This Might End Up A Story

By shirlengtearjerky

2.1M 44.5K 23.6K

[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda. More

Author's Note
This Might End Up A Story (Slow Update)
[1] Crossing Our Fingers For The Summer
[2] Brand New World
[3] I Met A Girl Like You Once **
[4] Everybody's Changing
[5] DTR
[6] Eighteen Candles
[7] Let Her Go **
[8] Closer To You
[9] High Hopes **
[10] Trouble With You
[11] After The Storm
[12] Make Me Fall**
[13.1] We Should Feel Like We Are In Love**
[13.2] Three's A Crowd
[14.1] Come Back and Haunt Me
[14.2] I Will Follow You Into The Dark
[15] Last Request
[16] No One's Gonna Love You
[17.2] In My Veins
[17.3] Photograph
[18] The New Year
[19.1] The (Lonely) Hearts Club i
[19.2] The (Lonely) Hearts Club ii
[19.3] The Lonely Hearts Club iii
[20] A Lot's Gonna Change

[17.1] I Have Loved You Wrong

89.8K 1.9K 1.4K
By shirlengtearjerky

TMEUAS Chapter 17.1: I Have Loved You Wrong

She badly needed someone to talk to right now.

Usually, ang best friend niyang si Rocky ang una niyang pinupuntahan kapag may problema o simpleng drama siya sa buhay. Isang tricyle lang naman ang layo ng bahay nina Rocky at never naman siyang tinanggihan nito (except nung dark days nila noong first and second year high school). Madali lang niyang nareresolve ang mga problema kapag kasama niya ang best friend; magaling kasi magbigay si Rocky ng advice at kilalang-kilala siya nito. Her best friend is (and will always be) her comfort zone kahit nandyan si Chester sa tabi niya. Para sa kanya, iba pa rin kapag babae ang pinagsasabihan mo ng problema, sure na sure na maiintindihan siya nito.

Pero nung high school yan.

Bihira na silang makapag-usap ni Rocky nang pumasok ito ng college. Halos araw-araw pa silang magkatext at naghahangout every weekend nung first few weeks ng pasukan. Pinangako kasi ni Rocky sa kanya na walang magbabago sa dynamics nilang dalawa. Ano ka ba, bru! You’ll always be my best friend! Kahit may mga lalaki na tayo, hoes before bros pa rin!

Kaso habang tumatagal si Rocky sa LB, mas nababawasan ang communication nilang dalawa. Minsan na lang ito magtext at tumawag, at recently hindi na ito umuuwi sa Muntilupa kapag weekend. She couldn’t blame her best friend, though. Alam niyang entitled itong magkaroon ng mga bagong kaibigan (same goes for her other friends) pero ‘di niya mapigilang mainggit sa kanila. Ayun ang mga kaibigan niya, may bagong buhay at obviously masaya (their Facebook tagged photos says it all), habang siya naman ay mag-isa lang sa bahay, nagpapakabusy sa pagsketch ng wedding gowns (a new hobby; her mom suggested it nung maraming nagcomment na maganda ang gown niya nung debut niya). It was a very solitary confinement, na nadagdagan pa ng drama sa daddy niya. Ang mahirap pa nito, pati si Chester, ang taong ineexpect niyang hindi magbabago ang pakitungo sa kanya, ang kaaway niya ngayon.

At sa mga ganitong panahon, si Lean ang pinupuntahan niya.

Nadevelop ang friendship nila since nagsimulang magcollege ang barkada. Ang Skype kamustahan chats once a week ay nauwi sa halos araw-araw na chats sa Facebook. Buti na lang at mahilig siyang magpuyat, lagi niyang naabutang online si Lean. Kung anu-ano ang pinag-uusapan nila, be it ang bagong buhay ni Lean sa California o ang buhay tambay ni Janine.

And also, there’s this.

Janine Kitagawa: Nakakairita na, to be honest :((

                                Nag-away ulit kami ni Chester this week. Our third one already. Normal lang naman ‘to sa couples diba? Ugh

                                Si Daddy na naman pinag-awayan namin. Hindi ko na nga binabanggit yun eh. Ayoko na kasing mabadtrip. Nakakapagod din ano! Tapos.. siya tong nagbanggit kanina.

                                I know na hindi niya sinasadya yun. I mean, ayaw niyang saktan ang quote unquote fragile feelings ko about the issue. BUT SIYA ANG NAGBRING UP NON, HINDI AKO

                                Sabi ko ayaw ko na pag-usapan. Na wala na akong pake sa drama ni Daddy. I’m really tired of it. Tapos siya tong nagalit, na hindi raw ako makaintindi sa situation something like that

                                HOW WILL I UNDERSTAND IF I DON’T KNOW A SINGLE THING DIBA???

                                Sinumbatan niya ako. He said di ko raw alam kung gaano kahirap magtago ng sikreto. Na hirap na hirap na siyang “pumagitna sa inyo ng daddy mo”. UGH UGH UGH

                                I love him, but sometimes yang  Messiah Complex niya nakakainis minsan!!!!!!

Lean Abarquez: Whoa, slow down

Janine Kitagawa: I can’t. Naiirita na talaga ako.

Lean Abarquez: May point naman si Chester eh, mahirap magtago ng sikreto sa mga taong mahal mo

Janine Kitagawa: Pero bakit pa niya ako kailangang sumbatan na nahihirapan na siya?

                                Gets ko naman na mahirap. As if never akong nagtago ng secret

                                Ang sakit lang na kailangan pa niyang ipamukha na nasasaktan siya. Hindi ko na nga inuungkat for heaven’s sake!

Lean Abarquez: Maybe umabot na siya sa boiling point niya?

Janine Kitagawa: Hah! Maybe

                                Sakit niya sa ulo, promise

                                Pwede mo ba siya kausapin? For me?

Lean Abarquez: I don’t think that’s a good idea

Janine Kitagawa: Why naman? Former coach ka naman niya, he might listen

Lean Abarquez: This isn’t high school anymore, Janine J

Janine Kitagawa: Aray ha. Parinig pa!

Lean Abarquez: Sorry! Di ako nagpaparinig!

                                Baka naman stressed din kasi siya sa school?

