Drowning

By kkyzyzyyy

581 142 334

Are you drowned by your own thoughts? More

Drowning
Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven

Chapter Six

42 11 26
By kkyzyzyyy

Chapter Six
Fridate with the Gang

•••

VJ

MABILIS akong pumasok sa restaurant kung saan kami laging tumatambay tuwing biyernes. Kumunot ang aking noo ng makitang hindi pa nakaayos ang lamesang gagamitin namin.

"Miss, excuse." Tawag ko sa isang staff na dumaan. "Bakit hindi pa 'to nakaayos?"

Tiningnan niya ang lamesang tinuro ko bago sumagot.

"Ah, may nagpareserve po kasi kanina. Dito daw po ang gusto niya sir eh."

"Sino ba ang nagpareserve, hindi niyo ba sinabing nareserve na namin? Diba alam mo namang tuwing biyernes na amin 'to?" Hindi ko maiwasang pagtaasan ito ng boses. Ito ang palagi naming kinukuha kaya nakapagtataka namang bigla nalang nila itong ibibigay sa iba.

"Im sorry sir but it's Mrs. Dana Bonifacio's reservation."

Mas lalong kumunot ang aking noo. Ang ina ni Grey? Bakit naman niya naisipang magpareserve sa ganitong klaseng restaurant? Sa pagkakaalam ko ay hindi niya ito tipo. Lagi itong nasa high class na restaurants ah.

Sakto namang dumating si Grey at nagtatakang tumingin sa amin ng staff. Nakasuot pa ito ng buisness suit. Mukhang galing pa sa opisina niya.

"What's happening?" Agad nitong tanong nang makalapit sa amin.

"May napareserved daw ng lamesa natin. Pakta kung sin-o."

Nagtatakang tumingin sakin si Grey "Huh?"

"Hulaan mo kung sino."

"Sino?"

"Gago, hulaan mo nga sabi."

"Uh, it's Mrs. Bonifacio sir." Sabat ng staff kaya naman tumingin sa kaniya si Grey.

"Bakit daw?"

"Wala naman pong sinabi sir."

Nagpaalam na ito sa amin kaya naman naiwan kami ni Grey na nakatayo.

"We will just look for another table."

"Ha? Hindi pwede!" Reklamo ko. May karapatan kami sa lamesang 'yon! Ano ang purpose ng kalayaan kung hindi rin naman magagamit?

"What's happening here?" Rinig ang tunog ng heels ni Shine habang papalapit sa amin. Teka, parang ito rin ang sinabi ni Grey kanina pagdating niya ah. Magkasintahan nga.

"Ay ewan ko maghanap nalang tayo ng ibang lamesa!"

SHINE

"WHAT happened?" I asked Grey while looking at Vj, iritang-irita talaga ito.

"Mom reserved a table here."

"Then?"

"And it's our table." He used his lips to point our table we always use every fridays.

"Oh, bakit niya ginawa? I mean, it's not her thing. Ayaw na ayaw niya sa mga ganitong restaurants tapos out of the blue magrereserve siya dito?" Why would she reserved a table, at sa lugar pa na 'to kung saan hindi naman siya dito kumakain.

"Maybe it's her way of pissing me off. Let's just ignore it. I know mom, kapag nakita niyang apektado ka mas gaganahan 'yong inisin ka."

I stared at our table before looking for another spot.

I looked at Grey who's looking at his phone while his eyebrow furrowed. This guy looks so damn hot without even doing anything. I can't help it but to admire this guy every freaking time.

Napatingin ito sa akin. He smiled and winked before returning his gaze back to his phone.

Damn, my heart.

Nang makahanap ng lamesa ay agad namin itong pinaasikaso sa mga staffs at sakto namang tapos na sila sa pag-asikaso ay dumating si Daniel at Delight.

Pinaghila ako ni Grey ng upuan at umupo ito sa tabi ko. I mouthed thank you and he just wink at me, again.

"Oh? Anyare?" Bungad ni Delight at bumeso sa 'kin bago umupo, kasunod nito si Daniel na tumabi sa kaniya.

Vj explained, hindi pa rin ito makaget-over.

