Book 1: Befall of the Crown [...

Von drowsybeast

2.9K 114 19

Book 1/3 (Trilogy) Calista Alteza Real, the Princess of the Kingdom called Solis in another term, the "Sun"... Mehr

Foreword
The Beginning
Chapter 1: Royal Announcement
Chapter 2: Princess of Solis
Chapter 3: Regaining Memories
Chapter 4: Open Portals
Chapter 5: World of Faeries
Chapter 6: A Man's vow
Chapter 8: Prince of Lux
Chapter 9: Worthy of Power
Chapter 10: Prove Thyself
Chapter 11: The Witch's Daughter
Chapter 12: Portum Kingdom
Chapter 13: The Great Escape
Chapter 14: The Queen's Destruction
Chapter 15: Aetheres Kingdom
Chapter 16: Spirit Demon
Chapter 17: Azure's Necklace
Chapter 18: Night Terrors
Chapter 19: Night Terrors (2)
Chapter 20: Prince Caspian
Chapter 21: Memory of Shadows
Chapter 22: Gaze Upon the Surface
Chapter 23: Beyond The Boundary
Chapter 24: The Scorching Sorcerer
Chapter 25: The Horizon
Chapter 26: Pitch Black
Chapter 27: Snow Storm
Chapter 28: Winter Solstice
Chapter 29: Rising Dawn
Chapter 30: Face of a clock
Chapter 31: The Stumbling King
Chapter 32: Royal Chaos
Chapter 33: An Eye for an Eye
Chapter 34: Hold the Fire
Chapter 35: Befall of the Crown
Epilogue

Chapter 7: The Bright Light

80 4 0
Von drowsybeast

Namangha ako nang hugutin ni Percy ang espada na ginawa ni Harmony at napansin ko agad ang itim nitong blade na kumikinang. Hindi lamang itong pangkaraniwang disenyo kundi isang mataas na kalidad ng materyales ang ginamit para mabuo ito.

"Lalagyan sana pa namin ng isa pang mana stone pero yung materyales na nakuha ni Reynold ay may sapat na mana holder kaya mas sinimplihan ko na lang ang disenyo at pinatibay ang blade tulad ng gusto mo. Halos dalawang buwan namin 'yan ginawa kaya mataas na presyo," paliwanag ni Harmony at hindi ko matanggal ang tingin ko sa espada sapagkat iba ito sa ginagamit ng mga normal na swordsman. Hindi ko alam na marunong pala nito.

As expected, there's really powerful mana energy from the sword.

"Magkano?"

"Three hundred crystallis," tugon naman ni Reynold at nanlaki ang mga mata ko na mura pa ito sa inaaasahan ko. The sword that Percy wielded was nothing from a regular sword I've ever seen and a royal guard's sword was worth two million crystallis but this is really cheap for a high quality product.

Agad na kumuha ng isang malaking supot ng pera mula sa bagahe na dala ni Percy at inabot agad ito. "Make it four hundred, additional tip." kalmadong sabi niya pa at napalakpak sa tuwa si Harmony na wala nang balak pang tanggihan ang karagdagang bayad.

"Aalis na kami," sambit ni Percy.

"HA?! Bakit hindi na lang kayo manatili dito hanggang bukas?"

"May nakasalubong kami na incubus," seryosong tugon niya nang tumabi na muli sa akin.

"Ah, that goddamn demon. He will be captured soon, Seige was on the watch, kaya magpahinga na lang kayo dito." pahayag pa ni Harmony at agad na hinatak ako saka umangkla sa braso ko.

"Gusto ko pa makausap ang kasintahan mo!" pagpupumilit niya pa at umiling si Percy. Bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi siya tumutol sa sinabi ni Harmony at nagsalita.

"Masyadong delikado para sa kanya kung magtatagal pa kami dito, babalik na lang kami ulit kapag nahuli na ang bawat incubus na nandito." Pakiramdam ko ay namumula na buong mukha ko sa mga sinasabi ni Percy at hindi ko mawari ang nararamdaman na ito. Halu-halong emosyon ang hindi ko mailarawan habang nakatingin kay sa kanya.

"Sige na nga, kumain na lang muna kayo dito bago umalis, sakto nagluto ng marami ngayon si Reynold kaya maghintay lang tayo pa ng kaunting oras." pagsuko ni Harmony at bumaling sa akin.

"Ayos lang sa'yo, hindi ba, Calista?" Tumango ako at ngumiti.

Pagkatapos naming kumain, marami akong nalaman patungkol kay Percy dahil sa mga kinukwento ni Harmony na panay na inaasar siya. I can see that their friendship was meaningful and strong, parang naalala ko sila sa kung paano ako ituring ni Aldous bilang isang matalik na kaibigan. We were once like that, but in a blink, we became strangers to each other. I miss it.

