Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF...

By yllanzariin

14.2K 1.7K 1.2K

(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH!) WARNING! This story may contain VIOLENCE, MATURE CONTENTS, and GORE. If you... More

Prologue
Chapter 01: The Outbreak
Chapter 02: Weapons
Chapter 03: The Plan
Chapter 04: Human Experimentation
Chapter 05: His Parents
Chapter 06: New Comrades or Friends?
Chapter 07: The Living Virus
Chapter 08: Losing Someone
Chapter 09: The Letter
Chapter 10: First Step
Chapter 11: Pregnant
Chapter 12: Escaped
Chapter 13: Cold
Chapter 14: The Codes
Chapter 15: The Revelation
Chapter 16: Bloody Night
Chapter 17: Goodbye
Chapter 18: Dead End
Chapter 19: The Truth
Chapter 20: Suffer
Chapter 21: District 3
Chapter 23: Antidote
Chapter 24: Went Back
ANNOUNCEMENT [03-20-24]
UPDATE [03-28-24]

Chapter 22: District 5

287 36 15
By yllanzariin

Isang malakas na putok ang pinakawalan ni Wart na tumama sa binti ni Alberto. Natakot bigla si Suez at tumakbo na palabas ngunit bigla itong nanigas nang paputukan siya ni Rini. Walang awang hinigit ni AIOE 25 ang mahabang buhok ni Suez kaya napatili ang dalaga.

“I’m sorry. I can’t feel your pain. I have no feelings.” Kasabay ng pagbigkas ni AIOE 25 sa mga kataga ay iniuntog niya ang ulo ni Suez sa hologram table.

Gulat na gulat sina Wart at Rini sa ginagawa ni AIOE 25 kaya mabilis na pinigilan ito ni Rini nang makitang duguan na ang mukha ni Suez.

“You made Felis suffer a lot. You deserve it.” Kahit na walang emosyong kasama sa boses ni AIOE 25 ay ramdam pa rin ni Rini ang galit nito.

Nang makabawi si Wart sa nangyari ay agad niyang pinakawalan si Elliot. Mabilis na lumakad si Elliot sa human capsule.

Inis niyang tiningnan si Alberto. “Nasaan si Felis?” Tumawa lang ito kaya mas lalong nainis si Elliot at kinuwelyuhan si Alberto. “Sagot!”

“Wala na kayong madadatnan sa kuwartong iyon. Huli na kayo,” pilit na saad ni Suez kaya agad na napalingon si Elliot sa kaniya. “That’s just a recording. They will tranfer him to Reborn Laboratory. Doon siya ipi-preserve.”

Dahil sa narinig ay mabilis na tumakbo si Elliot palabas at hindi ininda ang kumikirot niyang puso kaya napasunod ang tatlo sa kaniya. Hindi na nila pinansin ang malakas na sigaw ni Alberto. Ang nasa isip lang ni Elliot ay ang makita si Felis.

“Reborn Laboratory?” sambit ni AIOE 25.

Sumagot si Wart at ikinasa ang baril kahit na nahihirapan dahil sa mga daliri niya. “Isang laboratoryong nagpi-preserve ng kahit ano, mapatao man o hayop pero mas kilala sila bilang isang laboratoryong nagpi-preserve ng mga utak ng tao.”

Sabay-sabay silang napamura nang unti-unting sumara ang dadaanan nila. Wala na silang madadaanan kaya napamura si Elliot at galit na sinipa ang metal na nakaharang.

“Emore,” tawag ni AIOE 25 kaya kinunutan siya ng noo ni Elliot. “Bakit gusto mong makita si Felis?”

“Tinatanong pa ba ’yan?” giit ni Elliot habang pinapalo ang nakaharang.

Lumapit si AIOE 25 sa metal na nakaharang at hinawakan ito. “Wala ka nang karapatan sa kaniya.”

“Ano?”

Nakikinig lang ang dalawa sa pag-uusap nina Elliot at AIOE 25.

“Kapag nalaman ni Felis na ikaw ang dahilan ng lahat, mapapatawad ka ba niya?”

