STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 22

28.9K 746 125
By Missflorendo

Kabanata 22

God knows how much I wanted to crash my fist on every men's faces every time I hear them say foul words against women. I fucking hate them for looking down on us just because they possess power and capability to do so.

Kailanman ay hindi naging pamantayan ang gwapong itsura upang magkaroon ng pribelehiyong manlamang ng babae. Nakakasuka ang mga lalakeng may ganitong klase ng utak—lalo iyong mga may sinasabi pa sa lipunan.

Kaya naman hindi ko talaga napigilan ang sarili ko kaninang makagamit ng dahas. Alam kong hindi ako ang klase ng tao na dinaraan sa pisikalan ang mga bagay ngunit kung katulad siguro ni Pablo Vasquez ang muling makakaharap ko, I won't mind doing it again.

Assholes deserve the worst treatment. Fuck those abusive people.

Isinandal ko ang likod ko sa napakalambot na couch na kinauupuan ko habang ang mga paa ko ay nakataas sa isang small cushioned stool. Ginalaw galaw ko ang isang paa ko habang pilit na tinatapos ang pagta-type sa script na kailangan kong ipasa by 6pm. Nag baka sakali akong baka nangalay lang ito o kaya naman ay nabigla sa ginawa kong pagsipa kanina. Ang tigas kasi ng mukha ng Pablo na 'yon!

Napabalikwas ako nang may dumamping malamig na bagay sa masakit kong paa at nakita ko si Sam na nakaluhod ang isang tuhod sa harapan ko. May hawak siyang ice pack at marahang dinadampian iyong masakit na parte nito. Parang matutunaw tuloy ang puso ko sa pagmamasid sa kanya.

Oh god.

Now I'm really scared I might fall hard for him.

"You shouldn't have done that," he said in a very low baritone voice. His eyes were still focused on my sprained ankle.

"He deserve a good kick in the face at wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko." Nag-angat siya ng tingin na tila hindi nagustuhan ang sinagot ko.

"Paano kung ginantihan ka niya? Anong laban mo sa isang lalake?" Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa paa ko. Ngunit imbes na matakot akong sumagot ay tila kabaligtaran ang natanggap na mensahe ng utak ko.

Naglaro ang mga nakakalokong ngiti sa labi ko.

"Nag-worry ka ba sa 'kin, Fyuch? Yieee concern siya sa 'kin!" tukso ko pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo ngayon, Portia. Masyado kang nagpapadalos dalos ng kilos. Mag-isip ka naman minsan." Kalmado ngunit batid ko ang irita sa kanya.

Nawala ang ngisi ko. Ganoon ba ang tingin niya sa ginawa ko? Na hindi ko ginamitan ng pag-iisip?

"Para sa 'kin hindi padalos dalos 'yon. The moment I heard those words coming out from Pablo's dirty mouth, there's no need for me to think twice of what I should do next," giit ko.

"Paano kung sinaktan ka niya?"

Napaismid ako. "Tingin mo ba hahayaan kong saktan ako ng gagong 'yon? Don't underestimate me, Atty. Smith. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Ano na lang ang silbi martial arts skills ko kung hindi ko ito magagamit sa mga katulad ni Pablo Vasquez? Ngayon ko naiintindihan si Daddy kung bakit pinilit niya 'ko noong mag-aral ng self-defense. Actually lahat naman kaming magpipinsan ay dumaan sa ganoong pag-aaral simula pagkabata pa lang. Paborito kong sipain sa mukha noon sina Mona at Lyra!

Marahil ay batid ng mga magulang namin kung gaano ka-delikado ang mundo—lalo na para sa mga babae.

Tinignan ko si Fyuch na mukhang hindi pa tapos mag-sermon. Kinuha ko ang earphones ko sa bag at sinalpak sa magkabilang tenga ko. Pinakita ko sa kanya kung papaano ko itinodo ang volume ng music sa phone ko bago ko ibinalik ang atensyon sa pagtatapos sa sinusulat ko.

Sorry, Fyuch. Kahit crush kita, I don't think I would agree on your point of view. Nakakainis lang kase. Parang porket babae ako wala na 'kong karapatang ipagtanggol ang sarili ko sa isang lalake. Ano naman kung mas malakas siya? Rason ba 'yon para hayaan kong mabastos ako?

Hell, no.

Pagkapasa ko sa script ko, nilagay ko agad sa backpack ang laptop at iba pang mga gamit kong nakalabas. Hinanap ko sa paligid si Fyuch para ayain na siyang umuwi kaso wala naman. Na-hurt kaya siya sa inasal ko kanina? Huhu.