"Pahiram ng kabayo," sabi ni Percy kay Reynold at lumabas na agad sila. Tinulungan ko naman si Harmony sa mga hinanda niyang maliit na pabaon sa aming lakbayin papunta sa Lux dahil medyo malayo pa iyon mula dito.

"Calista, mag-iingat kayo doon ha? Alam ko naman na manlalakbay talaga 'yang si Rufus kaya masisigurado ko na hindi ka niya pababayaan, pero mahaba-habang lakbayin pa ang tatahakin ninyo kaya ipapanalangin ko ang kaligtasan ninyo." Sinserong saad niya at niyakap niya ako bigla. I feel warm for the longest time, I feel light.


"Sa maiksing oras na nakasama kita, parang halos ilang dekada na kitang kilala. You have a good soul, Calista." dugtong niya pa at halos maluha ako sa kanyang mga sinasabi.


"Let's meet again soon."  bulong ko at kumalas na kami sa yakap.


Inabutan na kami ng gabi nang matagpuan namin ang kuweba na pananatilihan muna namin para magpahinga. Kumuha ng mga kahoy si Percy at gumawa ng apoy para hindi kami malamigan. Nilatag ko naman ang mga kumot na pinadala sa amin ni Harmony at umupo doon. Napatingala ako nang lumapit sa akin si Percy at nilagyan ako ng makapal na balabal sa likod ko.


"Pwedeng maupo?" tanong niya at tumango naman ako.


"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya pa sa akin.


"Saan?"


"Sa mundo. Sa mga kakaibang nilalang na hindi mo pa nakikita buong buhay mo," aniya.


"I'm not scared anymore, I mean, I feel like I won't need to worry too much now that I have someone who I can trust myself with. Niligtas mo ako, at alam ko na kung anuman ang makita ko pa sa mga susunod na araw, hindi iyon katumbas ng takot ko noong nakasama ko si Alice. She's the real monster," Niyakap ko ang aking mga tuhod at tumingin sa kanya.


"Ikaw? Saan mo nakuha ang lakas loob na maging manlalakbay?" tanong ko naman sa kanya.


"I'm just good at running away, walang espesyal doon." Kalmadong tugon niya na tila alam na niya sagutin lahat ng mga susunod na tanong.


"I disagree. You are stronger than what you think. Sa tingin ko, matagal-tagal pang panahon bago ko piliin na ikutin ang mundo, kasi hindi mo alam kung anong bubungad sa'yo e. There are a lot of uncertainties but it seems like you were brave enough to face the unknown." Sambit ko sa kanya.


"Just who are you, Percy Radcliff? Ano pang mga bagay ang tinatago mo sa akin?" Tanong ko sa kanya at nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko saka tumawa.


"Matulog ka na, antok lang 'yan."


♡♡♡

Napatingala ako sa malaking entrada papasok ng bayan ng Lux. Mula sa malayo, nakikita ko na agad ang pinakamataas na kastila sa madilim na kalangitan. Mabuti na lang dahil tinulungan kami ng mga sprites, kaya hindi naging mahirap ang aming lakbayin na halos inabot lang ng dalawang araw.

"Magpahinga muna tayo sa isang Inn, saka tayo bumisita sa hari," pahayag ni Percy at napatango naman ako. Pagpasok namin, may narinig agad akong musika at mga maliliwanag na lantern.

Madaming mga tindahan sa iba't-ibang direksyon, hindi ko mapigilang mamangha sa mga nagsasayawan sa gitna ng kalsada. Ang iba ay sumasabay sa ritmo ng kanta sa pamamagitan ng pagpalakpak ko kaya pagtalon sa agos ng musika.

Anong okasyon ngayon?

Mayroong lumapit sa aming matandang lalaki na may hawak na mga bulaklak.

"Para sa magandang binibini," wika nito at napangiti naman ako nang tanggapin ko ito.

"Maraming Salamat, ano pong okasyon ngayon?" Tanong ko at mahinang napatawa ang matanda.

"Walang okasyon, ganito ang ganap gabi-gabi sa kaharian ng Lux. Mga taga-kabilang ibayo kayo ano?" Tumango naman ako sa kanyang tinanong.

"Sige, magsaya kayo," kumaway ako sa kanya bago ito umalis sa aming harapan. Tumingin ako kay Percy, na malumanay lang na naglalakad kasama ko. Sa dalawang araw na paglalakbay namin papuntang Lux, gumaan at naging komportable na ako sa kanyang presensya.

Naalala ko bigla yung gabi kung papaano niya ako ulit sinagip.

