With All Might

By Thinkerbil

146K 4.5K 733

Tanya Zaccary Fuentabella grow up in a rich and respected family. Her great-great grandfather establish the p... More

With All Might
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Note

Kabanata 9

2.5K 81 8
By Thinkerbil

Taken

Dapat masaya at excited ako pero bakit ganito? Ang galit sa mga mata kanina ni Kuya Hex ang laging pumapasok sa isip ko.

Kahit panay ang kausap nina Bridgette at Katherine sa'kin tungkol sa second lunch namin ni Gabriel e laging mukha ni Kuya Hex ang naaalala ko.

I know... He is very disappointed in me again.

"Zaccary? Hoy!"

Napaigtad ako at napakurap-kurap. Tumingin ako kay Katherine at nakunot ang noo ko sa nginunguso niya. Lumingon ako at nakita si Gabriel.

Tipid akong ngumiti nang ngitian niya ako. Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na kina Katherine at Bridgette.

"Okay ka lang ba, Zaccary?"

"Huh?" wala sa sarili akong napatingin kay Gabriel.

"Hindi mo kasi ginagalaw ang pagkain mo. Ayos ka lang ba?"

Tipid akong ngumiti. "Ayos lang... Pasensya na kung medyo distracted ako."

Marahan naman siyang tumawa at ibinaba ang lunch box niya. "Alam mo, mas gumaganda ka kapag nagseseryoso. Dati, lagi kitang tinitingnan sa malayo at tuwing nakikita kitang tahimik at seryoso, iniisip kong napakalalim mong tao."

Natawa naman ako. "Ako? Malalim na tao? Pshh!"

"Pero mas maganda ka kapag naka ngiti tulad ngayon." nangingiti niyang sabi.

"Okay ka rin no?" umiling-iling ako kahit natatawa parin konti.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko Zaccary..." bigla ay nag seryoso siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam naman natin ang estado ng buhay nating dalawa. Mayaman ka at mahirap lang ako. Hindi nga dapat kita nililigawan kasi wala pa akong maipagmamalaki sa'yo."

"Gabriel... Hindi naman ako katulad ng iniisip mo at ng iba. Hindi ako matapobre."

Ngumiti siya at itinukod ang dalawang palad sa bermuda grass habang bahagya siyang tumingala sa ulap. Napatitig din pabalik sa'kin. "Kaya nga nagustohan kita. Iba ka sa mga haciendera na mapagmataas at maarte. Napaka dalisay ng puso mo."

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. "Akala ko torpe ka no'ng una pero ang galing mo palang mambola." sabi ko at nag iwas ng tingin kasi pakiramdam ko'y namumula na ako ngayon sa kilig.

"Iyan ka na naman sa paratang mo." natatawa niyang saad. "Ano bang dapat gawin ko para paniwalaan mo ako?"

Napalunok ako sa tanong niya. "Patunayan mong totoo ka sa panliligaw mo."

Sandali siyang natahimik saka ngumiti uli sa'kin. "Kung sa materyales na mga bagay hindi kita kayang bigyan muna Zaccary pero pangako ko, gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat lang sa'yo. Mag-aaral ako ng mabuti at kapag nagkatrabaho na ako, magpapakayaman ako para pantayan ka."

"Gabriel..."

"Alam ko, Zaccary." naka ngiti niyang saad.

Nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at halikan ito. Sa gulat ko ay nanigas ako. Shit! He just kiss my hand. He kiss my hand!

"Gusto kong patunayan sa'yo at sa lahat na karapat-dapat ako sa pag-ibig mo."

Kilig na kilig sina Bridgette at Katherine nang ikwento ko sa kanila ang lunch date namin ni Gabriel. Kahit pati pag-uwi namin ay iyon parin ang napag-usapan namin.

"Hindi ka ba susunduin ni Hex?" tanong ni Bridgette.

Nagkibit-balikat ako. "I texted my driver. Baka hindi niya ako masundo ngayon."

Malungkot na bumuntong-hininga si Bridgette. "Sayang naman 'tong make up ko. Mauuna nalang ako kung gano'n. Andyan na ang driver ko e."

"Gusto mo, sumabay ka nalang sa'kin Zaccary?" tanong naman ni Katherine na inilingan ko lang.

"Hindi na. Sige na, mauna na kayo." sabi ko at nakipag-beso sa kanila.

Umupo ako sa bench habang hinihintay si Manong Julio, ang driver ko. Kahit inaabangan ko ang kotse namin ay hindi ko rin mapigilan na abangan na dumating ang kotse ni Kuya Hex. Tulad noong unang malaki naming tampohan, inaasahan ko parin na susunduin niya ako at magdadala siya ng bouquet saka makikipagbati sa'kin.

But minutes have passed, wala paring bulto ni kuya Hex na dumating. Mas lalong bumagsak ang balikat ko ng makita na ang paparating na kotse na pagmamay-ari ni Daddy.

Huminto ito sa harap ko at lumabas ang isang lalaki na hindi pamilyar sa'kin. He greeted me and open the door in the back seat.

"Who are you at nasaan si Manong Julio?" tanong ko habang pinakatitigan ang kanyang mukha.

"Ako po si Herbert ma'am. Ako po ang bagong hire na driver ng Daddy niyo. May inutos kasi si Sir kay Julio kaya po ako ang nautosan niya ngayon para sumundo sa inyo." sagot nito.

Tumango nalang ako at ngumiti. "Okay."

Panay ang titig ko sa cellphone habang nasa biyahe pauwi. I keep erasing my text to Kuya Hex. Hindi ko alam anong ete-text sa kanya o tatawagan ko ba siya.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa labas ng bintana. One thing I like about Zaccarrio is the greenery vibe. Maraming matatayog na puno na nagbibigay lilim sa mainit na araw. Napapalibutan din ng bundok ang probinsya kaya kahit may bagyo ay hindi masyadong nasasalanta ang lugar. Malinis din ang paligid at maraming mga iba't-ibang kulay na bulaklak sa gilid ng daan na nagdadagdag atraksyon. Kaonti lang din ang populasyon kaya hindi masyadong polluted ang environment.

Sumilip uli ako sa cellphone at nabasa ang bagong text na dumating mula kay Gabriel.

Gabriel:
Naka uwi na ako. Nasa bahay ka na?

Napangiti ako at agad na ni-replayan ang text niya. Naka ilang palitan kami ng text hanggang sa may mapansin ako.

Masyadong tahimik ang driver at bumilis ang pagpapatakbo niya. All of our driver knows that Daddy doesn't want a wreckless driver lalo na 'yong mabilis nagpapatakbo.

"Manong Herbert, pwede po bang magdahan-dahan kayo? Hindi naman po tayo nagmamadali." sabi ko at tiningnan siya sa rear view mirror.

Mas lalo akong nagtaka ng hindi siya sumagot. Napatingin ako sa batok niya at nakita kong may tattoo siya. Nagkibit-balikat nalang ako at humilig ng maayos sa backrest.

Napatingin ako sa cellphone ng rumehistro ang pangalan ni Kuya Hex. Sa sobrang kaba ko ay agad kong napindot ang reject call button.

Shit! Nag tipa agad ako pero hindi paman natatapos ay tumawag uli si Kuya Hex. Pinakalma ko muna ang sistema ko at huminga ng malalim. Nang maging okay na ang pag hinga ko ay sinagot ko ang tawag niya.

"Kuya?"

"Zac.... Asa.. Who's... You..."

Napangiwi ako ng paputol-putol ang boses niya. Inilayo ko bahagya ang cellphone at tiningnan ang screen.

Kaya naman pala paputol-putol kasi isa lang ang bar sa signal ko. Idinikit ko uli ang cellphone ko sa tenga saka umusog at nag hanap ng signal.

"Kuya, I can't hear you clearly kasi wala akong signal. Anong sabi mo?" pasigaw ko ng sabi.

"Zac.. Lis.. Tell... You... Now.."

"Kuya, choppy talaga." sabi ko at napasimangot lang ng tingnan ang cellphone ko ngayon.

Naputol na ang tawag at na lowbat pa ako! Malas naman!

Napatingin ako sa labas ng bintana at kumunot ang noo ko. Napapalibutan na kasi ng matataas na damo ang paligid at lubak-lubak na ang nadadaanan naming daan.

"Manong Herbert, where are we? Anong lugar 'to?"

I tried to check the door but it was lock! Hindi na ako mapalagay at abot-abot na ang takot na naramdaman ko. Mas lalo pa akong tinayuan ng balahibo sabay ng panlalamig sa kalamnan ko ng makita ko ang ngisi ni Manong Herbert mula sa rear view mirror.

"Huwag kang mag-alala hija, walang masamang mangyayari sa'yo basta makipag-ayos lang sa'kin ang hayop mong ama!" aniya saka humalakhak.

"Manong Herbert... Iuwi niyo na po ako... Saan niyo po ba ako dadalhin?" unti-unti ng namumuo mula sa mga mata ko ang luha.

Ngumisi lang uli si Manong Herbert. Umiyak na ako sa takot. Palinga-linga ako sa paligid pero hindi ko talaga alam ang lugar. Kanina lang ay nasa Almendra pa kami pero matapos kung sumilip kanina at maaliw sa text ni Gabriel ay hindi ko na namalayan na ibang daan na pala ang tinatahak ni Manong Herbert.

Tumigil ang sasakyan at dali-daling bumaba si Manong Herbert. Umusog ako at sumiksik ng buksan niya ang pinto sa likod at sapilitan akong pinalabas.

"Manong Herbert, huwag po! Ano pong gagawin niyo sa'kin?" humahagulgol kong sabi habang nagpupumiglas.

"Halika sabi rito!" sigaw niya sabay hatak sakin ng marahas palabas ng kotse.

"Nasasaktan po ako, Manong Herbert..." walang humpay ang pag-iyak at pagtitili ko.

"Ang tagal mo naman, Herbert! Kanina pa kami naghihintay."

Mas dobleng takot ang naramdaman ko ng makita ang dalawa pang lalaki na papalapit sa'min. Pawang nasa thirthies of forties siguro ang mga edad nila. Parehas din silang mga malalaking tao at puno ng tattoo sa katawan.

"Tulong! Tulongan niyo ako!" panay ang sigaw ko habang nagpupumiglas.

Hinawakan na ako no'ng dalawang lalaki na lumapit kay Manong Herbert samantalang si Manong Herbert ay kumuha ng pakete ng sigarilyo sa likod niya, nag sindi ng isa saka ito hinithit.

"Kahit anong pagsisigaw ang gagawin mo hija, walang makakarinig sa'yo." bulalas ng isa saka tinawanan ako.

"Ang ganda naman pala nito'ng anak ni Antonio. Ako ang mauuna sa kanya!" giit nong isa dahilan para bumuhos lalo ang luha ko.

"Huwag po... Huwag po... Paki-usap.. Wala po akong ginawang masama sa inyo." panay ang pagmamakaawa ko habang panay din ang hila sa'kin ng dalawa papasok sa isang lumang cabin dito sa liblib na gubat na napapalibotan lang ng mga puno at padilim na langit.

"Tang ina mo talaga, Jack! Kahit kailan manyak ka." sabay iling nong isang may hawak sa'kin.

"Akin lang 'tong bihag ngayong gabi." sabay halakhak no'ng manyak na Jack.

"Tarantado! Saka mo na galawin kapag nakuha na natin ang pera." sabi naman ni Manong Herbert o mas mabuting tawagin ko siyang demonyo.

"Lentek naman, oo! Ang kinis at puti kasi. Ito ang mga type ko. Batang bata pa, tiyak virgin pa 'to!" sabi ni Jack saka tiningnan ako ng puno ng pagnanasa.

"Huwag po, please...." panay luha lang ako. Sobrang sakit na ng mga kamay at braso ko dahil sa paghila nila.

"Gago ka. Mag sarili ka muna ngayong gabi. Bukas, kapag nasa sa'tin na ang pera, ibibigay ko 'tong anak ni Antonio sa'yo." sabi ni Herbert.

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Jack saka dinilaan nito ang ibabang labi niya habang nakatitig sa'kin. "Ma swerte ka miss... sa ngayong gabi." aniya at tinakpan ang ilong ko ng panyo.

Naka ilang pumiglas lang ako ng makaramdam ako ng panghihina ng katawan. Parang umikot ang paligid ko sa sobrang hilo hanggang sa tuloyan akong mawalan ng ulirat.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2K 399 50
An Arcella Series Serafina Lysandra Dilaurentis She's an angel amongst her politician roots. Lumaki si Sera sa isang pamilya ng politika. Nakita niya...
33.1K 1.3K 43
Nayumi Kazea Vionice De Villa, an Accountancy student at BDV academy. She is a war freak and a player, but behind those actions, she doesn't have the...
435K 10.3K 36
Zahara Ivy Aguirre has always been in the mood to play the game but not with Phoenix Figueroa. It's all just fun and game but his intense gaze would...
8.5K 486 25
AMOR SERIES # 2 Amor Valiente Anger. Vengeance. And love. Can Maja Victorina fight for her love fearlessly even if the world is against it?