Janine Kitagawa: Well.. busy siya lately with exams..

                                But that’s not an excuse for him to shout at me like that!

Lean Abarquez: Hindi nga excuse, but you have to understand him, too

                                Maraming pressure sa paligid niya. At sa tingin mo ba ayaw niyang sabihin sa’yo yung totoo? I know he wants to tell you EVERYTHING, Ja. Everything. Mahirap ding magtago at magsinungaling para sa mga taong mahal mo

Janine Kitagawa: Wow.. Lean.. wow

Lean Abarquez: Did I say something wrong?

Janine Kitagawa: Wala naman.. ang weird lang. Hugot na hugot ka lang :D

Lean Abarquez: HAHAHAHA baliw

                                Just saying what I think ;)

Janine Kitagawa: Yung totoo.. baka may love life ka na dyan ha? Lagot ka kay Barbs!!!!!

Lean Abarquez: Sa busy kong to may oras pa akong magkagirlfriend ha

                                Pasalamat ka pa nga kinakausap pa kita hahaha joke lang!

Janine Kitagawa: Sobrang mean!!! Grabe ka!!!

                                Pero seriously.. ba’t di ka pa nagkakagirlfriend? You know what, akala namin nina Rocky type mo si Ms. Medina! Kasi bigla siyang bumait nung dumating kayo sa Charleston

                                And to quote Barbs, “You tamed the wild tiger”

Lean Abarquez: Hahahaha gagi hindi ah

Janine Kitagawa: LeaRiz RizLean nga love team name niyo eh! <3 <3

Lean Abarquez: baliw

                                Friends lang kami ni clariz

                                Ikaw ha, iniiba mo usapan!!!

Janine Kitagawa: Ayoko na kasi madepress!!!

                                O ano nga, bat wala ka pang girlfriend? Nasaktan ka ba ng ex girlfriend mo?

Lean Abarquez: Ba’t ganun agad ang assumption ng mga tao ano?

                                Unang itatanong sa mga taong wala pang karelasyon for a long time

                                “Nasaktan ka ba? Natrauma ka ba sa past relationship?”

                                Ba’t hindi nila tinatanong kung “Nasaktan mo ba siya? May ginawa ka bang masama sa kanya?”

Janine Kitagawa: WOW HINDI KITA KINAKAYA

                                Nahawa ka ba kay Barbs? Jk

Lean Abarquez: Baliw ka talaga! Lagot ka kay barbs!

                                Napaisip lang ako :D

Janine Kitagawa: Naku umuwi ka na kasi dito!!! Para maihanap ka namin ng girlfriend!

                                Or better na ilalakad ka namin kay Ms. Medina! RizLean!!! <3

Lean Abarquez: Wag na kayong mag-aksaya ng oras HAHAHAHAHA baka malay niyo may love life na si Clariz..

                                O ako. Di niyo lang alam ;)

Janine Kitagawa: Joke pa rin ba yan? Gullible pa naman ako, wag kang ganyan!!!

Lean Abarquez: Of course, joke lang yon! Busy nga ako, no time for relationships

Janine Kitagawa: kkkk basta umuwi ka na! sa Christmas ba? Dyan ka ba magbibirthday?

Lean Abarquez: Dito ako magbibirthday J may trabaho pa ako sa birthday ko huhuhu badtrip

Janine Kitagawa: HAHAHAHAHAHA!

                                But seriously I wish you’re here

                                Para naman may normalcy dito

Lean Abarquez: you can’t avoid changes, Janine ;)

                                Sometimes makakabuti rin sa’tin yun

Janine Kitagawa: what if I don’t want to change?

Lean Abarquez: You can’t stop that. It will happen eventually : )

Janine Kitagawa: Ugh. You and your wisdom, nakakainis minsan

Lean Abarquez: But you need it! That’s why I’m here. Always on call hahaha

                                Pero Ja? Magiging okay din kayo ni Chester. Just give him some time. Give yourself some time, too. Don’t close your doors for possibilities okay?

Janine Kitagawa: Hay.. easier said than done : ( pero may magagawa pa ba ako? Pinasok ko to eh hahahahuhuhu

                                Super kaduper thank you talaga, Lean! Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala akong makakausap. I feel better already!

Lean Abarquez: no problem! Kahit hindi mo na ako tinatawag na Sir okay lang hahaha

Janine Kitagawa: akala ko ba ayaw mo ng sir kasi nakakatanda? Hahahaha baliw

Lean Abarquez: ewan ko sa’yo, aning ka talaga

                               

xxx

Vivien never once thought na makakaapak siya sa isang sosyal na club sa buong buhay niya.

Hindi niya naimagine (as in never) na aattend siya sa isang totoong college party: sa isang sosyal na club, with deafening dance music (EDM, Vivien, she scolded herself), amoy alak at yosi (isa sa pinakaayaw niyang amoy sa buong mundo) at nagkalat kung saan-saan ang mga taong kulang na lang ay magfornicate (what a very uptight word to say!) sa harapan nilang lahat.

She would rather choose to read endless handouts and kill herself with boredom than go to a (stupid) party.

Pero.. wala na siyang magagawa pa. Naipit na siya sa sitwasyong pinakaayaw niya.

It was all her wicked stepsisters’ fault. Dapat nagrereview siya para sa exam nila for Friday pero pinilit siya ng tatlo niyang kaibigan na pumunta sa isang party, Wednesday night. Ilang beses siyang tumanggi pero ibang klase ang convincing skills ng tatlo. Well.. more of pangongonsensya skills.

Ano ka ba naman, Vivien! Loosen up! Paano ka makakahanap ng kapalit ni Bren kung ganyan ka ka-passive?

You should be out more, you know. Wag ka ngang masyadong manang!

And besides.. you’re turning 19 on the 24th, right? Early birthday celebration! Our birthday treat!

C’mon na, Vivien! Kung nag-aalala ka kina Bren at Theresa Co, we assure you na wala sila dun! Di trip ni Theresa Co ang parties! Dali na, please?

Pinag-isipan niyang mabuti ang invitation ng tatlo. May point naman sila, puro acads na lang ang inatupag niya since pumasok siya ng college. Gusto rin naman niya magsaya minsan.. pero not this way. And she’s turning 19 a few days from now, wala naman sigurong masama kung.. pumarty siya, ‘di ba?

Pati nga si Barbs (na finally mukhang okay na from her heartbroken stint.. hopefully) pinilit na rin siya lumabas. Maumay ka naman sa handouts, teh. Baka mabaliw ka na sa sobrang katalinuhan mo.

So fine, she agreed (half-heartedly, though).

Hindi naman niya inexpect na may kasamang makeover ang pagpayag niya sa party. She ended up wearing this above the knee black dress (apparently black ang theme ng party, no surprise there), heels (not that high enough, she requested) and smoky makeup. Muntikan na nga niyang hindi makilala ang sarili niya sa salamin after ng makeover.

Goodbye, mousy and nerdy Vivien Padilla.

Hello, party girl Vivien Padilla.

Hindi siya mapakali habang nasa party. Sinarili niya ang lahat ng rants niya (masikip, mabaho, hindi siya makahinga, maingay, ba’t di ako informed na momol station pala ‘to?? her inner Barbs screamed) para ‘di mahalata ng mga kaibigan niya. Para siyang yaya sa tabi ng tatlo, halatang-halata na pinanganak ang mga kaibigan niya para pumarty at siya naman ‘tong nadamay lang.

But that didn’t mean she was left unnoticed. May ilang lalaki rin (and even a girl) na lumapit sa kanya at sinubukang kausapin siya. She politely declined all of their invitations, telling them na kesyo I don’t really dance, sorry / I don’t really drink, sorry / I’m really tired, sorry. Buti na lang may ibang pinagkakaabalahan ang mga kaibigan niya (si Erika busy sa pagsayaw sa dance floor, and boy that girl could dance; may nilalandi naman somewhere si Kim and si Jenna? Baka yakap-yakap na ang toilet bowl sa comfort room) kaya walang magsesermon sa kanya. Nakakilala naman siya ng ilang mababait na tao dun, mga taong napilitan lang samahan ang mga kaibigan nila at secretly nag-eenjoy sa mga katangahan ng party people. To be honest, mas nag-enjoy pa siya sa company ng mga katulad niyang reserved kesa sa stepsisters niya ngayong gabi.

She did try to drink tequila. Two shots later she cursed the drink to death. (First time niyang uminom ever. Noong high school nga halos magalit na siya sa kakapilit nina Janine at Barbs na uminom siya pero ngayong gabi tiklop agad siya. College do change people a lot, right?)

Three hours after stepping inside this shithole (her companions’ words, not hers), she found herself lonely as ever.

This.. isn’t her world. Will never be her world. Okay lang sigurong paminsan-minsan niyang bisitahin ang mundong ‘to pero alam niyang dapat hindi siya magtagal. She’s slowly changing, a good and acceptable thing, but she knows her limits. And for tonight, she reached hers.

1:30 AM, lumabas si Vivien ng club without saying goodbye to everyone. Hah, as if someone will look for her.

The tequila damaged her, though. Hilong-hilo na siya sa dalawang shots at medyo nasusuka na. Thankfully she managed to walk out of the club properly, pero nakapaa na siya. God knows what could happen to her kung maglalakad siya papunta sa kotse ni Erika na hilo at nakasuot ng hig—

“Oh shit,” she exclaimed suddenly. Nasa harapan na siya ng sasakyan nang narealize niya na nasa loob pa si Erika, probably already wasted, at ito ang dapat maghahatid sa kanya pauwi. Hindi niya rin maaasahan sina Kim at Jenna na magdrive, baka mas wasted pa ang dalawa.

May ilang taxi sa paligid ng club pero hinding-hindi siya sasakay dun. Una, takot siya sa taxi rides pag gabi. Pangalawa, tatalakan siya ni Barbs pag nalaman nitong sumakay siya ng taxi pauwi ng dorm nila. No choice siya kundi tawagan si Barbs.

Her roommate answered immediately after three rings.

“O? Kamusta party? Lasinggera ka na rin ba?” Barbs joked, halata sa boses nito na kakagising lang niya.

“Sira. Uhmm.. I have a problem, though.”

“Hmm?”

“Sina Erika kasi.. wasted na.. at gusto ko na umuw—“

Barbs sighed. “Buti na lang prepared ako sa mga ganitong bagay! Tawagan ko lang si Wes. Kanina pa namin hinihintay na tawagan mo kami. Can you wait for 10 minutes?”

She didn’t expect that… pero sobrang thankful siya na ginawa ‘yon nina Barbs at Wes. Mas gugustuhin pa niyang maghintay sa labas ng club kesa sumakay sa ta—

“Vivien! Is that.. you?” exclaimed by a familiar voice behind her.

Agad siyang umikot para makita kung sino ‘yon (kahit alam niya talaga; for verification purposes only) and.. voila. In front of her stood the Bren Davis Gamboa, eyes wide and completely taken aback by the sight of her. Vivien mentally berated herself for believing in her friends. Of course, he’s Mr. Nice Guy, Vivien. Syempre nandito siya!

“Uhh.. B-Bren? Hi!” she said too quickly, fixing her short dress. God, sana mas mahaba na lang ‘tong dress ko! Nakakahiya!

“What are you doing here outside?” tanong ni Bren sa kanya. He slowly towards her, as if he was assessing her or something. “Ikaw lang ba mag-isa dito?”

Vivien shook her head a little too forcefully. “N-no.. uh.. kasama ko sina Kim pero.. n-nauna na ako.”

Then he was standing right in front of her, too close for her comfort. Ilang linggo rin silang hindi nag-usap tapos sa ganitong sitwasyon pa nila naabutan ang isa’t isa. Great, just great, Vivien. Way to go! Bren was still giving her that scrutinizing look, so she spoke up. “Uhh.. why are you looking at me like that?”

“I’m sorry.. nanibago lang ako sa itsura mo,” he replied sheepishly, not looking at her. “You look.. different.”

She couldn’t help but smile at this role reversal. Dati siya ‘tong nahihiya kapag kinakausap siya ni Bren. Ang sarap din pala sa feeling na makita siyang nahihiya! “It’s really me. Too much makeup, though.”

“No no no.. you look really great.” This was very.. unexpected. Bren couldn’t even look at her directly. Nasaan na ang lalaking oozing with charm and coolness? Kailangan lang pala niyang magmakeup para matameme ang nag-iisang Bren Davis Gamboa.

“T-thank you?”

“Uhh.. uuwi ka na ba?”

“Yeah. May hinihin—“

“WHAT DO YOU THINK ARE YOU DOING?” a scandalized woman’s voice shouted behind them.

Maybe it was the alcohol in her system o sadyang mabilis lang ang mga pangyayari, she couldn’t tell. All Vivien could remember was Wes charging Bren from behind, kasama si Barbs na ready nang manuntok. The next thing she knew, Wes’ right hand landed squarely on Bren’s jaw.

Hinding-hindi na siya iinom ulit. Ever.

xxx

After almost 30 minutes na paghingi ng sorry nina Barbs at Wes (supposedly saglit lang sila magsosorry, pero nag-away pa sila sa harapan nina Vivien at Bren para malaman kung sino talaga ang may kasalanan), Bren found himself sitting on the sidewalk in front of Vivien’s dorm. Nakayuko lang siya, iniiwasan ang tingin ng mga dumadaan. Ayaw niya ng issue bukas (mamaya) sa school. Nagdecide siya na hindi muna siya papasok para makapagpahinga.

Vivien came back minutes later, clad in her usual clothes (shirt and jeans) and sans makeup. Mas matitignan na niya si Vivien ngayon; the girl he saw earlier was.. a little too much for him. Siguro hindi lang siya sanay na makitang ganun ang ayos ni Vivien. Yeah, maybe that’s it.

He could sense her discomfort as she handed him a block of ice wrapped in a towel. Time to be Bren the Friendly Guy. “He’s your basketball player friend, right?” sabi niya nang makaupo si Vivien sa tabi niya. “Baka naman nagbo-boxing din siya. That’s one hell of an uppercut!”

Mas namula si Vivien sa sinabi ni Bren. Ilang beses pa ba siya mapapahiya sa harap ng lalaki in a span of 24 hours? “God, I’m really really sorry for this, Kuya. Napaha—“

“Can you do me a favor?”he cut her off, smiling. “Wag mo na akong tawaging ‘Kuya’ okay? I’m not that old.”

“O-okay, Bren.” That was.. weird, calling him by just Bren. Finally, tinignan na rin niya ito at inexamin ang pasa sa panga nito. “Uhh.. wait, masakit pa ba? Do you want to ice it more?”

“Y-yeah. Thanks.”

They sat there silently for awhile, unsure of what to say. Ang tagal na rin nilang hindi nag-uusap ever since the Theresa Co fiasco. Siguro ito na ang chance ni Vivien para makuha ang closure niya kay Bren. Para mapamukha sa sarili niya na hanggang magkaibigan lang sila. “Alam mo.. thankful ako na hindi mo ginamitan si Wes ng taekwondo skills,” she started the conversation tentatively. Nang makita niyang tumingin sa kanya si Bren, she continued. “Baka mamaya nahuli na kayo ng pulis or something.”

Bren actually laughed, wincing a little. “Well.. muntikan na talaga. But he punched me first. Nawala momentum ko.”

Wow, kaya ko naman pala siya kausapin without awkwardness eh! “Thank you nga pala ulit dun sa kanina. And I’m very sorry ulit. Laking pahamak naming sa’yo eh. I’m really really mortified.”

“Sus, okay lang. Gawain ko na yan sa friends ko. Mas mild pa kayo compared sa kanila. Nga pala, sina Kim at Jenna?”

She rolled her eyes. “Ayun.. sinundo na ng parents nila, I think. I’m surprised na hindi sila masyadong galit sa kanila. Goodness, ngayon lang nagsi-sink in sa’kin yung nangyari kanina. God, what if wala ako don? Paano na sina Jen—“

“Everything’s fine now, Vivien. Sanay na siguro ang parents nila sa ganun. Don’t get me wrong.. but I’m surprised you’re with them.”

“Kasi iba ako sa kanila?” she raised an eyebrow when he nodded. “Naahh.. okay naman sila eh. Naka-adjust naman ako sa mga kalokohan nila. They need a rational one in the group. So.. that’s me.”

“Yeah, the rational one. Kasama ba dyan ang taga-buhat kapag lasing?”

Natawa siya. “Yeah. Naka-fine print nga lang ‘yon. Besides, I really don’t have normal friends anyway. Nakita mo naman siguro sina Wes at Barbs ano.”

“Oo nga eh,” Bren agreed, nodding slightly. “You really have weird friends. Good thing you’re still norma— ouch! Ingat naman!”

“Everything’s fine pala ha? Ayan, may bangas ka tuloy sa mukha! Baka awayin pa kami ni Theresa Co nito ha! Hindi ko alam kung paano ie-explain sa kanya ‘to,” she said before she could even stop herself. Hinihintay niya na tumawa o magreact si Bren kasi nagulat siya sa nakita niya. Biglang.. nalungkot si Bren. “O bakit? Did I say something wrong?”

He immediately snapped out of it, flashing his dashing smile. “Naah. It’s nothing.”

“Di nga? Anong meron?”

Bren sighed, eyes concentrated on the ground. Nilapag niya ang yelo sa tabi niya bago nagsalita. “You really… I mean we really don’t have to explain anything to her. Anymore.”

“Ha? Eh bakit naman?”

“We’re not together anymore. Just last week.”

Not. Together. Anymore. Nagsisinungaling siya kung ‘di niya aaminin na somehow natuwa siya sa mga salitang ‘yon. Agad naman siyang naguilty sa inisip niya. “Oh. God. I’m sorry. Ang tsismosa ko pala a—“

“Ano ka ba,” Bren let out a rueful smile. “Everything’s fine.. except my face. Wala lang talagang nagtatanong sa’kin about this kaya.. yeah.”

“Is that why you’re there earlier? Para magpakabasag? I was told na hindi ka raw mahilig puma—“

“Where did you hear that?”

“Word gets.. around.” Matagal-tagal na rin niyang hindi nababanggit ‘yon. Their own brand of foreplay, sabi nga ng evil stepsisters niya.

“Yeah,” he admitted shly. “I wanted to try what those guys do in the movies. Kaso naaah, I’m done with it, anyway. My fratman days are over.”

“To be honest.. akala naming apat busy lang si Theresa Co.. I mean si Theresa sa schoolworks and all. We didn’t know.. If you don’t mind.. what happened?”

Bren paused. Then tentatively, “I guess.. I really do have this predilection to women who would never like me back.”

Ouch, ang sakit. Ba’t parehas pa kami? “Uy, don’t say that! I saw you togeth—“

“Sa library?”

“Y-yeah. You look great together. Tapos..” she trailed off. Ayaw na niyang matandaan ang pagbibitter niya (Kim’s words, not hers) sa library moments nina Theresa Co at Bren dati.

“Yeah. Akala ko rin. She was the one who ended it. I tried to change her mind but.. you know how headstrong she is, right?”

“But.. why?”

“The same old commitment shit,” his words came out more bitter than she expected. “Ayaw pa raw niyang magcommit kasi busy siya and hindi pa siya ready. Sabi ko okay lang, maghihintay ako pero ayaw niya. Wag ko na raw siya hintayin. I don’t fucking understand it, you know. I thought we’re okay.. then..”

“Bren…”

“Kung ayaw niya sa’kin e ‘di sana diniretso niya ako. I’m not that stup— Shit. Ang bitter ko.”

She smiled at him, hoping he would be calmer. “Okay lang yan! Sabi mo nga, wala kang pinagsabihang iba. And you know what? I think.. mas okay na hindi kayo natuloy ngayon kesa umoo siya tapos in the end malalaman mo na magkaiba pala kayo ng goals sa buhay. Kasi ‘di ba, what if ganun nga? She half heartedly said yes? Ikaw lang din ang kawawa don, Bren. At least she saved you from that deeper heartache.”

“Well.. maybe you’re right. It’s just that.. I always fail at this, you know. Hindi ko alam kung ‘di lang ako natuto sa mga nauna o sadyang malas lang ako sa pag-ibig.”

Her heart thudded faster because of his words. Bakit parehas sila ng iniisip at nararamdaman ni Bren? Ang ironic nga lang, siya ‘tong nahihirapan kasi kay Bren siya nagfail; habang ang lalaki naman.. bitter kay Theresa Co. Sinasadya ba ng universe na magkasama sila ngayong gabi sa sidewalk na ‘to?

Siguro ito na yung hinihingi niyang closure. Na hanggang magkaibigan lang sila ni Bren at may iba pang lalaki para sa kanya. Kung pagiging kaibigan lang din naman ang usapan.. ba’t ‘di pa simulan ngayon?

“Wala naman sigurong malas pagdating sa pag-ibig, Bren. I’d like to think na minsan nagse-settle lang tayo sa mga bagay na hindi naman talaga para sa’tin kasi.. I don’t know.. baka akala natin ‘yun na ang best o takot na tayong maghanap ng iba pa. Takot na mareject. Takot maghintay nang matagal. Ganun ba..  Gusto natin ng instant gratification. Kaya pag nagfail, sasabihin nating malas. Minsan kasi yung mga bagay na pinagpipilitan.. may tendency talagang magfail. Well, lahat naman ng bagay ganun. Aahhh ewan!”

Napangiti si Bren sa kanya. It was different from his previous smiles, para bang may deeper meaning ito. At himala, hindi siya kinilig.

“Are you sure na hindi ka mas matanda sa’kin?” biro sa kanya ni Bren. Mas gumaan na ang aura nito at nakakangiti na rin. “But wow.. that was a very sound advice. Thank you, Vivien. I’ll keep that in mind.”

“Mas bata ako sa’yo ha! You’re welcome. I’m glad I could help you kahit inexperienced ako sa mga ganito.”

Bren nudged her sides and said, “Naah, you’re doing great. Try mo kayang gumawa ng advice column sa The Guidon?”

“Baliw! It was really nothing, really.”

“Hmm.. yung nothing sa’yo, something na ‘yun para sa iba. Simple words could change people, you know.”

“Yeah.. they do.”

Because your words changed my life without you knowing and it’s time for me to let go.

xxx

Hindi ine-expect ni Cyrus na makita si Barbs sa, of all places, Oblation Run.

Kakatapos lang ng klase niya sa Palma Hall, at nagkakagulo na ang mga tao sa steps para panoorin ang members ng APO na ipahayag ang kanilang mensahe sa mga kapwa Iskolar ng Bayan at media. First time niyang makanood ng Oblation Run, at hindi niya inexpect na maraming tao ang makikigulo sa event na ‘to. Media, mga estudyante at pati professors ay nanonood. Siya? Gusto lang naman niyang dumaan at umuwi ng dorm para matulog.

Sa gilid ng crowd siya dumaan, hoping makakasingit siya kahit paano. Well, he was wrong. Wala na siyang masisingitan dahil sa dami ng mga babaeng nagtitilian at nagkakagulo sa fratmen na nasa harap nila. He was about to go back inside the building when.. there. He saw her.

Limang tao lang naman ang layo nila sa isa’t isa pero pakiramdam ni Cyrus ay magkatabi sila. She looked.. better than he expected. Hindi na ito si Barbs na dinedescribe ni Wes na zombie; she seemed.. fine. Hawak nito ang cellphone niya, malamang kinukunan ng video ang Oblation Run (he actually laughed at this).

It was good to see her like this.

Isang linggo na rin simula nung pinuntahan niya si Seth sa bahay nito. Inaamin niya, mali na sinugod niya si Seth. Mali na sinabi niya ang ilang (Oo, ilan. He would never apologize for saying his feelings for Barbs) bagay na wala naman siyang basis. Tama si Seth, sa kanilang dalawa, siya ang unang nakasakit kay Barbs. Tama rin ang kaagaw (Is this even an apt term for him? Lalo na’t wala na sila ni Barbs?) niya na kailangan niyang pag-isipan ang sasabihin niya kay Barbs in case magkita silang dalawa.

