Every Reason Why

By jeeinna

1.8M 59.9K 26.7K

Rugged Series #3 Long dead soul in a living body. Sey Castellano will never be what her parents always want h... More

Every Reason Why
ERW1
ERW2
ERW3
ERW4
ERW5
ERW6
ERW8
ERW9
ERW10
ERW11
ERW12
ERW13
ERW14
ERW15
ERW16
ERW17
ERW18
ERW19
ERW20
ERW21
ERW22
ERW23
ERW24
ERW25
ERW26
ERW27
ERW28
ERW29
ERW30
ERW31
ERW32
ERW33
ERW34
ERW35
ERW36
ERW37
ERW38
ERW39
ERW40
ERW41
ERW42
ERW43
ERW44
Epilogue

ERW7

38K 1.2K 447
By jeeinna

ERW7

Tahimik lang akong inuugoy ng mahina ang swing na kinauupuan ko habang nasa lupa pa rin ang aking mga paa para hindi ito masyadong gumalaw.

"Sorry, wala akong panyong dala..."

Napalingon ako sa tabi ko at ngumiti.

"It's okay." Tinaas ko ang braso ko upang imuwestra sa kanya ang long sleeve ko na ginamit kong pamunas ng aking luha.

He chuckled. "May iba na palang use 'yan?"

I smiled at him and chuckled too.

"Malalaman lang in times of need."

Napalingon ako kay Cai na palingon-lingon pa rin sa direksyon namin kahit bumalik na sa pakikipaglaro sa ilang mga bata. Mukhang tinitignan kung umiiyak pa rin ako. I don't know if he's really convinced that his Tito really made me cry.

"Are you sure you're okay?"

Nilingon ko ulit siya. He looked at me, this time he looks very serious that I became a little anxious about it. I'm used to the lightness that he carries and his smiles.

"Y-yeah..." iniwas ko ulit ang tingin ko. "Ilang beses mo na 'yang tinanong."

"Ilang beses ka na ding nagsinungaling."

My eyes widen and I automatically turned to him again. Nananatiling ganon ang kanyang mga mata. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil doon. I became more nervous and I started to feel intimidated and awkward once again.

"H-ha? What..." I faked a laugh.

He sighed and took away his gaze from me. Para akong hawak noon sa leeg at noong umiwas ang kanyang tingin ay nakahinga ako ng maluwag. Why... my body is automatically reacting to him...

"It's okay to admit you're not fine. It's actually better..." saad niya habang nakatingin sa nasa unahan namin. Ako naman ay unti-unting tinaas ang tingin ko sa langit na unti-unti nang nagbabago ng kulay. Sunset is near.

"Admitting or not is just the same." tugon ko sa kanya.

I don't know why I started to let go of my inhibitions for the first time and let someone hear a piece of mind. Mayroon namang mga taong matagal ko nang kasama at matagal ko nang pinapahalagahan. Bakit ngayon lang sa taong kakakilala ko palang?

"It doesn't really help." bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya pa.

"But admitting it will make you be aware of it... and somehow, malalaman mo na kailangan mong may gawin ka para maging maayos ulit."

Huminga ako ng malalim. Namayani ang kakatahimikan sa pagitan naming dalawa at tanging tunog lang ng paligid ang naririnig ko. The sound of nature and the noises from the chitchats of people and the laughs of kids playing.

"What will I do?" tanong ko sa kanya at unti-unting binaba ang aking tingin sa kanya.

Lumingon siya muli saakin, siguro dahil naramdaman ang tingin ko sa kanya. He flashed me his smile once again. A genuine small curve of his lips.

"What do you want to do?" tanong niya saakin habang pinagdidiinan ang salitang 'you'.

Napakagat ako ng labi at maliit na ngumiti sa kanya.

"Is what I want to do supposed to be the one that I shall do... to be okay?"

Umiwas ako ng tingin noong narinig ko ang kanyang pagtawa. Pinigilan ko ang sarili kong hindi mapangiti. I don't know why we are having this kind of talk, but somehow, it's me really interested in the next thing that he will say.

"Quite a question." he chuckled. Lumabas ang ngiting pinipigilan ko dahil sa tunog ng kanyang tawa. "I guess... because it wasn't from someone else. It will never oppose or dictate you because the decision is from you... you control it because you know what you need the most."

Kumabog ng malakas ang aking dibdib. I don't know what's happening to me. The power of words already has no effect to me. Ang tagal ko na kasing napaglipasan noon. Sa loob ng madaming panahon, iyon ang ginamit ko para pakalmahin ang sarili ko. I overused it already on convincing myself but I got tired of it because even the wisest words don't really stop the pain. But why now...

The things that I wanted to do? In my control and in my own decision... but how could that be possible?

"So, anong gusto mong gawin?"

