Sweet Prescription

By Im_Vena

1K 52 6

Julia had a crush on their next-door neighbor, Josaiah, ever since elementary. She had planned to reveal her... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8

Kabanata 2

58 7 2
By Im_Vena

Kabanata 2

May 29 2018
Tuesday, Evening

Sa magkakapatid hindi talaga daw maiiwasan ang pagaaway. Ultimo maliliit na bagay ay sadyang mapagtatalunan. Tila isa na iyong ritwal sa tahanan na hindi na maiiwasan.

"Ano ba ang sikip! Umisod ka nga doon!" Napapikit na lang ako sa inis nang marinig iyon mula kay Ate Vena. Kanina pa siya paisod nang paisod konti na lang ay mawawala na ako sa latag. Iritadong itinulak ko na lang tuloy siya kaya naman nadanggi niya si Ate Ara.

"Ano ba kayo ang gulo ninyo!" Napanguso na lang tuloy ako.

"Si Ate kasi!"

"Anong ako? Ang sikip-sikip nga kasi! Tingnan mo iyang parte mo napakadaming space—"

Hindi na natapos ni Ate Vena ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Mama mula sa kabilang kwarto.

"Isa pa! Kapag hindi kayo natulog diyan sa labas ko na kayo patutulugin!" Doon na kami natahimik. Pairap na tinalikuran ko na lang sila.

Ngayong gabi ay hindi kami pinayagan ni Mama na gamitin ang mga kama namin. Sa sahig lang daw kami matulog dahil mga pasaway kami. Nang magreklamo ako pati bentilador ay ayaw na niyang ipagamit sa amin. Wala na tuloy kaming nagawa kung hindi magsiksikan sa sahig ng kwarto. Pasalamat na lang kami at hindi masyadong malamok ngayon.

Tumagal ng ilang minuto ang pagkakapikit ko pero hindi kagaya ng nakasanayan na madali akong nakakatulog. Ngayon ay talagang pahirapan. Kaya naman imbis na pilitin ang sarili ay tumayo na lang ako at kinuha sa loob ng kabinet ang notebook na pinakatatago ko. Sinulyapan ko pa sila ate ngunit tulog na talaga sila kaya naman nagpasya na akong lumabas ng kwarto.

Simple lang ang bahay namin. Hindi ganon kalaki at kaengrande. Isang bahay na bato na may dalawang kwarto, isang banyo, isang kusina, dinning area at sala. De-tiles ang sahig at may terrace sa harapan.

Hindi na ako nag-abalang buksan ang mga ilaw dahil hindi ko gugustuhing magising pa si Mama. Nagdiretso na lang ako sa labas at doon naupo. Matapos ay sinimulan ko na ang magsulat.

May 29, 2018

Dear Josaiah,

Ngayong araw nakita kita sa bintana ng kwarto mo. Masayang-masaya talaga akong makita ka. Pero dahil dakilang salbahe ka, pinagsarhan mo lang naman ako ng bintana. Tss! Salbahe! Hahaha pero bakit ganon? Bakit parang mas lalo lang kitang nagugustuhan? Siguro ay talagang gusto lang talaga kita Josaiah. Ano na lang kaya ang gagawin ko? Magustuhan mo rin kaya ako? Hmm.. Paano mo kaya ako magugustuhan?

Love Julia,

Napahinga ako ng malalim matapos isulat iyon. Ilang taon ko na ding ginagawa ito at hindi ko na din alam kung kailan ito matatapos. Gayunpaman ay masaya ako at nag-e-enjoy ako kaya naman okay lang din naman siguro ito.

Sa puntong iyon ay hindi ko tuloy maiwasang hindi magbalik tanaw sa unang beses na magkakilala kami ni Josaiah.

December 03 2008
Wednesday, Afternoon

"Julia 'wag kang magkalkal ng lupa diyan. Madumi iyan!" saway sa akin ni Mama. Subalit dahil dakilang pasaway ay hindi ko siya inintindi. Sa totoo lang ay malaki ang pagtataka ko kung bakit narito kami ngayon sa ibang bahay. Hindi naman ito ang bahay namin. Wala dito ang mga dati kong mga kalaro. Wala akong kalaro dito.

Dahil sa isiping iyon ay hindi ko na napigilang hindi mapahikbi.

Wala kami sa bahay. Wala dito akong kalaro!

Tuluyan na akong napaiyak at napahagulgol sa isiping iyon. Narinig ko ang usapan nila Daddy at Mama kanina. Dito na daw kami titira, pero ayaw ko naman dito.

"Hoy iyakin! Tumahan ka na nga diyan! Nakakarindi ka!" masungit na bulyaw sa akin ni Ate Vena na galing sa loob ng bahay. Tuloy ay lalo lang akong napaiyak. Hindi ko alam kung bakit lagi akong niaaway ni Ate. Palagi niya akong nipapaiyak.

"Vena parang tanga. Patahanin mo 'yan!" suway ni Ate Ara na tumutulong sa pagpapasok ng mga gamit sa bago daw naming bahay.