Nanigas si Elliot sa puwesto niya at hindi alam kung ano ang sasabihin.

“Marami siyang pinagdaanang hindi niya akalaing pagdadaanan niya. Gusto mo siyang protektahan pero kabaliktaran ang iginawad mo sa kaniya.”

Hindi nakapagsalita si Elliot at napayuko na lang. Alam naman niyang siya ang dahilan ng lahat ngunit hindi niya rin ginusto ang nangyayari.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

Seryosong nakipagtitigan si AIOE 25. “Ipaubaya mo siya sa akin.”

Sarkastikong tumawa nang mahina si Elliot habang umuubo at namimilipit sa sakit ng puso niya. “Ayoko. Lahat ng galit ni Felis ay tatanggapin ko. Kahit patayin pa niya ako ay hinding-hindi ko siya bibitiwan, lalong-lalo na sa isang hamak na robot na kamukha ko lang.”

The robot smiled, then he crouched down. He pushed one tile and suddenly, the metal wall opened. “Ibang klase kang magmahal, Emore. Sana maabutan pa natin sila.”

Isang batok ang natanggap ni AIOE 25 mula kay Wart ngunit si Wart ang napangiwi sa sakit. “Pinaghintay mo pa kami, Second. Akala ko, hindi na tayo makakalabas.”

Takbo lang sila nang takbo. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap nila kung saan ang exit dahil kabisado lahat ni Elliot ang daan. Hindi maiwasang hindi ngumiti ni Elliot nang matanaw na nila ang exit. Pagkalabas nila ay doon nila nakita si Felis na nakasakay sa isang wheel chair na mahimbing na natutulog habang pinapalibutan ng mga doktor at may tatlong helicopters na nag-aabang.

“Stop!” malakas na sigaw ni Elliot kaya halos lahat ay napalingon sa gawi nila. Mabilis na tumakbo si Elliot ngunit tinutukan siya ng baril ng isang doktor.

“Elliot Emore? Why are you here?” nagtatakang tanong ng isang doktor na kasing edad lang ni Elliot na siyang nagtutulak kay Felis.

“H’wag n’yong galawin si Felis, Nox,” seryosong saad ni Elliot.

“We need to preserve him. We need his knowledge.” Inayos ni Nox ang salamin niya at sinulyapan si Felis at napakurba ang mga labi niya. “He’s indeed a future scientist.”

“If you’re talking about his IQ, all of you are wrong.”

Tumingin si Nox kay Elliot. “You mean his IQ drops by two almost everyday?” Hinaplos ni Nox ang mukha ni Felis na siyang nagpainis kay Elliot. “But suddenly increases by fifteen, that’s why his brain is really interesting.”

“Stop touching him!” galit na hiyaw ni Elliot at hindi na napigilang lumapit kay Nox at sinakal ito.

Mabilis naman siyang tinutukan ng baril ng ibang doktor kaya naging alisto rin sina Rini at tinutukan din ang mga ito.

Nox grinned as he stared at AIOE 25. “That’s the robot made by the Jhansens and Emores.”

Nang makilala ni AIOE 25 ang lalaking nakatitig sa kaniya ay mabilis siyang lumapit dito at ngumiti. “It’s nice to see you again, Professor Nox.”

“Did you already plant the bombs?” Tumango si AIOE 25 at kinuha ang wheel chair at pumunta na sa helicopter.

“What’s this?” naguguluhang tanong ni Elliot at inis na tumingin sa robot na karga-karga si Felis papasok sa helicopter.

“You!” Galit na itinuro ni Elliot ang robot. “Traitor!”

Napatawa nang malakas si Nox, dahilan para mas lalong magtaka sina Elliot, Wart, at Rini. Nakangiting tiningnan sila isa-isa ni Nox.

“So, we’re now complete. A team having Elliot Emore, the famous novelist who turned out to be a researcher in just a snap; Wart Chavez, the famous Physics professor; Rini Avila, the famous journalist and a hacker; and me, Nox Villafuerte, the microbiologist. Our team has a potential, it has a strong foundation.”

Napakunot ang noo ni Elliot. “Ano ba ang binabalak mo?”

