Kleiy: Thorns Of Roses

By queenluvi

338 18 0

Roses are loved. But, how about the thorns of it? More

notenotenote
PROLOGUE
2. A Good Place
3. Hello little Girl
4. Sh1ts in disguise
5. Man Ground
6. Three is to Two
7. Something Treasurable

1. How life goes

51 3 0
By queenluvi

February 10, 2011

"KLEIY!!!" Tawag ni ina na hudyat na simula na ng panibagong araw. Tumingin ako sa labas ng bahay madilim pa ang paligid senyales na madaling araw pa lang ngunit kailangan ko nang bumangon para 'di matambakan ng gawain.

Iminulat ko ng husto ang ang antok at pungay na pungay pang mga mata. Nag unat-unat ako para magising na ang aking diwa.

"KLEIY!!! Bumangon kana d'yan naghihintay na ang balde ng labahan mo doon sa posohan pinahatid ko na doon para mauna ka sa pila. Nasa mesa ang listahan ng bilihin at pera mamalengke ka." Dere-deretsong utos ni inay.

Bababa na sana ako nang marinig kong magsalita ulit si inay.

"Ay... nakalimutan ko, may limang pares ng uniporme sa aparador mo. Plantsahin mo lahat iyon at gagamitin ng mga ate mo. Bilis-bilisan mo ang kilos!! Andami ko nang nautos pero ni anino mo ay hindi ko makita!!" Pagalit na sigaw ni inay.

Nagtungo ako sa parador at binuksan ko ito. Nakita kong nakasampay ang limang pares ng uniporme gaya ng sinabi ni inay.

Ang tatlong pares ay kay ate Jhehanne ang pinaka matanda sa aming tatlong magkakapatid. Payat, may mahabang itim at kulot na buhok. Nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang ospital sa bayan. Maganda na si ate pero mas lalo siyang gumaganda kapag suot niya ang uniporme niyang iyon.

Napangiti naman ako bago slayan ang natitirang dalawang pares nang uniporme na halatang kay ate Clare, siya ang sumunod kay ate Jhe.  Pinaka matangkad sa aming lahat, dahil do'n nakahiligan niyang sumali ng mga pageant Kikay si ate Clare kaya hindi na ako nagtataka kapag nananalo sya o nag rurunner up sa mga nasasalihang  patimpalak. Bagsak na bagsak ang kaniyang buhok at aaminin kong mas maganda siya kay ate Jhe pero mas matalino si ate Jhe kaysa sa kanya.

Nagtatrabaho si ate Clare sa isang paaralan ng dito sa Laguna. Filipino tetacher siya at ngayong taon ay kumukuha na ng masteral.

Kambal, ngunit hindi sila magkamukha ni ate Jhe. Fraternal twins daw ang tawag doon paliwanag sa'kin ni ate Jhe.

Matapos kong tignan ang mga uniporme ay isinarado ko na ang aparador ko at bumaba. Napagpasyahan kong mamamalengke muna bago maglaba, magluto, at ihuhuli ang pagpaplantsa ayoko pang mapasma e.

Dumeretso ako sa banyo upang maghilamos, pagtapos ay nagsuklay na ako para kahit papaano ay maayos akong tingnan.

Pumunta ako sa lamesa at dinampot ang listahan ng bibilhin at ang pera. Hindi ako marunong magbasa o magbilang kaya hindi ko naiintindihan ang mga nakasulat sa papel na hawak ko ang pera naman ay hindi ko din alam kung ano ang halaga. Disi otso nako pero talo pa ata ako ng mga batang naglalaro sa lansangan.

No read No write daw ako sabi ni ate Clare dahil wala akong alam na kahit ano, ultimo numero at letra ay nalilito ako. Gustuhin ko mang mag aral ay ayaw akong payagan ni nanay, sayang lang daw ang oras na gugugulin ko sa pag-aaral mas makakatulong daw ako kung tutulong ako sa kanya sa mga gawaing bahay.

Itinuro sa akin noon ni inay ang isang pwesto sa talipapa kung saan ay doon kolang daw ibibigay ang listahan at pera. Sila nadaw ang bahalang umasikaso at kumwenta ng babayaran ko. Kaya kahit wala akong alam e makakapamili pa din ako.