"Calista," bumaling ang atensyon ko sa kanya at nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin.

"Hmm?" Itinaas niya ang kanyang isang kamay at humawak sa kanyang batok saka umiwas ng tingin.

"Gusto mo bang mamasyal muna bago magpahinga?" Gumuhit sa aking labi ang ngiti at marahan na tumango. Hinawakan ko ang kanyang pulso saka tinuro ang bentahan ng mga candy apple.

"Bilhan mo ako 'non!" Hinatak ko siya papunta sa maraming tao at nakisali sa saya. Maraming mga batang naglalaro, mga matatandang humahalakhak, at mga namimigay ng panyo na may nakaburdang pangalan ng Lux.

"Punta tayo don," suhestiyon ko sa sayawan. Umiling naman siya, "Hindi ako sumasayaw," sabi niya at napasimangot ako.

"Dali na, sumayaw na tayo!" Pilit ko siyang hinatak at wala na siyang nagawa kaya nagpadala na lang ito.  Sumasayaw ang mga tao ng Avalon dances, na may halong nakakatuwang liriko na nagsasaad ng panalo sa isang gyera.

Sumama na ako sa daloy ng mga taong pumapaikot at nakisayaw sa mga tao doon, hindi pa din sumama si Percy at pinapanood lang ako. Inilahad ko ang aking kamay bago ulit nagbago ng posisyon sa pagsasayaw.

"Tara na!" Pag-aaya ko at bago ko pa man mahawakan ang kanyang kamay ay may umagaw sa kanyang babae na kasama din sa sayaw kaya napasimangot ako at inignora na lang iyon.

"C'est la vie!" Sabay-sabay naming bigkas sa kanta at pumalakpak na halong indak sa musika.

Napatingin naman ako sa pwesto ni Percy na mukhang natutuwa sa presensya ng mga dalaga. Muntik ko nang makalimutan, gwapo at matipuno pala nag tayo ni Percy kaya hindi ako nagtaka kung bakit nakatitig sa kanya ang mga babae dito sa bayan.

Agaw-pansin e.

Nang matapos ang kanta, nagsigawan ang mga tao sa saya at nagpalakpakan. Hinanap ko si Percy dahil nawala siya sa paningin ko, nagpalinga-linga ako at pagyuko ko, mayroon akong nakitang pamilyar na porselas na mayroong pendant na hugis bilog.

Pinulot ko ito, "Akin 'yan," napatingala ako sa lalaking nagsalita, "Ito," sabay abot ko sa kanya.

"Salamat," wika niya at napatango ako. Pamilyar yung mukha niya, parang si..

"Calista," lumingon ako nang hawakan ako ni Percy sa aking pulsuhan. Binalik ko ang aking tingin sa lalaki at nawala na ito sa harapan ko.

"Saan ka ba nagpunta?" Kumunot ang noo ko at tinaasan ng kilay si Percy.

"Aba't-"

"Akala ko nawala na kita," pagputol niya. Inirapan ko siya at kumalas sa kanyang pagkakahawak.

"Abala ka kanina ah, hindi ba? Parang kasalanan ko," anas ko naman.

"Huwag ka nang aalis sa tabi ko," napatigil ako sa kanyang sinabi at umiwas na lang ako ng tingin habang nakasimangot.

"Oo na," naglakad na kami at umalis sa grupo ng mga tao papunta sa pinakamurang Inn na matutuluyan namin.

"Isang kwarto na mayroong isang kama na lang ang natitira," saad ng babaeng nasa bayaran ng inn. Nagkatinginan kami,

"Sobrang dilim na sa labas, hindi na tayo makakahanap ng iba pang inn," ani ko.

"Sige, kukunin namin," tugon ni Percy sa babae at nagbayad ng limang crystallis. Paglayo namin, may narinig kaming kausap ulit ang babae na may-ari ng inn.

"Isa na lang ang natitirang kwarto," napatigil ako sa kanyang sinabi at akmang balikan ang babae pero agad akong pinigilan ni Percy.

"Tara na," Ang daya ng babae! Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi ko mapigilang magreklamo.

"Anong uri ng pagpapatakbo ng negosyo? Nagsinungaling siya sa atin, tapos ngayon-" napatigil ako sa pagsasalita nang tignan ko si Percy na nagpipigil ng tawa.

"Anong nakakatawa?" Masungit kong sabi at napailing na lang siya sa inasal ko.

"Para 'kang nagpaplano ng gyera sa pagitan ng may-ari ng inn na 'to," saad niya.

"E totoo naman kasi, nagsinungalin-"

"Stratehiya iyon para mas makatanggap siya ng maraming pondo sa tinayo niyang negosyo," Bakit ang hilig niyang putulin ang mga sasabihin ko?