I know he doesn't mean to belittle me, but I was just a little sensitive earlier, okay? I was mad! Pero ngayon miss ko na siya. Huhu. Saan na kaya 'yon?

Tumayo ako at nagulat na hindi na masyadong masakit ang paa ko. Napaka-talented naman talaga ng bb ko, fit na fit siya sa kahit anong profession! Pero swear mas fit pa rin siyang maging future husband ko. Hihi.

"Fyuch?" Nilibot ko ang buong VIP lounge na pinagpahingahan namin. Nang hindi ko siya nahanap ay lumabas ako at saktong may nakabantay sa labas na dalawang lalake.

Parang hindi ko nakita 'tong mga 'to kanina ah?

Napalunok ako nang lingunin ako ng mga ito. Dumapo ang mga mata ko sa parehong tagiliran nila saka ako ngumiti ng malapad. May baril kasi e!

"Hi, po. Hehe." I waved my two hands in front of them.

"May kailangan po kayo, Madam?" sabay na tanong ng mga ito at yumuko pa.

"Ayy maka-madam naman kayo mga Kuys bata pa 'ko!" Pabiro ko silang hinampas pareho sa braso. "Si Sam? Nakita niyo po?"

Tumuwid ang mga ito ng tayo.

"Bilin po ng Young Master na dalhin kayo sa kinaroronan niya pagkatapos niyong magtrabaho." Pormal na sagot nito sa 'kin. Natanga pa 'ko sandali sa kanila at napaisip kung gaano ba talaga kalawak ang yaman ng pamilya ni Fyuch para makaramdam ako ng ganitong kaba?

Hindi naman kase pala-kwento si Adara tungkol sa yaman ng pamilya ng asawa niya. Ang alam ko lang ay pagmamay-ari ng mga ito ang Smith Corporation na isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Other than that, wala na akong ideya. Isa pa ay hindi rin naman ako interesadong malaman ang tungkol sa yaman nila. Di bale sana kung dito ako pinagkasundong ipakasal ni Daddy. Char!

Kinuha ko ang backpack ko sa loob. Paglabas ko ay kinuha naman ito sa 'kin ni Kuya at ito ang nagbitbit. Hala parang elementary student lang, may tagabitbit ng bag! Hehe.

Habang naglalakad kami ay pakiramdam ko ako si Geum Jan Di na dinadala ng mga alagad ng Shinhwa Group patungo kay Goo Jun Pyo. Kase naman may pa-bodyguards pang ganito!

Dinala nila 'ko sa isang restaurant dito lang din sa loob ng hotel, higher floor nga lang. Muntik nang mangawit ang panga ko sa tagal kong nakanganga habang pinagmamasdan kung gaano ka-elegante ang lugar na ito. Oh my gosh nakakatakot namang maglikot dito at baka may matamaan akong mamahaling bagay! Errr.

Kinausap agad ng isa sa mga kasama ko iyong babaeng nasa front desk at iginiya kami nito papunta sa isang private room. Pinagbuksan nila ako ng pinto at pagpasok ko ay narito nga si Fyuch. Nakatalikod ito at nakapamulsang tinatanaw ang labas mula sa napakataas naming kinaroroonan.

"Fyuch!" tumakbo agad ako palapit sa kanya. Parang nakahinga ako ng maluwag nang makalayo ako doon sa dalawang mukhang miyembro ng mafia group. Huhu. "Bakit mo naman ako iniwan doon sa lounge? Tapos may mga pabantay pa na may mga baril!" reklamong tanong ko pero mahina lang dahil baka marinig ako nung dalawa.

Hindi niya pinansin ang mga tanong ko. Tumingin siya roon sa dalawa at kahit walang mga salitang lumabas mula sa bibig niya, kusang kumilos ang mga ito na ibinaba ang bag ko sa upuan. Yumukong nagbigay galang ang mga ito bago tuluyang lumabas.

Sumunod ako kay Fyuch na tumungo sa pabilog na lamesa na napupuno ng masasarap na pagkain.

"Let's eat," tipid na aniya. Nakanguso akong sumunod at pinanghila niya 'ko ng upuan bago siya umikot paupo sa tapat ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Dim light lang na nagmumula sa chandelier ang nagbibigay liwanag sa amin. Napatingin ako sa wine na inilapag ng waiter sa aming lamesa at hindi ako pwedeng magkamali! Alam kong sobrang mamahalin nitong bote na 'to dahil mahilig mangolekta si Daddy ng wines at isa ito sa mga paborito niya!