“Elliot Emore!” malakas na sigaw ni Alberto na kararating lang na siyang nagpalingon sa kanilang lahat.

Galit na humihingal si Alberto na nakatingin sa kanilang lahat. Nanggigigil itong nakatingin sa dalawang Elliot ngunit napangisi ito nang makita niyang nasa helicopter na si Felis.

“The mad scientist is here,” natatawang saad ni Nox at kumaway kay Alberto na umuusok sa galit habang kasama nito ang ibang doktor.

“Nox! Patayin mo na sila. Hawak na natin si Felis. Wala na silang silbi!”

Napatango-tango naman si Nox at sinenyasan ang mga doktor kaya napangisi si Alberto nang tutukan na sina Elliot ngunit napakunot ang noo niya nang pumunta sa kanila ang tutok.

“Ano ito?” naguguluhang tanong ni Alberto pero napangisi lang si Nox. “Hindi ako ang patayin mo. Sila!”

“Patayin n’yo na sila.” Sa utos ni Nox ay pinagbabaril ng mga doktor sina Alberto at ang mga kasamang doktor.

Halos yumanig ang kinatatayuan nila nang isa-isang sumabog ang mga bombang itinanim ni AIOE 25. Naguguluhan sina Elliot sa nangyayari. Hindi nila alam kung kakampi ba si Nox sa kanila o hindi.

Tiningnan ni Nox si Elliot. “Sumakay na kayo. H’wag na muna kayong magtanong.”

Kahit na naguguluhan ay sinunod pa rin nila ang sinabi ni Nox. Pagkapasok nila sa helicopter ay agad itong umangat. Sa pag-angat ng helicopter ay sunod-sunod na rin ang mga pagsabog habang pinagbabaril nina Alberto ang helicopter.

“Huminto ka muna, Nox.” Ikinasa ni Elliot ang baril at pumuwesto at tumingin sa scope bago itinapat sa noo ni Alberto. “Wart, may I—”

“Yes, you can kill him,” pabirong sagot ni Wart kaya natawa ang lahat at tatlong malalakas na putok ang narinig nila. Pagkatapos ay bumalik na agad si Elliot sa puwesto niya.

Napadungaw si Wart, halos hindi na niya makilala ang NR Laboratory dahil sa apoy. Si Nox ang nagsisilbing driver ng helicopter habang si Elliot ay inis na binawi si Felis sa kandungan ni AIOE 25.

“I can finally hold you tight, Felis,” malumanay na bulong ni Elliot at hinalikan sa noo si Felis at tiningnan si Nox. “Ano ba talaga ang binabalak mo? Saan mo kami dadalhin?”

“Kung magsalita ka ay parang hindi tayo magkaibigan. H’wag kang mag-aalala, sa District 5 tayo patungo.” Nox beamed. “Hindi ako kalaban, Elliot. Nahuli lang ako ng dating.”

“Kung hindi ka naman pala kalaban ay sana pinasakay mo na kami agad,” inis na reklamo ni Rini habang minamasahe niya ang kaniyang mga binti. “Sumasakit na.”

They know Nox Villafuerte. He was one of their friends who went abroad and for several years, he did not show up to them.

“Wala namang thrill kapag gano’n at saka, gusto kong makita ang magiging reaksiyon ni Elliot kapag ginalaw ko si Felis.” Nox laughed when he received a death glare from Elliot.

Nagbabangayan lang ang apat na lalaki na parang mga bata. Kapag sa edad, panlabas na anyo, at sa propesyon nila ay masasabi na talagang mature at maraming mga babae ang nagkakandarapa ngunit hindi talaga dapat husgahan ang isang tao dahil sa panlabas na anyo.

Dahan-dahang inimulat ni Felis ang mga mata niya sa ingay na naririnig. Napakurap-kurap siya nang paulit-ulit sa mukhang tumambad sa kaniya. Ang maamong mukha na ilang buwan na niyang pinapangarap na makita.

Nanginginig na inabot ni Felis ang mukha ni AIOE 25 at ngumiti nang bahagya. “I miss you.”

