Precognition (Published by Pa...

By abdiel_25

53.9K 4K 941

Sixth Sense Series #1 | Perhaps the end comes in various forms yet all fatal. *** A novel. "Take a peek at th... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The Lesson
Chapter 2 : Endless Tunnel
Chapter 3 : Sophia the Artificial Intelligence
Chapter 4 : Integrated A.I.
Chapter 5 : She Who Can See the Seer
Chapter 6 : Asteroid with Tremendous Size
Chapter 7 : Depression versus Zombie
Chapter 8 : Another Vision
Chapter 9 : Too Much Bravery Will Kill You
Chapter 10 : What's with the Wall?
Chapter 11 : Old Lady Knows Something
Chapter 12 : Infected
Chapter 13 : Initial Cure
Chapter 14 : End of Humanity
Chapter 15 : Escape
Chapter 16 : Music Room
Chapter 17 : Carson
Chapter 18 : Painting
Chapter 19 : Miniso
Chapter 20 : Under the Sea
Chapter 21 : All-out War
Chapter 22 : Weird
Chapter 23 : Can't Read
Chapter 24 : Safe Zone
Chapter 25 : Underground
Chapter 26 : Attached
Chapter 27 : Frat War Incident
Chapter 28 : Glitch
Chapter 29 : Hideout
Chapter 30 : President's Son
Chapter 31 : Cannibal
Chapter 32 : Signing Off
Chapter 33 : Big One
Chapter 34 : Fa Mulan and Li Shang
Chapter 35 : Mr. Do
Chapter 37 : John 3:16
Chapter 38 : Mirror in the Library
Chapter 39 : Goodbye
Epilogue
Question and Answers
Author's Note
To be Published

Chapter 36 : Hologram

620 60 2
By abdiel_25

CHAPTER 36

NIANA'S POV






OCTOBER nineteen ngayon.

Halos tatlong buwan na akong nilulubayan ng sixth sense ko. I mean, hindi totally na nilubayan, pero paminsan-minsan na lang itong umaatake. Tingin ko dahil wala na si Sir Jim, kaya wala na ring nakaka-trigger sa kakayahan ko.

Never ko na ring nalaman kung ano ang ikalimang possibility of the end. Sa ngayon, hindi ko na ito iniisip dahil tingin ko, hindi ko na makikita pa 'yon. It will be left as a mystery.

Today is the last day of foundation day. Sobrang bilis ng mga araw kaya hindi ko na namalayang last day na pala ngayon ng pagsasaya naming mga estudyante. Next next week kasi, exam na kaya sinusulit ko na ang mga araw na mayro'n ako para magligaliw. Isa pang dahilan para magsaya, ay ang Music Fest ngayong araw.

Ilang beses kong inaway si Midori para lang pumasok siya ngayong araw para samahan ako sa Music Fest. Ayaw kasi niyang pumasok sana ngayon dahil masama raw ang pakiramdam niya. Ako lang din naman daw ang mag-eenjoy dahil may music na involve.

Dahil nga ang sixth sense ni Midori ay tungkol sa pandinig, medyo sensitive ang tainga niya. Pero ang alam ko, kaya naman niyang kontrolin 'yon. Dakilang tsismosa rin ang isang 'yon lalo na kapag pakikinggan ang inner thoughts ng ibang tao.

"Ito na nga papunta na. Magkita na lang tayo sa may open space. Sa may field, oo," ani ko habang naglalakad palabas ng bahay, kausap ko sa telepono si Midori na halatang bad mood dahil pinilit ko siyang pumasok at nauna pa sa akin sa campus.

"Dalian mo! Nauna pa ako sayo!" aniya bago ibaba ang tawag. Hindi ko na lamang siya inisip dahil maganda ang mood ko ngayong umaga.

Habang naglalakad, bigla kong naalala 'yong mga araw na nalaman naming nakalaya na si Mister Do. Ilang araw siyang parang tulala no'n. Ngayon na lang siya bumalik sa dati. Habang tumatagal at lumilipas 'yong mga araw, nakakalimutan na rin niya ang tungkol ro'n.

Saglit akong napatigil sa paglalakad dahil nangangalay na ang mga braso ko. Nagdala kasi ako ng ilang mga libro na pwede kong basahin kapag nabo-bored na ako sa mga sports na papanoorin namin ngayon. Since last day ngayon ng foundation day, kasabay ng Music Fest ang battle for the championship sa different sport fields. Hindi naman ako interesado masyado sa sports dahil more on arts lang talaga ako.

Nang maayos ko nang kaunti ang pagkakabitbit ko sa mga librong dala-dala ko, nagsimula na ulit akong maglakad hanggang sa makapasok na ako sa loob ng gate ng Cessation High.

Agad akong nagtungo sa may open field, kung saan nakita ko agad si Midori na nakaupo, at halatang buryong-buryo sa isang bench habang nanunuod sa mga estudyanteng nagpa-practice ng badminton para sa laban nila mamaya.

Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa kung nasaan si Midori, tumakbo na rin ako para mas mabilis ko siyang mapuntahan.

Kaso hindi ko alam kung kailan at paano, pero bigla nalang akong nahilo at nabangga sa isang lalaki. Dahil dito, nalaglag ang mga librong bitbit ko.

I was literally shocked dahil maluwag ang daan. Hindi ko rin siya nakita na dadaan sa harapan ko. Walang tao sa nilalakaran ko kaya nakakapagtaka na bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko. Nakakahiya pa dahil nabangga ko siya.

"Aray!" Daing no'ng lalaki nang tumama ang ilan ng mga libro ko sa braso at paa niya.

"Naku! Sorry po kuya!" tangi ko na lamang saad dahil mukhang mas matanda siya sa akin nang ilang taon. Nakakapagtaka rin na iba ang itsura ng damit niya. Hindi ko tuloy alam kung outsider ba siya o hindi.

Pinulot ko na ang mga librong nalaglag ko sa sahig. Saglit akong tumingin sa likuran ko, kung saan ko huling nakita si Midori na nakaupo kanina, pero wala na siya ro'n. Automatic na napakunot ang noo ko habang nagpupulot ng mga libro.

Saan nagpunta ang babae na 'yon?

Kung aalis siya ro'n, dapat napansin ko agad. Mapapansin niya rin ako dahil kaunting lingon lang, makikita na niya ako mula sa kinatatayuan niya kanina. Tsaka sobrang saglit lang ng time gap nang mabangga at ako sa huling tingin ko sa kaniya.

Kaya paanong nawala siya agad?

"Next time, 'wag kang tatakbo kung hindi ka naman nakatingin sa daan," ani ng lalaking nakabangga ko. Nang tumayo ako sa harapan niya, saglit kaming nagkatitigan, at sa saglit na oras na 'yon, nakita ko ang lahat ng mga bagay na mangyayari sa kaniya.

Concert.

South Korea.

Fire truck.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya kaya agad akong napailing.

"W-wala—"

"Then why are you like that? Bakit para kang nakakita ng multo?" he cutted me off.

Tinitigan ko siya nang diretso, nang maigi. Bahagya siyang napahakbang patalikod dahil sa ginawa ko. Alam kong weird na ang tingin niya sa akin dahil bakas 'yon sa mga mata niya. Pero kailangan ko siyang bigyan ng babala. Dahil mababangga siya ng fire truck, 'yon ang nakita ko sa hinaharap niya.

"You better watch out for the water," I said in a monotone voice. Akma na sana akong aalis nang bigla niyang tanungin ang pangalan ko. "Niana," maikli kong tugon para hindi na humaba pa ang diskusyon namin.

Naglakad ako dahan-dahan palayo sa kaniya. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa kaniya, agad din akong lumingon muli.

I saw him, glitching.

Hanggang sa maging abo ang buong katawan niya at tangayin ito ng hangin.

Muli akong kinabahan at nabagabag dahil hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng gano'n. Naaalala ko pa sila Rhianne at Kean sa fourth vision ko. Nakaharap ko sila noon, pero tulad ng lalaking nabangga ko, naging abo rin sila at tinangay ng hangin.

Ibig sabihin kaya no'n . . .

May chance na makaligtas siya sa fire truck na 'yon?

"Niana!" Agad akong napalingon sa harapan ko nang bumungad sa akin ni Midori. Hindi ko namalayang papunta na pala ako sa kung nasaan siya nakaupo.

Pero teka—

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko kay Midori kaya agad siyang sumimangot.

"Opo! Kanina pa po," mataray niyang saad kaya diretso kunot ang noo ko. "Bakit? Anong meron?" nagtataka niyang tanong.

"Kakatingin ko lang dito kanina, pero wala ka rito. Akala ko umalis ka sa upuan na 'to pero . . ." Muli akong napalingon sa lalaking nabangga ko kanina, pero wala na talaga siya ro'n. "Nevermind. Tara na," ani ko bago hatakin si Midori papunta sa auditorium kung saan magaganap ang music fest.

Habang naglalakad, hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yong nangyari kanina.

'Yong pagkawala ni Midori tapos 'yong bigla niyang paglitaw.

May kinalaman kaya 'yong lalaking nabangga ko sa nangyari?

Pero mukhang normal naman siya.

Ay hindi. Hindi siya normal. Naging abo siya at tinangay ng hangin.

"Sandali, punta muna pala ako sa canteen. Bibili lang ako ng makakain natin habang nanunuod tayo," sabi ni Midori kaya tumango ako't ngumiti.

"Gusto mo samahan na kita," ani ko.

"'Wag na. Baka hindi mo masimulan 'yong show," sagot niya kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Asus! Bilis ng mood swing ha. Kanina lang galit ka, tapos ngayon—"

"Ikaw na lang kaya bumili? Ako nalang manonood sa auditorium," masungit na sabi ni Midori kaya agad akong umiling at marahan siyang tinulak palayo sa akin.

"Sabi ko nga hindi na kita aasarin. Ingat sa daan Midori. I love you," natatawa kong saad bago kami maghiwalay ng daan. Siya papunta sa canteen, at ako naman papunta sa main door ng auditorium.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa auditorium, napapansin ko ring may mga taong hindi taga-rito sa school. 'Yong mga outsider kung tawagin. Siguro nga tama ako na hindi taga-rito sa school 'yong lalaking nabangga ko kanina.

"Ay! Diyos ko po!"

Napalingon ako sa nagsalita.

Base sa suot niya, mukha siyang madre. Mahaba ang suot niya, black and white ang damit, may kwintas na ang pendant ay holy cross, at nakasalamin. Madreng-madre ang dating niya. Siguro sila 'yong mga sister galing sa kalapit na school ng Cessation High. Invited din pala sila sa Music Fest?

"Harang kasi sa daan," asik ng babaeng nakabangga sa madre. Mukha siyang magulang ng isa sa mga estudyante ng school. Wala itong pakialam kahit tumumba ang madre sa harapan niya, basta siya, dumaan lang at naglakad palayo na parang walang kasalanan sa nabangga niya.

Agad kong nilapitan 'yong madre at tinulungan siyang tumayo.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong ko rito. Malamlam itong ngumiti.

"Salamat. Nawa'y isalba ka ng Diyos sa susunod niyang paglilinis sa ating mundo," aniya bago hawakan ang magkabilang kamay ko.

Tumango na lamang ako. Nang makasiguro akong ayos na siya, nagsimula na akong maghanap ng mauupuan para sa amin ni Midori.

Pero biglang pumasok sa isip ko 'yong sinabi niya.

"Nawa'y isalba ka ng Diyos sa susunod niyang paglilinis sa ating mundo."

Dali-dali akong napalingon sa kung saan ko huling nakita 'yong madre. Pero wala na siya ro'n.

Cleansing of Earth.

Nagawa na ng Diyos iyon noon sa panahon ni Noah, kung tama ako.

Mabilis na umikot ang paligid ko at naging distorted ang lahat sa paningin at pandinig ko. Matagal na nang huling mangyari sa akin ito kaya agad akong nahilo dahil biglaan at hindi na ako sanay dito.

Hindi ko alam kung saan ako mapupunta.

Basta ang alam ko lang, ito na ang ikalima, at huling possibility of the end.

Continue Reading

You'll Also Like

21.1K 1.1K 50
As a writer, I have a lot of thoughts popping out of my mind in between unlikely situations or conversations. In my twenty-two years of existence, I...
759K 30.6K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
824K 44.2K 88
VRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ā‹˜ ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ āˆ— ā‹…ā—ˆā‹… āˆ— ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ā”€ ā‹™ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep a...
850K 33.5K 32
Demigoddess Trilogy - 1/3 ĻŸ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half siblings. I'm a teenage demigod and the fab...