I blinked my unshed tears away and gaze at him. Nananatili ang tingin niya saakin. His swing is not moving. Nakaupo lang siya doon. He was ducking with his both arms resting on his legs while he's slightly angled on my direction and his eyes are focused on me.

Huminga ako ng malalim at pilit isinantabi ang kabang nararamdaman ko. If he's already my friend, I should at least, learn how to be somehow calm when I'm with him, right? I need to learn how to silence my nervousness when he's around.

"I wanna know..." mahina kong saad sa kanya. My hearbeat rose faster when I caught how one of his brow shot up with interest and his lips formed a smirk.

I felt myself blush because of the kind of attention I'm receiving from him.

"What..." Kinalma ko ang sarili. "What is life in the perception of a 25 years old man?"

Mabilis na umangat ang kanyang dalawang kilay. His smirk became a smile then I heard his low chuckle.

"Pano mo nalamang 25 years old na 'ko?"

I gasped. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong umiwas ng tingin. Ramdam ko ang init ng aking mukha pero nanlamig ang mga kamay ko.

Hala!

Ano ba naman, Sey! Nakakahiya talaga 'yang bibig mo! Kaya dapat hindi ka talaga nagsasalita!

"Ah... ano..." lumingon ako sa kanyan ngunit hindi ko nagawang diretso siyang tignan. I immediately look away again. "H-hula lang..."

I unconsciously tapped my finger continuously on my right leg.

Humalakhak siya. "Fucking cute."

My lips parted and I immediately gaze at him. Nag-iimagine ba ako? Nagkamali ba ako ng rinig?

"H-ha?"

Mama! Gusto ko na umuwi! Sobrang nahihiya na ako...

"Someone did her research huh..."

My internal brain is already screaming for me to run or someone to please magically steal me away from this situation. O kaya gusto ko nalang ipakain ang sarili ko sa lupa!

"Hindi!" medyo napalakas ang aking sigaw kaya agad akong napatungo. "I m-mean... ahm..."

Humalakhak siyang muli. "It's okay. Naiintindihan ko naman..."

Noong saglit ko siyang tinignan ay nakita ko ang kanyang ngiti at tuwa sa kanyang mga mata.

"Shall we go back to your question?" tanong niya.

Ngumuso ako at tumungo. Hindi ko na ulit binalik ang tingin ko sa kanya. Mas naging abala ko sa pagse-sermon sa aking sarili at pagpapakalma ng aking mga tumataas na emosyon.

"Life is a forever question of what life is."

Unti-unti muli akong napatingin sa kanya. This time, siya naman ang hindi nakatingin saakin. He kept his eyes in front of him. Ganon pa din ang posisyon niya katulad dati, yon nga lang ay nakaharap na at magkasalikop ang kanyang dalawang kamay.

"Ngayon pwedeng ganito ko ilarawan, pero bukas, iba na. It is changing depending on how we see it in a given situation. That's why I decided not to be bothered by it."

Sabi niya kanina, hindi daw siya magaling sa mga salita. But look who's playing with words now? Nakakamangha para sa isang lalaking katulad niya na makarinig ng mga ganong salita.

"By the definition? What about life itself?" mahina ko pa ding tanong.

Lumingon siya saakin at ngumiti. Natigilan ako dahil doon ngunit hindi ko nagawang iiwas ang tingin ko sa kanya kahit nararamdaman ko na naman ang mga usual na reaksyon ng katawan ko pagdating sa kanyang mga galaw.

"Live it. That's the only way it can work."

My heart clenched painfully when I heard him said it. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako mula sa kanyang pananaw.

Nakita ko ang kanyang pagtingin na parang hinihintay niya ang aking susunod na sasabihin. I opened my mouth but there wasn't anything that I can say anymore. His words are so powerful while contradicting mine but... is this living?

"Tito!"

Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at kaagad akong huminga ng malalim habang nakatingin sa unahan ko. Agad ko nilipat ko naman ang tingin ko kay Cai na tumatakbo papalapit saamin. My eyes widen a little when I saw his mother walking after him.

"Akala ko ba gabi ka na makakauwi? I canceled all my appointments." tanong ni Theo at agad tumayo noong makarating ang kanyang kapatid sa tapat namin. Ganon din ang ginawa ko dahil ang bastos naman kung mananatili akong nakaupo, hindi ba? O ako lang talaga 'yon?

"Diba sabi ko naman sayo sunduin mo lang kasi day off ang driver at wala si Mama at Papa?"

"I thought I should look for him 'til night." napakamot sa ulo si Theo.

"Mukhang worth it naman ang pagcancel mo ng appointment?" nakataas ang tingin ni Ate Rin sa kanya at may kakaibang ngiti. Lumingon ito saakin kaya sinubukan kong ngumiti ng ayos dahil nahihiya pa din ako sa kanya.