Hinawakan ni AIOE 25 ang kamay ni Felis at saka pinisil. “Na-miss din kita, Felis—”

Hindi natapos ni AIOE 25 ang sasabihin nang itinulak siya ni Elliot at tiningnan nang masama. “Know your place, Second.”

“Elliot?” naguguluhang saad ni Felis habang pabalik-balik na tiningnan ang dalawa.

“Let me explain, Felis.”

Isang oras ding nagpaliwanag si Elliot sa lahat pero hindi pa rin maiwasang hindi mapapatitig si Felis kay AIOE 25 na nagpainis kay Elliot. Naglalakad na sila ngayon papunta sa lighthouse.

Inis na hinila ni Elliot ang damit ni Felis. “Stop staring at him.”

Napangiwi si Felis. “He’s like your clone.”

Napakunot ang noo ni AIOE 25 sa pagkatitig ni Felis sa kaniya. Nagtaka si Felis kung bakit ito ang pangalan niya. “Antidote? At kapag kinuha ang mga consonant, it will be a, i, o, e? My father named you?”

Nakangiting tumango si AIOE 25 kaya napailing na lang si Felis. “You can call me Antidote 25, but Professor Dereck said that my name should be pronounce as Ayoweh Twenty-five.”

“Kaya pala pakiramdam ko, may nakalimutan ako. Iyon pala ang codename mo. Ang dali-dali lang ngunit hindi ko napansin,” nanghihinayang na saad ni Felis habang nakangiting nakatingin kay AIOE 25.

“Felis, Second na lang ang itawag mo sa kaniya. Tutal, clone ’yan ni Elliot,” natatawang sabi ni Wart kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Elliot.

Hinigit ni Elliot si Felis at inilayo ito kay AIOE 25. “Bakit mo ba siya kinakausap?”

“Hindi ko alam kung bakit overprotective ka masyado, Emore.” Hindi na nakapagpigil si Nox sa pagsasalita.

“Wala ka nang pakialam doon, Villafuerte,” inis na usal ni Elliot habang nakahawak sa laylayan ng damit ni Felis.

Hindi rin alam ni Elliot kung bakit siya nagiging ganito. Natatakot lang siyang iwanan ni Felis. Sa haba ng panahong hindi sila nagkita ay hindi mawawala ang kaba at pangamba sa puso niya. Kahit na malamig at hindi maganda ang pakikitungo ni Felis sa ibang tao ay mabilis naman itong magbago at kapag nagbago na ito ay tiyak na mapapansin at mamahalin siya ng lahat. Hindi mahirap mahalin ang isang taong masama ang ugali kapag ito ay biglang nagbago.

Napangisi si Wart sa naisip niyang kalokohan at saka bumulong kay Elliot. “Elliot, alam mo bang may nakilala si Felis. Trix ang pangalan at naging sila. Ang nakakalungkot lang na pangyayari ay nagsakripisyo ito para kay Felis.”

Hindi inaasahan ni Wart ang magiging reaksiyon ni Elliot. Akala niya kasi ay magagalit at magseselos ito ngunit mabilis na niyakap ni Elliot si Felis.

“I’m sorry,” malungkot na sabi ni Elliot na nagpataka kay Felis. “Wala ako sa tabi mo sa oras na kailangan mo ako pero . . .” Kumunot ang noo ni Elliot na nakipagtitigan kay Felis. “Pinalitan mo ako sa isang Trix?”

Napaangat ang kilay ni Felis kaya para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ay sumabat si Wart. “Nagbibiro lang ako, Elliot. Kasamahan lang namin ’yon dati.”

“He’s not just a comrade. He’s one of my friends,” mahinang usal ni Felis na nagpangiti kay Wart.

Alam ni Wart na hindi madaling magtiwala si Felis pero nagbago ’yon dahil sa pagtutulungan nila. Napabuga ng hangin sa ere si Wart at saka tumingala, napangiti. Ramdam niya ang kapayapaan sa kalangitan, payapang kumikinang ang mga bituin.

