3rd Person's POV
Filipinas 1797
"Ama, maaari mo ba akong pahintulutan na samahan si Lucinda malapit sa daungan ng barko?" wika ng isang dalaga sa kanyang ama.
"Maaari ko bang malaman kung ano ang sumagi sa isipan ng aking Unica Hija at bakit nais umalis ng aking pinakamamahal na anak?" wika ng kanyang ama gamit ang paglalambing na boses.
Kasalukuyan itong abala sa pagsusulat at pag-aasikaso ng mga papeles.
Marahil sa sobrang pagod na ng kaniyang ama ay nakita't napagtanto nito na dapat niya itong kumustahin.
Ang kanyang ama ay isang abogado. Matangkad, sakto lamang ang kanyang kutis hindi maitim ngunit hindi rin maputi, may bigote ngunit hindi gaanong pansin dahil sa angking kagwapuhan noong kabataan pa nito hanggang ngayon. Maganda ang tindig at kaibig-ibig sa kabila ng kanyang edad. Subalit hindi na ito nag-asawa sa kabila ng pangungulila sa kaniyang asawa.
"Ama, ibig mo bang mamasyal kasama ako sa susunod na linggo?" napagtanto kasi ng dalaga na kahit mahirap ang ginagawa ng kanyang ama ay hindi ito nagkulang sa pag-aaruga at pagmamahal sa kanya.
"Oo naman.. para sa aking Anak" ngumiti lang ito sabay tinugon ang pag-aasikaso sa iba pang mga papeles.
Habang abala ang kanyang ama sa pag-aasikaso ng iba pang gamit, hindi na nag-atubili ang dalaga na tumingin sa iba pang mga papeles habang abala pa ang ama nito.
'Amandro Dela Fuente'.
Ito ang pangalan ng kanyang ama. Kaibig-ibig na pangalan kaya't madaling inibig ng kanyang Ina.
Ipinagkasundo sila ng kanilang magulang na kapwa may kakayahan sa buhay. Noong una ay tutol pa ang mga ito ngunit di kalaunan ay naging madali nalang ito para sa kanila. Sila'y nagmahala't nakabuo ng dalawang supling.
Ipinangalang Julio ang kanilang panganay na hango sa pangalan ng kanyang Ina na si 'Julia Dela Fuente' at sumunod naman ay si Amara na bunso sa magkakapatid hinango ito sa kanyang pangalan sa kaniyang ama na si Amandro.
"Ama, mauuna na po ako." Akmang aalis na ito sa silid ng kanyang ama nang sumagot agad ito sa kanya.
"Mag-iingat ka anak. Bumalik ka rito bago magtakip-silim. Ipapasama na kita kay Mario at Mateo." wika nito.
Niyakap ng dalaga ang kaniyang ama at ngumiti ito pabalik. Umalis na ang dalaga sa silid at nag-ayos ng kaniyang sarili.
Kapakuwa'y umalis na rin ito kasama sina Mario at Mateo.
Isa sina Mario at Mateo sa mga tapat na kasamahan ng kanyang ama at mahigit limang taon na rin ang paninilbihan nito sa kanilang tahanan. Panganay sa magkakapatid si Mario at kasunod naman nito ay si Mateo. Hindi nagkakalayo ang mga edad nito sa isa't-isa at pawang kasing-edad lamang ito ng kanyang kuya Julio na nasa maynila at nag-aaral ng medisina.
Mahigit tatlumpung-minuto rin ang naging biyahe nila bago makarating sa daungan ng mga barko sa maynila.
Matapos nito ay nakita ng dalaga ang kanyang kaibigan na si Lucinda at bumaba ito sa kalesa. Agad na nagsabi ang dalaga kina Mario at Mateo na mag-antay na lamang ng ilang oras.
Habang papalapit ito sa kanyang kaibigan ay natanaw ng dalaga ang barkong papaalis na. Senyales na kanina pa ito nakadaong sa pantalan bitbit ang maraming nagsibabaang mga pasahero. Marahil galing ito sa ibang lugar.
Hindi na natuloy ang kanyang pag-iisip dahil tinawag na siya ng kaibigan nito.
Puno naman ng pagtataka ito dahil may kasama na itong lalaki sa kanyang tabi.
'Maganda ang tindig at mestizo kung inaakala. Maputi at may halo itong dugong Kastila. Hindi na nakapagtataka at natipuhan agad ito ni Lucinda.' Ito ang napansin ni Amara.
"Magandang araw sa inyo" bati ng dalaga para sa kanyang kaibigan. Sabay inusisa ang lalaking mestizo.
Agad namang ngumiti ang kanyang kaibigan sa kanya at mukhang 'di na makapag-antay kung kaya'y nagsalita na ito.
"Bueno, marahil nandito ka na Amara. Maaari mo ba kaming samahan ni Roberto sa panciteria?" tumango naman ang kanyang kaibigan.
Sabay pumunta ang magkaibigan kasama si Roberto. Hindi alintana ng dalaga na kanina pa sumusulyap ang binata sa kaniya. Nakakaramdam din siya at naiinis na subalit hindi na niya ito pinapahalata. Matapos silang umupo sa panciteria, ay agad na itong nagtanong.
"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan Ginoo?" wika nito ng walang pag-aalinlangan. Agad namang nagulat ang magkapatid lalong lalo na si Roberto.
Agad namang sumagot si Lucinda sa kanyang kaibigan.
"Amara, siya ang nakababata kong kapatid. Siya ang batang sinasabi ko sayo noong nasa ilog pa tayo! Siya yung batang muntik nang malunod. Mabuti na lamang at agad itong nakita ni Ama kung kaya'y nakaligtas siya. Naaalala mo pa ba?" wika niya sa kanyang kaibigan.
Napagtanto naman dalaga na totoo ang sinasabi ng kanyang kaibigan dahil naalala niya ang pangyayaring iyon, kung kaya'y agad siyang humingi ng paumanhin sa binata. Nadala lamang ito ng inis dahil ayaw niya na tinititigan siya nito.
"Paumanhin sa ginawa ko ginoong—"
"Roberto" wika ng binata.
Pagkatapos ng pagkakakilala ay agad na silang nagkwentuhan at kumain sa panciteria. Subalit todo sulyap pa rin ang binata sa kaniya. Hindi niya na lamang pinahalata ang inis na nararamdaman sa kaloob-looban para kay Lucinda na kaniyang kaibigan.
Hindi na nila namalayan na malapit ng mag-dapit hapon. Naalala pala ni Amara na may nag-aantay sa kanya sina Mario at Mateo.
"Mauuna na ako sa inyo, Lucinda at Roberto. Salamat, dahil nakita ko ulit kayo, hanggang sa muli." Agad namang namaalam ang dalaga sa magkapatid. Sumulyap ulit siya sa magkapatid at kitang napapangiti naman ang binata sa pag-alis ng dalaga.
Tila walang pinagbago ang pagka-inis nito sa ginagawa ng binata subalit nawala lamang ito nang maalala niya ang mga tauhan ng kaniyang ama.
'Nakalimutan ko nga! Nakakainis ka Amara!' saad ng kanyang isip.
Nahihiya siya't tiyak na mapapagalitan ito ng kaniyang ama pagkauwi.
Sa paghahanap ni Amara kina Mario at Mateo ay nakaramdam din siya ng pagkapagod..
Napatingin siya sa malapit sa daungan ng mga barko. Kitang-kita ang mala-kulay kahel at bughaw na kulay na mga ulap na nag-aagaw buhay. Sandali siyang napatulala sa kalangitan. Iniisip kung ano ba ng magagawa niya para sa kinabukasan.
Pumikit siya at dinama ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang balat.
'Kung ano man ang mangyayari bukas, nawa'y maging payapa at tahimik na ang aming buhay.'