"Hi, Sey."

"H-hello p-" pinigilan ko ang sarili ko na ituloy ang pagsasabi ng 'po' dahil naalala kong ayaw niyang gawin ko iyon.

"Dito ka din pala nakatira? I'm surprised!"

"Opo... malapit l-lang po dito."

Tumango siya at ngumiti saakin. Kinuha niya ang kamay ng kanyang anak na nakakapit pa rin sa kanyang Tito. Agad naman itong lumipat sa kanya.

"You should visit us next time at home."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ako? Pupunta ako sa bahay nila? Kumabog ang puso ko at sinulyapan si Theo na mukhang nagulat din dahil sa sinabi niya.

"Ate..."

"Why not? Kaibigan mo naman! She's Cai's friend too!" hindi ko alam kung paano ba ang tamang paglalarawan ng uri ng ngiting binibigay niya hindi lang saakin ngunit pati sa kapatid niya. Ang alam ko lang, kinakabahan ako doon.

"Diba, Cai? Ate Sey is your friend, right?"

Agad namang tumango si Cai at matamis na ngumiti saakin. My heart warmed with a cute gesture from the kid. Ngumiti ako sa kanya.

"I like Ate Sey!" Cai said. "We all like Ate Sey, right Tito? Right Mommy?"

I blushed. Tumawa si Ate Rin dahil sa sinabi ng kanyang anak. I gaze at Theo and I don't know if I'm just hallucinating but I saw a glimpse of his lips curving but it immediately went away.

"Tsk, umuwi na nga kayo!" pagtataboy ni Theo sa dalawa. Nagulat pa ako doon dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Hindi tuloy naalis ang tingin ko sa kanya.

"Di ka pa uuwi, Tito?" inosenteng tanong ni Cai.

Ate Rin laughed and pull her son. "Mukhang mapapadalas si Tito dito saatin, baby." saad niya. Kumaway siya saakin para magpaalam dahil abala siya sa pakikipag-usap sa kanyang anak. Ni hindi niya na inabala pang magpaalam sa kapatid na katabi ko lamang.

"Oh? Why, Mommy?" rinig kong tanong ni Cai. Parehas silang tumalikod na saamin.

"Because he wants to spend time with..."

"Me!"

Ate Rin chuckled. "Yes, you..." iyon na lang ang huli kong narinig dahil masyado na silang nakalayo saamin.

Pinanood ko lang silang naglalakad papalayo saamin. Ate Rin is holding Cai's hand. Inuugoy naman ni Cai ang kamay nilang dalawa ng kanyang Mommy habang tumatalon-talon habang naglalakad.

"Do you see how bullied am I at home?"

Napakurap ako at napaalis ang tingin ko sa dalawang tumigil sa harap ng isang kotseng sa palagay ko ay kay Ate Rin. I look at Theo and I saw him looking at me now. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi noong matagpuan ko ang kanyang tingin.

"Mukhang hindi naman gaano..."

Tumaas ang kilay niya saakin. "Totoo! Pagdumadalaw ako, ni hindi ako binibigyan ng pagkain tapos minsan hindi pa ako pinapansin!"

Hindi ko mapigilang mapatawa. Hindi ko alam kung totoo bang naglalabas siya ng sintemento ngunit hindi ko talaga mapigilang matawa.

"Di ka naman kasi bisita. It's your home." natatawa kong sagot sa kanya.

"I'm not living there anymore because they don't laugh at my jokes."

My lips parted. What? Seryoso bang iyon ang dahilan niya kaya siya umalis sa bahay nila?

"Seryoso?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

I laughed more. He does! It's weird but it's funny! Ang kulit lang ng rason niya. Hindi ko maiwasang mamangha at maging kuryoso sa kanya.

"Wanna walk around?" tanong niya saakin habang may multong ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha.

Nakangiti akong tumango sa kanya. Hinintay niya akong makatapat sa kanya bago siya nagsimulang humakbang para sumabay sa galaw ko.

"Iiwan mo?" tanong ko sa kanya at tinuro ang kanyang kotse na nakapark sa tabi. Nagkibit-balikat siya.

"Unless kaya kong maglakad habang buhat 'yon?"

Namula ako dahil sa hiya. Narinig ko naman ang tawa niya sa aking tabi.

"Kidding," he said. "So what do you wanna know about me?"

Nanumbalik na naman ang hiyang nararamdaman ko noong nadulas ako sa mga bagay na dapat ay wala akong ideya dahil hindi pa naman niya sinasabi. Halata ba talagang nag-search ako?

"Hin-hindi naman talaga kasi kita si-nearch!" angal ko sa kanya.

