Sweet Prescription

By Im_Vena

1K 52 6

Julia had a crush on their next-door neighbor, Josaiah, ever since elementary. She had planned to reveal her... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8

Kabanata 5

49 5 0
By Im_Vena

Kabanata 5

June 4 2018
Monday, Afternoon,

Ayon sa naresearch ko may iba't-iba daw uri ng letter. Acceptance letter, Acknowledgment letter, Invitation letter at kung ano-ano pang letter. Sa dami nang na-search ko about sa mga letter, wala naman akong natutunan kung paano ba talaga gagawa ng confession letter. Tuloy ay wala man lang magandang pumapasok sa isip ko upang masimulan ko na ang letter na gagawin ko. Gayunpaman sinimulan ko ang lahat sa paghahanap ng magandang papel na pagsusulatan ng letter ko.

"Ano nakahanap ka na?" Agad na tanong sa akin ni Mika na ngayon ay abala sa pagkain niya ng lollipop. Labasan na namin at dito agad kami pumunta sa malapit na tindahan ng ibat-ibang school supplies para humanap nang magandang papel.

"Wala pa nga ihh."

"Sabi ko naman sa'yo iyong intermediate na lang!" pangaral niya sa akin habang iwinawasiwas pa ang lollipop niya. Nginiwian ko na lang siya. Palibhasa wala siyang ka-art-art sa katawan. Tulog yata siya nang magpasabog ng pagiging malikhain.

"Confession letter ko iyon Mika, tapos gusto mo sa intermediate ko ilagay? Nagiisip ka ba?" Nginusuan na lang niya ako at mas piniling ipagpatuloy ang pagkain ng lollipop. Subukan niya namang makipagtalo pa sa akin tiyak na isasalaksak ko sa bunganga niya ang lollipop na kinakain niya.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng magandang papel kaysa ang pansinin pa siya. Marami akong nahalukay pero ni-isa ay walang pumasa sa panlasa ko. Wala ni isa ang nakaagaw ng atensyon ko.

"Ano wala pa rin? Gagabihin na tayo dito Julia, remind ko lang." Sinamaan ko siya nang tingin kaya naman muli niya lang kinain ang lollipop niya.

Teka nga, kanina pa yata niya kinakain 'yon?

"Kanina mo pa 'yan kinakain!"

"Ano ka, pangsampo ko na 'to. Ang tagal mo kasi!" Nangiwi na lang ako sa sinabi niya. Ako pa talaga sinisi niya, siya itong suggest-suggest na ngayon na daw ako bumili ng papel na pagsusulatan para maibigay ko na agad bukas.

Tsk! Magka-diabetes sana siya!

Ipagpapatuloy ko na sana ang paghahanap ko nang maagaw ng isang prescription pad ang paningin ko. Sa pagkakaalala ko ay ganito ang papel na ibinigay ng doctor kay Josaiah bago kami lumabas ng hospital.

Doon na agad bumalik sa isip ko ang nangyari kamakaylan lang.

June 2 2018
Saturday, Morning,

"Josaiah wait!" hiyaw ko. Pero hindi man lang ako nito nilingon. Patuloy lang siya sa paglalakad palabas. Ngayon ang araw kung kailan pinayagan na siya nang doctor na makalabas. Masaya ako pero parang hindi man lang masaya si Josaiah. Kami na lang ngayon ang magkasama mabilis kasi talagang maglakad sila mama. Pero kung titingnan ang sitwasyon namin ngayon. Mukhang mabagal lang talaga akong kumilos at mabibilis sila.

Anong magagawa ko, maliit ang biyas ko!

"Josaiah! May pinabibigay ang doctor sa'yo! Hintay kasi!" Lakad takbo na ako pero hindi ko pa rin siya nahabol. Binilasan ko pa pero doon naman ako nabunggo. Nang mag-angat ako nang tingin doon ko namalayang sa likod pala ni Josaiah ako nabunggo. Doon na ako napangiti ng malawak.

"Hehehe ito oh!" Ikinaway-kaway ko pa ang papel na ibinigay sa akin ng doctor para ihabol.

Hindi ko alam kung bakit tinitigan niya muna ako bago balingan ang hawak ko.

Teka? Hindi kaya may dumi ako sa mukha? May muta? Naman ihh!

Mabilis na kinuha niya ang hawak ko bago ako talikuran. Kinapa ko naman ang mata ko kung may muta nga at nang meron nga ay parang gusto ko na lang lumubog sa lupa.

Nakakahiya ka Julia! Sana man lang tumingin ka muna sa salamin

Hindi ko na natapos pa ang kung anong pinag-i-isip ko nang mamalayang malayo na si Josaiah. "Ay! Josaiah wait!" Mabilis akong tumakbo para habulin siya. Pero hindi ko alam kung mabilis ba talaga siyang maglakad o mas binilisan niya lang para hindi ako makahabol.

Napanguso na lang ako dahil doon. Gayunpaman ako yata si Julia. Never give up ang motto ko sa buhay. Kaya naman bagamat hinihingal na ay hinabol ko pa rin siya. Medyo malaki talaga kasi ang hospital dito sa bayan ng Lemaryo Batangas. Bagamat probinsya ito ay mabilis ang pagunlad ng bayan. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay bigla na lamang itong tawaging Lemaryo City.

Hindi naman ako nabigo at nahabol ko nga siya. Ngayon ay pilit ko siyang sinasabayan sa paglalakad. Habang siya ay nakatitig lang sa papel na hawak niya. Tila ba natutuwa siyang tingnan iyon. Ang mga mata niya ay naguumapaw sa galak na siyang ikinataka ko. Pero natigilan na lang ako nang makitang ngumiti siya. Literal na napatigil ako sa paglalakad. Parang lahat ng bagay sa paligid ay natigil din bagamat hindi naman. Tuluyang nagwala ang puso ko at hindi na ako mapakali.

Gustong-gusto kong magtitili at hindi na ako magtataka kung pulang-pula na ako. Kung posible man na mamula nga ang mukha ko. Hindi naman kasi ako kaputian, 'di rin sobrang itim.

Pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay nakita ko siyang ngumiti. Ito yata ang unang beses na makita ko siyang ngumiti. Noon pa man ay hindi ko naman siya nakitang nag-smile. Kahit naglalaro kami noon ay hindi naman siya ngumiti ni tumatawa. Gayunpaman ay ang gwapo niya pa rin. Ano na lang ang itsura niya kung palagi siyang nakangiti kagaya nito hindi ba? Napakagwapo niyang ngumiti, pakiramdam ko tuloy ay parang sumabog ang puso ko sa ngiti niyang iyon.

Natulala na lang ako at hindi na nakagalaw.

"Ano pang hinihintay mo d'yan?" rinig ko ang boses ni Josaiah. Agad naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Malayo na muli siya sa akin at wala naman na siyang ngiti sa labi subalit na-i-imagine ko pa rin ngayon na tila nginingitian niya ako. Napatanga na lang tuloy ako sa kaniya.

Grabe ang gwapo niya talaga! Ang tindig niya ay talagang mas nakakadagdag ng appeal niya. Ang buhok niya at kahit ang simpleng paglagay niya ng kamay sa kaniyang bulsa.

Ano bang gagawin ko sa'yo Josaiah Lawson?

Nagbalik na lang ako sa katinuan ng makitang nailing siya at tinalukuran na ako.

"Josaiah wait!" Muli ay hinabol ko na lang siya. Mabuti naman at naabutan ko siya bagamat hinihingal-hingal pa.

Palabas na kami ng hospital kaya naman uminit na dahil wala ng aircon. Naroon at nakita na namin si Daddy at Mama na naghihintay sa amin sa isang traysikel na mukhang inupahan nila. Malayo-layo kasi ang bahay namin sa pinaka-bayan.

"Nakita ko 'yon!" nakangiting pagsisimula ko.

Nangunot ang noo ni Josaiah pero ni hindi naman niya ako nilingon. Diretso pa rin siya sa paglalakad.

Kainis ang snobero talaga ng isang 'to!

