ASSASSINATION SCHOOL: Assassi...

By lythe_btst

694K 21K 1.9K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

36

10.7K 345 14
By lythe_btst

"I can do it without you!"

Nag aaway lang naman kami ni Lexus ngayon dahil ayaw n'yang pumayag sa gusto kong gawin. Nagagalit s'ya kaya sinabayan ko s'ya,

Hindi kona babanggitin kung ano ang napag-usapan namin at kung bakit kami umabot sa ganito.

"What the hell are you thinking? Do you think that's f*cking easy?" inis n'ya,

"Ako naman 'yung gagawa hindi ikaw! Bakit ba galit na galit ka?!" inis ko at mariin naman s'yang napapikit.

"You don't know her, she's freakin' dangerous!"

"Okay fine! Alam ko naman kung anong pinupunto mo. Edi hayaan mong imbestigahan ko s'ya bago ako kumilos."

"She's the girl version of me, Lucy!"

Natahimik naman ako sa sinabi n'ya at naitaas ang dalawang kilay.

Kaya naman pala galit na galit s'ya dahil kasing lakas naman pala n'ya 'yung gusto kong isama sa plano ko.

"Edi gagawan ko ng paraan." sabi ko nalang habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Can you just let me help you? Just this time, Lucy." may pakikiusap sa tono n'ya at napabuntong hininga naman ako.

Ayaw ko kasi s'yang isama sa mga gusto kong gawin dahil ayaw ko naman na madamay s'ya. Dahil bukod sa busy s'yang tao ayaw ko ng problemahin pa n'ya ang problema ko.
Pagkatapos kong malaman ang totoo n'yang intention sa'kin ay nahiya na'ko.

"Pag-iisipan ko. Aalis na'ko." sabi ko nalang at agad tumalikod para sana umalis nang pigilan n'ya ako,

"No, stay here!"

Kanina pa ako nasa kuwarto n'ya mga bandang tanghali pa yata tapos ngayon ay gabi na. 10:56 PM nanga hindi pa ako nakakabalik sa kuwarto ko tapos gusto pa n'ya na mag stay ako dito?

Sa bagay, baka nandoon din si Eurich sa kuwarto ko at hinihintay ako. Ayaw ko pa naman na makita s'ya ngayon dahil hindi ko alam kung paano na s'ya papakisamahan.

"Lucy, stay here...please."

Napatingin ako kay Lexus nang hawakan n'ya ang kamay ko,

Ang pangit kasi tignan kung matutulog ako dito 'di ba? Baka mamaya ay kung anong isipin ng iba.

"Hindi puwede, ayoko." sabi ko na lamang at binitawan naman n'ya ako,

"I know you'll cry."

Medyo natahimik ako sa sinabi n'ya.
Kahit ako ay alam kong iiyak ako kapag naramdaman kong mag-isa nanaman ako.

Ang mga ginawa ni Eurich ay tatatak sa utak ko kapag mag isa na ako at doon ay makakaramdam nanaman ako ng iba't-ibang emosyon.

Pero hindi, ayoko na mag stay dito. Nahihiya na ako.

"H'wag kang mag alala, hindi ako iiyak. Bukod sa inaantok na ako ay pagod na din ako. Gusto kona mag pahinga," saad ko, "Then, rest with me." saad nito at wala naman akong nagawa kung hindi ang tignan s'ya,

***

Nasa tapat ako ng pintuan ng kuwarto ko at medyo nag dadalawang isip pang buksan ito dahil alam kong nandito talaga si Eurich.

Kinakabahan ako kahit si Eurich lang naman 'yan. Ewan ko ba.

"She's there," usap ni Lexus habang nakapamulsa at hinihintay na buksan ko ang pinto.

"Kinakabahan ako." saad ko at napabuntong hininga naman s'ya,

"Let's just stay in my room." suhesyon n'ya at hindi naman ako sumagot.

Dahan-dahan ko na lamang binuksan ang pintuan at napahinga naman ako nang malalim at mariin na napapikit nang makita si Eurich na nakahiga sa kama ko at mahimbing na natutulog.

Lumungkot ang mukha ko at parang iiyak na hindi malaman.

Ewan ko ba, siguro ay nanghihinayang ako sa pagkakaibigan namin.