Walang nagtangkang magsalita habang naglalakad sila. Hindi rin maiwasang hindi kabahan si Felis nang natatanaw na niya ang pinto ng lighthouse. Agad namang inilagay ni Felis ang kamay niya sa isang box na nasa pinto at bigla itong nag-scan at bumukas ito pero bago pa man makapasok si Felis ay inunahan na siya ni AIOE 25.

Ngumiti si AIOE 25. “Welcome home, Felis Jhansen.”

Elliot glared at AIOE 25. “Hey, know your place.”

Natatawang napailing si Nox pero bago pa man siya tuluyang makapasok ay may binitiwan siyang mga salita, “Robot lang ’yan, h’wag mong problemahin.” Wart and Rini nodded in agreement with what Nox said and entered the lighthouse.

Pagpasok nina Rini, Nox, at Wart ay hindi nila napigilang mamangha. Isang lighthouse na sobrang ganda at sobrang linis. Lalo silang napanganga dahil sa dami ng digital virtual touch screens. Hindi maiwasang hindi galawin ni Rini ang isa sa mga ito at doon niya nakita ang information tungkol kay AIOE 25, iba’t-ibang machines, at mga rare plants. Nagbasa lang siya nang ilang minuto at lumayo na rito.

Ang lamesa ring nasa gitna ng isang mini sala ay isang hologram table. Ang mga upuan ay hindi ordinaryo. Gawa ito sa bakal at ang hagdan naman ay salamin.

“Ibang klaseng lighthouse,” sabay-sabay na sambit nina Rini, Wart, at Nox.

“What the hell!” Hindi mapigilan ni Nox ang pagmumura sa pagkakagulat nang umupo siya sa upuang gawa sa bakal pero hindi niya inasahang malambot ito.

“Kailan pa naging couch ito?” nagtatakang tanong ni Nox.

Nagningning ang mga mata ni Wart nang makakita siya ng banyo. Hindi na siya humingi ng pahintulot at tumakbo na upang makaihi. Pagpasok pa lang ni Wart ay langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng banyo. Ang amoy na hindi na niya naamoy simula nang magka-outbreak. Nakangiti siya habang umiihi.

Pagkatapos umihi ni Wart ay binuksan niya ang gripo upang maghugas ng kamay ngunit napasigaw siya na nagpagulat sa mga taong nasa sala. Mabilis na kinatok ni Felis ang banyo ngunit patuloy lang sa pagsigaw si Wart.

“Wart, open the door!” inis na sabi ni Felis at nagulat silang lahat nang unti-unti itong bumukas at iniluwa ang mga mata ni Wart na nanunubig na. “What happened?”

“Ang tubig . . .” panimula ni Wart.

“Anong mayro’n sa tubig?” nagtatakang tanong ni Rini na ngayon ay nakaupo at katabi si Nox na pagod na nakasandal sa couch.

“Ang linis-linis ng tubig! Kumikinang ito at tinatawag ako! Walang bahid ng kahit anong dugo o kahit ano pa man. Makakaligo na ako!” naiiyak na wika ni Wart, dahilan para mapakunot ang mga noo ng apat na lalaki, habang si AIOE 25 ay nakangiti lang.

“Akala ko, kung ano na. Neat freak ka pa rin talaga,” usal ni Felis at saka tumungo sa couch. Sumunod naman sa kaniya si Elliot.

Sa pagkakaupo nila sa couch ay bigla nitong binanggit ang mga identification nila kaya agad na napatayo sina Nox at Rini.

“What was that?” nagtatakang tanong ni Nox habang sinusuring mabuti ang couch.

“Nalalaman ng couch ang identification ng isang taong uupo rito pero h’wag kayong mag-aalala dahil sa umpisa lang naman,” paliwanag ni Elliot kaya napatango-tango ang dalawa.

“Siya nga pala, kung gusto n’yong kumain ay may pagkain doon,” sabi ni Felis at saka itinuro ang isang itim na pinto. “The laboratory is located on the second floor. There are only three rooms on the third floor and every room has a closet and a bathroom. Any problem?”

“Ikaw at si Elliot ang magkasama sa isa,” saad ni Nox habang nakangisi kay Felis at nanunuksong napatingin kay Elliot. “Ako naman sa isa, at sina Rini at Wart ang magkasama.”

“Paano si Second?” nakakunot ang noong tanong ni Felis.

Napadaing si Felis nang pinitik ni Elliot ang noo niya. “You should not care about him, he’s a robot.”

Felis was about to speak but AIOE 25 said, “H’wag kang mag-aalala, may sarili akong tulugan.”

“So, it’s settled.” Napahikab si Nox. “Matutulog na ako.”

“Ayos, makakatulog na ako nang maayos.” Tumayo si Rini at inayos ang gusot sa kaniyang damit. “Kailan natin sisimulan?”

Sinulyapan ni Felis si AIOE 25 saglit. “Bukas na bukas.”

Tumayo na rin AIOE 25 at nagpaalam. Mahabang katahimikan ang namuo sa pagitan ng magkasintahan. Napamura na lang sa isip si Elliot dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Felis. Elliot was just looking for something in his mind to say but his tongue receded. Annoyingly, he messed up his hair that made Felis wondered.

“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Felis kaya huminto si Elliot sa ginagawa niya.

“I’m sorry.”

Elliot just kept on apologizing. Kung kanina ay ang lakas ng loob niyang maging protective, ngayon ay nawala na ang dila niya. Bumalik ang lahat ng pangamba at takot niya na baka ay kamuhian siya nito. He is the reason—his blood is the reason why Felis is suffering. Alam niya ang lahat ng pinagdaanan ni Felis dahil lahat ng iyon ay ikinuwento ni Wart.

Felis frowned as he grabbed Elliot’s chin, then he kissed him violently. Elliot became a statue for a second. Elliot’s heart skipped a beat. His stomach heated up to his heart. This is the first time Felis initiated a kiss. It started from a violent kiss to a gentle kiss. All they could hear were the grunts of the two of them.

Felis’ arms wrapped around Elliot’s neck. Felis felt the wetness of his palms due to nervousness and embarrassment, but it gradually disappeared when Elliot bit Felis’ lower lip slightly that made Felis moan as his soft lips parted. Elliot didn’t waste a second and happily entered his tongue inside.

As their tongues were both exploring each other’s mouths, their body temperature rose like boiling water. Felis gasped as Elliot’s hands explored his smooth white bare skin. He smiled when he heard Felis’ deep breaths causing his member to stand up. Elliot gently pulled him and made Felis sit on his lap without cutting the tender kiss. Elliot’s mouth went down to Felis’ neck and he playfully marked him countless times. One of his hands was playing with Felis’ pink soft nipples, that made Felis’ breath skipped for a second, while the other crawled like a snake inside Felis’ shorts.

“Ay, SPG!” gulat na sigaw ni Wart habang ang mukha nito ay hindi maipintang nakatingin sa kanila habang nakayakap sa sarili. “Kadiri kayo!”

Mabilis na ibinaba ni Elliot ang nakataas na damit ni Felis at inis na tiningnan si Wart. “Umalis ka na nga. Istorbo!”

Wart frowned as he looked disgustedly at Felis who was still sitting on Elliot’s lap having a face as red as tomato. “Kadiri kayo! Maligo na nga muna kayo. Ilang araw o buwan na ba kayong hindi naliligo at may gana pa kayong gumawa ng isang bagay na . . . Ibang klase, nagsitayuan na,” namamanghang usal ni Wart habang nakatingin sa shorts ng dalawa at agad na tumakbo paakyat sa hagdan.

“Let’s stop,” namumulang usal ni Felis at tumayo na bago lumakad na paakyat.

Inis na napapadyak si Elliot at sinabunutan ang sarili. “I will kill that Wart Chavez.”

Tiningnan ni Elliot ang bagay na nasa pagitan ng hita niya at nais na nitong kumawala. “I will take care of you in . . .” Malakas siyang napabuntonghininga at napatayo. “. . . the bathroom.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
12.1K 951 35
"'Wag na 'wag kang maniniwala sa sinasabi ng iba tungkol sa'yo. Alam mo kung saan ka dapat maniwala? Sa sarili mo. Magtiwala ka na kaya mo. Patunayan...
137K 5.8K 52
[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 3] Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is a...