Prinsesang Bratinella

By JheszMarie

559 17 10

Tunghayan ang makabagbag-damdaming kwento na maaaring makapag-babago sa takbo ng buhay mo. Pero syempre, JOKE... More

PLOT
#01TrashLife
#03MyBoyToyAlalay
#04PrinsesangQueenbee
#5FailedRestDay
#06SenseOf

#02PintuanNgLangit

51 3 1
By JheszMarie


#02PintuanNgLangit

''You have a very busy schedule for this day Señorita.''

''Alam mo ba ang difference ng isang secretarya at isang butler Mike?'' walang galang na tanong ni Roselle sa matandang empleyado.

''I'm sorry Señorita. Pero mahigpit pong ipinagbilin ni Madam na ipakilala ko po kayo sa lahat ng empleyado at natutulungan ng inyong pamilya.'' hinging paumanhin at pagpapaliwanag nito.

   Three hell weeks narin ang nakalipas at himala namang surviving parin ang beauty niya sa pamamalagi dito. Siguro sa tipikal  at commoner na mamamayan ng Pinas wala namang sense iyon. Pero sa kaso ni Roselle Fortaleza? It's a big achievements!

  Noong una nga niyang linggo dito sa Pinas, never siyang lumabas sa forbidden room niya. Anong dahilan? Ayaw lang naman niyang makasalumuha ang mga mahihirap na chimays dito sa mansion. Ang matandang butler pa na si Mike ang naghahatid sa kanya ng makakain tuwing breakfast, brunch, lunch, meryenda, dinner at pati midnight snacks! Tsk tsk Pobreng matanders! Hindi nakaligtas sa bagsik ng bratinellang prinsesa.

   Mabuti nalang na sa ikalawang linggong pananatili niya sa kanyang sanktuwaryo ay milagro ring pinasyalan siya ng dalawang frienemies niyang galing din ng America. Mike's savior! Dahil napilit siya ng mga bruhang ito na lumabas na at tinakot pa siya ni Gazchela na gagawin daw siya nitong kontrabidang Bampirang Zombie sa susunod na nobela dahil sa namumutlang complexion niya. Ayan ang napapala niya sa pagkukulong sa four cornered room niya!

''Do I look like want to meet those poor, stinky and lower than the rats people?! Hindi ko naman na ikagaganda ang pakikipag-kilala sa kanila dahil talagang maganda na ako.''

  Naningkit ang mga mata niya nang mapansing tumikhim ito. 'Why? Stupid dirty old man! Maganda naman talaga ako ah!' gusto niya sanang idagdag pa.

''It's an order from your mom, Señorita. And you had no choice but to do it.''

''When I said no, NO! Ako ang nasa harapan mo kaya ako ang sundin mo!'' singhal niya dito.

- - - - -

''...AND here are the scholars of the Bayza-Fortaleza Corp, Señorita. Sina Jane, Lyn, Jensen, Mikoy, Aldrin, Mary...''

   Lantarang inikutan niya ng eyeballs si Mike na busy sa pag-i-introduce sa kanya isa-isa ang mga empleyado at ilang mga taong natulungan ng kanyang pamilya. She hates where she is now! A function room with full of poor, stinky and lower than the rats people she don't even know! Eeewness overload!

  Kung alam lang ng pobreng matandang ito na ilang beses na niya itong minura sa lahat ng sulok ng braincells niya. Anong karapatan nito na ipakaladkad siya sa mga men-in-black upang madala lang siya rito? Then she snap her fingers out of the blue. She knew it! Pakana nanaman ito panigurado ng mommy niya. What is she cooking? At mukhang siya ang main rekado!

  Nagtagis lahat ng red at white blood cells niya! There's no one in this world would dare to manipulate her. Not even her mother! Alam niyang may mali siyang nagawa way back in America pero hindi sapat na dahilan iyon para parusahan at manipulahin nito ang buhay niyang young, wild and free.

  'This can't be!' sigaw niya sa isip niya. Tumayo siya sa kinauupuan at mabilis na nilakad ang pinto ng function room na iyon. Kanina tila isa siyang literal na prinsesa na nakaupo sa kanyang trono na nakaharap sa buong nasasakupan niya pero ngayon isa na siyang runaway princess brat. She needs to get away... away from this bunch of people and most importantly, to her mother's manipulation.

   Rinig niya ang pasigaw na pagtawag sa kanya ni Mike. As if naman lilingunin niya ito! Akma na sana niyang bubuksan ang pintuan palabas ng kwartong iyon nang bigla nalang itong magkusang bumukas at tumama sa kaniya. Halos tumilapon siya at mapahiga sa malakas na impact na dulot nun.

''Yow! Medyo late pero at least nakaha--- Luh! Bakit may patay na babae dito?''

   Isang lalaking naka-polong puti at kupas na jeans ang inuluwa ng pintuang iyon.  Kung hindi lang siguro dahil sa pang-mahirap na suot nito ay iisipin niyang isa itong dugong-bughaw at napaka-gwapong nilalang na inuluwa ng pinto ng langit. Lumapit ito sa kinahihigaan niya at walang pakundangang marahang hinaplos at tinapik-tapik ang pisngi niya. 'What is he doing? Darn it! Wish ko lang na nag-alcohol muna ito!'

''Uuuuh...'' napaungol siya sa hindi niya alam kung dahil ba sa kumikirot ang ulo, mukha at pati katawan niya o dahil ba sa hindi maipaliwanag na elektrisidad na dumaloy mula sa simpleng pagdampi lang nang medyo may kagaspangang palad ng herodes na ito. Maybe the latter!

