ASSASSINATION SCHOOL: Assassi...

By lythe_btst

618K 19.4K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

28

9.5K 349 18
By lythe_btst

Nang makabalik ako ng school ay sumalubong sa'kin si Ms. Tuazon na s'yang ikinagulat ko.

Teka, nalaman ba n'yang umalis ako? P-paano?

"Where have you been, Ms. Blythe?" tanong nito habang ako'y nag iisip ng palusot.

Paano koba lulusutan 'to?...Ah, alam kona!

"Hinanap ko po kasi 'yung hikaw ko. Hindi ko naman po napansin na ang tagal kona palang nasa labas kahahanap. Ginto po kase 'yun at bigay sa'kin 'yon ng parents ko bata palang ako kaya mahalaga sa'kin. Pasensya na po kung hindi ako nakapag sabi, nag panic kasi ako."

Huminga ako ng malalim at hindi ko alam kung matatawa dahil sa napaka babaw kong palusot pero mabuti nalang ay nakapag isip agad ako.

"Follow me!" utos nito at tila ininvalidate 'yung paliwanag ko kaya sumunod nalang ako.

Dinala n'ya ako sa office ng head master kaya medyo kinakabahan ako.
Sigurado naman kasi ako na papagalitan ako at mukhang bibigyan nanaman ng parusa.

"Ms. Blythe, can you explain this?" tanong ni Professor Lupin at ipinakita sa'kin ang letrato ko kasama si Lexus.

Ito 'yung kinarga ako ni Lexus at dinala sa kwarto n'ya. Napapikit nalang ako at napaiwas ng tingin.

Paano ko ba ipapaliwanag 'yan? Si Lexus naman ang nag kusang buhatin ako.

Sa bagay, ako pa din naman ang may kasalanan dahil hari 'yon. Kahit yata gahasain ako ni Lexus at isumbong ko s'ya ay ako pa ang paparusahan. Tss!

Humarap nalang akong muli sa kan'ya at pekeng napangiti, "Ah...naaksidente po kasi ako. Aksidente pong nahiwaan ang braso at hita ko. Nakita po ako ni Lexus at dahil po napaka buti n'ya ay tinulungan n'ya ako." maikli kong paliwanag dito at pekeng ngumiti.

Medyo nag bago naman ang itsura n'ya at tila nagagalit,

"How dare you to call him by his name! You should call him 'King Lexus'! And I'm asking you! Bakit pumayag kang ipasok ni King Lexus sa kuwarto n'ya?" inis nito at medyo nailalayo ko ang mukha ko dahil sa malakas nitong boses.

"Professor Lupin, hindi ko naman po inutusan si king Lexus na dalhin ako sa kuwarto n'ya. Sabi po kasi n'ya ay hindi n'ya ako kayang dalhin sa doctor dahil masyadong malayo ang lalakarin namin dahil sa laki ng barko. Malapit lang po kasi ang kuwarto n'ya sa pinangyarihan nitong aksidente kaya doon na n'ya ako dineretso." paliwanag ko pero mukhang hindi sila sumasang-ayon at nasasatisfy sa mga sinasabi ko.

"Alam mo bang malaking parusa ang puwede mong matanggap dahil sa ginawa mo? Nag kusa man ang hari o hindi, maling pumasok ka sa pag mamay-ari n'ya." usap ni Prof. Tuazon.

Hindi ako sumasagot at hinihintay pa ang idadagdag nito.

"Did you know what the punishment is? Nilabag mo ang rule number 48 at ang rule number 12."

Tumaas ang kilay ko dahil akala ko'y isa lang ang nilabag ko.

"What do you mean by rule number 12?" pagtataka ko.

"Ang pag labas mo ng school without our consent." sagot n'ya at natahimik naman ako.

Grabe! ang higpit talaga dito. Kailangan kopa talagang mag ingat lalo na't marami pa akong hindi nalalaman dito. Masyado ko kasi yatang binigla ang pag pasok dito kaya ko nararanasan ang mga 'to.

Habang nananahimik ay napansin yata nilang wala na akong dapat pang sabihin, "You can go now, Ms. Blythe. Just wait for my announcement at doon ko sasabihin ang magiging parusa mo." sabi nito at tumango lamang ako.

Tumalikod na'ko at lalabas na sana ng pinto nang makita ko si Lexus. Dere-deretso s'yang nag lakad at hinawakan din nito ang kamay ko upang dalhin kay Prof. Lupin at Tuazon.

"You can't punish her! I'm the one who brought her to my room, and I'm also the one who was with her earlier." saad nito at nagkatinginan naman si Professor Lupin at Professor Tuazon.

"What do you mean by that, king Lexus? Bakit mo palaging kasama ang babaeng 'yan at saan din kayo nag punta kanina?" tanong ng mga ito at hinayaan ko naman si Lexus na mag salita.

Mukhang tinutulungan n'ya ako. Mabuti na lamang ay parehas kaming umalis kanina.

"I introduced her to my parents." maikli nitong sagot na ikinatingin ko sa kanya. Ano bang sinasabi n'ya?

"But, king Lexus. Your parents are both dead." sabi ni Professor Tuazon at sinamaan naman s'ya ng tingin ni Lexus kaya medyo napaatras s'ya.

"Like what I've said, pumunta kami sa PBG and I introduced her to my parents."

Marahang lumapit si Prof. Lupin kay Lexus, "Alam kong alam mo na mali 'to, Lexus. Kahit ikaw ang nag kusa, mapaparusahan pa din s'ya."

"I don't care about that stupid laws. Just let her go!" inis ni Lexus at hinawakan ang kamay ko at nag lakad,

Pero napatigil din kami sa pag lakad nang may sabihin pa si Professor Tuazon.

"We must punish her...at wala kanang magagawa doon."

Lumingon si Lexus at sinamaan ito ng tingin, "Would you still punish her If I'll tell you that she's my girlfriend?"

Nanlaki ang mata ko at ganoon din sila Prof. Lupin at Tuazon.

"What the— are you serious, king Lexus? Hindi puwede ang gusto mo." gulat ni Prof. Tuazon.

Napatingin ako kay Lexus pero tila mukhang sinabi n'ya lang 'yon para hindi ako maparusahan.

Hindi na n'ya pinansin ang mga balak pang sabihin ng mga 'yon at binitbit lang ako sa kung saan.

Habang nag lalakad kami sa hallway ay tumigil s'ya sa pag lakad at iniharap ako sa kan'ya,

"Bakit ka sumunod don?!" galit n'yang tanong at medyo nakaramdam naman ako ng kaba dahil dito.

Nakakatakot kasi s'ya magalit, napaka seryoso at lumalaki din ang boses n'ya. Medyo kinakabahan tuloy ako.

"Malamang susunod ako kasi Professor 'yon!" sagot ko naman at inis padin ang mukha n'ya,

"Alam moba kung anong parusa puwede nilang gawin sa'yo?! Bakit ba hindi ka nag iingat?! You're always like that! Hindi mo ba naisip na puwede ka nilang dalhin sa kung saan para patayin? and you will die because of me!" galit n'ya habang ako ay nakatingin nang deretso sa kan'ya at hindi alam ang sasabihin.

Sinisigawan ba n'ya ako? Gan'yan ba s'ya kagalit para sigawan ako? Medyo ang sakit sa puso ng tono ng pananalita n'ya.

"Hindi ko naman alam! Hindi ko alam na ganito pala kahigpit dito. Tsaka bakit mo ba'ko sinisigawan? Wala naman akong kasalanan!" inis ko at tinalikuran s'ya pero agad n'ya akong iniharap sa kan'ya.

"You don't understand me! Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin! Bakit kasi nag dedesisyon ka ng iyo?!"

"Ano bang pakaelam mo kung mag desisyon ako ng akin? Hindi mo'ko pag mamay-ari para pakaelaman lahat ng ginagawa ko!"

"If I didn't cared about you, wala kana ngayon! You will die and you won't also be able to do your plan!"

Tinignan ko s'ya nang mga limang segundo bago ako sumagot,

"Nanunumbat kaba? Did I ever told you so saved me? Wala! Wala akong sinasabi na kahit ano sa'yo! Wala ako sinabing iligtas mo'ko sa mga oras na kailangan ko!"

Napapikit s'ya at tila hindi alam ang sasabihin sa'kin dahil tila pinapamukha n'yang hindi ko nakukuha ang punto n'ya.

"F*cking stupid! That's not my point,  Blythe! My point here is that you're impulsive! Nag gagawa ka ng desisyon nang hindi pinag iisipan!  Padalos-dalos ka!"