My goodness, magpo-propose na ba si Fyuch? Gosh 'di ako na-inform! Char.

Pinanood ko siyang hiwain iyong steak sa pinggan niya at feeling ko gumanda ako lalo nang ipalit niya ito sa pinggan ko.

"Thank you, bb! You're so sweet." Malandi akong ngumisi na dinedma lang ulit niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Are we having a lovers quarrel here?"

Sinamaan niya 'ko lalo ng tingin.

"Ay wow galit nga." Ang sama talagang makatingin! "Alam mo sabi nila, kapag kumain ka raw ng nakasimangot hindi ka matutunawan at sasakit pa ang tiyan mo." Kinuha ko ang baso ng tubig sa tabi ko at tinignan ko ang reaksyon niya habang iniinom ito.

"I'm not a kid to believe that," masungit na sagot niya.

Nag-sad face ako sa harapan niya.

"Di mo na 'ko lab, Fyuch?" paawang tanong ko. Mukha na naman siyang nagulat dahil sa bahagyang panlalaki ng kanyang medyo singkit na mata.

Ang cute cute kainis! Napaka inosente ng itsura! Nakabawi naman agad siya sa gulat niya at muling tumaas ang kanyang kilay.

"I don't lab you. You're not a damn laboratory, Portia." Nabitawan ko ang hawak kong tinidor.

"Ugh kakainis ka! Di maka-appreciate ng pickup line!" Inis kong inabot ulit ang baso ko.

"It's okay, don't worry. We still have chemistry."

Muntik lumabas sa ilong ko 'yong tubig na iniinom ko sana. Mabilis kong dinampot ulit ang tinidor ko at tinapat sa kanya.

"Ganyan dapat! Yan ang gusto ko rumeresbak!" Napuno ng mga halakhak ko ang buong lugar. Napaiiling akong tumingin sa kanya. "Oh my God! You really got me there!" Itinaas ko ang wine glass ko at umiirap naman niyang ibinangga ang kanya rito.

"I'm still not okay with what you did. Promise me you won't do it again."

"Kahit bastusin ako ng harapan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Of course not! I just want you to think of your every move. Do not be led by anger if you want to win a fight."

"Okay pooo. Pero maniwala ka, I can handle myself. Kahit gumanti pa 'yonG Pablo na 'yon kaya ko siyang labanan!" pagyayabang ko.

He arched a brow. "You know self-defense, huh?"

I smirked. "I am more than just an eye candy...trust me." I winked.

Tumango tango siya at medyo nangingiti na. "Good to hear that. Wag ka lang magpapakita sa 'kin ng may galos kundi malalagot ka."

Sumaludo ako nang may malapad na ngiti.

"Aye, aye! Captain!"

"I'm not your Captain."

Nanlaki ang mga mata ko. "Si Captain sa SpongeBob tinutukoy ko oi!"

"Whatever. Finish your food."

Nakangisi akong nagpatuloy sa pagkain ngunit nang tumunog ang phone ko para sa isang anunsyong opisyal nang nagsara ang botohan, nagsimula na akong hindi mapakali. Nakakakaba at nakakatakot lang kase na nagtapos na ang demokratikong pagpipili ng mga bagong lider na sa ngayon ay hindi pa namin tiyak kung nararapat ba talaga sa kanilang mga posisyon.

"You look uneasy," puna ni Sam kaya napatuwid ako ng upo.

"Hehe. Kinakabahan lang kasi ako magiging resulta ng botohan." Nilabas ko ang cellphone ko at pinanood ang aming live broadcast ng evening news. I refused to monitor the vote counting, but now I'm getting bothered for not doing it. I still tried asking one of my insider source to provide me details as soon as they have finalized it.

Agad akong napatingin kay Sam nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Kinuha niya iyong cellphone ko na nakasandal sa vase at inilayo sa 'kin.

"Mamaya na ang trabaho at kumain ka muna. You're thinking too much." Tinapik niya ang ibabaw ng kamay ko bago ito nilubayan.

"Sorry, did I bother you?" Alangan akong ngumiti bago muling kinuha ang aking kubyertos para magpatuloy sa pagkain.

"Whoever wins in this election, it's the people who decided to sit them."

"Are you not worried? Paano kung hindi karapat dapat 'yung mga mananalo? Kawawa na naman ang bansa natin." Malungkot akong napailing.

"Then the people have to face the consequences of their action."

"And majority of the people who would suffer from this were the poorest of the poor." Tumalim ang tingin ko sa aking pagkain. Lagi naman kasing iyong mga nasa pinaka-ibaba ang lalong mas natatabunan.

"Baka hindi ka matunawan niyan at sumakit ang tiyan mo?" Pinakatitigan ni Sam ang mukha ko and I gave him a questioning look. "Sinabi mo 'yan kanina kapag kumain ka ng nakasimangot."

"You told me you don't believe it."

"I think I might believe it now." Wow ang bilis magbago ng isip!

Tinapos namin ang pagkain nang hindi na muling pinag-usapan pa ang tungkol sa pulitika. Nang pauwi na ay inaya ko pa siyang uminom dahil baka magtrabaho lang ulit ako kapag bumalik ng condo. So dumaan kami sa convenience store para bumili ng beer bago tumuloy ng Batangas.

Yes, we're going to Batangas! Nakakatuwa lang na ang bilis hatakin sa galaan nitong bb ko.

"Libre ko na 'to dahil sinamahan mo 'ko maghapon. May dadagdag ka pa ba?" Naglagay ako ng ilang mga chichirya sa dala niyang mini cart.

"Chocolates are great stress reliever. You should try it."

Nakataas ang kilay ko siyang nilingon.

"But you are my stress reliever. You should try me too malay mo mas effective ako sa chocolates mo." Kinindatan ko siya at tumatawa akong pumunta sa cashier.

Hanggang sa pagbalik namin sa sasakyan ay hindi ko pa rin maalis ang ngisi sa mukha ko. Inabot sa 'kin ni Sam ang phone kong hawak pala niya kanina pa at nagri-ring na ngayon.

Kairo's calling...

"Oh, baket?" barumbadong bungad ko.

[Nasaan ka?]

"Err...papuntang Batangas. Bakit ba?"

[That's better. Wag ka munang umuwi ngayon dito at tawagan mo muna ko bago ka bumalik bukas.]

"Bakit? May babae kang iuuwi sa unit, 'no?!"

[Sira wala. Nagpunta rito si Tito. Nalaman yata niyang dito ka tumutuloy at kanina pa maraming nakabantay sa paligid ng building.]

"What? Paano niya nalaman? Tayong magpipinsan lang ang may alam na d'yan ako nakatira!"

[Alam ko. Nakausap ko na 'yung tatlo at wala naman ni isa sa kanila ang naglaglag sa 'yo kay Tito.]

Naguluhan ako lalo sa sitwasyon dahil feeling ko dapat nga'y ikatuwa pa ni Daddy kapag malaman niyang kay Kairo lang ako nakatira.

"Mukha ba siyang galit?" nakangiwing tanong ko. May konting takot pa naman ako sa Daddy ko 'no.

[Galit na galit. Ano na naman bang ginawa mo?]

"Aba malay ko! Kasalanan ko agad?!"

[Okay fine, susubukan kong alamin. Sa ngayon 'wag ka munang uuwi dito. Sino pa lang kasama mo?] Saglit akong natigilan at hindi nakasagot. Napasulyap ako kay Fyuch na ngayo'y nakatingin din sa 'kin. [I don't think I need to hear who's with you.] tumatawa nitong pinutol ang tawag.

"May problema ba?" tanong agad ni Fyuch at binuhay ang makina ng sasakyan.

"Yata? Di ko sure e. Basta 'wag muna raw akong uuwi ngayon." I should be happy dahil makakasama ko si Fyuch kaso may parte sa 'kin na nababagabag kung anong nangyayari.

Kagat ang ibabang labi ko, chineck ko ang mga missed calls ni Daddy na natambak na pala kanina pa. I was just busy earlier kaya hindi ko nasasagot. Pero ngayong alam kong hinahanap niya 'ko sa condo ni Kairo, medyo kinabahan na ako. Hindi ko pa sigurado ngayon kung bakit, pero mukhang masama ang kutob ko.

Napatingin ulit ako sa screen ng phone ko kung saan muling nag-flash ang pangalan ni Dad.

"Let's just go back. That must be important." Nakanguso akong bumaling kay Sam.

"Sorry, Fyuch ha?" Ako itong nag-aya tapos ako din 'tong umaatras.

He smiled. "Okay lang. Maraming pa namang susunod." Literal na pumalakpak ang magkabilang tenga ko sa sinabi niya! Siguradong paghahandaan ko ang maraming susunod na 'yan!

"Kaso sabi ni Kairo hindi muna ako pwedeng umuwi." Humarap ako sa kanya at saka nag-beautiful eyes.

"You can stay at my unit after checking what's going on." Yes!!

Nag-U turn siya pabalik sa way namin pauwi sa condo. Pangiti ngiti pa 'ko habang pauwi kami ngunit nang malapit na kami at natanaw ko na iyong mga hilera ng anim na sasakyan sa tapat ng building, napawi na ang tuwa sa mukha ko.

Tinext ko agad si Kairo na hindi na 'kami tumuloy sa Batangas at sa unit ni Fyuch ako mags-stay. Hindi naman siya umangal basta't sinabihan niya 'kong huwag lalabas labas. Pero kailangan ko munang problemahin ngayon kung papaano ako makakapasok nang hindi nila nahuhuli.

"Mga tauhan 'yan ni Daddy. Siguradong huhulihin nila ako sa oras na makita nilang akong pumasok ngayon." Kunot noo kong pinagmasdan ang mga lalakeng nasa labas habang nag-iisip kung paano ko mapupuslitan ang mga ito.

Hindi inabala ni Fyuch ang sarili sa mga nakapaligid na bantay. Nagulat ako nang dere-deretso siyang nagmaneho paakyat sa parking. Akala ko ay lulusot na kami pero nang tumapat na kami sa checking ng ID, mayroong isa mula roon sa mga tauhan ni Daddy ang nakatayo sa gilid at kasama sa nag-iinspeksyon.

Akmang titignan na nito ang loob ng aming sasakyan, nabigla ako nang kabigin ako ni Fyuch sa batok. Nahigit ko ang hininga ko sa pag-aakalang dadampi ang mga labi niya sa labi kong gahibla na lamang ang distansya.

He turned his eyes to the road without minding about our current position. Nang makalayo na kami ay saka lamang siya bumitaw at tila noon ko lamang din naramdaman na kailangan ko pa lang huminga.

Tulala ako hanggang sa pagsakay namin sa elevator. Ni hindi ko nga rin agad napansin na hawak pala niya ang kamay ko. Nag-iwas ako ng tingin para itago ang pagwawala ng puso ko.

Jusko po, hinay hinay lang baka ma-heart attack ako! Huhu.

Papasara na ang pinto ng elevator nang may biglang kamay na pumigil dito. Nawala ang ngiti ko nang palibutan ako ng mga tauhan ni Daddy na pinagsikapan naming lampasan. Shit.

"Kailangan mong sumama sa amin sa Mansyon. Hinihintay ka ni Chairman ngayong gabi mismo."

"Anong gagawin niyo kung ayokong sumama?"

"Alam mo kung anong gagawin namin sa 'yo kapag hindi ka sumama."

Inis kong kinagat ang ibabang labi ko kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Fyuch. Sinulyapan ko siya at seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa tatlong lalaking sumama sa amin sa papaakyat na elevator.

Alam ko ang kakayahan ng mga kupal na 'to pagdating sa pakikipaglaban. Hindi magpapadala ng mga tao ang ama ko na alam niyang kaya kong talunin at takasan. Kaya nang bumukas ang elevator at hatakin ako palabas ni Sam, hindi ako sumunod. Tipid akong ngumiti habang at dahan dahang kinalas ang kamay ko mula sa kanya. Kunot noo siyang tumingin sa 'kin.

"Portia, hindi ka sasama sa kanila."

"Babalik din ako agad." Nilapitan ko siya at binulungan sa tenga. "Magaling sa martial arts 'tong mga 'to. Mahirap na baka magasgasan ang mga mukha natin lugi tayo ang papanget nila." I gave him an assurance smile before I went back inside the elevator and the door gradually closed.

Blangko ang mukha kong sumunod sa tatlong kupal na may mga kasama pang naghihintay sa 'kin sa labas. Wow, talagang walang balak na patakasin ako ng ama ko ngayong gabi. Nangangati lalo ang utak ko kakaisip kung bakit niya ginagawa ito.

Dumating kami sa Mansyon na ang nakangising si Allyson ang nag-aabang sa 'kin. Napakabilis talagang basahin ng mukha ng babaeng 'to. Kitang kita ko na hindi na siya makapaghintay kung papaano ako mapapagalitan ngayong gabi.

Sinamaan ko siya ng tingin nang hanggang sa pagtungo ko sa study room na Daddy ay nakasunod pa rin siya. Pagpasok ko ay agad kong sinarado ang pinto saka ni-lock para hindi siya makasunod. Nakita ko pa ang pagpupumilit niyang buksan ang seradura ng pinto ngunit nakangisi ko lang itong nilisan.