Iniisip ko din kasi na kapag nawala si Eurich sa'kin ay hindi ko alam kung kaya ko lalo na't itinuring kona s'yang parang kapatid ko.

Kapag nawala s'ya sa'kin ay hindi kona muling makikitang nandito s'ya sa kuwarto ko at mahimbing na natutulog at hindi din ako sanay nang hindi naririnig ang maingay n'yang bunganga tuwing umaga.

Hindi ko s'ya kayang mawala.

Nalulungkot lamang ako sa nangyayari, bakit kasi sa lahat ng puwede kong kaibiganin s'ya pa?

"You can't blame her," pag uusap ni Lexus kaya napatingin ako sa kan'ya,

"Mind reader kaba?" inis kong tanong at tumingin naman s'ya sa mata ko,

Okay, alam ko naman na bumabase lamang s'ya sa mata.

"I have two rooms, pick one and sleep there." sabi n'ya habang nakatingin kay Eurich

"Ikaw? Saan ka matutulog?"

"I told you, I have two rooms."

Nalulutang na ako, tuwing kasama ko talaga 'tong si Lexus natatanga ako. Mayroon nga naman s'yang dalawang kuwarto at doon muna ako matutulog sa isa tapos doon s'ya sa isa.

Huminga nalang ako nang malalim, "Doon nalang ako sa kuwartong malapit dito." sabi ko nalang at hindi naman na s'ya sumagot.

Nakatingin lang kasi kami parehas kay Eurich.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa babaeng iyan. Iniisip ko ngayon kung paano ko s'ya pakikisamahan bukas.

***

7:34 AM

Doon ako natulog sa kuwarto ni Lexus at ngayon ay nag lalakad na ako sa hallway pabalik sa kuwarto ko.

Sana ay wala na si Eurich doon dahil hindi ko pa alam kung paano makikipag-usap ng normal sa kan'ya.

Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad naman s'ya kaya mariin akong napapikit at huminga nang malalim.

Bakit ba hindi pa s'ya umaalis?

Nag luluto s'ya ngayon at nakangiting tumingin sa 'kin, "Nand'yan kana pala, 'buti na lang sakto 'yung dating mo dahil naitimpla kona 'yung kapeng gusto mo." tuwa n'ya at umupo naman ako.

Tinignan ko ang kapeng ginawa n'ya para sa'kin at iniisip pa kung iinumin 'to.

Paano ko magagawang magalit sa kan'ya kung ganito n'ya ako itrato?

"Bakit hindi kapa umaalis?" mahina pero may pagdidiin sa tono ko kaya naman nawala ang ngiti sa mukha n'ya.

"Galit kaba? Bakit mo naman ako paaalisin dito? Ang aga-aga pa at 8 AM pa naman ang pasok natin." sabi n'ya at nagtatakang inihain ang pagkain sa lamesa.

"May problema kaba, Blythe? Nag away ba kayo ni Lexus? 'Wag mo'ko idamay, ah." sabi n'ya at naupo na.

"Hoy! saan kaba natulog kagabi?" tanong na n'ya pero hindi ko s'ya sinagot.

"Hays! May problema nga ang gaga. Mag open ka sa'kin, makikinig ako. Ano ba 'yan? May problema ba kayo ni Lexus? or Family problem? or problema sa'kin? Ano?"

Napatingin ako sa kan'ya at umiling, "Wala, kulang lang siguro ako sa tulog." sabi ko nalang at naningkit naman ang mga mata n'ya, "Hmm, bakit ka naman kinulang sa tulog? Saan kaba natulog?"

"Sa kuwarto ni Lexus."

Nanlaki ang mata n'ya habang nakangiti, "Ikaw, ah. Baka mamaya bigti, ah." pang aasar n'ya at medyo natawa naman ako dahil dito.

Siraulong 'to, pinaalala pa 'yung time na ibinigti ako dahil sa pagiging malapit namin ni Lexus.

"Yown! natawa kana. Mukhang wala ka namang problema kaya kumain kana. Masarap 'yan, hinaluan ko ng loyalty, loved, and blood 'yan." biro n'ya

"Bakit may blood?"

"Para maging sisters in blood tayo." tawa n'ya habang ako naman ay sumeryoso ang mukha at napaiwas ng tingin.

Ang corny n'ya.

Naalala ko bigla 'yung kagabi. Nawalan nanaman ako ng gana. Ang bigat-bigat talaga ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung kaiinisan ko si Eurich o kaaawaan. Hindi ko talaga alam.

"Anong oras na? Mamaya ako papasok mga next subject." sabi ko at tumingin naman s'ya sa relo n'ya.

"7:46 na."

"Eurich, puwede ba akong mag bakasyon saglit?" tanong ko at kumunot naman ang noo n'ya, "Paanong bakasyon? 'yung aabsent ka ng ilang weeks tapos babalik?"

Tumango lamang ako, "Nako! Walang ganiyan dito. Kung aalis ka ay kailangan mopang tumakas." dugtong niya.

"Bakit 'di mo iniinom 'yang kapeng ginawa ko? Nakakatampo ka, ah."

Napansin yata n'yang kanina kopa hindi pinapakaelaman ang itinimpla n'ya.

Hindi naman n'ya ako masisisi dahil wala naman talaga akong gana.

"Wala akong gana,"

Alam kong kanina pa s'ya nag tataka sa ikinikilos ko kaya pinipilit kong umakto na parang normal lamang ang lahat.

"Bakit pala gusto mo mag bakasyon? May pupuntahan ba kayo ng family mo?" tanong ulit niya at tumango naman ako, "Oo, birthday kasi ng lola ko and syempre kailangan namin icelebrate 'yon since matanda na si lola."

Gawa-gawa ko lang 'yan para 'di s'ya mag taka. Mabuti nga't mabilis ako gumawa ng usap.

"Sayang, bawal kasi lumabas ng school. Mahigpit din ang bago nating headmaster kaya wala kang magagawa kung hindi ang mag stay dito."

Hindi ako na-inform na mayroon na agad bagong headmaster. Ang bilis naman yata at hindi din nabanggit ni Lexus sa'kin ang tungkol doon.

"Sino naman ang bagong headmaster?" pagtataka ko at nag kibit balikat naman s'ya, "Ewan ko, mamaya daw malalaman."

***

9:32 AM

"Blythe, I'm sorry about what happened yesterday."

Inirapan ko si Khairo at pekeng nginitian, "Don't do that again, Khairo."

"Hindi ko naman alam na nandoon si Lexus tsaka wala naman talaga akong balak na masama. You know naman na I really just want to clarify something-"

"Oo na! Tumahimik kana!...Bakit ba kasi gustong-gusto mong malaman ang tungkol sa'kin?"

Umayos s'ya ng tayo, "Ahm, ayoko na patagalin pero... I want you to help me, Blythe."

Kumunot ang noo ko at nagtaka ang mukha, "Gusto mong tulungan kita saan?"

Mariin s'yang napapikit, "You know, I'm also here to help you. I mean, I'll help you and you'll help me. "

Ano bang gusto n'yang mangyari? Hindi ko alam ang nasa utak n'ya.

"Let me explain everything and just don't let anyone know about this...even Eurich." sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko upang dalhin sa kung saan.

Napansin kong sa kuwarto n'ya ako dadalhin kaya agad kong binawi ang kamay ko, "Saan mo ba 'ko dadalhin? 'Wag mo sabihing d'yan tayo pupunta? Baka makita tayo ni Lexus kung ano nanamam isipin non!" inis ko at huminga naman s'ya nang malalim,

"May ipapakita ako sa'yo, Blythe. This is f*cking important and I don't care what will happen to me if Lexus found out about this...Can you just trust me this time? I already know all your secrets and did you even see na ipinagkalat ko 'yung tungkol sa'yo? No! because I need you. Just trust me."

Hindi ako nakapag salita dahil napaka seryoso n'ya at mukhang totoo naman ang mga sinasabi n'ya.

Pumayag akong pumasok sa kuwarto n'ya at isinara n'ya ang pinto at umupo ito sa table n'ya.

Agad s'yang humawak sa mouse kaya naman pinanood kolang ang ginagawa n'ya sa computer n'ya.

"Wait, I wanna ask you first if you can watch this,"

"Tungkol saan ba 'yan?"

"Did you already know who killed Luna?" tanong n'ya na ikinakaba ko.

"..."

