ASSASSINATION SCHOOL: Assassi...

Από lythe_btst

618K 19.4K 1.8K

Everything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect he... Περισσότερα

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
EPILOGUE
💌
💌

20

10.8K 399 53
Από lythe_btst

Naimulat ko ang mga mata ko at napa tingin sa isang lalaki. Isang lalaki na yakap-yakap ko. -_-

Nanlaki nalang ang mata ko nang ma-realize na si Lexus ang katabi ko.

Bakit nandito 'yan?!

Agad akong napa upo at napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

"Hays! sakit ng ulo ko."

Pilit ko ding inaalala ang mga nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ano ba'ng ginawa ko at paano napunta sa tabi ko si Lexus?

Ang naaalala ko lamang ay ang pag inom ng alak pero hindi kona alam ang nangyari noong nalasing ako. Hindi pa siguro nag fa-function nang maayos 'yung utak ko kaya wala pa'ko maalala.

Habang iniisip kung anong nangyari kagabi, may humila sa'kin at niyakap ako. Kaharap ko ang mukha ni Lexus ngayon pero npahampas ko s'ya sa dibdib na ikinagising n'ya.

"Gumising kana! Paano ka napunta dito?!" inis kong tanong kay Lexus.

Nagkasalubong naman ang kilay n'ya at napaupo nang makita ako. Kahit yata s'ya ay nag taka kaya pinangunahan ko na s'ya ng tanong.

"Anong ginawa natin kagabi?! Bakit kaba kase nandito?!" inis kong tanong at napa hawak naman s'ya sa ulo n'ya

"I don't remember anything." sambit nito at nahataw ko naman ang braso n'ya, "Bwis*t ka! Lexus! Anong ginawa mo sa'kin?!"

Pinag hahampas ko s'ya ng unan at isinunod-sunod ang pag hampas, "Stop! I didn't do anything to you."

Napa tayo s'ya dahil hindi s'ya maka palag dahil sa sunod-sunod kong pag hampas.

Nai-stress tuloy ako. Hindi ko malaman kung anong nangyari kagabi.

"Umalis kana, Lexus! Baka may pumunta dito at makita kapa!" inis kong utos at sineryosohan n'ya lamang ako ng tingin.

Nagawa pa n'yang mag lakad papunta sa banyo kaya ibinato ko s'ya ng unan, "Ano't mag babanyo ka pa? Lumabas kana at doon kana sa kwarto mo dumeretso!"

Napa ngisi siya bago sumagot, "I want to pee."

Napa kamot ako sa ulo ko at nilapitan s'ya. Ang kulit n'ya, baka mahuli kami dito at pag isipan pa kami nang masama. Pagagalitan kami kapag may naka alam na sa iisang kwarto kami natulog kagabi.

"Labas na, Lexus!" pilit ko s'yang hinihigit palabas pero pinipigilan n'ya ako. "Can you stop being over acting? Just give me one minute, okay?" inis nito at pumasok na ng banyo. Hindi ko na s'ya napigilan at hinayaan na lamang s'ya.

Hindi ko alam kung umiihi naba s'ya pero sana nga ay bilisan na n'ya. Baka kase dumating pa si Eurich dito, eh. Mahilig pa naman mang gising 'yon lalo na't birthday pa n'ya ngayon.

Lumabas na si Lexus mula sa banyo kaya dali-dali ko s'yang hinila para sana ilabas na kaso may kumatok naman sa pintuan ko.

Nanlaki ang mata ko at napa tingin kay Lexus at kumunot lamang ang noo nito.

"Hays! Sabi ko sa'yo bilisan mo, eh! Sigurado akong si Eurich 'yan!" Natataranta ako at iniisip kung saan ko p'wedeng itago si Lexus.

"Saan kita itatago?!" naiinis kong tanong at kalmado naman s'yang nag lakad papunta sa banyo at isinara ang pinto. P'wede na siguro 'yan, 'di na siguro s'ya makikita d'yan.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto. Kabang-kaba ako dahil ito ang unang beses na may nakalapit akong lalaki sa kama sa buong buhay ko. Kinakabahan din ako dahil malaki ang chance na mapagalitan kami at bigyan nanaman ng malaking parusa dahil dito.

Dahan-dahan ko na lamang binuksan ang pinto at napairap nang makita si Eurich. Nandito nanaman s'ya.