"Nakita kitang ngumiti sa papel Josaiah!" masaya pa ring pahayag ko bagamat hindi ako nakakakuha ng sagot mula sa kaniya. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya muli ako inimikan.

Julia kaya mo ito, fighting!

"Bakit nginingitian mo ang papel na iyan, Josaiah?" tanong ko na pero wala pa rin siyang sinabi. Tuluyan na kaming nakalapit kina Mama kaya tumigil muna ako sa pagkausap sa kaniya.

"D'yan kayo sa loob dalawa ha! Dito na kami sa labas." Tumango na lang kami sa utos na iyon ni Daddy. Halos kagatin ko pa ang labi ko huwag lang akong mapasigaw ng 'yes' sa tuwa. Actually, napakasaya ko ngayon.

Makakatabi ko siya! Makakatabi ko si Josaiah!

Hindi naman nagtagal at umandar na ang traysikel. Ngali-ngali kong sigawan ang driver na bagalan niya sana para naman matagal-tagal kong makakatabi si Josaiah. Pero hayun nga sa sobrang bilis nitong magpatakbo ay nauuntog na ako.

"Ayos ka lang?" Nabaling ang tingin ko kay Josaiah dahil sa pagtatanong niyang iyon. Hindi ko maiwasang hindi kiligin muli. Ito ang pangalawang beses na tanungin niya kung ayos lang ba ako.

Ibig bang sabihin nito ay concern siya sa akin? Ang saya naman!

"O-Okay lang."

Ano na Julia bakit nauutal ka? Naman!

Sa puntong iyon ay natahimik na muli kami kaya naman para may mapagusapan ay kinausap ko muli siya. Baka sakaling sa puntong iyon ay sagutin niya na ako.

"May joke bang sinulat ang doctor sa papel na iyan kaya ka nangiti kanina?" Sa sinabi kong iyon ay natigilan siya. Muli niya akong nilingon, kayang mas nilawakan ko pa ang pagkakangiti ko.

"Pangalan ng gamot ang inilalagay ng doctor sa prescription pad. 'Wag kang tanga." Napamaang na lang ako sa sinabi niya. Hanggang sa nauwi na lang iyon sa pagnguso.

"Maka-tanga ka naman. Anong alam ko d'yan."

"Magaral ka kasi."

Lalo lang tuloy akong napanguso. "Bakit kasi nginingitian mo 'yan?"

Sa puntong iyon ay hindi na niya ako kinausap pero dahil mapilit ako ay inulit-ulit ko ang tanong ko. Kinulit ko siya nang kinulit. Mukhang nairita naman na siya kaya naman nawalan na siya ng choice kung hindi kausapin ako.

"Gusto kong mag-doctor." Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo lang akong naguluhan.

Anong connect ng prescription pad sa kagustuhan niyang maging doctor? Ano kaya 'yon?

"Hindi ko gets." Napabuntong hininga na lang siya dahil doon. Alam niyang kapag hindi niya ako kinausap ay hindi ko naman siya titigilan. Ngayon pa ba na nasa traysikel kami at magkatabi lang. Hindi niya ako matatakasan.

"Wala ka bang pangarap?" Umiling ako. Wala pa sa isip ko ang bagay na iyon. Muli siyang napabuntong hininga. "Para sa aming may mga pangarap. Makakita lang kami ng bagay na may konekta sa pinapangarap namin ay masaya na kami." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Doon ay parang may isang bagay akong napagtanto.

Ang ibig niya bang sabihin ay parang siya? Kasi ako, kapag nakakakita ako ng mga bagay na may konekta sa kaniya ay masayang-masaya na ako. Ibig bang sabihin niyon ay si Josaiah ang pangarap ko?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti. Tumango-tango na lang ako na tila nauunawaan na ang sinasabi niya.

June 4 2018
Monday, Afternoon

"Ano naman gagawin mo sa prescription pad na iyan? 'Wag mong sabihing iyan ang susulatan mo ng confession letter mo?"