Ni hindi nga siya makapaniwala na umabot siya sa punto na makikinig siya kay Seth Bello.

Hindi niya namalayang napatitig na siya kay Barbs. When he did, nakatingin na rin ang babae sa kanya.

Before he could say anything, Barbs turned around and walked away.

Nasanay siya sa pagwawalkout ni Barbs. But this time? He chose to follow her.

“Barbs! Wait lang!”

He was surprised na tumigil nga si Barbs. Was this a good sign or not?

Pumwesto si Barbs sa may gilid, malayo sa mga taong pwedeng makarinig ng usapan nila. Hindi ito ang setting na iniisip niyang gaganapan ng pag-uusap nila pero pakiramdam niya na ito na ‘yon. Finally, magkakaayos na sila (Sana. Sanasanasana).

“Bakit?” she said casually, trying to pull off that rare smile. She didn’t succeed though, napagod na rin siguro siyang magpanggap na okay lang siya.

“Are you okay?” tanong niya kahit alam na niya ang sagot. Gusto lang niyang marinig na magsalita pa siya.

“Kinausap mo siya, ano?”

He didn’t expect that. Paano nalaman ni Barbs na nag-usap sila ni Seth? Ginagago lang ba siya ng dalawa? Baka naman hindi totoo na wala na silang dalawa at isang malaking panggagago lang ‘tong ginagawa nila. Nag-uusap pa ba si—

“I know what you’re thinking. Hindi na kami nag-uusap ni Seth. Alam ko lang na pupuntahan mo siya pag nalaman mo yung.. nangyari.”

Gusto niyang ngumiti, kilala pa rin siya ni Barbs kahit paano. “Is it.. really over between you two?” he managed to ask.

Barbs smirked at him. “I’ve waited a long time to say this but.. don’t ask questions if you’re not ready for answers.”

Ayaw niyang mainis si Barbs sa kanya ngayon but man, masakit pala na sa’yo sabihin ang mga salitang ‘yon. Eto siya, gusto ng mga sagot, tapos.. ipagkakait sa kanya. Ganito rin kaya ang sakit na naramdaman ni Barbs noong sinabi niya ‘yon sa kanya?

“I-I’m so—“

“Pero ako, marami akong tanong sa’yo, Cyrus. Kaya mo ba akong sagutin?”

Ayaw na niyang magalit si Barbs sa kanya. Pagod na rin siya sa paikot-ikot nilang dalawa.

So he said yes.

xxx

Sinundan ni Cyrus si Barbs sa Sunken Garden. Hindi ito ang ideal place niya for conversation, pero mas kailangan ni Barbs ang moment na ‘to kesa sa kanya.

Barbs really surprised him now. Inaasahan niya na galit ito sa kanya, na anytime na may sabihin siyang mali ay makakatanggap siya ng suntok at kung anu-ano pang violent acts na kadalasan nitong ginagawa. She did neither of those things. Tahimik lang siya at malalim ang iniisip.

And that scared him. Sana suntukin na lang siya ni Barbs at pwedeng sipain na lang din. Kaso hindi maaayos ang problema nila kung ganun lang ang gagawin nila.

“Cyrus..” Barbs said, a little too forcefully, “Marami akong gustong itanong sa’yo and I want you to answer them honestly. Pagod na akong makipaglokohan at gusto ko nang makamove on sa ibang bagay. Magagawa mo ba yun?”

“Y-yes. Anything for you. Yes.”

Silence enveloped them for few minutes before Barbs spoke again.

“To answer your question earlier.. hindi ako okay. Hindi tayo okay. Hindi kami okay ni Seth. Hindi kayo okay ni Seth. Hindi tayo magiging okay hangga’t ‘di mo nasasagot ‘tong mga tanong ko.”

He wanted to run away that moment. Natatakot siyang magkamali sa isasagot niya sa mga tanong ni Barbs.

“Cyrus.. bakit mo ginawa ‘yon? Bakit ka pumunta sa bahay nung Pasko last year at sinabi mong two months ago, you went to the wrong house?”

Tandang-tanda pa niya ang gabing ‘yon. Kakatapos lang niyang tulungan ang mga ate niya sa paghahanda sa Noche Buena nang maisipan niyang puntahan si Barbs sa kanila para batiin ito ng Merry Christmas. Pero nang makita niya itong kumakain ng chocnut sa harap ng bahay nila.. ‘yun ang nasabi niya kesa sa Merry Christmas.

“Seryoso ako sa sinabi kong ‘yon, Barbs. Maling bahay nga ang pinuntahan ko two months before.”

“Si Tatin ‘yung pinuntahan mo dati, am I right?”

He nodded. “That was the day na nakipagbalikan ako sa kanya.”

“Did you regret going back to her?”

Napaisip siya dun. Kahit paano naman masaya sila ni Tatin nung nagkabalikan silang dalawa. They had great moments, yes, pero may kulang para sa kanya. “Hindi. Kasi nung nagkahiwalay kami.. dun namin nakuha ang closure na kailangan naming pareho. Our first break up wasn’t even that mature anyway.”

“Oh.”

“Barbs.. I don’t know why you’re asking about Ta—“

“I’m asking about her kasi ‘yun naman talaga ang dahilan nitong lahat, Cyrus! Tanda mo ba nung nag-usap tayo sa HQ? Okay na tayo nun, ‘di ba? Nagkalinawan na tayo nun. Alam mo ba kung bakit ako galit sa’yo? Kasi hindi ko magawang magalit sa sarili ko. Kasi nag-assume ako. Hindi ako sanay na maging mali, Cyrus. Of all people alam na alam mo yan. Kaya sinisi kita. Kaya ganun ang ending ng You’re The One That I Want kasi gusto kong magalit sa’yo kahit mali.. kahit dapat sa sarili ko ako magalit. Hiyang-hiya ako nun. You said it yourself, kaya mo ginawa yun kasi one of the guys ako. Na mali lang ako ng intindi sa kiss, sa mga pakilig mo.. lahat ng ‘yon eh para sa kwento ko. Tapos yung letter pa. Putanginang letter yan oh!