Agad na bumalik ang kanyang katinuan nang marinig niya ang sigaw habang papalapit sa kanya ang kanilang tauhan.
"Binibini! Binibining... Amara!" hingal na hingal si Mateo.
Kasabay nito ang pagtataka sa itsura ng dalaga't hindi na rin napigilan nito ang pagsiyasat sa kaniyang tauhan.
"B-Bakit Mateo?" Tanong ng dalaga na may halong pagdududa sa mukha ng kanyang kasama.
"Si Se-ñor Amandro! A--ng inyong ama ay nadawit.. ss-sa.. pag-aakalang siya'y kasama-aa.. sa mga tulisan!" wika nito na halos hindi mapalagay at naghahabol ng kanyang hininga.
Hindi agad umimik ang dalaga at sandaling tumigil ang takbo ng kanyang paligid.
'Hindi. Hindi maaari. Hindi ito maaari!'
"Bi-Binibini?"
Biglang bumalik ito sa katinuan. Sandali niyang pinagmasdan si Mateo at napagtanto na kailangan siya ng kaniyang ama.
"Nasaan si A-Ama?" wika nito na kinokontrol ang kanyang damdamin.
"Nasa tahanan niyo po ngunit kinukuha na rin po siya ng mga guardia sibil" wika ni Mateo ng may pag-aalala.
"Hinahanap ka na po n-niya." dagdag nito.
Agad namang nagmadali ang binibini at sumakay sa kalesa. Inabot na sila ng takip-silim. Pilit na hindi mag-alala ang dalaga para sa kanyang ama ngunit hindi nito mapigilang mag-alala na mangyayari sa kanyang ama.
'Hindi, hindi, mali itong naiisip ko.'
Kapagkuwa'y nadatnan na nila ang kanilang tahanan. Nandoon na mismo ang mga guardia sibil na nagbabantay. Agad siyang tumakbo sa kanilang tahanan subalit hinarangan na agad siya ng mga guardia.
Ilang sandali lamang ay nadatnan na niya ang kanyang ama na kasama ang mga guardia sibil. Namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak.
Hindi na rin napigilan ng dalaga ang mapaluha. Subalit wala man lamang lumabas sa kaniyang bibig. Tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita't nasasaksihan.
Muling tumingin ang dalaga sa kanyang ama.
Kitang-kita sa mga mata ang mensahe na nais iparating ng kaniyang ama.
'Lilipas din ito anak. Huwag kang mag-alala, hindi totoo ang pinaparatang nila sa akin. Mag-iingat ka anak. Mag-iingat kayo ng kuya mo. Mahal na mahal ko kayo.'
Sa mga sandaling iyon, ay hinila na siya ng mga guardia dala ng kalesa papunta sa bilangguan sa Fort Santiago.
Hindi makapaniwala ang dalaga sa mga nangyari.
Agad siyang umakyat at dumiretso sa kanyang silid. Umiyak siya ng umiyak. Hindi na niya pinansin ang ibang tao na nadaanan niya.
Gusto niyang ipilit na bumalik ang ama subalit wala siyang magawa. Kung manlalaban lamang siya ay tiyak na mapapasama pa ito. Hindi niya gugustuhin iyon sapagkat kailangan niya pang humanap ng paraan.
Bago siya matulog, ay pinangako niya sa sarili niya na gagawa siya ng paraan upang mailigtas ang kaniyang ama.
Sa kabila ng kaniyang pinagdadaan, ay hindi siya nawawalan ng pag-asa at tanging kinakapitan niya ang mangyayari sa kinabukasan.
"Mahal kong ama, huwag kayong mag-alala sa akin. Gagawa ako ng paraan upang makalabas kayo sa rehas na hindi niyo naman dapat idadanas. Kapit lang ama. Magpapatulong ako kay kuya Julio. Gagawin ko ang lahat para sa'yo Ama.
Ang iyong anak,
Amara