"Hindi din maiiwasan na ganoon ang takbo ng isip ng isang tao, walang santo, Calista." Dagdag niya pa at itinikom ko ang aking bibig nang makapasok kami sa kwarto.

May isang lamesang kahoy at isang kama lang.

"Matutulog na lang ako sa sahig," sambit niya. Bigla naman akong nakonsensya, dahil magmula nang mapadpad ako sa kanyang bahay sa Solis, lagi siyang natutulog sa sahig.

Masakit na siguro ang kanyang likuran.

Manipis lang ang higaan pero hindi naman sasakit doon ang likod kapag nakahiga. Hinatak ko ang dulo ng tela ng kanyang damit.

"U-Uhm, ano," lumingon siya at nagtama ang aming mga mata.

"Pwede namang maghati na lang tayo sa kama, tutal, mahaba-haba ang naging lakbayin natin mula sa Solis," suhestiyon ko.

"Malawak naman ang kama, kung ayos lang sana sa'yo," kahit papaano, marami na ding nagawa siya para sa akin.

"Sige," sabi niya. Marahan naman akong tumango at awkward na tumawa sa harapan niya. Nagpanggap akong humikab at tumalikod sa kanya.

"Una na 'kong matulog!" Tinatago ko ang pagkataranta sa boses ko at gusto kong sampalin ang sarili ko sa aking sinabi.

Gusto ko na lang magpakain sa lupa.

Humiga na ako at inabot ang kumot saka tinakluban ang aking sarili, mariin akong napapikit dahil sa kahihiyan.

Bakit ko siya inaya ng ganoon?! Nakakahiya, parang kinain ang dignidad ko bilang prinsesa, ang bilis ng tibok ng puso ko! Pakiramdam ko sasabog ito sa malakas nitong pagdagundong.

Naramdaman ko ang presensya niya nang makahiga na din siya sa tabi ko. Parang nakikiliti ang tyan ko, na pinapalibutan ng paru-paro.

"Goodnight, Calista." Mahinang saad niya.

Papaano ba ako makakatulog ng mahimbing?

▫️▫️▫️

Inimulat ko ang aking mga mata. Mabuti na lang nakatulog ako ng-Bloodyhell. Halos lumabas ang eyeballs ko dahil sa gulat, bakit, paano, anong..

Nakayakap ako kay Percy na payapang natutulog! Nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang at pagtingala ko, nagtama ang tungki ng aming mga ilong.

Masyadong malapit!

Ang amo ng kanyang mukha, parang sanggol sa sobrang payapa ng kanyang pagtulog. Ganito pala ang pakiramdam na ligtas ka sa bisig ng isang tao.

Dahan-dahan akong pumahiwalay sa kanya dahil ayokong sirain ang kanyang pagtulog. Sobrang napagod talaga siya sa paglalakbay namin kaya gusto ko sanang bumili ng makakain namin bago siya magising.

Napasinghap ako ng makaalis ako ng matagumpay at saka sumilip sa bintana. Mayroong malapit na bentahan ng tinapay. Mabuti na lang maaga pa kaya paniguradong bagong luto ang mga iyon.

Bumaba ako para bumili ng tsaa at tinapay para sa aming almusal.

Pagbaba ko, maraming nagbubukas pa lang ng mga tindahan at kakaunti pa ang mga taong dumadaan.

"Magandang umaga, binibini," saad ng babae na nagbabantay sa kanilang panaderya.

"Magandang umaga," ngumiti ako at tinuro ang tinapay at tsaa.

"Anim na tinapay at dalawang tsaa," saad ko at tumango naman siya saka kumuha ng lalagyan ng bibilihin ko. Nag-abot ako ng tatlong crystallis.

"Saglit lang, kukuha ako ng panukli." Tumango naman ako at naghintay.

Habang naghihintay, may nakita akong babae na nadapa bigla kaya lalapitan ko sana pero mayroong bumuhat sa kanyang lalaki.

"Ayos ka lang?" Tanong nito sa bata.

Napaawang ang aking labi nang makilala ko ito. Bakit siya nandito?

"Aldous," pagbigkas ko ng kanyang pangalan nang lingunin niya ako.

♡♡♤

A/N: Here's Aldous:DDD

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
10.4M 478K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
188K 8.5K 57
To obtain peace and harmony, the people of Zoidion are divided into twelve zodiacal regions: Aries, Taurus, Gemini, Cancer, Leo, Virgo, Libra, Scorpi...
1.6K 73 12
Bandits? Criminals? Martial Artists? Vagabonds? That's the normal citizens of Agrona. Kahit saang kanto ng lugar ay may away at patayan, nakawan at s...