Mukhang alam nga n'ya lahat ng sikreto at ipinunta ko dito kaya gusto n'ya makipag tulungan.

"I'm asking you, alam mo naba kung sinong pumatay kay Luna?" pag uulit n'ya at tumango na lamang ako.

"Okay but I want you to know that this video is very disturbing but an evidence."

Huminga ako nang malalim at mariin na napapikit habang sinasabi n'ya iyan, "Khairo? Puwede bang sabihin mo nalang kung para saan ang video na 'yan dahil kinakabahan na'ko!" inis ko at tumingin naman s'ya sa'kin, "Scandal ko 'to."

Nahampas ko s'ya at bigla naman s'yang natawa, "Just kidding, tinatanggal ko lang ang kaba mo dahil sobrang seryoso ng video na 'to." tawa n'ya at peke ko naman s'yang nginitian, "Bwisit ka! Para saan nga kasi 'yan, Khairo?"

Nawala din naman ang ngiti sa labi n'ya at seryosong humarap sa'kin, "This is how Aisler killed Luna."

Natahimik ako sa sinabi n'ya at nakapanatiling nakatingin sa kan'ya. Seryoso ba s'ya? P-paano naman s'ya magkakaroon ng ebidensya ng pagkamatay ng kapatid ko?

Nag bibiro ba s'ya? Hindi ako natutuwa, ah.

"Hindi ako nakikipag biruan, Khairo. Para saan nga 'yan?" inis kona at huminga naman s'ya nang malalim

"I told you na tutulungan kita at gusto kong tulungan mo din ako. Lexus knows everything but he did nothing. He's the king of all the gods pero hindi manlang n'ya magawang bigyan ng parusa si Aisler..."

"Because he wants me to punish that asshole,"

"Tsk, ang sabihin mo ayaw talaga n'ya dahil maaapektuhan ang posisyon n'ya biglang king of death dahil iyon ang ginagamit n'yang posisyon upang maitago kung sino talaga s'ya."

"Bakit ba para kang inis na inis kay Lexus?"

"Kaya mo bang panoorin 'tong video?" pag iiba n'ya kaya 'di ko nalang pinansin iyon.

"Oo, kaya ko." sabi ko nalang at humarap na kami parehas sa screen.

Kinakabahan ako at ang totoo ay hindi talaga ako sigurado kung kaya ko dahil alam kong magiging masakit 'to para sa akin.

Pero gusto kong malaman ang nangyari, gustong-gusto kong malaman ang nangyari.

Pero teka, paano pala n'ya nakuha ang ebidensya?

"Paano mo pala nakuha 'yan? Sinong source mo?" pagtataka ko at medyo natawa naman s'ya.

"Secret, baka magalit ka sa'kin, eh. Mahal na mahal mopa naman si Eurich." sagot n'ya pero sineryosohan ko lamang s'ya ng tingin,

"Seryoso ako, paano ko nakuha 'yan?"

"Okay fine, kinuha ko 'to kay Eurich ilang taon na ang nakakalipas. Tinakot ko s'ya at sinabi kong papatayin ko s'ya kapag hindi n'ya ibinigay at ayon napilitan s'yang ibigay sa'kin. Siguro alam n'yang kayang-kaya ko s'ya patayin kaya sumunod s'ya sa'kin. But don't worry, hindi ko s'ya sinaktan 'tulad ng iniisip mo." paliwanag n'ya pero nginisian ko lamang s'ya kaya umayos na s'ya ng upo at muling tumingin sa screen.

"Play ko na, ah. Actually pang dalawang beses ko pa lamang 'to mapapanood."

Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya at kinakabahan akong nakatingin sa screen. Medyo nanginginig din ang kamay ko at napapalunok habang hinihintay na iplay ito.

Plinay na n'ya ang video at hindi ko alam kung bakit agad tumulo ang luha ko makita ko palang si Luna na nakaupo sa upuan at nakagapos.

Nakita kong iyak nang iyak si Eurich at si Luna na s'yang ikinaiyak ko din. Kita ko at alam kong ayaw pa mawala ni Luna kaya nasasaktan ako.

Naawa at na gi-guilty ako dahil sa nangyari sa kan'ya. Wala manlang ako para ipag tanggol s'ya na mas nakakapag pahirap sa'kin.