''Señorita! Ayos lang ba kayo?'' rinig niyang nag-aalalang pagsigaw ni Mike sa kung saan. Kung nasa harapan niya lang siguro ito ay binulyawan na niya ito dahil sa nakaka-tangang tanong nito.

''M-miss dinudugo ka!'' may kung anong pinahid na malapot na likido ang lalaking estranghero sa kanyang ilong at ipinakita sa kanya.

  Gash! Her weakness! It doesn't take a second and she passed out.

- - - -

''WAAAAAH! Rooooseeelle! Bakit mo kami iniwan? Baaakeeet?! Huuuwaaaah! Ang bata-bata mo pa pero... pero... pero... waaaaaah! Huwag kang mag-alala, aalagaan ko ng mabuti ang bagong bigay mong stilletto at ang lappy mong si Maaaargooo. Huhuhu!''

''Is she dead?''

''Hindi! Praktis lang Gazchebels.''

''Psh. Humanda ka nang mapektusan pagka-gising niya. Ang panget mong umarte Che. Huwag mo ng maulit-ulit iyon nang kasama ako ha? Baka mapagkamalan pang close tayo.''

''Ang rude mo talagang bruha ka!''

''Childish.''

''Old maid!''

''May boyfriend ako, ikaw wala. Loser!''

''Maghihiwalay din kayo! Lolokohin mo lang din siya at pagsasawaan sa huli.''

''Bitter. Palibhasa incest ang buhay pag-ibig mo.''

''Semi-incest lang noh! SEMI! May tsansa pang maging kami, kala mo.''

''Whatever. Pakasalan mo nalang yang high heels mong mas matangkad pa sayo.''

''Isaksak ko sa pusong-bato mo ito eh!''

''Balian kita ng sternum diyan eh.''

''Pitikin ko yang--- teka! Ano ba yung sternum?! Nakakain ba yun?''

''The long flat bone in the upper middle of the front of your chest, stupid.'' singit niya sa bangayan ng mga ito.

  Kanina pa siya lihim na gising, ayaw niya lang magmulat ng mata dahil naaaliw siya sa pag-kawawa ni Gazchela kay Che-che na OA maka-react sa kalagayan niya. Jusmeee!

''Roooselle! You're alive girlfriend! Praise the Lord, hallelujah!'' tili ni Che-che.

''Amen.'' pansasakay naman ni Gazchela sa loka-loka nilang kaibigan.

''What happened to you ba? We're so worried kaya. Bigla nalang kaming tinawagan ng butler niyo na you had accident daw. So we run here immediately and see you with that bulak sa ilong.'' conyo na sabi ni Che-che.

   Automatic na nagflashback sa kanya ang nangyari kanina. 'Ang herodes na iyon! He'll pay for this!' inis na tinanggal niya ang nakapasak na bulak sa kanyang ilong. Nagmukha tuloy siyang bangkay!

''Earth to Roselle. Uso magkuwento.'' ani ni Gazchela.

''Tsk. May talent fee din ba ako gaya mo kapag kinuwento ko sa inyo?'' sarcastic na sagot niya sa mga ito.

''Edi wow!'' chorus na pasaring din ng dalawa.

   Naningkit ang mga mata niya ng bumukas ang pinto ng kuwartong pinagdalhan sa kanya kanina. Inuluwa nito ang matandang butler.

''Señori---''

''I want his profile.''

   Binigyan siya ng mga kaibigan at nang butler niya ng nagtatanong na tingin.

''That damn guy who did this to me. I want his fucking profile.'' buong paghihinagpis na turan niya.

   Wala pang tao ang nagtangkang ipahiya siya sa harapan ng madlang poor, stinky and lower than the rats people! No one not until a while ago. Pakaisipin palang niya ang nangyari kanina ay nais nanaman niyang magkulong sa apat na sulok ng sanktuwaryo niya at huwag nang lumabas forever! Ang embarassing kaya nun! She, Roselle Bayza Fortaleza? Nag-ala-circus in front of many pips at hindi lang iyon! Nahawakan din siya ng isang mababang uri na may napaka-gwapo at hindi matatawarang karisma! Oh wait! Bakit parang pinuri lang din niya ito sa huli? Kainis!

''Pero Señorita hindi po sinasadya ni Jesner ang aksidenteng nangyari kanina. Ako na po ang humihingi ng pasensya.''

''Sinadya man o hindi, napahiya parin ako! The damage is done at ngayon, kailangan ng may magbayad. Kaya ikaw tanda! Kung ayaw mong mawalan ng ikabubuhay, sundin mo ang inuutos ko. Maliwanag ba yun?'' paninindak niya dito.

  Mukha naman itong nabahagan ng buntot ng mapagtantong hindi nga siya nagbibiro. 'Try to mess up with me and your dead! Ipapahukay ko pa sayo ang mismong paglilibingan mo.'

''M-masusunod po Señorita. Bukas na bukas rin ay nasa inyo na lahat ng background information ni Jesner Hilario.'' iyon lang at magalang na nagpaalam na ito.

   Jesner Hilario. So that's the guy name. Ngumiti siya na parang may masamang binabalak. Though obviously, meron naman talaga!

''Tsk tsk. May bagong B.T nanaman si Roselle Fortaleza.'' nilingon niya si Gazchela na nagsalita. Nginisian niya lang ang sinabi nito.

''Ayan nanaman kayo sa mga initials na yan eh! Nakaka-outcast naman. Ano nanaman ba kasi yang B.T na yan?!'' paghuhurumentadong reklamo ni Che-che.

 
''Short ways to say Boy Toy Che.'' she said casually.

''Yay! Tunog interesting! Palaro rin minsan ah.''

''No way in hell sweetie. Hindi ko sine-share ang laruan ko. Especially this one.''

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...