"Ang ina ni Grey napakakontrabida! Nako! No offense bro ha pero nakakabadtrip siya." Natawa kaming lahat. Grey just shrugged.

Grey and I were seated at the left side of the table while Delight and Daniel on the other side. Si Vj naman ay nasa mayor na upuan dahil siya daw ang center of attraction.

I don't know what's the connection of the two seriously.

"Well anyway, let's just forget about that and chill!" Kinuha ni Daniel ang dalawang bote ng beer, ang isa ay inabot niya kay Delight at ang isa ay ininom niya.

And then it hit me.

"Why are you two together nga pala?" I asked Delight and Daniel. Ang akala ko kasi sasabay sa'kin si Delight pero nagbago ang plano niya.

The two stared at each other and answered.

"Namasyal kami."

"Nagkita kami sa mall."

Kumunot ang noo ko sa magkaiba nilang sagot.

Tiningnan ko si Vj na nakakunot rin ang noo. Si Grey naman ay parang natatawa. I glared at him and mouthed what's funny?! Umiling lang ito.

Tumingin muli ako kina Delight. "I mean, nagkita kami sa mall ang then charan! Namasyal kami!" Delight happily explained. Tiningnan ko silang dalawa. Kung hindi ko lang 'to mga kaibigan. Mapapaisip talaga ako na magsyota sila.

This two has been together for so damn long, at hindi na ako magtataka kung sila ang magkakatuluyan sa huli.

I saw Daniel flinched and the two started whispering.

I rolled my eyes. Bahala kayo sa buhay niyo.

DELIGHT

TININGNAN ko si Daniel na nagpipigil ng tawa. Sa inis ko ay tinapakan ko ang paa nito at pasimpleng kumain.

"Ano?!" Mahina ngunit may diin nitong bulong.

"Bakit?" Maang-maangan kong tanong.

"Tinapakan mo 'ko!"

"Ha? Tinapakan? Hindi ako 'yon ah!"

Muntik nanaman kaming mahuli! Si Shine, napakaobservant talaga. Dumaan pa nga kami ni Daniel sa condo para makapagpalit kami ng damit kasi haggard talaga sa byahe. I don't want them to know about Smile. Not now.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Daniel.

'sabihin mo magbar tayo'

"Guys magbar tayo!" Bigla nalang nitong sabi na ikinailing ko.

Napatigil si Vj sa pagkain, si Shine naman at Grey ay napatigil sa pagkukwentuhan.

"Im in suit." Ani Grey, hinarap siya ni Shine at ngumiti.

"And, you look hot."

Nagkatinginan kaming tatlo ni Vj at Daniel sabay nag-aktong nasusuka.

Pwe! Respeto naman sana sa walang syota!

The two continued being sweet without minding us. Akala nila wala silang kasama. Shine and Grey is a big fan of PDA kaya hindi na kami nagtataka. Grey is more clingy than Shine, si Shine naman hindi masyadong clingy at showy, dinadaan niya lahat sa salita. Lalo na at madaling kiligin si Grey sa mga sinasabi ng nobya.

Baliktad nga.

The table filled with our laughter when Vj throw a peas at Grey, sabay sigaw ng lamporeber, hanggang sa natigil lang ito ng isang palakpak.

"Well, what a coincidence." Grey's mom walked towards our table. I looked at Shine, pinagsiklop nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa, then she played with her thumb. Ever since she met Mrs. Bonifacio lagi na siyang kinakabahan kapag nasa paligid ito. Harap harapan kasi siyang nilalait ng ginang at pinapahiya. Sarap sapakin.

"You're with them again Grey." Usisa nito. I mentally rolled my eyes. Haler obvious naman ata.

"And it's none of your business mom." Pabalang na sagot ni Grey. Muntik na akong matawa kaya naman tinakpan ko ang aking bibig at tumalikod sa kanila.

"What are you laughing woman?"

Nilingon ko ito at ngumiti.

"Wala naman, natawa lang ako kasi naalala kong marami palang langaw dito."

DANIEL

WHAT the fuck did she just say?!

Napailing ako bago binalingan ng tingin ang ina ni Grey na nakakunot ang noo. Nagtataka sa sinabi ni Delight.

"And what's funny with that woman? That's disgusting!" Nandidiring sagot nito at nag-aktong nasusuka.