I did nothing but to let her die easily.

In-stop ni Khairo ang video nang mapansing humihikbi na ako o umiiyak.

"Kaya mo pa ba? kasi kung hindi na itigigil kona 'to. Wala pa tayo sa kalahati ng video." mahinahon ang tono n'ya at tila naaawa sa akin.

Tumango lamang ako habang nag pupunas ng luha at hindi naman mawala ang tingin n'ya sa'kin,

"I'm sorry, I'm sorry for making you feel that way. Pero mas okay na alam mo ang totoong nangyari para mas ma-motivate kang gumanti. Hindi lang kay Eurich pati na din kay Aisler,"

Umiling agad ako, "Hindi, hindi kasali si Eurich dito."

Huminga na lamang s'ya nang malalim at ibinalik ang tingin sa screen at muling plinay ang video.

Kita kopa ang pagdadalawang isip ni Eurich at ang paulit-ulit n'yang pag hingi ng tawad kay Luna.

Sinabi din ni Luna kay Eurich na patatawarin lamang s'ya nito kung sasabihin sa'kin ni Eurich ang pumatay sa kan'ya.

Mas naluha ako nang marinig kay Luna na inaasahan n'yang pupunta ako sa school na 'to upang ipag higanti s'ya.

Mas bumuhos ang luha ko dahil sa oras na iyon pala ay ako ang naiisip n'yang mag liligtas sa kan'ya.

H-hindi kona kaya, hindi ko na kaya pang makita ang paraang ginawa ni Eurich sa pag patay kay Luna.

Iniiwas ko ang tingin ko sa pinapanood ko at tumalikod. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong palad habang humihikbi dahil sa hindi ko mapigilang pag iyak.

"Luna..." iyak ko at hindi alam ang gagawin.

Nilapitan naman ako ni Khairo at niyakap.

"I'm sorry, I'm so sorry, Blythe. Alam kong binigla kita. Gusto ko lang mapabilis lahat ng 'to dahil nauubusan na'ko ng oras. I'm sorry for being selfish."

Yakap n'ya lamang ako habang sinasabi iyan at ako naman ay hindi matigil sa pag iyak.

Napaka sakit, sobrang sakit na makitang napunta si Luna sa ganoong sitwasyon at wala manlang nagawang mag ligtas sa kan'ya.

Sa mga oras na 'yon ay alam kong umaasa s'yang may mag liligtas sa kan'ya pero walang gumawa non.

Sobra akong naaawa at nagagalit kay Aisler. Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi deserve ni Luna 'yon, hindi deserve ng kapatid ko 'yon. Napaka inosente n'ya para mapunta sa ganoong sitwasyon, napaka inosente n'ya para mag makaawang huwag s'yang patayin.

Wala s'yang ginawang krimen para maranasan ang ganoon.

Sobrang sakit at na gi-guilty ako. Pakiramdam ko ay hindi lamang si Aisler ang may kasalanan kung hindi pati ako. Ako na walang nagawa, walang nagawa kung hindi ang umiyak ngayon.

Pinaupo ako ni Khairo at inabutan ng tubig dahil hindi ko talaga magawang tumigil sa pag iyak.

Parang tinutusok ang puso ko. Ang sakit sakit.

"Shh, stop crying, please."

Nakatayo s'ya sa harap ko habang ako'y nakaupo at yakap n'ya ang ulo ko.

Pinag punas ko ang t-shirt n'ya ng luha ko at dahan-dahang humarap sa kan'ya,

Bigla nanaman akong umiyak, "Na gi-guilty ako bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat? Na dapat pala sinamahan ko si Luna dito dati 'tulad ng gusto n'ya. Edi sana naprotektahan ko s'ya, edi sana buhay pa s'ya ngayon, edi sana hindi n'ya naranasan 'yon,"

"Shh, wala kang kasalanan. Si Aisler ang dapat sisihin dito dahil kung hindi n'ya ginawan ng masama si Luna edi sana buhay pa s'ya ngayon. 'Wag kang magalit sa sarili mo, magalit ka sa taong may dahilan kung bakit mo nararamdaman ngayon 'yan."

Hindi ako matigil sa pag iyak ngayon at hindi ko din alam kung kailan ko balak tumigil dahil hindi ko ito mapigilan.

Parang ito nalang 'yung way ko para mapagaan ang nararamdaman ko.

"Stop crying, please. Para kang umuungol kung umiyak baka pag isipan tayo ng ibang tao d'yan ma issue pa tayo."

Umurong ang luha ko at inis na tumingin kay Khairo, "Bwisit ka talaga! Hindi ka nakakatulong!" hinampas ko s'ya at niyakap n'ya lang ulit ang ulo ko sabay tawa,

"Just stop crying, Blythe. Baka mamaya ay malagot nanaman ako kay Lexus kapag nalaman n'yang pinaiyak ko ang girlfriend n'ya."

Nag punas na lamang ako ng luha at tumayo.

Huminga ako nang malalim at sineryosohan s'ya ng tingin,

"Khairo, ano bang plano mo?" tanong ko na ikinaseryoso din ng mukha niya.

Huminga din s'ya nang malalim at pinaupo ako at naupo din s'ya. "Blythe, I just want to make this quick and easy kaya humihingi ako ng tulong sa'yo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil nawawalan na'ko ng oras. Si Thaddeus, s'ya ang ipinunta ko dito. His parents killed my parents. He also tried to killed me pero hindi s'ya nag tagumpay. And now, I want to avenge my parents and also myself. Hindi ko kayang mabuhay nang nakikitang masaya si Thaddeus habang ako ay nalulumbay."

Hindi talaga s'ya nagpaligoy-ligoy, talagang binilisan n'ya ang mga sinabi n'ya.

"Blythe, listen carefully. Tinulungan ni Aisler si Thaddeus na ipapatay ako dahil alam ni Aisler na may alam ako sa pagkamatay ni Luna. Ayaw n'ya na may maiwan na ebidensya kaya nila ginawa sa'kin 'yon. And now, they are the reason why I'm doing this. Hindi lang si Thaddeus ang ipinunta ko dito, kung hindi pati si Aisler. Actually, alam ko lahat ng baho nila at kaya kong ilabas 'yon."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa mga sinasabi n'ya. Mukhang gusto n'ya talagang pabilisin ang lahat.

"I just want you to help me, Blythe. Help me, please. Sa totoo lang kaya naman natin matapos 'tong misyon na 'to dahil nandiyan naman si Lexus. Pero hindi natin magagawa 'yon dahil hindi naman nag bibigay ng parusa si Lexus nang walang ebidensya. S'ya ang batas dito, s'ya ang batas sa lahat. Not only in this school, but also in our country."

Yes, may point s'ya. Pero hindi porket malapit ako kay Lexus ay gagamitin ko 'yon upang maipag higanti si Luna nang madalian at mabilisan.

"Ibig sabihin kailangan pa din natin mag proceed sa plano natin. Malakas ang puwersa ni Aisler dahil s'ya ang king of all at madami din s'yang kapit. Makapangyarihan ang pinanghahawakan n'yang posisyon 'tulad ko kaya alam ko lahat ng iyon. Sa madaling salita, kailangan natin gawin ang plano natin nang may pag iingat. Hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos o umasa kay Lexus." saad ko at agad naman s'yang tumango.

"Edi ibig sabihin ay pumapayag kana sa gusto ko?" tanong n'ya habang marahan na nakangiti.

Tumingin ako sa kan'ya at inialok ang kamay ko at agad naman s'yang napangiti at mabilis nakipag shakehands sa'kin.

"Okay, deal! I'll help you and you will help me!" tuwa n'ya at napangisi na lamang ako.

"Actually, I already have my plan for tomorrow. Since birthday ni Lexus, I think that's the right time to reveal Thaddeus' secret." saad n'ya at naitaas ko naman ang kilay ko, "Anong secret?"

"Just wait until tomorrow."

Continue Reading

You'll Also Like

80.9K 1.3K 45
I love him but I also love that one but I have to choose one.....
794K 15.4K 96
Niklaus has been keeping a locked coffin with him for a thousand years. It is his older sister, who Mikael and Esther cursed into the coffin. They pu...
33K 5.4K 15
The Phoenix, embraced the shadows to protect his country. His true identity remained hidden for years, serving as a covert weapon against unseen thre...
27.2K 3.7K 36
ဘာသာပြန်သူ - စွဲညို့အသင်း