Nakangusong nilapitan ako ni Ate Vena. Bahagya pa siyang yumuko sa akin at ako naman ay nakatingala sa kaniya. "Tumahan ka na at maghugas ka ng kamay kutong lupa!" Sa sinabi niyang iyon ay lalong lumakas ang pag-iyak ko. Para naman siyang nataranta at hindi na niya malaman ang gagawin. "Hala! Bakit mas umiyak ka pa? Ano ba naman 'to! Baka isipin nila pinaiiyak kita!" binulyawan niya pa ako kaya mas naiyak ako. Napapasinok na ako sa kakaiyak. "Hala! Hala! Wait kukunin ko ang gatas mo sa loob." Napakaripas na siya ng takbo dahil sa pagkataranta. Doon na ako napabungisngis.

"Hello Julia!" Nabaling ang tingin ko sa isang babae na ngayon ay nasa harapan ko. Palagay ko ay kasing tanda lang siya ni Mama. Nakangiti siya sa akin at kulot ang buhok niya. Napansin ko rin na may dala siyang topper ware sa isang kamay niya habang may bata naman siyang hawak sa kabila. Kasalukuyang nakasimangot sa akin ang bata. Hindi ko na lang iyon inintindi at binalingan ang ginang.

"Sino po kayo?" takang tanong ko. Nangiti siya lalo at bahagya niya pang ginulo ang buhok ko.

"Kapit bahay ninyo kami. Asan pala ang si Mama mo?" Itinuro ko na lang sa kaniya ang bago naming bahay kung saan naroon si Mama at Daddy. Binalingan niya iyon subalit hindi nagtagal ay bigla niya na lang pinahawak sa akin ang kamay ng batang lalaki. "Siya, maiwan ko muna kayo ni Josaiah," saad niya pa. Doon ko napagtantong Josaiah pala ang pangalan ng batang lalaki. Mukhang nairita ito at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Mama! Dirty ang kamay niya!" Napasimangot ako doon. Napakaarte naman ng batang 'to!

Doon natigilan ang ginang at mukhang nakita ang pagsimangot ko. Nakita ko tuloy ang biglang pagkurot ng ginang sa batang maarte.

"Ano ka ba naman Josaiah. Makipag-friends ka sa kaniya kapit bahay natin siya." Matapos iyon ay muling pinaghawak ng ginang ang mga kamay namin. Tuloy ay napatitig na ako doon. "Julia, ikaw na ang bahala kay Josaiah. Hawak kamay lang kayo para hindi kayo mawala. Tutulungan ko lang ang Mama at Papa mo sa loob." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Nang makaalis ang Ginang doon na nabaling ang tingin ko sa batang tila natigilan na sa kinatatayuan.

"Josaiah ang pangalan mo?"

"Obvious ba?" Tumalim ang tingin niya. Napanguso naman ako.

"Napakasungit mo! Pangit iyang ganiyan bata."

"Makabata ka. Bata ka rin naman!" Sa tono niya ay parang inaaway niya ako. Napahikbi tuloy ako. "Hala! Bakit umiiyak ka?"

"I-Inaaway mo kasi ako." Napansin kong napabuntong hininga siya.

"Hindi kita inaaway. Tumahan ka na." Napangiti na ako dahil doon.

"Laro tayo?"

"Ayoko, para lang sa mga bata ang paglalaro. Kailangan ko pang mag-aral." Doon ako napahikbi ulit ako. Tinatanggihan niya ako. Wala na akong kalaro. Sa nangyari  ay para na siyang nataranta. "Hala! Oo na, lalaro na tayo. 'Wag ka na lang umiyak."

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa nang maalala ang kaganapang iyon. Actually ay hindi ko na lubos maalala ang ibang detalye dahil three years old pa lang ako nang mga panahon na iyon. Sampung taon na din ang nakalipas. Marami nang nangyari, marami nang nagbago.

"Oh, bakit nasa labas ka pa 'nak? Gabi na." Napapitlag ako nang bigla na lang sumulpot kung saan si Daddy. Mukhang kadarating niya lang galing sa pag-pa-patrolya.

Isang retired AFP si Daddy at ngayon ay isa na siyang barangay tanod. Kalahati ng tanda ni Daddy ang edad ni Mama. Senior na si Daddy gayunpaman ay nanatili sila sa isa't-isa nang halos 18 years na din and counting.

Mabilis kong naisarado ang ang notebook matapos ay nangingiti ko siyang sinalubong.

"Hinihintay ko po kayo! Tara na po sa loob." Hindi naman siya nagtaka at tumango na lang sa sinabi ko. Lalo akong nagsaya nang makitang may dala siyang foot long. Kinain namin iyon nila Mama at Daddy dahil tulog naman na sila Ate. Matapos ay pinatulog na nila ako.

Itinabi ko muna ang notebook bago ako nahiga katabi ni Ate Vena. Naramdaman kong niyakap niya ako. Kaya naman yumakap na din ako.

Walang perpektong magkakapatid. Nagkakaway talaga at minsan ay hindi pa nagkakausap ng maayos. Nagsisigawan at nagbabangayan pero sa huli. Nandoon pa rin ang pagmamahal para sa isa't-isa.


I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

601K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...
56.6K 1.8K 13
Lies save their love and their lives. Cassandra Margarette Acuesta. The woman who broke his heart. The woman who ruin his wedding. The woman who make...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
450K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...