Delight smiled innocently. "Wala lang, sabagay hindi kasi kita ka age kaya hindi mo gets at isa pa, lagpas ka na sa kalendaryo kaya hindi na masyadong gumagana ang utak mo. Mga matatanda nga naman." Umiling ito at uminom ng beer. She whispered the last sentence, pero narinig ito ng ina ni Grey na mas kinagalit niya.

Lagot.

"What's your last name woman?" Mrs. Bonifacio roared. Grey worriedly stared at Delight. Lahat kami ay inaabangan ang kaniyang sagot sa matanda.

"Alvarez." Taas noo nitong sagot at uminom ulit ng beer.

Grey's mom smiled.

"I'll take note of that. You'll regret this day, Delight." May diin nitong sambit bago binalingan ng tingin sina Grey at Shine. Shine is not looking at her, nakatingin lang ito sa pinagsiklop niyang mga daliri na ngayon ay hawak na ni Grey. It's like his way of protecting Shine from his mother.

"My son, make sure to end this bullshit as soon as possible." She's talking to Grey but she's looking at Shine. She took a one last glance on each one of us before she leave.

Grey immediately faced Shine. Kinausap niya ito.

I looked at Delight in disbelief.

"Why did you say that?" I whispered at her.

"Alam kong alam mo na hindi 'yon hahayaan ni Dad. So chill dude."

Sabagay, he won't allow that old woman to pester Delight's life and that's for sure, kaya naman kampante 'tong bruha.

"Alam niyo, tama si Daniel. Ubusin niyo na 'yan at pumunta tayo sa bar!" Vj exclaimed and stuffed a lot of foods inside his mouth.

This guy. Tsk.

I PARKED my car between Grey's and Vj's.

Delight and Shine is with Vj nauna na ang mga ito, ewan ko kung ano ang trip ng dalawa na do'n sumabay.

Nandito kami ngayon sa D2H because of two reasons, aside from Vj's VVVIP card, which we will be using later. May nakuha kahapon si Delight na ticket para makapurchase ng tatlong bucket ng inumin at dalawang bote ng tequila.

Syempre hindi namin sinabi sa kanila kung pa'no niya 'yon nakuha.

We're at the second floor, Vj got a big C-shaped couch near the bar counter. Naupo kaming lahat habang hinihintay ang aming order.

There's a live band playing on the first floor and they're quite familiar.

"Vj, ano nga pangalan ng bandang tumutugtog sa baba?" I asked Vj who's talking to someone, sa pagkakarinig ko siya ang manager ng bar na 'to.

"Oh, ang The Fluid." Sagot nito.

Oh yes, I remember, ito ang pinakasikat na local band. Nakaabot na ito sa iba't ibang bansa. They already recieved a lot of awards which made them known all over the world.

I leave the couch and went downstairs, nauna na si Delight bumaba hindi na hinintay ang mga inumin. Tsk that girl.

My eyes roamed in the dancefloor looking for someone to hang out for tonight, just for tonight.

May nakita akong babae malapit sa stage, shit chix mga pare.

I was about to approach the hot chic when someone grab my arm. Napapikit ako sa inis. I was about to yell at the person who stopped me when I saw who it is.

Its Delight.

"Akyat na ako, dito ka lang?" Her soothing voice is calm as ever.

Maarte at mataray man siya sa tingin ng iba, pero nasa loob naman niya ang tinatagong bait lalo na kapag tungkol ito sa anak niya at sa pamilya.

"No, sasama na ako." Baka pwede namang mamaya na ako maghahanap ng chix ano?

Tinanong ko kung saan siya galing ang sabi niya may tiningnan lang daw.

Lumapit na kami kina Vj at umupo. Nagsimula na kaming uminom at magkwentuhan.

I stared at Delight who's staring at nowhere, sinundan ko ang tingin nito at nakita kong isang grupo ng mga babae ang kaniyang tinitingnan.

"Who are they?" I asked her, she blinked and looked away.

"Some of my... friends."

"Eh bakit hindi ka sumama sa kanila?"

"I can't face them for now. May kaunting problema lang." She sadly smiled.

Hindi ko na ito kinulit pa, mukhang ayaw niya talagang pag-usapan.

The night is still young, we have more time to kill kaya niyaya ko silang bumaba para magsayaw.

Susunod nalang daw sina Grey at Shine, Vj is nowhere to be found. Ang mokong na 'yon, kung saan nanaman napunta.

Nauna kami ni Delight bumaba. Nagkatinginan kami ni Delight at dali-dali kaming humalo sa mga taong nagsasayaw. Totally forgetting each other's presence.

SHINE

"LOOK at those two wild being." I tsked, that made Grey chuckled who's beside me. I looked at him, frowning. "What are you laughing at?"

"You're cute."

I rolled my eyes, but deep inside, my heart is beating so darn fast already.

Damn this guy, he never fails to make me feel this way.

"About mom, I--"

"Sshh." I put my index finger to Grey's lips, making him stop from saying something. "You know, that I don't mind right? As long as you're here with me because you're all that matter." I smiled. Grey leaned to kissed me and I gladly accepted it.

How I love this man.

Funny how our story is so damn cliche but I believe our love for each other is extraordinary.

As soon as he pulled away the music changed from party song to a slow one and fortunately it was the song he sang the day he confessed back then when we were in high school.

Grey flashed a grin and held my hand. "Let's dance?" He asked and I nodded. We went downstairs and joined the other couples in the dance floor.

He hugged my waist pulling me closer to him and I immediately snaked my arms around his neck.

Baby Im falling head over heels
Looking for ways to let you know just how I feel
I wish I was holding, you by my side
I wouldn't change a thing 'cause finally it's real

"Everytime I hear this song I always remembered how you blushed while I serenade you." He teased me. I rolled my eyes and smiled after. Yeah, I remember pinching my arm to make sure I wasn't dreaming that time.

"And I remember how you missed some notes because of being nervous." I teased back.

He laughed, "Yeah, I won't deny it. How can I be able to focus when it's you whom I was facing." He stared, making me feel unconscious. I looked away but he held my chin and made me look at him.

"Look at me love." He smiled, "You're my everything."

Baby, I'm falling deeper in love
Everything that you are is all I'm dreaming of
And if I can break enough to show you that I need us
I'd give up everything I have, girl just for you, oh

I hugged him and I felt him tightening his hold on me na para bang anytime mawawala ako, na para bang anytime may kukuha sa akin. Sa higpit ng yakap niya alam kong ayaw niya akong mawala.

Trying to hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast deeply in love
Girl, all I need to breathe is you

'Cause you're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going
Oh, oh, know when I'm with you, I can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you

Sana hindi na matapos ang gabing ito.

DELIGHT

"TINGNAN mo nga ang dalawa." Siniko ko si Daniel sa tabi kong may kalandiang babae. Pagkatapos namin sa dancefloor eh ito na siya may nabingwit na.

Daniel looked at me confused nagtatanong ang mga mata nito halatang ayaw magpadisturbo, gamit ang aking nguso tinuro ko sina Shine at Grey na sumasayaw sa gitna animo'y sila lang ang tao sa mundo.

"Yaan mo na, hindi ka na nasanay." Tinalikuran niya ako at binalik ulit ang atensyon sa babaeng kalandian.

Napatingin ulit ako sa dalawa na ngayon ay patungo na sa taas, Grey is hugging Shine's waist, lowkey telling everyone that she is his, hays, sana all nalang.

I always dreamed of dating a guy like Grey. 'Yong sa dinami-daming babae sa paligid mo, sa'yo pa rin ang atensyon niya. Bihira na lang ang ganiyang lalaki. Tingnan mo si Daniel, may kalandiang babae pero malikot pa rin ang mga mata. Babaero talaga.

I looked at the lady he's flirting, she's Shana, a supermodel. Kilala ito dahil lagi siyang nasa kalendaryo. Ganda ng katawan eh. Bukod sa katawang ala Mia Khalifa ang ganda-ganda niya rin kaya naman ayon, pinatos na ni Daniel.

I noticed how she glared at me everytime Daniel looked at my direction to tell something or kung ako naman ang tumawag sa kaniya.

Like, kalma ka girl hindi kami talo niyan.

Inubos ko ang aking iniinom at hinarap si Daniel. I pulled his shirt and I successfully earned his attention.

"Hmm?"

"Alis ako!"

"Where to?"

"Sayaw ulit!"

Bago pa siya makasagot ay tinalikuran ko na ito at dire-diretsong tumungo sa dancefloor.

As if on cue the music went wild after that romantic song kaya naman sumabay na ako sa ritmo ng kanta.

I was shocked when someone held my waist and starts dancing with me, I was about to punch the gut of this stranger when I noticed that his touch and smell is quiet familiar.

"Daniel you jerk!"

He chuckled.

And we dance all night.

VJ

NAPAILING ako. As always, ako ang naiiwan mag-isa. Sina Grey at Shine ay nasa pwesto namin kanina habang sina Delight at Daniel ay sumasayaw na parang walang bukas.

Ay ambot nalang.

Alam kong sa condo ni Delight kami didiretso mamaya, palagi naman eh.

Tiningnan ko ulit si Delight at Daniel sa baba at kumunot ang noo ko ng makita kong nagkakagulo doon. Hindi ito mapapansin agad dahil sa ingay at sa mga nagsasayawan.

Mabilis akong tumungo papunta sa kinalalagyan nila.

"Putangina pare akala mo hindi ko siya kilala? Siya si Lite!" Sigaw ng lalaki na kaharap ni Daniel, si Delight ay nasa likod nito.

"She is not that Lite! So fucking get lost!" Galit na turan ni Daniel.

May sinabi ang lalaking hindi ko masyado narinig pero sinugod ito ni Daniel at dinaganan. And that's my go signal para ilayo doon si Delight. I grabbed her arm.

"Wait! Si Daniel!"

"Babalikan ko siya pero ikaw. Pumasok ka na sa kotse." Mabilis kaming nakalabas at pinapasok ko na siya sa kotse ni Daniel. "Dito ka lang!"

Agad akong bumalik sa loob para awatin si Daniel pero may mga bouncer na sa lugar kung saan sila nag-away. Nilapitan ko na lang ito at sinenyasam ang mga bouncer na kasama ko siya kaya binitawan nila ito.

"Alam kong alam mo rin ang sinasabi ng lalaking 'yon."

Tiningnan ko si Daniel na tahimik lang na naglalakad. Saktong nasa labas na kami ng bar kaya tumigil ako at hinarap siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Kahit na alam ko naman ang ibig niyang ipahiwatig,

"I saw you that night. Sa auction, pero lahat ng nakita mo, sabihin na nating it's not what it is."

Literal na sumalubong ang mga kilay ko. "What do you mean?"

"Delight." Bumuntong hininga ito. "She's going through something, at alam ko kung anong klaseng trabaho ang pumasok sa isip mo noong nakita mo siya sa auction. And I tell you Vj, she's not a prostitute." Diniinan niya ang salitang 'not', bumuntong hininga ulit ito at nagsalita. "Please sana hindi muna ito makarating sa dalawa."

"'Wag kang mag-alala hindi ko naman sasabihin kina Shine at Grey."

"Ha? Anong hindi niyo sasabihin?"

Sabay kaming napalingon ni Daniel at nakitang papalapit sila sa amin.

I cleared my throat. "Wala, may kaunting gulo lang kanina sa baba, pero yaan niyo na, tara uwi na tayo!"

"Oo nga, I feel so dizzy already." Nauna nang pumasok si Shine sa kotse ni Grey.

"Sige mga pare kita nalang tayo sa condo ni Delight."Nauna ng umalis sina Grey.

Delight is asleep pagkapasok ko sa kotse.

"Ikaw na bahala, sunod lang ako." Tumango ako bilang tugon kay Daniel.

Pinaandar ko na ang kotse sabay baba ng bintana. Bumusena ako at nagsalute kay Daniel na may inaayos sa harapan ng kanyang kotse.

Nagdrive na ako paalis ng bar.

What a night.

• • •

kkyzyzyyy

HELLO HAHA ilang araw 'tong nasa drafts and it's around 3k words again. Sana hindi magulo ang pagswitch povs ng mga bida ngayon lang naman 'to hehe.

Anyway keep safe everyone and stay at home! xoxo <3

Continue Reading

You'll Also Like

37.7M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...