Hindi ko inasahan na aastahan n'ya ako ng gan'yan dahil sa mga ginagawa ko. Para tuloy tinutusok ang puso ko dahil sa pagtataas n'ya ng boses. Ito kasi ang unang beses na taasan ako ng boses ng isang lalaki.

"Ano ba kasing pake mo?! Bakit ba pinapakaelaman mo ang mga ginagawa ko?! Sinabi koba na mangaelam ka?!" inis kong sagot.

"Damn it!...Okay! I'll let you do what you want! Bahala ka kung anong gusto mong gawin! I told you, hindi ka puwedeng mag padalos-dalos na parang kilala mo na lahat ng pagkatao ng nasa paligid mo! Hindi mo alam kung sinong mapagkakatiwalaan at hindi! and you don't even know kung gaano ka demonyo ang nasa paligid mo!"

"Alam ko! Alam ko, Lexus! Hindi ako t*nga para hindi malaman kung gaano kayo kasama! I know everything about you and Aisler! I know how devil you are! Alam kong nag babait-baitan kalang sa'kin dahil may kailangan ka! And I know that you're doing this on purpose!"

Natahimik s'ya dahil sa sinabi ko at humina din ang boses nito, "Gaano ba'ko kasama sa paningin mo?"

Napalunok ako nang humina ang boses n'ya habang tinatanong iyan. Hindi ako makapag usap ngayon dahil sa kaba at katamtamang takot na nararamdaman ko.

"Hindi mo ba naisip? Na patay kana sa mga oras na'to kung wala ako. Masasayang lahat ng sinimulan mo dahil d'yan sa pagiging padalos-dalos mo! You don't know how stupid you are, Blythe. You're just brave, pero malambot ka. Puro kalang tapang, pero hindi ka nag iisip. You're good at fighting, but you're not good at thinking. Itinuturing kang basura sa school na'to because of how you act. Did you even realize that? Na wala kang kakampi dito."

Pinipilit kong huwag tumulo ang luha ko dahil sa mga sinasabi n'ya.

Ang hirap pala talaga, ang hirap ng ginagawa ko. Hindi ko alam na sa hustisya na gusto ko ay buhay ko ang kapalit. Am I too much? masyado naba akong nag papadala sa nararamdaman ko?

Sa kagustuhan kong maipaghiganti ang kapatid ko, parang nakakalimutan kona mag isip kung paano.

Kusang tumulo ang luha ko nang marealize na wala nga akong kakampi dito.

At kahit si Lexus ay hindi ko alam kung kakampi o kalaban ko.

"Why the f*ck are you crying?! Did you just realized what I've said? Hindi ka dapat umiiyak kung alam mo naman sa sarili mong totoo."

Tinignan ko s'ya ng masama at nag punas ng luha, "Oo na! Tama kana! Tumigil kana!...Alam ko ang ginagawa ko, Lexus! Kaya 'wag kang mag marunong! Hindi mo naman alam kung bakit ko ginagawa 'to! hindi mo alam kung anong pinang gagalingan ng galit na nararamdaman ko! At hindi mo din alam kung bakit at kung paano ako napunta sa ganito! Pinili ko 'to! Ginusto ko 'to kaya hayaan mo'ko! 'Wag kanang mangaelam sa mga gusto ko dahil wala ka namang naitutulong!" saad ko at nag punas ng luha. Habang s'ya ay nakatingin lamang sa'kin na tila hindi ko malaman kung naaawa ba s'ya o ano.

Pinunasan ko nalang ulit ang luha ko at tinalikuran na s'ya. Masyado akong nasaktan dahil sa mga sinabi n'ya, masyado n'ya akong minamaliit.

"Umiyak kalang hanggat gusto mo! Mas pinapakita molang kung gaano ka kahina at kababaw." usap pa n'ya.

Hindi paba sapat sa kan'ya ang makita akong umiyak? o baka naman pinapalakas n'ya lang ang loob ko kaya kung ano-ano ang binibitiwan n'yang salita.

"Puwede ba tumigil kana? Hindi mo naman ako naiintindihan." inis ko at inirapan s'ya. Iniwan kona din s'ya at hindi na pinansin.

Nakakainis s'ya, nakakabadtrip at nakakawalang gana.

***

Dumeretso ako sa cafeteria at um-order ng iced coffee at carbonara 'tulad ng palagi kong binibili.

"Blythe!"

Nilingon ko si Eurich na papalapit ngayon at tinignan ang kabuoan ng katawan ko, "Ayos kalang? Okay kana ba? Nag aalala ako sa'yo kanina kasi akala ko hindi kana lalabas."

Kinuha kona ang order ko at umupo na sinundan ni Eurich.

"Alam mo ba? Nag away si Lexus at Aisler kanina habang wala ka."

Kumunot ang noo ko. Nasa PBG kami parehas ni Lexus kanina kaya paanong mag aaway sila?

"Ano namang pinag awayan nila?" tanong ko nalang at sumipsip ng iced coffee. Ang sarap talaga! nakakawala ng stress at nakakagaan ng loob.

"Ikaw! ikaw ang pinag awayan nila kanina. Tinatanong kasi ni Aisler kung may namamagitan naba sa inyo ni Lexus at napikon s'ya nang sumagot ng Oo si Lexus. Alam mo namang mataas ang anger issue ni Aisler kaya ayon agad n'yang sinuntok si Lexus!"

Kumakain lang ako dito habang pinapakinggan ang mga kuwento n'ya.

"Kaso mukhang hindi kaya ni Aisler si Lexus, tumaob kasi s'ya kanina. At ang balita ko, balak pa s'yang hamunin ni Aisler mamaya sa battlefield." dugtong n'ya at wala naman akong naisagot dito dahil nakita ko si Venus na iika-ikang nag lalakad habang kasama si Thaddeus. Tumingin ito sa'kin pero nag samaan lang kami ng tingin.

"Oo nga pala, Blythe. Napansin ko na parehas kayo ng sugat ni Venus. May hiwa din kasi ang hita at braso n'ya. Ano bang nangyari sa inyo?" tanong na ni Eurich kaya nalipat ang atensyon ko sa kan'ya.

"Pinainom kasi n'ya ako ng wine tapos hindi ko alam na may pampatulog pala 'yon. Nung nakatulog ako dinala n'ya ako sa k'warto n'ya at iginapos sa upuan gamit ang kadena. Siraulong babae 'yon, balak pa'ko patayin buti nalang niligtas ako ni Lexus." pag kwento ko naman at napansin kong nakangiti si Eurich.

Natutuwa ba s'ya sa ginawa ni Venus o ano?

"Wow! ngayon kalang nag kwento sa'kin, Blythe. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako o maiinis d'yan sa kwento mo."

Nginisian kolang s'ya at kumain ulit.

"Pero teka, edi ibig-sabihin ay plinano talaga ni Venus 'yon?"

Tinignan ko s'ya, "Oo nga."

"Grabe! 'di ko naman inasahan na ganoon pala kasama si Venus." usap pa n'ya pero kumain lang ako ng carbonara.

"Pero Blythe? Totoo ba? Totoo ba na may namamagitan na sa inyo ni king Lexus?"

Agad akong umiling sa tanong n'ya, "Fake news 'yan. Sinasabi lang nila 'yan para mapatalsik ako sa school na'to." sagot ko habang nakain.

"Sa bagay, naniniwala naman ako sa'yo dahil mukhang malabo na may mamagitan sa inyo ni king Lexus. Napaka seryoso n'ya sa buhay at parang wala din naman s'yang interes sa love." saad nito pero hindi ko iyon pinansin.

Nararamdaman ko naman ngayon ang pag hakbang ni Aisler papalapit sa'kin.

"Manonood kaba mamaya?" tanong ni Aisler sa'kin at peke ko naman s'yang nginitian, "Oo. Panonoorin ko kung paano ka maging punching bag."

Natawa ito sa sinabi ko at naupo sa tabi ko. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin, "Hindi ka sigurado." bulong n'ya at tinignan ang mukha ko. Nakakakaba ang tono ng pagkakausap n'ya. May binabalak ba s'ya kay Lexus?

Nagtataka ang mukha ko nang tignan s'ya pero parang nang aasar ang mukha n'ya,

"You will be mine tonight, Blythe."

Ano bang sinasabi n'ya? nahihibang naba s'ya?

"Ano bang sinasabi mo?"

Nginitian n'ya lang ako at tumayo na. Kinurot pa n'ya ang pisnge ko bago s'ya nag lakad palayo.

"Bakit kaya ganoon nalang kasaya si king Aisler, noh?" tanong ni Eurich pero hindi ko 'yon pinansin dahil nag ooverthink ako sa mga oras na'to.

Bakit kaya ganoon nalang umasta si Aisler. Kinakabahan tuloy ako dahil baka kung anong pinaplano n'ya kay Lexus.

Tss! sa bagay, ano bang pakaelam ko kay Lexus na kung ano-anong pinag-sasasabi sa'kin kanina.

Naiinis tuloy ako tuwing naalala 'yon.

***

6:06 PM
04/08/1989

Nasa loob ako ng kuwarto ko ngayon at kasama ko din si Eurich. Gusto n'ya kasing matulog dito ngayon para daw kung may kailangan ako ay may katulong daw ako. Since may sugat nga ang hita ko ay naisip n'ya yata na baka nahihirapan ako kumilos kaya hinayaan kona s'ya.

Kumakain s'ya ngayon habang hawak ang phone n'ya.

Ako naman ay nakatutok ang mata sa TV dahil inaabangan ko ang laban ni Lexus at Aisler.

Medyo kabado nga ako dahil sa hindi malamang dahilan.

"Hoy, Blythe! Kanina kapa nakatutok d'yan! 6:30 pa daw ang start ng laban nila sabi sa'kin ni Thad." usap ni Eurich kaya naupo ako sa kama ko at kinuha ang phone ko.

Kumunot naman ang noo ko nang makitang may message si Lexus sa'kin kaya agad ko itong binasa.

"Go to my room before 6:30 PM and don't let anyone know about this. Lock the door and everything. Lastly, don't do anything stupid, okay?"

Tss! bakit ba n'ya ako pinapapunta sa kuwarto n'ya? Kaya ako maparusahan gawa n'ya, eh!

Huminga ako nang malalim at napaisip sa message n'ya. Replyan ko kaya?

Okay, rereplyan ko s'ya para sa ikakaluwag ng pag hinga ko.

"What if hindi ko gawin?" reply ko at mabilis naman n'ya itong nakita. So, ibig sabihin kanina pa s'ya naka abang sa reply ko?

"Okay, I don't care." sagot n'ya lang na ikinainis ko.

Tss! Bakit ba'ko naiinis? I don't even know what his plan.

Napatingin ako kay Eurich na nag huhugas ng plato kaya sa tingin ko ay may pagkakataon naman akong makaalis.

Balak ko sanang pumunta kay Lexus at alamin kung bakit n'ya ako pinapapunta doon.

"Eurich?" tawag ko sa kan'ya, "Bakit?"

"Nasaan si Aisler?"

Tumingin s'ya at inisip pa ang isasagot, "Kanina kasi nabanggit sa'kin ni Thad na kasama n'ya si king Aisler kaya hindi din malabo na magkasama sila ngayon." sagot nito.

"Ba't mo natanong?"

Hindi ko pinansin ang tanong n'ya at agad nalang akong nag palit ng suot. Naka white sando lang ako at black trouser tsaka black na checkered pang takip sa braso ko at white rubber shoes.

Kumuha din naman ako ng baril sa drawer ko at hindi iyon ipinahalata kay Eurich. Inilagay ko ito sa likod ko at inipit sa suot kong trouser tsaka ako nag madaling lumabas.

Hindi naman ako mamamatay dito sa labas dahil member naman ako ng Assassination Group.

Nag madali naman akong umalis sa building na'to at lumipat sa kabilang building. Medyo malayo kaya medyo naiinis din ako dahil nakakapagod at masakit sa hita. Magkakaiba naman kasi ang mga building dito.

Pumasok ako sa loob at sumakay ng elevator dahil balak kong mag tungo sa kuwarto ni Lexus.

6:21 PM na din pala.

Nang mag bukas ang elevator ay agad akong lumabas dito pero hindi ko alam kung saan liliko kung sa kanan ba o sa kaliwa dahil hindi ko naman alam ang kuwarto dito ni Lexus.

Nag tungo nalang ako sa kaliwa at habang nag lalakad ay may naramdaman akong nag lalakad sa likod ko kaya agad kong kinuha ang baril sa likod ko at itinutok iyon sa taong nag lalakad mula sa likod ko.

"Nice!" sabi ni Lexus kaya naibaba ko ang baril ko at nginisian s'ya,

Kung maka "Nice!" naman s'ya akala mo naman hindi ako marunong makaramdam at makipag laban.

Tss, gan'yan ba katanga ang tingin n'ya sa'kin? Nakalimutan naba n'yang tinalo ko na s'ya dati sa pakikipag laban?