Nilapitan ko si Dad na nakatayo at hinihintay ako. Akmang magtatanong pa lamang ako kung anong meron ay isang malutong na sampal ang iginawad niya sa 'kin. Gulat akong napahawak sa pisngi ko.

Sa tanang buhay ko, dalawang beses pa lamang akong nakakatikim ng sampal mula sa kanya. Una ay noong bastusin ko ang bagong asawa niya pagkatapos ng kasal nila at ngayon ang ikalawa.

Hawak ang pisngi kong namanhid sa sampal niya, masama ko siyang tinapunan ng tingin.

"Ano bang problema niyo?"

"What is this?" hinarap niya sa 'kin 'yung hawak niyang Ipad. Kinuha ko ito at muntik na 'kong matawa nang makita ang nais niyang ipakita. These were series of news coverages I did about Mayor Vasquez.

I sarcastically laughed. "I didn't know you were watching my works."

"Nag-isiip ka ba ng tama?!" wow parang dalawang beses ng na-judge yung pag-iisip ko ng tama ngayong araw na 'to.

"Don't tell me hinahanap mo 'ko sa unit ni Kairo dahil lang sa mga balita ko kay Mayor Vasquez?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Alam mo ba kung sino ang binabangga mo? You're opposing a soulless creature! Ayoko lang na mapahamak ka!"

"Really? Sa 'kin ka ba talaga nag-aalala? Bakit, Dad? Natatakot kang madiskubre nila na anak mo 'ko at maapektuhan ang pinakamamahal mong kumpanya?"

"I want you to stop meddling with this Politician's matter."

"Wow. Paano niyong nasasabi sa 'kin 'yan gayong gusto niyo nga akong ipakasal sa anak ng senate president? Pwede ko bang ibalik sa inyo 'yung sinabi niyo? Can you please stop associating me with the Dela Vegas?"

"It's for your own good."

"No. It's for your company's own good. Kelan ba naging ako? Kelan ba 'ko naging mas mahalaga sa kumpanya mo?!" Nangangatal ang mga kamao ko na nag-iwas ng tingin.

Wala akong pakealam kung tanggalan niya 'ko ng karapatan sa kumpanya niya, pero ang paekalaman niya ang paraan ng pagtatrabaho ko bilang isang mamamahayag, ibang usapan na 'yon.

"I want you to resign from PBN News."

Umawang ang labi ko sa mga salitang tinuran niya. Tumingala akong habang natatawang pinipigilan ang mga luha kong 'wag bumagsak. Ngunit nang balingan ko siya ng tingin, wala na akong pake sa magkakasunod na pagbagsak ng mga ito.

"I can't believe how easy for my own father to say that. Do you even know why I chose to be a journalist?! Dahil gusto kong supilin ang lahat ng gustong magtago sa bulok nating sa sistema. And I can't believe you're one of those people, Dad!" Umapaw ang galit at sama ng loob na nararamdaman ko!

"I understand where you are coming from, Portia. But you should understand the reality of this world too. Politicians are ruthless leaders. Ruthlessness is a necessary political skill for all of them and it is like a poison that kills their humanity."

"But can't you trust me, Dad? Magtiwala ka naman sa 'kin kahit ngayon lang. Hayaan mong patunayan ko sa 'yo na kaya kong tayuan 'tong larangan na pinili ko. Ito na ang mundo ko, 'wag mo namang ipagkait sa 'kin 'to."

"I can trust you, but how can I trust them? You're my only daughter. I may be a heartless father in your eyes to take you away from your new world, but how can I face your late mother if something happens to you?" I saw his eyes glittered with tears.

Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang mga ganitong salita mula sa kanya. Para akong bumalik sa pagkabatang babae na tumatakbong tumungo sa kanyang ama. Hindi ko na maalala kung kelan ang huling beses na umiyak ako sa dibdib ng Daddy ko pero napakagaan nito sa pakiramdam. Naramdaman ko ang kamay niyang tumatapik sa likod ko para patahanin ako.

"Daddy..." I cried.

He sighed. "Tahan na. Paano ako magagalit sa 'yo kung dinadaan mo 'ko sa iyak na 'yan?"

Suminok sinok ako at hindi ako makasagot ng maayos sa kakasinok ko. "Just please...not my job, Dad."

"May isa kang dapat siguraduhin sa 'kin para pumayag ako sa gusto mo."

"Ano?"

"You have to be serious in marrying Easton for your protection. Only when you become the daughter-in-law of the Dela Vega that the Vasquez won't be able to touch you. Promise me, anak."

Umiiyak pa rin akong parang bata na tumingala sa kanya. "Pero Dad hindi ko na mahal si Easton. Can't you help me? Please?"

"That's final, Deanna. It's either you marry Easton and continue your job or decline this marriage, but you'll come back to the Martin Group."

Nalamukos ko ang mukha ko paglabas ko sa study room ni Daddy. Nakasandal sa railings na nakaabang sa 'kin si Allyson at agad na tumawa ito pagkakita sa mukha kong marahil ay namamaga ngayon. Malakas pa rin pala ang Daddy ko. Ang sakit manampal e.

"Serves you right."

"Tulak kita d'yan e," banta ko saka umaktong itutulak ko nga siya kaya mabilis siyang kumaripas paalis sa harapan ko.

Duwag.

Papasok na 'ko sa kwarto ko nang sinabihan ako ng isa sa mga kasama namin sa bahay na nasa labas daw si Easton. Saglit pa 'kong napahinto para pag-isipan kung pupuntahan ko ba ito.

"Wag mong paghintayin ang Fiance mo." Napalingon ako kay Dad na kasama ni Allyson. "Puntahan mo na si Easton."

Inis ko silang inirapan pareho bago ako padabog na lumabas ng Mansyon. Paglabas ko sa aming mataas na kulay pilak na gate, magkasalubong ang kilay ko na hinarap siya. He's wearing a black long sleeves polo na nakatupi hanggang siko. Mukhang galing pa ito sa trabaho.

"Gabi na, bakit nandito ka pa?" I asked with my arms crossed.

Tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakasandal niya sa kanyang silver Porsche Spyder. Nag-aalala ang mga mata niyang napatingin sa pisngi ko. I turned my face to the side to hide it from him pero marahan pa rin niya iyong hinawakan at tinignan.

"Sinaktan ka ng Daddy mo?"

"Mawawala rin bukas 'yan," walang ganang sagot ko.

Lumamlam ang kanyang mga mata. "I heard your Dad's concern. Sana hindi mo masamain ang ginagawa niyang pagprotekta sa 'yo. Hangga't nasa tabi mo 'ko hindi ka magagalaw ng mga Vasquez."

"Naiintindihan ko siya pero hindi sapat na dahilan ang proteksyon ko para pakasalan ka." Dinala ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya. "Gusto kong ikasal sa lalakeng mahal ko, Easton. At hindi na ikaw 'yon," pag-aming wika ko.

His jaw clenched from what I said, but his eyes quickly softened.

"Kahit isang pagkakataon lang, Portia wala na ba talaga?" Nagmamakaawa ang mga mata niya. Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa magkabilang pisngi niya. "Hindi ko yata kakayaning makita ka ulit na hawak ang kamay ng abogado na 'yon."

Binawi ko ang mga kamay ko and I looked at him apologetically.

"I'm sorry, Easton. Mahirap nang balikan ang kwentong tapos na. Hindi naman napipilit ang puso, alam mo 'yan diba? Minahal natin ang isa't isa noon dahil pareho ang nararamdaman natin. Pero hindi na katulad noon ang nararamdaman ko ngayon para sa 'yo. Yes, you didn't mean to hurt me, but that how I lost my love for you."

Nag-iwas ako ng tingin at mapait na ngumiti. "I didn't know before that too much pain can also make you unlove someone. And I think that's a good thing for the one who got hurt. It was easier for me to move on."

"Subukan mong libangin ang sarili mo sa ibang bagay. Try meeting other girls malay mo makatulong sa 'yo," suhestiyon ko pa.

"What if I don't want to? Will you get mad at me if I wanted to continue this marriage?" No, hindi pwede.

"Easton..." kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin ngayon.

Natakot ako bigla sa kung ano man ang balak niya. Kilala ko si Easton at alam kong kapag ginusto niya ay hindi niya bibitawan. Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya noon pero tila hindi ko magugustuhan ngayon.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"I'm sorry, Portia. Pero kung kailangan kong maging makasarili para manatili ka sa tabi ko, gagawin ko. I'm not letting you go. You are my fiancé and we'll marry each other whether you agree or not."

"No, you can't do this to me!" nagpa-panic kong hinawakan ang kamay niya ngunit itinaboy lang niya ito. He left me hopeless. "Easton!! Easton!!"

Lumuluha kong pinanood ang sasakyan niyang unti unting nawala sa kadiliman. Hindi niya pwedeng gawin sa 'kin 'to. Buong akala ko ay nagkalinawan na kami sa Cebu na magpapanggap lang kaming maayos sa harapan ng aming mga magulang! Ang sabi niya ay tutulungan niya 'kong makatakas sa arrange marriage na 'to!