Kalalabas lang namin sa store na pinanggalingan namin. Napagdesisyonan kong bilhin na lang ang prescription pad na ito. Hindi ko na inisip pa kung paanong nagkaroon ng ganon doon. Basta ay binili ko na lang iyon. Naisip ko kasi na mas matutuwa si Josaiah kung ito ang susulatan ko. Nginitian ko na lang si Mika.

"Seryoso ka? D'yan talaga?" Doon ay tuluyan na akong tumawa.

Sabay sana kaming uuwi ni Mika gamit ang mga bike namin na ipinarada namin sa harapan ng store. Malas ko lang talaga at nanakaw pa ang upuan ng bike ko kaya naman napilitan akong maglakad habang hila ang bike. At dahil bestfriend goals kami ni Mika ay sinabayan na lang niya ako.

Nakakainis talaga! Ano naman kaya ang gagawin nang magnanakaw na iyon sa upuan ng bike ko?

Para mawala ang inis ay nagkwentuhan na lang kami ni Mika ng mga bagay-bagay. Na-ikwento ko sa kaniya ang nangyari sa hospital habang siya ay umamin na nalulungkot siya ngayon.

Paano ba naman kasi sa ibang school pumasok si Edward. Actually, hindi naman niya crush iyon, kaibigan din namin. Pero kasi si Mika iyong taong medyo bossy, palagi niyang inuutusan si Edward. Mukha tuloy binu-bully niya ito. Pero alam ko naman na hindi ganon iyon. Kaibigan talaga ang turing ni Mika kay Edward. Minsan nga ay naiisip ko din na baka 'di lang napapansin ni Mika na gusto niya na talaga si Edward.

Nagkibit-balikat na lang ako.

~•~

Inis na nagusumot ko ang prescription paper nang hindi ko magustuhan ang isinulat ko. Nakakailan na rin ako at natatakot na akong maubos lahat iyon. Gayunpaman ay talagang puspusan kong pinapaganda iyon. Pamula sa lettering hanggang sa pinaka-letter talaga. Pero in the end ay hindi pa rin talaga ako nakukuntento. Para bang may mali.

Pilit ko iyong inisip nang inisip pero walang nangyari.

"Ano ba 'yan bosh, ang kalat na ng mga reseta na iyan. Bakit mo ba kasi pinagkakasya d'yan ang kung ano man 'yang sinusulat mo? Pangalan ng gamot ang nilalagay d'yan!" reklamo ni Ate Vena na ngayon ay nakalupagi sa sahig at gumagawa ng report niya sa malaking manila paper. Inis ko sana siyang bubulyawan nang manlaki na lang ang mata ko sa napagtanto. Tama siya pangalan nang gamot dapat ang isinusulat ko.

"Waaah! Salamat Ate! I love you na!" Tuluyan ko na siyang nadaganan at niyakap sa sobrang tuwa ko.

"Ano ba! Ang gulo mo! 'Wag ngayon Julia, may ginagawa ang ate!" Tawang-tawa na lang akong umalis sa likod niya at muling bumalik sa kama para magsulat muli.

_____________________________________

Date: June 5 2018

Name: Josaiah Lawson
Sex: Male
Age: 13

RX
        (1.) Yakapsul from me.
              Apply every minute!

        (2.) Kisspirin from me.
               Take 2x 1 day X forever

Reminder: I like you Josaiah. Gusto talaga kita matagal na. Hindi ito joke, seryoso ako.

P/s: Huwag mong kakalimutang alalahanin bawat segundo.

______________________________________

Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilang mapangiti. Bukas na bukas ay ibibigay ko ito sa kaniya.

Aagahan ko talaga ng gising!

Ang iba't-ibang klase nang letter ay may binabagayang papel na pagsusulatan. Pero minsan mas nagiging espisyal ang sulat kung mas pinagiisipan ang susulatan lalo na ang nilalaman. Hindi mahalaga kung maikli o mahaba ang isusulat mo. Hindi rin mahalaga kung maganda ba ang sulat mo o hindi. Ang mahalaga ay totoo ang isinulat mo at walang halong panloloko.

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

139K 6.5K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
61K 712 40
Kit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. ...