Bagaman isang beses lang akong sinamahan ni inay ay natandaan ko lahat ng dadaanan ko, sabi ni ate jhe Photographic memory  daw ang tawag do'n. Sayang lang daw at hindi ko sya magamit ng husto, malaking tulong daw ito sa'kin kung sakali.

Kinuha ko din ang bayong malapit sa pinto na paglalagyan ng mga bibilhin ko. At tsaka ako nagpaalam na kay inay.

Nilakad ko lang ang ang daanan papuntang talipapa dahil sa ganito kaaga ay wala pang tricycle o kahit anong masasakyan papunta sa palengke.


Nang makarating ko ang palengke agad kong tinungo ang  pwesto na pinamimilihan ko. napansin kong iba ang batay doon, mukha itong bago dahil hindi ko pa s'ya nakita noon dito. Isang matangkad, payat pero may hubog ang katawan na lalaki ang nakita ko sa pwesto. Hindi ganoon kabata ang itsura niya ngunit hindi rin matanda. Sa tansya ko ay kaedaran nila ate.

"Nasaan ho si aling Pasing?" tanong ko sa kanya.

Tinitigan n'ya muna ako bago nilapitan. "Ah, miss... wala kase si mama may sakit kaya ako ang nagbabantay ngayon"

Anak pala siya ni aling Pasing. Magkamukha naman sila pero baka sa ama nito siya nagmana nang pagiging magandang lalaki. HAY NAKO ka naman KM namamalengke ka at hindi kumekerengkeng.

"Ah, miss?" tawag n'ya na umagaw sa atensyon ko "Ano bang bibilhin mo?

"Ah, heto." Sabay abot ko sa kanya ng listahan at bayong. Iaabot ko na sana ang bayad ng tumalikod na s'ya agad saakin at dumampot ng mga paninda n'ya. Lahat ng maadampot ay nilalagay n'ya sa bayong na dala ko.

Nang narating n'ya ang dulo ng listahan ay kinuha n'ya ang calculator at kwinenta ang mga nasa listahan.

"Miss, 249 lahat pero 240 nalang para sa'yo maganda ka naman e. Hehehe." Nakangiti niyang sambit saakin.

Ngumisi ako ngunit sa loob-loob ko ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya Ano ang 249? Lalo na ang 240. ANO ANG MGA IYON?! HINDI KO ALAM!!

Natataranta na'ko sa isip-isip ko, bumubilis na ang aking paghinga bumubigat na din ito. Nahalata ata ako ng lalakeng iyon kaya hinawakan n'ya ang magkabilang braso ko.

"Miss? Bayad mo miss." Nang marinig ko ang salitang bayad ay iniabot ko sakanya ang perang dala ko hindi ko alam kung magkano iyon basta ko na lang inabot.

"Miss... wala... ka bang barya?" tanong niya habang may kinakalkal sa isang arinola.

"H-ha?... W-wala.... 'Yan lang ang binigay sa akin ni inay" nauutal kong sabi. Bakit ba ang daming hinahanap ng lalaking ito puros hindi ko naman maintindi lahat at hindi ko din alam ang mga iyon!!

"ah, ganon ba... 240 lang kasi ang babayaran mo pero 500 pesos ang ibinigay mo kulang pa ang panukli ko" napangiwi at napakamot ang lalaki sa batok habang sinasabi iyon.

"Ha??? Hindi kita maintindihan..." sagot ko sa lalaki.

"Ulitin ko ha, 24--"

"N-no read no w-write ako... K-kaya hindi kita maintindihan" Pahina nang pahina kong sabi sa lalaking nasa harapan ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at halatang nagulat sa isiniwalat ko. Marahil ngayon at alam na niya kung bakit ganoon ako kung mamalengke. Sana matapos na at hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya 'pag humaba pa ang usapan namin.

"Maganda nga, bobo naman. Tsk. Tsk. Tsk." Umiiling niyang sabi. Pabulong ito ngunit kahit mahina ay narinig ko pa rin ito.

Lalo akong napatungo sa sinabi niya. Hindi na lang ako sumagot dahil gusto ko nang umalis dito. Para akong lalamunin ng lupa sa hiya at nerbyos.

