ASSASSINATION SCHOOL: Assassi...

By lythe_btst

622K 19.5K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

35

9.1K 333 22
By lythe_btst

Nakapanatiling seryoso at nag babanta ang itsura ni Lexus. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon dahil natatakot ako sa kan'ya. Ramdam na ramdam ko na kasi ang inis at iniisip n'ya.

Hindi s'ya nag salita at basta na lamang lumabas kaya naman napatingin ako kay Khairo at tumayo upang sampalin s'ya.

"Bwis*t ka! Kung ano-ano kasing ginagawa mo! Kapag nagalit sa'kin si Lexus lagot ka talaga sa'kin!" banta ko at hindi ko na s'ya hinintay mag salita dahil agad kong sinundan si Lexus.

Lumabas ako at hindi pa naman s'ya sobrang nakakalayo kaya tumakbo ako at hinawakan ang kamay n'ya upang pigilan ito, "Lexus,"

Humarap s'ya at inis na binawi ang kamay n'ya, "We're done!" muli s'yang tumalikod at pilit ko ulit s'yang iniharap sa'kin, "Lexus, sorry!"

"I told you! we're done!" ulit nito at aalis ulit sana pero sa oras na ito ay hinigpitan kona ang hawak sa kamay n'ya, "Let me explain, please! Mali 'yung iniisip mo dahil wala kaming ginagawang masama ni Khairo. Sinubukan n'ya lang alamin kung may koneksyon ako sa reyna kaya n'ya ginawa 'yon." pagpapaliwanag ko at humarap naman s'ya ng maayos sa'kin,

"You let him do that?...Tsk! Don't fool me, Blythe. I know you're good at fighting kaya bakit mo hahayaang gawin n'ya sa'yo 'yon? Pinatungan ka and you did nothing but to let him do what he want?"

Hays! Paano ko ba ipapaliwanag at bakit koba kailangan mag paliwanag. Napre-pressure tuloy ako.

"Wala nga kaming ginagawang masama, Lexus! Leader ng Assassination Group 'yon kaya malamang malakas ang puwersa n'ya kaya sa tingin mo kaya ko s'ya? Naabutan mo lang naman talaga kami na nasa ganoong posisyon kaya kung ano-ano na ang iniisip mo! Bakit kasi ayaw mong maniwala!" pilit ko at tila may inis na din sa tono dahil ayaw pa kasi n'yang maniwala.

"I thought you're different." sambit n'ya na medyo ikinatahimik ko. Napapatingin na lamang ako sa ibang dereksyon habang iniisip kung paano ko s'ya kukumbinsihin na maniwala.

"You know what, Lexus? Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag paliwanag sa'yo. Hindi naman kita boyfriend, wala naman tayo pero bakit ba pakiramdam ko para akong nagtataksil sa mata mo."

Natahimik s'ya sa sinabi ko at tila nag iba ang itsura. Mas nainis pa yata s'ya na hindi malaman.

"Nasabi kona lahat ng puwede kong sabihin, Lexus. Ano pa ba ang gusto mong marinig? Gusto mo ba na sabihin kong sinadya namin 'yon at may ginagawa kaming hindi maganda, ha? 'Yun ba ang gusto mong marinig?" inis ko dito at tumingin naman s'ya sa mata ko nang may galit, "You're already dealing with me, Lucy!"

Ako naman ang nawala sa sarili nang marinig ang totoo kong pangalan mula sa bibig n'ya. Tama ba ang narinig ko? Tinawag ba n'ya ako sa pangalan ko?

"H-ha?" pagtataka ko at may halong kaba.

"Yes! you heard it right! You're already dealing with me Ms. Lucy Powell and you can't blame me for being jealous."

Napalunok ako at medyo napa-atras. Deretso ang tingin sa mata n'ya at may halong kaba.

"Nag seselos ako and I can't stop myself for being like this! I'm mad, I'm mad at you because you're invalidating my f*cking feelings!" galit n'ya habang ako ay hindi makapaniwala,

Paano ba n'ya nalaman ang totoo kong pangalan? Alam ba n'ya ang tungkol sa'kin? Saan n'ya nakuha ito at kailangan pa n'ya alam na Lucy ang totoo kong pangalan? Para akong mababaliw kaiisip. Nag ooverthink na ako dito, oh!

"S-sinong Lucy ba ang sinasabi mo?" mahina kong tanong at mariin naman s'yang napapikit,

"That's not even important! I'm asking you, what the f*ck are you doing with Khairo?!"

Ginising ko muna sandali ang utak ko at inis na tumingin sa kanya, "Pinaliwanag kona lahat sa'yo kanina pero hindi ka naniniwala. Wala na akong dapat ipaliwanag sa'yo dahil hindi naman ako dapat mag paliwanag. We're not even together and you're not even mine. Why the hell do I need to explain everything just for you to believe me? Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan!" inis ko at nag iba naman ang awra ng mukha n'ya dahil napalitan ito ng pagkamalungkot. Seryoso pa din naman ang mukha n'ya pero nawala ang pagkakunot ng noo n'ya.

"Why are you doing this to me, Lucy? I thought you like me. You even said you loved me and now you're acting like I'm nothing? Then, what the f*ck am I to you? Ha? Ano ba ako sa'yo?"

"Hindi ko alam! Hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko! Tsaka puwede ba huwag mo akong tawaging 'Lucy' dahil hindi iyan ang pangalan ko! I'm Blythe! I'm f*cking Blythe! and can you please stop being jealous kung wala ka naman dapat ipag selos? Kahit tanungin mo pa si Khairo ay parehas lang din kami ng sasabihin dahil iyon naman talaga ang nangyari!"

"Stop this bullsh*t! I know he likes you! Kaya nga pinipilit ka n'yang ipakita sa kan'ya ang butterfly tattoo mo. Bakit kasi hindi ka nag iingat? Anong gagawin mo ngayong alam na n'ya ang tungkol sa pagkatao mo? Stupid!"

Teka, para akong mababaliw sa mga naririnig ko mula sa bibig n'ya. Totoo ba 'to o panaginip lang? Ano ba, totoo ba ang mga lumalabas sa bibig n'ya?

Alam n'yang reyna ako?

What do he mean about my true identity?

"Ano bang sinasabi mo? Nasisiraan kana ba ng ulo?" seryoso at mahina pero ramdam at rinig at inis sa tono ko.

"Come here, I'll explain everything." sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko upang dalhin sa kung saan.

Hindi ko batid kung ano ang mga ipapaliwanag n'ya at hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon dahil sa mga sinabi n'ya.

Hindi lang ako nagpapahalata dahil baka mamaya ay iba ang tinutukoy n'ya sa pagkatao ko.

Dinala n'ya ako sa isa n'yang kuwarto malapit sa kuwarto ni Eurich. Iniupo n'ya ako at tumayo naman s'ya sa harap ko sabay nag cross arm.

"Hayst! I really thought you're smart. You're a queen but you don't know how to plan properly. You don't even know how to be careful on people around you. You're just good at fighting, but you're not good at acting. Pagpasok mo palang amoy na amoy na kita. White roses scent, your body, your face, your skin, your hair, your tattoo, your gestures, and also your dance step. Nasa gate ka palang ng school alam kona ang pagkatao mo." saad n'ya na ikinatulala ko.

Para naman akong mababaliw ngayon. Hindi ako makagalaw, makapag salita, at makatingin sa ibang dereksyon. Nakatulala lamang ako sa kanya habang pilit iniisip kung ako ang sasabihin ko.

Tama ba 'to? Panaginip ba 'to? Alam n'ya talaga ang tungkol sa'kin umpisa palang? Alam na n'yang reyna ako pagkapasok ko dito? T*ngina paano?
So all this time uma-acting ako? And all this time alam n'yang nandito ako para mag higanti? Sh*t! Hindi ako makapaniwala. Kaya ba hindi n'ya ako ipinapapatay dati kahit alam n'yang kaya n'ya? Kaya ba palaging ako ang pinupuntirya n'ya? At kaya din ba pinilit n'ya akong isali sa A.G is because he knew eveything about me? Wtf! Para akong naninigas sa lamig dahil sa kaba at pangamba.

Napansin yata n'ya ang pagiging tulala ko kaya naman napabuntong hininga ito.

"I know it's hard to believe. Hindi ka kasi nag iingat at masyado mong minaliit ang kakayahan namin. You don't even know na ang kaharap mo ngayon is the king of all the gods. Tsk! How slow you are, Lucy. I told you to drink the medicine ball pero pinapatagal mopa. Kapag ininom mo 'yon ay malalaman mo din naman ang tungkol sa'kin." pag uusap nito habang ako ay mababaliw na talaga.

My god! Parang tinutusok ang puso at utak ko. Nakaka-stress 'to! Pero parang desidido talaga si Lexus ipaliwanag sa'kin ang lahat kaya hinahayaan ko lamang s'ya mag salita. Hindi ako nasabihan na hahaba ang pag-uusap n'ya maipamukha lamang sa'kin ang katangahan ko at pagiging padalos-dalos ko.

"Alam kong ikaw ang nang himasok sa palasyo the day we celebrated our school's victory. Kahit mag costume at mag ibang anyo kapa alam na alam ko kung sino ang katabi ko. Plinano mo 'yon to know who killed your sister pero hindi ka nag tagumpay. And do you still remember the time na tinalo mo'ko sa laban kasama mopa si Hershey? sinadya ko 'yon dahil hindi kita puwedeng patayin. I even told Eurich to be your true friend para maprotektahan ka kay Aisler. Look how impulsive you are, Lucy."

Nakatulala lamang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi n'ya. Ewan ko nasiraan na yata ako ng ulo dahil sa mga sinasabi n'ya.

Hindi ko talaga napansin na alam n'ya lahat ng tungkol sa'kin at para akong maiiyak ngayon dahil sa mga sinasabi n'ya.

Ano ba namang plot twist ng buhay ko 'to!

Narerealize ko lang ang mga sinasambit n'ya at alam ko naman sa sarili kong naging padalos-dalos nga ako dahil masyado akong nag padala sa galit ko.

"Inumin mo na 'yung medicine ball na binigay ko sa'yo dahil tinatamad na ako mag kuwento." sabi nito at ako naman ay nasa process pa ng mga sinabi n'ya.

Dahan-dahan akong tumingin sa kan'ya, "Paano mo nalaman lahat ng 'yon? P-para akong mababaliw. Bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Bakit hinayaan mo'kong mag panggap sa harap mo?! Bwisit ka! Sinayang mo ang effort ko at ang mga isinakripisyo ko para mabuhay sa school na'to! Nakakasama ka ng loob! Kung nalaman ko lang sana nang maaga ang mga sinasabi mo edi sana mas nagawa kopa nang maayos ang plano ko!" inis ko at tumayo.

"Calm down! just drink the medicine ball right now and I'll explain everything to you...everything." sabi n'ya at hindi ko alam kung papayag ba ako.

Sa mga sinasabi palang kasi n'ya ay para na akong mababaliw paano pa kaya kapag nalaman ko ang iba? Hays! Naguguluhan ako.

Edi ibig sabihin pati ay hindi s'ya ang pumatay kay Luna? at hindi din naman si Thaddeus. Ibig sabihin ba ay si Aisler ang pumatay sa kapatid ko?

Bumibilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay patapos na ang misyon ko dito.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Lexus at may kinuha naman s'ya sa drawer n'ya. Iniabot n'ya sa'kin ang isang maliit na kahon na may laman na medicine ball kaya naman napatingin ako sa kan'ya, "Akala ko ba last na 'yung nasa akin?"

"I made the game and I made lots of medicine ball. Here, drink this!" utos n'ya at inabutan din naman ako ng tubig.

Bakit biglaan? gusto naba talaga n'yang malaman ko ang lahat? Masyado s'yang excited.

"Huminga ka ng malalim at ihanda mo ang sarili mo. Mawawalan ka ng malay kapag ininom mo 'yan at aabutin ng ilang oras bago ka magising. Mapapanaginipan mo lahat ng nangyari sa game at pag gising mo nasa utak mona ito lahat." paliwanag n'ya at hindi naman ako sumagot.

"Humiga ka d'yan and I will take care of you. You will feel lots of emotions at alam kong magugulat ka sa malalaman mo."

Hays! pinapakaba naman n'ya ako. Pero aminado ako na gusto ko na ding gawin ito at excited na din naman ako sa mga malalaman ko.

Umupo ako sa kama n'ya at dahan-dahang humiga. Bigla s'yang napangisi kaya kinunotan ko s'ya ng noo, "Ano nanaman ba 'yon?"

"Nothing, I just remembered what happened earlier. Umurong tuloy ang selos ko, tsk!"

"Wala naman kasi talaga kaming ginagawa ikaw lang naman 'tong madumi ang utak d'yan!"

"I know, just shut up! Ayoko ng maalala 'yon. Mag focus ka nalang sa kailangan mong gawin and I won't bother you." sabi n'ya at kinumutan pa ako.

Huminga muna ako nang malalim at inihanda ang sarili ko.

Dahan-dahan kong ininom 'yung gamot at tila hindi kona kailangan ng tubig dahil malambot at wala din itong lasa.

"You can do it, and everything's will be fine." saad ni Lexus at tumango naman ako,

Nang mainom ko ito ay agad akong nakaramdam ng antok at ang mata ko ay hindi ko na ma kontrol sa pag pikit.

"Sleepwell, Blythe. Just remember that I'm here by your side,"

Iyan ang mga huling salitang narinig ko bago ako tuluyang mawalang ng malay.

***

After five hours...

Nagising ako sandali at agad napaupo. Hindi ko alam kung bakit ako nagising dahil hindi pa naman tapos 'yung game.

Nandoon na ako sa round four at ang round five ay hindi ko pa naaalala.

Napalingon ako kay Lexus na nasa kusina at tila nag luluto ng kung ano.

Ewan ko pero hindi ko mabura sa utak ko ngayon ang mga memories namin ni Lexus sa loob ng game.

The way he protected me during the game doon sa round two. Nag papanggap pa s'ya na kapag nakita ang isa sa'min ay parehas kaming mamamatay pero ang totoo ay hindi naman talaga. Ginawa n'ya 'yon to protect me kaya pala kahit wala s'yang kaso ay pumasok s'ya ng game.

Tapos doon sa round three ay akala mo naman talaga gusto n'ya akong patayin pero ang totoo ay alam n'yang makakasalubong ko si Aisler na s'yang hahawak sa'kin.

At doon sa round four, sobrang obvious na hindi n'ya ako kayang patayin dahil pinigilan n'ya 'yung zombie na dapat ay susugodin ako.

At doon sa bahay, nakita kong s'ya ang nag kumot sa'kin at hindi si Aisler. S'ya din ang nag insist na isandal ako sa kan'ya dahil alam yata n'yang gustong-gusto kong makaramdam ng init.

Kaya pala pansin ko din ang pagiging kalmado n'ya sa game paminsa-minsan dahil s'ya ang gumawa nito.

Obvious naman 'yon sa part na nag tatago kami at hinahanap n'ya 'yung eyeliner at yung room ni Alexandra.

Bakit hindi ko napansin lahat 'yon? Na parang wala lang sa kan'ya 'yung game at napaka kalmado n'ya. At 'yung mga part na alam na alam n'ya ang pasikot-sikot sa paligid at ang mga kailangang gawin.

Kaya pala ganoon s'ya dahil s'ya ang nag gawa nito. Hindi lang ako makapaniwala ngayon.

Ang dami naming pinag-daanan sa game at ang tangi kong naaalala ay ang mga oras na kasama ko s'ya.

Ngayon ko lamang na realize na si Lexus pala ang totoong pumo-protekta sa akin at hindi ang kahit sino.

Pero bakit n'ya sinusuportahan ang mga plano at kailangan ko?

Ano ba ang totoo n'yang intensyon sa akin? Parang ang labo naman na pag pasok ko pa lamang dito sa school ay magustuhan n'ya agad ako.

Nag tataka lamang ako sa mga oras na ito pero nakakaramdam pa din ako ng antok.

"Are you okay? Naaalala mo na ba lahat?" tanong ni Lexus at agad naman akong umiling.

Nakatingin lamang ako sa kan'ya habang may ginagawa s'ya.

"You should sleep again," sabi n'ya pero tumayo ako.

Si Lexus, s'ya ang totoong may malasakit sa'kin dito. S'ya ang dapat kong pasalamatan dahil hindi ko magagawa lahat kung hindi dahil sa kan'ya.

Mahihirapan ako kung wala s'ya. At gusto kong mag pasalamat sa kan'ya.

Lumapit ako sa kan'ya habang may niluluto s'ya at niyakap ko naman s'ya mula sa likod.

Ang bango, ang bango-bango n'ya at ng niluluto n'ya. Ang sarap sa ilong.

Ramdam ko ang pag tigil n'ya sa ginagawa n'ya at tila medyo nagulat pero hindi ko ito pinansin.

Pinatay n'ya muna ang niluluto n'ya at humarap sa'kin kaya napatingin ako sa kan'ya, "What-" hindi nito maituloy ang tanong n'ya dahil napansin yata n'yang inaantok at nag eenjoy pa'ko kaya marahan na lamang n'ya akong nginitian at hinayaan na yakapin s'ya.

Niyakap din n'ya ako kaya mas humigpit ang yakap ko.

"Thank you...thank you for being here with me." saad ko habang yakap namin ang isa't-isa. Muli akong humarap sa kan'ya at nakita ko namang naka ngiti s'ya ngayon.

"What the hell did you just remember in that game for you to act like this?" mahinahon at nakangiti nitong tanong sa'kin pero umiling lamang ako at niyakap lang ulit s'ya.

Para akong bata kung maka-yakap. Ang sarap kasi sa pakiramdam at ang komportable. Mas nakakaramdam ako ng antok tuwing yakap ko s'ya, nakakawala ng stress at pagod.

"You need to sleep again, baby." saad n'ya at tumango naman ako. Inaantok pa din ako kaya balak ko pa din naman matulog upang mas maalala ang lahat. Para pa akong lutang ngayon at antok na antok.

Tumingin ako kay Lexus at nginitian s'ya,

"Do you want me to sleep with you?" tanong n'ya at tumango naman ako. "Inaantok na'ko, gusto ko pang matulog." saad ko at ngumiti naman s'ya, "Come here, sleep with me." sabi n'ya at dinala ako sa kama.

Pinahiga n'ya ako at nilapitan ako sa pag higa. Muli ko s'yang niyakap upang maituloy ang tulog ko.

Ngayon ay ramdam kona ang pag tulog ko,

***

After three hours...

Naimulat ko ang mata ko at dere-deretso ang pag patak ng luha ko. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi dahil sa iyak at napaupo nadin dahil dito.

Si Lexus ay nakikita ng gilid ng mata ko sa sofa habang nakaupo at pinapanood ako. Kaya pala nag tataka ako't wala s'ya sa tabi ko.

Ang dami kong naalala, pero ang tanging tumatak sa isip ko ay si Aisler at Eurich. Ang mga taong suspek sa pagkamatay ng kapatid ko.

Hindi lang ako makapaniwala, hindi ako makapaniwalang si Eurich ang pumatay kay Luna. Na s'ya mismo ang sumaksak dito at walang awang ginawa ito.

Nanlalambot ang mga tuhod at katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Si Eurich, ang itinuring kong kapatid at kaibigan...Isang member ng assassination group at ang pumatay sa kapatid ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman, para nanaman akong mababaliw. Hindi ko alam kung magagalit ako sa kan'ya o patatawarin s'ya.

Puro ako iyak at hindi makapaniwala.

Tapos si Aisler, s'ya ang dahilan at s'ya ang nag utos. S'ya ang puno't dulo ng lahat ng ito. S'ya ang dapat sisihin sa pagkawala ng kapatid ko. Hindi ko s'ya mapapatawad, hinding-hindi ko makakalimutan 'to.

Napaka hayop n'ya! Napaka demonyo ng lalaking 'yon! Sobrang walang awa! Napaka babaw ng dahilan niya upang gawin sa kapatid ko 'yon at hindi deserve ni Luna 'yon!

Naiiyak lamang ako dito,

"Come here," usap ni Lexus at agad naman akong tumayo ay lumapit sa kan'ya. Agad ko s'yang niyakap at dito ay mas naibuhos ko ang luha ko.

Pinaupo niya ako sa mga hita n'ya at ako naman ay mahigpit na nakayakap sa kan'ya habang umiiyak.
Napayakap lamang ako sa kanya habang iniisip ang mga desisyong dapat kong gawin.

Hindi mawala sa isip ko si Eurich, hindi ko alam kung paano s'ya haharapin ngayon.

"Si Eurich...paano ko s'ya haharapin. Hindi ko alam kung mapapatawad ko s'ya o hindi. Hindi ko alam ang gagawin ko Lexus." iyak ko at tuloy-tuloy lang ang pag bagsak ng luha.

"You must forgive her, she deserves that." deretsahan nitong sagot.

"Paano ko naman gagawin 'yon? Hindi mawala ang galit sa puso ko."

"Namuhay lang si Eurich nang sunusunod sa utos ni Aisler kaya hindi mo s'ya masisisi kung bakit n'ya nagawa 'yon. She treated you like her sister, so for me, you should forgive and understand her. She's innocent."

Hindi ako sumagot at pinag iisipan ko lang ngayon kung paano ko gagawin 'yon gayong nalaman ko kung paano n'ya pinatay si Luna.

Ang sakit, ang sakit sakit naman. Bakit kasi si Eurich pa? Bakit si Eurich pa na itinuring konang kapatid. Bakit naman s'ya pa? Of all people, puwede namang si Venus nalang.

Nakakasama ng loob, nakakaiyak, nakakagalit, at nakakawalang gana.

Mabuti na lamang ay nandito si Lexus upang pagaanin ang loob ko. Bukod dito ay hindi ko nararamdamang mag isa ako.

"Si Aisler, s'ya ang may kasalanan ng lahat ng 'to. S'ya ang dapat mong pagtuonan ng pansin."

Natusok nanaman ang puso ko. Namimilipit nanaman ako sa galit. Nag hahalo-halo ang nararamdaman ko dahil sa hayop at demonyong iyon.

Ngayon na alam kona kung sinong pumatay sa kapatid ko, mukhang kailangan konang gawin ang dapat.

Kumawala ako sa pagkakayakap kay Lexus at humarap sa kan'ya,

"May kapatid pa ba si Aisler bukod kay Eurich?" tanong ko at nag punas ng luha.

Tumango naman s'ya at medyo nagulat naman ako. Ang inaasahan ko kasing isasagot n'ya ay wala na dahil si Eurich lang ang alam kong kapatid ni Aisler. Tapos mayroon pa pala?

"Ha? Meron pa? Sino?" pagtataka ko at inabot pa ng ilang segundo bago s'ya sumagot.

"She's not here, nasa Saint University s'ya. Her name is Allison...Allison Fabian."

Luh, totoo ba? Teka, totoo ba? Hindi ako makapaniwala. Ang dami pala n'yang kapatid?

"Paano sila naging magkapatid nung Allison?" takang tanong ko at agad naman itong sumagot, "I don't know."

Baka naman sa ina sila magkapatid? Kasi kung sa tatay din edi ibig-sabihin ay magkapatid din sila ni Eurich. Sa tingin ko ay magkapatid sila sa ina.

Umurong tuloy ang luha ko. Nagulat kasi ako na may kapatid pa s'ya. Hindi tumatak sa isip ko 'yon. Nag tanong lang naman ako kay Lexus dahil nag babakasakali ako pero totoo pala.

"Why? What's your plan?" pagtataka ni Lexus at umiling naman ako,

Mukhang may idea na ako kung anong gagawin. Kailangan ko lamang pag handaan ito.

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 184 32
Most of his characters + him. Some might have more than the others. (I haven't watched the secret headquarters movie or whatever it's called yet. Onc...
64K 2.3K 28
°☆°•♡• COMPLETED •♡•°☆° A girl suffering in kaliyug dies and is reborn as Draupadi's sister in Dwaparyug to change some of the events to try and serv...
100K 1.5K 14
Hey hey hey!! Welcome to this totally random book i made! I love Steven so much and i wanted to make this book for fun~! I hope someone could stop by...
11.3K 277 13
Started: oct 9 2023 End: