Embrace Of Night

By Lorenxx1

16K 726 95

Vanessa, a senior-high student, loses her cherished notebook, only to find it in the hands of Mark Tristan Sa... More

Embrace of Night
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13

CHAPTER 12

453 29 5
By Lorenxx1

“THANK YOU.”

Pagkatapos kong mag pasalamat ay lumabas na si Santiago. Gabi na rin kasi at paniguradong hinahanap na siya ng kanyang mga magulang.

Napatingin ako kay Eros at sa kanyang tuhod na may benda. Nahagip daw kasi ito ng motor at saktong nakita ni Santiago kaya tinulongan niya hanggang ihatid sa bahay.

'Tsaka niya nalaman na kapatid ko pala ito. Una, ako yung hinatid niya nang gabihin ako umuwi. Ngayon ay ang kapatid ko naman.

“Kumain ka na, Eros?”

“Yeah, bumili si Idol ng pagkain sa labas kanina,” sagot niya habang 'di inaalis ang tingin sa kanyang cellphone.

Napataas ang kilay ko dahil sa sagot niya, “Idol?”

Tumingin sa akin si Eros.

“Di ba siya 'yong magaling mag basketball?” Aniya. “Makikipaglaro nga sana ako kaso may sugat ang tuhod ko kaya next time na lang daw.” Dagdag pa niya.

“Next time?”

“Yeah, babalik daw siya 'pag wala na akong sugat tapos maglalaro kami!” Malawak ang ngiti ni Eros.

Napangiti na rin ako dahil kay Eros. Simula kasi no'ng namatay ang aming ama ay bihira nang ngumiti si Eros kaya ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang kanyang mga ngiti.

“Matulog ka na, anong oras na oh,” napatingin ako sa wall clock at nakitang alas dies na nang gabi.

“Hmp, sabado naman bukas,” reklamo nito at nag patuloy sa kanyang ginagawa.

Wala na akong nagawa kundi hayaan ito sa kanyang ginagawa. Pumasok na ako sa kwarto ko para makapag pahinga.

Sobrang sakit ng katawan ko kaya bagsak agad ako sa kama. Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko na nasa bag.

May tumatawag. Sino naman kaya ang tatawag ng gan'tong oras nang gabi? Tinatamad kong kinuha ang phone sa bag.

Napatingin ako sa screen ng aking phone para malaman kung sino ang tumatawag. Walang pangalan, number lang na hindi pamilyar.

Sino naman kaya 'to? Baka wrong call lang. Sinagot ko pa rin ang tawag.

“Hello?”

Walang sumagot, “Hello, sino 'to?” ulit ko.

Wala pa rin sumasagot, tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko. Sino 'tong tumatawag?

“Hi.”

Napatigil ako sa paghinga nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya. Lalaki ito at baritono ang boses.

“Sino ka? Wrong call ka po ata.”

“Vanessa...”

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Bakit niya alam ang pangalan ko?

Baka scammer 'to.

Pinakalma ko ang aking sarili bago magsalita ulit, “Hindi ako si Vanessa, wrong call ka po,” may pagkairita sa boses ko.

“What? You're kidding...” he said, “Hindi mo ako maloloko, tsk.” dagdag pa niya.

Natutop ko ang aking bibig nang maisip na parang pamilyar ang kanyang boses. “Sino ka nga!?” tumaas na ang boses ko dahil sa inis.

Nakapag pahinga na sana ako kung hindi ko sinayang ang oras sa lalaking itong tumawag ng gantong oras nang gabi.

“Mark Tristan Santiago.”

Nabitawan ko ang aking phone sa gulat. What the fuck? Bakit niya alam ang number ko?! Saan niya ito nakuha?! Oh my gosh.

“Hey!”

Kanina pa ito nagsasalita sa kabilang linya ngunit wala itong natatanggap na sagot sa akin. Pinindot ko na ang end call para matahimik na ang phone ko.

Bakit ganito?! Pinagpawisan ako sa kaba! Shit, oh my gosh, anong nangyayare sa akin. Napatingin ako sa salamin na nasa pader.

Bakit parang mapula ang mukha ko? Oh right! Ang init kasi sa loob nitong kwarto. Napatingin ako sa electric fan. Gumagana naman ito pero bakit ang init ng mukha ko.

Bumukas ang phone ko at nakita ang text message ng isang unknown number. Ito yung tumawag kanina sa phone ko.

That damn.. Santiago!

0995xxxxxxx:

Good night and sweet dreams! Oh, btw, I got your phone number from your brother hehehe.

Inulit ko basahin ang text message baka kasi mali lang ang pagkakabasa ko. Nasapo ko na lamang ang aking ulo dahil tama pala ang pagkakabasa ko. That Eros, bakit niya binigay number ko sa lalaking 'yon.

Nag-type ako ng reply.

Mama mo good night.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nireply ko, siguro kasi ayun ang una kong naisip. I let my intrusive thoughts win. Agad naman itong nag-reply.

Lol, mama ko, mama mo rin in the future hehehe.

What the fuck? Anong ibig niyang sabihin... na ang mama niya ay mama ko rin in the future? Nag-type ako sa keyboard para mag reply.

Sabi na eh, crush mo talaga ako eh no. Baliw, 'wag ako, Santiago!

Napaisip pa ako bago ko i-send ang text. Lumipas ang limang minuto't wala pa rin itong reply. Hanggang sa tumunog ulit ang phone ko.

He replied.

Bakit?