Nakita kong may inilagay s'ya sa bayong ko. Nakangisi s'ya bago n'ya ito inabot sakin.

"eto na ang mga pinamili mo. Yung sukli nasa loob ng bayong." Sabi niya ng nakangisi pa din at tsaka ako tinalikuran.

"Ah, s-sige salamat!" nakangiti kong tugon bago umalis. Siguro yun yung nilagay n'ya.

Naglakad muli ako pauwi ng bahay. 'di gaya kanina ay medyo maliwanag na ngayon ang nilalakadan ko. Pagpasok ko ng bahay ay Nakita ko si inay na nanonood ng TV. Balita palang ang mapapanood n'ya pero wala s'yang ibang magawa dahil sarado pa ang pasugalan ni mang Domeng.

"Nandito na ho ako nay." Malumanay kong sabi.

"Nasaan ang sukli? Iyang mga pinamili mo, ilagay mo nalang d'yan sa lamesa" sabi niya habang ang buong atensyon ay nasa pinapanood n'ya padin.

"Nasa bayong ho inay." Inilapag ko sa mesa ang pinamili ko.

Lumabas na'ko ng bahay at tumungo sa posohan may kaunting layo ito mula sa bahay. May supply naman ng tubig sa amin pero ang gusto ni inay ay dito ako maglaba para daw tipid sa konsumo at bayarin.

Nang marating ko ang posohan may may iilan nang nakapila kaya dali-dali akong pumwesto para matapos na agad ang labahin nang makapagsimula na ang ibang napila.

"KLEIY!... KLEIY!..." magbabanlaw na'ko ng marinig ko ang sigaw ni nanay sa hindi kalayuan. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil bakas ang pagkainis sa boses ni inay.

"Kleiy! Ang sabi mo e nasa bayong ang sukli?! E wala naman do'n e!!" galit na sabi ni inay. "Ano ang binili mo ng sukli ha?!. Sagot!! Saan mo dinala ang sukli Kleiy!" dagdag pa n'ya.

"Hindi ko ho ginastos ang sukli nay. Ang sabi ho ng bantay e inilagay n'ya daw ho sa bay-

"ETO?!.. PISO?!... Etong piso na ito lang ang isinukli sa iyo? Limag daan ang dala mo, at higit sa dalawang daan lang ang babayaran mo tapos piso lang ang sinasabi mong sukli na nasa bayong?!" magkahalong galit at iritang sigaw ni inay sa pagmumukha ko.

"Ganoon na ba kalabo ang mata ni pasing? Naku po naman! Katandaan. Hindi na lang nagsara!" sambit muli ni inay nang hindi nagbabago ang emosyon.

Doon ko naalala na hindi si aling pasing ang bantay. Yung anak n'ya! Tama!! S'ya nga!!!

"Inay!" tawag ko sa kan'yang atensyon. "H-hindi ho si aling pasing ang nagbabantay sa pwesto kanina nang mamili ako. A-anak ho ang pakilala sa akin nung bantay."

"ANO??! Si Gerald?! Hay ang manggagantyong 'yon talaga kahit kelan salot. Isa ka pa! sinabi mo ba sa kanya na bobo ka?!" galit na sambit ni inay.

Tuluyan na'kong napaiyak dahil kay inay.  "A-andami n'ya po kasing tinatanong inay. H-hindi ko naman po alam ang isasagot kaya s-sinabi ko pong N-no read No w-" 

"E'di sinabi mongang bobo ka!! KAHIT KELAN TATANGA-TANGA KA! Bobo kana tanga kapa!!!" deretsong sabi ni inay sabay kuha sa balde ng tubig kung san nakalagay ang aking mga nilabhan at walang alinlangang binuhos iyon sa akin.

Napakalamig!! Nangatal ako sa sobrang lamig ng tubig. Lalo naman akong naiyak ng makitang ang pinaghirapan kong kusuting mga damit ay nasa sahig sa paligid ng posohan.

"Sa susunod... Pag hindi si pasing ang bantay huwag ka nang bumili umuwi ka na lang wala ka namang magagawa dahil bobo ka! Hayan ulitin mo yan at sigurado akong marumi pa ang mga yan magkaanghit pa ang susuot!! Bilisan mo madame ka pang gagawin!!!" pagalit na Singhal ni inay sa akin.

