at inawat si Kuya Hex.

"Tama na! Hindi na gumagalaw ang suspek!" bulyaw ng isang police.

Agad na kinapa nong isa pang police ang leeg at palapulsohan ni Jack. "Humihinga pa." sabi nito.

"Isakay 'yan sa ambulansya at samahan niyo. Dalhin agad 'yan sa presinto pagkatapos niyong madala sa hospital." sabi nong isang police at agad namang sinunod nong mga kasamahan nito.

Sa sobrang trauma at pagkatulala ay hindi ko na namalayang sinusuotan na pala ako ni Kuya Hex ng jacket. Niyakap niya ako ng mahigpit at panay halik siya sa tuktok ng ulo ko habang umiiyak.

Sa buong buhay na magkasama kami ni Kuya Hex, ngayon ko lang siya nakitang umiyak. At sa unang beses pa, ganito kabuhos.

Hindi ko alam kung gaano niya ako katagal niyakap. Saka niya lang ako kinarga palabas ng mahimasmasan at kumalma siya mula sa pag-iyak.

Kita ko ang pamumugto ng mga mata niya lalo na no'ng masinagan ng ilaw ang kanyang mukha dahil sa mga nakapalibot na police patrol car at mga police na may dalang flashlights.

"Zaccary!"

Napatingin ako kay Daddy at muling bumuhos ang luha ko. Ibinaba ako ni Kuya Hex saka niyakap naman ako ngayon ni Daddy. Habang yakap ni Daddy ay nakita kong pinapapasok sa magkabilang patrol car sina Herbert at Gelo samantalang si Jack ay ipinasakay sa ambulansya kasama ang dalawang police. Hindi ko alam kung gaano kalala ang tinamo niya pero alam kung nag-aagaw buhay ito ngayon base sa narinig ko kanina sa mga police.

"Are you okay? Talk to me, please, sweetheart.." Daddy said.

"Excuse lang po pero kailangan natin matingnan ang anak niyo, Sir Fuentabella." anang isang nurse.

Tumango si Daddy habang naka alalay parin sila ni Kuya Hex sa'kin. The nurse and doctor check up on me. Matapos ay ipinasakay ako sa ambulansya, kasama parin si Daddy at Kuya Hex.

Nagising ako sa sinag ng ilaw. Naramdaman ko agad na may gumalaw sa kamay ko kaya napatingin ako.

Kuya Hex is holding my hand as he is asleep. Mukhang sobra siyang pagod at puyat dahil sa himbing ng tulog niya.

"Kuya..." I whisper...

Marahan kong pinisil ang kamay niya para magpasalamat. He was the first person I saw in my traumatic, almost tragic state.

Matagal ko ng kilala si Kuya Hex at kabisado ko na ang pag-uugali niya. Maging mga gusto at hilig niya, alam ko na rin. Pero sa unang beses, kahapon ko lang siya nakitang ganon ka galit. Nakita ko na siyang nagalit dalawang beses dahil sa pagsisinungaling ko dahilan kay Gabriel pero iyong galit niya kagabi ay walang mapagkukomparahan. It was as if I saw another Hex last night. Malayong-malayo sa mabait, mapagpasensya, righteous at tahimik na Kuya Hex na kilala ko.

"Zaccary?" agad niyang kinusot ang kanyang mga mata kaya napa ngiti ako.

"Bakit diyan ka natutulog? May sofa naman." sabi ko at napatingin sa kabuoan ng kwarto. Hindi ko ito kwarto at walang ganitong klaseng kwarto sa mansyon kaya malamang nasa hospital ako. Ganitong klaseng kwarto din kasi iyong na hospital si Lolo Zaccarrius.

Tipid lang siyang ngumiti at hinawakan ang noo ko. "Hindi na nakakasunog ang lagnat mo. I'll call a doctor. Tito Anton is just in the other room, visiting your Mom."

Napa bangon ako at inalalayan naman niya ako ng maingat.

"What happened to Mommy?" kinabahan agad ako.

"She fainted yesterday. But she's fine now. She'll be release later." sagot niya.

Namuo uli sa mga mata ko ang luha ng maalala ang mga nangyari. "Thank you, Kuya..."

Umupo siya sa tabi ko saka hinaplos ang pisngi ko. "I thought I was going to lose you."

"I thought too. Buti dumating ka agad Kuya..." hindi ko na mapigilan ang umiyak.

"Sshhh... It won't happen again, Zaccary. I promise you that. I promise." aniya saka niyakap ako.

Humigpit lang ang pagyakap ko sa kanya habang umiiyak.

"Thank you so much for saving me, Kuya... Thank you... I owe my life to you.."

Humiwalay ako sa kanya at pinunasan naman niya ang mga luha ko. His eyes are red as well as his nose. Magulo din ang buhok niya konti at gusot-gusot ang suot niyang white polo shirt.

"I will never let you lose in my eyes again." he said firmly.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4K 310 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...
14.4K 405 43
When Jubel has developed irresistible feelings for Triyce, her schoolmate and a farmer in their hacienda, she tried hard to get his attention. Little...
8.4K 486 25
AMOR SERIES # 2 Amor Valiente Anger. Vengeance. And love. Can Maja Victorina fight for her love fearlessly even if the world is against it?