"Ano ba 'yon? 7 AM palang, Eurich kaya anong ginagawa mo dito? " pag susungit ko kaagad sa kan'ya. May dala-dala pa siyang kape at napasilip pa sa kwarto ko.

"Bakit ang gulo ng kama mo? Gan'yan kaba talaga matulog?" takang tanong niya at peke ko lamang s'yang nginitian. Potek, baka makita n'ya ang ilan sa gamit ni Lexus sa kama ko.

Isinara ko muna ang pintuan at dali-daling dinampot ang neck tie at wrist watch ni Lexus na nasa kama ko. Nakita ko kase 'yan kanina kaya bigla kong naalala.

Binuksan kona ulit ang pinto at huminga nang malalim. Kita ko ang pag tataka ni Eurich sa mukha n'ya kaya mukhang kailangan kong gumawa ng ibang topic.

"Para sa'kin ba 'yang kape na hawak mo?" peke akong nakangiti habang nag tatanong at tumango naman s'ya kaya kinuha kona 'yung kape. "Thank you! Kanina kopa gusto ng kape kaso walang kape dito."

Iniiba ko lamang ang usapan upang hindi na n'ya maalala ang tanong n'ya kanina.

"Alam kong masakit ang ulo mo dahil sa hangover kaya inumin mo 'yan." nginitian n'ya ako pero hindi pa s'ya naalis.

"Thank you, ah! Happy birthday din and enjoy your day." nakangiti kong sabi at natuwa naman s'ya. Ang tagal n'ya umalis.

"Ikaw palang ang bumabati sa'kin ngayong araw kaya sobra kong na aappreciate, hehe."

"Umalis kana, maliligo at mag aalmusal na'ko. Mamaya kana lang pumunta dito." sabi ko na lamang at nginitian na s'ya. Isasara ko na sana ang pintuan pero pinigilan n'ya ito,

Ano nanaman bang sasabihin n'ya?

"Nakita mo ba si Lexus? Hinahanap s'ya ni Aisler at Thaddeus kanina pa. Nasaan na kaya 'yon? Baka kase mamaya nahulog na sa dagat 'yon sa sobrang kalasingan."

Napalunok ako sa tanong n'ya at napa iwas ng tingin. "Nand'yan lang 'yon. Baka nand'yan lang s'ya sa tabi-tabi. " sagot ko na lamang at akmang isasarado kona ang pinto nang pigilan nanaman n'ya ako. Hays! wala ba s'yang balak umalis?

"Blythe? Sinisikmura yata ako. Biglang sumakit ang t'yan ko dahil yata sa kape. Kanina kopa 'to iniinda, eh." sambit nito habang naka hawak nang madiin sa t'yan n'ya.

Nako! baka dito pa s'ya abutin. Hindi kopa naman p'wedeng ipagamit 'yung banyo dahil baka makita n'ya pa si Lexus.

"Edi umalis kana. Mag banyo kana sa k'warto mo. Barado kubeta ko, eh." palusot ko pero napapa inda s'ya at medyo nanlaki ang mata ko nang mag madali s'yang pumasok sa k'warto ko at tila dederetso ng pasok sa banyo,

"Hindi ko na kaya, Blythe!"

Agad kong hinila ang buhok n'ya at hinigit ito palabas. "Doon kana mag banyo, Eurich! Barado nga!" inis ko at napa sama naman s'ya ng tingin.

Ay wala akong pakaelam kung sumama ang loob n'ya dahil sa pag sabunot ko sa kan'ya. Ang kulit kase n'ya, eh.

"Ang sakit, ah! Napaka sama talaga nito! " daing niya.

"Doon kana dumumi at maliligo pa'ko. Ba-bye! Happy birthday ulit!" nginitian ko s'ya at isinara agad ang pinto. Napa hinga ako nang malalim.

Nakaka stress ang babaeng 'yon at palagi n'yang ginugulo ang mundo ko. Mabuti na lamang at nakaligtas ako.

Nag lakad na ako upang kumustahin si Lexus sa loob. Pag bukas ko ng pintuan ay naabutan ko naman s'yang naka sandal sa pader na tila hinihintay ako.

Tinignan lamang niya ako nang pagka seryo-seyosong tingin at medyo nagulat ako nang higitin n'ya ang kamay ko papasok sa loob ng banyo at isandal sa pader.

Tinignan n'ya ako sa mata kaya napa lunok at natahimik ako. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko, nakaka pressure s'ya.

"I don't remember anything, Blythe. What happened last night?" tanong nito at naitulak ko naman s'ya palayo sa'kin.

"Lumayo ka nga! masyado kang malapit. At tsaka hindi ko din alam kung anong nangyari kagabi. Masyado na akong lasing para maalala pa ang mga nangyari!" napaiwas ako ng tingin at medyo nagulat nanaman nang isandal n'ya ako sa pader at tignan nang deretso sa mata.

"Did I kissed you last night?" tanong n'ya na nakakapang lambot.

"H-hindi ko alam." nauutal na'ko dahil sa asta n'ya. Ngayon lang yata ako umasta na parang isang babae at normal na estudyante sa harap ng isang lalaki.

"I promised to myself that the only person I would kiss was the one I would marry." saad nito na ikinatingin ko nang deretso sa kan'ya. Eh, paano kung nag kiss nga kami kagabi? Edi papakasalan n'ya ako? Hahaha baliw ba s'ya?

"Walang nangyari kagabi, noh! At kung meron man..." hindi ko maituloy ang sasabihin dahil hindi ko naman din talaga alam ang sasabihin ko.

"I wish I hadn't kissed you, because I don't want to marry a girl like you."

Naitulak ko ulit s'ya palayo sa'kin.

"I also don't want to marry a guy like you, Lexus." pag didiin ko dito at sinamaan s'ya ng tingin.

Hindi s'ya sumagot at in-snob lamang ako at lumabas na s'ya ng banyo. Kinuha n'ya ang relo n'ya at ikinabit nadin ang neck tie niya.

"I don't believe that you didn't remember what happened last night, Blythe." seryoso n'yang sambit habang inaayos ang necktie n'ya.

"Eh, ano naman sayo kung naalala ko o hindi? Sigurado naman akong wala akong ginawa na pag sisisihan ko."

Bigla s'yang napangisi sa sinabi ko. Napapikit ako nang mariin nang maalala ang nangyari kagabi dahil sa pag ngisi n'ya.

Ang naalala ko ay ang pag hahalikan naming dalawa na hindi mapiit dahil sa epekto ng alak. Hays! Ano ba naman kasing nangyari kagabi? I thought it's just a dream tapos totoo pala.

"I've never done anything in my entire life na hindi ko pinag iisipan, Blythe. So, if you think that I kissed you then, you're just dreaming."

Baliw ba s'ya? Wala naman akong binanggit na nag halikan kami kagabi. Hindi nalang kase n'ya aminin na naalala talaga n'ya ang nangyari kagabi pero hindi n'ya matanggap dahil nga nangako s'ya sa sarili n'ya na ang pakakasalan n'ya ay ang first kiss n'ya. Bakit kaya s'ya may ganoong salita?

Gagan'to-gan'to lang ako pero hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Na di-disappoint ako sa sarili ko at sa ginawa ko.

"Hoy, Lexus! Ako ang babae dito at kung sino 'yung dapat mag reklamo dito ako 'yon! At tsaka halata naman na naalala mo 'yung nangyari kagabi hindi mo nalang aminin may pa sabi-sabi kapa na nag promise ka sa sarili mo-"

"Then, what happened?"

napa irap ako dahil hindi n'ya ako pinag salita nang maayos. Gusto ba talaga n'yang isa-isahin ko 'yung nangyari kagabi?

"Hinatid mo'ko dito sa kwarto ko kagabi dahil masyado na akong lasing at wala sa sarili. Pag pasok natin ng kwarto ko..."

Hays! Hindi ko maituloy, nakakahiya! Bakit kase namin ginawa ang bagay na 'yon. Hindi naman ako pinalaking ganito pero bakit nang dahil sa alak ay nagawa ko ang mga bagay na 'yon.

"And then? What?"

Huminga ako nang malalim bago sumagot,

"We kissed, Lexus. I kissed you." pag amin ko.

Tinaasan n'ya ako ng kilay at napangisi.

Masyado s'yang mapag panggap. Nahihiya yata s'yang aminin ang pag halik sa'kin.

"What the...I don't even know how to do that." sabi nito at dahan-dahan nag lakad palapit sa kan'ya.

"Hindi ba't ako dapat ang mag react dahil ako 'yung babae dito? Napaka arte mo, Lexus. Hindi lang ako makapag reklamo dahil hari ka at wala akong laban kung isusumbong ko ang ginawa mo sa'kin kagabi. Kapag nga sinabi ko ang pang babastos mo sa'kin ako pa ang mapaparusahan, eh!" reklamo ko at tinignan naman n'ya ako sa mata.

Nagulat ako nang sampalin n'ya ako. Hindi ko ininda 'to at binawian ko s'ya ng sampal.

"Sinabi ko na kung anong nangyari, ano pa bang problema mo?!" inis ko at tinignan n'ya ulit ako nang deretso sa mata.

"You're my first kiss."

Natahimik ako sandali dahil sa sinabi n'ya. Bakit ba kung umasta s'ya parang napaka big deal sa kan'ya ng pag hahalikan namin? I mean, why don't we just forget what happened? Alam ko naman na mahirap, pero kasi nangyari naman na at hindi ko p'wedeng isipin ang pag halik n'ya sa'kin araw-araw dahil ayokong mawala ang focus ko sa mga plano ko.

"Let's just forget what happened." sabi ko pero ang seryoso pa din ng mukha n'ya. Palagi naman.

"No! I would never forget what happened. You already kissed a lot of guy, Blythe. I know you put some drugs at my drink for me to-"

Nasampal ko ulit s'ya.

"Hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, Lexus! I'm taking care of myself, my femininity, my dignity, and what I have. I have a lot of respect for myself so if you think that a lot of men already taste my lips, then I want you to know na si Aisler pa lang ang nag lakas loob na humalik sa'kin. He kissed me without my consent and we kissed in unexpected way, and you... I kissed you...I'm the one who kissed you and I admit it."

Natahimik s'ya sa sinabi ko at tila hindi na din alam ang sasabihin.

"If I'll remember what really happened last night, and the truth is that we kissed..."

Hindi n'ya maituloy ang sasabihin kaya nagkatitigan pa kami.

"Tss...Maybe we just need to forget what happened." sabi na lamang n'ya na tila napipilitan at nag lakad na s'ya papunta sa pintuan pero tumigil s'ya saglit.

Tinignan pa n'ya ako bago s'ya lumabas ng pintuan.

Nang isara na n'ya ito, napa upo ako sa kama at nakahinga na nang maluwag. Ininom ko na ang kape ko.

Bigla akong kinabahan. Ano kayang ginawa namin kagabi? May CCTV ba dito? Baka may nakakita sa'min. Hays!

Kinuha ko na lamang muna ang phone ko at tinawagan ko nalang si Mommy at agad naman n'ya itong sinagot.

"Ma? Alam n'yo naman po na pupunta kami ng G.U, 'di ba? Baka p'wede n'yo naman pong kausapin ang head master na iannounce sa buong school na mag panggap na hindi ako kilala. Kapag kase nag punta ako doon baka mabuking ako." bungad kong sabi kay Mommy.

"I already did that, Sweetie. Just take care of yourself, okay?" sagot naman ni Mommy kaya napangiti ako.

"Thanks Mom! I miss you." sagot ko na lamang. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangiti si Mommy ngayon dahil sa narinig n'ya. Minsan lang kase ako mag sabi ng gan'yan sa kan'ya dahil hindi talaga s'ya sanay sa pagiging sweet ko.

"I miss you too, Sweetie. I love you and mag iingat ka d'yan." saad naman nito at ramdam ko ang pagka tuwa n'ya.

Ibinaba kona ang phone ko at nag unat muna ako ng katawan. Parang gusto ko tuloy mag dabog, nakakainis si Lexus! Hays! Sinisira n'ya ang mga plano ko.

***

It's already 3:32 PM

Naihanda ko naman na ang gamit ko dahil malapit na daw kami sa pupuntahan namin.

Lumabas muna ako sandali para puntahan si Eurich. Nakita ko naman s'ya sa hallway kasama si Aisler at tila may pinag uusapan yata sila.

Ngayon ko lamang sila nakitang ganiyan. Mukhang close naman sila pero ano naman kaya ang pinag uusapan nila?

Napatingin si Eurich at Aisler sa'kin kaya napatigil sila sa pag uusap.

Tumango si Eurich kay Aisler bago ito mag lakad paalis at lumapit naman ako kay Eurich.

"Anong pinag uusapan n'yo?" tanong ko kaagad pagka alis ni Aisler.

"Ah, wala 'yun. Tungkol lang kay Thaddeus." nakangiti n'yang sagot kaya hindi na'ko nag tanong pa tungkol dito.

"Naihanda mo naba ang gamit mo, Blythe? Aalis na din kasi tayo. Bakit pala ngayon kalang lumabas ng kwarto mo? Kaninang umaga kapa doon, ah."

Napa buntong hininga ako sa tanong n'ya. Na-stress kase ako kay Lexus at tila parang hindi ko yata s'ya kayang harapin kaya nag kulong muna ako sa kwarto.

"Wala, ayoko lang lumabas dahil natatakot ako sa alon ng dagat." sagot ko nalang at hindi na s'ya nag tanong.

"Oo nga pala, may iniregalo sa'kin si Thaddeus. Gusto mong makita?" natutuwa n'yang pagkakasabi pero namulsa lamang ako at tumango.

"Tara!" aya n'ya at agad akong hinigit. Habang nag lalakad kami ay nakasalubong namin si Thaddeus, Lexus, Aisler pero kay Lexus agad ako napatingin.

Tinignan n'ya rin ako na s'yang ikinaiwas ko. Nakakailang kasi s'ya.

"Bakit ngayon kalang yata nag pakita?" tanong ni Aisler na s'yang ikinalipat ng tingin ko at tinaasan ko s'ya ng kilay, "So?" pag susungit ko kaya hindi na s'ya sumagot at hinawakan ko nalang ang braso ni Eurich para mag patuloy na kami sa pag lakad. Habang humahakbang ay pinigilan ni Lexus ang pag lakad ko,

"Can we talk?" tanong n'ya na ipinag taka ko. Bakit gusto n'ya akong makausap? Wala na kaming dapat pag usapan dahil kinalimutan kona ang nangyari kagabi.

"No." maikli kong sagot at in-snob na s'ya tsaka ipinag patuloy ang pag lakad.

***

Nang makarating kami sa Godly University, para akong mapapa atras. Nasa tapat kami ng malaking gate nito at napatingala ako dahil sa laki nito. Nakakamiss pero kinakabahan ako dahil baka may bumati sa'kin dito.

"Blythe? Okay kalang?" tanong ni Eurich kaya tumango ako.

"Tara na!" aya n'ya at pumasok na kami sa loob. Sinuot ko nalang ang hoodie ko at nag face mask na rin para sure na walang bumati sa'kin dito.

Agaw pansin naman sila Aisler, Lexus at Thaddeus sa mga estudyante dito. Nag yuyukuan sila para mag bigay galang at ang iba naman ay halatang kinikilig dahil sa lakas ng dating nilang tatlo. Suot-suot kase nila ang kagalang-galang nilang damit.

Walang ipinag bago dito, sobrang normal lamang dito sa school na'to.

Ang school na'to ang pinaka matino sa lahat. Walang patayan dito pero may mga batas din dito at syempre alam ko lahat ng iyon.

Ang parusa dito ay ang ipadala sa Bloody Game o gawing alipin sa palasyo. Depende sa kasalanang nagawa mo.

"The Students of Maximus University are here. Be kind and nice to them especially to their kings. " sabi ng announcer.

"Eurich? Mauuna na ako sa kwarto ko tutal magka hiwalay naman tayo. Doon ka sa kabilang building." saad ko kay Eurich at nilagpasan s'ya sa pag lakad habang naka pamulsa.

"Blythe?" napatigil ako nang tawagin n'ya ako. "Wala pang sinasabi kung saan ang mga kwarto natin, noh."

"Mag ba-banyo lang ako." sabi ko nalang at nag lakad na.

Habang nag lalakad sa corridor ay nakasalubong ko naman si Lexus. Ano naman kayang ginagawa n'ya dito? Kanina ay nadoon lamang s'ya sa labas tapos ngayon nandito na s'ya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko pero ang seryoso ng mukha n'ya at hindi din n'ya ako sinagot.

"Ok." sabi ko nalang at nag patuloy na sa pag lakad pero habang nag lalakad ay tinawag n'ya rin naman ako.

"Blythe."

Napalingon ako at tinaasan s'ya ng kilay. "Ano?"

Dahan-dahan s'yang lumapit sa'kin at tinignan ako nang deretso sa mata. Medyo napapa atras na ako dahil sa tuloy-tuloy n'yang pag lapit. Ano bang problema nito? kanina lang ay ayaw n'ya halos maistorbo tapos ngayon gumaganto s'ya.

"Ano ba 'yon?" inis ko at napangisi naman s'ya. Umayos s'ya ng tayo at namulsa tsaka ako tinignan.

"I already remember what happened." sabi n'ya na ikinangisi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din s'ya makalimot. Sa bagay, ako ang first kiss n'ya at nabanggit n'ya din kanina na hindi daw n'ya makakalimutan 'yon.

"And? Anong gagawin ko?" pag susungit ko. Mas sumeryoso pa s'ya at medyo nagulat ako nang isandal n'ya ako sa pader.

"Ano ba kasing gusto mong sabihin?" inis ko at tinanggal naman n'ya ang facemask ko at tinignan n'ya ang labi ko.

"Your lips are soft and sweet and I like the taste and feel of how you kissed me last night." sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

Ano bang sinasabi n'ya? Pabago-bago talaga ang mood ng lalaking 'to at ngayon ay hindi ko s'ya maintindihan. Nagustuhan n'ya ang pag halik ko sa kan'ya kagabi ngayong naalala na n'ya ang nangyari? My god! Alam ko naman na alam na talaga n'ya 'yung nangyari pero naniniguro lang s'yang hindi iyon panaginip pero ngayon mukhang sigurado na s'ya na hindi nga iyon panaginip.

"Ano bang sinasabi mo, Lexus?" takang tanong ko at nailapit naman n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko.

"Your lips...it makes me feel so good." saad n'ya at tinignan ako sa mata. Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga oras na'to. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Na-nababaliw kana ba?" naiilang kong tanong at napapaiwas nadin ng tingin dahil sa kaba at hindi maintindihang nararamdaman.

Naramdaman ko ang mas pag lapit ng mukha n'ya na tila gusto akong halikan kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

Medyo naitulak ko s'ya palayo sa'kin na ikinatigil n'ya.

"Tumigil kana, Lexus." mahinahon kong pagkakasabi na talaga ngang ikinatigil n'ya.

"Hindi kita gusto at ayokong magkaroon ng koneksyon sa'yo kaya h'wag kanang lalapit sa'kin." saad ko at napangisi naman ito dahil sa sinabi ko.

"I don't care if you like me or not, I just wanted to feel your kiss again. Just give me one more kiss and I'll let you go." sabi nito kaya nasamaan ko s'ya ng tingin. At bakit ko naman gagawin 'yon, kayang-kaya ko naman umalis ngayon.

Tinanggal ko sa kamay niyang nakaharang at mag lalakad na sana paalis pero hinigit n'ya ako at napapikit agad ako dahil akala ko ay hahalikan n'ya ako.

Nakita ko s'yang nakangiti na tila pinag ti-trip-an ako.

"You really thought that I would kiss you?" nakangiti nitong tanong. Bakit ba s'ya nakangiti? Hindi naman n'ya ginagawa 'yan, ah.

"Baliw kaba?" inis ko at inilayo ang sarili ko sa kan'ya.

"I knew it, we really kissed." naging dismayado ang mukha n'ya.

"Ano ba 'yon?" pagtataka ko at tinignan n'ya ulit ako. "Let's just forget what happened. I don't like you and I don't want me to feel your kiss again so stay away from me at h'wag na h'wag kana din mag papakita sa'kin." sabi nito na medyo ikinatawa ko.

"Bakit? Nag cre-crave kaba sa halik ko tuwing nakikita mo'ko?" pag bibiro ko pero ang seryoso nanaman ng mukha n'ya.

"Yes." sagot n'ya na ikinatigil ko.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

100K 1.5K 14
Hey hey hey!! Welcome to this totally random book i made! I love Steven so much and i wanted to make this book for fun~! I hope someone could stop by...
37.9K 692 28
http://dichtienghoa.com/translate/www.meiguixs.com?u=https%3A%2F%2Fwww.meiguixs.com%2Fhtml%2F13%2F13726%2Findex.shtml&t=vi Vận mệnh phụ ngươi, người...
13.2K 168 31
Most of his characters + him. Some might have more than the others. (I haven't watched the secret headquarters movie or whatever it's called yet. Onc...
91K 2.9K 51
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...