"Aling Gina mawalang galang na ho," tawag sakanya ng isa sa mga kapit bahay naming nakapila para gumamit ng poso. "May tubig naman po kayo sa inyo bakit dito n'yo pa po pinaglalaba ni KM?" tanong n'ya kay inay "malayo ho ito sa inyo mapapagod po ang bata. Isa pa andami na po naming nakapila dito kung magtatagal pa s'ya d'yan e baka mamaya buong bayan na ang nakapila dito."

"Ano ba'ng pake mo? Ha?! Anak mo?! Ikaw nagpapalamon?!" tuloy-tuloy na tanong ni inay. Hindi pa din nawawala ang galit sa boses nito.

"Kleiy! Ulitin mo na yan. Ayusin mo ha! At Bilisan mo lumalaki bunganga ng kapit bahay sa bagal mo!" yun lang at tumalikod na s'ya at lumakad paalis. Baka kukunin n'ya dun sa Gerald ang inumit n'yang sukli ni nanay.

Gaya nang inutos ni inay ay inulit ko ang mga damit nanalabhan ko na. Nang masampay ko na ang mga iyon ay umuwi na'ko. Naligo muna ako bago ginawa ang iba pang naiutos ni inay sa akin. Paglabas ko ng banyo ay nagluto na'ko nang agahan. Nang matapos akong maghanda ay nagtungo na'ko sa kwarto ng mga ate ko.

"Ate Jhe... Ate Clare... Gising na ho kayo. Handa na ang agahan." Sabi ko habang kinakatok sina ate.

Ilang saglit pa ay lumabas na silang dalawa. Halatang kakagising lang dahil sa magulo pa ang kanilang ayos. Hati lang sila sa kwarto, hindi dahil sa mahirap kami. Sa katunayan ay may 5 apartment na pinauupahan si inay, kaya lang sila hati sa kwarto ay dahil may Anxiety si ate Clare, hindi naman  kami magkasundo dahil ayaw n'ya sa akin sapagkatl iba daw ang aking ama at rapist pa! Si inay naman ay laging wala at nasa sugalan. Bukod sa si ate lang ang kasundo n'ya eh maaalagaan s'ya ni ate ng maayos.

"Salamat sa paggising, halika na at sabay-sabay na tayong mag almusal. 'Pag 'di ka pa kumain ngayon ay malamang tira ng tanghalian o hapunan na ang makakain mo." Sambit ni ate Jhe. S'ya lang ang bukod tanging nagmamagandang loob at hindi ako tinuturing na iba kundi kapatid.

Inaaya n'ya akong sumabay na sakanila dahil maaaring matagalan bago ako makakain na s'ya naming tunay. Laging nasa sugalan si inay, bawal akong mangealam ng pagkain hangga't hindi n'ya iniuutos.

Nagugutom na'ko pero andami ko pang kailangang gawin. "Ah... Hindi na ate. Mamamplantsa pa ako ng mga uniporme n'yo kayo n-" hindi na'ko natapos dahil hinila na ako ni ate Clare paupo sa hapag.

Inasikaso ni ate Jhe ang aking kakainin. Nang patapos kaming mag-agahan ay nag ayos na sila para pumasok buti na lang ay may mga uniporme pa silang masusuot kaya hindi ko na kailangang madaliin ang aking mga gawain. Nang makaalis sila ay nagsimula na akong mag imis ng kinainan, hinugasan ko ito at maingat na sinalansan. Agad ko namang sinunod ang pamamalantsa ng mga unipormeng nasa aparador.

Nakakapagod pero, wala eh. Ito lang ang maiaambag at pakinabang ko sa pamilya namin kaya gagawin ko ito ng bukal at taos puso.

| Kayka |•

Continue Reading

You'll Also Like

39.2K 75 10
just a bunch of random one-shots of smutt🤭
1.1M 55.1K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
14K 1K 11
تُـكبلنا الحياة فـ تُجبرنا على إرتكاب المعاصي و الآثام التي لا تُـغتفر ، كـ إثم إرتكبه فـيـرو في فتاة شابة ظنا منه أنه مجرد خطئ عابر ، لكنه جاهل تمام...
113K 4.2K 23
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !