Yeeeees! Pasukan naaaaa! 3rd year narin ako sa wakas! Alam kong masandali lang tong school year na ‘to. At gaya nga ng pinag pepray namin ni april, mag kakalase nga kami. Oha! Magiging exciting ‘tong 3rd year ko! ^_^
Nandito kami ngayon sa Room, break time kaya pwedeng mag ingay. Ang ingay-ingay nga sa room e. Nakaupo lang kami ni April malapit sa Aircon. Nag papalamig siyempre. Hindi namin ugaling pumupunta ng cafeteria pag break time. Lagi kasing may dalang baon si April kaya nakikishare nalang ako. Ganyan ang nag titipid. HAHA!
“Hi!” Sabi nung dalawang babae na lumapit sa’min. As if naman hindi namin sila kilala. HAHA! Loko din tong dalawang ‘to!
“Hello!” Sagot ko naman. Kunwari hindi ko din sila kakilala. HAHA!
“Uhmm, hi? Anong panggalan niyo?” Sabi ni April. Nag kukunwari din.
“Ako nga pala si Chloe!”Sabi ni Chloe.
“Hello! Adelle nga pala.” Sabi ni Adelle. Hindi rin palakaibigan ang isang ‘to.
“Hi! I’m Bree.” Sabi ko naman.
“April here!”Sabi naman ni April
Bestfriends din namin ni April si Adelle at Chloe kaso syempre kami ni April, matagal na kaming bestfriends, almost six years na ata? Sa totoo lang, hindi ko alam kung papano kami naging mag bestfriend nitong si April, opposite kasi kami, palakaibigan siya ako hindi. Siguro kaya kami naging mag kaibigan kasi parehas kaming hindi girly. Don’t get me wrong. HINDI KAMI TOMBOY. Ayaw lang namin yung masyadong pa girl. Naka sundo namin tong si Chloe tyaka si Adelle kasi hindi rin kasi sila masyadong maarte, makikita mo kasi yung iba dito sa school namin, naka make up, sobrang makapal yung lipstick. Nakakairita diba? .
“Nice names.” Sabi ko kay Adelle and Chloe.
Natawa naman kaming apat “Loko! Parang hindi tayo mag kakakilala ah. Namissko kayo!” Sabi naman ni Chloe.
Nag kukwentuhan kaming apat kung ano ng nangyare sa bakasyon namin nung maramdaman kong mag vibrate yung phone ko.
“Ah, excuse me may tumatawag sakin.” Sabi ko
“Who? Boyfriend mo?” Sabi naman agad ni Adelle
“How I wish!” Sabi ko tyaka ako lumayo para sagutin kung sino yung tumatawag. Sa sinabi kong iyon, alam nanila kung sino yun. Kilala naman kasi nila si Trav e. kilala lang, hindi pa nakikita ni Chloe and Adelle si Trav pero si April, nakita niya na.
[Helllo?] Sabi ni Trav. Kinikilig ako at nakuha niya pang tumawag sakin pero hindi ko pinapakita o pinaparamdam sakanya na may crush ako sakanya kasi baka masira lang friendship namin. [“Hoy Briana Roux! Buhay ka pa?!] May kausap nga pala ako.
“Oh, bakit?”
[“Wala, ang boring kasi dito sa school eh. Wala mang ginagawa.”] Nag tataka kayo? Hindi kami parehas ng school. Nag aaral siya sa isang school na ang mga estudyante ay magalingsa Academics. Kumuha ako ng entrance exam dun kaso, hindi ako pumasa e. Matalino naman ako sadyang hindi ko lang kinaya yung exam. Masyadong mahirap. 4th year na siya, pero magka age lang kami.
“Oh? Diba nandyan naman si DRENKA mo?”
[“Ewan ko kung nasaan siya?]
“Pssssh! Nilliligawan mo hindi mo alam kung nasaan? Baka mamaya nanglalalaki na yun.” Sabi ko sakanya sabay tawa ng malakas.
[“Hoy! Hindi niya magagawa sakin yun no!]”
“Sabi mo e. hahahaha! Osige, got to go, tumunog na yung bell padating na din yung next teacher namin. Bye!” at inend call ko na nga.
Pumasok na ulit ako ng room at sakto! Kasunod ko lang pala yung next teacher namin. Ano pa nga bang ginagawa sa first day of school? Ode nag papakilala ng nagpapakilala. Ganyan yung ginawa namin mag hapon hanggang sa last subject. Tumunog na ulit yung bell at tenen! Uwian naaaa!
“Oi! Tara na.” Sabi ko kay April. Nag cocommmute lang kami tuwing papasok tyaka uuwi. Mas maganda kaya yun, makakagala ka kung gusto mo. Pagka baba ko sa kanto namin, dumiretso ako sa may Tree House. Mag lilinis muna ako dun. Trip ko lang bakit ba?
“Oh? Anong ginagawa mo dito?” Sabay naming tanong ni Travis. “Mag lilinis.” Sabay ulit kami, inirapan ko nalang siya kahit deep inside, kinikilig ako. ^_^
“Mag linis na tayo.” Sabi ko, parang awkward na e.
Nag linis na kami, siya sa labas ako sa luob. Meron kasing parang terrace yung tree house bago makapasok sa luob. Ganda no? Pinagawa ko ‘to sa kapitbahay namin. HEHE! AT SA WAKAS natapos na din kami. Nakita ko naman na malungkot ‘tong si Travis, asarin ko nga.
“Oy!” Walang sagot. “Oy! Oy!” Wala parin sagot. “Oy! Oy! Oy!” sabi ko habang tinutusok yung pisngi niya pero wala pa ring sagot. “Siguro, binasted ka na ni Drenka kaya ka malungkot no?” Sabiko sakanya. Pero tinignan niya lang ako. Aba himala! Usually kasi pag kasi nasabi ko yun sinisigawan niya ako. Pero ngayon hindi, anyare? “Mag kwento kana, nahiya ka pa e.” Sabi ko sakanya. Inihanda ko na yung sarili ko sa sasabihin niya siyempre baka masaktana ko. Ikamatay ko pa. HAHA! Joke lang yung patay siyempre.
“Tumigil na ako sa panliligaw sakanya.” Sabi niya na ikinagulat ko, simula nung nagkakilala kami nililigawan niya nayun, almost 2 years na ngayon niya pa naisipang tumigil?
“Bakit naman? Diba two years mo na yun nililigawan?”
“Oo nga, nasayang yung two years ko, hindi ko kasi nararamdaman na gusto niya rin ako.”
“Aww, hayaan mo na yun, makakahanap ka din ng mas better sakanya.”
“Sana nga.” Dinamayan ko nalang siya sa pagiging malungkot niya kahit deep inside nag didiwang ako. Sino ba naman kasi ang hindi sasaya kung alam mong wala ng nililigawan yung crush mo hindi ba? ^_^
Nagstay pa kami sa Tree House hanggang 7PM. Niyaya ko na siyang umuwi, hinatid niya pa nga ako eh. Aba! Ang ganda ng simula ng week ko ah. ^_^