His smile widened and he nodded at me like he's believing me. Pero ramdam ko ang kanyang pakikisakay lang saakin. I sighed as I continue to feel my embarrassment.

"Theodore Rhys Del Real. My parents are Tania and Ricardo Del Real. My sister is
Schirin Ruhama Del Real. We're a family of architects and engineers. I have one nephew, Caiser Red Del Real, he was named next to his father. I'm 25 years old and I like alcohol."

Napatingin ako dahil sa sinabi niya sa dulo. Napangiti naman siya dahil mabilis akong pagtingin.

"Nakita mo ba 'yon sa mga na-search mo?"

Hindi ko alam kung mayroon pa ba akong mas ikakahiya. He's not giving up! Sabi niya nabu-bully daw siya, bakit parang siya naman talaga ang bully?

Narinig ko ang halakhak niya.

Tuluyan na kaming nakalabas sa park. We started walking in the neighborhood. Hindi ko alam kung saan dito sa subdivision ang kanilang bahay ngunit ang tinatahak naming direksyon ay papalayo sa direksyon ng bahay namin. But that's okay... I also don't wanna risk being seen by someone familiar. I don't know if I'm in the mood of answering questions.

"How about you?"

"Ha?" gulat kong tanong.

"Who are you, Sey?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko nga alam kung naririnig na niya ba iyon dahil sa sobrang lakas noon. Pakiramdaman ko lang ba 'yon o talagang naririnig ko ang pagtibok ng puso ko?

Alam kong gusto niyang ipakilala ko sa kanya ang sarili ko katulad ng ginawa niya pero bakit ganon? I feel like there's something in his question that I can't understand.

"Ahm..." Hindi ko siya sinubukang tignan. I focused my attention in the front. "Zemira Fayre Castellano."

"Bat Sey?"

Ngumuso ako. Hindi ko pa rin siya tinitignan dahil sigurado akong mas magwawala ang kabang nararamdaman ko at mas lalo akong mahihiya.

"From Ze in my first name and Y in my second name, it's Sey."

Nakita ko ang kanyang pagtango sa gilid ng aking mga mata. I smiled a little.

"20. Nursing student. My parents are doctors. I have a twin brother."

Gulat siyang napatingin saakin. Dahil sa galaw niya ay kusa ding gumalaw ang ulo ko para lumingon sa kanya. I can see the amusement in his eyes.

"Talaga?"

Ngumiti ako ng maliit. "Yup, he's Santiguel Fire Castellano, but he's just Fire for everyone."

"Magkamukha ba kayo?"

Hindi ko mapigilang hindi matawa ng mahina dahil sa tanong niya. I think he became very interested when he learned that I have a twin.

"We're identical twins."

"Is it true? The twins' connection?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. I'm not really curious about it. We share a bond because we're siblings and we grew together, and we experience a lot of things together. If there is really a special connection, I don't know. Wala naman akong pagkukumparahan dahil siya lang naman ang kapatid ko."

Binalot kami ng mahabang katahimikan. Agad akong napasulyap sa kanya dahil sa pagiging tahimik niya, iba sa sunod-sunod niyang pagtatanong kanina. Nahuli ko siyang nakatingin saakin habang may maliit na ngiti. Ni hindi man lang siya nangangambang hindi siya nakatingin sa unahan niya habang naglalakad.

"Ahm..." napalunok ako at iniwas ang tingin ko mula sa mata niya. "B-bakit?"

"I think that was the longest word you ever said to me." nakangiti niyang saad habang natatawa-tawa. "I don't know why it makes me happy."

Nahigit ang hininga ko dahil sa sinabi niya na para bang may dalang pala na naghuhukay saaking tyan. What was that?

Natigilan ako sa paglalakad habang patuloy kong pinapakiramdaman ang aking sarili. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. It is continuously beating fast. But weirdly enough, it wasn't accompanied by a hallow feeling and coldness I always feel every time I am nervous.

"Ayos ka lang?"

Napataas ang tingin ko kay Theo na ilang hakbang na ang layo saakin. He was facing me already, maybe wondering why I stopped walking.

"Yup..." I said, lying again.

But different from my usual lies, it was about something else... something I don't think is for me...  

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 55K 47
Rugged Series #2 Matayog. Mapangahas. Sing-taas ng mga bituin. Ganoon kung ilarawan ni Cascade Quinn Ruan ang kanyang pangarap. For her, it wasn't on...
1.6M 66.8K 48
(Magnates Series #3) Azriella Dominique Laurel lost her family to a tragic explosion in a cruise ship. It turned her life upside down, with her belie...
1.2M 38.1K 48
MONTEVINSKI SERIES #3 Norwyn Enesi Tadashi is the Japanese setter of Raven Claws. She's known for being soft, selfless and solicitous. She thinks she...
4.5M 131K 45
Kingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?