Paano na ngayon? Si Easton lang ang tanging pag-asa ko para makawala rito. Nanghihina na lang akong napaupo sa semento.

"Tara nomi tayo, mga sez!" hikayat ni Mona sa aming lahat na nakakalat na naman sa unit ni Kairo. Ginugulo na naman nila 'ko rito porke wala ang istrikto naming pinsan.

"Kayo na lang. Marami pa 'kong tatapusin," sagot ko nang hindi sila tinatapunan ng tingin. Nanatili lang ako sa harapan ng laptop ko na nasa coffee table habang naka-indian seat sa sala.

"Hoy, gaga magkaka-ugat ka na rito sa unit ni Kairo kapag hindi ka pa lumabas!" singhal ni Lyra. "LQ ba kayo ng jowa jowaan mo?"

"Pitong araw ka ng nakakulong dito. Ibig sabihin pitong araw na rin kayong hindi nagkikita?" tanong ni Dior. Tumango ako pero hindi ko pa rin sila tinitignan.

Simula nang bumalik ako rito ay hindi pa ako lumalabas. Ikinulong ko ang sarili ko sa condo kasama ng tambak na trabahong inuwi ko. Lumabas na rin ang resulta ng eleksyon at isa pa 'yon sa lalong nagpa-stress sa buhay ko. Panalo pa rin si Mayor Vasquez at ilan sa mga kapanalig nitong senador na sigurado 'kong magkakaroon lang ng bagong pagkakataon para sairin ang kaban ng bayan.

Napahilot ako sa sentido ko. Gustong gusto kong ng lumabas para mag-unwind pero natatakot akong baka makasalubong ko si Sam. Wala akong alam na mukhang maihaharap sa kanya.

"Baka nagfo-phone sex naman kaya ng Attorney mo kaya 'di ka natitigang dito?" Nanlalaki ang mga mata kong humarap sa walangyang Lyra na nakangisi pa.

"Ang bastos mo!"

"Hahahahahahaha! Hindi bastos 'yon, noh! Digital sex ang tawag do'n!"

"Pero ang bastos nga kapag sa bunganga mo nanggagaling," ani Dior. Hay salamat at may matino pa rin akong pinsan na nag-e-exist.

"Pero sawa ka na, ano?" seryosong tanong ni Lyra na umupo sa tabi ko. "Gusto mong bago? Malaki 'to gagi."

Umawang ang labi ko nang inakto pa nito sa harapan ko kung gaano kalaki at kahaba ang tinutukoy niya. Akala ko pa naman ay seryoso na talaga siya!

Tinulak ko ang noo niya gamit ang dulo ng daliri ko. "Magsimba ka nga nang mabawan ang limpak limpak mong kasalanan." Magkasalubong ang kilay ko na nagpatuloy sa tina-type ko habang nagtatawanan silang tatlo.

Nang nakailang ulit sila at hindi pa rin nila ako napapayag, sumuko rin sila sa wakas at umalis nang hindi ako kasama.

Saglit akong napatitig sa phone ko pero kaagad ko rin itong itinaob bago pa 'ko ma-tempt na tawagan si Sam. Miss na miss ko na siya sa totoo lang pero nang dahil sa sinabi ni Easton, pakiramdam ko wala na 'kong karapatang magpakita pa sa kanya.

This is just me, trying to save myself from falling deeply in love with the man I can't have. Pero mabuti na lang din at hindi nagpahulog si Sam sa mga pang-aakit ko. Baka hindi ko kayaning layuan siya kung alam kong may seryosong na siyang pagtingin sa 'kin.

Tila nagbalik ako sa sarili nang marinig ko ang mga pagkatok sa pinto. Nanghihina ang mga tuhod kong tumayo at simangot na tumungo roon.

"Sinabi ko namang hindi niyo na 'ko mapipilit pang lumabas—" Tila nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ang lalakeng nakatayo sa tapat ng pinto. "F-Fyuch?"

His eyes were piercing dark and intense.

"Let's talk."

***

Angel's note: Kabanata 23-30 are now available in Patreon. :)

Continue Reading

You'll Also Like

40.6K 827 32
LOVE NECKLACE: SERIES #1 (COMPLETED) Shantal Yumi Mallari didn't expect that her love for Javis Leoniro Ravando will make her imitate the girl he lov...
4K 167 76
This is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical err...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...