"Gan'yan ba talaga katanga ang tingin mo sa'kin?" inis ko pero seryoso lang ang mukha n'ya, "Yes."

Mas napangisi ako pero hindi konalang binigyan pansin ang sagot n'ya, "Bakit mo ba'ko pinapunta dito?" inis kong tanong.

"At bakit ka naman pumunta?"

Natahimik ako sa sinabi n'ya at peke s'yang nginitian. Nakakainis 'to! Sinasayang ang oras ko!

"Ewan ko sa'yo! sinasayang mo ang oras ko!"

Mag lalakad na sana ako paalis nang pigilan n'ya ako. Hinawakan n'ya ang kamay ko at dinala ako sa kung saan.

Ipinasok n'ya ako sa isang pinto at umakyat din kami sa taas para yata dalhin ako sa kuwarto n'ya.

Binuksan n'ya ang pinto at agad akong ipinasok sa kuwarto n'ya at inupo ako sa kama nito.

"Bakit mo ba'ko dinala dito?"

"Obvious ba? of course I brought you here to protect you from Aisler. "

Kumunot ang noo ko, "At bakit? Kasi involved ako sa pag aaway n'yo? At binantaan ka n'ya na kapag natalo ka sa laban n'yo kukunin n'ya ako sa'yo?"

"Exactly!" sagot n'ya at napairap naman ako.

"Tss! Palagi naman akong damay." inis ko at umiwas ng tingin.

Tumingin si Lexus sa orasan at nakita naman n'yang 6:26 PM na.

"Blythe, promise me na hindi ka lalabas dito, okay? Babalik ako, hintayin molang ako. Dinala lang kita dito to make sure na ligtas ka dahil alam ko kung ano ang mga puwedeng gawin ni Aisler sa'yo."

Hindi ako sumagot at tumalikod naman s'ya para kunin ang isang bagay.

Humarap na s'ya sa'kin at lumapit.

"Blythe, you know that I'm trusting you. Just listen to me, 'wag kang lalabas dito hanggat hindi ako bumabalik...Naiintindihan mo ba?" tanong n'ya pero hindi ako sumagot.

"Aalis na'ko kaya h'wag kang pasaway kung gusto mopang mabuhay." sabi nito at namulsa.

"Honestly, I don't know if I can come back here alive." mahina at malumanay niyang pagkakasabi na s'yang ikinatingin ko sa kan'ya.

"What do you mean?" tanong ko at marahan naman s'yang napangiti.

"I know he's planning something. Mag titiwala nalang ako sa sarili ko at iisiping kailangan kong makabalik dito nang buhay dahil may nag hihintay sa'kin." saad n'ya na nakapag palambot sa puso ko.

Hinawakan n'ya ang kamay ko kaya naman napatayo ako.

Tinignan n'ya ako sa mata at ganoon din ako, "Ipangako mo na babalik ka." sabi ko at ngumiti naman ito.

"Why? are you scared?"

Ngumisi ako at umiwas ng tingin. Bakit ba'ko nag aalala sa kan'ya? Kinakabahan tuloy ako dahil sa mga sinasabi n'ya.

"Umalis kana, baka kasi kating-kati na si Aisler na makaganti sa'yo." sabi ko at tinignan s'ya.

Seryoso s'yang nakatitig sa mata at labi ko. Hinawakan n'ya ang pisnge ko, "Can I kiss you?" tanong n'ya gamit ang mahinang tono pero hindi pa'ko tumatango ay hinalikan na n'ya ang noo at pisnge ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga oras na'to. Nabablangko ako.

"Take care of yourself." huli n'yang sinabi at lumabas na.

Continue Reading

You'll Also Like

64.6K 1.3K 11
John Murphy was left behind by Jaha. It's not the first time that this sort of thing happens to Murphy. He's life wasn't easy so he had to learn ways...
37.9K 692 28
http://dichtienghoa.com/translate/www.meiguixs.com?u=https%3A%2F%2Fwww.meiguixs.com%2Fhtml%2F13%2F13726%2Findex.shtml&t=vi Vận mệnh phụ ngươi, người...
7.6K 174 3
𝗥𝗲𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀. (Marami po uling nabago) Heart isn't in the right condition to love you. But... Why not try to take a risk? Started:...
13.3K 168 31
Most of his characters + him. Some might have more than the others. (I haven't watched the secret headquarters movie or whatever it's called yet. Onc...