Nag-antay ako ng anim na minuto para lang sa reply niyang 'yon. 'Tsaka bakit niya ba ako tinatanong kung bakit, hindi niya ba naiintindihan ang sinabi ko.

Hindi ko na ito nireplyan pa at ganoon din siya, hindi na rin nadugtungan pa ang tanong niya. Mabuti nga iyon nang matahimik na ang utak ko. Biglang may nag notification sa facebook ko.

Freya Mendoza shared a post.

Hay, bakit ba pati shared post ni Eya kailangan updated ako. Kaya minsan ayoko nang mag-open ng facebook eh.

Pagbukas ko ng aking facebook account ay una kong nakita sa newsfeed ang shinare ni Eya na post. Post ng isang kilalang tao.

I think I'm in love.

Post iyon ng walang iba kundi si Santiago, mayroon itong 800 na likes at thousand na comments. Ang ibang mga comments ay paulit-ulit lamang.

Hindi na ako nag-abala pang basahin isa-isa ang comments dahil inaantok na talaga ako at gusto ko nang magpahinga dahil sa pagod tapos dumagdag pa yung tumawag sa akin kanina.

Since, mayroon na siyang contact number ko, I assume na he'll never let me in peace though hindi naman talaga. Simula pa lang no'ng nakilala ko siya, wala na talagang magandang nangyare sa buhay ko.

Dahil sa kanya, na-late na ako nang ilang beses.

Mabuti na lang ay hindi ito nalaman ni Eros dahil paniguradong isusumbong ako nito kay Mama. Speaking of my mother, lagi itong busy sa kanyang trabaho kaya halos dalawang beses lang sa isang buwan siya tumatawag.

Biglang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Eros habang karga ang alaga namin na pusa na si Nami. Hinahaplos-haplos pa ni Eros ang ulo nito.

“Anong oras na, baki—” Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang hawak niya.

Isang red notebook.

“Sayo 'to, diba? Bakit nasa kwarto ko?” Patuloy pa rin siya sa paghaplos kay Nami.
.

Natutop ko ang aking bibig dahil sa hawak ni Eros na notebook. Hindi ko alam kung bakit nasa kaniya ito. Ahh, siguro binigay na ito ng lalaking yun.

“I saw this sa ilalim ng kama ko, baka kinagat ni Nami kaya napunta roon.”

Nagtaka ako, “What do you mean? Hindi ba binigay ito sa'yo ni Santiago?”

Umiling ito habang ang mga kilay ay magkasalubong dahil sa pagtataka. Hinablot ko ang hawak niyang notebook at agad ko itong binuklat.

Ito nga! Yung notebook ko. Yung nawawala kong notebook, finally nasa kamay ko na ulit. Parang masaya ako nitong matutulog.

“Ge, matutulog na ako,” Paalam ni Eros at naglakad na ito pabalik sa kaniyang kwarto pero hinabol ko ito.

“Eros!”

Humarap ito sa akin at makikita sa mata niya na inaantok na talaga ito.

“Why? Inaantok na ako.”

Huminga ako nang malalim bago magsalita, “At sinong nagsabi sayo na pwedeng ibigay ang contact number ko kahit kanino?”

Lumaki ang mga mata nito.

“He ask for it, alangan naman number ni Mama ibigay ko,” sagot niya sabay kamot sa kanyang ulo.

Bumalik na lamang ako sa aking kwarto dahil baka mapingot ko pa ang Eros na 'yon. Napatingin ako sa hawak kong red notebook. Ito nga talaga yung nawawala kong notebook.

Pero... paanong nasa ilalim ito ng kama ni Eros? Ang alam ko'y hawak ito ng Santiago na 'yun. Hindi ko maintindihan, nalilito ako.

Hinugot ko sa charger ang phone ko at agad nagtype ng text message. Anong sasabihin ko sa kaniya? At saka, alas dose na nang gabi.

Imposibleng gising pa ang taong iyon.

Pero sinend ko pa rin ang text message ko sa kaniya.

Hey! Binigay mo ba kay Eros yung notebook ko?

Tumunog ang phone ko. Hindi ko inaasahan na magre-reply ito. Gising pa nga talaga ito! Anong oras na't gising pa rin ito. Binasa ko ang reply niya.

Huh? What do you mean? Narito pa rin yung notebook mo and I'm not letting anyone have it.

Hindi pa ako nakakareply nang may sumunod agad na text message niya.

At bakit gising ka pa?

Hindi ko alam kung anong isasagot kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko. Napatingin ulit ako sa hawak kong notebook at binuklat.

Sa unang page ay nakasulat ang aking kompletong pangalan. Vanessa Castro. Nasapo ko ang aking ulo nang mapagtanto ang nangyayare.

What the fuck. Ibig sabihin, hindi talaga akin yung notebook na nakuha niya. Nagkamali lang ako nang hinala dahil sa magkaparehas ang design ng notebook!

Napatingin ako sa pader at una kong nakita ang binili kong dress kanina lamang. Argh, bakit ba nangyayare ang lahat ng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

398 77 21
Teen fiction story (Stand alone) Unedited Ipinagdamot ang kasiyahan na dapat maranasan ni Larry sa mundo. Duguan at nakahandusay sa sahig ang mga m...
124K 9.2K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
104K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
157K 941 43
Malasiqui National High School School Year 2018-2019 Project sa Filipino Ipinasa ng: Grupo ng 10 - Kingfisher Ipinasa kay: Bernadette M. Pedral P.S...