After nating mag-usap.. okay na ako eh. Natanggap ko na na mali ako. Okay din naman kayo ni Tatin nun, ‘di ba? Tapos.. nung namatay si Lola Babes…”

“Barbs.. please..” Ayaw niyang pag-usapan si Lola Babes. Ayaw na niyang maalala yung araw na ‘yon kasi kahit isang taon na ang lumipas, masakit pa rin. Hinding-hindi mawawala ang sakit na ‘yon sa kanya.

“Bakit sa’kin ka pumunta nun at ‘di kay Tatin?”

“Because she wouldn’t understand, okay? Marami siyang pinagdadaanan sa buhay niya that time and I didn’t wan—“

“Wow. So ako walang pinagdadaanan sa buhay nun, ha? So I was right. Ginawa mo akong emotional dumpsite!”

“Don’t ever think of tha—“

“Eh anong gusto mong isipin ko, Cyrus? Ilang beses kitang tinanong, ang lagi mong sagot hindi mo maiintindihan, hindi ko rin maintindihan. Anong sa tingin mong iisipin ko nun, ha? Na kaya ako ang pinupuntahan mo kasi I’m the most convenient of them all?”

“Kaya ikaw ang pinuntahan ko kasi ikaw ang nakakaintindi sa’kin! You were never my emotional dumpsite, Barbs. Believe me,” he inhaled sharply, calming himself. “Mas naiintindihan mo ako kesa kay Tatin. Kahit anong gawin ko.. hindi niya ako maiintindihan kagaya ng pagkakaintindi mo sa’kin.”

“Did you even give her the chance to understand you, Cyrus? Alam mo.. may tendency ka kasi na magiging super mysterious ka at aasahan mong iintindihin ka ng ibang tao. Nakakapagod yung ganun. Hindi sa lahat ng oras mabilis kang maiintindihan ng mga tao. Kailangan mo ring magpaintindi.”

“I.. never thought of that, to be honest.” And he felt stupid for admitting that. Ilang beses na ring sinabi sa kanya ni Lola Babes yan pero hindi siya nakinig. Akala niya ang lola lang niya may ganung opinion sa kanya. Pati rin pala si Barbs.

“Cyrus.. may isa pa akong tanong. Mahal mo ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako?”

“Ilang beses ko ba dapat patunayan sa’yo yun, Barbs? Oo, mahal kita. Bakit mo iisiping hindi?”

“Kasi hindi ko alam kung kalian, okay? Kung titignan mo ang timeline.. saan banda mo ako minahal? What, bigla na lang bang sumulpot yun nung Pasko? Kayo pa ni Tatin nun!”

“Why do you even have to know? Hindi pa ba sapat sa’yo na mahal kita?”

She smirked again. “Hindi. Kasi sa totoo lang.. hindi ko naramdaman na minahal mo ako.”

Wala nang mas sasakit pa sa sinabing ‘yon ni Barbs. Akala niya pinakamasakit na yung hindi siya ang pinili ni Barbs. Again, he was wrong.

“B-but why?” thank God his voice didn’t break. “I did the right thing. Isn’t that enough for you?”

Barbs started to cry quietly. He wanted to touch her, hug her, but he knew she would just push him away. “Yung mga bagay na tama para sa’yo, yun pa yung mga bagay na nakasakit sa’kin. How ironic, right?”

“How.. did I hurt you?”

Suddenly a strangled laugh came out of her. Nagtuluy-tuloy na ang iyak-tawa ni Barbs. Pinagtitinginan na sila ng mga nagpapadaan pero hindi pa rin siya tumigil. Barbs in hysterics scares him; hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin niya.

“Cyrus.. in my my eyes, eto ang ginawa mo sa’kin: you blackmailed me, tapos pinakialaman mo ang writing shit ko. Kung anu-ano ang ginawa mo para ‘matulungan’ ako sa pagsusulat: date, nilandi, sinagip, kung anu-ano pa para ma-experience ko para makasulat ako ng romance. We got close. Then we accidentally kissed. I assumed na may something. On my birthday, sinabi mo na nagkabalikan kayo ng girlfriend mo. Mali ako, natanga ako dun. Ginawan kita ng essay. Tinapos ko yung kwento sa Wattpad. Nag-usap tayo, sabi mo one of the guys lang ako, na namisunderstood ko, na biruan lang lahat. Pati yung letter! My god that fucking letter! Tapos okay na ako nun, tanggap ko na na isa akong malaking assumera. Tapos nung namatay si Lola Babes, sa’kin ka unang pumunta. I even fucking hugged you! Tapos nung dumating si Seth sa bahay.. you said don’t ask questions shit. Pasko, two months ago I went to the wrong house! Sumunod na you’re worth the embarrassment at kung anu-ano pang kakagaguhan! Yung sa Prom! Why did you even lie to me? Ba’t ka bumalik eh wala naman palang outbreak chuchu? Bakit mo ginawa sa’kin ‘yon?”

“Can’t you see, Barbs? I did all of those things because I fucking love you!” he shouted back angrily. Konti na lang maiiyak na rin siya. “Hindi mo ba alam kung gaano kahirap na magmukhang tanga sa hara—“

“Cyrus.. nagmukha ka lang tanga sa harap ko. Ni hindi mo ngang magawang ipakita na mahal mo ako sa harap ng ibang tao. Anong mahirap ang sinasabi mo dyan?”

“Barbs cut this crap!”

“No, I fucking won’t! Sinasabi mong lahat ng ginawa mo ay tama, na para maramdaman ko na mahal mo ako? You’ve got to be kidding me! Kasi.. feeling ko Cyrus.. challenge lang ako sa’yo. Na nasanay ka lang na nasa tabi mo ako. Na alam mong may kahit katiting akong gusto sa’yo. Tapos nung okay na ako, nung nakilala ko na si Seth.. doon mo lang narealize ang worth ko sa’yo kaya mo ginawa lahat para mapansin kita. Parang may kinukumpleto kang level sa bawat action, admission na ginawa mo. Ano, challenge lang ba ako sa’yo?”

Her admission shocked him. Wala siyang kaalam-alam na ganun pala ang epekto ng mga ginagawa niya kay Barbs. Ngayon medyo naiintindihan na niya kung bakit ganun na lang ang galit sa kanya ni Barbs. Ginawa naman niya ang lahat sa tamang paraan na alam niya ah? Saan banda ba siya nagkamali?

“You were never a challenge for me, Barbara. I did all of those things because I don’t want to lose you. I’m afraid to lose you.”

“But you never had me that way! How come takot kang mawala ako? Sa’ting dalawa ikaw ‘tong unang bumitaw. Tatin and I got back together, ‘di ba? Kaya ka ba natakot kasi nawalan ka na ng reserba? Na kapag nagbreak kay ni Tatin sa’kin ka naman pupunta kasi alam mong may ‘gusto’ ako sa’yo? Kasi alam mong naiintindihan kita at si Tatin kahit kailan hindi? If that was your reason.. my God, Cyrus. Pwede ko namang gawin ‘yon as your fucking friend!”

Gusto niyang sabihin na Barbs hindi totoo ang sinasabi mo. Kaya ko ginawa ‘yon kasi mahal kita. Kasi ayokong mapunta ka sa kanya. Hindi kita reserba. Wag na wag mong iisipin na reserba lang kita.

Pero hindi niya magawa.. kasi maging siya, naguguluhan kung ano nga ba ang totoo.

“Sana tumigil na lang yung oras dun sa HQ eh, nung napag-usapan natin nang matino ‘to,” Barbs whispered softly. “Sana ‘di ka na lang pumunta nung Pasko. Sana ‘di na lang nangyari yung sa prom. Sana.. hindi niyo na lang ako pinapili.. Nasaktan ko si Seth, Cyrus. Mas malala pa sa nagawa mo sa’kin o sa nagawa ko sa’yo. Sana pala.. wala na lang akong pinili sa inyo. Sana pala.. pinili ko yung sarili ko. Mas kailangan ko palang unahin na ayusin ang sarili ko bago ko.. bago ako pumili. Para alam ko kung ano ang kaya kong ibigay at tanggapin. But.. it’s too late for that. Nasaktan na tayong tatlo. Eto ako, wala nang natira. I always learn things the hardest way possible. I don’t know if that’s a blessing or a curse.”

May klase siya ng 1 PM pero hindi na niya ‘yon papasukan pa. Mas importanteng maayos na ‘tong problema na ‘to bago mahuli ang lahat.

“Barbs.. I’m very sorry. H-hindi ko alam na ganun pala ang nagawa ko sa’yo. I only loved you in the way I know. Hindi ko naman alam na masasaktan kita. God, I’m so sorry. I was so selfish. I didn’t know, Barbs. If.. you could only give me another chance.. promise, I’ll do better.”

“Sorry, I can’t give you what you want.”

Ilang beses pa ba siya masasaktan ngayong araw na ‘to?

“Cyrus.. I’m giving this chance for myself. I want to be better. I need to be better. Ayoko nang magalit sa mundo. Gusto ko ng peace of mind. Gusto kong makahinga nang maluwag. And I think.. we could function better as friends.”

But I don’t want us to be friends, he wanted to say (again). Kaso sobra-sobra naman kung ipagpipilitan niya ‘yon kay Barbs.

“May mga tao talagang hanggang magkaibigan lang, Cyrus. Tignan mo nung mga unang buwan natin as classmates? Okay tayo nun, ‘di ba? Yun lang talaga ang nakikita ko sa’tin eh. Pero hindi pa ‘yon ngayon. Gusto ko munang ayusin ang sarili ko. I admit, may onting galit pa rin akong nararamdaman kapag nakikita kita. Gusto ko.. the next time na makita kita.. wala na ‘yon. Kailangan ko munang patawarin ang sarili ko. Sana ikaw din, piliin mo muna ang sarili mo. Wag muna ako, Cyrus. Mapagod ka rin naman sa’kin. Kahit ngayon lang.”

Panic started to arise inside him. Is she.. saying goodbye to him? Oo, nasa iisa silang university, nasa iisang lugar nakatira, may chance pa rin na magkita sila. After this, hindi na ba sila magpapansinan? Parang wala na lang sila sa isa’t isa?

Tama si Barbs.. dapat piliin niya ngayon ang sarili niya. Ilang buwan ding umikot ang mundo niya sa mga bagay na nakasama sa kanya. He needed time to heal, too.

“O-okay. If.. that’s what you want. I could live with that,” lang ang nasabi niya.

Humiga si Barbs sa damuhan at tinakpan ng panyo ang mga mata niya. He sat there staring at her intently. Pagod na pagod na nga sigu—

“Have you ever loved someone so much, so strong, so great that it consumed you?” Barbs asked out of the blue.

“What?”

“It never felt like an addiction at all. What you feel for that person is deeper than anything in this world. Your love consumes you. You can feel it running in your bloodstream, burning every cell and invading every fiber of your being.

It never felt llike you’re just chasing a high. Your love takes you to the lowest and highest points ever existed.

Your love makes both of you safe. Your love makes that person stronger, better, and more alive than ever.

Have you ever loved someone that way?”

Paano niya sasagutin ‘yon? Hindi niya masabi kung ganoon ba ang naramdaman niya kay Tatin o kay Barbs. Nagmahal na ba siya nang ganoon? Minahal ba siya ni Tatin nang ganoon?

Barbs took his silence as an answer. “That’s something to think about, Cyrus. You don’t have to answer it. Mas kailangan mo yung sagot sa tanong na yan kesa sa’kin.”

“Ikaw ba? Ganyan ba ang naramdaman mo kay Seth?”

A sad smile formed on her lips. Buti na lang nakatakip ang mga mata ni Barbs. “Hindi ko naman masasabi yan kung ‘di ko naranasan, ‘di ba?”

“Barbs?”

“Hmm?”

“Did you ever love me? For what it’s worth?”

Pumikit siya bago sumagot si Barbs. Hindi niya kakayanin kung makikita niya na wasakin ulit ng mga salita ni Barbs ang puso niya.

“I had feelings for you but I couldn’t call it love,” she said slowly. “But I didn’t love you that way. I fell in love with the idea I had of you.”

And those words were enough to break him one more time.

Continue Reading

You'll Also Like

28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
82.2K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
900K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...